WALA AKONG ganang kumain. Sino ba naman ang gaganahang kumain, nasa waiting area kami ng ospital tapos kagagaling ko pa sa breakdown. Amoy alcohol at gamot sa paligid, may mga umiiyak na bata sa kung saan, hindi kami makaalis kasi yung nurse, paminsan-minsan, may sinasabi tungkol sa pasyente namin.
Sabi ni Rico kanina, hindi ko naman kailangang ubusin, kailangan ko lang lamanan ang tiyan ko para may lakas ako kahit paano. Kaya matapos ang ilang subo, tinakpan ko na ang pagkain ko saka ibinalik sa balot.
"Hindi na 'ko nagulat na iniwan mo ang kasal mo, Jaesie," sabi ni Melanie habang panay ang nguya ng kinakain niyang buko pie. "Pero nagulat ako sa dahilan na hindi 'yon dahil ayaw mo sa mapapangasawa mo."
"Nahihiya nga ako kay Rico," nanghihinang sabi ko, pinaglalaruan ang takip ng mineral water na kuyom-kuyom ko.
"Girl, mahiya ka talaga kay Mr. Dardenne. Halos liparin n'on ang daan kanina, mahabol lang kayo rito sa ospital. Tapos nasaan siya ngayon?" Itinuro niya ang labas ng entrance. "Girl, naroon nakapila sa cashier para magbayad sa gamot ni Arthas! Ano ka na, girl?"
Lalo tuloy akong nakonsiyensiya. Para akong dinidikdik sa kinauupuan ko.
Hindi kargo ni Rico si Arthas—o kahit sa anong responsabilidad pa na involved si Arthas, sa totoo lang. Pero hayun siya at inaasikaso ang lahat dahil walang ibang gagawa n'on ngayon maliban sa akin. Myles wasn't around. He let Melanie take care of me while he took care of my potential stress. Kaya nga lalo akong nahihiya dahil ang stress ko dapat, 'yon ang sinalo niya.
"Sabi ni Mr. Dardenne, natawagan daw niya si Myles," sabi ni Melanie para maputol ang katahimikan namin.
"Office number yata sa Katipunan ang tinawagan niya."
"Katipunan pa rin?" gulat na tanong ni Mel. "Jaesie, ang traffic mula Katipunan papunta rito sa Makati, Diyos ko! Kita mo, papalubog na ang araw! Anong oras pa makakarating 'yon si Myles?"
Nabanggit na rin ni Melanie, pagtingin ko sa labas ng entrance ng ospital, lumalamlam na ang araw. Sa ibabaw ng malaking pintuan, sinasabi ng malaking orasan doon na 5:23 na.
Unconscious pa rin daw si Arthas, sabi ng doktor. May mga IV fluid na kailangang bilhin, iba pa ang gamot na ibinigay ng doktor na babayaran daw muna sa cashier. Tapos ang resibo at reseta, dadalhin sa pharmacy ng ospital para makuha—and that was too much to handle dahil lilibutin talaga ang dalawang building para lang makabili ng gamot. And there was Rico, doing all that instead of whoever was responsible for this problem.
"Grabe the effort talaga ni Mr. Dardenne, Jaesie. Imagine, kasal ninyo sana. Ang kaso, hindi na nga natuloy dahil kay Arthas, inasikaso pa niya."
Gusto ko nang patigilin si Melanie sa pangongonsiyensiya, pero hindi ko na ginawa kasi deserved ko naman talagang masermunan. Kung hindi lang ako nanghihina kanina, ako na lang talaga ang mag-aasikaso ng lahat para kay Arthas.
"Sasamahan ko muna si Rico," sabi ko kay Mel. Tumayo na ako at tinantiya ang sarili.
"Girl, sure kang kaya mo?" Tumayo na rin si Melanie at hinagod ako ng tingin para alamin kung kaya ko bang maglakad.
"Hintayin mo na lang ang nurse. Baka may sabihin pa."
"Sure ka, ha?"
