JB5: Set Me Free, Mr. Busines...

By biisool

2.2M 108K 33.5K

Juariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng p... More

Juariz Bachelors 5
Neil Francis Juariz
Tyga Xerxes Mondejar or Mason Flynn Schmidt
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
Epilogue
THANK YOU, EVERYONE!

21

36.3K 2K 710
By biisool

Tyga Xerxes Mondejar

"Daddy!"

Parang kiti-kiting kumawala si Frank mula sa akin pero hindi ko siya hinayaang makawala.

"Our son?" Nakita kong nagtaas ng kilay si Mr. Right habang tinatanong iyon.

Sinamaan ko ng tingin si bossing na kasingsama rin ang tingin sa amin. Tumingin ako kay Mr. Right at saka pilit na tumawa. "Ah, haha, k-kaibigan ko kasi siya. Ano, pinagtri-tripan lang niya ako. Sige ha? Una na kami. Babye!"

Nagmamadali akong lumayas sa kanyang front row kemberlo at saka hinila papaalis sa lugar na 'yon si bossing. Nagmatigas pa siya noong una pero agad ding sumama sa akin nang hampasin ko siya sa braso niya.

Marahas kong binitiwan ang kamay niya nang makalayo kami sa future banana ko. Wala masyadong tao dito kaya malaya kong mailalabas ang hinanakit ko.

"Ba't ka ba nandito?!" Ang naiinis kong tanong sa kanya.

"Sino 'yon ha?! Lalaki mo ba 'yon, Mondejar?!" Ang sa halip ay tanong niya sa akin. Magkasalubong ang mga makakapal niyang kilay at lumalaki rin ang mga butas ng kanyang ilong. Para siyang toro na handang-handa makipag-warla sa future bananabels ko.

"Oo sana kung hindi ka lang epal. Ba't ka pa sumunod sa amin? Na-boryo ka na ba sa babae mo ha?" Ang taas kilay kong tanong sa kanya na mas lalo lang yata ikinasira ng fezlak niya. As always, chopopo pa rin ito. Kahit ma-dislocate pa yata ang ilong niya chopopo pa rin siya.

"W-What the fuck are you talking about? Wala akong babae. Ikaw nga 'tong may lalaki sa atin."

"Share mo lang? Wala akong pake kung may babae ka o wala no. Tabi nga!" Inirapan ko siya saka sinadyang banggain ang balikat niya nang dumaan ako sa kanyang tabi.

Pero hindi pa man ako nakakalayo nang hilahin niya ako pabalik gamit ang laylayan ng damit ko. "Ano ba?!"

"Saan ka pupunta. Nandoon si Gavin." Itinuro niya ang kabilang direksyon kaya napatikhim ako.

"Charot, doonez pala."

Hinila ko mula sa kanya ang damit ko at saka naunang naglakad papunta sa tricycle.

"Saan kayo nagpunta? Hindi ko kayo nakita sa parke kanina." Ang tanong ni Gavin nang makasakay kami sa motor.

"Lumandi pa kasi sa lalaki niya," ang sabat ng amo kong may sapak sa utak.

Umuga pa ang sasakyan nang maupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka dito umupo? Doon ka nga sa likuran! Kailangang balansehin ang bigat ng mga sumasakay dito." Sinubukan ko siyang itulak palabas pero ano ba namang kalaban-laban ng mga buto ko sa katawan niyang siksik sa laman.

"Shut it. I'll sit wherever I want to, Mondejar. Akin na ang bata baka maipit diyan."

"Maiipit talaga kung diyan ka uupo. Doon ka kasi sa likuran," ang inis kong sabi sa kanya.

"Ayoko. Give him to me before we wake him up. Magmamatigas ka pa rin ba?"

Kani-kanina lang ay nakatulog ang kyotatalet sa kalagitnaan ng warla namin ni bossing. Mas inaantok kasi siya kapag maingay, idagdag pa na Pagoda

Sa huli ay siya nga ang nasunod, medyo nangangalay na kasi ako sa bigat ng kyotang si Frank kaya wit na rin nag-inarte ang lolabes ninyo. Bukas na bukas rin ay isasalang ko na ang majubang kyotang ito sa bukid, oras na para magkaroon naman siya ng silbi sa amin.

