EPIPHANY

By clockwork_chaser

14.1K 959 311

Hannah Santillana was bruised, scarred, and ruined by her past. She lost her self-worth by loving someone too... More

EPIPHANY
Dum Spiro, Spero
Vivamus, Moriendum Est
Pro Bono
Cuiusvis Hominis est Errare, Nullius Nisi Insipientis in Errore Perseverare
Alis Volat Propriis
Nil Homini Certum Est
Audere Est Facere
Acta, Non Verba
Umbra
Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 2)
Apricus
Ad Astra per Aspera (1)
Ad Astra per Aspera (2)
Brutum Fulmen (1)
Brutum Fulmen (2)
Solis Occasum
Ubi amor, ibi dolor
Timendi causa est nescire (1)
Timendi causa est nescire (2)
Discendo, Discimus (1)
Discendo, Discimus (2)
Discendo, Discimus (3)
Discendo, Discimus (4)

Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 1)

582 43 8
By clockwork_chaser

The stars incline us, they do not bind us.



NOTE: Lahat nang naka-italicize ay flashback ni Hannah.


"I was so scared on the first day of that school year. I am not used to interacting with people... more so with strangers," Hannah started. "It felt like I was a lost kitten in the big city. Wala akong kakilala. I was so uncomfortable. Hiyang-hiya ako sa bawat kilos ko. It felt like they're criticizing me with my every move. In my head, I was questioning myself. Paano kung iniisip nila na awkward at weird ako? Paano kung puro pintas sila sa akin? I don't know how to act. I want to make friends. I was sheltered my whole life so I want to enjoy living outside my comfort zone. But I don't have the guts and the confidence. Wala akong ibang mga kaibigan kundi mga pinsan ko. I was never good at socializing. And college life is stressing me out," she continued. "First day pa lang, pero parang gusto ko nang sumuko. Gusto ko na lang umuwi at mag homeschooling na lang ulit. And that's when I met him..."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko habang maingat at tahimik na naglalakad papunta sa huling klase ko para sa araw na 'to. I kept my head bowed down. Nahihiya ako na tumingin-tingin sa paligid. I don't want to meet eyes with anyone. Baka kasi isipin nila na weird ako.

Stella said that I am socially awkward and weird. She told me that I should change my self. And college life will help me make new friends. This will be my fresh start. Binilinan n'ya pa nga ako na makipagkaibigan agad ngayong first day. Kapag daw kasi nakabuo na ng grupo-grupo ang mga ka-batch ko, mahihirapan na akog makisali.

During summer, I was so excited for this. I can't wait for the school year to start. I even imagined how I'll introduce myself to others. I want to make lots of friends. Ayoko na na tulad noong elementary na wala akong kaibigan maliban sa mga pinsan ko. In front of the mirror, I already practiced how I should smile. I want to be friendly and approachable.

But the real thing is different. Halos buong araw ko nang sinusubukan na magbukas ng usapan sa kahit na sino, pero hindi ko kaya. Nahihiya at naduduwag ako. At ngayon na huling klase ko na para sa ngayong araw, nawawalan na ako ng pag-asa. Hindi ko yata talaga kaya.

Kanina ay may tumabi sa akin at sumubok makipag-usap. Natuwa ako at ngumiti ako sa kanya. Pero sadyang hindi ako magaling sa pakikipag-usap. I can't keep an active conversation. Dahil boring akong kausap at kasama, nagpaalam din sa akin si Risa at iniwan ako para makipag-usap sa iba.

Maliban kay Risa, may mga kaklase akong lalaki na tumabi at sumubok na makipag-usap sa akin. Ang problema ay hindi ako kumportable sa kanila. Naiilang ako na titig na titig sila sa akin. At hindi ko nagustuhan ang pangungulit nila na sabayan ko sila sa lunch.

Noong lunch ay sa school cafeteria ako kumain. May ilang lalaki na kumausap sa akin. May dalawa pa na sumabay sa akin sa pagkain. Hindi ako makakilos nang maigi dahil sa sobrang pagkakailang ko sa pagtitig nila. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata nila na parang tagos sa kaluluwa kung makatitig. At mas lalo akong nailang nang manghingi sila ng cellphone number ko. I ended up lying that I don't have one.

I am starting to think that interacting with people is not for me.

"Hi," a man approached me with a friendly smile. Sumabay s'ya sa akin sa paglalakad. "Are you a freshman?"

I bit my lower lip then slightly nodded. Mas yumuko pa ako at sinubukan na bilisan ang lakad.

