It Had to be You (Valdemar Se...

By leavluna

376K 11.2K 3.6K

VALDEMAR SERIES #2 Anastasia Elissa is a modern woman in every sense of the word. She enjoys shopping, going... More

NOTE
#
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Wakas
#
Special Chapter

Kabanata 39

5.3K 181 94
By leavluna

39 – Threat

We went home together that day. Nang makauwi ay inulit na naman ni Ayden sa akin ang ideya niyang siya na lang ang maghahatid ay susundo sa akin sa trabaho. I stood firm with my decision, of course. Mas nauuna akong umuwi sa kaniya kaya paniguradong mas marami ang trabaho niya. Hindi ko na iyon dadagdagan pa.

"You left me with just two closets, Anastasia. How am I supposed to fit all of my clothes here?" He chuckled.

I giggled and pushed him aside. Nagmamadali kong hinila slim suit attire ko saka inilock ang pinto. Ayden's still outside choosing his suit. Pare-parehas lang naman ang hitsura ng mga corporate attire niya, bakit kailangan pang mamili?

Nang makapagbihis ay agad na akong lumabas. Ayden raised his brows at me, showing his black and gray polo.

Nagkibit-balikat ako. "Black. Don't wear a coat."

"Alright."

Ibinalik niya ang isa sa closet saka hinalikan ang pisngi ko bago ako lampasan. It's his hobby to randomly kiss me, I guess. Wala namang ganap pero halik nang halik. Who does that?

Hindi ko na siya hinintay sa kuwarto. I went downstairs to see if Mathias is already there. The car is parked but I don't see him.

Naglakad ako patungo sa kusina para gumawa ng sandwich. Sinilip ko ang hagdan nang marinig ang iilang hakbang. Ayden's done. Binalot ko ang isa sa gawa ko saka iniabot iyon sa kaniya.

"That's all I can do for now." I gave him a light kiss. "See you later.."

Nang makalabas ay nakita ko roon si Mathias habang kausap si Joanna. I raised my brow when I saw her smiling widely. Si Mathias naman ay pormal lamang ang hitsura. Joanna even touched his arms.

"Wait.. You know each other?"

Sabay silang bumaling sa akin. Mathias slightly bowed his head to me. Joanna smiled and looked at him again.

"Nagkakilala kami noon.." she nodded. "Noong isinama siya isang beses ng daddy mo sa bahay ninyo."

I pursed my lips and smiled. "Ah.."

She smiled again and looked at him. Nagpaalam na siya at bumalik sa loob ng bahay nang ayain na ako ni Mathias na pumasok sa loob ng kotse. Bumaling pa ako sa garage saka ngumiti kay Ayden na ngayon ay paalis na rin sakay ng Tesla.

"I'm surprised na magkakilala pala kayo ni Joanna, Mathias.."

He looked at me through the mirror and smiled. Kinabig niya ang manibela palabas ng village bago sumagot.

"Isinama rin kasi siya noon ng mommy mo sa kompaniya, kasama ang ibang mga kasambahay."

Kaya siguro kilala rin siya ni daddy. Even Mathias knows her. Kung ako nga lang ang masusunod ay gugustuhin kong bigyan ng trabaho si Joanna sa kompaniya. She has potential. I know she's going to be great working in an office. Maaasahan siya at responsable. Someone whom the Salazar Group will need.

"I see.."

The morning in the office passed by fastly. Halos tatlong reports lang naman ang ni-review ko at ang dalawa pa ay ipinasa ko na kay Mathias. I'm free the whole afternoon. Naisip kong itext si Joaquin at sabihing libre ako ngayon pero baka siya naman ang busy. I remember he's working for his father.

Amethyst:

                  I called your office. Your hot secretary picked up the phone. He said you're free later.

Umangat ang kilay ko. Kung mag-aaya man siya ay sana naroon si Faye. She needs someone now. Alam kong may problema rin siya.

To Amethyst:

                   Yeah. Where?

Hindi ko na binitiwan ang cellphone ko dahil alam kong mabilis naman siyang sumagot. Kapag nalaman niyang payag ako ay magmamadali na iyan.

Amethyst:

                  I don't know. Let's go to Tagaytay?

