A Victim's Aftermath [MEDICAL...

By hanjhanjbeybe

104K 4.6K 3.2K

O N G O I N G TRIGGER WARNING: anxiety attack, rape content, self-harm, depressive episodes, traumatic flashb... More

SYNOPSIS/AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 01: Since Birth
CHAPTER 02: Behind the Scene
CHAPTER 03: Technically Technician
CHAPTER 05: Standards of Society
CHAPTER 06: No Doubts
CHAPTER 07: Future with You
CHAPTER 08: I Hate How I Love You
CHAPTER 09: For Jayla
CHAPTER 10: Kalawakan
CHAPTER 11: A Mark that cannot be Erased
CHAPTER 12: All over the Internet
CHAPTER 13: Putting you in Vain
CHAPTER 14: Breathe
CHAPTER 15: Empowered
CHAPTER 16: Marupok
CHAPTER 17: AML
CHAPTER 18: Better Person
CHAPTER 19: A New Year with You
CHAPTER 20: Fireflies
CHAPTER 21: Find X
CHAPTER 22: First Day High
CHAPTER 23: Doubts and Whatabouts
CHAPTER 24: Kausap
CHAPTER 25: I Wasn't There
CHAPTER 26: Escape
CHAPTER 27: Fade to Black
CHAPTER 28: Blade
CHAPTER 29: You are Not Alone
CHAPTER 30: Eight Words
CHAPTER 31: Morality

CHAPTER 04: What Goes Around, Comes Back Around

2.9K 138 112
By hanjhanjbeybe

WARNING: Contains bad and vulgar words.

NICCO

"BEE!" Agad kong tinawag si Jayla pagkapasok ko ng unit niya. "Jayla! Saan ka?"

Lumabas si Ate Mira mula sa kwarto ni Jayla. "Sir, nasa loob po si Ma'am, malapit na pong maubos kuko niya."

"Sige po. Salamat." Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at nakita ko si Jayla na nakaupo sa kama at kinakagat ang kuko niya. Naka-cross legs siya at nakaupo ng tuwid, sobrang elegante niyang tignan pero bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

"Jayla..." Tumabi ako sa kanya.

"Nicco." Nilingon niya ko at mas lalo kong nakita ang takot sa mukha niya.

Kinulong ko ng mga palad ko ang pisngi niya kasama ang buhok sa gilid ng mukha niya. "I'm sorry. I'm sorry, Bee." Hinaplos ko ang buhok niya. "Babalik ako sa shop, kakausapin ko 'yong technician."

"It's risky, Nicco. Anong itatanong mo sa kanya kapag bumalik ka doon? Anong sasabihin mo sa kanya?"

"Pero ayokong nag-aalala ka nang ganyan. Hindi rin ako mapapakali."

"I'm okay, Nicco. I just overreacted I guess. Ang OA ko ba to the point na pumunta ka pa dito? Sorry, Nico. I'm too sensitive. Sobra lang siguro akong nag-overthink kaya kung ano-anong negative thoughts ang pumapasok sa isipan ko—"

"Janica."

She paused and her lips started to tremble.

"Your feelings are valid. Hindi ka OA, hindi ka sensitive. Huwag mong maliitin ang nararamdaman mo."

"Nicco..."

Isinabit ko ang buhok niya sa likod ng tainga niya. "Hangga't maaari, kumalma ka muna. Sa isang araw na release ng result ng exam nating dalawa, hindi rin magandang madami kang iniisip."

Tumango siya.

"Dinner date tayo mamaya, dito na rin ako matutulog."

"Thank you, Nicco."

Muli kong hinaplos ang buhok niya at saka siya hinalikan sa noo.

I admit, I used to invalidate Jayla's feelings. I mean, matalino si Jayla. Sobra. Kaya dati kapag sinasabi niya sa'king kinakabahan siya kapag labasan ng results, palagi kong iniisip na nag-iinarte lang siya. Kahit si Storm, nang nalaman kong hindi siya sumasakay sa elevator iniisip ko noon na nag-iinarte lang din siya.

