It Had to be You (Valdemar Se...

By leavluna

382K 11.3K 3.6K

VALDEMAR SERIES #2 Anastasia Elissa is a modern woman in every sense of the word. She enjoys shopping, going... More

NOTE
#
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Wakas
#
Special Chapter

Kabanata 41

5.2K 155 120
By leavluna

41 – Prove

"Good morning, dad.."

Matapos ang tatlong araw na pamamalagi sa bahay ay pumayag na si daddy na bumalik ako sa trabaho. Ayden's still not cool with it. Pero, dahil gusto ko ay nirespeto niya ang desisyon ko. Dad's even fetching me to work today. Akala ko ay si Mathias lamang ngunit nagulat akong kasama pala siya.

"Anastasia, dear.. Were you alright these past few days?"

Bumitiw siya mula sa pagkakayakap sa akin saka tinapik ang braso ko. Tumango ako bilang pagsagot sa kaniya.

"Of course, dad. Ayden's here.." I smiled. "Nothing to really worry about."

"Good.." He nodded as I lead him to sit down.

Lumapit sa amin si Joanna'ng mayroong malawak na ngiti sa kaniyang labi. Looks like she's in a good mood today. She's looking radiant.

"May gusto ba kayong kahit ano, Asia?"

Bumaling ako sa aking ama para tanungin ang gusto niya. Baka rin ay hindi pa siya nag-almusal. We can eat breakfast together if he wants.

"Dad?"

"Nothing.. Dumaan lang naman ako para sunduin ka." he cleared his throat. "And where's your husband?"

"Kahit po kape, sir?" She asked again.

Hindi niya binalingan si Joanna. "No, thank you.."

Sumenyas ako sa kaniyang ayos lang kami. Nawala ang ngiti sa labi niya saka magalang na yumuko ay naglakad palayo. I glaced at my father again.

"He's upstairs, dad. Still working on something."

He nodded and looked away. Patuloy ang paghimas niya sa tuhod niya na parang mayroon siyang kung anong iniisip. He looked nervous and uncomfortable.

Sandali akong nagpaalam para pumunta sa kusina bago umalis ng bahay. I took my vitamin ang drank a glass of water. Mula sa dirty kitchen ay lumabas si Joanna'ng mayroong dalang mga plato.

"Aalis ka na?"

I nodded. "Oo. Kasabay ko si daddy."

"Siguro, sobrang malapit kayo sa isa't isa, ano?" She smiled and looked down.

She's actually wrong. Hindi naman talaga kami malapit sa isa't isa. Pakiramdam ko ay ngayon pa lamang nagsisimulang mabuo ang pagsasama naming dalawa. He was always busy before. Ni hindi umuuwi. I didn't expect that we'll be close like this.

"Noon, hindi. Pero ngayon, nagiging maayos na kami.."

Tumango siya at ngumiti. She started to put all of the plates on the holder. Mahina siyang tumawa saka nagsalitang muli.

"Mas kamukha mo ang mommy mo, Asia.."

Tumawa rin ako saka nag-angat ng kilay. Thankfully, she's not mad at mom. Akala ko ay galit siya sa ina ko dahil sa pagiging unfair sa kaniya pero mali ako. She's even mentioning her to me.

"Ano-anong mga ginagawa ninyo tuwing magkasama kayo?" Usisa niya.

Ngumiti ako. "Kadalasan ay trabaho, Joanna. Pero, nagsasabay din naman kaming kumain kung may panahon."

"Talaga? Siya ba ang nagturo sa iyo kung paano mamalakad ng negosyo?"

"Oo.. Dad's really great in business. Kasama rin si Mathias. You know him, right?"

She pouted and nodded at me. Binalikan niya ang iba pang plato saka iniayos ang salansan.

"Hanggang ngayon, kapag nakakakita ako ng masayang mag-ama, naiinggit pa rin ako.." malungkot siyang ngumiti. "Hindi ko kasi nakilala ang ama ko."

What she said pierced my heart but that made me appreciate dad more. Wala man siya noong bata ako para sa akin ay dapat pa rin akong magpasalamat sa kaniya. He worked hard for us. Kahit nawalan siya ng panahon para sa akin ay ginawa niya iyon para sa kinabukasan ko.