I frowned. Bakit naman malayo pa ang gusto niyang puntahan? We can just go to a mall or something.

To Amethyst:

                 Biglaan naman? With the gang?

I hit send and gathered all of my things. Nang lumabas ako sa opisina ay agad na tumayo si Mathias. I ordered him to drive me to Amethyst's condo.

Amethyst:

                  They're busy. Tayo na lang. Joaquin is in the operations and Daniel is in his office. Faye said she's busy.

Habang na sa daan ay agad na nagbago ang isip ko. Inutusan ko si Mathias na ihatid na lamang ako sa VPHI building para puntahan si Ayden. Siguro naman ay papapasukin ako sa opisina niya kahit walang appointment. Do they know that I am his wife? Or do they even know that he's married?

Nang bumaba ng kotse ay agad kong natanaw ang paglabas ni Tita Alondra sa building. I walked towards her with a smile to greet her. Nang makita ako ay malawak siyang ngumiti. She even looked shock when she saw me.

"Anastasia!" She exclaimed. "You're here, hija!"

Mahina akong tumawa saka humalik sa kaniyang pisngi. "Good to see you again, mama.."

She laughed when she heard me call her mama. Hinaplos niya ang buhok ko saka ang pisngi ko.

"Do you know that I dreamt of having a daughter for a long time?"

I chuckled. "You have one now."

Tumango siya sa akin habang malawak pa rin ang ngiti. I glanced at the building and back to her.

"Oh. Are you going to visit Ayden?"

"Yes, mama. I just don't know where his office at."

Dali-dali siyang tumango saka sinenyasan ang isang lalaking na ka corporate attire para lumapit sa amin.

"This is Ayden's wife, Anastasia.." she introduced. "Dalhin mo siya sa opisina ng anak ko. Maghihintay na lamang ako sa kotse."

The man immediately nodded and guided me. Marahan kong niyakap si Tita Alondra bago nagpaalam at naglakad palayo.

"This way, Mrs. Valdemar.." he deeply said.

I smiled and entered the elevator. Nang makarating sa tamang palapag ay itinuro niya sa akin kung saan ang opisina ni Ayden. Dapat ay sasama pa siya ngunit sinabi kong kaya ko at ayos na ako. He gladly bowed his head and walked away.

"I am here to visit Ayden Valdemar. Is he inside?"

Nanliit ang mga mata ko sa babaeng nakatayo sa labas ng opisina ni Ayden. Her pink skirt was so short and her stilettos were high. I continued walking towards them while listening to their conversation. Sino kaya ang babaeng ito?

"I have an appointment with him kasi, eh.." she giggled and twirled her hair.

"Hindi po tumatanggap ng bisita si sir–"

Ang mukha ng sekretarya ay parang kinakabahan at natatakot. I frowned and stood up beside the girl. Lumipat sa akin ang mga mata niya bago bumalik sa katabi kong babae.

"What? My dad already arranged lunch with him!" She argued.

"Wala naman po ang pangalan ninyo sa schedule ni sir, ma'am. You must be mistaken–"

She immediately cut her off. Umawang ang labi ko sa asta niya. She looks young. Mukha lamang siyang matured dahil sa kapal ng make-up.

"Just let me in! Kapag sinabi mo ang pangalan ng ama ko ay papayagan niya na akong pumasok!"

I rolled my eyes and cleared my throat. I smiled at the secretary and spoke.

"Excuse me, I need to see the COO. We have something to discuss."

"Ah.." tumango siya. "Do you have an appointment, ma'am?"

I smiled. "I believe I do not need that."

Umawang ang labi niya saka naguguluhang tumango. Sa kilos niya ay mukha siyang baguhan lang sa trabaho. She looks nervous.

"Your name, ma'am?"

"Anastasia Elissa.." I paused and flipped my hair to the girl beside me. "Valdemar."

Nang marinig ang pangalan ko ay kumunot ang noo niya. She immediately opened her drawer and took out a picture frame. Matapos tignan iyon ay ibinalik niya ang tingin sa akin, saka bumalik ulit sa frame bago sa akin.

"Y-yes, ma'am! I'll just tell Sir Ayden that you're here.."

