AGS 1: The Love Investment (P...

Oleh LenaBuncaras

314K 16.3K 3K

Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury s... Lebih Banyak

The Love Investment
1. The Old Flame
2. The Gambler
3. Flying Chances
4. The Investor
5. The Intention
6. The Good Offer
7. Busy Bees
8. The Bodyguard
9. The Tuna
10. Unexpected Visitor
11. Occasional Intimacy
12. Hatred
13. Grown-Up
14. The Bargain
15. Emotionless
16. The Dream Man
17. Guarded
18. Missing
19. Consistency
20. Let Go
21. Fear of Falling
22: The Marriage Proposal
23: Wounded Armor
24: Family Problems
25. Momster
26. First Guest
27. The Minor Fall and the Major Lift
28. Mr. Right
29. The Toy
30. The Weirdo
31. The Soon-To-Be Husband
32. Argument of the Day
33. The Client
34. Skeletons in His Closet
35. Beautiful Dilemma
36: Shoulder to Cry On
37: Tragic Wedding
38. Til Death Do Us Part
39. For Better or For Worse
40. Ivory Meadows
41. The Toy Museum
42. Almost Married
43. Hide and Seek
44. Divine Intervention
45. The "Wedding"
46. She's the Boss
47. Security Check
48. Oldie Issues
49. Wingmen
50. Barkada Trip
51. Alpha Male
52. Biggest Loser
53. Tipsy
54. Mad Wife
55. The Bride
56. The Photoshoot
57. Agitation
58. Beautiful Sunset
60. Betting Game
61. Jealousy
62. Hidden Desires
64. Insecurities and Invalidation
65. Malevolent Mum
66. The Father's Deal
67. Reconcile
68. The Spoiled Siblings
69. Lucky Charm
70. The Benevolent Aunt
71. The Dardennes
72. The One
73. Family Breakfast
The Wedding . . . Again
TLI Book Excerpt

63. Fallen Inamorato

3.4K 195 19
Oleh LenaBuncaras

I asked Rico kung ano ang sinabi ng mama niya; kung magkikita na ba kami o ano kasi talagang kinakabahan ako na baka bigla akong bulagain pagbalik namin sa Manila. Pero sabi naman niya, nasa Zamboanga raw ngayong week si Malevolent Mum. Babalik daw soon at mag-ready na lang kami.

Hindi ko alam kung lalo ba akong dapat ma-pressure o makakahinga na ako nang maluwag dahil doon.

Nagkanya-kanyang ligo na sila pagsapit ng alas-otso y medya. The weekend was almost over at kailangan na naming bumalik sa iniwan naming buhay sa Manila.

Almost ten in the evening, hindi na kami nakisali ni Rico sa pag-aayos ng sarili dahil kaya naming makauwi kahit nakapambahay lang. Boss kami ng mga buhay namin, pero itong barkada ni Rico, deretso sa commitments nila.

Matapos ang ilang oras na pag-aayos sa sarili, doon ko na-feel na hindi lang basta normal citizen ang mga kasama ko. Oozing with class talaga sila at magagaling magdala ng damit.

Heaven wore a heavy makeup and a mini skirt. Black leather haltertop ang suot niya na natatakpan ng mahaba niyang buhok. Nawala ang pagka-chinita niya dahil sa winged eyeliner and eyeshadows. Dadaan daw sila ni Ivory sa night party sa Tagaytay after this Batangas outing.

Hindi na mukhang magzu-zumba si Wynn. Naka-high ponytail na siya. At kahit nasa beach pa kami, nakuha na niyang magsuot ng red suit and slacks na white bra lang ang pang-ilalim. Tutuloy naman siya sa SMDC condo, sa Tagaytay rin, kung nasaan ang boyfriend niya.

Si Shai na redhead, nakasuot na ng maroon peplum dress at noticeable ang cologne niyang nasapawan ang amoy ng lahat. Sobrang tapang na vanilla and floral scent. Susunduin daw siya ng boyfriend niya sa Olivarez kaya doon na lang daw siya ibaba.

