Prequela

Von fackenbtch

457 35 24

The Prequel Hangarin ni Kalesi Mambituin ang palayain ang nabihag na Inang Bayan. Ngunit upang maisagawa iyon... Mehr

Paalala
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XIII
XIV
XV
XV (Ikalawang Parte)

XII

11 1 4
Von fackenbtch


"Lumabas ba kayong dalawa?" Maging si Kiandro'y napatigil sa kampanteng paglalakad papasok ng mansion suot ang ngiti nitong wagas nang marinig ang kaniyang nakakatandang kapatid.

"Hindi, hindi! N-nagkasabay lang kami pauwi. Mayroon lamang akong kailangang bilhin sa talipapa kaya't lumabas ako panandalian," taas pa ni Kalesi sa bitbit nitong tampipi at ngiti pang ikinairap ni Kiandro. Malawak ang ngiting iyon ngunit hindi iyon ang ikinakainis niya kundi ang palaisipang hindi iyon kasing-lawak ng ngiting inilantad sa kaniyang dalaga kanina.

Kaagad ding bumagsak ang ngiting suot ng dalaga nang magsalita si Marcelino. "Ng walang kasamang guardia?" sa kunot pa lamang ng noo nito, batid niyang nais nang magtaas ng boses ng binata, pinipigilan niya lang ang sarili. Nag-iwas na lamang ng tingin si Kalesi saka sinubukan pang magpaskil ng isang asiwang ngiting hindi rin nagtagal.

Hindi niya maaaring sabihin na nagpaalam siya kay Esraela lang dahil alam niyang parurusahan siya nito. "Kalesi," ramdam nito ang lamig sa boses ni Marcelino dahilan ng pagkagat nito sariling labi, nag-iisip ng palusot na malupet.

"Huwag ka ring tumalon sa mga pumapasok sa isipan mo. Wala kaming kinalaman sa isa't isa kung iyon ang inaalala mo. Ako rin ay may dinaanan sa bayan para sa sarili kong binibini dahil hindi nga natuloy ang lakad namin. Narinig mo? Sa sarili kong binibini." napaharap ang dalawa sa malamig na boses ng bunsong Anastasia. Hindi na nagulat pa si Marcelino nang tila naghahamon ng titigan ang kapatid nito.

Habang namumuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa, nandodoon lamang si Kalesi na palipat-lipat ang tingin sa dalawang binata. Kailangan niyang tapusin kung anumang namamagitan sa dalawa, kahit ngayon lang.

"Don Luis!" bulyaw nito na agad ikinaiwas ng tingin ng dalawa sa isa't isa nang hindi mahuli ng ama. Nakangiting tumakbo ang dalaga sa harapan ng Don na pababa ng hagdan. Halata ang pagtataka sa mukha Don dahil sa biglaang paglapit sa kaniya ng dalaga. Maging si Kalesi'y wala ring ideya kung bakit siya biglaang tumakbo patungo sa direksyon ng Don. Ang tanging dahilan lang nito ay maputol ang tensyong namumuo sa pagitan ng magkapatid kung kaya't tumungo na lamang ito sa harap ni Don Luis saka bumati ng "magandang hapon" kahit na batid niyang hindi siya papansinin ng ginoo.

Na siya ngang ginawa ng matanda na dumiretso lamang sa hapag-kainan kung saan inihahanda ng mga tagapagsilbi ang hapag-kainan, hindi binibigyan ng pangalawang tingin si Kalesi. Hindi na nagulat si Kalesi dahil bumalik na ang pakikitungo nito sa kaniya gaya noong unang mga araw nito sa hacienda magmula noong away nila ng Binibining Catalina na mabilis kumalat at nawala sa buong nayon.

Napanguso na lamang ito saka ibinulong, "Sungit."

"Huwag mo nang pansinin si ama. Mawawala rin ang inis niyan, kailangan mo lang palipasin." napatingin ito sa kaniyang tabi nang kunin ni Marcelino ang hawak nitong tampipi mula sa kamay niya. Ngunit hindi gaya ng dati, wala na ang kahit maliit na ngiti nito. Napalitan ito ng isang diretsong mukha, hindi man lang siya tinitingnan.

Ibinigay niya sa isa sa mga tagapagsilbi ang tampiping iyon bago nagsimulang humakbang patungong silid-kainan, iniiwan siya doon at hindi man lang siya inaaya. Nalukot ang mukha nito nang mapagtantong galit ang binata sa kaniya. Maaaring kaunting inis lamang ang mayroon ito sa kaniya ngunit isang malaking problema na iyon sa taong hindi marunong manuyo ng iba, lalo pa't isang 'nobyo'.

Hanggang sa hapag-kainan, hindi nagbago ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang tatlo, idagdag pa ang lamig ng pakikitungo ni Don Luis. Pinili na lamang ni Kalesing manahimik, sumubo ng pagkain at taimtim na mag-isip kung paano ibabalik sa normal ang pinaghirapan niyang tiwala ng dalawang Anastasia.

Ngunit hindi pa rin sa kaniya kumakampi ang tadhana nang marinig ang pinakainiinisang boses sa loob ng hacienda. "Rinig ko ho'y napuyat na naman ho kayo kagabi, binibini? Hindi ho ba kayo makatulog o may iba lamang kayong ginagawa?" hirit ni Mang Lilia na ikinabaling lahat ng tingin kay Kalesi. Hindi nito ipinahalata ang pagkagulat sa suspetya ng matanda sa kaniya dahil batid niyang malabo itong magpatalo ito hangga't hindi nito nababawi mula sa kaniya ang tiwala ng binatang heneral.

At gaano man niya inaasam na irapan ang matanda, hindi iyon maaari dahil sa mga matang ngayo'y nakamasid sa kaniya. Ipinaksil nito ang inosenteng mukha sa lahat, tila nagugulimihan rin sa tanong ng mayordoma sa kaniya. HIndi niya maaaring gasgasan pa ang galos ng imahe niya sa harap ni Don Luis. Hindi niya maaaring labanan ang akusasyon ng mayordoma sa pabalang na paraan.

"Sigurado akong mayroong dahilan si Kalesi. Wala naman siyang ibang gagawing iba kundi magmukmuk sa silid niya kung hindi lamang kay Marcelino'y hindi naman nang gagawin pa sa labas ang binibini. Tama ba 'ko?" isang malamig na tingin ang ipinukaw ni Kiandro sa dalaga. Bagamat bahagyang nagulat sa biglaang pagbabago ng pakikitungo sa kaniya ng binata, nagpakawala ito ng asiwang ngiti saka bahagya pang tumungo. Hindi niya na ring inaasahang magsasalita pa si Marcelino upang ipagtanggol siya dahil sa tensyon sa kanilang dalawang hindi man lang niya batid na nagsimula.

Samantalang si Manang Lilia'y hindi pa rin sumuko sa pangangasar sa dalaga. Batid niyang may tinatago ang dalaga, iyon ang kaniyang ipinaglalaban at wala itong intensyong sumuko. Ito ang pinakaangkop na panahon dahil sa nararamdaman nitong malamig na atmospera sa pagitan nila. "Ngunit maaari ko bang maitanong, binibining Kalesi? Napansin ko noo'y may suot kang isang gintong kuwintas... ngunit hindi mo na ito kasalukuyang suot. Maaari ko bang malaman kung nasaan na?" doon na nakuha ng mayordoma ang buong atensyon ni Marcelino maging ni Kiandro't ang Don.

"Gintong kuwintas?" kunot-noong tanong ni Don Luis na tinugunan ng mayordoma ng mabilis na tango. "Opo! Naku'y napakagandang kuwintas! Hindi mo mahahalatang peke kung siya nga. Ano nga muli ang pamilyar na palawit na aking nakita? Ah! Simbolo ng walang hanggan, tama ba ako, binibini?" ngiting pilya nito sa dalaga na ngayo'y walang imik at nakatitig sa bunsong Anastasiang hindi rin makagalaw sa pwesto nito.