Nagmamadali siyang tumungo sa magarbong wooden door para ipaalam kay Ayden na narito ako. I nodded and smiled. Pinasadahan ko ng haplos ang buhok ko saka tinignan ang kuko ko. I need a manicure.

"Valdemar?" She whispered. "Are you his sister?"

Mahina akong natawa saka umiling. Ibinaba ko ang shades ko saka inilagay sa hand bag. This little girl thinks that I'm Ayden's sister? Funny.

"Cousin?"

Walang buhay akong umirap. Why is she so nosy? Binalingan ko siya saka nag-angat ng kilay. Her hair was blonde, just like mine years ago.

"W-wait.." she paused. "Are you his stepmother?"

Stepmother?!

Imbis na ipakita sa kaniya ang inis ko ay ngumiti lang ako ng pagak sa kaniya. Mukha ba akong madrasta sa mata ng batang ito?

"I am his wife." Simple kong sabi.

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Napakurap-kurap siya saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. I chuckled. Kung ikukumpara sa akin ang batang ito ay walang-wala siya. Ni wala sa kalingkingan ko.

"Y-you're not." She shook her head.

"Oh, honey. You're not pretty enough to be this stupid." I chuckled.

I flipped my hair and looked at Ayden's secretary. Nagmamadali siyang bumalik sa table niya saka yumuko sa akin nang bahagya. I smiled at her and walked towards the door. Napatigil nga lang ako nang lumabas na si Ayden sa opisina.

He looked shock. Hindi naman kasi ako nagsabi na pupunta ako. I just went here impulsively.

"H-hi, Ayden!"

I rolled my eyes when I heard the little girl's voice. My husband frowned to her and looked at me. I smiled sweetly and walked towards him.

"Anastasia–"

I shut him off by pulling his collar and crashing my lips to his. Ramdam ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko ngunit hindi niya naman ako pinigilan. Sa halip ay dumausdos pa ang mga kamay niya sa baywang ko para lalo akong hilahin palapit.

I laughed on my mind when I imagined what the little girl's reaction to this.

Humiwalay ako sa halik saka ngumiti. I looked back at her. Laglag ang panga niya at parang naluluha pa ang mga mata. The secretary was looking away with her burning cheeks. I smirked and pulled Ayden inside his office.

Sa loob ay hindi ko napigilang matawa sa ginawa ko. She should know who the boss is. Dapat ngayon pa lang ay alam niya na kung sino sa kompaniyang ito ang pagmamay-ari ko.

My husband is mine. I can cancel that damn lunch whenever I want to. At kung hindi siya lalayas dito ay ako pa ang hahaltak sa kaniya palabas.

Ayden's hand encircled on my waist again. He kissed my cheek and temple. Inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng opisina. It's skyscraper is amazing. Sa mga salaming dingding ay kitang-kita ko ang mga nagtataasang gusali. I'm sure that this is lovely at night.

Hinawakan ko ang kamay niya saka tinanggal iyon sa baywang ko. Kunot-noo ko siyang hinarap. He leaned forward to kiss me again but I pushed him. Bakit ganoon ang mga babae niya? Malamang sa Australia ay blonde rin ang mga gusto niya!

"Do you have a thing with blondes?" Irita kong tanong.

"What?" Gulat niyang tanong.

"That girl outside!" I reasoned. "She's looking for you. May lunch kayo?"

Umiling siya saka hinapit ang baywang ko. I pushed him again but he's stronger than me.

"Nah. I didn't accept it.." he kissed my forehead. "Selos ka?"

Lalo ko siyang tinulak at mahinang sinuntok ang dibdib niya. "In your dreams, Ayden."

Ngumuso siya. "You even kissed me infront of her."

He chuckled and tried to pull me closer again. I glanced at the door to see if it's locked. Baka mayroong biglang pumasok at makita kaming ganito. Nakakahiya!

"Stop it, Ayden!" I hissed. "The door isn't locked!"

Mahina siyang tumawa saka hinalikan ang panga ko habang pinipilit pa rin akong hilahin palapit sa kaniya.

"Should we lock it, then?" He whispered.

