AGS 1: The Love Investment (P...

LenaBuncaras द्वारा

314K 16.3K 3K

Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury s... अधिक

The Love Investment
1. The Old Flame
2. The Gambler
3. Flying Chances
4. The Investor
5. The Intention
6. The Good Offer
7. Busy Bees
8. The Bodyguard
9. The Tuna
10. Unexpected Visitor
11. Occasional Intimacy
12. Hatred
13. Grown-Up
14. The Bargain
15. Emotionless
16. The Dream Man
17. Guarded
18. Missing
19. Consistency
20. Let Go
21. Fear of Falling
22: The Marriage Proposal
23: Wounded Armor
24: Family Problems
25. Momster
26. First Guest
27. The Minor Fall and the Major Lift
28. Mr. Right
29. The Toy
30. The Weirdo
31. The Soon-To-Be Husband
32. Argument of the Day
33. The Client
34. Skeletons in His Closet
35. Beautiful Dilemma
36: Shoulder to Cry On
37: Tragic Wedding
38. Til Death Do Us Part
39. For Better or For Worse
40. Ivory Meadows
41. The Toy Museum
42. Almost Married
43. Hide and Seek
44. Divine Intervention
45. The "Wedding"
46. She's the Boss
47. Security Check
48. Oldie Issues
49. Wingmen
50. Barkada Trip
52. Biggest Loser
53. Tipsy
54. Mad Wife
55. The Bride
56. The Photoshoot
57. Agitation
58. Beautiful Sunset
60. Betting Game
61. Jealousy
62. Hidden Desires
63. Fallen Inamorato
64. Insecurities and Invalidation
65. Malevolent Mum
66. The Father's Deal
67. Reconcile
68. The Spoiled Siblings
69. Lucky Charm
70. The Benevolent Aunt
71. The Dardennes
72. The One
73. Family Breakfast
The Wedding . . . Again
TLI Book Excerpt

51. Alpha Male

3K 209 34
LenaBuncaras द्वारा


PITO KAMING babae, anim silang lalaki na mago-occupy ng rest house nang buong weekend. And what surprised me was the truth na ang taken lang sa aming trese—na alam nila—ay sina Will, Leo, Calvin, Rico, Wynn, Shai, at yung lesbo couple na sina Ivory and Heaven.

Ivory and Heaven didn't look like the butch and hottie couple kaya hindi ko rin napansin kung hindi nila inamin. Naka-pixie cut si Ivory and chest-length, blonde-dyed hair naman si Heaven. Pareho pa silang naka-floral maxi dress, so how would I know? Ang ganda nilang dalawa!

Sina Clark, Patrick, Rox, Tammi, saka ako ang mga "single" daw. But even us doubt that label dahil alam na alam ko namang ilan lang sa amin ang kayang matulog nang mag-isa sa kama tuwing gabi at mag-isa pa rin pagdilat sa umaga. Lalo na yung dalawang lalaki na binabangungot yata kapag walang katabing babae every night.

Mga hindi pa raw nagsisipagkain ang karamihan sa amin kaya talagang nagkagulo ang lahat sa paghahanda ng lunch. Naghiwalay ang girls and guys ng puwesto. As usual, Rico is the manager—na lihim kong tinatawanan dahil sobrang stressed niya talaga sa pagmamando sa barkada niyang ingredients pa lang, pinapapak na.

"Clark! Ubos na! Ano pang lulutuin?" dinig naming sigaw ni Rico mula sa kabilang table.

"Sorry na, Daddy Rico," pa-cute na sinabi ni Clark tapos niyakap mula sa likod ang asawa ko sabay tawanan ng grupo nila.

"Kapag kayo pinalo niyan ng metal rack," gatong pa ni Calvin.

"Pakiabot nga, Vin," utos ni Rico sa seryosong boses niya. "Kanina pa 'yan. Pinakikialaman ang ginagawa ko. Naiirita na 'ko."

Takip ako nang takip sa bibig ko habang pinanonood siyang manermon.

Gigil na gigil si Rico sa barkada niya, nakakaloka. If there's something na puwede ko talagang katakutan sa kanya, malamang na 'yan na 'yon. Hindi pa naman siya nananakit, pero para siyang nanay na namamalo ng kamay kapag may gumagalaw ng hinahanda niyang pagkain. Kapag sumisimple pa naman sina Calvin ng dakot ng peanuts sa mangko, susundan agad niya ng tingin na para bang maghahamon siya ng saksakan kung itutuloy nila ang pang-iinis sa kanya.