"I'm Homer. Third year ME student. Ikaw, saang department ka?" magiliw na kausap n'ya sa akin.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba s'ya o ano. Kanina ay napipilitan akong sagutin ang mga kumakausap sa akin. At tuwing sinasagot ko ang mga katanungan sa akin, mas lalo akong nababalisa dahil may kasunod pa. At kung minsan ay masyadong mga personal na katanungan pa.

"Hey. Miss, I just want to be friendly here. Mukha ka kasing walang kaibigan. Baka lang naman kailangan mo?" Homer chuckled.

Sa loob-loob ko ay napapangiwi na ako sa tono n'ya. Arogante. I think he's one of the guys that Stella categorized as 'fuck boy'.

"Miss, I can escort you around if you want," Homer insisted.

"No. T-Thank you..." mahinang sagot ko.

"You know... you don't have to be alone. Kaninang lunch pa kasi kitang nakikitang mag-isa," Homer continued. He's matching my pace. "I won't beat around the bushes. I'm interested with you. Ang ganda mo e."

Mas nadagdagan ang pagkakailang ko sa kanya. Para s'yang manyak.

I know that I am not ugly but I am not so pretty. Kung itatabi ako kay Stella, napaka simple ng mukha ko. Kaya ang mga ganitong lalaki ay alam ko na nangbobola lang. Ganito ang mga lalaki na binilin sa akin ng mga pinsan ko na iwasan ko dapat.

Mas humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko at mas binilisan pa ang paglalakad. I don't want to be rude, but I don't know how to brush Homer away. I'd rather be by myself than be with him. Hindi talaga ako kumportable sa kanya. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mga offer ng pagkakaibigan ng mga tao.

Dahil sa bilis ng mga hakbang ko at sa pagkakayuko ko, hindi ko masyadong nakikita ang dinadaanan ko kaya naman bumangga ako sa katawan ng isang tao. The impact sent be few steps backward.

"Oh shit!" The man I bumped with hissed as he looked at the camera on the floor. He hurriedly bent down to pick it up.

Once I regained my balance, realization hit me. Nalaglag ang camera ng lalaki dahil sa pagkakabangga ko sa kanya.

"I'm s-sorry!" nagpapanik na sabi ko at lumapit.

The man grimaced. He clicked his tongue then he tried pressing on the buttons of his camera.

"I-I can pay..." nahihiyang sabi ko. Bumabangon na ang pagkakabalisa ko. "O-Or... papalitan ko na lang."

From his camera, the man looked at me. Bahagyang nakasimangot s'ya nang harapin ako. "This is a gift from special people. Wala na sila ngayon kaya mahalaga ang sentimental value nito. Can you replace that?"

I bit my bottom lip then I shook my head. I can feel my eyes warming up.

The man stared at my face so I have to bow my head. I heard him sigh after a while. "Well... nangyari naman na. Susubukan ko na lang na ipaayos."

"P-Please..." I lifted my eyes on him. "Let me help. Let me pay for everything," I pleaded.

"No need. I can manage," nakasimangot na tugon n'ya.

"But..." I sighed. "At least let me pay you."

"I told you that the sentimental value can't be paid."

Pero hindi naman ako matatahimik na ganito. I don't want to simply walk out from the damages I've done.

The man sighed. "If it will help your conscience, samahan mo na lang ako na magpagawa."

My lips formed a smile. Mabilis na tumango ako. "Sige!"

Dahil sa nangyari ay nahihiya akong sabihin na may klase pa ako. Ako ang may atraso kaya kailangan ko na mag-adjust.

"Uhm..." nahihiyang tinawag ko ang atensyon ng lalaki habang palapit na kami sa parking space ng university. Nakataas ang isang kilay na bumaling s'ya sa akin. "Saan ba tayo pupunta?"

"Sa Greenhills na lang. Madaming repair shop doon," sagot n'ya at naglabas ng susi at pinatunog ang sasakyan n'ya. Nakita ko na umilaw ang headlights ng isang magarang dilaw na sportscar.

"M-Magkita na lang tayo doon," I said then I quickly fished for a notepad ang a pen from my bag. I wrote my driver's number on it then I gave it to him. Nagtataka na kinuha n'ya iyon.

"Oh-kay?" nangingiti na sabi n'ya.

"N-Number 'yan ng driver ko. You can text him kung nandoon ka na at kung saang lugar tayo magkikita." I bit on my lower lip. Weird ba ako nitong ginagawa ko?

This man looks nice and he doesn't look like someone taking advantage of people, but I'd rather be safe than sorry. Hindi ko naman s'ya kilala. I don't even have the guts to ask for his name.