Hindi na ako nagpaalam pa kay Ayden na aalis na ako. Hindi rin naman kasi niya gustong bumalik ako sa trabaho. Inaasahan ko ang tambak na mga gagawin ngunit nagkamali ako nang makitang mayroon lamang tatlong folder sa lamesa ko

"I did all the other papers. Dapat ay hindi ka muna pinapasok ng CEO."

I chuckled and sat down the swivel chair. Kahit papaano ay namiss kong umupo rito.

"The CEO is my dad. He will listen to me."

Mahina siyang tumawa saka tumango. Nang silipin ko ang isang folder ay agad na pumasok sa isip ko ang nangyari noong nakaraan. Akmang aalis na si Mathias nang tawagin ko ang pangalan niya.

I may be overreacting but I can't deny the fact that I am still worried. Kahit na mayroong mga guwardiya sa paligid ay iba pa rin ang pakiramdam ko. Something is really wrong.

"Any updates about the incident?"

Malalim siyang huminga saka yumuko. "I promised I won't fail you. Pero, hanggang ngayon ay wala kaming mahanap."

Kinagat ko ang labi ko saka tumango. Alam kong hindi lang ako ang nababagabag. I know Ayden's on move. Kahit wala siyang sinasabi ay pilit niya pa ring hinahanap ang taong iyon. Hindi naman na ako umaasang makikilala pa iyon dahil nawala ang kaisa-isang footage na makapagtuturo sa amin kung sino ang may gawa.

"It's okay, Mathias.. Nakibalita lang ako."

He directly looked at me and spoke. "You don't have to worry. I doubled your guards. Hindi mo sila makikita pero na sa paligid sila. I won't let this happen again."

I smiled and nodded. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. I know Mathias can get the job done. He's reliable and he's a friend. Hindi niya ako pababayaan.

"Thank you, Mathias.. I always knew I can trust you with my entire life."

He bowed down and walked away. I inhaled a deep breath to relax myself and start my work. Mas maganda kung maaga akong makakauwi para hindi na lalo pang mag-alala si Ayden. I don't know if he's going to their building today. Alam kong tambak na rin ang trabaho niya dahil nanatili siya sa bahay habang naroon ako.

Hindi rin nilisan ni Joaquin at Faye ang utak ko. No matter how much I convince myself that it's not my fault, hindi ko pa rin maialis ang ideyang may kasalanan ako. Hindi ako naging sensitive sa pagtrato sa akin ni Joaquin at sa nararamdaman ni Faye. I saw how she's uncomfortable with those girls being around Joaquin! Bakit hindi ko nahalata? I am an observant but I didn't feel it! I am so stupid!

I stopped reading the paper when I realized I won't understand any of it. Tiningala ko ang kisame saka minasahe ang balingusan ko sa frustration. My phone suddenly rang and I saw Joaquin's name on it.

Agad na lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nang hawakan ko ang cellphone ay hindi ko alam kung sasagutin o papatayin ko na lamang ang tawag. I don't think I am ready to talk to him. Pero kung hindi ngayon, kailan?

"Asia.."

His deep voice on the other line greeted me. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko para pigilan ang mga luha kong nagbabadya nang tumulo nang marinig ko ang boses niya. I may be a strong woman but I am weak for the people I love.

"Joaquin.."

I forced myself to make my voice stable.

"Can we talk? Pupuntahan kita–"

"Huwag na, Joaquin.." I cut him off. "K-kung may sasabihin ka, dito na lang.."

I heard him sigh from the other line. Ang makipagkita sa kaniya ay isa sa mga bagay na hindi ko magagawa. I don't think I am strong enough to face him after I knew everything. That I am the reason why him and Faye are hurting.

"Anastasia.. Sorry. Faye was drunk that night. She didn't mean any of that.."

A sudden tear fell. No matter how much they deny it, I know that Faye meant everything that night. Alam ko dahil pinagdaan ko iyo. And denying things won't make this easier for all of us. Lalo lang kaming mahihirapan kung hindi namin tatanggapin ang katotohanan. Lalong-lalo na kay Faye.

"Joaquin, I've been there. I was so hurt but I'm in love with Ayden. Idinahilan kong lasing lang ako para pagtakpan ang mga salitang binitiwan ko.." I sniffed. "I r-reasoned out that I'm just drunk, but the truth is I'm in love with him.."

Natahimik ang kabilang linya sa sinabi ko. Alam kong alam niya ang totoo. He shouldn't deny it.

"She may be drunk, but she's in love with you."