Pero nang nagtagal, nang na-realize kong wala ibang sinasabihan si Jayla na kinakabahan siya kung hindi ako lang, nang napansin kong hindi niya pinapahalata sa ibang tao ang kaba niya, nang nakita kong umiiyak na siya sa sobrang kaba, doon ko napagtanto kung gaano ako kagago.

Pwede ka palang kabahan sa exam kahit matalino ka, pwede palang matakot sa rides kahit malaki kang tao, pwede ka palang maging malungkot kahit ikaw ang joker ng tropa, pwede palang umiyak dahil sa binabasa mong kwento o pinapanood mong movie kahit lalaki ka.

Pwede naman pala.

Wala naman palang masama.

Normal lang pala 'yon.

Kasi tao ka.

Jayla thought me a lot of things, at hindi niya alam 'yon. Hindi niya alam kung anong magagandang bagay ang dinulot niya sa'kin. What would I do without her? Ni hindi ko ma-imagine ang isang buong araw na walang Jayla.

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya.

"I love you."

"Nicco naman, eh. Ever since na lang ang random mo mag-I love you."

Because I really do love her even in the most random moment.

I chuckled. "Halika nga dito." Marahan ko siyang hinigit at niyakap nang mahigpit.

KINAGABIHAN ay tinupad ko ang sinabi ko kay Jayla, nag-date kaming dalawa sa Firelight, isang bar and restaurant na located sa rooftop ng isang building sa Taguig. Nagpaalam din ako sa bahay na dito muna ko kay Jayla.

Hindi ko siya iniwan, palagi ko siyang pinapasaya tuwing naaalala niya iyong video. Pero dahil hindi rin ako mapakali ay tinanong ko na si Storm kung may napansin ba siyang kakaiba doon sa technician habang nasa CR ako. Nagtataka pa si Storm kung bakit ko tinatanong.

Nabanggit niya sa'king may babae raw pumunta sa shop at nakipagkulitan doon sa technician. Familiar daw sa kanya iyong babae, nakikita niya sa school na nakasuot ng Accountancy uniform. Umalis daw sandali ang technician at may ginalaw iyong babae sa table.

Dahil doon ay lalo na kong kinabahan kaya bumalik ako sa shop at kinumpronta na iyong technician at sinabing pinsan niya raw 'yong babae at palaging nangungulit sa shop nila.

Pero hindi ako makampante. Hindi ko na sinabi kay Jayla ang tungkol doon dahil baka lalo siyang mag-alala. Hanggang sa dumating na ang araw ng release ng result ng exam namin.

Gaya nang nakagawian ay magkahiwalay kaming pumasok ni Jayla sa school. Nasa tapat lang naman ng condo niya ang school namin kaya nilakad lang niya, ako naman ay nagsasakyan kahit malapit lang. Balak kasi naming umuwi sa bahay pagkakita ng results, para diretso na agad kami.

Pag-park ko ng sasakyan ay hinintay ko muna ang tatlo kong mga ugok na kaibigan: sina Storm, Stephen, at Mike.

"Kinakabahan na ko," saad ni Mike pagkarating nila. "Para kong natatae sa kaba."

"Kahit naman hindi ka kinakabahan mukha kang natatae!" banat ko kaya natawa iyong dalawa at si Mike naman ay sinimangutan ako.

"Hindi ka ba kinakabahan?" tanong niya.

"Hindi naman. Pumasa o bumagsak ang mahalaga nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Grade is just a number."

Natawa si Stephen. "Sabi mo bago mag-second year gagalingan mo! Tapos natapos first sem sabi mo babawi ka sa second sem. Tapos nang natapos second sem sabi mo ire-redeem mo sa sarili mo sa battery exam. Tapos pota ngayon 'grade is just a number?' Aba pota eh 'di shing?!

"Loko ka, ah!" Pinaikot ko ang braso ko sa leeg ni Stephen at dinala ko sa dibdib ko ang ulo niya, at pabiro siyang kinonyatan.

