It Had to be You (Valdemar Se...

By leavluna

444K 11.8K 3.7K

VALDEMAR SERIES #2 Anastasia Elissa is a modern woman in every sense of the word. She enjoys shopping, going... More

NOTE
#
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Wakas
#
Special Chapter

Kabanata 38

6.1K 192 77
By leavluna

38 – Distraction

I wasn't myself when I got home. Matapos kong aminin sa kanila ang nararamdaman ko ay parang lalo pang nagalit si Joaquin. Daniel didn't look disappointed of me. Nagulat lamang siya pero sina Faye at Amethyst ay walang kahit anong sinabi. Maybe because they know it already. Kilala nila ako at ang mga kilos ko. Imposibleng hindi nila nahalata ang nararamdaman ko. Faye even showed me a smile after I admitted everything.

Ayden was already home that night. Hindi ko ipinahalata sa kaniyang mayroong kung anong nangyari sa unit ni Amethyst. Ang tanging sinabi ko lamang ay nanood kami ng movie at ang kagustuhan ni mommy na bumalik ako sa bahay. He didn't look pleased with it. Pero ang sabi niya naman ay kung gusto kong manatili sa bahay kahit dalawang o tatlong gabi ay papayagan niya ako. Of course I became happy with Ayden not controlling me. Hindi naman pala ganoon kasama ang pakiramdam nang mayroong asawa.

"Kailan ka pa naging tamad bumangon sa umaga? Ayden, you have work."

"Simula nang magtabi tayo.." he mumbled.

Pilit kong inialis ang hita niya sa akin. I rolled my eyes when he pulled me to bed again. Isiniksik niya ang mukha niya sa leeg ko saka ipinikit muli ang mata.

"Ayden, may trabaho rin ako.." pilit ko. "Let go."

He was persistent to stay in bed but I am eager to start my day and work. Nauna na rin siyang umalis dahil ipinatatawag siya ni Tito Ignatius. I was left at home with Joanna because Mathias said that he will be an hour late. Ayos lang naman sa akin dahil hapon pa ang schedule kong maglibot sa kompaniya ngunit mayroon pa akong ibang papeles na i-rereview.

"Wala pa yata ang driver mo, Asia?"

She started washing the dishes. Kaonti lang din naman ang mga iyon dahil mga ginamit lamang sa almusal.

"He said he will be an hour late." Sagot ko.

Tumango siya saka nagpatuloy sa paghuhugas. I checked my phone and saw a text but I didn't open it. Mukhang kay Joaquin galing ang mensaheng iyon.

"Bakit parang ang konti ng kinain ni Ayden ngayong umaga, Asia?" She asked. "Hindi ba masarap ang luto ko?"

Agad akong umiling saka bumaling sa kaniya. "No, Joanna. Masarap ang luto mo. Nagmamadali kasi ang isang iyon dahil ipinatawag ng papa niya."

"Ah.." she nodded. "Hindi naman kaya magutom siya ro'n? Ikaw, hindi ka ba nagugutom sa trabaho?"

I smiled. "Mayroon namang mga chef sa building. You can request any food you like."

Umawang ang labi niya saka parang lalong naging interesado sa sinabi ko.

"Ang saya naman ng ganoon.." she giggled. "Ang daddy mo, mayroong sariling taga-pagluto?"

"Hmm. Oo. Pero nitong mga nakaraang araw, lumalabas kaming dalawa para kumain nang sabay."

Parang nawalan ng buhay ang mga mata niya saka itinikom ang labi. She looked away and continued what she's doing. Kumunot ang noo ko. Is there any problem?

"Are you okay?"

She sniffed and nodded without looking at me. "Oo, Asia. Naalala ko lang ang nanay.."

Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad din akong nalungkot. Lagi naming kasabay kumain si Nanay Josephine noong nabubuhay pa siya. Nasaktan ako nang sobra nang mawala siya kahit hindi niya ako anak, paano pa kaya si Joanna?

I wanted to hug her but she immediately went to her room after finishing the dishes. Hinayaan ko na lamang siya at hindi na ginulo. We can eat lunch together if she wants. Ang totoo ay inaaya ko pa siyang sabay kumain sa amin ni Ayden ngunit siya mismo ang tumatanggi. Joanna isn't just a maid to me. She is my friend.