Pagtango lang ang isinagot ko bago ako lumabas ng ospital. Napahugot ako ng hininga dahil foundation ko lang ang nag-smudge—na pinunasan na kanina pa ni Melanie dahil ang haggard daw tingnan. Naiwan na lang talaga ang eyeliner na maganda talaga ang quality dahil nakailang iyak na ako't lahat, maganda pa rin ang pagkakalinya sa mata ko. Hindi na ako sing-haggard gaya kanina.
Dalawang magkarugtong na building ang ospital, pero mas mabilis kung mula sa labas lilipat sa kabila. Nasa gitna pa kasi ang connecting lane ng dalawang building kaya mas malayo.
Pansin ko pa ring pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid. Sino ba'ng hindi, naka-wedding dress ako.
Nasa bungad ang pila sa pharmacy. Naabutan ko roon si Rico na ipinapaypay sa kaliwang kamay ang hawak na papel. Malamang na nakabayad na siya. Pero may pitong nauna pang nakapila bago siya.
Kasal dapat namin pero gumastos siya para sa lalaking dapat papalitan niya sa buhay ko. Lalo tuloy akong inatake ng konsiyensiyang kanina pa ako ibinabaon sa mga paa ko.
Napalunok ako. Kompara sa ibang nakapila, angat na angat ang itsura niya. Sobrang tangkad niya, at ang sumunod sa kanyang pinakamataas ay lalaking hanggang leeg lang niya. At kompara din sa iba, kahit ang dungis ng damit niya gawa ng makeup ko, mukha pa rin siyang mayamang modelo. Kitang-kita ko kung paano siya titigang mabuti ng mga katabi niyang babae at lalaki na parang may kakaibang tao silang nakikita sa harapan nila.
He could have said that he's rich and a VIP. Sabihin lang niyang siya si Rico Dardenne, anak ng mayamang businessman and all. Puwede siyang makiusap sa pharmacist na unahin na siya dahil urgent. He could pay his way para mauna sa ibang kasabayan niyang nakapila rin. Pero bakit hindi niya ginagawa? Nakakangawit pumila, sa totoo lang.
Lalapit pa lang ako nang bigla akong mapahinto dahil may kumausap na sa kanyang isang babae sa pila na nasa likuran niya—mukhang matanda lang sa kanya nang ilang taon, payat at mukhang hikaos din sa buhay. Nakikipagngitian si Rico sa kanya habang tumatango.
Pampito si Rico sa pila, and after that man na nakatapos na, bigla siyang lumapit sa cashier sa pharmacy at yumuko para kausapin ang kung sino man ang naroon. Pagkatapos ay nagtanong siya sa buong hilera nilang nakapila. Nag-ilingan ang karamihan. Ilang sandali pa, ang babaeng kangitian niya na nasa likuran niya sa pila, pinauna na niya kahit pa may limang nauna pa bago siya.
Panay ang yuko ng babae, baka nagpapasalamat kay Rico. Pagkabigay ng babae ng papel na hawak niya sa pharmacist, may inabot agad 'yon na kung ano saka umalis, at mabilis na sumunod ang dapat na nauna sa kanya sa pila.
At hayun si Rico, naghihintay pa rin sa pila bilang panglima na.
Damn. Never ko pang naramdamang maging ganito ka-proud sa ibang tao sa tanang buhay ko. Nangilid agad ang luha ko na mabilis kong hinawi bago pa tumulo.
Totoo ka pa ba, Rico?
Kahit naninikip ang lalamunan ko, mabilis ko pa ring nilapitan si Rico para batiin.
"Rico."
"O? Why are you here?" tanong niya at inalok ang kanang kamay niya para palapitin ako sa kanya.
Napunta sa akin ang atensiyon ng mga kasama niya sa pila. Napahugot tuloy ako ng hininga dahil para kaming hindi bagay sa lugar kung nasaan kami.
"May sinabi ba yung nurse? May kailangan pang bilhin?" tanong ni Rico at inakbayan ako para itabi sa kanya. Hinawakan niya ang gilid ng ulo ko at inalis ang lahat ng buhok na dumikit sa mukha ko. Napansin yata niyang nanlalagkit na ako gawa ng pag-iyak at natunaw na makeup.
