AGS 1: The Love Investment (P...

Od LenaBuncaras

314K 16.3K 3K

Alabang Boys Series #1 Jaesie Rosenthal knows what she brings to the table, and love is just another luxury s... Viac

The Love Investment
1. The Old Flame
2. The Gambler
3. Flying Chances
4. The Investor
5. The Intention
6. The Good Offer
7. Busy Bees
8. The Bodyguard
9. The Tuna
10. Unexpected Visitor
11. Occasional Intimacy
12. Hatred
13. Grown-Up
14. The Bargain
15. Emotionless
16. The Dream Man
17. Guarded
18. Missing
19. Consistency
20. Let Go
21. Fear of Falling
22: The Marriage Proposal
23: Wounded Armor
24: Family Problems
25. Momster
26. First Guest
27. The Minor Fall and the Major Lift
28. Mr. Right
29. The Toy
30. The Weirdo
31. The Soon-To-Be Husband
32. Argument of the Day
33. The Client
34. Skeletons in His Closet
35. Beautiful Dilemma
36: Shoulder to Cry On
37: Tragic Wedding
38. Til Death Do Us Part
39. For Better or For Worse
40. Ivory Meadows
41. The Toy Museum
42. Almost Married
43. Hide and Seek
45. The "Wedding"
46. She's the Boss
47. Security Check
48. Oldie Issues
49. Wingmen
50. Barkada Trip
51. Alpha Male
52. Biggest Loser
53. Tipsy
54. Mad Wife
55. The Bride
56. The Photoshoot
57. Agitation
58. Beautiful Sunset
60. Betting Game
61. Jealousy
62. Hidden Desires
63. Fallen Inamorato
64. Insecurities and Invalidation
65. Malevolent Mum
66. The Father's Deal
67. Reconcile
68. The Spoiled Siblings
69. Lucky Charm
70. The Benevolent Aunt
71. The Dardennes
72. The One
73. Family Breakfast
The Wedding . . . Again
TLI Book Excerpt

44. Divine Intervention

3.6K 200 43
Od LenaBuncaras


MUSEUMS ARE not at the top my list of places na gusto kong pagdalhan sa akin for a date. It wasn't like I didn't want to be here. It was just that I lived nearby and I wasn't fond of the arts, so hindi ito sobrang special for me as a nice dating place kasi parang namasyal lang ako sa kapitbahay. But I really appreciated the paintings and the serenity inside the museum.

Sina Clark na ang nagsasabing weirdo si Rico, pero natatawa pa rin ako habang iniisip na iba talaga ang trip niya compared sa barkada niyang mga babaero.

"Rico!" Hindi ko na naiwasang sumigaw nang bigla ko siyang nakitang lumabas sa isang hall.

The place's wide area was enough to reveal how masculine his laugh was because of the echo. And he even got people's attention na kasabay namin sa hall!

"Did you have a hard time finding me?" tanong niya nang kusa nang lumapit sa akin.

"Ito na ang date natin? Ginawa mong labyrinth 'tong museum para makipag-hide and seek sa akin," singhal ko habang tinitingnan siya nang masama.

Hindi siya sumagot. Bahagya siyang yumuko para kunin ang kanang kamay ko. "You won't enjoy the place kung sasabayan kitang maglakad. At least, if you're looking for me, you had something to look forward to in every hall since you're not fond of this kind of place."

"And you do?"

"Of course."

Lalong sumamâ ang tingin ko sa kanya dahil doon.

Okay, point taken dahil kada pasok ko sa bawat hall, umaasa akong makikita ko siya. So I really looked everywhere habang tumitingin-tingin din ng mga painting.

Akala ko, maglilibot pa kami ni Rico pero inakay na niya ako palabas.

"So, nakipagtaguan ka lang talaga sa akin, Rico." Inabot ko na sa kanya ang phone niyang makalat ang laman. "Phone mo."

"Did you open it?" tanong niya pagkakuha sa gamit niya. "Wala ka namang nakitang pornographic photos dito, 'no?"

"Sana nga porn na lang ang nakita ko, hindi pa kita idya-judge sa mga kalokohan mo."

"So you really dig in to my phone's content." Matapos itago ang phone niya, phone ko naman ang ibinalik niya sa akin.