Hindi ko siya pinakikialaman kapag nagluluto siya. Nanonood lang kasi ako. At ayoko rin naman kasi ng kinakawkaw ang pagkaing hinahanda ko kasi madaling masira.

Nilibot ko ang tingin ko and I saw Will, Heaven, and Tammi na panay ang kuha ng pictures and video mula pa kanina.

Si Rico si "Master Chef" at siya lang talaga ang maaasahan nila sa pagtimpla ng pagkaing iluluto. Although some of us girls can cook, mas may tiwala raw silang lahat kay Rico when it comes to preparation kaya hotdogs and drinks na lang ang ipinahanda sa amin.

Naka-ready na ang grill at may ilan nang nakasalang sa ihawan na binabantayan naman nina Patrick at Rox. And I smelled something between the two of them mula pa kaninang pagpasok namin sa rest house. I dunno, o baka overthinker lang ako.

"Ang cute talaga ni Clark," natatawang sinabi ni Wynn habang nakikita ang Alabang Boys sa kabilang table. Higit limang metro din ang layo namin sa kanila. Nasa lilim kami habang nasa tirik na araw ang boys. Wala naman silang reklamo sa init. Mga nagsipag-alisan pa nga ng mga top.

Wala talagang tapon sa kanilang barkada. Kanya-kanyang flex ng muscles and biceps. As usual, Rico the KJ kept his daddy look—eyeglasses, loose white tee, at pambahay na shorts—habang ang buong barkada niya, mga naka-boardshorts at proud na proud sa well-toned bodies nila.

"Patrick pa rin ako," sabad ni Heaven.

"May new tat pala si Calvin sa left shoulder niya. He looks so hot ngayon," sabi ni Shai.

Yes, aminado naman akong hot talaga si Calvin sa thorned rose tattoo niya sa balikat. And since he has nice light brown skin, kapag napawisan siya, mas lalong umaangat ang cuts niya kapag inuunat niya ang katawan. Kahit nga lang titingin sa braso para magpunas ng uling na ipinahid ni Clark sa kanya, ang hot pa ring tingnan.

"Si Clark, sobrang kulit," sabi ni Wynn. "Kaya laging pinagagalitan ni Ronie, e."

I never heard a word from them na pinuri nila si Rico like he's so hot, he's so gorgeous today, he's so guwapo, or something good. Palaging nasa negative like galit na naman si Ronie, naiinis na naman si Ronie, pinagagalitan na naman ni Ronie ang barkada niya. Halos lahat ng naririnig ko, para bang sanay na sanay silang aburido si Rico.

Well, it looked like he really had a good source of headache this afternoon kasi kung si Clark ba naman ang mangulit nang mangulit, kahit din naman ako, mababato ko talaga siya ng butcher's knife.

"CLARK! ANO BA?"

Pare-parehas kaming nanlaki ang mga mata nang umalingawngaw ang nakakatakot na sigaw ni Rico sa kabilang mesa. Even sina Will na nasa kabilang dulo ng pool at nagse-selfie, natigilan at napalingon din sa kanya.

Akala namin, itataob na ni Rico ang folding table na pinagpapatungan ng mga hinahanda niya.

Hindi namin alam kung matatawa ba o matatakot kasi galit na talaga si Rico at halos mamula na ang mukha niya sa initan, pero si Clark, ayun at tangay-tangay ang pack ng peanuts at dahan-dahang isinusubo ang kadadakot lang niya. Para bang hinihintay kung lalong magwawala si Rico kapag naisubo na niya ang ipinagpuputok ng butsi nitong isa.

Ibinalibag ni Rico ang hawak niyang kutsilyo sa mesa, at halatang marunong siyang humawak n'on dahil bumaon sa sangkalan ang tusok para makatayo 'yon doon. Humalukipkip siya at sinukat ng tingin si Clark. Halatang pikon na pikon sa kagagawan nitong isa.

Mukha namang hindi sila magkakainitan. Natatawa na lang kasi sina Calvin sa paligid.

"Ito si Clark, buti hindi pa 'to ginigilitan ng leeg ni Ronie," natatawang sinabi ni Wynn kaya nilakad ko na ang kabilang mesa para umawat.

"Hey, pahingi ng peanut," entrada ko.

Lalong natawa sina Patrick na nag-iihaw sa malapit kung saan tanaw ang overlooking ng beach sa di-kalayuan.

Ang sama ng tingin ni Rico kay Clark bago marahas na hinalbot 'yon sa kamay nitong huli. "O!" galit niyang sabi sabay abot sa akin ng hinihingi ko pero ayaw talagang alisin ang masamang tingin kay Clark.