Niyakap ko na lang siya mula sa gilid saka isinubsob ang mukha ko sa balikat niya. Wala na akong pakialam kahit pagtinginan kami ng mga kasama niya roon sa pila. Gusto ko lang kumalma at hindi naman ako nabigo pagpikit ko.
Everything went silent.
When we feel like we know where we're headed, we tend to not ask for directions, thinking that we already know our path. And when we feel like something's wrong with our journey, we always look everywhere to see where we are, and there we realize we're already lost.
Matagal ko nang alam kung saan ako tutungo. Alam ko kung ano ang gusto ko. Alam ko ang kailangan ko. Pero nang makita ko ang lahat dahil kay Rico, pakiramdam ko, sobrang nawawala na ako. And I couldn't believe na sa ganitong mga panahong nawawala ako, he was here, guiding me with his light to find my way back home—guiding me to where I should belong.
Rico never let me stay in his arms longer dahil sinabi nga niyang gusto niyang nakikita ang posture ko parati. Kung paano ko dalhin ang sarili ko, kung paano ko harapin ang lahat without anyone's help. But I didn't see that Jaesie he adored at this moment.
"Sorry for being this weak," I said while I hugged him. Kahit naglalakad na kami pabalik, yakap ko pa rin siya. Pakiramdam ko, babagsak ako kapag hindi ako kumapit sa kanya.
"You can be weak sometimes. Don't be sorry for it," mahina niyang sinabi at hinalikan na naman ako sa ulo. "I've got your back."
Natawa ako nang mahina dahil doon. "You always got my back in my stupid moments."
Nakabalik na naman kami sa waiting area, at pareho kaming natigilan ni Rico nang makita roon si Myles na kausap si Melanie. Nakasuot lang siya ng red floral blouse at cream-colored slacks na ipinares sa wedge. Hindi siya mukhang a-attend sa kung saan kaya alam ko nang wala talaga siyang planong magpakita sa kasal ko.
Marahang tinapik ni Rico ang balikat ko nang mapahugot ako ng hininga.
"Hindi raw natuloy ang kasal dahil kay Arthas," mabigat na sinabi ni Myles sa akin. "Na naman."
Kung mabigat na ang paghinga ko kanina, mas lalong bumigat 'yon dahil sa sinabi ni Myles.
And yes, it was always because of Arthas kaya walang kasal ko ang natuloy.
"If ever there's a chance today, magpapakasal pa rin ako kay Rico," depensa ko. "I was calling you. I tried to reach out, Myles."
"Puwede mo namang piliin ang kasal mo, a."
"What?" Hindi ako makapaniwala habang nakatingin sa mukha ni Myles na parang kasalanan ko pa kung bakit hindi natuloy ang kasal ko dahil inuna ko si Arthas.
"Matutuloy naman dapat ang kasal mo kung gusto mo. Pero gaya ng dati, inuna mo na naman si Arthas. Ganito rin ang nangyari kay Patrick, di ba?"
"Myles," pagpigil ni Melanie. "Nagbigti nga si Arthas! Kung hindi dahil kay Jaesie—"
"Common sense na lang, Melanie. Puwede niya namang tawagan ang homeowners club para respondehan si Arthas sa bahay, a! Natatawagan nga niya 'yon para itanong kung nasa bahay si Art o wala, bakit hindi niya ginawa? Mas mabilis pang makakarating ang guard sa bahay ni Art kaysa sa kanya!"
Biglang bumalik ang panginginig ng katawan ko. Hindi ko alam kung gawa ba ng galit o pagkadismaya o . . . hindi ko na alam.
"Myles . . . I tried to save him . . ." I softly whispered, trying to prove my point.
"Ikaw," pagbaling niya kay Rico. "Pag-isipan mong mabuti 'tong pinapasok mo." Pagkatapos n'on, dali-daling umalis si Myles papuntang kabilang hallway kung nasaan ang ward na pinagdalhan kay Arthas.