Charot! Baka ako pa ang itanim ni bossing 'pag nagkataon.

"Francis, ijo? Ikaw ba 'yan?! Jusko ang gwapo-gwapo mo ng bata. Na-miss kita. Sobrang tagal na ng huli kitang makita." Ang masayang salubong ni lola sa amin nang marating namin ang bahay.

Hay naku, la, kung knows niyo lang. Hanggang sa fezlak lang ang pagiging chopopo niyan.

Mahinang tumawa si bossing at umiling. "Thanks, nay. I brought you a lot of pasalubongs. I don't know if you'll like it though."

Dumiretso ako sa kusina na kaharap lang naman ng salas namin para kumuha doon ng tubig.

"

Aba'y hindi ka na sana nag-abala. Hanggang kailan ka naman mananatili dito, ijo?"

"Sisiguraduhin ko po munang cleared at secured na ang bahay na lilipatan namin sa Manila bago ko po iuuwi doon ang mag-ama ko."

Masyado akong nabigla sa sinabi niya, hindi ko tuloy nalunok ng maayos ang tubig. May tubig pang lumabas sa ilong ko. Fountain ka girl?!

"Fuck, yucks!"

"Tangina naman, ba't may dala 'yang sipon?"

Malakas akong umubo-ubo para mapakalma ang sarili ko bago inisa-isang tiningnan ang mga demonyon dahilan ng paghihirap ko ngayon. May gana pa silang mag-inarte?! My ghad ha! Mas clear pa nga sa tubig itong sipon ko.

"Okay ka lang ba, ijo? Magdahan-dahan ka kasi sa pag-inom. Madami pa namang tubig sa ibaba."

"Ang sarap po kasi ng tubig niyo, la. Lasang tamod."

"ANO?!"

"Hesus, Ginoo ko!"

Sabay-sabay pa silang napasigaw sa sinabi ko. Ang OA ha? Ano bang masama sa sinabi ko? Hindi ba't tamod 'yong tawag sa spring water dito?!

"Bakit? Di ba tamod po 'yong tawag sa spring water, la?"

"Gago, tubod 'yon." Ang sabi ni Gavin.

"Gan'on ba? AHAHAHA. Mali pala 'yong tinuro sa akin ng mga customers ko. Sa susunod kakausapin ko sila." Isang matamis na ngite lang ibinigay ko sa kanilang lahat.

"Ikaw talagang bata ka, masyadong loko-loko."

Muli kong tiningnan si bossing na nakangiteng demonyo sa akin. Tuwang-tuwa?! Inirapan ko na lang siya saka lumabas ng baluret.

"Where are you going?!" Ang sigaw niya mula sa bintana.

"Sa lugar na wala ka!" Ang nabwi-bwiset kong sagot sa kanya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Pupunta ako kila Maricel at baka umuwi sila. Sasama ako papunta sa barbecue-han namin. Baka ma-sight ko ulit ang future banana ko mamaya. Kailangan kong magpa-impress sa kanya.

"Where the hell are you going? Kakauwi ko lang ta's iiwan mo kami ng anak mo dito?" Hindi ko napansing nakasunod na pala siya.

Lumingon ako sa kanya saka ko siya inikutan ng mata. "Arte-arte mo naman. Mamamatay ka ba kapag umalis ako ha?! Doon lang ako sa barbecue-han. Magtitinda ako para may kakainin tayo. Madami pa tayong utang na babayaran dahil sa mga bisyo mo. Babae, sugal, alak, sigarilyo. Nagkanda-utang-utang na tayo dahil sa halip na ikaw ang magpadala sa amin ng anak mo, ako pa ang nagpapadala sa'yo doon sa Hawaii. Tapos malalaman ko lang na may babae ka?! Kailangan ko pang bumili ng gatas at mga gamit ng sampung anak natin, Boyet. Tapos ngayon tatanuning mo ako kung saan ako pupunta? Bakit? Saan ba ako pupunta sa tingin mo? Ha? Sa lalaki ko?"

