EPIPHANY

By clockwork_chaser

13.8K 946 309

Hannah Santillana was bruised, scarred, and ruined by her past. She lost her self-worth by loving someone too... More

EPIPHANY
Dum Spiro, Spero
Vivamus, Moriendum Est
Cuiusvis Hominis est Errare, Nullius Nisi Insipientis in Errore Perseverare
Alis Volat Propriis
Nil Homini Certum Est
Audere Est Facere
Acta, Non Verba
Umbra
Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 1)
Astra Inclinant, Sed non Obligant (Part 2)
Apricus
Ad Astra per Aspera (1)
Ad Astra per Aspera (2)
Brutum Fulmen (1)
Brutum Fulmen (2)
Solis Occasum
Ubi amor, ibi dolor
Timendi causa est nescire (1)
Timendi causa est nescire (2)
Discendo, Discimus (1)
Discendo, Discimus (2)
Discendo, Discimus (3)
Discendo, Discimus (4)

Pro Bono

477 82 11
By clockwork_chaser

For the good


HANNAH

The next Monday after the bar incident, Selene showed up in the campus. 

"Hey, you good?" Selene asked after sitting beside me. 

I smiled at her then nodded. "Thank you."

Selene rolled her eyes. "Yeah. Just be careful. H'wag kang sumama sa mga hindi katiwa-tiwala."

I bit my lower lip. "Selene, can we be friends?" lakas loob na tanong ko. 

And I am praying real hard na sana ay tanggapin n'ya ako bilang kaibigan n'ya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang gustung-gusto ko na mapalapit sa kanya. In spite of all the gossips about her, I can feel that she's a genuine person. I can feel that she's a really kind and compassionate person.  

Selene gave me a shocked expression. "I just told you to be careful with trusting people."

Her reply made me smile. See, she cares for me. Alam ko na wala s'yang hidden motif sa pagsagip n'ya sa akin. May malasakit lang talaga s'ya. 

"I know that I can trust you. You saved me," siguradong-siguradong sabi ko. 

Nahihiya ako sa ginagawa ko ngayon, pero ang kagustuhan ko na maging kaibigan si Selene Amante ay nagbibigay ng lakas ng loob sa akin. If I have to beg, I will beg her. 

What happened last Friday wasn't that traumatic for me. Maybe because I don't really felt threatened. Aside from being uneasy and awkward with Glaiza and the others, wala naman nang iba. Hindi yata masyadong nag-sink in sa akin iyong plano sana nila Owen dahil hindi nangyari. 

As Stella said, I'll charge it to experience. Hindi ko na ulit iyon gagawin. 

"You're unbelievable," Selene scowled. "If you want to be my friend, ayusin mo na muna ang pagsasalita mo. Para ka palaging bumubulong. I don't talk to people na boses ipis," taas ang isang kilay na sabi n'ya. 

She said that but she started going to school everyday to hangout with me. Palagi akong nakasunod sa kanya at sabay kaming kumain ng lunch at minsan ay pati dinner. Kung minsan din ay pumupunta kami ng mall para mag-shopping at manood ng sine. 

It's been two months since we became friends and I can see the changes I had. Selene is a bit loud and energetic. Dahil sa impluwensya n'ya ay napapadalas na din ang pagsasalita ko at nilalakasan ko na ang boses ko. She will always scowl at me kapag masyado akong nagiging mahiyain o tahimik. 

Hindi na rin ako nilalapitan ng mga bullies sa campus. Selene introduced me to Icen, and since I was spotted hanging out with them, hindi na ako sinubukan pa ulit na paglaruan o asarin ng mga kapwa estudyante. Alam ko na pinag-uusapan nila ako, at sinasabihan ng kung anu-ano, pero gaya ng sabi ni Selene, their words won't do any harm to me. Basta't h'wag ko lang papansinin ay senseless ang mga salita ng iba. 

When I told Selene that I am trying to learn how to bake, she said we can hang out on her place para maturuan n'ya ako. I already met her family. Mabait sila Tito Travis at Tita Hestia at welcome ako sa bahay nila. Pati ang Ate Tria at Kuya Levin n'ya ay hospitable rin sa akin. At syempre ang napaka-cute na pamangkin ni Selene na si Stan. 