Nang dumating si Mathias ay agad na akong lumabas para maihatid. He wasn't an hour late. He was two hours late. Kahit na ganoon ay hindi naman ako nagalit. I don't get mad at my friends. Gaya ni Joanna, hindi lang basta sekretarya at driver para sa akin si Mathias.

"Ipinatatawag ka nga pala ng daddy mo sa opisina niya." He said.

Tumango ako saka huminga nang malalim. "I will go straight to his office when we arrive."

Nang makarating ay agad akong dumiretso sa opisina ni daddy. Umaga pa ay may hawak na agad siyang baso ng alak. I rolled my eyes and kissed his cheek.

"Alak na naman?" Puna ko.

He snorted. "Tikim lang."

Umangat ang kilay ko saka dumiretso sa sofa para maupo. He smiled and followed me there. Naupo siya sa harap ko saka inilapag sa center table ang basong hawak niya.

"How's your experience here, Anastasia?"

Ngumiti ulit ang ama ko sa akin saka hinintay ang sagot ko. Looks like he's hoping that my answer would be positive. Talaga namang kailangan kong magustuhan ang trabaho rito dahil ako lang anak niya. Walang ibang magmamana nito kung hindi ako lamang, sa ayaw at sa gusto ko man.

"To be honest, nagsisisi akong hindi ko ito sinimulan nang maaga, dad. Dapat sa edad ko ngayon ay sanay na ako rito."

"Mathias said you're doing great, hija.." alu niya.

"He just said that because he is my secretary."

Tumawa ako saka binalingan si Mathias na nakatayo sa bandang gilid. Tumikhim siya saka ngumiti sa ama ko.

"No, sir. She is really doing a great job."

I rolled my eyes and chuckled. I crossed my legs and sighed. Kung totoo ngang maayos ang trabaho ko ay mabuti naman. Sayang lang ang pagod ko kung wala naman palang patutunguhan ang ginagawa ko.

"By the way, Anastasia.." he cleared his throat. "Your mom mentioned that you brought Joanna to your house. Is that true?"

Umangat ang kilay ko. I'm surprised that he knows Joanna. Halos hindi nga siya umuuwi, e. He doesn't even know the name of Patty and Ate Tessy.

"Yes, dad. Siya na lang ang kinuha kong kasambahay tutal magkakilala naman na kami noon pa."

He sighed and looked away. Kumunot ang noo ko dahil mukhang marami pa siyang gustong sabihin. He's just holding it back.

"But your mom wants Joanna in our house. Mabuti pa sigurong hayaan mo na siya sa mommy mo."

No way. She's making Joanna work more than the others. Pinapaulit-ulit niya ang gawain at pinagagalitan kahit wala namang ginagawang masama. I won't bring her back.

Of course, I said no. I love mom but what she's doing to Joanna is completely wrong. I can't let her stay there without me. Ako lang naman ang umaawat kay mommy dahil wala ring magawa ang iba pang katulong.

We started roaming around the building at ten in the morning. Si Mathias ang kasama ko at ang dalawa pang guard ni daddy na ngayon ay itinalaga niya na sa akin. I walked on the hallway proudly. Kada kuwartong madadaanan ko ay sinisilip ko kung ano ang meron.

"This is the floor of the Functional Work Teams, Asia." Mathias introduced. "The first room in this floor is the HR Department."

Ang lahat ng nasasalubong kong empleyado ay yumuyuko nang bahagya tuwing nakikita ako. I didn't look at them, though. Ang mga tinitignan ko lamang ay kung nagtatrabaho ba ang mga na sa sarili nilang opisina.

"Iyan ang anak ng CEO, hindi ba?" I heard a girl's voice.

"Ang ganda, 'no? Modelo iyan dati, e."

"Rinig ko rin. Nakikita ko pa siya noon sa mga magazine. Ano iyong brand ng mamahaling alahas?"