Matagal na nga noong muli niyang nakita ang kuwintas na iyon kung kaya't nakalimutan na niyang mayroon nga pala siyang itinatagong alahas na galing pa mismo sa binatang kaharap niya ngayon.

"Walang... hanggan?" Hindi tumulong ang patitig ni Marcelino sa kaniya. Lalo lamang itong nanliit sa kaniyang kinauupuan habang hindi na napigilan ni Marcelino ang pagporma ng kamao nito sa ilalim ng mesa maging ang pagtitiim ng bagang nito.

"Walang hanggan... gaya ng... kay Mariana?" Nanlaki na lamang ang mga mata ni Kalesi nang tinamaan ito sa sinabi ng Don. Maaaring ang kuwintas na iyon ay mula sa Dona ng Anastasia. Si Kiandro ang nagbigay ng kuwintas na iyon at ayon sa kaniya ay nahanap niya lamang sa mga gamit niya iyong kuwintas noong mapadpad ito sa kampo. At ina ni Kiandro- o ni Milandrino- si Dona Mariana.

At kilala niya si Marcelino. Matalas ito pagdating sa anumang bagay, batid niyang mayroon na itong suspetya kung saan nanggaling ang kuwintas na iyon. Wala siyang kawala sa mga titig ng lahat ng tao sa loob ng silid, lalo na ang kay Don Luis.

"Huwag niyo hong mamasamain ang aking katanungan. Nais ko lamang hong itanong dulot ng kuryosidad-"

"Tama na, Manang Lilia." putol ni Marcelino sa sasabihin ng mayordoma, ngunit nagmatigas ito. "Bakit ho? May natatamaan na ho ba akong importanteng puno--"

"Manang Lilia, sabing tama na!" pagtayo nito't paghampas sa lamesa.

"Marcelino," madiing suway ni Don Luis sa panganay nito ngunit hindi siya nito tinugon at nanatili ang matalim na tingin sa nakangising matandang mayordoma.

"Ako pa rin ang amo sa ating dalawa, at ang kahit anong paglabag sa utos ko'y parurusahan ayon sa kagustuhan ko. Esteban!" lumapit sa kanila ang isang guardia civil na nakaposte sa loob ng kusina upang magsilbing bantay sa mga posibleng magtangka sa buhay ng mga Anastasia.

"Heneral!" saludo nito. Agad nitong sinunod ang pagsenyas na ginawa ng heneral nito sa mayordoma bilang tugon. Lumapit ito sa matanda saka ipinaliwanag na kailangan niyang sundin ang utos ng kaniyang heneral na dumaan ang matanda sa parusa.

Saka lamang napaangat ang ulo ni Kalesi nang maramdaman niya ang mahigpit na kapit ni Marcelino sa kaniyang kamay. "Tara na." sabay hatak nito sa kaniya palabas ng silid.

Maging si Kiandro'y napatayo nang simulang hatakin si Kalesi ngunit napaupo rin kalaunan nang madako ang tingin nito sa mga matang bumaling sa kaniya. Batid niyang isang malaking pako ang impresyon niyang iyon. Wala na itong magawa kundi pagmasdan na lamang ang dalagang magpatahak sa 'kapatid' nito.

***

"Teka, teka! M-Masakit, masakit!" pagtataboy ni Kalesi sa mahigpit na hawak ni Marcelino nang makita kung saan sila papunta magmula nang umakyat sila sa ikalawang palapag ng mansion. Binawi niya ang sariling kamay mula sa binata at tiningnan ito ng may bahid ng takot sa mga mata habang hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ni Marcelino sa kaniya.

"Sabihin mo sa akin ang totoo: saan nanggaling ang kuwintas na iyon?" malamig na tanong nito na ikinalunok na Kalesi.

"Bago mo rin ako akusahan, hindi ko ninakaw ang kuwintas na iyon,"

"Kahit na hindi mo ninakaw, ang gusto kong malaman ay kung paano napunta sa iyo ang kuwintas na iyon?!" Hindi na mapigilan ang pagtaas ng boses, halata sa mukha ni Kalesi ang gulat. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sisigawan siya ng sinuman dahil maging si Ca Deliriong ama nito'y hindi siya pinagtaasan ng boses. Pero hindi pa rin nawala ang bagsik ng galit na makikita sa mukha nito. Iyon ang unang beses na makikita ni Kalesi ang ganoong bagsik sa mukha ng binatang heneral at hindi tumulong ang palaisipang siya ang dahilan no'n.

Dahil sa hindi niya pagsagot sa katanungan ng binata ang lalong ikinainis nito. Sa kabila ng bugso ng damdamin, isinaisip pa rin niyang isang binibini ang kaniyang kaharap kung kaya't sa halip na pagtaasan niya pa ito ng boses nag-iwas na lamang ito ng tingin sa dalaga kasabay ng pagtaas ng isang gilid ng labi. "Kaya pala lagi kang umaalis ng walang pahintulot, hindi nagpapaalam, at walang bantay kahit na alam mong hindi ko papaburan iyon!" nangibabaw pa rin ang maikling pasensiya nitong kilala ng lahat.

Sinuklian naman ni Kalesi ng inosenteng tingin sang binatang heneral kahit na'y sa katunaya'y malinaw na dito na pinaghihinalaan na siya ng binata sa mga biglaang pagkawala nito sa mga hindi inaasahang pagkakataon. "H-Hindi ko naman sinasadya ang mga pagkakataong iyon! Hindi pa ako tuluyang sanay sa mga kabuhayang pinililit mo akong ipasok! Hindi ko naman kailangan magpaalam sa iyo kahit sa tuwing may patutunguhan ako o kahit mamasyal lang noong hindi pa tayo nagkakakilala!" hindi na rin mapigilan ng dalagang magtaas ng boses. Kahit na't isang mahinhing binibini ang kaniyang palabas, hindi ito nagpapamaliit sa kahit sino kung hindi ito kasama sa planong napag-usapa't napagsang-ayunan. Gaya ng pagtaas ng boses ng binata sa kaniya sa hindi niya maintindihang dahilan.

"Saka... may binili lang naman ako sa talipapa at wala namang nangyari sa akin. Hindi pa ba 'yon sapat na dahilan para payagan o palagpasin mo ako sa pagkakataong ito?" binabaan na nito ang kaniyang boses dahil hindi naman niya intensyon una pa lang na sirain ang imahe nitong pinaghirapan niyang ipatong sa tunay sa harapan ng mga Anastasia. Ngunit hindi pa rin dito nawala ang bakas ng galit sa mukha ng binata- dahilan ng kanilang pagpapalitan ng salita.

"Kahit na! Binibini ka, binibining kilala ng lahat bilang isa na sa isang malaking pamilya. Hindi ka ang dapat gumagawa ng pamamalengke o kahit anong gawaing bahay lalo na't kung lalabas ka ng walang paalam!"

"Hindi pa nga ako sanay sa pamumuhay na mayroon kayong mga mataas kung kaya't nagkakamali pa ako-"

"Kaya nga't sinusubukan kitang turuan! Sadyang matigas lang talaga ang ulo mo't ayaw mong makinig-"

"Hindi ko naman talaga intensyong lumabag-"

"Anong 'hindi intensyon'?! Malinaw ang bilin na huwag kang aalis ng walang paalam! Iyon na lamang ang kailangan mong gawin-"

"Hindi nga ako kumportableng sinusundan ako kahit saan ako magpunta! Kung hindi naman ako napadpad rito hindi ko naman iyan kailangang pag-aralan para lang makiayon-"

"- dahil binibini ka, alam mo ba iyon?! Kailangan mo lang sumunod at gawin lahat ng sasabihin at ibibilin sa iyo sa loob ng apat sa sulok ng bahay na ito, wala nang iba!" doon na tuluyang hindi nakaimik si Kalesi. Nakaestatwa't nakatitig lamang sa binata ang maluha-luhang mga mata.