That drunk night of me was the start of my downfall. Iyon ang naging simula ng pagkakasira ng relasyon namin ni Ayden. Lasing ako pero totoo lahat ng sinabi ko.

"I'm sorry.." he whispered.

"And you know that, Joaquin. Alam mong mahal ka ni Faye."

Lalong tumulo ang mga luha ko. Nasasaktan akong malaman na hindi kayang mahalin si Faye ng lalaking mahal niya dahil sa akin. I am the reason of it.

"But I love s-someone else.."

I tried to cover my mouth to seal any sound. "That someone doesn't l-love you the same.."

I love Joaquin so much. Ngunit bilang kaibigan lamang. He was there through my darkest times. He was there when everything was falling apart for me. Naroon siya palagi. Lalo na nang mawala si Ayden sa akin.

But I didn't love him the way I loved Ayden.

"Was it true? A-are you.." I wiped my tears. "In love with me?"

Halos malukot ang panyo ko sa higpit ng hawak ko. Bakit pa ba ako nagtanong? Hindi ba't alam ko naman na? Handa ba ako sa kung ano mang isagot niya?

"Y-yes."

Pakiramdam ko'y nabasag ang puso ko sa sagot niya. He can't be in love with me. He just can't. Hindi puwede dahil kahit na kailan ay hindi ko kayang suklian iyon.

Someone owns me. All of me.

"I am in love with Ayden, J-joaquin.." I cried. "Mahal ko ang asawa ko.."

He may have done something in the past and hurted me but it didn't change my love for him. It stayed. And this time, I want to listen to myself. I want to be happy again.

Kahit na ang magiging kapalit ay ang pagkakaibigan namin ni Joaquin.

"Alam ko.." he answered. "It was him. It's still him.."

I nodded with tears rolling down my cheeks. "It will always be him. You know that."

"Hindi ko naman ipinipilit, Asia. A-ayos na ako sa pagiging kaibigan–"

Pilit kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Masakit ang puso ko. Noon, natutuwa ako sa tuwing mayroong lalaking mahuhulog sa palad ko. Pakiramdam ko ay mapapaikot ko sila at kakayanin kong paglaruan. But things changed now. I am hurting. I can't be like this to Joaquin.

"Can we pretend that we didn't talk about this, p-please?"

"Okay.." he sighed. "I can do that."

I immediately ended after his answer. I don't think I still can hold my tears after hearing his voice like that. Joaquin is one of my bestfriends. He is like a brother to me. At ang malaman ang nangyari at marinig ang boses niya ay lalo lamang nadudurog ang puso ko. It makes me want to think and accept the fact that I was wrong.

Kung hindi ba ako naging malapit sa kaniya noong nawala si Ayden, hindi mangyayari ito? Would he fall in love with someone else if I distanced myself in the first place?

I didn't really do much work. I ended up asking Mathias to finish it because I couldn't think clearly. Kahit na wala akong ginawang trabaho ay pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Maybe this is because of my emotions. I don't really expect myself to have strength after what Joaquin admitted.

"Anastasia.."

I sighed and forced myself to smile at him when I got home. Tinapos ko ang oras ng trabaho kahit na wala akong ginagawa. I stayed there and thought of everything that's haunting me.

"Ayden.."

Nang makalapit siya ay agad akong yumakap. I just feel weary. Ipinikit ko ang mga mata ko nang dumausdos ang kamay niya sa baywang ko.

"It was a tiring day.." I sniffed. "Medyo tambak ang trabaho."

He traced my back and carried my bag while I'm still clinging on to him. Nang makita ko si Joanna ay agad siyang umiwas ng tingin sa amin.

"Magpahinga na tayo, kung ganoon." Aya niya.

I sighed. "Sandali lang.."

Ayden kissed my temple and brushed my hair. Marahan siyang naglakad patungo sa sofa para iupo ako ro'n. He sat down beside me and lifted my chin. Pinilit kong ngumiti dahil alam kong kilala niya ako. He'll know something is up.

"You wanna talk about something?"

Umiling ako. "No.. I was just really tired. Masakit pa ang paa ko."

He nodded at me and stood up. Kumunot ang noo ko. Was he walking away from me?

Saka ko lamang naintindihan ang gagawin niya nang lumabas siya mula sa banyong may dalang palanggana. Nakasabit sa balikat niya ang isang tuwalya.