The elevator closed and Mathias introduced another floor. The task force team were busy when I walked on their hallway. Agad naman silang tumayo at bumati nang makita ako. I just nodded and went to their main office. Gusto ko lamang makita kung ano ang ginagawa ng manager nila.

He immediately stood up when he heard my stilettos. Hindi naman ako narito para magalit. I just wanted to check.

Matapos matapos ang halos isang oras na paglilibot ay bumalik na ako sa opisina. Dapat hapon ang schedule ko ngunit nalipat ng umaga dahil mayroong board meeting sa hapon at kailangang naroon ako.

I still need to check some papers. Ang kalahati ay ibinigay ko kay Mathias upang tignan at busisiing muli bago ipakita kay daddy. The company's financial statistics are doing well. Lalo pa ngayong nakakabit na ng pangalan ng mga Valdemar sa amin.

Joaquin:

               Last night was my fault. I'm sorry.

I was on the middle of my document when Joaquin texted me. Kinabahan ako nang makita ko ang pangalan niya ngunit nawala iyon nang makita ko ang mensahe niya.

I completely understand his anger. I am his friend and he's concerned.

To Joaquin:

                 I am not mad. I understand you.

I hit send and rested my back on the chair. Ilang sandali lang ay agad na siyang nagreply.

Joaquin:

               You know that I'm just protective of you, Asia. Ganoon na rin kay Amethyst at Faye. I'm really sorry.

I smiled. Kahit naman noon ay protective sa amin si Joaquin. Gusto niya ay lagi siyang kasama kapag gigimik para magbantay sa amin. He's always mad if we drink alone. Delikado raw kami kapag ganoon.

To Joaquin:

               Naiintindihan ko, Joaquin. Hindi naman ako nagalit. No need to worry.

Another message popped up when I sent my message. Galing naman kay Faye. I frowned when I read it. Does she has a problem again? Or is it about that guy?

Sleepyhead:

                I feel so dumb. When did I become this stupid?

Inilapag ko ang cellphone ko saka ini-save ang dokumentong hindi ko pa tapos. I turned my laptop off and opened my phone again.

Joaquin:

                When are you free? Let's meet with the gang. Babawi ako.

Nilingon ko ang kalendaryo sa desk. I don't really have much time this week. Marami ang gagawin. Mukhang hindi ako magkakaroon ng libreng oras sa trabaho.

To Joaquin:

                I'm not sure. I have work. Magsasabi na lang ako kung kailan ako pwede.

Binalikan ko ang text ni Faye saka nagtipa ng reply. It's a good thing for me that she's not facing her problems alone. Mabuti at nagsasabi na siya sa akin.

To Sleepyhead:

                  What happened?

Another text from Joaquin came in. I smiled when I read it. Hindi na ako nagreply at hinintay na lamang ang mensahe ni Faye.

Joaquin:

                   Okay, Asia. I'm sorry. Love you.

Halos limang minuto akong naghintay sa reply ni Faye ngunit hindi iyon dumating. I walked outside the office to check on Mathias. He's busy doing the papers I told him to work on.

Lunch came in and I asked him to eat with me instead of dad. Nakita ko namang kasama niya ang iilang investors kaya naman hindi ko na inistorbo pa. I told Mathias to go to a French restaurant with me. Pumayag naman siyang sabayan ako dahil wala akong makakasama.

"So, kumusta ang buhay may asawa?"

Mahina akong natawa saka nagsimulang kumain. Aside from being my secretary, Mathias is also my good friend. Noong college ako ay kami lagi ang magkasama. He's my tutor and guide when it comes to the company's algorithm.

I shrugged. "Hmm. I don't know how to answer that."

He laughed and shook his head. "Ang akala ko nga noon ay hindi ka mag-aasawa. You were wild and free. I never thought a man can pin you down."

I raised my brow. "You're right. A man cannot pin me down."

Tumawa siya nang malalim saka ipinagpatuloy ang pagkain. It's good to spend time with a friend again after a long time. Ngayon kasi ay nagkakasama na lamang kami tuwing trabaho.

"How about you? Kahit kailan ay hindi ko narinig na mayroon kang karelasyon. Do you have a girlfriend?" I inquired.

"I don't really have time for that, Asia."