I went to our car. Pinagbukas ako ng pinto ni Kuya Lando.

"Kuya, sa Greenhills Shopping Center po tayo," I carefully said.

"Ma'am, sasabihin po ba ito kay doktora?" Tanong ni Kuya Lando nang makaupo na s'ya sa harap ng manibela.

I shook my head. "H'wag na po. Baka mag-alala lang si Mommy. Saglit lang naman po tayo. May ipapagawa lang po na camera. May nabangga po kasi ako at nasira ang camera n'ya dahil sa akin."

"Gan'on po ba? Sige po. Basta umuwi na lang po tayo agad," nakangiting sabi ni Kuya Lando.

Mababait talaga ang lahat ng mga kasama namin sa bahay. Ang karamihan sa kanila ay anak na ng mga dati pang kasambahay ng mga Santillana. They're loyal and caring. We're so lucky.

"Ibinigay ko nga po pala ang number n'yo sa kanya para mag-text s'ya kung saan po dito sa mall kami magkikita. He might text you anytime now," sabi ko habang tumatanaw sa labas ng bintana.

"Lalaki po ang kikitain n'yo? Sasamahan ko na po kayo, Ma'am."

I giggled. "Hindi na po kailangan, Kuya Lando. Ihatid n'yo na lang po ako kung saan kami magkikita at hindi n'yo na po ako kailangan samahan."

"Pero, Ma'am Hannah. Nag-aalala po ako sa inyo. Alam naman po natin na hindi ka sanay sa mga ganito. Mas mainam na po ang nag-iingat tayo."

Walang nagawang napanguso na lang ako. May point naman kasi si Kuya Lando.

I am seventeen but everybody thinks that I am still eight. Paano naman kaya ako matututo kung hindi ako hahayaan?

Malapit pa lang kami sa mall ay may nag-text na kay Kuya Lando.

"Alam ko po itong lugar, Ma'am. Maghanap lang po tayo ng parking saglit."

Malayo pa sa entrance ay natanaw ko na ang lalaki. Matangkad s'ya at mukhang maganda ang pangangatawan. Naka-black v-neck shirt s'ya na medyo fit sa katawan at maong pants na may punit sa tuhod. Nakakulay navy blue na rubber shoes s'ya na kakulay din ng ball cup na pabaligtad na sinoot. Kanina pa ako naga-gwapuhan sa kanya pero hindi ko s'ya matignan nang maigi dahil nahihiya ako. Ngayon na malaya ko s'yang napagmamasdan, mas napagtanto ko lang na magandang lalaki talaga s'ya.

Nang tuluyang makalapit kami ni Kuya Lando ay ngumiti s'ya sa akin. "Hindi mo naman na talaga kailangang gawin 'to. Kaya ko naman na."

"P-Pero kasalanan ko," nahihiyang sabi ko at nagyuko ng ulo.

"Kayo po siguro ang kasama ni miss..." baritonong sabi ng lalaki.

"Good afternoon, sir. Ako po si Lando, driver po ako ni Ma'am."

"Good afternoon po," magalang na bati n'ya pabalik.

I bit my lower lip. I find him adoring. He's good looking at mukhang may kaya sa buhay pero magalang s'ya at may respeto sa lahat ng tao. Hindi rin s'ya tunog arogante o ano.

He's charming.

"I'm Clint, by the way," he chuckled a little. Nakipagkamay s'ya kay Kuya Lando tapos ay sa akin naman s'ya naglahad ng kamay.

"H-Hannah," nahihiyang sabi ko at inabot ang kamay sa kanya. His hands are rough and calloused. It was so manly and strong.

Magkasabay kaming naglakad ni Clint habang kasunod namin si Kuya Lando. Unang kaming pumunta sa magkakatabing stalls ng mga repair shop. Sa pangatlong napuntahan naming ay sinabi ang maaaring solusyon sa camera n'ya.

"Ma'am, may gusto po ba kayong ipabili? Pagkain o inumin po?" tanong ni Kuya Lando makalipas ang halos kalahating oras na paghihintay namin sa shop.

I shook my head. "I'm alright."

Kanina ay sinabi n ani Clint na maaaring mauna na ako. Balak n'ya kasi na hintayin na magawa ang camera n'ya.

"Gusto mo ba na mag-merienda na muna?" tanong ni Clint. Marahil ay narinig n'ya ang naging pag-uusap namin ni Kuya Lando. "D'yan na lang tayo sa may food court." Turo n'ya sa mga kainan sa 'di kalayuan.