Mula sa glass cover ng bulletin board sa itaas ng upuan sa waiting area, nakikita ko ang mukha ni Rico na hindi man lang na-offend o nainis. Napahugot na lang ako ng hininga habang nakapikit.
"Ako na'ng bahala," mahinang sabi ni Melanie. Pagdilat ko, kinuha na niya ang gamot na binili ni Rico. "Umuwi na muna kayo. Pagpahingahin mo si Jaesie. Ako na'ng bahala kay Myles."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Idinaan ko na naman ang lahat sa pagluha. As if I wished for it to happen. Rico didn't say anything kaya lalo akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag na gusto ko lang talagang iligtas si Arthas kaya hindi ko inuna ang kasal namin.
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko dahil wala talagang salitang lumabas kay Rico tungkol sa mga sinabi ni Myles. Kahit noong makasakay na kami sa kotse niya, tahimik pa rin siya. Kaya kahit natatakot ako, nagpaliwanag pa rin ako ng alam naman na niya.
"Rico, kung hindi lang talaga nangyari 'yon—"
"I understand," simpleng salita niya nang putulin ang paliwanag ko. Nakatingin lang siya sa daan at hindi ako nagawang sulyapan.
"It's not that I chose him over you . . ."
"You chose him over me, obviously."
"Pero—"
"Pero hindi kita sinisisi." Noon lang niya ako sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa daan. "You saved his life. And I don't want you to live the rest of your life saying, 'What if I chose him over you, buhay pa rin kaya siya?' So, you made the right choice."
"Rico . . ." Nanginig ang dulo ng labi ko habang patuloy sa pag-agos ang luha. Hindi deserve ni Rico ang mga nangyayari ngayon. He deserved the best. "Ayokong nahihirapan ka nang ganito dahil sa 'kin, Rico. You deserve better."
Mabilis akong napatingin sa kamay kong nasa kandungan ko. Hinawakan niya 'yon pagkatapos ng sinabi ko habang nakatingin siya sa daan. Itinulak ng mga daliri niya ang nakakuyom kong daliri para isilid doon ang kanya. Mabilis na hinawi ng malayang kamay ko ang luha kong panay ang patak.
"I know I deserve better, and you'll be better soon, Jae. We'll work on it," he assured me, kissing the back of my hand. "We didn't invest too much in this relationship just to give up."
Rico has given me more validation than I could handle today. Hindi ko na alam kung talaga bang pipiliin pa rin niya ako kahit na sobrang gulo ng love life ko.
Inalis ko ang seatbelt ko para makalapit sa kanya at halikan siya sa pisngi. Nagpapasalamat talaga ako na dumating siya sa buhay ko. If not, malamang na mag-isa lang ako ngayong umiiyak at nagmumukmok.
Mula sa dilim ng gabi at sa tail lights ng mga sasakyan sa kalsada, nakita ko ang pagngiti niya. Isa sa mga paborito kong makita sa kanya sa araw-araw.
"Rico, hindi ko alam kung enough ba ang I love you para sabihin ko sa 'yo," sabi ko habang nakatingin sa mukha niyang nagliliwanag sa gitna ng mga pulang ilaw sa harapan.
"As long as you're okay, kahit hindi mo na sabihin."
"But you always said that kapag tulog ako."
Tinawanan lang niya 'yon nang mahina. "Yes. Always."
"Hindi kita nasasagot."
"But that's not a question either. Why would I ask for an answer?"
Natawa ako nang mahina sa gitna ng pagdadrama ko. Sa bagay, tama naman siya. Pagtingin ko sa kalsada, biglang kumunot ang noo ko.
"Rico, saan tayo pupunta?" tanong ko dahil hindi 'yon ang daan papunta sa kahit saang bahay naming dalawa.
Bigla siyang ngumiti at saka ako sinulyapan. "Doon sa lugar na alam kong kakalma ka."
He was right. Because after my draining wedding day and all those heartaches and pains, at last . . .
After all those questions about it, at last . . .
I smiled at Rico as he spread his arms like a proud father.
"Welcome to my toy museum."