"Galit ka?" tanong ko at pinipigilang tumawa.

Tiningnan ako ni Rico at ang naiinis niyang tingin, nagpapahiwatig ng tanong kung seryoso ba ako sa tanong ko.

Dumakot ako ng peanut sa malaking pouch gaya ng ginawa ni Clark kanina at saka sinubo 'yon. "Galit ka?"

"Jaesie," seryoso niyang babala na para bang pati ako, sisinghalan na rin niya.

Naririnig ko ang pagpigil ng tawa nina Patrick. Gusto kong batuhin ng mani kasi natatawa na rin ako sa mukha ni Rico. Ang KJ pala talaga nitong taong 'to, hindi ko naman inaasahan. Hindi ko kasi siya napapansin dati kasi iba kami mag-usap at iba siya magalit kapag kami ang nag-aaway.

"Chill ka lang," sabi ko. Tiningnan ko sina Clark. "Iwan n'yo muna rito. Ako na ang tutulong. Baka manaksak, e."

Bigla silang nagtawanan. Natawa rin tuloy ako.

"Ha-ha-ha," sarcastic na pagtawa ni Rico dahil napagtutulungan namin siya.

"Sige na," pakiusap ko kina Clark.

"Okay," natatawang sinabi nina Clark at nagsilipatan sila sa puwesto kong naiwan doon sa lilim.

Naiwan pa rin si Patrick sa ihawan para asikasuhin ang niluluto roon. Tinabihan ko si Rico sa kaliwa niya at ang sama talaga ng timpla niya. Padabog niyang kinuha ang nakatayong kutsilyo saka ipinagpatuloy ang paghihiwa niya sa remaining ingredients ng marinade na ginagawa niya para sa barbecue later this night.

"Galit ka?" tanong ko ulit habang sinisilip ang mukha niyang pikon na pikon pero nagtitimpi na lang.

Wala siyang isinagot. Tahimik lang siya.

Si Clark kasi. Kaya nga bad trip na bad trip ako sa isang 'yon, ganito katigas ang ulo to the point na nakakairita na.

"Natakot ako kanina sa sigaw mo. Akala ko, tatagain mo na sa leeg si Clark," mahina kong sinabi habang tinutulungan siyang timplahan ang nakalagay sa malaking transparent dishware kung nasaan ang iba-barbecue. "May cayenne na 'to?"

Walang salita kay Rico, umiling lang para sabihing wala. Ano ba 'to? Nagtatampo? Bakit? Kasi inaaway namin siya? Hala!

"Galit ka talaga?" tanong ko na naman habang sinisilip ulit ang mukha niya. Nakayuko lang siya sa hinihiwa niya, ayaw mamansin.

Hindi ko alam kung kakabahan o matatawa. Nagtatampo ba talaga 'to? Paano ko 'to susuyin? Hindi nga alam ng barkada niya na asawa ko siya. Haharutin ko ba 'to sa harapan nila? Dala ba niya ang dino plushie niya sa maleta? Ibigay ko kaya si Mr. D para kumalma siya.

"Psst, Mr. Dardenne, nagtatampo ka?" natatawa ko pang tanong na hindi niya sinagot. Nagpatuloy lang siya sa paghihiwa at isinunod ang malalaking bell pepper para sa kebab.

Hala! Ano? Hindi niya ako iimikin?

Bahala siya, si Patrick na lang ang iimikin ko.

"Ayaw mo 'kong kausapin? Si Patrick na lang ang kakausapin ko. Pat!"

"Yes?"

"Diyan na lang ako. Tulungan kita."

"Go on!"

Ang kaso, bago pa ako makahakbang, biglang inangkla ni Rico ang braso niya sa baywang ko saka ako idinikit sa kaliwang gilid niya. Pagtingala ko sa kanya, nakalingon siya kay Patrick na isa ring naging biktima ng tingin niyang mas mainit pa sa ihawan.

Nandidilat ako habang palipat-lipat ang tingin kay Patrick na nakataas ang magkabilang kamay hawak ang tong para sumuko tapos kina Clark na natigilan sa pagpapak ng hotdog at marshmallow, at kina Will na kami na ang kinukunan ng picture mula sa kabilang panig ng pool.

O . . . kay?

Saglit kaming natigilang lahat. Feeling ko, huminto ang Earth habang nakatitig sa amin ni Rico. Pati paghinga ko, saglit ding tumigil at walang ibang rumerehistro sa akin kundi ang smoky flavor ng barbecue na niluluto ni Patrick.