Kung mayroon mang paksang tatamang-tagos sa binibining mandirigma, ayon ay ang paksa kung saan nalilimita lamang ang kakayahan ng mga binibini sa loob ng tahanan. Isang malaking sampal iyon sa tunay na imaheng ninanais nitong irepresenta- na kayang makipagsabayan ng mga babae sa mga lalaki sa kahit anumang larangan.

Hindi nito natanggal ang titig sa bagsik ng mukha ng binata hanggang sa tuluyan nang tumulo ang butil ng luha sa kaniyang kanang mata. Saka lamang lumambot ang mukha nito nang makitang bahagya pang tumalikod sa kaniya ang dalaga upang itago ang luha nitong hindi sinasadyang tumulo. Saka lamang tumama sa kaniya ang mistulang ugaling hindi nito napigilan maging sa harap ng dalaga.

"Kalesi..." sinubukan pa nitong abutin ang dalaga ngunit kusa itong lumayo nang makita ang sitwasyong siya mismo ang dahilan. "Hindi ko sinadya..."

Naputol lang ang tensyon sa pagitan ng dalawa nang sumulpot si Esraela sa gilid ng kahoy na hagdan. Sumilip pa ito bago tuluyang lumabas sa pinagtataguan nang makita siya ng dalawa.

Yumuko ito sa harap ng dalawa, nakatingin sa naglalarong mga daliri. Kung minsa'y pasilip-silip pa ito sa pinagsisilbihang binibini na nagpupunas ng luha't sumisinghot pa. "L-Luto na ho ang ibinilin niyong Paella Valenciana kanina para sa señorito Marcelino, b-binibining Kalesi..." balisa pa ito noong una bago dugtungan. "I-Ipapahanda ko na ho ba? H-Hinahanap na rin ho kasi ni D-Don Luis." nanatiling sa sahig ang tingin nito.

"A-Ah, oo, oo. May ibinilin nga pala ako," bulong pa nito sa sarili. "Ihanda mo na para sa kanila, susunod kami." pinalitan nito ng isang matamis na ngiti ang ekspresyon nito matapos pahirin ang sariliing luha. Mabilis na yumuko si Esraela at hindi pa rin inaangat ang ulong iniwan muli ang dalawa sa katahimikan.

"Mauuna na ako." pagpapaalam na ni Kalesi saka linagpasan si Marcelino na wala nang nagawa kundi sundan na lamang ang dalagang buhatin ang kaniyang saya habang naglalakad patungo sa silid nito.

"Alam mong nakakasakit ka na, 'di ba?" napalingon ito sa pinanggalingan ng boses. "Pero hindi ka tumigil. Hinayaan mong mamuno 'yang ikli ng pasensiya mo. Hindi ko man matandaan ang nakaraan natin bilang magkapatid, masasabi ko ngayon pa lang na madalas namumuno sa iyo 'yang ugali mong nagpaiyak kay Kalesi," Nakapamulsa't walang ekspresyon ang mukha nito habang binibigyan ng matalas na tingin ang kuya nito.

"Hindi ko intensyong paiyakin si Kalesi," pangangatwiran nito.

"Hindi iyon ang punto. Kahit anong sabihin mong dahilan, hindi no'n maiiba ang palaisipang ikaw mismo ang dahilan ng pag-iyak ng 'kasintahan' mo. Iyang ugali mo."

"Sumusobra ka na! Kuya mo pa rin ako, matuto kang rumespeto." ngunit hindi natibag si Kiandro at hindi man lang nagbago ang posisyon at tingin na ibinibigay nito sa kuya- bagay na ikinakuyom ng kamao't panga ni Marcelino.

"Masyadong mataas ang pangingialam mo relasyon naming dalawa, kay Kalesi," natigil si Kiandro sa puntong isinaad ng kaharap ngunit ipinatili nito ang diretsong tingin. "Sabihin mo nga sa akin... may pagtingin ka ba ka-"

"Kung anumang iniisip mong kapusukan, kababuyan o simpleng katangahan, hindi. Hindi ang magiging sagot ko." pangunguna nito. Hindi pa rin tumitibag ang diretsong tingin nito sa kaharap, ikinangisi naman ni Marcelino.

Hindi ito umakyat sa ranggo ng heneral dahil lamang sa kaniyang estado sa buhay, sa simpleng sagot at reakson pa lamang ng kaniyang kaharap ay magtuturo na sa iisang kasagutan. At sa lahat ng mga naengkwentro nito, ang hindi direktang kasagutan na iyon ang kinakatakutan niyang malaman.

Buong buhay nitong kasama at tumatayong kuya ng binatang kaharapan niya ngayon, magmula pa lamang noon, hindi nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon bilang magkapatid hanggang siguro ngayon na lang. Batid niyang darating din ang araw kung saan magkakaroon ng pagtataksil at labanan sa pagitan nilang dalawang magkapatid- at kung ano man ang paksa no'n, ipinagdarasal niyang hindi iyon dahil sa isang binibini.

***

"Milandrino," tawag ng isang malambing na boses galing sa kalesang kakaparada lamang sa tapat ng hacienda Anastasia. Kumaway-kaway pa ito sa apat na nakaabang sa kaniyang pagdating bago alalayan ng isa sa mga guardia civil pababa. Dumiretso siya sa harap ng Don Luis at nagmano rito.

"Pagpalain ka ng Diyos." banggit nito saka ipinakita nag matamis na ngiti sa binibining Diaz. "Sigurado na ba kayong ayos lang sa inyong kayo na ang mag-aasikaso ng preperasyon para sa kasal niyo?" tanong pa nito, marahil ay napag-usapan na nila ang lakad na magaganap ngayong araw.

Suot ang maskarang palihim na ikinairap ni Kalesi, ngumiti itong wagas sa Don. "Opo, Don Luis. Solo ustedes disfrutan su pequeño viaje con nuestro papa. Mi hermano no le gusta espersar incluso antes." sinundan pa ito ng mahinang hagikhik na sinabayan ni Don Luis habang ikinakunot noo lamang ng tatlo.

"Teka, ¿Valencio vuelve?" hirit ni Marcelino na lalo pang ikinakunot-noo nina Kalesi't Kiandro. Si Kalesi sa kadahilanang hindi ito nakakintindi ng wikang Espanyol; at naiintindihan man ni Kiandro ang ilan sa mga pinagsasasabi ng tatlo, hindi naman niya kilala ang paksa ng pag-uusap nila.

"¡Sí! ¿No recibiste la carta que te envió? De todos modos, terminó su universidad y quiere visitarnos antes de volver a España. (Yes! You didn't recieved his letter? Anyway, he finished his studies and wanted to visit before coming back to Spain)" anunsyo nito bago bumalik ang baling kay Don Luis saka sa wakas ay humarap kay Kiandro. Napailing na lang si Kalesi sa pagkahilo sa patuloy na pakikinig sa usapang hindi niya man lang maintindihan kahit isang salita. Napansin ito ni Marcelino at nagdalawang-isip pang kausapin ang dalaga ngunit bumigay din at ibinuka ang bibig. Nakalimutan nitong hindi nga pala nakakaintindi ang dalaga ng wikang tinuran nila kanina dahilan ng pag-iling at pagbaling na lamang ng atensyon nito sa ibang bagay.

"Uuwi na raw ang kapatid ni Catalina, si Valencio, matalik kong kaibigan." bulong nito sa dalaga. Nagulat man sa biglaang pagkausap sa kaniya ng binata, hindi niya ito binigyan ng tingin at yumuko na lamang. Hindi namna siya masisisi ni Marcelino sa hindi pagpansin sa kaniya. Batid niyang nasaktan ang dalaga sa hindi sinasadyang pagmamaliit niya sa pangkat na kinabibilangan nito at ng mga kababaihan, kailangan niyang pagbayaran ang hindi pagpreno ng bibig nito.