"Kinalkal mo na ang phone ko last night. Nakialam ka pa ng message. Ano pa'ng gagawin mong pangingialam?" sarkastikong sinabi ko at sinilip na naman ang phone kong pinakikialaman niya. "What?!"

Napahinto agad ako sa paglalakad, at nadamay siya dahil hawak niya ang kamay ko.

"Really, Rico?" I asked him habang ipinakikita ang wallpaper ng phone kong mukha niya habang nakangiti.

"Walang laman ang gallery mo kaya nilagyan ko ng photos."

Segundo rin ang lumipas bago ko mapansin ang sarili kong nakanganga habang nakatitig sa mukha niyang seryoso.

So, he intentionally wandered around the museum so he could take some selfies using my phone?

What?!

The first time na nakilala ko si Rico, hindi talaga siya normal sa paningin ko. Siguro kasi nayayabangan ako sa kanya in a sense na dominating siya. Pero hindi ko naman in-expect na ang weirdness niya, parang hindi na sakto sa physical image niya. I wasn't even sure if that was a good sign, pero ang cute na ang weird talaga.

You got a man with sex appeal and oozing hotness, and you expected him to act like he would pin you against a wall and kiss you passionately while he ran his hands through your body. Unfortunately, he is not. He's that man na may best friend na dino plushie at natutulog sa isinumpang Snorlax sa loob ng stuffed toy land.

Habang tumatagal, feeling ko talaga, baby boy siya ng mama niya kaya overprotective sa kung sino ang mapapangasawa niya. At kung ako man ang mama niya, talagang ipi-filter ko ang lahat ng babaeng ipakikilala niya kasi, hello? Kung ibang babae ako na iba ang intention, talagang matu-turn off ako kay Rico.

Pagkabalik namin sa kotse niya, akala ko, uuwi na kami, pero dinala niya ako sa Luneta at saglit na tumambay sa isang cemented bench na katapat ng fountain at sa may lilim ng punong malapit sa Japanese Garden.

"Don't surrender, 'cause you can win in this thing called 'love' . . ."

Nangingibabaw sa mga speaker sa bawat kanto ng fountain ang kanta ni Celine Dion.

"When you want to the most there's no easy way out

When you're ready to go and your heart's left in doubt . . ."

Sobrang conventional mag-date sa Rizal Park, sa totoo lang. Ang dami pa namang tao kasi Linggo. Pero sa ganitong oras ng alas-una y medya, halos lahat, nasa lilim at nagla-lunch. Noong huling punta namin, si Celine Dion din ang kumakanta. Ngayon, si Celine Dion pa rin. Hindi ba sila nagpapalit ng playlist?

"Don't give you up on your faith

Love comes to those who believe it

And that's the way it is."

Hindi ko maiwasang tingnan si Rico na nakatukod ang mga kamay sa magkabilang tabi niya habang nakatanaw lang sa fountain na katapat namin.

Sa dami ng couples na dumaan sa harapan namin, hindi man lang niya nagawang umakbay sa akin o hawakan ako sa kamay kahit higit limang minuto na kaming nakaupo. At this point, we almost married each other yesterday. Mukha lang kaming nasa dating stage na naiilang pa rin sa isa't isa after first meetup.

"You know what," kuwento ko, "yung last date ko with Clark, dinala niya 'ko sa Megamall. Nanood kami ng Avengers. Yung End Game."

"You didn't enjoy the movie," sagot niya kaya saglit ko siyang sinulyapan at nagkasalubong ang tingin namin. He sounded like he already knew my answer, but I still defended my side.

"Sakto lang. Okay naman yung movie."

"You're not a fan of action, fantasy, or sci-fi movies."

"Um-hm? How did you know?"

Ibinalik ni Rico ang tingin sa fountain kaya napatingin din ako roon.

"Mabilis mo namang masasabi kung interested ang babae sa mga gano'ng bagay. I'm into those things, so I should know."

"So, you're telling me that Clark didn't know that I'm not into those kinds of movies and you do?" I asked him, challenging his side over his friend's dating preference. "Mas gusto mo ba sa museum kaysa cinema?"

"I'm just telling you that I know what you need more than I want for a date."

"Ah, 'what I need.' So, this is a need for you." Naibaling ko na naman ang tingin ko sa kanya dahil sa pagkamangha.

