12 (Part 1)
"You may go now. Class dismissed."
Yeheyy! Salamat naman at natapos na ang araw. TGIF! Walang pasok bukas, sa wakas! Agad na lumapit sa akin si Shawn, mauuna na daw silang aalis kasi kakain pa sila ni Jace. Kahit kelan talaga, wala na yang ibang ginawa kundi kumain. Kaya naman nataba ang cheeks ni Jace eh. Hihihi~ ^^ Sarap kurutin.
Aalis na din sana ko nang may makita akong tulog sa desk niya.
Sino pa ba?
"Uy, Alferez! Gising na huy!! Tapos na klase!" sabi ko sakanya, with matching yugyog. Kaso, tulog-mantika ata 'to eh. Hindi nga nagalaw. -__________-
"KEITH GISING NAAAA!!" sumigaw pa ako sa tenga niya pero waley effect. Buhusan ko kaya 'to ng tubig? HAHAHA What a nice idea.
But... wala talaga. Hayyy. Iwan ko nalang kaya 'to? Tutal sakanila naman 'tong school na 'to. Siya ang batas. Kaso hindi pwede, baka kwestyunin ako ng Stanville Army, mahirap na mga bhe.
Kumuha ako ng upuan at pinukpok yun sakanya.
HAHAHA dejk. Kinalampag ko lang yun habang sumisigaw na gumising na siya. Nakaka-wapoise na nga 'tong ginagawa ko eh.
*ting!
Bright idea!
"SUNOG! OH MY GOD MAY SUNOG!! TULUNGAN NIYO KAMI! KEITH GISING NA! MAY SUNOG OH! MASUSUNOG YANG BALAT MO, KEITH! AAAAAHHHH~~!' shet lang! Buti nalang walang tao kundi baka isipin nila na tinakasan na ko ng bait. Kasalanan 'to ni Keith eh!
Pero... kunting push pa, Carmille!
*ehem. "SUUUUUNNNOOOOG~~!! WENG-WENG-WENG~ SUNOOOOOG! MAY SU---XANDER?!?!" napatigil ako kaagad.
"What the hell were you doing?" kalmadong tanong niya, he was standing at the door with cellphone on his hands.
Spell nakakahiya. >///< Nagsusumigaw ako dun, with matching frantic acting tapos bigla akong makikita ni Xander.. Eh di mas hindi niya ako neto papaboran na maging kaibigan nila. At ang mas malala neto, baka vinideo'han niya pa ako. Peste siya! Huhuhu
"G-ginigising ko lang si Keith. Hehe." I told him. Nahihiya talaga ako sakanya! Huhuhu. Sa tindig niya palang, parang mas may poise pa siya kesa sakin. Grabe na itoooo!
He just rolled his eyes at me, then he headed for Keith.
Tinapik niya lang si Keith sa balikat then...
"Mmm?" iminulat na ng mahal na prinsipe ang kanyang mga mata. "Xander, bakit? Ano oras na?" nahimasmasan na tanong ni Keith.
SHETE NAMAN OH! YUN LANG NAMAN PALA ANG KAILANGAN KONG GAWIN EH! ANG TAPIKIN SIYA! HUHUHU. LORD, BAKIT BA HINDI KO YUN AGAD NAISIP?! SAAN BA KASI NAPUNTA YUNG UTAK KO? TUMAMBAY ATA SA BABA NI JHOPE O KAYA SA ILONG NI JUNGKOOK. HUHUHU
Tunganga lang ako dun, nahihiya pa rin ako sa mga pinaggagagawa ko kanina.
"It's time to go home. Tara na." seryosong sagot ni Xander.
Ay bastos? Pagkatapos kong umacting ng bongga, iiwan lang nila ako? Oh sige na! Sila na BFF! Leshe! Aalis na din sana ako ng biglang magsalita si Xander.
"Sumabay ka na rin samin, Ms. Sunog." then he smirked.
Nanlaki ang mga mata ko. LESHE KA, XANDER AQUINO! MAGSAMA KAYO NI ALFEREZ! Hindi na talaga ako nagtaka na magkaibigan sila. -______-
"Sunog? Bakit sunog?" nagtataka namang tanong ni Keith. Palibhasa puro tulog kaya walang alam. Pero, teka! Mas okay na wala siyang alam. Mas aasarin ako neto eh!
"H-huh? Ah.. eh.. w-wala lang y-yun. Hehe. Kung a-ano k-kasi pinagsasabi ni Xander eh. Hehe. W-wala talaga. Sus! HAHA." kinakabahan kong sabi.