Napailing na lang si Storm at nangingiti habang nakatungo. Buti pa 'tong bagyo na 'to, sure pass. Kung si Jayla ang pinakamatalinong babaeng nakilala ko, si Storm naman ang pinakamatalinong lalaking nakilala ko.

Girlfriend at bestfriend ko matalino, ako pogi lang.

Nakita na kaya ni Jayla results nila? Alam kong kinakabahan siya sa result pero sigurado naman akong pasado na siya. Kumusta na kaya siya? Baka wala sa sarili 'yon dahil doon sa video.

"O, natahimik ka diyan bigla?" tanong ni Stephen.

"May iniisip ako."

"Ano?"

"Iniisip ko bakit mukha kang betlog!" saad ko bago tumawa.

"Mga ganyang bagay hindi na dapat pinag-iisipan. Hindi na dapat tayo nagtataka," sagot naman ni Mike na natatawa rin.

"Siraulo talaga kayo, ah!" Akmang babatukan kami ni Stephen kaya tumakbo kami ni Mike palayo at hinabol niya kami.

Katatakbo namin ay nakarating na kami sa building ng College of Science sa may ground floor malapit sa back entrance. As usual, maraming Med Tech students ang nagkukumpulan sa may bulletin board para tignan ang result ng battery exam.

Iyong mga pumapasa sandali lang magsasaya at sisigaw, at kapag nagtagal dadamayan na iyong mga hindi pumasa. Tapos nakita ko iyong ka-batch naming matalino na umiiyak dahil hindi nakapasa.

"Tangina, buy! Hindi nakapasa si Ella," sambit ko sa kanila.

"Sinong Ella?" tanong ni Stephen.

"Iyong matalinong maganda sa section D," sagot ni Mike.

"Sino 'yon?"

"'Yong malaki suso," sagot ko.

Nagulat ako nang tampalin ni Storm ang bibig ko, hindi ko namalayang nandito na rin siya. "Isusumbong kita kay Jayla," aniya.

Ano bang masama sa sinabi ko? Eh, malaki naman talaga boobs ni Ella.

Parang ngayon ako biglang dinapuan ng kaba. Kung si Ella nga hindi nakapasa paano pa ko? Kung kailang labasan na ng result saka lang nag-sink in sa'kin kung gaano kahalaga ang exam na 'to.

"Check na natin," saad ni Stephen.

Nakipagsiksikan kami sa mga ibang estyudyante sa may bulletin board maliban kay Storm na ayaw sa masikip. Naka-alphabetical ang list kaya agad kong hinanap ang pangalan ko.

CADIENTE, Niccolo John Alcazar

Nagsigawan at nagyakapan kaming tatlo nang nakita namin ang pangalan naming lahat. "Tangina niyong lahat, third year na tayo!" sigaw ko.

Sunod naming tinignan ay iyong top 10 bago kami lumayo mula sa bulletin board.

"Congrats, Storm! Top 1 ka, bruh!" sigaw ni Stephen sa malayo pa lang. Nakatayo lang si Storm sa isang sulok at nakatungo.

Pagkalapit namin sa kanya ay sinalubong namin siya ng tig-iisang kaltok sa ulo.

"Congrats din, Parekoy!" sambit ni Mike kay Stephen dahil top 8 siya. Kinaltukan din naming dalawa si Stephen.

Grabe, napapalibutan ako ng mga matatalinong tao. Mabuti na lang andiyan si Mike, may karamay ako sa pagiging bobo. Basta pumasa ko! Pumasa kami! Ayun naman mahalaga.

"Kakain daw muna kay na Kuya Bok sina Jayla, kain muna rin tayo," saad ko.

Pumunta kami sa sisigan at doon kumain. Hindi naman kami maaarte, kaya naming kumain sa kahit na saan kahit pa sabihing lumalangoy kaming apat sa pera.

Habang kumakain ay naalala ko ulit si Jayla. Nakakakain kaya siya nang maayos sa manukan? Baka mamaya isip nang isip 'yon tungkol sa video hindi na siya makakain nang ayos, hindi na siya makausap nang matino ng mga kaibigan niya.