"I could take you to the cinema, Jaesie, but I doubt you'll enjoy watching what I want to watch. Sobrang rare mong manood ng movies, and most of the time, puro pa chick flicks about women. Wala ring ibang history ang online streaming sites mo aside sa business seminars and TED talk, so let's assume na hindi ka mahilig manood ng kahit anong related sa mainstream genres."

My lips automatically spread for a wide smile dahil napansin din pala niya 'yon.

Yes, hindi ako mahilig manood ng kahit ano. Time-consuming. At kung manonood man ako, probably chick flicks movies talaga or business seminars na lang.

"Si Patrick kasi, kapag nakikipag-date, stereotype," Rico stated. "For them kasi, girls love shopping and malls. So, doon ka niya dadalhin. Si Clark naman, selfish. Malamang noong date n'yo, kung ano ang gusto niya, 'yon ang masusunod. If he wants to watch a movie, he'll insist nang hindi hinihingi ang opinion mo kung gusto mo ba. O kung hingin man niya, siya pa rin ang masusunod kasi siya naman ang magbabayad."

I laughed at that. Napatakip tuloy ako ng bibig para itago ang tawa ko.

Yes! That was true! I couldn't agree more!

"Then why did you bring me here to Luneta?" I asked while keeping my gaze on his face, tracing my eyes on the perfectly carved side view of his face.

"I want you to clear your mind. You chose me over your best friend, and I know you felt bad about it. Mas madali kang makakahinga sa open spaces instead sa loob ng bahay."

Biglang nawala ang ngiti ko at napalitan ng lungkot nang maalala ang nangyari nitong umaga lang.

Yes, I chose him over Myles. I used to choose Myles and Arthas over anyone else . . . before. I even asked him to apologize to Myles last time sa Batangas, pero ngayon, ibang usapan na.

"Ayoko lang na madamay ka sa problema ko, Rico," sabi ko saka inilipat ang tingin sa fountain na sumasabog sa hangin ang mga tubig para gumawa ng malaking hugis-pamaypay na display. "Ang dami mo nang ginawang pabor sa 'kin. More than what they did to me for the past few years of my life. Nakakahiya kung pati ikaw, uutusan ko pang mag-adjust para lang sa kanila."

"I need to."

"But you don't want to."

Nilingon niya ako at tinitigan akong mabuti sa mata. Rico's eyes are really something. Parang cappuccino na masarap papakin kapag naaalala ko. Pero parang greenish and golden sa ganitong klaseng tirik na araw ang mata niya.

"I want you to ease your mind, so I need to do everything kahit pa kailangang ma-compromise ang wants and needs ko."

"Sobrang lugi ka," mahina ko nang nasabi habang nagpapalamon sa ganda ng mata niya.

"Hindi ka naman malulugi kung masaya ka naman sa resulta ng ginagawa mo."

"Masaya ka ba?"

"Masaya ako kapag nakikita kong masaya ka."

Kusa nang nagpakita ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. And I couldn't take it anymore, pinadaan ko ang hintuturo ko sa kanang pilikmata niyang ang lalantik.

I really wanted to have his lashes, kung alam lang niya. Sobrang haba kasi tapos parang naka-curler pa.

"Really, Jae?" takang tanong niya nang bahagyang umatras dahil sa ginawa ko. Kahit siya, sinuklay-suklay pa ang pilikmata niya gamit ang daliri dahil sa ginawa ko.

"Kailan ka huling nakipag-date before me?" tanong ko habang nakatunghay sa kanya para sa sagot.

"Last December?" sagot niya habang papikit-pikit, napasobra yata ang ginawa niya sa mata niya.

"How was it?"

Natawa nang mahina si Rico saka napailing. Obviously, hindi maganda ang nangyari.

"Nice naman yung girl. Gusto raw niya sa masarap na restaurant. So I brought her sa Shangri-La. Dinala ko sa Italiani's. She ordered some nice food. I said, 'Okay, eat well.' Kaso noong sinabi kong KKB muna kami kasi short ako sa budget, nag-restroom lang 'tapos hindi na ako binalikan. After an hour, umuwi akong mag-isa."

"What the hell, Rico?! Seryoso ka?" gulat kong sigaw habang hindi makapaniwala sa kuwento niya. Pagtango niya para sabihing oo, hindi ko na napigilan ang halakhak ko, bumunghalit na ako ng tawa!

Hello? Ronerico Dardenne, na-short sa budget? NO WAY!

