Persia's Prayer

By Hadelic

7.7K 446 153

It was the first time she's taken an interest to a guy. Persia Anais was really excited to captivate her hand... More

Persia's Prayer
chapter one
chapter two
chapter four
chapter five
chapter six
chapter seven
chapter eight
chapter nine
chapter ten
chapter eleven

chapter three

393 30 6
By Hadelic

"What the hell? Oh my God, Persia! What have you done?" nagulantang si Emily pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari.

"Wala akong ibang masabi kundi 'yung nararamdaman ko, Emily." I explained. "Kaya ganoon ang nangyari.."

"Uh-huh.." di niya kumbinsidong pagtango. "At wala ka ring magawa kaya hinalikan mo si Alastair? Haliparot ka!" she felt so betrayed after I told her what happened. That's to be expected since Alastair is also her crush.

"Sorry na, nadala lang ng damdamin eh.."

"Mas nauna ko pang naging crush si Alastair sa'yo... tapos ikaw nahalikan mo na? I can't believe this.." naiiling niyang tugon.

"Balato mo na sa akin si Alastair, please?" I kissed her cheeks para gumaan ang pakiramdam niya.

"Fine. Alam ko namang malala ang pagkagusto mo kay Alastair.." nakangiti niyang tugon.

Nang araw ding iyon ay hinintay ko ang practice nila. Alastair is wearing the same outfit. Black shirt and jersey shorts. So he loves black.

Nang magsalubong kami ng tingin ay kaagad din siyang umiwas. Napangiti ako. Oh? So I have this effect on him? That was so cute of Alastair. Pakiramdam ko ay nangingilag siya at hindi mapakali. Kaya naman ng lumabas siya ay sinundan ko siya. I found him washing his face again on the sink again yesterday.

"Alastair?" Napalingon kaagad siya ng makita ako. Kaagad na kumunot ang noo niya.

"What do you want?"

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." marahan kong tugon.

"Look, I don't like you. I won't ever like you. Not a chance." pagtatapat niya sa akin. Marahan ang pagkakasabi niya subalit malamig ang tono noon. It's like he's used to rejecting girls.

"That's not something for you to decide," I explained.

"Excuse me?" mas lalong kumunot ang noo niya.

"I know you're not good at girls." I said. "That's why you don't have to like me.. for now.."

"I'm not getting this.." nayayamot niyang tugon. Tumalikod siya sa akin kaya nagpanic ako. Hindi pa ako tapos magsalita!

"T-Teka lang! Hindi pa ako tapos e!"

Iritado niya akong hinarap. "What is it?"

"Just let me like you.."

"I don't want to. Like somebody else."

"Pero bakit hindi mo ako type?" tanong ko. He raised his eyebrow and told me something mean.

"Just because. I don't have any interest at you.. so stop bugging me.." sabi niya pagkatapos akong talikuran.

Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko sa sinabi niya. This is the first time I confessed to guy and this was also the first time I was rejected. I felt so hopeless and down right at this moment.

"Persia, halika na.." sabi ni Emily sa akin pagkalabas ng gym. "Bakit nakatunganga ka dyan? Namatanda ka ba?"

"Alastair rejected me..." hindi makapaniwala kong tugon.

Emily sighed as if she expected this to happen. "Bakit ka nada-down? Expected na 'yun ah? At saka sabi mo diba wala sa vocabulary mo ang sumuko?"

My frowning face immediately disappeared. Heaven must gave me Emily for a reason. Napangiti ako dahil sa naisip.

"Alright, I said that... huwag susuko.." ngiti kong tugon bago lumapit sa kanya.

I continued making shortcakes for Alastair. Mukhang hindi niya talaga yata alam na ako ang naglalagay noon sa locker niya. Hindi na muna ako gaanong lumalapit kay Alastair dahil baka mas lalong lumayo ang loob niya sa akin. Kailangan kong umisip muli ng paraan para magkamoment kaming dalawa.

Tuwing practice kasi, hindi ako makahanap ng paraan dahil palagi na niyang kasama ang mga kaibigan. Mukhang natakot na yata sa akin at baka mahalikan ko siya ulit.

Kapag darating na sila upang mag-ensayo sa court, ni hindi siya sumusulyap sa akin. It's like he pretend I didn't exist.

"Malapit na ang laro niyo. Mas pag-igihin niyo ang pag-eensayo. Huwag niyong kalimutang magwarm up bago at pagkatapos maglaro. Kumain din kayo ng tama. Am I making myself clear?" Coach said after our practice.

"Yes po!" sagot ng mga kateam-mates ko. I was drained because today is Saturday at maghapon yata kaming nag-eensayo. Kinabukasan naman ay kailangan ko pa ring mag-aral dahil may midterm examination ako sa Monday.

Kung sana makakuha man lang ako ng kiss kay Alastair, matatanggal siguro ang pagod at stress ko.

"Hoy, umayos ka nga. Mukha kang gurang. Ayusin mo nga ang itsura mo. Kapag nakita ni Alastair na ganyan ka, mati-turn off 'yun sayo!" bulong ni Emily sa akin.