"You don't have swag when you're lying, Carmille." naka-pokerface na sabi ni Keith. Swaeg daw! Arte mo!
"Pake mo ba, Keith? Matulog ka nalang nga, tutal dun ka naman magaling!" I snapped at him.
"Pake mo rin ba kung nakatulog ako!" depensa niya naman.
"Hoy, Keith! Pwede ba-asdfghjkl qwertyuiop zxcvbnm" hindi na klarado yung mga pinagsasabi ko. Tinakpan kasi ni Xander yung bibig ko gamit yung kamay niya.
SHET! NASA LIPS KO YUNG PALAD NIYA!
He leaned closer to me. "Shut up, will you?" Ang bango po ng hininga niya. *faints. Yung totoo? Kumakain ba 'to ng toothpaste at umiinom ng pabango? Grabe lungs.
"Let's go." sabi niya. Inalis niya yung kamay niya sa bibig ko, leaving me speechless and blushing at the same time. Tapos hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako.
Holding hands mga bhe! Grabe na ang feels ko. Papatayin na ako ng mga fans ni Xander (Jin) neto. -________- Gusto kong magwala ngayon, nikikilig ako! Kasi perstaym na may naka-holding hands akong gwapo. Ay hindi naman pala! Kasi may nakakaholding hands naman akong gwapo tuwing Our Father sa simbahan. Ajujuju.
At since kinakaladkad niya ako, wala akong magawa. Ang higpit netong humawak eh! My precious hand!
Nasa hallway na kami ng biglang tinawag ni Keith si Xander.
"Hyung!"
Xander looked back, hawak niya pa rin ang kamay ko. Nakapamulsahan lang si Keith.
"Hindi ako sasabay sainyo."
"Why?"
Hindi sumagot si Keith. Napatingin siya sa magkahawak naming kamay ni Xander. Hindi niya inalis ang tingin niya sa mga kamay namin, tapos napangiti siya ng mapait.
"Tss." then Keith walked away.
The fuck is wrong with him? Iwan ba naman ako sa ere kasama ni Xander? Eh hindi naman kami close netong ni Aquino! Tsss. Bahala na nga!
Naglakad nalang kami ni Xander papuntang parking lot.
(KEITH's POV)
I walked in the opposite direction. Hindi ako sasabay sakanila Xander and Carmille. Kaya ko namang mag-isang umuwi. Why? Because I got swag. Nasa labas na ako ng school grounds ng may tumawag sakin.
Who the hell is that?
"Keith!"
I turned around, surprised to see Carmille.
"What're you doing? Di ba sabay kayo ni Xander? Dun ka lang!"
"Uhh.. eh, oo sana."
I raised an eyebrow at her. Ano kailangan ng babaeng 'to? Inirapan ko nga.
"Then?"
"Nakita mo namang hindi kami close nung tao eh! Tapos iiwan mo ko dun. Ogag ka talaga kahit kelan." she explained while wiping the sweat on her forehead.
An idea crept into me.
"Anong ini-imply mo? Na close tayo?" I smirked at her then looked away. Natutuwa kasi ako kapag nakikita siyang nagbblush, baka hindi ako makapigil at makurot ko siya.
"P-pwede ba, Alferez! Wag kang feeler ha?" mej nauutal pa nga siya eh. Lalo pa siyang namula.
I just looked at her then tumalikod na para makauwi. Baka kasi ma-stress ang swaeg ko dahil sakanya. Then I realized, nakabuntot pala sakin 'tong babaeng 'to.
"Stalker ba kita? Bakit ka sumusunod?" irita kong tanong sakanya.
"Keith, tanga ka ba o tanga lang? Kita mo nang mas gusto kitang kasama kesa kay Xander eh!" dire-diretso niyang sabi. Tapos bigla niyang tinakpan yung bibig niya. Shocked ata sa mga nasabi niya.
Nginitian ko lang siya. Then somehow, yung nafeel kong uneasiness nung nakita kong magkahawak-kamay sila, biglang nawala.
Shit. Ano bang sinasabi ko? Natutunaw na ang swaeg ko.
[a/n: You ask: Ba’t maikli ang update? AKO: Swaeg~! *sabay pose.
Kumusta ang POV ni Suga babes? Comment. Vote. Share. WAG NIYONG I-READZONE SI SUGA BABY. XD hahaha]