Humataw ang dibdib ko sa bulong na iyon. Umamba akong kukurutin ang tagiliran niya ngunit nahawakan niya agad ang kamay ko saka humalakhak.

"Shh! I'm just here because I don't have work. Ang sabi ni daddy ay puntahan kita."

Truth is, daddy didn't really told me to. Nagpunta lamang ako para tignan kung ano ang ginagawa niya rito. I see papers in his desk. Mukhang hindi pa tapos ang mga iyon.

"May trabaho ka pa ba?" I asked.

"Hmm. Why?" He cleared his through. "You want to go somewhere?"

I shrugged. "I don't know. Amethyst told me she wants to go out. Baka puntahan ko siya mamaya."

"Hindi ako kasama?"

I raised my brows. "Gusto mo bang sumama?"

"May I?"

Kung may trabaho pa siya ay hindi na siya dapat sumama. Pero, kung gusto niya ay puwede rin naman. He needs to loosen up a bit. Masyado yata siyang lulong sa trabaho.

"Puwede naman.."

We stayed in his office for two hours. Kahit isa ay wala nang pumasok o kumatok sa opisina. I was just checking around inside. Nang lapitan ko ang table ni Ayden ay nahagip agad ng isang picture frame ang mata ko.

He deeply chuckled when he saw what I am looking at. Kinuha ko iyon mula sa desk niya saka malapitang tinignan. Lubos na tuwa ang naramdaman ko nang makita ulit ang litratong iyon. It was an old picture but the memories were still there. Nag-init ang gilid ng mga mata ko dahil sa litratong iyon.

It was the halloween party back when we were kids. I was wearing my sandwich costume and he has his hotdog attire. He's even showing his non-existent muscles in here. Mahina akong natawa saka marahang hinaplos ang mukha niya. Ayden is so cute back then. He's not cute anymore because he's freaking hot now.

"Walang nagbago.." I shook my head. "Maganda pa rin ako."

Mahina siyang natawa saka isinara ang laptop. He held my waist to hug me while he's sitting down the swivel chair.

"Sino bang nagsabing hindi na?"

Ang isa pang frame na na sa gilid ay kinuha ko. It was our picture back in highschool. Ito iyong kaisa-isang picture namin noong intramurals. Naalala kong si Faye ang kumuha nito. He was a soccer player back then. Ako naman ay photojournalist. Muntik pa nga akong mapagalitan ng admin dahil puro litrato niya ang naipasa ko.

I smiled. I need to get my camera in our house. Baka naroroon pa ang ibang kinunan ko. That would bring back memories for sure.

To Amethyst:

                 Ayden's with me.

I sent the text to Amethyst. Na sa daan na kami at pupuntahan na lamang siya sa unit niya. Ayden was holding my hand while driving. Hindi ko maisip ang magiging reaksiyon ni Am kapag nakita niya kaming ganito.

Amethyst:

                 Status later: Thirdwheeling.

I chuckled and turned my phone off. Mabuti na lamang at hindi galit si Amethyst kay Ayden. Noong una ay inis siya pero nang maramdaman niya ang nararamdaman ko ay sinabihan niya akong makinig sa sarili ko. She felt it. I know she did. Kaya kahit taliwas sa gusto niya ay hinayaan niya ako.

Agad kong itinext si Amethyst nang pumarada kami sa harap ng building. Hindi naman nagtagal at natanaw ko siyang palabas doon. I opened the window and waved at her. Natatawa siyang umirap saka tumakbo patungo sa kotse. She opened the door and went inside. Ayden was just looking at her through the mirror. Nakangiting tinapik ni Amethyst ang balikat niya.

"This is supposed to be Anastasia and I's date, Ayden. Ikaw ang thirdwheel, okay?"

Her approach made me comfortable. Bumaling si Ayden sa likod saka tumango at pabiro pang sumaludo.

"Yes, ma'am." He chuckled.

This is the first time they meet after four years, I believe. Nakita ni Amethyst si Ayden sa handaan ng mga Valdemar ngunit hindi naman sila nakapag-usap. And Am's attitude to Ayden's making me feel relaxed. Buti at hindi siya galit.