Ang kaso lang, dahil sa dalas ng pagsama ko kay Selene, naging overprotective naman si Mommy sa akin. Pero sinabi ni Tita Tia na normal naman sa mga nanay ang ganoon at sinabi n'ya na ibalanse ko na lang. 

"Mom was worse than that, trust me," Selene rolled her eyes. 

Kumakain kami ngayon ng dinner na niluto namin ni Selene. Well... s'ya lang talaga ang nagluto at tinulungan ko lang s'ya sa paghahanda ng mga gagamitin. Pinanood ko ang mga ginagawa n'ya at sa susunod ay ako na ang susubok na magluto. 

"Selene, mabait naman si Hannah kaysa sa'yo," Ate Tria laughed. 

"Agreed," Tito Travis chuckled. "Pang ilang buhay mo na nga ulit?"

"I'm down on my last life," Selene giggled. 

Napansin siguro ni Carrack na hindi ko iyon naintindihan dahil hindi ako sumabay sa tawanan nila. 

"Selene is a daredevil," Carrack smirked. May bahid pa ng pagtawa n'ya sa buong mukha n'ya. And dang! Sumisipa na naman ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya. 

Pinigil ko ang sarili ko na maging tuliro dahil binalingan ako ni Carrack. Sa mga nakaraang bisita ko dito sa bahay nila, palaging wala s'ya. Ngayon lang nagkataon na narito rin si Carrack, at sabay pa kaming kumakain, at nasa harapan ko s'ya nakaupo. 

"Nakakahiya naman sa inyo, right? Sinisiraan n'yo ako sa mismong harap ko pa," Selene rolled her eyes. "I thought you love me?" she dramatically added. 

"At least we're not backstabbers," Carrack grinned. 

"Hindi na nga nagkaroon ng girlfriend si Carrack dahil sa kakabantay sa'yo. Nahiya ka ba?" Ate Tria raised a brow. 

Selene gasped. "Carrack doesn't need a girlfriend."

Kuya Levin chuckled. "Bakit naman? Dahil wala kang boyfriend?"

"Because she's getting laid just fine!" Selene exclaimed. 

"Hillarious!" Tita Tia shook her head. "Nasa hapag kainan tayo, Selene Rosario."

Natawa na lang ako. Nasanay na ako sa pananalita ni Selene. She's unfiltered, blatant, and she speaks fluent sarcasm. She loves to fool around and play with me, but she's considerate of my limits. She never offend me. 

Buong pamilya silang nagkuwento tungkol sa mga kalokohan ni Selene. Kahit na nakakatakot ang mga nangyari, tinatawanan na lang nila iyon ngayon. I can't help but laugh with them. Sa bahay namin ay hindi pa naging ganitong kaingay ang hapag kung kaming tatlo lang nila Mommy at Kuya. 

"Carrack, ihatid n'yo ni Selene si Hannah sa kanila," utos ni Tita Tia nang matapos kaming kumain. 

"Sure," mabilis na sagot ni Carrack. Buhat n'ya ngayon si Stan at hinehele para makatulog na ang baby. 

Pakiramdam ko ay may kumikiliti sa akin mula sa loob ng katawan ko. Carrack looks so adorable while holding his nephew. I feel giddy all over. 

Parang gusto ko na pangarapin s'ya. 

Nababaliw na talaga ako. Palagi ko na lang s'yang naiisip. 

Dahil sa kakatitig ko kay Carrack, nagulat ako nang biglang umupo si Selene sa tabi ko. 

"Wanna come with me in this party?" Selene showed me her phone. It's an invitation for a formal dinner to be held on our campus. 

I bit my bottom lip. "Ikaw?"

Selene looked at me for a while then she rolled her eyes. "Ikaw nga ang tinatanong ko tapos tatanungin mo din ako?" malditang sabi n'ya. 

"Selene," Carrack warned. 

"What?" iritadong baling ni Selene sa kapatid. "Sanay na si Hannah sa akin. We won't be friends if not." 

Napakagat ako ng labi. Pakiramdam ko ay napahiya ako. 

"Ano, Han? Gusto mo ba na pumunta dito?" tanong muli ni Selene. "I'm not interested with this. Hindi naman nagkukulang ang social life ko at sawa na ako sa mga ganitong event. Plus, wala naman akong gustong makasama d'on. But if you want, we could come."

"Nice," Carrack chuckled. "Sinabi mo na lahat ng dahilan para hindi pumunta." 