"That girl is so stupid!" natatawa ko pang sinabi since he could buy a month-long meal sa isang upuan lang kung kilala nga talaga nila si Rico! "Man, she's not worth your time." Tinapik-tapik ko pa siya sa balikat na para bang kumpare lang niya ako.

"I know." Nagkibit-balikat siya. "Kaya nga noong first meeting natin dito sa Manila, dinala rin kita sa Shangri-La."

"Oh!" Lalo akong napatakip sa bibig ko nang maalala ko 'yon. He asked me last February for a "business meeting" bago pa niya maisipang mag-franchise sa Purple Plate. Sobrang bilis lang ng meeting na 'yon, sa totoo lang. At food analysis and menu lang talaga ang pinag-usapan namin.

"Kaya pala!" tili ko na naman. And yes, he said na wala siyang dalang cash nang dalhin ng waiter sa amin ang bill. At ipinakita pa niya ang laman ng wallet niya! Sinadya pala niyang alisan ng laman!

Naawa ako sa kanya at that time. Naaawa na natatawa. Nag-reason out pa siya na may pera naman daw siya pero magwi-withdraw pa. Sabi ko pa, ayos lang kasi hindi rin naman economical magdala ng maraming paper bills. Tumayo pa siya, sabi niya, may bank naman sa kabilang area, kukuha lang siya ng pera.

And I, as a generous lady, said to the waiter na ako na ang magbabayad ng lahat ng meal namin. Hindi mabigat kahit pa bayaran ko ang kinain niya. 9,000 plus pesos for our food was expensive for a meal na puwede namang lutuin sa bahay for 300 pesos lang, pero business meeting naman. Naglalaan talaga ng budget for that. Pero natatawa pa rin ako kapag naaalala ko.

"Best actor ka rin, 'no?" sabi ko sa kanya. Ang galing niyang umarte at that time, in all honesty.

"Hindi ka ba na-turn off sa 'kin?" tanong niya habang inaabangan kung kailan mawawala ang ngiti ko dahil sa kuwento niya.

Umiling naman ako. "Nope. Naintindihan ko naman kung kulang ka sa budget. And you said naman na magwi-withdraw ka, so may pera ka kung tutuusin. Ayoko lang na maghihintay pa ako para lang bayaran mo ang meal ko kung kaya ko namang bayaran nang buo ang meal nating pareho."

"Medyo mayabang ka sa part na 'yan," sabi niya habang nanliliit ang mga mata.

Nagtaas agad ako ng mukha para ipakitang proud talaga ako sa sarili ko. "Hindi ko kailangan ng lalaking magbabayad para sa 'kin. Kaya kong gastusan ang sarili ko, kahit siya."

Ngiti naman niya ang lumawak dahil sa sagot ko. "You know what, since that night, nagbago na talaga ang tingin ko sa 'yo."

Tumaas ang kilay ko habang nagtatago ng ngiti. Pansin ko rin naman. Compared noong mga nakaraang taon at buwan na ka-fling ko pa ang ibang barkada niya, mas lalo siyang naghabol sa attention ko after ng business meeting na 'yon.

Recommended kasi siya ni Clark to check up on my healthy recipes para sa Purple Plate. Wala akong idea sa kanya maliban sa food analyst siya ng isang private company—na surprisingly, company ng dad niya, and he was one of the famous city bachelors at that time.

I saw nothing special sa meeting, sa totoo lang. As in no sparks, no fling. He didn't even ask for personal questions. Puro menu and food ang usapan namin. So, nagulat talaga ako na kung may isang memorable palang nangyari that no-special night, 'yon palang pagbabayad ko ng mahal naming pagkain ang dahilan.

"Pero hindi ko binanggit ang Purple Plate during that meeting. Nagpa-check lang ako ng recipe."

"Clark's a talker."

"Ang daldal talaga niya."

Hindi na siya nagsalita after that line kaya pareho kaming napatingin sa fountain. Ilang minuto rin kaming nakatitig sa malayo.

Hindi ito ang ideal date ko, pero hindi ko rin naman inaasahang masaya ako sa ganito lang. Yung tahimik lang kaming dalawa habang nakatanaw sa paligid at nakikinig ng kanta ni Celine Dion na naka-repeat all lang yata kasi tumutugtog na naman ang kaninang kanta.