"Heneral!" nakuha ng isang guardia civil na iyon ang atensyon ng apat lalo na ng heneral nito. Sumaludo ito nang makarating ilang metro ang layo kay Marcelino. "Nagkaproblema ho sa trupo ni Kapitan Baustista na galing Maynila." anunsyo nitong ikinakunot lamang ng noo ni Marcelino.

"Bautista? Ang inatasan kong..." natigil ito sa pagsasalita nang mapagtantong nakatitig sa kanilang dalawa ang lahat, lalo na si Kalesi. Iginaya niya ang guardia papalayo sa kinaroroonan ng tatlo. Halata ang pagkanerbyos nito sa harapan ng binatang heneral na kinikilalang malupit at sigurista.

Batid niyang magwawala ito't parurusahan lahat ng sangkot sa pagkakamali tulad ng guardia civil na nasibak sa pwesto dahil napagkamalan nitong magnanakaw ang kasintahan ng heneral; ang dalawang guardia civil na hindi na muli pang nakita noong nabalitaang nawawala ang dalaga sa talipapa para matagpuang kumakain ng lugaw kasama ang senora Rogelia sa tienda de ropa nito; at isama pa ang ilang mga guardia civil na naging palpak sa pagbabantay ng hacienda noong kauna-unahang nawala ang binibini sa gabi at halos magkaligaga na ang buong hacienda sa kakahanap.

Pero wala na itong ibang magagawang paraan kundi sabihin sa heneral ang sitwasyon bago pa ito lumala. "Nabihag ho sila ng mga bandidpo maging ang mga ginto't d, at sa utos ng Kapitan Soccoro, ipapadala ang dalawang trupong natitira sa permiso't senyales niyo. Ngunit... wala nang natitirang trupo kundi ang ang nasa inyo at ang isa pang trupo sa kampo." paliwanag nito. Napaisip pa sandali si Marcelino bago pa magsalita muli ang guardia civil. "Ah, nagpadala ang mga bandido ng mensahe kanina sa kampo. Gusto nilang makita ka o ang isang nagrerepresenta ng Hukbong Sandatahan."

"Ano?"

"Ngunit nakumpirma na rin na hindi sila kasapi ng rebelyong Boholano. Isang hamak na grupo ng bandido ang nakaharap ng trupo sa gubat sa Sugbu (Cebu). Ngunit sa palagay ko ho'y hindi na mahihintay pa ni Kapitan Bautista ang inyong utos at ipadala na roon ang dalawang trupo upang bawiin ang mga tauhan nating bihag nila." dagdag pa nito na ikinapikit na lang ni Marcelino. Isinuklay nito ang sariling buhok palikod gamit ang isang kamay habang ang isa'y nakapamewang. Ibinaling niya muli ang tingin sa guardia civil na kasalukuyang nakayuko ngunit ibinalikwas rin ang tingin. Hindi na niya kailangan pang gumawa ng eksenang kakalabasan ng parehong ugaling nakasakit sa binibini nito.

"Sasama kami sa inyo." anunsyo ni Marcelino pagbalik nilang dalawa ng guardia civil pagbalik sa kanina nilang kinaroroonan kasama si Don Luis, Kiandro, Catalina at Kalesi. "Bakit, Marcelino? May nangyari ba? Maaari naman nating ikansela ang mga lakad ngayong araw kung may--"

"Hindi na, ama! Ah, wala kayong dapat na ipag-alala. Nagkaproblema lang sa posisyon ng mga trupo dahil sa mga bandido."

"Bandido?" singit ni Kiandro na palihim pang napasulyap kay Kalesi na palihim ngunit taimtim ring nakikinig sa sinasabi ni Marcelino. "Oo. Ngunit wala kayong dapat na ipag-alala. Sa Sugbu nangyari ang pagbihag, malayong-malayo sa atin. Ang mahalaga ngayon ay matapos ang mga lakad niyo nang ligtas kayo sa pamamalaga ko." pagtatapos nito sa usapan.

"Ngayon, tutungo si ama sa kabilang bayan para sa isang pagpupulong kung kaya't si..." lumingon ito sa guardia civil. "Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Santio Mabaldado, ho, heneral!" saludo nitong ikinatulala nila. Narinig ang tila pagpipigil ng tawa mula sa direksyon ni Kiandro ngunit mabilis itong nagbago ng ekspresyon at ibinalik ang diretsong mukha nito. Nagkibit-balikat pa ito nang bumaling lahat ng tingin sa kaniya. Maging ang pagsampal ni Kalesi sa sariling bibig nang mapigilan ang pagngiti nito sa pagkakarinig ng apelyido ng guardia civil. Nang maramdaman ang titig sa kaniya ng lahat ay itinuloy na lamang niya sa ubo ang kaniyang akto nang hindi mapakamalang bastos.

Napatitig lang si Don Luis at Marcelino sa naturang 'Mabaldado' samantalang si Catalina'y hindi man lang gumalaw o ngumiwi sa narinig at ipinatili ang mahinhin nitong postura. "S-Si Mabal- si Santio ang magiging pinuno ng trupong magbabantay sa inyo ngayong araw. Habang ako naman ang mamumuno sa pagbabantay kanila Catalina't Milandrino. Tara na." diretso ito sa kalesang pagmamay-ari ng mga Diaz habang dumiretso na ang Don Luis sa kanilang kalesa kasama ang ibang bantay.

"Sandali, paano si Kalesi? Maiiwan siya rito?" pahabol ng bunsong Anastasia na ikinatigil ni Marcelino sa paglalakad. Parang napako ito sa kinatatayuan, at napansin iyon ni Kalesi. Batid niyang magkakaroon lang ng nakakaasiwang atmospera sa pagitan nilang dalawa dulot ng kanilang alitan kagabi. Hangga't maaari, iniiwasan nito ang binata. "Ah, hindi na! Ayos lamang ako rito kasama ni Esraela. Ingat na lang kayo."

"Kung isama na lang kaya sa natin si Kalesi sa atin, Marcelino? Tutal, kasintahan mo naman si Kalesi at nais ko ring baguhin ang unang impresyon ko sa kaniya at hingin ang opinyon niya sa aking magiging traje de boda. Hindi ba, Milandrino?" matamis na sehustiyon ni Catalina sa kanila. Maging si Kalesi'y bahagyang napabukas ang bibig nang tumingin sa binibining Diaz na minsan rin niyang nakaaway at nakaalitan. Hindi alam ni Catalina ang tungkol sa alitan ng dalawa kung kaya't hindi niya masisisi ang binibining Diaz sa nasaad na sehustiyon.

Matamis ang naging ngiti nito sa kaniya, walang bahid ng sungit o kahit anong poot laban sa kaniya. Hindi niya malaman kung nagpapanggap lang ba ito o tunay ang kaniyang ipinapakita.

"Ah, hindi na, hindi na. Ayos lang talaga ako rito-" ngunithindi na natuloy pa ang sasabihin nang magsalita si Marcelin oupang putulin ang sasabihin nito.

"Esraela, ihanda mo ang binibini. Sasama siya sa amin." saka nagpatuloy sa paglalakad. Nagpalipat-lipat na lang ang tingin nina Kiandro at Catalina sa 'magkasintahan' na magkaiba ang direksyong tinatahak.

"O, siya. Tara na. Siguraduhin niya lang na hindi mga baldado ang mga guardiang iyan kapag nawala ulit si Kalesi." birong bulong pa ni Kiandro. Pinipigilan pa ang tawa nito habang inaalok ang kamay sa dalagang Diaz. Napailing na lamang ang binibining Diaz sa asta ng binatang hindi naman niyang maitatangging nagustuhan niya rito.