"W-What? Who the fuck is Boyet?! And what the fuck are you talking about? Tinatamaan ka na naman ba ng sakit mo? I deposited millions and millions inside your fucking card so you can buy every expensive shit for yourself and for our child kaya paanong magkakautang ka dahil sa akin? Kahit wala kang gawin kaya ko kayong buhayin at ibigay ang mga luho ninyo. And can you blame me if I think that way after I witnessed you flirting with that guy in front of the church?"

Magkasalubong na naman ang mga kilay niya at mabibigat ang ginagawang paghinga. Luh? Galit na siya niyan?

"Hindi. Tama ka naman. Saka pake mo ba? Hindi ako papayag na tatanda akong dalaga ano! Ikaw lang ba may karapatang lumandi ha?! Tapos ano?! Mamamatay akong mas virgin pa sa coconut oil? Hindi pwede 'yon, bossing. Uso na equality ngayon."

"Gago, anong dalaga? Eh may lawit ka nga."

"Wala naman 'yang silbi. Iniipit ko na nga lang 'yan."

"Are we seriously having this conversation?"

"Ay, hindi. Music lang 'yon. Diyan ka na nga. Alis na ako. Kailangan kong maabutan sila Maric--Ano?!"

"Let's go back. I'm tired, Mondejar. Dalawang araw akong walang maayos na tulog para lang makauwi ako dito ng maaga," aniya habang nakapikit. Ang isang kamay naman niya ay hinihilot ang kanyang sentido.

Parang may kung ano namang kumurot sa puso ko ng makita siyang ganito. Gusto ko siyang baliwalain pero mukhang babagsak na siya ano mang oras. Kinakain ako ng konsensya ko. Baka magkasakit siya dahil sa akin. Tapos mamamatay. Tapos hu-hunting-in ako ng pamilya niya. Tapos itatali nila ako sa buntot ng eroplano at ibabagsak sa bermuda triangle ng hindi pa nadidiligan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng kahoy. Nang makakita ako ng kahoy ng sampalok, tumakbo ako papunta doon at kumatok ng tatlong beses. Nag-sign of the cross na rin ako.

Lord, habaan niyo po ang pashneya-este pasensya ko. Huwag sana niyang sinusubukan ang aking pasensya at baka maitulak ko lang siya sa bangin.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga kasabay ng pagbukas ng mga mata ko.

"Tayo na't bumalik sa kaharian natin, Mulan." ang aya ko sa kanya.

Napataas lang ako ng kilay nang makita siyang ngumise. "You're crazy, as always." Ang naiiling niyang sabi bago naglakad papalapit sa akin.

Akala ko ay matutulog siya pagdating ni lola Doring pero nagpalit lang siya ng damit at inaya kaming dalawa ni Gavin sa tambayan ko, iyong sa ilalim ng kahoy ng mangga.

"Anez ang chikabels at pinatawag mo ang kagandahan ni watashi ditez sa confession room po, kuya?"

Kunot noo akong tiningnan ng dalawa na nakaupo ngayon sa aking harapan.

"Dude, seryoso ka na ba talaga dito sa pinili mo?" Ang bulong kuno ni Gavin kay bossing na para bang wala ang presence tense, future tense at past tense ko sa kanilang harapan.

Umiling si bossing at humalukipkip. "Hindi rin ako sigurado."

Ito ba ang tinatawag nilang back stabbing?! Chour. Nasa harapan pala sila.

Tumikhim si bossing para kunin kuno ang atensyon namin. Hanggang ngayon KSP pa rin siya.

"Sigurado akong narinig niyo na ang balita tungkol sa isang chinese syndicate na nagsmu-smuggle ng drugs about a year ago. The thing is, they're not just involved with drugs and arms smuggling. Nagbe-benta din sila ng mga tao sa black market. They're of those groups who had a close tie with Strannik because Strannik's their partner when it comes to human trafficking.