Inilapag niya iyon sa sahig saka marahang hinawakan ang paa ko. My heart started to get crazy.

"You don't have to do that." Pigil ko.

He grinned. Dahan-dahan niyang binasa ang paa ko gamit ang maligamgam na tubig. He was even massaging my feet.

"Isn't it my responsibility to take care of my wife?" He raised his brow.

Umawang ang labi ko sa tinuran niya. Is this what marriage feels like? Because I never saw my mom and dad take care of each other. I saw them hug, but never the kind of hug Ayden and I does.

"I don't even do things for you."

"You don't have to.." he smiled and continued what he's doing.

Umangat ang kilay ko. "Isn't it my responsibility to take care of my husband?"

Wala akong matandaang mayroon akong nagawa para sa kaniya. He always gets me out of trouble before. He always make sure that I am alright and safe. Ayden never let me struggle alone. He will always get himself involved.

"Pinakasalan mo ako kahit hindi ako ang dapat. You accepted me after everything. I do not have the right to demand more from you."

Parang tumigil ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Matapos iyon ay sunod-sunod na malalakas na hampas ng dibdib ang naramdaman ko.

"Ayden.."

He smiled and looked directly to me. Pakiramdam ko'y tagos hanggang kaluluwa ang tinging iyon. It was just like before but more intense.

Maybe I was already in love with him before I even realized it. Maybe I was too young and too dumb to even know what love feels like.

"Sobra-sobra na sa aking pinakasalan mo ako. Wala na akong ibang hihilingin pa, Anastasia.."

I started to tear up. He has all the right to demand more from me. He's my husband for goodness sake! But him making me feel that I am enough for him even when I can't do anything is hurting me. Masaya ako ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nasasaktan ako. Maybe because I know he deserves more and I don't know how to give it to him. I don't know how to be more.

The night went by fastly. Nang magising ako ng umaga ay si Ayden na ang nagluto ng agahan. He said Joanna is sick. We ate breakfast together before he left. Nauna na siyang pumasok sa akin dahil sa mga trabahong naiwan noong nanatili siya rito sa bahay para sa akin.

Nang lumabas ako ng bahay ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ko si Joanna na kausap muli si Mathias. Joanna was smiling wide while Mathias was looking serious, listening to what she was saying.

Nang bumaling sa akin si Mathias ay agad na natahimik si Joanna. I thought she's sick?

Nakayuko siyang pumasok ng bahay bago ako pinagbuksan ni Mathias ng pinto. I forced a smile to him and went in.

After finishing reading two reports, agad kong tinignan ang cellphone ko upang silipin ang mga bagong dating na mensahe. One was from Amethyst and Daniel. None came from Joaquin and Faye. Ang tatlo naman ay mula kay Ayden.

Amethyst:

              Can you try to call Faye? She's out of reach since last night. I'm starting to get worried.

I sighed and immediately dialed Faye's number. Ilang beses ko iyong sinubukan ngunit wala siyang sinagot ni isa. Noong nakaraan naman ay nakausap ko pa siya ngunit hindi na siya sumasagot ngayon. I am getting more worried.

Natigil lamang ang pagtawag ko nang ako na ang makatanggap ng tawag. Mom was calling me.

"Oh my gosh! Anastasia!"

Agad akong napapikit sa matinis niyang boses sa kabila ng linya. I can't deny the fact that I missed her, though. Higit dalawang linggo yata kaming hindi nakapag-usap.

"Good morning, mom.."

"Sorry, my dear. Ngayon lang ako nakatawag.." She chuckled on the other line. "It's New York fashion week kasi."

I nodded and smiled. Mabuti naman at bumabalik na siya sa dati. Noong huling kita namin, kung hindi ako nagkakamali, ay umiyak pa siya dahil gusto niya akong umuwi sa amin.

"It's okay, mom. I understand. Just enjoy yourself."

"Was it true that you had a threat? Oh my goodness! Ang sabi ay daga raw? Ew!"

Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Talagang ang nakakadiring daga ang pumukaw sa pansin niya, hindi ang banta. Bumuntong-hininga ako. Sabi ko na ay malalaman niya.

"Yes, mom. It's true.."

"Oh my gosh! They can send me threats but not a dead rat!"

Really? Threats are alright as long as it's not a dead rat? Is she being serious?