Dahil na rin sa malinaw na tensyong namamagitan sa kanilang dalawa- kay Kalesi at Marcelino. Hindi na nito kailangan pang magtanong kung may nangyari, alam na niya. Palihim itong ngumisi sa kakaisip ng posibleng pinagmulan ng kanilang alitan- o posibleng away.

Ang simpleng impormasyon lang na iyon ang maaaring tumestigo sa hinala nito noon pa lang.

Marcelino Anastasia

Tumango-tango na lamang ako sa pag-ikot ni Catalina sa aking harap suot ang traje de bodang napili nito. Ayon sa pamahiing pinapaniwalaan ni senora Rogelia, hindi maaaring makita ni Milandrino si Catalina na suot ito dahil maaaring hindi matuloy ang kasal. Hindi man ako naniniwala sa pamahiin, hindi na rin ako pumalag pa at sumunod na lamang sa nais ni Catalinang ako ang magsasabi ng opiniyon sa kaniyang napiling para sa magaganap nilang kasal.

"Hindi ka naman nakikinig, Ginoong Marcelino," bumalik ako sa ulirat nang marinig ang reklamo ni Catalina. Ngumiti na lamang akong asiwa bago siya hinarap ng maayos.

"Pasensiya na. May iniisip lang ako. Pero maganda iyang napili mo, bagay sa iyo. Representasyon rin ng malambing mong ugali." pilit kong ngiti. Kung hindi lang Diaz ang kaharap ko ngayon, hindi ko pipilitin pa ang sarili kong ngumiti sa harap ng ninuman. Ngunit ang pamilya Diaz ang pangunahing rason ng pag-angat ng pamilya Anastasia.

Ngunit hindi maalis sa isip ko... "Hindi ba't mapagkakamalan tayo sa pinapagawa mo sa akin? Sa apaglilitis at pagbibigay ng opinyon sa iyong traje de boda para sa kasal niyo ng kapatid ko?" saad ko, binibigyang-diin ang mga salitang nag-uugnay sa kanila ng dalawa at sa amin.

Isang matamis na ngiting asignatura niya ang sumalubong sa akin sa tapat ng salaming kaharao ng binibining Catalina. "Hindi iyan. Alam naman ng lahat na si Mialndrino ang aking unang pag-ibig at... ang pagkakahumaling ko sa kaniya kung iyon ang katagang nais niyong gamitin." Sa katagang ginamit ng binibini, nagpakawala ako ng mahinang hagikhik. Kung hindi lang sa harap ng isang binibining katulad ni Catalina- siguro sa harap ni Kalesi- tumawa na ako ng malakas.

"Huwag mo akong tawanan, heneral. Parehas tayo ng sitwasyon sa sarili nating kasintahan," pilyang ngiti nito na ikibagsak ng ngiti ko' t napalitan ng kunot-noo.

Parehas? Ahhh. Hindi ko mapigilang kumawala muli ang isang kurbang ngiti mula sa sariling labi. Hindi ko aakalaing isnag munting binibini- isang hamak na binibining napulot ko lamang sa ginta ng gyera ang magpapalambot at magpapatiklop sa akin.

"Naku! Kung hindi ka nga naman pating, napakaganda mong dilag, Kalesi, apo ko!" Mas mabilis pa sa pagdaan ng ilaw ang pagpitik ng ulo ko sa kurtinang nagsisilbing pinto ng silid na kinaroroonan namin ni Binibining Catalina at ng ilan pang binibining trabahador sa gusaling ito.

Agad akong napatayo at diretsong hinawi ang kurtinang pinto ng silid para lang magataa ang mga mata namin.

Ilang saglit rin akong natunganga, walang masabi. Ilang beses din ako nagapkurap-kural para lang masigardong hindi ako namamalikmata pero wala pa ring nagbabago sa tanawin ngayon sa labas ng silid.

Ni hindi ko rin namalayan ang mag-isang pagkurba ng sariling labi na agad ko ring binawi at umaktong parang walang nangyari. "P-Para s-saan ang traje de bodang suot ni Kal- ni Kalesi... señora Rogelia?" napakagat ako ng sariling dila sa nakakahiyang pagkakautal.

Ni isang pagkakataon sa tanang ng buhay ko, hindi ako nautal. Magmula noong nag-eensayo't nagsasanay bilang isang sundalo hanggang sa pakikipag-usap sa kahit sino. Sila pa minsan ang pinapanood kong mautal sa harap ko, hindi ako.

"Ay, naku, señorito, h'wag kayong mag-alala-" hindi na natuloy pa ng señora ang kaniyang pangungusap nang tapusin na ito mismo ni Catalina. "Ako ang nakaisip." Lumingon ako sa kinaroroonan ng binibini: sa kurtinang pinto ng silid na pinanggalingan namin. Suot pa rin nito ang traje de bodang kaniyang ipinapakita sa akin kanina kung kaya't napakunot ang noo ko sabay tingin kay Milandrino na nakatitig rin sa kabuuan ni Catalina.

"Ang-ang traje de boda mo, binibining Catalina..." nagpasulyap-sulyap pa si señora Rogelia kay Catalina saka kay Milandrinong hindi pa rin maialis ang tingin sa binibini. Ang pinakadahilan ng paghingi ni Catalina sa akin ng opinyon ukol sa kaniyang traje de boda, imbes na si Milandrino mismo, ay ang pinaniniwalaang pamahiin na maaaring hindi matutuloy ang kasal kapag nakita na ng mister ang kaniyang esposang suot nag kaniyang traje de boda bago pa man ang kasal.

"Ayos lang ho, señora. Hindi naman na ho ito ang napili kong traje de boda sa anim na ibinigay niyo. May napili na ho ako, at ipinatabi ko na ho para mapag-usapan na ho natin mamaya ang bayarin." matamis ang tono, ngiti't mga mata nito, bagay na ikinagalak ng matandang ginang.

Sunod itong humarap sa akin. "Hindi ba't ang ganda ni Kalesi sa traje de bodang ito? Naisipan ko lang na pagsuotin siya dahil hindi lang dapat ako ang magsasaya! Batid kong langit apra sa lahat ng kababaihan ang pagsusuot ng iba't ibang bestidang makakapagapangat ng kanilang kagandahan, hindi ba, Kalesi?" bulalas ni Catalina habang lumalapit at ipinapahatid pa kay Kalesi ang pagkagalak at papuri nito. Ramdam ko ang asiwa sa ngiti ni Kalesi ngunit iyon ang banat ng labi ko.

Mula't sapul, ang katangian niya kapag nahihiya ang nais kong makita sa araw-araw, pag-uwi. Napakaganda. Hindi ako magsasawa.

"Hindi ba, Marcelino?" Bumaling muli ang tingin ko kay Catalina na nakangiti sa akin. Sigurado akong tinatanong niya ako sa kabuuan ni Kalesi. Napalunok ako. Hindi ako sanay sa ganitong pakiramdam, sa ganitong sitwasyon.

Naiwan akong walang imik panandalian ngunit napatango-tango rin kalaunan.

"Sí, muy... bonita... (Yes, very, very... pretty...)" sinubukan kong itago ang ngiting tumatakas mula sa akin sa pamamagitan ng pagtakip gamit ang likod ng palad. Sinubukan ko pang tumalikod para lang itago ang pamumula ng mga pisngi't tainga ko ngunit bumungad sa akin ang malayuang mukha ni Milandrino. Wagas itong makangiti habang nakatulala sa isang bagay.

Pasimple kong sinundan ang tingin niya at nangunot nang makitang sa direksyon ni Kalesing kasalukuyang pinapakiusapan si Catalinang hubarin na ang suot niyang traje de boda dahil nakita na naman namin ito.