Si Rox, naka-gray sweatshirt na agad saka black leggings. Matutulog na lang daw siya sa sasakyan para eksaktong pagbalik sa Manila, magjo-jogging na lang siya papasok sa kanila habang ang mga gamit niya, ipababalik na lang niya kay Will sa studio na same building kung nasaan ang gym nitong huli.

Kami lang ni Tammi ang hindi na nag-abalang mag-ayos. Magpapaiwan daw siya pabalik sa White House, mag-e-extend ng bakasyon kahit isang araw lang.

Yung Alabang Boys, dalawa lang ang kotseng dala—kay Patrick at kay Clark. Wala kasing enough parking space para sa maraming sasakyan kaya tamang desisyon na magdalawang sasakyan na lang. Magpapaiwan daw si Calvin dahil nasa naunang rest house na ang girlfriend niya.

Since kotse ni Patrick ang may laman ng mga gamit nina Heaven at Rox, si Will na ang nagpresintang magmaneho ng kotse niya katulong si Leo para sa mga gamit. Si Clark naman ang bahalang maghatid sa girls na mag-iiba ng daan at hindi namin makakasabay.

Ang ending tuloy, sasabay sa kotse ni Rico sina Patrick, Shai, at Wynn. Nasa backseat kaming tatlo nina Wynn at pinagigitnaan si Shai. Yung dalawang lalaki ang nasa harap.

Ayos lang naman sa akin kung hindi ako ang naroon, pero talagang nanunuot sa ilong ang pabango ni Shai. Kahit ang car diffuser ni Rico, hindi kinayang labanan.

Mahilig naman sa music si Rico, pero hindi talaga siya nagpapatugtog sa kotse. Ewan ko kung bakit. At dahil kilala ko si Patrick na laging may playlist sa sasakyan, playlist niya agad ang nakasalang habang binabaybay namin ang kahabaan ng kalsada pabalik sa Manila.

"I would do anything for love, but I won't do that!" pagkanta nina Wynn at Shai habang ginagawang mic ang nakakuyom na kamao. "No, no, no, I won't do that!"

Alas-onse ng gabi, parang lasing ang dalawang katabi ko. And since hindi naman ako KJ, nakikanta na rin ako.

"Will you cater to every fantasy I got?" pagkanta ni Wynn.

"Will you hose me down with holy water, if I get too hot?" sunod ni Shai.

"Will you take me places I've never known?" pagtapos ko.

"No I won't do that!" sabay-sabay kami.

Naririnig kong natatawa sina Patrick sa harapan pero wala talaga kaming pakialam.

Ilang oras din kaming kumakanta at ginawa naming carpool karaoke ang sasakyan ni Rico. Nagpalit-palit na nga ng kanta, wala man lang huminto sa amin.

"If you want to go and take a ride wit me

We're three-wheelin' in the four with the gold d's

Oh why do I live this way . . ."

"Hey!" sigaw namin. "Must be the money!"

Si Wynn, masaya talagang kasama. Sina Rox ang hindi ko madalas maabutan dati. Probably kasi kapag may barkada outing, kapag nagdala ng chicks ang Alabang Boys, tatlo-talo kung minsan. I was there, of course. Para nga lang akong ulam na nasa Lazy Boy na iikutin na lang nila kapag gusto nilang tikman. Hindi naman sa ginagawa kong cheap ang sarili ko para ipatikim sa kanilang magbabarkada, pero halos lahat kasi kaming babae, parang pinagpapasa-pasahan lang din sila saka sasaktan. As if namang ako ang pinakamalala sa amin. Mabuti nga, wala rito si Melanie. Gusto ko na rin kasi talagang maka-move on kay Arthas, especially noong mga nakaraang taon noong maging sila ni Myles.

"Dito na 'ko, Daddy Ronie!" sabi ni Wynn at ibinaba na namin siya sa may Ayala Serin.

Si Rico na ang nagbukas ng backseat para sa kanya.

"Bye, Wynn!" paalam namin nina Shai.

"Bye, girls! Bye, boys! Congrats ulit, Jae and Ronie! See you sa next wedding hahaha!"