Sumagap ako ng malamig na hangin sa lilim namin at ipinatong ko na ang kaliwang sentido ko sa kanang balikat ni Rico.

Hindi niya ako inakbayan para ilapit ako lalo sa kanya. Ipinatong lang niya ang kanang kamay niya sa kaliwang hita ko at tinapik-tapik 'yon na para akong batang pinatutulog.

Sobrang nakakapayapa ng utak. Drained ako kahapon, drained pa ako kaninang umaga. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng nakakaiyak na peace of mind.

Yes, this was not my dream date with my dream man. But this was the kind of date I would wish for with the man I need.

Hinayaan lang namin ni Rico na umandar ang oras nang nakatulala lang kami sa fountain. Nang makaramdam ako ng pananakit ng leeg, saka lang ako nagsabing kailangan na naming umalis.

"Saan ka magsisimba?" tanong ni Rico pagtayo naming dalawa.

Nanliit sandali ang mga mata ko at naalala kong mamaya pang 4 p.m. magsisimula ang misa sa chapel kung saan naglilingkod ang childhood friend ko. "Doon tayo sa Adriatico."

"Adriatico?" kunot-noong tanong niya. "Okay?"

Hindi na nag-usisa pa si Rico kung bakit sa Adriatico kami magsisimba. Kahit saan kami mahintuang simbahan, doon talaga kami pumapasok lalo pa't madalas akong nasa labas every Sunday. Hindi na ako nakakapagsimba sa chapel sa condo ko lalo na noong napagkasunduan naming uuwi na ako sa P. Rod every weekends.

After he parked his car beside St. Mary's Parish Church sa Adriatico, pumasok na agad kami sa loob.

The front yard was protected by an iron-wrought fence painted in white and blue. The yard itself was as big as my condo unit's floor size. Maliit lang ang simbahan, isang floor lang ang taas na pininturahan ng puti at asul at may malaking rebulto ni Mama Mary sa itaas ng pintuan.

"Sarado pa, a," puna ni Rico dahil hindi pa nga bukas ang pintuan since 3 p.m. pa lang naman.

"Precisely."

Dumaan kami sa gilid ng simbahan papunta sa likod. Nakasalubong pa namin si Nathaniel na may dala-dalang kopita. Naghahanda yata para sa misa mamaya.

"Ate Jae!" bati niya sa akin.

"Si Father Adam, nandito?"

"Yes po, nasa office."

'Yon lang at sinundan na namin si Nathaniel sa makitid na daan papasok sa likod ng kapilya.

"He's Nathaniel. Sakristan dito. Grade 10 sa Adamson," kuwento ko kay Rico.

"And Father Adam is . . . ?"

"Childhood friend ko. Sa Laguna kami lumaki, beshie saka kapitbahay rin ni Myles. Nandito lang kami sa Manila lahat dahil sa opportunities."

"Oh. I see."

Father Adam's office was as wide as my office in Purple Plate. Marami ring metal drawers for the papers, lalo na sa Christening and wedding papers. Kapag dumadaan ako rito sa simbahan na pinaglilingkuran niya, una kong pinupuna ang paperwork sa table niya. Mukha kasing hindi lugar ng isang pari. Mas mukha pang opisina ng madasaling accountant.

And speaking of paperwork, naabutan ko siyang nagbabasa ng mga pamphlet with Words of God na makukuha sa gilid ng simbahan kapag start na ng misa.

"Hi, Father Adam!" I gladly greeted him and offered him a tight hug.

"Jaena!" He kissed me on both cheeks and held my hands. "Long time, no see!" Napansin kong napatingin siya sa likuran ko. "Hello, sir." Nagbaba siya ng tingin sa akin para magtanong. "And you're with . . . ?"

"This is Rico." Inilahad ko ang kanang palad ko sa likuran. "Rico, this is Father Adam."

"Magandang araw, Rico!" masayang pagbati ni Father Adam sa "father" tone niya. May tono talaga siyang pam-pari talaga. Low pitch at masculine na parang ready na for homily any time. Compared to Rico's voice, mas malamig sa pandinig ang kay Father Adam saka mas mahinahon. Kapag naririnig ko, ang sarap umiyak at mangumpisal ng kasalanan.