"Sige na po, Ma'am. Ako na po ang bahala na maghintay po rito," pag-uudyok ni Kuya Lando sa akin. "Kita ko naman po kayo mula rito."

Dahil sa pamimilit ng dalawa ay sumama na ako kay Clint. Pinaupo n'ya ako sa isang bakanteng upuan at tinanong kung ano ang gusto ko. Sinabi ko na s'ya na ang bahala.

"Kumakain ka ba ng waffles?" tanong n'ya.

I nodded.

"Cheesedog ang palaman, okay lang?" he asked.

I nodded again. Hindi naman kasi ako mapili sa pagkain.

Iniwan ako ni Clint at lumapit na sa stall na nagtitnda ng waffle. Nang masabi ang order n'ya ay lumipat s'ya sa katabing store na milk tea naman ang tinda. Nag-order s'ya doon at binalikan ang waffles na ngayon ay naiinit na.

I watched him and his movements. He's so manly in every little thing. Napansin ko ang pagkakatitig ng mga babae sa kanya. Every girl gives him a second look, and they're ogling. Hindi ko naman sila masisisi dahil napakagwapo naman kasi talaga ni Clint.

He went back to our table. Inilapag n'ya ang mga binili sa ibabaw ng lamesa. "Bigay ko lang 'to saglit kay Kuya Lando," nakangiting sabi n'ya at ipinakita sa akin ang tatlong waffles, bottled water at isang cup ng milk tea.

He's a wonderful person. Ako na nga ang nagkamali sa kanya, s'ya pa itong maasikaso at kahit sa kasama ko ay mabait s'ya.

"So... you're a dentistry student," Clint smiled. Nakaupo na s'ya ngayon sa harap ko at pareho na kaming kumakain. Maliban sa waffles ay bumili rin s'ya ng nachos, fries at fish balls.

I nodded. "First year." Nahiya pa ako dahil naka-uniform na ako. Napansin ko nga kanina na ako lang yata ang naka-uniform.

He chuckled. "How's the first day?"

"A-Ayos lang naman," nahihiyang sagot ko.

"Are you uncomfortable?" he asked with a concerned expression.

I shook my head. "I-I'm... just usually... shy," mahinang sabi ko.

"Ikaw siguro ang pinag-uusapan ng mga ka-batch ko," he chuckled. "They're talking about this beautiful new face. Na naka-uniform sa first day of school."

I can feel my face heating up.

Clint gently laughed. "Madaming gustong pumorma sa'yo. Kaso suplada ka raw."

"I-I'm just shy..." nakayukong sabi ko.

"Pansin ko nga," natatawang sabi n'ya. "Anyway, if you want, I can introduce you to some of my friends. May mga kakilala rin kasi ako sa med school," alok n'ya.

"Saang department ka ba?" lakas-loob na tanong ko.

"Business Ad. Graduating na ko this sem," paliwanag n'ya.

"Ah..." my heart dropped. Hindi ko na pala s'ya madalas na makikita sa school.

That moment, I knew that I'm already infatuated with him.

Madilim na ay hindi pa tapos magawa ang camera ni Clint. Napilitan na rin ako magsabi kay Mommy dahil lagpas na sa oras ng uwian ko. Hindi ko na nahintay ang camera dahil kailangan ko nang umuwi.

"S-Sige na, please. Tanggapin mo na 'to." Mas inilappit ko pa ang card ko sa kanya. "I'll pay for this dahil ako naman ang nakasira."

He clicked his tongue then he sighed. "If you really want to insist your money, mag-donate ka na lang sa Helping Hands Foundation."

And as he said, I donated fifty thousand on the said foundation. Nang nag-research ako ay nalaman ko na maganda at madaming natutulungan ang foundation na iyon.

The days passed by. Hindi ko na nakausap pa muli si Clint matapos ang araw na iyon. I found out that he's popular in our school. Actually, kahit sa labas ay sikat s'ya.

Skipper Clint Vergara came from a well-known family. Lola n'ya pa mismo ang founder ng Helping Hands Foundation at may sarili silang media network at clothing line. Bukod sa impluwensya ng pamilya, he's also a budding photographer.

Sa university ay sikat s'ya sa lahat. Babae man o lalaki. He's a social butterfly. He's known for hosting parties and he's one of the best varsity players. He's also the president of photography club.

And he's a known heartbreaker. Madaming mga babae ang nagkakandarapa sa kanya. He doesn't have a girlfriend but he's too friendly to the point of intimacy with girls around him.

But nothing stopped me from liking him.