"Natulala ka na naman?" tanong ni Stephen.

"Naisip ko lang, bakit ang kalabaw kapag namatay nilalangaw, pero ang langaw kapag namatay hindi kinakalabaw?"

"Tangina mo talaga, wala kang kwentang kausap."

Natawa lang ako kunwari pero sa totoo lang nag-aalala ko para kay Jayla. Halata namang hindi siya okay nang naghiwalay kami papuntang school. Parang kahit anong pag-aalo ko sa kanya hindi mapalagay ang loob niya tungkol doon sa video.

Ilang minuto pagkatapos mag-text si Jayla na tapos na silang kumain ay umalis na rin kami. Pagbalik namin sa building ay laking pagtataka namin nang may mga grupong nagkukumpulan na para bang may tinitignan sa phone nila.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Anong meron?" tanong ni Mike kaya napatingin sa'min lahat...sa akin. "Bakit sila nakatingin sa'yo, Nicco?"

Jayla...

Pinuntahan ko ang isang grupo at hinablot ang hawak na cellphone no'ng isa. Nakuyom ko ang kamao ko at nagngalit ang mga ngipin ko sa galit nang nakita ko ang pinapanood nilang video.

It was our video.

Napasinghap ako nang pigilan ko ang luhang namumuo sa mga mata ko. Sa sobrang galit ko ay ibinato ko ang phone. Napamura iyong may-ari ng phone at kwinelyuhan ako.

"Bakit mo binato 'yong phone ko?!"

Pinuntahan kami ng tatlo kong kaibigan para awatin kami.

"Saan mo nakuha 'yang video?! Sinong nagpasa sa'yo niyan?!"

"Gago ka ba?! Pinagpapasa-pasahan na ng kung sino 'yan! Madami nang nakakita sa katawan ng syota mo!"

"Putangina mo!" Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko at saka sinalubong ng kamao ko ang makapal niyang mukha, dahilan para bumulagta siya sa sahig.

Akmang sisipain ko pa siya pero naawat na ko nina Stephen.

"Tangina mo, gago ka! Mamatay ka na!" Tuloy ako sa pagsipa kahit hindi tumatama sa kanya. Nakasabit sa magkabilang kili-kili ko ang dalawang braso ni Stephen para pigilan ako.

"Ikaw ang gago kasi kinuhanan mo ng video girlfriend mo! Tignan mo produkto ng kagaguhan mo!"

Tinignan ko ang paligid at lahat sila nakatingin sa'kin habang hawak ang mga phone nila. "I-delete niyo 'yan mga putangina niyo papatayin ko kayong lahat!"

"Nicco, tama na!" giit ni Stephen.

"Eh, putangina ng mga 'to, eh!"

"Nicco..." Napatingin ako sa kay Storm na seryosong nakatingin sa'kin. "I think I know who spread the video."

I blinked. "Sino?"

"Baka iyong pinsan ng technician, but...it's just a hypothesis—teka, saan pupunta?"

Hindi ko na pinatapos si Storm dahil agad ko na siyang hinila papunta sa building ng Accountancy. Wala kong pakialam kung babae man ang nagkalat nito, lagot talaga siya sa'king hayop siya!

"Teka lang, Nicco. Sandali. Hindi ako sigurado kung siya nga!" sigaw ni Storm habang hinihila ko siya. "Masamang mambintang, Nicco. Bawas ligtas points sa langit kapag nambintang tayo—"

Napahinto kaming dalawa nang marinig namin ang commotion mula sa ground floor ng Accountancy building.

"Hindi ka lang pala sa Acads magaling 'no? Magaling ka rin sa kama?" Boses ng isang babae. "Oops. Hindi nga pala sa kama 'yon, sa sofa at sa sahig!"

Nakarinig ako ng tawanan.

Sigurado akong si Jayla ang pinagtatawanan nila ngayon! Sa tindi ng galit ko ay pinanggigilan ko ang palapulsohan ni Storm. "Aray, buy! Masakit!

