It All Started With The Royal...

By CloudMeadows

1.3M 60.3K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... More

intro.
i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.
xi.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxviii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxii.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxviii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

xviii.

23.3K 1.1K 429
By CloudMeadows

I am properly dressed in white bardot dress which literally covered my assets. My hair is pulled back in a nice high pony tail and my make up is not my usual go-to-makeup. It's like I'm hardly wearing any unlike my usual cat eye and red lips. 

I feel so different.

I feel so Lady Callisia-ish.

This is not me.

Gusto kong magpalit ng damit at make up pero 3 vs 1? Trust me, I tried changing their mind but they're so adamant. Kesyo ganito, ganyan. Dapat magmukhang elegante at kaaya-ayang tignan. So parang sinasabi nila na ang balahura kong tignan ganon?

Punyeta.

On top of that, kanina pa ako nalilito dahil hindi ko alam na may fiance na pala ako out of the blue. 

Pagkatapos niya akong sabihan indirectly na pokpok ako, bigla bigla niya akong gagawin basta basta na fiance niya? Akala ko ba mataas standards niya? I'm not degrading myself, let's clear that okay? Sa ganda kong 'to? Baka swerte pa siya pero tang*na pa rin niya. 

He better have a good explanation. That man is just so hard to read.

Pumasok ako sa elevator at pinindot yung 115 button. Hindi ko alam kung anong klaseng pauso 'to at gusto niyang mag dinner sa tuktok ng building. Napansin ko lang din na ang liwanag sa building na 'to pero kaka-onti lang ang tao.

Pagkalipas ng ilang minuto, nagpakita na rin yung 115, ibig sabihin nasa 115th floor na ako sa wakas. Sa totoo lang? Wala naman ako masyadong ine-expect pero mas lalo kong hindi ini-expect yung bumungad sa akin. Akala ko dinner lang...bakit...

Who are these people?

And where the hell is he?

They're all staring at me as soon as the elevator opened. Mali ba ako ng floor na napindot? Kasi naman...

"Ahh yes harder! More! More! Aaaaah! Yeeees!"

No. No. No! What the hell is this?!

"Alyssa you're so wet-"

"Punyetaaaa! Ang liit!" Hindi ko napigilan. Nasasarapan siya diyan? Seryoso?

"Put your clothes on!"

"Ahh! Hindi naman ako aware na nag invite ka ng ka-threesome natin!"

"Excuse me?"

"Alyssa...no...that's not..."

"That's right. Bakit ako makikipaghati eh ang liit liit na nga."

May naabutan lang naman ako na nag se-sex sa ibabaw ng table. Mabilis kong pinindot yung close button. Ilang beses ko na ata pinindot pero punyeta ang tagal! Nakakita pa ako ng maliit na patotoy ng wala sa oras! Binasa ko yung text sa phone ko at napa-tapik ako sa noo ko. Ibang klaseng kabobohan talaga.

Pinindot ko ulit yung 115 tapos yung 1. Kapag daw pinindot ko ito ng sabay, may isa pang level sa taas na walang nakakaalam dahil tago ito. Hindi ko alam kung anong pauso yan pero hindi pa rin maalis alis yung nakita ko kanina. Grabe mga 'tol ang liit!

Tuluyan na ngang nag bukas yung elevator at iniluwa nito ang pinaka-pinaka rooftop ng building. Nanghihina akong lumabas sa elevator habang nakatingin sa paligid. This looks like a private office. Akala ko ba dinner? 

Because honestly, I just came here for dinner.

Tapos walang dinner?

Tangina gusto ko ng mag-untog ng ulo ng tao. Di na ako natutuwa. Isama mo pa yung maliit na hotdog kanina.

Sisigaw na sana ako sa  inis pero may narinig akong ingay na nanggaling sa kabilang hall at mukhang papalapt dito sa kinaroroonan ko. Tama nga ako. Lumabas si Dylan at may kausap siya sa phone niya. Napatingin siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Kanina pa ako nagtataka kung anong nakain niya at naisipan niya akong gawin na fiancée.

Ibinaba niya yung phone niya kaya doon na ako nagsalita.

"So fiance huh? Hindi ko naman alam na nahulog ka na sa akin." Maarte kong inipit yung buhok sa likod ng tenga ko. 

"What?"