Si Kalesi? Siya ba ang tinititigan ni Milandrino?

"Milandrino," tawag ko sa atensyon niya. Mukhang nagulat siya sa biglaang pagtawag ko ngunit hindi rin iyon nagtagal dahil napalitan iyon ng seryoso at diretsong mukha, animo'y walang interes na kaharapin ako. "Natulala ka riyan?" Napansin din ata nina Kalesi, Catalina at señora Rogelia ang unti-unting namumuong tensyon sa pagitan namin kung kaya't natahimik na lamang silang tatlo.

Kita ko ang pag-abante ni Kalesi, susubukan ata kaming awatin, ngunit hinawakan siya ni Catalina sa braso. Hindi ko na inalam kung bakit.

"Masama bang mabighani sa isang napakagandang tanawin?" ngisi pa nito sa akin na sinuklian ko ng isa pang ngisi. Hindi niya iyon inaasahan.

Matagal na akong may suspetiya sa kaniya. Kapatid ko siya, oo. Mahal ko siya, walang katanungan doon. Ngunit bilang isang pinuno natuto akong maging mapangduda sa lahat. Kung hindi lang nawala lahat ng alaala ni Milandrino, alam niyang hindi ako nagappatalo sa anumang bagay.

Naghihintay lang ako ng sapat na ebidensya laban sa kaniya... o ang araw na siya mismo ang aamin sa akin na nais niya akong kalabanin.

"Magandang tanawin," Hindi iyon tanong kundi pagkatanto. Hindi ako tanga, batid ko ang kaniyang tinutukoy na hindi niya masabing diretsahan.

Ngunit gaya ng inaasahan ko, hindi siya aamin ng gano'n na lamang, at ng maraming matang nakatitig. "Oo. Magandang tanawin. Ang sarili kong binibini," saka bumaling sa kaniyang 'sariling binibini'.

"Hindi ba, Catalina?" ngiting matamis nito sa dalaga na siyang ikinagulat nito at kalauna'y nagpangiti sa kaniya. Maging si Kalesi'y napatingin kay Catalina na nasa tabi niya lang. Ngiting masaya para sa kanilang dalawa, walang bahid ng poot, lungkot o pait.

Napalunok ako. 'Kalesi, ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa akin? Sino ka ba sa tingin mo para parusahan ako ng ganito?'

"Señorito Milandrino!" umalingawngaw ang boses ni Mang Baldo mula sa labas. Bumati ito sa señora Rogelia sa pamamagitan ng pagyuko ngunit kaapnsin-pansin ang pagtigil nito sa kinatatayuan nang mamataan ang señora.

Ilang saglit nagtagal ang titig niya sa señora bago marinig ang tawag sa kaniya ni Milandrino. "Mang Baldo?" gulat itong napatingin sa amo.

"Ah! Opo. Ah, nakalimutan ko nga ho palang ibigay sa inyo ito," abot nito kay Milandrino sa isang maliit na kahong pelus. "Iyan po ang inyong pinadaanan sa Ginoong Jeraldo Jacinto kagahapon. Kahong pelus," ngiting wagas nito bago umatras ng ilang hakbang.

Jeraldo Jacinto? Ang sikat na mangangalahas?

Nakita ko ang ngiting tagumaoy na nakapaskil sa labi ni Milandrino nang bumaling ito sa akin. Inangat niya oa apara ipakita sa akin ang inabot sa kaniyang kahong pelus. "Sabi sa iyo, sarili kong binibini," saka dumiretso kay Catalina.

Humakbang paatras si Kalesi upang magbigay daan para sa dalawa ngunit nakatuon pa rin ang tingin sa kanilang dalawa habang si señora Rogelia naman ay nakasiklop pa ang mga kamay at nakangiting nakatitig kaila Catalina at Milandrino habang ipinapakita ni Milandrino laman ng maliit na kahong pelus.

Pasimple ngunit mabilis akong lumipat sa likod ni Kalesi nang mapansing patuloy lamang siya sa pag-atras at malapit nang matamaan ang isang plorera sa likod nito.

Hindi sinasadyang nahawakan ko siya sa kaniyang baywang kung kaya't mabilis na inihiwalay ko sa kaniya ang hawak ko.

"P-Pasensiya," palihim pa akong napapikit ng mariin nang nautal pa ako. Buti na lamang ay hindi niya ako nilingon man lang o kinibo. Siguro'y galit pa rin siya sa akin. Napabuntong-hininga ako.

"Batid kong alam mo nang hindi muna ako umuwi matapos malaman na may iba kang patutunguhang- mas mahalaga sa akin-" bahagya pang natawa ang binibini sa binigyang-diin ng kapatid ko. "-ngunit nais ko lang linawin na ito ang pinagkaabalahan ko kagahapon. Baka sakaling sa susunod ay mas mahalaga na ako sa pinatutunguhan mo,"

Gintong kuwintas. Isang gintong kuwintas na may palawit na puso ang laman ng maliit na kahon na iyon.

"Batid mo naman siguro ang simbolo ng pusong ito, hindi ba?" banggit ng binata habang isinusuot sa binibining Diaz ang kuwintas.

"Hmm. Oo, ngunit nais kong marinig mula sa iyo," Lihim akong napangiwi sa asta ng dalawa na parang wala silang ibang kasamaat silang dalawa lang ang nasa silid. Naririto pa kami nina Kalesi, Mang Baldo't señora Rogelia ngunit parang wala silang nakikita.

Itinuon ko ang tingin ko sa dalagang nasa tabi ko. Nakatitig ito sa kuwintas na suot na ngayon ni binibining Catalina. Kita ang pagkamangha sa mga mata nito humahalo sa bahid ng pagkadismaya.

Saka ko lang napagtanto na kahit kailanman, hindi ako naging mabuting kasintahan. O kahit bilang isnag pekeng kasintahan kay Kalesi.

Hindi ko siya binigyan ng kahit ano, bulaklak o alahas. Pero kung titingnan mo sa pananaw niya, siguro'y para sa kaniya'y isa pa ring palabas ito hangga't sa hindi nahahanap ang kaniya nawawalang ama.

Isa pang bagay na bumabasag sa sarili kong kaakuhan.

***

"Sigurado ho ba kayo, Ca?" banggit ng binatang si Nikong habang nakatitig sa malalim na asul na unipormeng abot sa kaniya ng kinikilalang pinuno. Sunod niyang ibinaling ang tingin sa matandang ginoong kaharap. SImipsip lang ito sa tasang palayok na naglalaman ng paborito nitong tsaa bago ito ibalik sa ibabaw ng kayawan nitong mesa.

"Wala ka na ring magagawa. Inasikaso ko na lahat ng kailangan para maisagawa mo ang misyong 'to." bumaling ito sa binata. "Hindi na importante kung makikita ka niya o hindi, ang importante'y mapalapit ka sa kaniya."

"Hindi ba, sa tingin niyo'y, indirektang pinagdududahan niyo na si Lising?" kunot-noong tanong nito sa pinuno. Saglit nagkaroon ng titigan sa pagitan nilang dalawa bago mismong kumalas si Ca Kirong.

"Iyon ang nais kong iparating." ngisi nito na lalo lamang ikinaunot ng noo ni Nikong. "Gaya ng sabi ko, paunti-unti na kayong kumakawala sa aking gamay. At wala akong intensyon na panoorin na lamang bumagsak ang samahang pinanood ko ring lumago sa panganagalaga ng ginoong kumupkop sa akin."

"Ginoong Dagohoy?" Malinaw iyon kay Nikong. Ang tinurang ginoo ang kumupkop at nagbigay ng panibagong ihip kay Ca Kirong noong mga panahong sawi rin ito dahil sa brutal na pagkawala ng pamilya. Batid niya ring ito ang pinagmulan at ang naunang pinuno ng samahan. Bagamat hindi niya ito naabutan, malinaw sa kaniyang mabuti ng tao, anak, kapatid, at kababayan ang naturing na yumaong pinuno.