Binitiwan na rin ako ni Rico saka niya kinuha ang white face towel na nakasampay sa balikat niya bago itinakip sa ulo kong nagsisimula nang mabilad sa init. Walang salita niyang ipinagpatuloy ang paghihiwa sa green bell pepper sa mesa pagkatapos.

Mabilis kong kinagat ang labi ko habang nagpipigil ng ngiti dahil sa ginawa niya. Hindi ko na rin tinangkang lapitan si Patrick.

Ako, kinikilig. Sina Clark, hindi ko lang alam kung bakit kung tingnan ako, parang may ginagawa akong mali kasama si Rico.

Sina Clark, puwede ko pang isiping baka nagseselos lang sa barkada nila. Pero sina Wynn? Parang nagtataka sila. Klase ng pagtataka na may duda.

Well, I couldn't blame them. Hindi pa nila alam na kasal kami ni Rico. And since ayaw aminin ni Rico na asawa niya 'ko, hindi ko na alam kung paano ida-drop sa lahat na husband ko siya. Sobrang awkward kasi talaga.

Napansin nilang mas productive si Rico nang hindi siya iniistorbo. Mas mabilis natapos ang pagluluto nang kaming dalawa na ang nag-handle ng iba pang meal maliban sa pag-iihaw.

Hindi naman sa nagpapaka-KJ kaming dalawa kaya iniwasan namin ang happy-happy moments sa food prep, pero kasi talagang ayaw naming pareho ni Rico na binababoy ang pagkain, lalo pa't nasa food industry kaming pareho. And I guess his friends understand kung bakit gigil na gigil siya kapag nilalamutak ang hinahanda niya.

The dining area of the White House is really for groups, but not enough to cater to thirteen people. That was why some of us needed to sit somewhere aside sa table. Ang ending, walang naupo sa may table, nagkanya-kanyang hatak kami ng upuan at kain nang nakatayo ang iba.

Rico ate along veranda, hawak niya ang paper plate na puno ng laman. Ginawa ko namang countertop ng paper plate ang mababang marble balustrade na bakod ng main house—kahilera lang din ng sinasandalan ni Rico. Kaharap ko si Wynn na hawak-hawak ang paper plate niya habang nag-e-enjoy sa barbecue.

Rico's barkada is full of handsome, rich boys. And I quote the "boys" part since sobrang rare lang nilang maging man. Even Rico has a childish side, and I should know that better lalo na kapag nasa toy museum niya kami.

Iisa-isahin ko sana sila pero hindi ko talaga maiwasang tingnan si Ivory na sobrang lagkit ng tingin sa girlfriend niya. Nagsusubuan sila ng pagkain sa kabilang side ng veranda. And Heaven's smile was radiating brighter than the two p.m. sun.

Medyo naiinggit ako kasi minsan si Rico, kapag kumakain kami, isusubo na lang niya, ibibigay pa sa akin. Ang kaso, ilang metro ang layo namin at kumakain siya sa sulok mag-isa. Para siyang alpha wolf na nakabantay sa buong pack niya from afar. And if there's something we need, he will point it out from his position at makikita na namin. I'm strict, pero mas strict siya. Now I understand why they don't romanticize him like they, or we, did to his other barkada. Hindi kasi siya kasing-jolly nina Clark—especially Clark.

"Dude, have you seen the latest car na release ng Audi?" tanong ni Patrick sa kahit sino sa kanila. He really is a car guy. He loves to race, so he buys expensive cars. I can tell his likes and dislikes—sort of.

"That's so dope! I'm planning to buy next week sa releasing!" Calvin replied.

"Dude, that's so mahal," sagot ni Rico at napatingin agad ako sa kanya. May Audi kasi siya, and that car was enough to franchise my café.

"Dude, we know what 'mahal' means to you," sagot ni Patrick. "You can buy a company's shares right now for a greater amount."

"Still, that's mahal pa rin, dude." Rico shrugged.

"Come on, Dardenne. We know naman you don't buy things na not worth ng money mo," sabi ni Patrick saka kami tiningnan.

Gumatong pa si Clark. "Kuripot kasi. Ayaw ng gumagastos kapag hindi mahalaga ang pinagkakagastusan pero magastos pa rin naman."

"Isipin mo na lang kung may girlfriend 'yan," gatong ni Leo.

"May asawa na nga," sabi ni Calvin. "Buti nagpakasal sa 'yo. Pinagbayad mo rin ba ng dinner date n'yo?"

And they were bullying my husband in front of me. Rico just shrugged at them, as if he's used to his barkada humiliating him.

Kilala ko si Rico. At kung kakalkalin ang buhay niya, hindi naman sa exaggerated, pero kaya niyang bumili ng restaurant kung gugustuhin niya—which he already did.