"Huwag ka na magpanggap. Sabihin mo nga, masyado mo ba akong nagustuhan kaya hindi mo na naisipang manligaw at nag advance ka na sa fiancée level ha? Bakit? Um-oo ba ako? Hoy ano tingin mo sa akin? Hindi kaligaw ligaw?" Namewang ako. "Hindi naman sa sinasabi ko na kailangan mo muna akong ligawan dahil hindi naman kita type at hindi rin naman ikaw yung nakikita kong mapapangasawa ko ha? Pero gusto ko lang i-remind sa'yo na uso rin manligaw, hindi yung bibiglain mo yung tao na engaged na kayo eh wala pang singsing!"

"Are you done?"

Napakunot noo ako. Wow I'm offended. 

"Explain." Nakakainis, prente lang siyang nakasandal sa gilid habang nakatingin sa akin. He looks amused and confused at the same time.

"Explain what?"

"Niloloko mo ba ako?"

"I don't know what you're talking about honestly."

Napailing iling siya. "Fiance? You? Care to explain."

Napaawang yung bibig ko. Is he for real? "Ako nga dapat nagtatanong sa'yo niyan eh!"

"Kailan ba ako nag propose sa'yo?"

This man! Pumunta ako rito para lang pilosopohin niya? Napaka! Lumapit ako sa kanya at akmang hahampasin siya pero napatigil ako. Inamoy amoy ko yung damit niya at mukhang malalasing yata ako sa tapang ng alak na kumapit sa damit niya.

Is he for real? Pero hindi naman siya mukhang lasing?

"So bakit mo ako pinapunta rito?" Ibinaba ko yung kamay ko at umayos ng tayo.

"Let's eat first."

Naglakad siya kaya sinundan ko. Napalingon ako sa paligid at ano pa bang bago? Ang laki ng office niya. Hindi siya halatang office dahil sa interior design. May sariling kusina pa siya. Ang sosyal.

"Take a seat there." Umupo ako sa isang stool pero napakunot noo ako. Wala akong nakikitang pagkain.

Pumunta siya sa kitchen island at nagsuot siya ng apron kaya nanlaki yung mata ko. Wait, siya yung magluluto?! 

Teka malamang. Anong klaseng tanong yan Callie? Naka apron nga diba? Pero hindi ko inaasahan na marunong siya magluto sa dami ng personal chefs nila sa bahay nila. 

"What do you want?" Tanong niya.

Tinuro ko yung sarili ko pero agad ko rin binawi. Malamang Callie, may kasama pa ba kayong iba? Bakit ba ang bobo bobo ko ngayong gabi? Nagsimula ito nung nakita ko yung maliit na patotoy na 'yon eh.

"Kahit ano basta masarap."

"Okay."

He's oddly...considerate? Epekto ba ng alak? I swear hindi talaga siya mukhang lasing. 

"So anong naisip mo at nilulutuhan mo ako ngayon ng dinner? Nililigawan mo na ba ako?" Nakapangalumbaba akong tumingin sa kanya. Tinupi niya hanggang siko yung puti niyang polo at saka niya tinanggal yung relo niya at itinabi sa gilid.

"Do you like seafood?" Ay na dedma ako tangina. Inirapan ko nalang siya pero kumalam yung sikmura ko sa sinabi niya.

"You have no idea. Seafood is my favorite!"

Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya at in fairness. Mukha siyang chef. Pero bakit niya ako pinagluluto ngayon? Siguro may balak siyang lasunin ako? Pakiramdam ko talaga may mali eh. Hmm...

"She doesn't like seafood." Narinig kong bulong niya.

"Ha?"

Umiling siya at hindi na niya ulit ako pinansin. This guy is really something. Isinalin niya yung nalutong pasta at nagsimula siyang gumawa ng sauce. Binalatan niya yung nalutong shrimp at ihinalo niya ito sa sauce na niluluto niya kaya hindi ko maiwasang mapalunok. Sunod niyang inilagay yung na drain na pasta sa sauce at saka niya ito pinaghalo halo.

Napatingin ako bigla sa mukha niya habang nagluluto siya. Ewan ko ba, parang hindi yung prinsipe na moody na ewan yung kaharap ko ngayon. I don't know this persona but it felt familiar. He looks more relaxed and...I don't know, I can't really tell. It's very hard to tell by his expression.