"Bakit naman kasi ang tagal mong bumalik?" She snorted. "Asia started to play around and break hearts, did you know that?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Amethyst!"

Nawala ang ngiti sa labi ni Ayden saka sandaling bumaling sa akin. Agad akong umiling para itanggi ang bagay na iyon.

"Really?"

I rolled my eyes and tried to reach Amethyst in the backseat. Tumatawa niyang tinabig ang kamay ko para hindi ko siya mahampas. Kahit ako ay natatawa na rin. She really needed to brought that up, huh?

Amethyst really wanted to go to Tagaytay so we went there even though I feel it's already late. May trabaho pa kaming dalawa ni Ayden bukas pero pinagbigyan na namin dahil ani nga ni Amethyst, date naming dalawa ito. Ayden is the thirdwheel.

We first went to Starbucks. We both ordered and Ayden payed for it. Amethyst said that's what he gets for joining our date. We stopped at picnic groove but she wasn't in the mood to stay there. Ang gusto niya ay pumunta sa amusement park tutal ay malapit naman ang Skyranch sa kinaroroonan namin.

We spent the next three hours having fun in that park. Kaming dalawa lang naman ang sumasakay sa rides ni Amethyst at si Ayden ay naghihintay lang. He carried our bags and took pictures. Mabuti na rin at sumama siya. Mas napadali ang buhay naming dalawa.

"Seryoso na nga si Ayden noon, lalo pang naging seryoso ngayon.." Am whispered. "Sigurado kang ayaw niyang sumakay?"

I giggled. "He's scared of heights."

Amethyst shrugged and pulled my arms to the merry go round. Dumidilim na rin naman kaya nag-aya na siyang kumain pagkatapos.

We ended up just drinking a coffee again. Sa cafe na napuntahan namin ay kitang-kita ang mga ilaw mula sa mas maliliit na establishment. I sipped on my coffee and hugged myself. Malamig ang hangin dahil mataas ang lugar na ito kaya naman nilalamig ako. I left my coat in the car so I am left with my thin button down shirt.

Agad akong bumaling sa kaliwa ko nang may gumapang na kamay sa balikat ko. I smiled and sipped on my coffee again. Inayos ni Ayden ang buhok kong nagugulo na dahil sa hangin. Pasimple kong binalingan si Amethyst na ngayon ay na sa counter pa rin.

"Nilalamig ka?" He asked.

I pursed my lips and nodded. "Mainit naman ang kape. Ayos lang."

He pulled me closer to him. Hinimas niya ang braso ko para mabawasan ang lamig. I chuckled when the wind blew hard again. Agad niyang inayos muli ang buhok ko.

"Excuse me? Why are you hugging my date?"

Ayden immediately looked at Amethyst and let me go.

"Oh! Sorry." He forced himself not to laugh. "Masyadong maganda ang date mo. Akala ko ay wala siyang kasama."

Tumawa ako saka umirap. Sana lamang ay hindi namula ang pisngi ko dahil paniguradong aasarin ako ni Amethyst kapag kami na lang dalawa!

"Puwes, alam mo na ngayon!"

Tumatawang sumingit sa gitna naming dalawa si Amethyst saka pumulupot sa braso ko. Humalakhak ako saka pilit na inialis iyon.

Halos isang oras din ang itinagal namin sa cafe. Naiwan kaming dalawa ni Am sa lamesa nang sabihin ko kay Ayden na gusto kong mag take out.

"I always knew you guys are going to end up together."

Ang marahang tibok ng puso ko ay bumilis nang marinig ko iyon mula sa labi ni Amethyst. She was smiling at me while nodding. Ngumiti na lamang ako sa kaniya dahil hindi ko alam ang sasabihin.

I am sure of Ayden. I am sure that I love him. Pero hindi ako sigurado kung hanggang sa dulo ba ay kami pa rin. I don't know if he's for me, and I don't know if I am for him. Maaaring sa umpisa, masaya kami. Pero kapag naranasan na namin ang mga pagsubok, hindi ko alam kung tatagal kami gayong bigla lang naman kaming pumasok sa pagsasamang ito.

Mahal ko siya ngunit hindi ako sigurado kung kami hanggang dulo.