Tumango-tango muna si Ca Kirong bago idinuro ang isang bolong nakasabit sa dingding nito sa kaliwa. "Ang may-ari ng bolo iyon. Maraming layunin ang samahang ito at hindi isa doon ang bumagsak- lalong-lalo nang hindi sa pamumuno ko. At tatangapin ko lahat ng kailangang isakripisyo para sa mga layuning iyon- para sa Inang bayan. Kahit pa ang kapalit ay ang tuluyan niyong pagkalas sa akin."

Muli, namumuo ang katahimikan kasabay ng mahabang tititgan ng binata at ng pinuno nito. Hindi na ito bago sa dalawa dahil noon pa lang ay ito na ang kauna-unahang pagsasanay na kailangan nilang ipasa. Ang isang magiting na mandirigma'y hindi sumusuko, gaano pa man kalaki- hindi- gaano pa man kaliit ang bagay na iyon.

"Ayon sa nais ninyong mangyari, aking babantayan si Lising sa loob? Gaano kayo kasiguradong hindi ako mahuhuli? At kung hindi man, hindi rin malabo ang posibilidad na iistasyon nila ako sa ibang kampo imbes sa loob," konklusyon nito, hindi inaalis ang titig sa kaniyang pinuno. Ngunit hindi na ito nagkaroon pa ng pagkakataong magsalita nang biglaang bumukas ang pinto ng kaniyang kubo at iniluwa si Ca Gerong.

"Kirong! Ang talipapa- si Lising!" bulalas nito na ikinatayo pareho ni Nikong at Ca Kirong na may pagtataka sa mukha. Hindi rin nagtagal ay namumuo ang isang konklusyon si Nikong. Pumitik ang tingin nito sa pinuno na sinalubong rin ang kaniyang tingin. Kahit wala itong magsalita, malinaw sa tingin pa lamang nito na pinagsususpetiyahan na niya si Ca Kirong sa kung anumang nangyari sa inanunsyo ni Ca Gerong.

Ngunit sumasalungat ang ekspresyon sa mukha nito sa konklusyong nabuo.

"Wala akong inuutos..."

***

Nakaharap sa salamin kung saan kita ang kabuuan nito, nagpakawala ng bunton-hininga si Kalesi. Hindi niya maitatangging napakainosente ng mukha nito suot ang isang traje de bodang ipinilit ipasuot sa kaniya ni Catalina't ni señora Rogelia. Animo'y walang dugong dumapo sa mga sariling kamay. Hindi na nito maatim isipin na hindi sa kaniya ang dugong iyong naghalo-halo na sa kaniyang palad. Nagkuyom ang mga ito.

'Kung hindi nawala si ina-hindi, kung sana sumama ako sa kaniya...' hindi nito maiwasang maalala ang sinapit ng kaniyang ina habang siya'y wala man lang magawa kundi manood.

"Naniniwala ka ba sa reinkarnasyon? Ang... pagkabuhay muli?" bumalik sa kaniya ang boses ng binata. Pagkabuhay muli. Hindi kapani-paniwala ngunit iyon ang gusto niyang panghawakan. Na may susunod pang pagkakataon upang ituloy ang buhay na ninais niya bilang isang normal na binibini. 'Siguro'y sa susunod nang buhay.'

"Maganda sa iyo iyang traje de boda," bumaling ang tingin ni Kalesi sa pigura ni Catalina na nakatayo sa likod ng kaniyang repleksyon sa salamin. Nakangisi ito. Ang parehas na ngising sumilay sa mga labi nito noong gabing nagkaroon ng alitan sa kanilang dalawa. "Maging si Milandrino'y nabighani sa ganda mo. Pinupuri kita." dugtong pa nito na ikinalaki ng mata ni Kalesi.

Napansin din nito ang malagkit na titig sa kaniya hindi lamang ni Marcelino, ang binatang heneral at ang kinikilalang kasintahan nito, maging ang kay Kiandro.

Ngumiti ito sa binibining Diaz upang magbigay-galang. Wala itong balaka na magsimula ng isa pang alitan sa dalaga, lalo lamang nito titintahan ang pagtingin sa kaniya ng Don Luis. "Salamat," saka nagsimulang maglakad patungo sa isang parte ng silid upang simulang hubarin ang suot na traje de boda ngunit napatigil ito nang maramdamang may pumigil sa kaniyang suot.

Namataan nito ang paa ng binibining Diaz na nakaapak sa dulo ng suot na traje de boda. Napapikit na lamang ito. 'Hindi ka gagawa ng isa pang alitan, Kalesi. Tintado na ang tiwalang ibinigay sa iyo ng Don Luis.' sa isip nito.

"Tayo na lang namang dalawa ang naririto, maaari mo nang huabrin iyang maskarang suot mo," ngisi sa kaniya ng binibini ngunit iniwasan niya ito ng tingin nang hindi nito mahalata ang bahid ng inis na namumuo sa mata nito.

"Hindi ko batid ang sinasaad mo. Kaya pwede ba? Ayoko na ng away." mahinahong tanong saad nito saka hila sa dulo ng suot dahilan ng pag-alis ng paa ni Catalina rito.

"Hindi ka ordinaryong binibini," napatigil si Kalesi sa paglalakad at hinarap ang dalagang Diaz. Hindi tulad ng kanina, nawala na ang ngisi nitong napalitan ng diretsong mukha. "Alam ko iyon bilang katotoohanan. Binibini ka, alam kong may hinahangad ka. Gano'n din ako gaya ng ibang katulad natin. Ang mga pinagkaiba lamang natin ay kung gaano kalalim ang mga iyon," dugtong nitong lalong nagpakunot-noo kay Kalesi.

'Alam na ba niya? Nakita niya ba sa akin? Masyado ba akong halata? Si Kiandro?'

"At ang iyo ang nais kong malaman. At para sabihin ko sa iyo, lahat ng gusto ko'y nakukuha ko, binibining Kalesi." pangungutya ang pagbibigay-diin ng binibini sa salitang binibini kasunod ng pangalan niya.

Saglit na nanatili ang tensyon sa titigan ng dalawa hanggang sa bumigay na sa unang pagkakataon si Kalesi. Bagay na hindi na ikinagulat ni Catalina sa ngising pinakawalan ni Kalesi.

Unti-unti itong naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Maamo ang mukha ng dalaga ito, mestiza. Ibig sabihi'y mahinhin ito- ngunit binasag na ni Kalesi ang paniniwalang iyon para kay Catalina.

"Mabuti para sa inyong pinanganak na may gintong kutsara sa mga bibig niyo, dapat na ba kitang purihin? Ngunit gaya ng ng sinabi mo, lahat tayong mga binibini, may hinahangad at may sikretong pinakainiingatan. Sa maikling salita, galing sa sarili mong kataga, maskara." Nakuha nito ang atensyon ng binibining Diaz na ngayo'y nangunot na ang noo.

"Base pa lang sa reaksyon mo'y parehas tayo ng sitwasyon. May maskara ka ring suot, tulad ng akin ayon sa teorya mo. Ngunit ang pinagkaiba natin ay hindi tumitibig ang maskarang susuotin ko."

Iyon ang sinigurado ni Kalesi bago pa ito pumasok sa loob para simulan ang misyon niyang kuhain ang loob ng binatang heneral na tudla noon palang.

"SUNOOOOOOOG!" Naputol ang titigan ng dalawa nang umalingawngaw ang boses ng isa sa buong gusali. Kapwa nanlaki ang mga mata nila.

"Kalesi?! Nasa loob ka ba?! Kalesi, buksan niyo ang pinto!" ang huli nitong narinig.