"Hindi mo talaga sasabihin sa akin kung bakit mo ako pinapunta rito ngayon?"

"Later. Dinner's almost ready."

Okay. Hindi ko muna siya bubungangaan dahil nagugutom na rin ako. Lumapit siya sa kinauupuan ko at inilapag sa harapan ko yung cheese carbonara with shrimp and ham. Nawala agad yung natutunan ko kanina sa food ettiqutte chorva at naghakot ako ng madaming pasta at isinubo ito. 

Oh my gooood, that hit the spot!

Ayokong aminin pero eto na aaminin ko na, ang sarap tangina! Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam na nakangiti ako kaya agad ko itong binawi at bumalik ulit sa pagkain. Why am I smiling? Baka akala niya ayos lang sa akin lahat dahil pinakain niya ako.

"Hindi maanghang?" 

Napatigil ako.

Sinasabi ko na nga ba eh! Tangina talaga may plano siya kaya niya ako pinapakain eh! Pero so far...wala naman akong malasahan? O sadyang immune na ako dahil mahilig ako sa maanghang na pagkain?

"Akala mo maiisahan mo ako ngayon? Kaya kong kumain ng maanghang na pagkain 'no!" Napakunot na naman siya at may binulong na naman siya pero hindi ko masyadong narinig. Kailan pa siya naging bubuyog?

"She can't even handle spicy food."

"Hmm? May sinasabi ka?"

"Wala. Just enjoy your food. And please, could you chew more slowly? Akala ko ba tinuruan ka kanina?" 

Napatingin ako sa kanya pero hindi siya kumakain. Nakatayo lang siya sa gilid ng kitchen island at kanina pa siya sumisipsip ng wine. May balak ba talaga siyang magpakalasing ngayong gabi? 

"Wala ka ng pake."

Napailing nalang siya at may binulong na naman. Hindi ko nalang siya pinansin. Kanina pa niya ako pinagmamasdan habang kumakain ako at may parati siyang binubulong. Ano bang problema ng lalaking 'to? 

***

Napatingin ako dalawang bote ng wine na nakalapag sa tabi ni Dylan. Alam kong masama pero naiinggit ako. Gusto ko rin makalasa ng alak pero hindi pwede. Kaso wala atang pakiramdam 'tong tao na 'to at harap harapang inubos yung dalawang bote. Psh.

Bilib na talaga ako kung hindi pa rin siya lasing sa punto na ito. 

"Sasabihin mo na ba sa akin?"

"Hmm?" 

Tsk. Mukhang may tama na nga. Namumungay na yung mata niya pero hindi siya yung as in na lasing. Medyo pumula lang yung mukha niya pero mukha pa rin naman siyang normal. So pumunta lang ba ako rito para kumain ng dinner at para mag alaga ng lasing? Hell no!

Nagbukas siya ng isa pang bote kaya napa palakpak ako. Amazing.

"Stop that. Naiinggit ako." 

Inagaw ko yung bote sa kamay niya at inilapag ito sa tabi. 

Napahinga ako ng malalim at namewang sa harapan niya. Pinagmasdan ko yung hitsura niya. He looks...handsome. That's given but there's something I cannot point out. He doesn't look wasted at all but I know he reached his limit. He's dead drunk.

"Lasing ka na. Hindi ko alam kung anong trip mo pero hindi ko pa nakukuha yung sagot sa tanong ko pero mukhang wala rin namang silbi kung tatanungin kita ngayon diba?" Bigla siyang yumuko at hindi ko alam kung tulog na ba siya o ano.

Hindi ako makapaniwala na ito yung lalaking nagluto ng dinner kanina kahit medyo may tama na. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit niya ako pinagluto because knowing him, he would never do that. Diring diri nga siya sa akin diba?

"Happy Birthday." 

"Ha?"

"Happy Birthday."

Ay pota lasing na talaga! Matagal pa birthday ko pero masyado siyang advance magbati mga inday! 

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko birthday ngayon.  Pinapatanda mo agad ako aber-"

Bigla siyang tumayo at tumitig sa mata ko. Hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti kaya napatigil ako. Hinaplos niya yung buhok ko at bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Sa sobrang gulat, hindi agad ako nakapagsalita.

Teka teka bakit ako kinakabahan? It's just a hug Callie.

"Happy Birthday, love."