Bagay naman sa kanya. Sa totoo lang, sabi ko nga sa kanya dati, parang mas bagay siyang rakista kaysa pari. He's five foot eleven, mababa lang nang ilang pulgada kay Rico, isang pulgada lang ang taas sa akin. Hindi pa siya nakakabihis kaya naka-white tee pa rin siya na naka-tuck sa black pants. Compared to Rico's body, sakto lang ang katawan ni Father Adam para sabihing hindi siya babad ng gym pero marunong mag-exercise. Sa lagay nga niyang ito, humuhulma na ang dibdib niya sa T-shirt. Siya lang ang hindi ko kayang tingnan nang may malisya kahit siya lang ang pinupuntahan ng mga babaeng nagsisimba rito every mass na siya ang pari.

Crush siya dati ni Myles noong nasa Laguna pa kami, at kahit din naman ngayon, kayang aminin 'yon ni Myles sa sarili niya. Mukha kasing naka-eyeliner si Father Adam gawa ng natural na itim na guhit sa mata niya. Arabian descent kasi. High-bridged ang ilong saka heavy lidded ang mata. Kung pumipilantik na ang pilikmata ni Rico, ibang level naman ang ganda ng upper and lower lashes ni Father Adam kasi mukhang extension na.

Natural yata sa lahi niya ang mabalbon kasi ang kapal ng kilay niya, at kung hindi niya ugaling mag-shave, malamang na full beard ang labas ng stubbles niya sa eskuwalado niyang panga. I love Rico's jaw pero ibang level pa rin ang kay Father Adam pagdating sa visual appeal.

We used to call him Alladin noong nasa Laguna pa kami. Crush siya ng bayan kasi sobrang madasalin. Sobra pang galang at gentleman kahit bata pa. At sobrang daming nanghinayang nang pumasok siya ng theological school sa Nagcarlan.

Pero natatandaan ko noong Grade 6 kami tapos nag-retreat sa Los Baños before graduation, isa sa confessions niya na crush niya raw ako. Natatandaan ko pa ang tampo ni Myles sa akin kasi nga may crush din siya kay Adam at that time. E, sabi ko naman, ang bata pa namin, baka pagalitan ako ng papa ko. Hindi naman ako nanghihinayang sa kanya kasi alam ko namang matagal na siyang may calling.

"Tumawag pala si Myles kanina," balita ni Father Adam nang akayin niya ako papaupo sa mahabang kahoy na upuan na nasa ilalim ng bintana ng opisina niya.

"Oh. Uhm . . ." Kumunot lang ang noo ko at hindi ko alam ang isasagot.

"Upo ka, Rico," alok niya sa kasama ko.

Nagtabi kami ni Rico sa upuan. Si Father Adam naman ang naghatak ng folding chair sa harapan namin para makausap kami.

"Nasa ospital daw si Art," kuwento ni Father Adam at hindi ko maiwasang mailang sa topic. Malamang kasi na magagalit siya kapag nalaman niyang nagbigti si Arthas kaya nasa ospital ang lalaking 'yon. "Naaksidente daw kahapon. Buti naisugod agad sa ospital."

"Uhm, yeah." Napatango-tango na lang ako at pasulyap-sulyap kay Rico. "Actually, ako ang nagdala kay Art sa ospital kahapon."

"Oh! Bakit? Ano'ng nangyari?" Bumakas ang pag-aalala at pag-uusisa sa mukha ni Father Adam.

"May problema yata sila ni Myles." Pinili ko talaga ang salita ko para itago ang totoong nangyari. "Ako ang huling naka-chat niya kaya ko naabutan sa bahay niyang . . . walang malay."

Nanliit agad ang mga mata niya kaya alam kong nagdududa na siya sa kuwento ko.

"Hindi ka marunong magsinungaling, Jaesie. Alam ko. At kung hindi mo kayang sabihin ang nangyari kahapon kay Arthas, naiintindihan ko rin. Tumatawag naman si Myles para magpaliwanag at humingi ng tawad sa mga pagkakasala niya."

Ang lalim ng hugot ko ng hininga nang mahuli niya agad ako. Napahawak tuloy ako sa kamay ni Rico na nananahimik sa hita nito.

"Actually, kasal dapat namin ni Rico kahapon kaso hindi natuloy dahil dinala ko si Arthas sa ospital. Magpapa-reschedule pa tuloy kami sa judge for the civil wedding," paliwanag ko na ikinagulat ni Father Adam.