Pagsara ng pinto, nakita ko pang niyakap siya nang mahigpit ni Rico at ibinigay na sa boyfriend niyang nag-aabang sa may waiting shed. Malaking tao rin ang boyfriend ni Wynn pero medyo chubby naman. Kasintaas ni Rico na mas malusog pa. Pinanood pa naming makipagkamay si Rico sa lalaki bago magpaalam. Mukhang nagpakilala pa bago bumalik sa sasakyan.

Biglang tumahimik sa sasakyan pag-alis ni Wynn. Paanong hindi kami matatahimik, sinusundan namin ni Shai ng tingin ang overlooking ng Taal sa kalsada.

"This is so beautiful," sabi ni Shai na tinanguan ko naman.

Maganda ang night view ng Taal. Parang umuulan ng ilaw sa ibaba. Maliban sa lights ng mga establishment sa daan, iba pa rin talaga ang lights sa overlooking mula sa kalsada.

"Bebu!" sigaw ni Shai nang magbukas siya ng bintana. Damang-dama ko ang lamig ng Tagaytay dahil doon. Higit pa sa lamig na kayang ibigay ng air con sa kotse ni Rico.

"Ronie, dito na me!" sabi ni Shai at tinapik-tapik pa ang balikat ni Rico kahit dinig naman naming lahat na bababa na siya.

Hindi malayo ang Serin sa Olivarez. Wala pang limang minuto na biyahe, naroon na kami sa tapat ng McDo na maraming tao. Parang hindi marunong matulog ang lugar.

Si Rico na naman ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para kay Shai.

"Bye, guys!" paalam niya at niyakap na naman si Rico. Hilig din ni Rico na buhatin siya kapag niyayakap. Palibhasa maliit lang na babae.

Kumpara sa boyfriend ni Wynn, masasabi kong may laban ang boyfriend ni Shai pagdating sa looks. Mukhang may-kaya rin kahit nakasuot lang ng fitted tee, khaki shorts, at running shoes.

Pagbalik ni Rico sa sasakyan, ewan ko ba kung bakit parang nawalan ako ng kasama kahit nasa harapan naman sila ni Patrick.

O siguro kasi ang awkward na silang dalawa ang kasama ko sasakyan. Tanggap ko pa kung si Clark e. Na-miss ko tuloy ang kakulitan n'on. At least, kapag ganitong nagkakaubusan ng laman ng sasakyan, hindi awkward ang silence.

Napakawirdo na sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nag-check na lang ako ng phone pang-misdirect lang ng awkward silence kahit may kanta naman sa kotse.

May social media accounts ako pero hindi ko kasi talaga ginagamit maliban sa IG. May account pero useless din kung minsan. Instagram lang talaga ang madalas kong tambayan since doon ako nakakapag-promote ng Purple Plate. Gusto ko talagang ipagmayabang na IG-worthy ang café ko.

Pagbukas na pagbukas ko, post agad ni Calvin ang bumungad sa akin. Picture naming dalawa, yung naka-wedding gown ako at naka-casual formal siya. Ang caption:

I hope my bride would be as pretty as Jaesie. Best wishes, @JSRosenthal @RonieD ❤️❤️

Masaya rin kami ni Calvin doon sa photo naming dalawa sa "friendzone" album ko pero hindi kasing saya ng kung ang nakikita ko sa photo ngayon. Yakap din naman niya ako roon as fling, pero dito sa photo, yakap niya ako as a part ng barkada na. Since Calvin was famous enough to have a hundred thousand followers, after a few hours, hindi na ako nagtaka kung bakit tinadtad na iyon ng libong likes. And the comments were like:

"Akala ko, kinasal ka na haha"

"Jaesie? Ex 'yan ni Pat, di ba?"

"Kasal na sila ni Pat?"

"Ay, si Ronie?"

"Si Ronie?"

"SI RONIEEEE?"

"Best wishes, dude!"

Nabigla ako sa comments kaya hindi ko na itinuloy. May notification na naka-mention na naman ako. IG ni Will. Yung pareho kaming nagfe-flex ng mga muscle namin. Siya meron; ako, kunwaring meron habang hawak ko ang bouquet ko.