After milking some information from them, they told me they were asked to find Frank kapalit ang dalawang daang milyon at pagtaas ng ranggo nila. They showed me a picture of him when he was just a month old. Hindi ko pa rin alam kung saan nanggaling o kung kanino nila nakuha ang litratong 'yon.

I wanted to get inside Strannik's group but a source of mine told me they're no longer active. Nabuwag daw ang grupo six months ago matapos mamatay ang leader nila sa isang engkwentro laban ang isang Mexican cartel. I wanted to relax, but my instincts told me otherwise.

We can loosen up a little pero huwag tayong masyadong papakampante."

Matapos sabihin iyon ni bossing parang hindi rin ako mapakali. Buong maghapon rin akong napaisip.

Nakakapagtaka.

Kung tama ang pagkakaalala ko, ang Mexican cartel, Italian cartel at ang Russian cartel ang pinaka may magandang samahan. Tinatawag nga namin sila dating Godly trio.

Hinding-hindi sila basta-bastang napapatumba dahil suportado at protektado nila ang isa't-isa. Kung meron mang magtra-traydor sa isa sa kanila, siguradong magkakagulo ang mundo ng mga criminal. Pero wala akong nababalitaang gan'on. Masyadong payapa at tahimik.

"What are you thinking?" Napaigtad ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na hininga sa aking batok.

Dahan-dahan akong lumingon at malakas na napasigaw nang makita ko kung sino ito pero hindi 'yon nagtagal dahil nilagyan niya ng stress ball ang bibig ko.

Marahas ko 'yong tinanggal at bumangon mula sa aking higaan.

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Ang pabulong kong sigaw sa kanya dahil natutulog na si Frank sa tabi ko. Hinila ko 'yong kumot at niyakap. Baka makita niya ang dyoga ko, mahirap na.

Pinaikutan ko niya ng mata at mas lalo pang umayos ng higa sa kutson. "Ano? Edi para matulog."

"Bakit dito? Doon ka nga sa kwarto ni Gavin! Paano nalang kung galawin mo ako?! Wala akong kalaban-laban sa'yo, sir."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko at saka pinasadahan ako ng tingin. "Matulog ka na, Mondejar. Baka lumala pa 'yang sakit mo. If I want to fuck you, I'll make sure you're the one begging for it."

"Ang kap-Ay!" Hinila niya ako papahiga sa braso niya at mabilis itong ipinulupot sa katawan ko.

"Nababaliw ka na ba?!" Ang sighal ko sa kanya at pilit na kumawala mula sa kanyang yakap.

"Mas baliw ka. Goodnight, Mondejar." Ang bulong niya bago tuluyang nawalan ng malay dahil sinaksak ko siya ng kutsilyong tinatago ko dito sa ilalim ng aking unan.

Oo, ako talaga ang kontrabida sa storyang ito. Misyon kong sugpuin ang mga demonyong nagkakalat sa sangkatauhan.

Charot. Alam ng Inang Reynabels kung anong pagtitimpi ang ginagawa ko ngayon para lang pigilan ang sariling itakip itong unan sa pagmumukha niya. Pasalamat siya at mabait akong anghel. Masarap naman palang yumakap sa mga nilalang na may six pack abs. Pagbigyan na nga natin ngayong gabi.

-----------------------------------------------------------
Nakapag-update na rin!!!! Aye! aye! Aye! HAHAHAHA. Ayon po, thank you po sa mga naghintay at umintindi sa rason ko po kahapon. Wala na po akong lagnat pero may ubo pa rin haha. Pasensya na po kung sabaw ang update HAHAHA.

Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Labyu ol! Mwuah mwuah! Ciao!❤

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 133K 54
Juariz Bachelors #3 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED How long can you keep up with the lie? He's a perfect leader: smart, wise, and rich. Narcido Jon...
3.4M 98.9K 75
Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya del Francia, kasama ng kaniyang Ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang Ina kaya napa-su...
3M 145K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
1.5M 48.7K 49
Mafia Underboss Series 3 𝙋𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 𝙐𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙄𝙢𝙢𝙖𝙘 [BxB, R-18] Helpless, tortured, and being dumped, one night in the amidst of shaki...