***

"Ca! Naririyan na sila!" umalingawngaw ang isang binatang suot ang isang itim na tela sa braso nito bilang tanda gaya ng iba pa nitong kasamahan.

Tumigil sa harap ng nagsisilbing kampo ng grupo ang isang kulay kapeng kabayo na sinundan pa ng dalawa.

Nakasuot ng talukbong kung saan mata lamang nito ang kita ang taong nakasakay ng nangungunang kabayo. Base rin sa balat nitong sapatos, balat na pantalon at barong-lahat bumabagay sa payat na pangangatawan ng isang ginoo- mula sa malayo pa lamang ay masasabing mula ito sa mataas na pangkat.

"Nasaan ang pinuno niyo?" tanong nito sa isang katamtamang lalim na boses. Sapat na ang tingin ng mga mata nito upang magbigay ng kaba sa sinumang makakasalubong nito.

Tulad ng pinagtanungan nitong binatilyong siya ring nag-anunsyo ng kaniyang pagdating. Nauutal nitong tinuro ang tolda ng kinikilala nilang pinuno. Hindi na siya nag-abalang magpasalamat sa binatilyo at dumiretso sa yildang itinuro nito, nakasunod sa kaniya ang dalawang guardia civil na sakay ng dalawa pang kabayo

"Kailangan niyo bang magtakip ng mukha sa tuwing dadalawa kayo? Saka magtatakip-silim na't naisipan niyo pang dumalaw." mahinahong bungad sa kanila ng isang matandang lalaking nakaupo sa lapag ng tolda habang humihigop ng kape. Halos puti na ang kabuuan ng buhok nito, maitim at kulubot na balat at isang maskuladong pangangatawan.

"Mas mabuti nang kayo lang ang nakakakilala kung sino ang amo't pinagmulan ng grupong ito," sagot ng hindi kilalang ginoong nakatalukbong. "Nais ko lang makibalita kaya ako naparito," upo nito sa kabilang panig ng mababang kawayang mesa, kabaligtaran sa kinauupuan ng matanda. Nagsalin ito ng kape sa sariling tasang palayok na nakahanda na sa harap niya bago pa ito makapasok.

"Maganda ang palabas niyong sunog sa gusali kanina. Iniwan niyo ba ang sulat?" Inangat nito ang kaniyang tasang palayok at sinuri.

"Gaya ng nais niyong mangyari, oo," diretsong sagot ng matanda habang pasimpleng sinusuri ang kaharap nito. Hindi siya kaagad sinagot nito dahil sa pagsusuri nito sa hawak na tasa.

"Alam mo ngang hindi mo ako kayang patayin," bulong ng kaharap nito sa sarili saka lang humigop mula sa tasa. Hindi niya ito masisisi kung naisipan niyang lagyan ng lason ang kape. "Mas matalino ka sa iba o sa inakala ko. O baka mahal mo lang talaga ang pamilya mo." Dahil sa paalalang iyon, hummigpit ang hawak ng matanda sa kaniyang tasang palayok. Ngunit hindi niya maaaring magpakita ng kahit anong simbolo ng paglaban, kailangan niyang maging kalmado sa harao ng bisita niya.

"Kung maaari, nais kong malaman kung bakit mo ito ginagawa. Kung nais mong malaman nila ang katotoohanan, bakit hindi mo pa sabihin ng diretsahan? Bakit kailangan mo pang gamitin ang iba para sa kahi-plano mo?" muntik pang dumulas ang dila nito. Idang dulas lang ng isang maling kataga sa harap kaniyang bisita, batid niyang pagsisisihan niya ito.

Tinanggal nito ang suot na talukbong. Bumungad sa matanda ang isang matamis na ngiti kung saan mahuhulog ang lahat sa inosente't napakadisente niyong mukha. "Maging matalino ka sa pagpili ng salita, Ca. At ukol sa tanong mo," sumisipsip pa ito ng isang beses bago inilapag ang tasang palayok sa kawayang mesa. Ipinatong nito ang kaniyang mga siko sa mesa at ipinagsiklop ang mga palad.

"Motibo." simoleng banggit nito sa kasagutan niya. Ngunit hindi iyon naghatid ng kaliwanagan sa mukha ng matandang kausap.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ka pa ba naniniwala sa mga impormasyong hatid ko sa iyo at kailangan mo pang bumuo ng grupo ng mga bandido lara lang sa impormasyong mayroon ka na?" bahgaya nang tumataas ang tono nito. "Boses, Ca, boses." banta ng kaharap kung kaya't hindi na muli pang nakaimik ang matanda. Sumandal pa kaharap nito saka ngumisi sa kaniya.

"Kung sasabihin ko sa iyo ang totoo, oo. May duda pa rin ako sa mga impormasyong hatid mo ngunit kung titingnan ko sa isang banda, bakit naman magsisinungaling sa akin ang isang taksil kung hawak ko sa leeg ang buong pamilya niya? Pwera na lamang kung talagang tapat siya sa rebleyong kinabibilangan niya, sa puntong kaya niyang talikuran pati ang sarili niyang pamilya," ngisi nito sa matanda na lalong ikonakuyom ng kamao nito.

"Ngunit hindi iyon ang motibong nais kong malaman. Ang motibo niya sa magkapatid na Anastasia. Kung ano ba talagang namamagitan sa kanila. Ang tunay na nararamdaman ng binibining mandirigma." nangingkit ang mata nito habang nakangisi sa palaisipan. Humarao ito sa matanda. "Hindi ba't ang talino?" saka tumawa, animo'y galak na galak sa sarili nitong plano. Pinagmasdan lang siya ng matanda.

"Ngayon kailangan na lamang natin ng kompirmasyon. Hindi ba't itinanggi ni Marcelino ang imbitasyon niyong siya mismo ang sumundo sa nabihag niyong trupo niya?" isang monologo.

Napatitig lang sa kaniya ang matandang bihag nito. Kung hindi lang dahil sa pamilya niyang hawak ng sakim na taong kaharap niya ngayon, hindi ito magreresulta sa pagtataksil ng sariling samahan para bumuo ng isa pang samahang dudulot ng anu-anong kababuyan sa pangalan nito.

Ang bagay na siyang nagpagulat sa kaniya ay ang pagkakakilanlan ng sakim.

"Ah!" bahagya itong napatalon nang mapitlag sa biglaang pagbulalas ng tinititigan. "Tsk. Napakamagugulatin mo naman." komento pa nito. "Mauuna na 'ko. Huwag kang mag-alala, babalik ako, makikita mo pa ang mukha ko sa mga daraang araw." ngisi pa nito habang tumatayo sabay kuha ng hinubad nitong talukbong at suot muli nito.

"Wala naman akong pagpipilian," itinaas nito ang kadenang nakakabit sa kaniyang kanang bukung-bukong kung saan nakakakabit naman ang kabilang dulo ng kadenang iyon sa isang malaking bato sa labas ng toldang kinaroroonan nila. Ikinatawa lamang ito ng bisita niya.

"Oo nga pala, nakatali pa dito. Kung gayon," nang maisuot nito ang kaniyang talukbong, bumaling ito ng huling beses sa matandang bihag.

"Hanggang sa muling pagkikita natin... Ca Gerong."

***
traje de boda - wedding dress
plorera - flower vase
kaakuhan - ego

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

386K 15.6K 137
Fern is the younger sister of a famous author known for 'The Promise Under The Moon.' At just fourteen, she was the first to read her sister's debut...
169K 6.9K 35
"you are just a replacement, don't except anything from me" he said "agreed" she said not even bothering him with a glance "you will be my wife in na...
31.8K 417 8
Enjoyyyyy<3 (1/2/23 - #2 skzimagine🫢)
1.7M 69.2K 29
After a disastrous first season in London, Rose Wilde finds herself torn between two men who love her -- but who both hide secrets that could ruin he...