Ang caption: "I'm still the best for her. #TheQueenHasSpoken Best wishes, dude @RonieD. Ingatan mo 'to. Kapag 'to nakawala sayo, maraming sasalo rito hahaha. @JSRosenthal kapag inaway ka ng asawa mo, sumbong mo agad sakin. Hahampasin natin yan ng sampung barbell.

Hindi ko kukuwestiyunin ang pagiging sikat ni Will since ang dami talaga niyang client as a gym instructor at fitness expert. Pero grabe, makikipaglaban yata ang likes ng post niya kay Calvin. Hindi ako exposed sa dimension ni Will kaya puro positive vibes ang nababasa ko. Good friends naman kasi kami at hindi kami yung show off as flings before.

The next mention was from Leo. And he really is a nice man kasi ang post niya sa IG ay ang photo naming dalawa na naka-collate with photo nila ni Rico. At ang sweet ng caption niya, in all fairness to him: "Always knew you two had something special . . ."

Akala ko, sa caption ang mention, pero nasa comment pala.

@LeoTheLion: @JSRosenthal wala nang magsasapakan dahil sayo haha diba @RonieD @PatLauchengco

@SupermanIsMe: Di mo sure, @LeoTheLion haha

At bakit naman magsasapakan ang dalawang 'to? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. At saka ang tagal na naming wala ni Patrick. Saka kailan lang kami naging kami ni Rico.

Pero naalala ko ang pinanonood na video last time ni Rico na naabutan ko. Last year lang 'yon. Wala na kami ni Patrick, at wala pa kami ni Rico. Ano 'yon? Nagsasapakan sila dahil sa akin nang hindi ko alam?

Yung post, kanina pang hapon. Nitong gabi lang, halos magsapakan din naman sila dahil sa akin. Ano'ng problema nilang dalawa?

Walang photo ko si Clark kahit na siya ang may pinakamaraming selfie kasama ko kanina. Ang nakita ko lang na photo na uploaded niya ay 'yong picture nila ni Rico at may caption na: "Presenting: Ang sumira ng diskarte ko. Daddy Rico the KJ . . ."

Siraulo talaga itong Clark na 'to.

"Ang attitude pa rin ng asawa mo @RonieD kahit kilala ko na. Di ko babawiin 'yon. :P"

"HAHAHA!" Napahalakhak tuloy ako sa nabasa ko. Napansin ko ang pagsilip ni Patrick mula sa upuan niya at si Rico sa rearview mirror.

"Sorry," sabi ko kahit natatawa pa rin. Ayokong mag-comment sa post ni Clark, baka mabara ko lang.

Sunod-sunod ang post nilang magbabarkada na puro pictures kanina sa rest house.

Ang nagpawala ng tawa ko ay ang post ni Patrick. At sa dinami-rami ng shots kong maganda naman, napili pa talaga niya yung nakasimangot ako habang nakabilad sa araw. Ito ang puwesto ko noong hinihintay kong matapos kunan si Rico ng shot kasama ang barkada niya isa-isa. Nakapamaywang pa ako habang hawak nang walang ingat ang bouquet na halos maglagas na ang petals. Natural, mainit, nakakunot ang noo ko habang masama ang tingin sa kanila.

Yung caption niya: Amazona since birth.

Iba rin! Kung anong ikina-sweet ng mga post ng barkada niya, siya namang ikinasama ng ugali niya! Buti pa si Clark, marunong pang makiramdam. And besides, si Clark lang naman ang ina-Amazona ko. Bakit parang siya ang kahapon ko pang binabara?

Pagkabasa ko sa comments.

"Kasal na kayo?"

"Natuloy?"

"Best wishes, Pat!"

"Bagay talaga kayo."