"Fuck you!" sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga kaibigan ni Jayla.

"Oh! I'm a woman, pero minumura mo ko? Bakla ka ba?" sigaw ulit no'ng babae.

"Luh? Double standard naman 'yon," bulong ni Storm bago ko siya hilahin ulit.

"Teka lang, Nicco! We don't even have an evidence that it's really the technician's cousin. If you only told me that you're protecting a video from that phone while we're in the shop, tumabi na sana ko doon sa technician habang ginagawa phone mo. Hindi ko naman kayo huhusgahan ni Jayla, eh. Nicco, ayaw ko na. Natatakot na ko, uwi na ko sa Mindoro. Lalangoy na lang ako do'n—"

"Hypocrite!" boses ni Sabrina, iyong bulilit na bestfriend ni Jayla.

"What did you say?"

"And now dahil ikaw na ang apektado, pinagtatanggol mo na 'yang pagkababae mo? Pero no'ng ibang babae ang apektado, halos ibaon mo na sa lupa sa sobrang pamamahiya. You only empower women when it's convenient for you. And that is totally fucking gross!"

Wow.

Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil huminto rin sa paglalakad si Storm kaya nilingon ko siya. "Hoy! Anong problema mo—"

Nakita ko na lang na nakatulala siya habang nakanganga at namumula ang tainga. Tangina anong nangyari dito? "Huy, Storm?! Ano na?! Tara na!"

"Do you know her?" mahina niyang tanong. "Iyong nagsalita?"

Tanginang 'yan! Tinamaan pa ata si gago kay Sabrina! Baka lalong kiligin itlog nito kapag makita niya kung gaano ka-cute at kalaki ang boobs ng bulilit na 'yon.

"Kapag sinamahan mo ko, ilalakad kita sa kanya! Kahit igapang pa kita! Tara na, buy!"

Hindi ko na siya kailangang hilahin dahil kusa na siyang sumama sa'kin. Magkaibigan na kami ni Storm mula first year College, first time ko lang siyang makitang nagka-interes sa babae.

"Excuse me! Kung may gross dito, hindi ako 'yon! Kung hindi 'yang kaibigan mong pokpok!" sabi ulit no'ng babae.

"Siya 'yon. Siya 'yong nakita kong nangingialam sa gamit ng technician," bulong ni Storm.

Biglang nagkuyom ang kamao ko.

"Jayla!" tawag ko sa girlfriend ko nang makalapit na kami. Agad ko siyang sinalubong ng yakap.

Fuck! This is all my fault!

Samu't-saring bulungan ang narinig ko pagdating ko.

"Nice one, tol!"

"Hindi lang pogi, daks pa."

"Buti na-deep throat ni Jayla 'yon!"

"Ganyan talaga kapag pokpok, sanay na!"

Biglang kumulo ang dugo ko sa mga narinig ko pero hindi ako makapag-react nang ayos dahil sa totoo lang, nanonood din ako ng mga scandal. Pero ngayong sa amin ni Jayla nangyayari, para kong biglang nauntog at natauhan.

Lumunok muna ko bago magsalita. "Tumigil na kayo! Delete the video or kakasuhan namin kayong lahat!"

Sa halip na masindak ay tinawanan lang ako ng mga estyudyante dahilan para manlambot ako. I should be protecting Jayla! I should be strong for her! Pero bakit pakiramdam ko ay nanghihina ako at walang magawa?

"Let's go, Bee," aya ko sa kanya.

Aalis na sana kami pero ang dami pa ring dinadakdak noong babae kaya napahinto sa paglalakad si Jayla at ang mga kaibigan niyang lalaki, dalawa lang sila ni Sabrina na babae sa kanilang magkakaibigan.

"Tara na, Bee," bulong ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko lalabanan iyong babaeng dumadakdak, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa mga nangmamata kay Jayla.

Pero nagulat ako nang biglang pumunta si Sab sa CR at may dala ng timba paglabas. Ibinuhos niya iyong laman ng timba doon sa babae. "Ang dami-dami mong sinasabi, ghorl. Masyado kang nagmamalinis kaya ayan, binuhusan kita ng tubig hoping na ma-wash away 'yang sariling dumi at baho mo."