Love? Napailing ako. Lasing na nga talaga. Sinubukan kong kumalas pero mas lalo lang niya hinigpitan yung hawak niya sa akin. Woah woah woah. Parang kanina lang, ni isang hibla ng buhok ko ayaw niyang mahawakan pero ngayon akala mo hindi na ako bibitawan. Alam kong lasing siya pero putangina hindi na ako makahinga!

"Hoy Dylan! Ako 'to! Hindi ako makahinga!"

Medyo lumuwag yung pagkakayakap niya pero hindi pa rin niya ako pinakawalan. Narinig niya ba ako? 

"I'm sorry."

His tone is calm and apologetic. Ganito ba nagagawa ng pagkakalasing sa kanya? Bumabait? He's like a new person. He's not the cold prince I have known for the past weeks. Alam ko naman kung anong nagiging epekto ng alak sa isang tao kaya hindi ko nalang masyadong inisip.

"I'm sorry I was late."

"Late saan?" Ano na namang pinagsasabi niya? 

"I'm really sorry...I'm sorry..." Hays. Tinapik tapik ko nalang siya sa balikat. Ilang beses ko na 'tong naranasan kay Bakla sa tuwing nalalasing siya. Kung ano ano nalang lumalabas sa bibig niya so baka ganun din si Dylan.

"Okay okay I forgive you." So anong gagawin ko? Syempre sasabayan ko. 

"Really?"

"Hmm..."

Kumalas siya sa yakap at tinitigan niya ulit ako. His eyes are red and glossy staring deeply into mine. So let me get this straight, pumunta ako dito dahil sa issue na fiancée na yan pero kwento kwento lang pala nung tatlo. Pinagluto niya ako ng dinner at pagkatapos, nag lasing siya at ngayon hindi na niya alam kung anong pinagsasabi niya at may nalalaman pang pahaplos haplos sa akin.

Iba rin.

Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang siya sa akin. Binitawan din naman niya ako kaya mas nakahinga ako ng maluwag.

"You were allergic to seafoods." Umupo ulit siya at sumipsip doon sa natitira sa wine glass niya. "But you seem fine."

Napakunot noo ako. This time, alam kong hindi siya yung lasing na kung ano ano nalang pinagsasabi. Everytime he speaks, it's like a riddle. Is he pertaining to someone?  

"You can't even bare spicy food." Nilaro-laro niya yung wine glass sa kamay niya. "But you seem to enjoy it."

"Dylan--"

"She's not you."

She? So he is pertaining to someone. Sino ba yang 'she' na yan? Kasing ganda ko ba? Napailing nalang ako. I'm guessing it's his fiancée. Naalala ko pa yung sinabi niya kaya nagtataka ako kung bakit niya sinabi doon sa tatlo na ako yung fiancée niya. Either those three lied or he's not telling me something yet.

"Itulog mo nalang yan." 

"She will never be you."

"Ano ba, gets ko okay? Lasing ka na."

"She's like an angel unlike you..." 

Pigilan niyo ako makakapatol ako ng lasing! Ihahampas ko talaga 'tong bote ng wine jusko! Ang sarap sumakal ng tao.  

"Okay mister. She's an angel but I'm prettier." Umiling siya. Anak ng pota. 

"She's too good to be true. She was ethereal. No words can describe how pure her soul was." Nakayuko pa rin siya pero napakunot noo ako. Why is he using past tense? Is he that drunk?

"Who is she?" Hindi ko mapigilang itanong pero hindi na siya sumagot. Nakatulog na ba siya?

"Dylan-"

Bigla nalang namatay yung ilaw sabay ang pagkidlat ng malakas sa labas. Medyo napatalon ako sa bigla at tuluyan na ngang binalot ng dilim ang paligid. 

My breath hitched. I can't see anything. No...no...no...bakit ngayon pa? I suddenly forgot where I am. Nanginginig akong umatras at kumapa kapa sa paligid.  Tinakpan ko yung tenga ko at napapikit hapang kinakalma ko yung sarili ko. 

1...breathe

2...breathe

3...breathe

4...breathe

"You can't forgive me since she's not...you."

Iwinaksi ko yung mga imaheng pumapasok sa utak ko at pinipilit kong kontrolin yung paghinga ko. Hindi ko narinig yung sinabi ni Dylan dahil sumabay pa yung lakas ng ulan. Control yourself Callie. You cannot...