Ngumuso ako. Everyone has time! Pinipili lang nilang huwag magkaroon dahil sa isang rason. He is responsible and a family oriented man. Loyal pa ang isang 'yan. Masasabi ko iyon dahil grabe ang tiwala sa kaniya ni daddy. He's been in the company for years now.

I grinned. "Mathias, you're young and handsome! Go out there and find love!"

Tumawa ulit siya saka umiling. He looked down and the smile on his lips fade. Pinaglaruan niya ang kutsarang hawak saka ibinalik ang tingin sa akin na parang mayroong gustong sabihin.

"I found it.." sinubukan niyang pigilin ang ngiti niya. "I found her."

"And?" I urged.

Bumaba ang tingin niya sa pagkain para iwasan ang mga mata ko. He sighed and drank his water. He doesn't look confident with the topic.

"I don't feel like there's a chance." Ngumiti siya ngunit malungkot iyon.

Is him and Faye has the same problem? Si Faye ay may gustong lalaki ngunit hindi siya ang gusto. Siya naman ay may gustong babae ngunit pakiramdam niya ay walang pag-asa.

"Is she in love with someone else, Mathias?"

"I don't know.." he inhaled a deep breath. "Maybe she is."

"Maybe.." I pointed out. "You should try and win her. Hindi iyong hindi mo pa naman nasusubukan, sumusuko ka na."

He looked at me and slowly nodded. Malawak akong ngumiti nang mahina siyang tumawa.

"I'll take note of that." He answered.

Nang matapos kaming kumain ay agad na rin kaming bumalik sa building. The board meeting is about to start in an hour. Hindi na ako nag-asikaso pa ng kung anong dokumento at inihanda na lamang ang sarili. I changed to more formal clothes. Ang puting tube top ko ay pinaresan ko ng itim na skirt at coat. I let my hair down to cover some part of my chest.

"Naroon na ba si daddy, Mathias?"

He cleared his throat and guided me to the elevator. "Wala pa ro'n ang CEO, Asia."

I nodded and inhaled deeply. Nakikinig naman na ako sa mga board meeting noon ngunit iba ngayon dahil nagtatrabaho na talaga ako rito sa kompaniya. Pakiramdam ko pa'y mapag-iiwanan lamang ako ro'n dahil wala pa akong gaanong alam.

Handa na ang kuwarto nang pumasok kami ni Mathias pati ang dalawa ko pang kasunod mula sa magkaibang department. I chose the seat next to dad. Agad na tumayo ang iilan pa lamang doon para batiin ako. I formally greeted them back. Ang anim na taong iyon ay tumayo puwera sa isa. He was just touching his lips when he looked at me. Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malakas na pagwawala ng dibdib ko.

"Ayden?" Gulat kong tanong. "What are you doing here?"

He chuckled and stood up. Naglakad siya palapit sa akin saka hinapit ang baywang ko. He kissed my cheek and smirked.

"What do you think I'm doing here, Anastasia?"

Binalingan ko ang mga bumati sa akin kanina. Maybe they're from the Valdemars that's why I didn't know them.

Bumukas ang pinto at iniluwal no'n si daddy. He's with the other board members. Tumatawa siyang lumapit sa amin ni Ayden. Agad kong tinanggal ang kamay niya sa baywang ko at humakbang paatras.

"I'm glad to see you, hijo." Dad greeted.

Ayden smiled and accepted daddy's hand. "It's my pleasure, Mr. Salazar."

"Oh! Drop that! You married my daughter!"

Ayden nodded with a little smile on his lips. Ako naman ay pilit na ngumiti kay daddy nang halikan ko ang pisngi niya.

Sa halos labinlimang tao sa kuwartong ito ay si Ayden pa ang katapat ko. Huminga ako nang malalim nang maramdaman ang pagtitig niya sa akin. I bit my lower lip and frowned at him. Palihim lang siyang ngumiti bago umayos ng upo at magmukhang seryoso.

Nagsimula ang pagpapakilala sa mga kasama sa meeting. I stood up firmly when daddy started to introduce me. A smile was plastered on my face the whole time. Ang tanging gumugulo lamang sa isip ko ay ang pagtitig ng asawa ko sa akin habang mayroong maliit na ngiti ang labi niya.