"Talaga?" Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Rico. "Pansin ko nga na ngayon lang kita nakitang may ibang lalaking kasama maliban kay Arthas."

Lalong tumipid ang ngiti ko. Aware si Father Adam na palipat-lipat ako ng ka-fling, pero si Arthas lang talaga ang kaya kong dalhin sa simbahan na makikita niya.

Hindi naman sa ikinakahiya ko ang mga past ko, pero kasi hindi sila religious. Si Art, friend din kasi ni Adam kaya walang issue kung makita man niyang kasama ko.

"Adam, puwede mo ba kaming ikasal ngayon?" kaswal na tanong ko na parang nagtatanong lang ng kakainin namin.

"Jaesie?" magkasabay pa sila ni Rico na pagtawag sa pangalan ko.

"Kompleto na kami ng documents!" maagap kong sagot. "May church wedding pa naman tayo, di ba?" tanong ko kay Rico at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya bago binalikan si Father Adam. "May church wedding talaga kami, pero matagal pa kasi 'yon. Nanghihinayang talaga ako sa nangyari kahapon. Imbes na nasa kasal ako, nasa ospital ako."

"Pero, Jaena . . ."

"Kahit hindi valid, Adam, okay lang. No need for registration or what, gusto ko lang talagang bumawi."

Sinubukan kong magpaawa ng tingin kay Father Adam. Kasi alam ko namang tatanggi siya. Holy kasi ang sacrament for him, I know. Hindi ito laro-laro lang sa kanya.

"Please . . . kahit sobrang ikling ceremony lang. Kami na ang bahala sa papers. Nag-seminar na kami! Nag-family counseling na rin kami, promise. Nasa judge na ang marriage license and all. Last minute lang talaga akong nawala. Naka-wedding dress na nga ako kahapon!"

"Okay, okay. Calm, Jaena."

Ang lalim ng buntonghininga ni Father Adam habang nakatingin sa akin. Alam kong pagagalitan niya ako sa ginagawa ko kasi bawal talaga ito nang walang maayos na ceremony, pero gusto ko talagang bumawi kay Rico.

Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Nag-iisip kung gagawin ba ang pakiusap ko o hindi.

"Jaena, alam mo namang hindi ito laro lang," paliwanag niya.

"I know."

"Mahal mo ba talaga si Rico?" tanong pa niya na medyo ikinailang ko nang banggitin niya ang pangalan ni Rico sa buong pangungusap na 'yon.

Lumalim ang paghinga ko pero hindi ako nag-doubt sa pagsagot. Nakangiti lang akong tumango. "Yes. And I won't ask for your guidance if I don't. Kilala mo 'ko."

Matipid na tumango si Father Adam at mukhang pagbibigyan na ako.

"This is just a rehearsal," paalala niya. "Kailangan n'yo pa ring magpakasal nang kompleto ang seremonya."

"Thank you," wala nang tinig kong tugon.

Tumayo na si Father Adam at tumungo sa pinto para buksan 'yon. "Habang naghahanda pa sina Nate, mag-ready na kayo sa loob. Ihahanda ko lang ang mga gamit ko para sa misa mamaya."

Biglang lumapad ang ngiti ko at dali-dali ko siyang niyakap nang mahigpit. "Thanks, Adam."

"Sana'y masaya ka sa desisyong ito, Jaena."

"Surprisingly, ngayon lang ako hindi nag-doubt sa lahat ng desisyon ko." Kumalas ako sa yakap niya at nginitian na naman siya.

Ang pressure at kaba kong para sana kahapon, mukhang susulitin ko ngayon. Wala namang problema. Ang mahalaga, makabawi ako kay Rico dahil ako ang sumira sa kasal naming dalawa.



♥♥♥

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

3.7K 827 39
Word Trip Series 7 A plan to travel a week in Bangkok brings much more than just the culture and attractions, Andrew didn't expect that in a week, hi...
Undeniable Feelings Od Dyeya

Všeobecná beletria

45.9K 1.1K 35
"Opposite do attracts ika nga. Pero maniniwala ka ba kung ang magkaparehas ay ma-attract sa isa't isa?"
1.9M 70.9K 34
(Trope Series # 1) Cerise's younger sister is getting married and she's expected to attend. The logical thing to do was to attend (duh, it's her sis...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...