Walang reply si Patrick sa kahit alin sa mga comment. Hindi iyon kasindami gaya kina Will since hindi naman public figure ang account niya sa IG. Exclusive lang talaga sa mga kakilala ang account niya. Napa-stalk tuloy ako sa IG niya para malaman kung may magseselos ba sa akin dahil sa post niya, pero wala akong ibang makita kundi mukha niya, mga lugar na pinupuntahan niya, mga picture ng mesa na may kape, may tatlong picture ni Mel kasama siya sa tatlong magkakaibang lugar, may picture ng kamay ng babaeng may hawak na cake, at ang huling picture na may kasama siyang babae ay . . . ako. Yung huling picture naming dalawa noong nagpunta kaming El Nido. Picture iyon noong nag-propose siya sa akin sa white sand habang papalubog ang araw. Naroon pa ang caption niyang talagang nagpakilig sa akin that time—or until kaso may panghihinayang na.

"I want to spend the rest of my life with you, and I want the rest of my life to start now."

Bigla akong nalungkot para kay Patrick. Nanghihinayang ako, hindi ko maiwasan. Aware kaming pareho na hindi pa talaga kami handa two years ago. Kung handa naman na kami ngayon, o handa na siya ngayon, tama rin siya na huli na ang lahat.

Sana lang makahanap na siya ng babaeng para talaga sa kanya. Kahit din naman mga babaero sila, gusto ko pa rin namang maging masaya silang lahat. Kasi ako? Masaya ako ngayon. Sana sila rin.

"Dude, dito na 'ko," sabi ni Patrick bago pa kami makalapit sa may SM Dasma. Biglang bumigat ang paghinga ko nang dahan-dahang iparada ni Rico ang sasakyan malapit sa crossing.

"Hindi ka dederetso sa Alabang?" tanong ni Rico habang nagtatanggal ng seatbelt si Patrick.

"Dadaanan ko muna si Mommy sa bahay."

Bigla kong naalala na taga-Dasma nga pala ang mommy niya. Sa loob ng subdivision sa kabila pa nitong crossing, lampas sa simbahan. Natatandaan ko pa ang daan kasi ang dami kong selfie roon sa may fountain sa entrance ng subdivision.

"Hindi ka nakapagsimba ngayon, Jaesie. Bukas pa nang ganitong oras ang chapel malapit kina Mommy, baka gusto mong dumaan," alok ni Patrick na lalong nagpabigat sa paghinga ko.

"Oo nga, 'no? Bukas pa naman 'yon 24 hours kapag Sunday," sabi ko pa.

"Buti natatandaan mo pa," sagot niya at dinig ko sa boses niyang natatawa siya.

"Natural. Kahit hatinggabi, inaaya kitang magsimba e," sagot ko. "Ikaw, buti napaalala mo pa."

"Hindi ko naman kasi kinakalimutan."

Yes, hindi pa ako nakakapagsimba. God, sorry, masyado akong nag-enjoy today. Kaiyak. Pero, wow. Natatandaan pa rin pala ni Patrick ang araw ngayon kahit nakaligtaan ko na nga. O hindi ko na rin kasi nai-consider since hindi kakayanin ng schedule namin ang magsimba.

"Tara, doon muna tayo," sabi ni Rico, at bago pa kami makasagot, pinaandar na niya ang sasakyan paliko sa kaliwa kasabay ng mga bus pa-Indang.

Oh my God, bakit ba bigla akong na-pressure? Magsisimba lang naman.

"Sure ka, Rico?" tanong ko pa. Baka lang magbago ang isip niya.

Mas lalo akong kinabahan nang hindi siya sumagot.

OMG, parang mapapadasal nga talaga ako later.

"Rico, okay lang—"

"Dude . . ."

Ayoko talagang natatahimik si Rico. Pakiramdam ko kasi, masamang senyales iyon. At mukhang masamang sign nga dahil pagbaba namin sa tapat ng kapilya, naroon na naman ang blank face niya gaya kanina.

God, ano na naman bang drama niya?


♥♥♥

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

715 59 17
They were childhood best friends. Their parents hope they could end up together. Except they don't even like each other.
1.5M 62.6K 101
(Finished) After partying so hard and getting drunk at her older brother's wedding, Sky Velasco didn't expect she'd create a lot of scandalous moment...
75.3K 3.6K 43
World Trip Series 2 Struggling to keep her career in the spotlight, Cosette finds a new way to save herself from becoming one of the misfits. In Pari...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...