"Mr. Benjamin Guzman, from the research and development department.."

The presentation started with the sales and marketing. I can't help but to look at him. He looks very serious in listening. I gulped when he raised his brows and slowly tilted his head to glance at me.

Agad akong umiwas ng tingin at nagpanggap na nakikinig. Why does he need to look that serious? He's freaking hot!

I was startled when I felt my phone vibrated. I secretly read the message I received. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang pangalan ng taong na sa tapat ko lamang.

Ayden:

              Stop staring. You're distracting me.

Tss! He's the one who's distracting me! Siya nga itong hawak nang hawak sa labi niya. He's obviously catching my attention purposely. At nagtatagumpay naman siya sa ginagawa niya.

To Ayden:

               You are the distraction here. Why do you look like that?

His hair is in clean cut and his jaw is sharp. Ang naunang dalawang butones sa puti niyang polo ay bukas kaya naman kita ang bandang taas ng kaniyang dibdib. His shoulders were broad, especially in that coat. Pati ang silver niyang relos sa kaliwang palapulsuhan ay naagaw ang atensiyon ko.

Ayden:

                   Look like what?

I secretly typed my reply under the table. Si daddy ay patango-tango lamang habang nakikinig samantalang ako ay halos wala nang maintindihan. Ayden's still listening carefully.

To Ayden:

                   So serious. Nevermind. I'm listening.

I looked back at the screen. I inhaled deeply and bit my lip. Hindi ko pa rin mapigilang lingunin si Ayden nang maramdaman ko ang tingin niya. I glanced at my phone and saw a text message from him again.

Ayden:

                  Stop biting your lips like that.

My heart skipped a beat with his reply. Why does he know that I'm biting my lip? Hindi ba't abala siyang makinig?

To Ayden:

                   Stop looking.

I sighed and glanced at daddy. Nang makita niya akong nakatingin sa kaniya ay agad siyang ngumiti. I faked a smile and pretended I was listening.

I shut my eyes when my phone light up again. Sinamaan ko ng tingin si Ayden na umaarteng nakikinig sa presentation. See? He's the distraction here!

Ayden:

                  Don't disobey me. Kung hindi ka titigil, baka ako pa ang kumagat diyan mamaya.

Lalong nagwala ang dibdib ko nang mabasa ko ang mensahe niya. Binitiwan ko ng kagat ang labi ko saka nagtipa muli nang palihim.

To Ayden:

                  Stop it. Focus on the presentation.

I hit send and shifted my eyes to the manager infront. He was all smiles while presenting something about the marketing team. I smiled and nodded with what he's saying just to show that I understand something. Pero ang totoo ay wala na akong maintindihan.

Ayden:

                  Focus on the presentation too, Anastasia. You're distracting us both.

Kumunot ang noo ko kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Ako pa talaga, huh?

"Are you okay, darling?"

Halos tumalon ang puso ko nang balingan ko si daddy na hinawakan ang braso ko. Pagak akong ngumiti saka tumango.

"Of course, dad.. I'm fine.."

Pinanliitan niya ako ng mata na parang hindi naniniwala sa sinabi ko. I forced a smile again to make him believe me.

"You seem distracted, Asia." He said and looked at the presentation again.

Nang dumaan ang mga mata ko kay Ayden ay umusbong na naman ang ngiti sa labi niya. I rolled my eyes and silently cleared my throat to help me focus. Akmang babaling na ako sa presentation nang mahuli ko na naman ang tingin niya sa akin. I raised my brows at him.

A sexy smile appeared from his lips and smirked. I clenched my jaw and stared to get irritated. He's really doing this purposely!

"I love you.." he mouthed.

Oh, damn.

Continue Reading

You'll Also Like

100K 3K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
66.3K 3.7K 45
Band Series #1 || Kaye Serenity Saavedra desperately came back to Philippines after being forced to study abroad. She gets involved with Cyrus Louis...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
185K 4.3K 33
She is the daughter of Albuera's former mayor. The looks. The wealth. The power. She has it all. She can get what she want. Who she wants. Wherever a...