"Kuripot ba talaga?" sabi ko sabay taas ng kilay kay Rico. Nakangisi akong ngumuya habang nakatingin sa kanya. Yung tingin niya sa akin, nagtatanong kung may gusto ba akong sabihin.

Of course, matatawa ako! He spent millions on me, at sa lagay na 'yon, kuripot pa siya. His net worth is shaking.

"Jae, niligawan ka ba nito?" nakangising tanong ni Calvin habang tinuturo ng tinidor si Rico.

Ngumiwi ako kay Calvin sabay pairap na tumingin kay Rico. "No. Never."

Which is totoo naman. Rico just entered my life out of nowhere, unplanned (or so I thought), and asked me to be his girlfriend on-call during times like this (na hindi rin natuloy kasi kasal na kami).

Ah! Babawiin ko ang unplanned part. Planado pala lahat 'to.

"Akala namin, niligawan ka, e," sabi ni Clark, at kung magpalitan sila ng tingin, parang alam na alam na nilang liligawan ako ni Rico.

"Bakit naman niya gagawin?" mapanghamon kong tanong kay Clark at tinigilan muna ang pagkain ko. Alam ko naman nang may pustahan sila. Let's say Rico already lost, so dapat tapos na 'to.

Nagkibit-balikat lang si Clark sabay tingin kay Rico. "Baka lang naman. Di ba, dude?"

Gumanti ng kibit-balikat si Rico. Umasa akong babalingan ako ng tingin pero hindi niya ginawa. Mukha siyang walang interes sa topic.

"Bakit hindi mo pala isinama ang wife mo, dude?" pagbabago ng topic ni Patrick.

"Ang attitude ng wife niya!" sumbong ni Clark na parang batang inaaway. Malamang na hindi pa siya nakaka-move on na after kong mag-send ng photo ng kamay ko, muted na agad siya. "Isumbong ko nga kay Tita Tessa."

"Hahaha!" At matapos ang mahabang oras ng pagiging bugnutin, biglang humagalpak ng tawa si Rico na nagpatalikod sa kanya paiwas sa amin habang tinatakpan ang bibig.

Gaya ng malakas niyang sigaw kanina, nagulat na naman kami sa biglaang pagbabago ng mood niya pagbanggit sa akin at sa mama niya.

"Oh, God. That's—hahaha! Sorry."

Pare-parehas kaming naghahanap ng sagot sa paghalakhak niya.

Oh my gosh, nababaliw na ba si Rico? Ipadadala ko na ba sa doktor itong asawa ko? Kawawa naman.

Umiiling-iling si Rico nang humarap ulit sa amin habang nagpipigil ng tawa. Kapa-kapa ng dila niya ang kaliwang pangil habang nakayuko at hinahalo ang laman ng paper plate na hawak.

Ano'ng issue nito this time?

"Clark." Tumikhim pa siya bago binalingan itong barkada niyang makulit. "Actually, she's sobrang ma-attitude at grabe, ang sungit."

"Excuse me!" sigaw ko. At ako pa ang ma-attitude? Really, ako pa? Sino ang masungit sa amin? Was it me?

Napunta naman sa akin ang atensiyon ng lahat. Kahit si Wynn na kaharap ko, pinandilatan ako ng mata dahil sa gulat.

Napahugot tuloy ako ng hininga nang tingnan sila isa-isa, mga nagtataka sa pagsigaw ko.

"Excuse me, mag . . . magre-restroom lang ako," naiilang na paalam ko saka inilapag sa table ang paper plate kong wala nang laman.

Asiwa kong itinuro ang hallway papuntang restroom. "I'll go ahead."

"Girl, no need to shout. Hindi tatakbo ang restroom," sabi ni Wynn bago ko siya lampasan. "Go on." Itinuro pa niya ang likuran para papuntahin na ako sa kung saan ko gustong pumunta, sana.

"Sorry," naiilang kong paumanhin sa kanila. Pagtapat ko kay Rico, tiningnan ko lang siya nang masama habang nagpapakita na naman ang ngisi niyang nang-aasar.

Ano ba talagang gustong mangyari nitong si Rico at ayaw pang umamin na ako ang asawa niya?


♥♥♥

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
75.3K 3.6K 43
World Trip Series 2 Struggling to keep her career in the spotlight, Cosette finds a new way to save herself from becoming one of the misfits. In Pari...
1.4M 46.7K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
3.3K 111 30
Lance Justin Alazar. An MVP... but a playboy in town, yet even though he was able to play women's heart a lot of times, he was still broken because...