I rolled my eyes. Imbis na magtanong kung seryoso ba siya ay pinalampas ko na lamang. Is she not going to ask me if I'm doing okay?

"But I'm fine now, mom. It's been more than a week.."

"Mabuti naman.. Sana naman kung may threat ulit ay huwag na daga! Ang katulong mo lang ang naaalala ko sa daga! Ew!"

Kumunot ang noo ko. "What?"

"Anyway, I still have a party to attend to. Got to go, dear!"

She ended the line with that. What does she mean by that? Ang katulong ko ang naaalala niya sa daga? Was is Joanna? Patty?

I tried to call Faye again right after but she still isn't answering. Is she just busy? Paano kung umiiyak pa rin iyon? Naglalasing? Nakapag-usap na kaya sila ni Joaquin?

Hindi ko na napansin ang oras sa araw na iyon dahil sa sobrang pag-iisip. Nang dumating ang tanghalian ay si Mathias na ang isinama ko para kumain sa labas. He is working really hard. Hindi ko magawa nang maayos ang trabaho ko sa dami ng iniisip at naroon siya para laging tignan ang gawa ko.

"About the girl you mentioned to me.." I smiled. "Kumusta naman kayo?"

Nagkibit-balikat lamang siya at nagpatuloy sa pagkain. I'm glad that I can spend time with him like this. Hindi iyong puro trabaho lamang dahil sa labas ng kompanya ay magkaibigan naman talaga kami.

"Nothing really changed between us, pero kahit papaano ay nag-uusap kami."

I nodded and sipped on my iced tea. "That's a good sign. Nakakapag-usap kayong dalawa. Doon naman nagsisimula iyon, hindi ba?"

Another set of orders came. I smiled at the waiter and thanked him. I look back at Mathias again and saw him staring at me. I smiled and raised my brows.

"Nababaliw na ako sa kaniya, Asia.." bigla niyang sabi.

I chuckled. Ngayon ko pa lang narinig ang mga salitang iyon galing sa kaniya. I know for sure that the girl will like him eventually. I mean, ano bang pangit na katangian niya? Wala naman akong makita.

"Then prove it to her. Gawin mo ang lahat para mapatunayan ang pagmamahal mo."

"Oo.." he look determined. "Gagawin ko 'yan, Asia."

"But be careful. Love is very dangerous, Mathias.." I teased. "Too much love will kill you."

Mahina akong natawa nang maalala kong lyrics ng kanta ang sinabi ko. But it's true, right? Marami nang kinitil na buhay ang sobrang pagmamahal.

"I will prove to her that I love her.." he seriously said. "No matter what it takes.."

Tumango ako saka malawak na ngumiti. "Fight for that love, Mathias."

Wala na akong masyadong ginawa sa office nang humapon kaya naman napagdesisyunan kong mag-undertime na lamang. Nang maihatid ako ni Mathias pauwi ay hindi ko nadatnan si Joanna. Madalas lang naman iyong na sa salas o kusina. Siguro ay may sakit nga kaya nanatili sa kuwarto niya.

Kahit na sa bahay na ay hindi ko pa rin tinigilan ang pagtawag kay Faye. She's still out of reach. Lalo lamang akong nag-aalala sa nangyayari. Hindi ko lang alam kung na-contact na siya ni Amethyst dahil nang tawagan ko iyon kanina ay busy ang linya.

I sighed and checked the window. Maliwanag pa sa labas ngunit siguradong pauwi na rin si Ayden. I'm just going to wait for him. Napag-isip isip ko ring dapat malaman niya ang tungkol kay Joaquin. Na ang babaeng tinutukoy ko ay ako. He deserves honesty from me. Kahit iyon man lang ay maibigay ko na.

My phone beeped. Agad kong iniabot iyon sa pag-asang baka si Faye na ang nagmensahe ngunit mali ako. Kumunot ang noo ko saka humampas nang malakas ang dibdib nang mabasa ko ang mensahe. It was from an unknown sender again. But it wasn't the same message.

Unknown Number:

             The time is running. Tik tok.. Tik tok..

Continue Reading

You'll Also Like

32.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
635K 12K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...
4.8K 38 2
She joined an Online Marriage App to forget her ex whom caused her so much pain. The App paired her with the User named Caius Moore and became her hu...
5.6M 91.8K 30
The most painful feeling is being unwanted by the person you wanted the most. For me, he's my everything but for him, I'm the one who ruined his ever...