Hinanap ng mata ko si Alastair at kaagad na nagtama ang mga mata namin. Kaagad akong ngumuso saying "Pakiss!" but he looked away as usual with a grumpy attitude. Sungit. Para kiss lang eh.

"It's not like he's gonna like me anyways," I hugged Emily at nagpapadyak. "Halika na, uwing-uwi na ako!"

"Huh? Bakit ka nagmamadali? Andyan lang si Alastair oh! Bakit ka nagliligalig? Di ka ba masaya na nandito siya ngayon?"

"Masakit na ang paa ko tapos pagod na ako. Tapos ayaw din naman akong tingnan ni Alastair. I'll just go home and sleep," nakasimangot kong tugon.

Emily smiled at me. "Alright. Halika na, magpapaalam na tayo kay Coach."

Tapos na rin naman ang practice namin kaya wala na akong ibang gagawin. I looked at Alastair and I saw he's staring at his phone. Napangiti ako. I remembered I got his phone number from the time I was gathering information about him.

I got my phone and then texted him.

To : Alastair My Loves

Hello, babe. Ako 'to, si Persia. Bakit di mo ko pinapansin? Hindi mo na ako love?

I smiled while sending the message. Tiningnan ko ang reaksyon niya. Kumunot ang noo niya at saka ako tiningnan ng masama. I smiled sweetly at him.

Wala akong natanggap na reply kaya muli akong nagtipa ng panibagong mensahe.

Baby Alastair! ♡ Sobrang nakakapagod kaya 'yung training. Isang kiss lang please? Isang kiss mo lang sapat na.

Galit na galit siyang tumingin sa akin. In one second, I received a reply from him.

Stop texting me or I'll block you.

How mean. Sobrang mean ng mahal ko! Parang kiss lang naman eh! Ngumuso na lang ako para itago ang pagkadismaya. Muli ko siyang tiningnan. He looked so pissed and mad. Mukhang naiiirita talaga siya sa mga ginagawa ko. And that made me want to tease him more.

Naging mahirap para sa akin ang mga sumunod na araw dahil sa matitinding ensayo. Sa mga susunod na Linggo ay may tournament kami sa taga-ibang unibersidad. Kapag nanalo kami, maaaring makasama ko si Alastair sa joint training. Kung nakakapagpahinga ako ng Linggo, ngayon ay hindi na. Iyon ay dahil ginugugol ko ang oras na natitira para sa pag-aaral.

"Ginabi ka anak?" tugon ng ama ko nang madatnan ko siya sa may sala. Kakauwi ko lamang at pagod na pagod ako dahil sa ensayo.

"Hello po, Papa.." I kissed my father on the cheeks at saka umupo sa tabi niya. He sighed heavily.

"Sorry, anak kung pinuwersa kitang sumali sa club kahit ayaw mo. Naisip ko lang na malaki ka na at gusto kong maranasan mo iyon habang bata ka pa.."

I sighed while still smiling. "Ngi, sinabi mo talaga 'yan ngayong may tournament ako next week?"

He laughed at what I said. "Alam mo anak, minsan nag-aalala ako sa pagiging kaswal mo. Ako ang Papa mo. Why are we talking as if we are friends?" nakangiti niyang tugon.

"Kaya nga po. Ikaw ang Papa ko kaya we should be friends."

He smiled. "I guess it can't be helped. You're just like your mother.."

"Si Mama na naman? Grabe ka, Papa. Kapag nag-uusap tayo, lagi mo na lang sinisingit si Mama. Pwede bang ako naman ang may spotlight? I'm your daughter, you know.."

He laughed even more. "I forgot to tell you anak.. pero alam mo ba na nagmamadre ang Mama mo noong makilala ko siya?"

Napalingon ako kay Papa. What the hell is he talking about?

"Eh?"

"Yes, nagma-madre ang Mama mo noon."

I suddenly got curious of how he met my mother.

"Then what happened? Kaya ba ako gustong magmadre kasi ganoon din si Mama?"

"What? Of course not, anak. I figured out, I can't see you marry another man. Kaya naman kapag nagmadre ka at inilaan mo ang oras mo sa paglilingkod sa Panginoon, mapapalagay ang loob ko."

My father is really a paranoid man.

"You got this daughter complex. Oh my God, Pa. I thought tapos ka na sa ganyang phase." naiiling kong sagot.

"What? I just love you, anak. Alam ko naman na dahil kolehiyo ka na, magkakaroon ka ng interes sa mga lalaki. So tell me, mayroon ka na bang nagugustuhan?"
he suddenly asked.

I wonder why father is so casual. Because I spend my time in high school studying, he never tried asking me if I have crush on someone. Sadyang unang beses lamang na naitanong niya iyon sa akin.

"Hmmm.. yeah. Pero, sadyang mailap. Wala siyang interes sa akin." disappointed kong tugon.

Tumango-tango si Papa. "Siya ba iyong dinadalhan mo palagi ng short cakes?" nang-aasar niyang tanong.

"Papa!" marahan ko siyang hinampas sa dibdib kaya humagalpak siya ng tawa.