Napalunok ako. Pakiramdam ko ay naapakan ang pride ko. Ako dapat ang nagtatanggol kay Jayla, ako dapat ang gumawa niyon pero hindi ko magawa dahil kahit ako mismo, aminado akong gago ako.

Dahil isa ko sa mga gagong lalaking nanonood ng mga scandal. Isa ko sa mga nanghihingi ng link kapag may scandal at nagpapakalat ng link na iyon. Isa ko sa mga gagong lalaking nag-masturbate habang nanonood ng mga scandal. Isa ko sa mga lalaking nagsasabi ng "Kasalanan nila 'yan. Bakit nila v-in-ideo-han?" Isa ko sa mga gagong lalaking pinagnanasaan at hinahamak iyong mga babae sa scandal.

At ngayong video namin ang pinagpapasa-pasahan, ngayong si Jayla ang hinahamak nila sa kabila ng pagiging mabuti niyang tao, pakiramdam ko ako ang binuhusan ni Sabrina ng malamig na tubig.

Tinignan ni Sab ang mga kalalakihan sa paligid namin. "And kayo naman, you validate your manliness by getting pleasure from nudes that are leaked without consent? That is so shallow!"

I'm sorry, Jayla.

I'm sorry to all the women from the leaked sex videos I watched.

"If at this age, hindi niyo pa rin naiintindihan ang salitang consent, and if leaked videos like this still excites you, maybe you all need to grow up. Ang dami-daming websites, ayang walang consent ang pinagpyepyestahan niyo. Ang second rate niyo!"

Yes, Sab. Second rate ako, and I really need to grow up.

Pumikit ako nang mariin para pigilan ang nagbabadya kong luha.

Bago kami tuluyang umalis ay isinaklob pa ni Sab ang walang lamang timba doon sa ulo ng babae at saka kami tumakbo palayo.

Hinihingal kaming lahat pagdating sa parking area. Agad kong niyakap nang mahigpit si Jayla. "Are you okay? I'm sorry. This is all my fault. We shouldn't have filmed that."

"Wala kayong kasalanan," sambit ni Derek, isa sa mga kaibigan ni Jayla.

Napahiwalay kami sa yakapan ng isa't-isa.

"Private video niyo 'yon, eh. Sa inyo lang dapat 'yon. Ang may kasalanan dito iyong nagkalat because that's invasion of privacy," Derek continued.

No, Derek. Malaki ang kasalanan ko. Hindi lang kay Jayla kung hindi sa lahat ng mga naging biktima.

Napalibutan si Jayla ng mga matitinong lalaking kaibigan, pero sobrang gago naman ng boyfriend niya.

Matapos ikwento ni Storm ang nangyari sa shop ay nalaman kong Cherry pala ang pangalan noong nagpakalat ng video. Kapwa babae pa niya ang nanghila pababa kay Jayla.

Nang napagpasyahan naming umuwi ay sumakay na sila sa sasakyan ni Travis, isa sa mga kaibigan ni Jayla. Si Storm naman ay umuwi sa dorm niya, at kami ni Jayla ay sumakay na sa kotse ko.

Tahimik lang kaming dalawa, tanging tunog ng aircon lang ang nagsisilbing ingay. Nanginginig rin ang mga kamay kong nakahawak sa manibela kaya hindi ako makapag-start.

Hanggang sa binasag ng hikbi ni Jayla ang katahimikan. Iniyak niya lahat ng luhang kanina pa niyang pinipigilan.

At wala akong magawa.

I cleared my throat. "I'm...I'm sorry." Pumiyok ang boses ko at malakas na hikbi rin ang tumakas mula sa bibig ko.

"I'm sorry, Janica," mahina kong sambit bago ko i-ub-ob ang ulo ko sa manibela.

I'm sorry. Kinailangan pang sa'yo mangyari 'to bago ko mapagtanto ang lahat ng kagaguhan ko. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...