After more than a year of liking him from afar, I finally listened to Stella's advice. Nalaman kasi n'ya na may crush na ako. She told me to speak up.

"Iba ka kasi Hannah. Alam ko na seryoso 'tong crush mo sa taong 'yan. You never took interest with anybody. Ngayon pa lang!" Stella exclaimed.

Skipper Clint Vergara already graduated. Malabo na na makita ko pa s'ya sa school. Bumisita man s'ya minsan, pero palagi s'yang abala sa mga tao. Malabo na magkaroon ako ng pagkakataon na malapitan at makausap s'ya.

Nakontento na lang ako na hangaan s'ya mula sa malayo at sa sarili kong paraan. I am not intending to be one of those girls who went crazy over him.

On my third year on college, I shifted my course. Instead of pursuing a career to be a dentist, nag-shift ako ng nursing. My family are known for being great doctors. Gusto ko rin sana na maging doctor pero hindi ako masyadong matalino. Sa palagay ko ay hindi ko kakayanin. Kaya dentistry ang kinuha naming kurso ni Stella ay dahil mukhang iyon ang madali at hindi masyadong kritikal. Pero na-realize ko na mas gusto ko palang maging nurse. I can bemore helpful and can serve the mass better that way.

My family supported my decision of shifting program. I am already twenty, and was back on first year college. I got some subjects credited kaya malaki ang free time ko. And I used those free time in developing my social relationships with the help of Stella.

And on one of her parties, I bumped into Clint again. And he doesn't show recognition. He tried to hit on me. He's obviously drunk.

Stella pulled me from the awkward situation. I told her that he's the man that I liked since I was seventeen.

"I know him. On some of my gigs, he's assisting with the photographers. Nag-aambisyon 'yan na maging internationally known photographer. Ang main subject n'ya ay human body. Mostly... women," Stella said. "I saw some of his works. He got potential in him. He just has to have his break. He go the talent and the connection."

Upon knowing my attraction towards Clint, Stella helped me got close with him. Napapadalas ang pagkakasama namin sa mga parties at event na dinadaluhan ni Stella kung saan palagi akong sinasama.

"Malapit sa mga babae at active sa sex 'yang si Skipper, pero hindi naman s'ya talaga malandi," Stella rolled her eyes. "Nagpapalandi lang at patikim-tikim," she laughed.

Stella planted crazy ideas on my mind. Sa tingin ko nga, kaya lumala ang pagkakagusto ko kay Skipper ay dahil kay Stella.

"You're already twenty one, Hannah. Losing your virginity by now is not a bad thing. Masarap kaya ang makipag-sex," Stella said while we're heading to the super club where we'll be partying tonight. Nasanay na ako sa pag-pa-party at may mga naging kaibigan na rin ako sa ganitong buhay.

From the passenger seat, nahihindik na tinignan ko si Stella. "Subukan mo na kay Mommy sabihin 'yan."

"God, Hannah! Stop being like that. Don't be as old-fashioned as your mother."

At dahil eksperto naman na talaga si Stella sa panghihikayat sa akin at sa paglason ng isip ko, napapayag n'ya ako sa kabaliwan n'ya.

I should seduce Skipper Clint Vergara into liking me, then loving me in the long run.

"Hindi na masyadong big deal ang virginity sa mga lalaki sa ngayon, pero ibang klase pa rin kapag sila ang nakaka-una. Nakakalugod 'yon sa kanila," Stella convinced me. "Skipper Clint Vergara will go crazy over you once he got your virginity."

With alcohol on my system and my cousin's crazy encouragement, I made my way towards the man I like.

And the moment he's on an arm's reach, I pulled on his collar then crashed my lips on him.

On party games like truth or dare and beer pong, Stella and our friends made me kiss our male friends. In some instances, I even kissed strangers.

This is not my first kiss, but as compared to how Skipper Clint Vergara is kissing me, I am no match.

He kissed me like I've never been kissed before. He kissed me deep and hard. And he kissed me until we ended up in a hotel room.

Maybe I was too drunk that I can't feel embarrassment even I was naked on the bed and he's looking at me like he's memorizing every inch of my skin.

"You're one fucking masterpiece. You're breathtaking. Beautiful. Perfect," he murmured while roaming his eyes on my body.

I was told countless of times that I am beautiful and I got a wonderful body. Stella's manager tried to convince me to be her talent. I was told that my face and body can take me into places. Pakiramdam ko ay pambobola lang ang lahat ng iyon. 

Pero ngayon na ganito kung matignan ako ni Skipper Clint... I feel like the most beautiful woman in the world. 


________________

November 18, 2020

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...