"It's alright, anak. You're on your right age to decide for yourself. Matalino ka at napalaki kita ng maayos. Kaya may tiwala ako sa lahat ng gagawin mo, Persia.."

I hugged my father longer than usual. I love his warmth and I realized I maybe the luckiest daughter on Earth.

"So bakit mo nga ako gustong magmadre? Alam kong hindi iyon ang tunay na dahilan mo, Papa.." I asked in between our hugs.

"Well..that's your mother's dream for you. Dahil hindi niya naituloy, she wants you to become one. Though, I told her it's up for you to decide."

I'm sorry, Mama. But I think I won't be able to keep your dream. I only dream of marrying someone. I only dream of marrying Alastair.

Sa mga sumunod na araw ay sadyang mailap si Alastair. Balita ko kasi ay nagpa-practice itong mag-isa. Kaya naman hindi ko na siya namamataan sa gymnasium. Dahil doon, kulang na kulang ang araw ko.

Pagkatapos ng practice ng araw na iyon, nauna akong umalis kay Emily.  Balak ko kasing puntahan si Alastair para sana kausapin. Alam ko naman na hindi niya ako papansinin, but I'll still try. Walang matigas na puso sa mainit na pagmamahal. Char.

I went silently on their club room. Naglalabasan doon ang ilang kalalakihan. Pamilyar ang iba pero nagpasya akong hindi magpahalata na may sadya. Natural lang akong naglakad papunta sa may club room. And there, I saw Alastair sitting on a bench. Hawak nito ang cellphone at mukhang naglalaro.

Marahan kong isinara ang pinto at saka iyon inilock. I was really nervous. Probably, ilang araw ko na siyang hindi nakikita. I just missed seeing him. Baliw siguro talaga ako sa kanya kaya ako nagkakaganito.

"Alastair.." pagkasabi ko ng pangalan ay kaagad niya akong nilingon. He looked shocked after seeing me? What? Did he missed me?

"What are you doing here?" Nawala kaagad ang pagkagulat. Napalitan iyon ng pagkairita at pagkayamot. Malamig ang boses niya, probably saying I should just leave him alone. But what can I do when I'm so crazy for him?

"Namiss kita.." nakanguso kong tugon. "Ako ba, di mo namiss?"

He was silent at hindi nagsasalita.

"I have nothing to say to you. Get out.." utos niya.

Kakarating ko lamang pero pinapaalis niya na ako? How mean!

"Pero.. ilang araw na kitang hindi nakikita. Sobrang miss na kita.." I honestly said.

Tiningnan niya ako tinaasan ng kilay. "I told you to like somebody else.."

Bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. Those reddish lips looks so tempting. Napalunok ako. Kaagad niyang nabasa ang reaksyon ko kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin.

"Wala kang nafi-feel sa akin?"

"Meron.." he said kaya nabuhayan ako ng loob. "But it's annoyance and irritation so stop chasing me."

Lumabi ako sa real talk niya. I never thought rejection was this painful. All my life, I thought you can achieve whatever you want in life if you exerted effort and patience. But this is a different case. It's Alastair I am talking about. Hindi siya bastang bibigay just because I said I like him. I know, it will be harder. But it's worth it.

Bumalik siya sa ginagawa sa cellphone kaya mas lalo akong nairita. Dahil maiksi ang pasensiya ko sa ganitong bagay, I dared to do this thing.

Umupo ako sa lap niya at mahigpit ko siyang niyakap.

"W-What.." hindi niya makapaniwalang tugon dahil sa pagkabigla sa ginawa ko.

"Persia!" galit niyang tugon. Mahigpit akong kumunyapit sa kanya kahit inaalis niya ang katawan ko.

"What the hell are you doing! What if someone see us!" he angrily said.

"I got jealous of your phone. Bakit dyan, may atensyon ka pero sa akin wala?" bulong ko sa kanya. Mahigpit pa rin ang yakap ko sa kanya.

Pero dahil sa hindi inaasahan, ibinuhos niya ang lakas para isalya ako. Napatuon ang kamay ko sa sahig dahil sa pagkakasalya niya. Kaagad na gumuhit ang sakit sa kaliwang kamay ko. Namuo kaagad ang luha sa mga mata ko. He's so cruel!

"Grabe ka..." I said while looking at him. Hindi ko na maramdaman ang sakit ng balakang at kamay ko sa pagkakasalya niya. It was the rejection and the way he behaved.

"I told you, didn't I? So stop following me around."

Iniwan niya ako doon kaya nagluha ang mga mata ko. Can't he be more gentle? Kailangan ba talagang isalya niya ako? Why is behaving like that?

Dahil ayokong maabutan doon ng kung sino man ay umalis na rin ako doon na umiiyak. Masakit ang balakang ko at ganoon din ang kamay ko kaya iika-ika akong naglakad palabang ng building.

Pakiramdam ko ay nabibiyak ang puso ko. This is my first heart break. My first rejection. Hindi ako makapaniwala na nangyari iyon sa akin. Kahit pasinghot-singhot ako dahil sa nagbabadyang pag-iyak, I thought again of my happy thoughts. I'll try again, Alastair. Until you get tired of rejecting me.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...