5...breathe

6...breathe

7...breathe

8...breathe

Medyo napasigaw ako dahil sa lakas ng kidlat. Hindi ko na alam kung anong kinakapa ko. Punyeta bakit ang tagal bumalik ng ilaw?! Gusto ko ng makakita ng ilaw...Gusto ko ng makalabas dito pero  hindi rin gumagana yung elevator dahil hindi pa bumabalik yung kuryente.

9...breathe

10...breathe

Humawak ako ng mahigpit sa upuan na nakapa ko kanina at kinalma ang sarili ko. 

"Dylan?" He's not answering. Siguro nakatulog na nga siya. Napapikit ako at nagdasal na sana bumalik yung ilaw pero pagkalipas ng ilang minuto, dilim pa rin ang sumalubong sa akin pagkabukas ko ng mata ko.

Napaupo nalang ako sa sahig at niyakap yung tuhod ko at nagpatuloy sa pagbibilang. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko at mas nangingibabaw ang ingay ng hangin at ulan sa labas. Hindi lang ingay galing sa labas yung naririnig ko...naririnig ko ulit yung sigaw at iyak na 'yon. Napailing iling ako pero hindi ko ito matanggal sa isipan ko.

"She's dead. It's better to kill her too."

"No...No....No...." Bakit ayaw maalis ng imaheng 'to sa utak ko?!

"Dylan?" He's still not answering. Talagang tulog na ba siya? Then I have no choice kundi magpalipas muna ng gabi rito. 

This sucks. Ever since that day, I'm never really a fan of dark places. 

"Ma..." I'm scared. That's right. I am scared. 

"Why are you crying?"

Napaangat agad ako ng ulo. Akala ko nakatulog na siya kaya nagulat ako. Napalingon ako sa banda ng boses niya at hindi ko namalayan na basa na pala yung mukha ko dahil sa mga luhang di ko rin namalayan. 

Wait, I cried?

Sh*t. Tapos narinig niya? Even with this loud rain? 

"I'm not."

Pinunasan ko yung mata ko pero sobra yung panginginig ng kamay ko. I can't show him my weakness. But why the f*ck am I trembling this hard?! I lost count already. Hindi ko na ma-control yung paghinga ko. I am too overwhelmed with emotions right now. My mind is in chaos. I just need that damn light back! F*ck!

Hindi ko na ulit siya narinig.

Ipinikit ko ng mariin yung mata ko at pinilit magbilang pero hindi ko kaya. Masyado akong nanginginig. If it weren't for that day, maybe I am not this f*cking scared. And to make it worst, Dylan is here. Pwede niyang gamitin sa akin yung kahinaan ko kapag nalaman niya.

Hindi ko namalayan yung hikbing kumawala sa bibig ko. I really can't stop myself and I am afraid that I will completely lose it.

These images...these voices....please stop. 

"One." May boses sa tabi ko at naamoy ko agad yung napaka tapang na alak. Lumingon ako sa kanya kahit hindi ko siya nakikita. Paano niya nalaman kung saan ako banda nakaupo? Mas bumilis yung kabog ng dibdib ko at hindi ako makahinga ng maayos.

"Breathe slowly." May naramdaman akong jacket sa balikat ko at naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. 

Is he still drunk? Baka napagkakamalan na naman niya akong-

"Two. Slowly." I automatically breathed in and out slowly as he instructed. 

"Three." He said again. I followed hanggang sa unti unting bumabalik sa normal yung paghinga ko. 

"W-What are you doing?" 

"I don't know how to comfort women. This is the least I can do." Napahawak ako sa jacket na binigay niya. 

"Paano mo alam na--"

"You were crying and screaming to 'make it stop'. It was too loud to wake me up." How can he still comprehend what's going on around him while drunk? Wait, I screamed too? Hindi ko na ba napigilan yung sarili ko?

"Dylan-" 

"It's okay, you can cry. I won't listen."

***

Thank you to those who read and understood my message well. 




Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 24.5K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
92.9K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.7K 511 53
Seasons Birth: Season's Series #1 (Book 1) Para sa pag-ibig, kaya mo bang inuwis ang iyong kaligayahan maprotektahan lang ang iyong bayan? Kaya mo ba...
548 55 25
"You're my greatest cure." Her home is only the safest place for her. She developed this unusual kind of fear when she reached age 25, it's Agorapho...