"I'm glad you joined us, Ayden.." Am smiled and hugged him.

We dropped Amethyst off to her building. Nakatulog na nga ako sa byahe dahil sa traffic. Sanay ay huwag akong tanghaliin nang gising.

Ayden smiled and hugged her back. Sa nakikita ko ngayon ay parang gusto kong umiyak. They're fine now. Naging magkakaibigan kaming anim ngunit nasira iyon noon at nawala si Ayden. But he's here now. Ang maging maayos sila ni Amethyst ay malaking bagay na sa akin. Kahit hindi muna kay Joaquin at Daniel ngayon.

Nang makauwi ay agad akong natulog. I woke up the next morning, still feeling tired because of yesterday. Nagpaalam lang sa akin si Ayden na aalis na siya at hinalikan ako sa noo. He didn't wake me up. He even told me that he called dad and told him that I can't come to work today. Hindi ko na rin naman halos naintindihan sa sobrang antok.

Tanghali na nang pumasok ako sa office. Mathias wasn't even expecting me to go to work but I chose to come. Kahit man lang makatapos ako ng dalawang papel ay ayos na.

Ayden didn't call me the whole time. Siguro ang na sa isip niya ay na sa bahay lang ako at hindi pumasok dahil nagpapahinga. Hindi ko na rin naman siya tinawagan dahil alam kong hindi niya magugustuhang pumasok ako gayong pagod ako dahil sa kahapon.

That day ended fastly. Nang lumabas ako ng building para sumakay ng kotse ay nakahilerang nakayuko ang mga tauhan ko. I greeted them formally as I walk passed them. Si Mathias naman ay nakasunod lamang sa akin.

Another guard opened the door for me. Akmang papasok na ako nang mayroon akong makitang itim na kahon sa mismong puwesto ko. It was tied with a white ribbon. Dahil sa kuryosidad ay kinuha ko ang kahon at tinanggal ang tali. Napatigil ako sa pagbubukas nang mayroon akong maamoy na hindi maganda. Was it coming from the box?

I was shocked in horror when I opened it. Agad kong nabitiwan ang lalagyan ngunit hindi ang takip. There were blood inside it. Agad kong tinakpan ang ilong ko at umatras sa takot at pagkabigla.

"M-mathias!"

Kunot ang noo niyang bumaling sa akin nang buksan na niya ang front door. Malakas ang bawat hataw ng puso ko sa sobrang gulat sa laman no'n. It was a dead rat covered with blood. Umaalingasaw ang amoy no'n at pati ang guard na katabi ko ay napaatras.

"Asia? What happened?"

Nanginginig ang kamay ko na itinuro ang kahon sa loob ng kotse. He immediately went to me to check it. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla. He pulled me away from it and covered his nose.

"Guards! Bring Miss Salazar inside!" He ordered. "Pablo, tawagin mo ang grupo nina Dindo!"

Mabilis akong umatras kasama ng mga guard. Nanginginig ang kamay ko nang tignan ang takip ng kahon. Sa ilalim no'n ay mayroong nakasulat. It was written with blood. Agad kong nabitawan ang karton na iyon nang mabasa ang nakasulat.

"Libutin niyo ang paligid ng building! Page the CCTV room, ibalita ninyo sa kanila ito!" Mathias shouted. "Cody, huwag mong ilalabas si Asia hangga't wala akong sinasabi!"

I couldn't function very well because of what I saw. Habang inaalalayan ako pabalik sa building ay hindi ko maiwasang balikan ng tingin ang takip na nahulog ko. There was something written under it. It was written with blood.

"Ako dapat ikaw, Anastasia.."

Continue Reading

You'll Also Like

63.5K 1.5K 43
LOUISIANA SERIES #5 The general's daughter, Julianna Amirah, followed everything to make her loved ones pleased. The unica hija and the angel of the...
9.4K 317 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
126K 3.9K 38
"I'm still studying," sagot ko. "I thought they would let me finish my studies first," Nakatingala lang ako sa langit, hindi siya hinaharap. The sky...
360K 11.5K 44
LOUISIANA SERIES #1 Agatha Kristianna can't fall in love. That's what she told herself after knowing the truth about her condition. Her eternal fait...