Hindi ko na nagawang dumagdag pa sa usapan dahil nahihiya na talaga ako.

"Selene, gumagabi na. Ihatid n'yo na si Hannah," Tito Travis said. He got his arms wrapped around Tita Tia's shoulder. 

I feel happy whenever I look at them. They made me want to believe in love all over again. Na kahit nasaktan ako, ang mga couples na tulad nila ang nagpapatunay na true love does exist. They grew old together, and their love never faded. It never failed. 

"This coming Saturday we'll have breakfast on Tagaytay. We'll play golf with Tee's family," Tita Tia said. "You're welcome to join us, Hannah."

I can feel my cheeks blushing. Selene's family's kindness is overwhelming. Sandali pa lang kaming magkaibigan ni Selene pero ganito na sila sa akin. Hindi na nila ako tinuturing na iba. 

"May pupuntahan po kami ni Mommy this weekend," nahihiyang sagot ko. 

"Next time then," Tita Tia smiled. 



"Kuya, ibaba mo na muna ako sa condo. Papakainin ko pa kasi ang mga babies ko. After mo maihatid si Hannah, balikan mo na lang ako," Selene said while were walking to their garage. Sasakyan ni Carrack ang gagamitin namin. 

"Saan ba sila Hannah?" Carrack asked while playing with his car keys. 

"S-Sa Valle Verde," nahihiyang sagot ko. 

"Hmm," Carrack pressed on his phone. "Saan d'on?" 

"S-Six."

"Malapit sa Tiendesitas?" 

Nahihiyang tumango ako. 

Carrack chuckled. "Sobrang along the way ng condo mo, Selene," he sarcastically said. 

Selene pouted. "Pwede naman na umikot ka," malambing na sabi n'ya.

"Tinatamad ako. Mag-drive ka na lang. Lapit ng BGC dito sa bahay."

"Exactly! Kaya ihatid mo na ako."

"Ayokong mag-C5. Sa Ortigas na 'ko dadaan. May sasakyan ka naman," Carrack said with finality. 

"Pareho lang naman na traffic, ihatid mo na ako. Tinatamad ako mag-drive," giit ni Selene. 

"Ayoko. Mas malayo 'yong iikutan ko. Magpa-drive ka na lang kay Caspian," suhestyon ni Carrack. 

"Uhm..." I bit my bottom lip. "Mag-ta-taxi na lang ako," nahihiyang sabi ko. Mukha kasing pagod na si Carrack kaya ayaw na masyadong mag-drive. Ang alam ko ay galing pa s'ya sa trabaho kanina. "Para hindi na makaistorbo at makapahinga ka na din."

"Hindi puwede. Hindi rin naman ako mapapalagay," Carrack frowned at me. "Ihahatid kita," he said in a frim tone. Dumeretso na s'ya sa sasakyan n'ya at binuksan ang front seat para sa akin. 

Hindi makalma ang puso ko. Kung palaging ganito, matutuluyan na talaga ako. 

"Get in," utos ni Carrack kaya nakuha ko na gumalaw mula sa kinatatayuan ko. Nakaalalay pa s'ya sa pagsampa ko ng sasakyan n'ya. 

"Tandaan mo 'to, Carrack," babala ni Selene sa kuya n'ya. "Kapag ikaw..."

"Whatever, Selene Rosario," Carrack chuckled. He closed the door for me kaya hindi ko na narinig ang usapan nila. Kinakabahan ako na baka magtalo silang magkapatid. Nakahinga na langa ko ng maluwag nang nakita ko na nakangisi na sila sa isa't isa.

Pinanood ko ang paglakad ni Carrack patungo sa pink na Ferrari ni Selene. S'ya pa ang nagbukas ng pinto para sa kapatid n'ya at mapaglarong yumukod pa na tila nagbibigay pugay. Selene dramatically gestured her brother to go away. 

My lips parted as I watched Carrack walked towards his car with a playful smirk. 

Dang! He's so breathtaking. He looks friendly and adorable whenever he's not wearing his serious expression. He's on his gray cotton shorts and a simple dark blue t-shirt with print of a famous comics hero. Simpleng pambahay lang ang soot n'ya pero daig n'ya pa ang modelo sa lakas ng dating n'ya. 

Nang bubuksan na ni Carrack ang pinto sa driver's side ay tumikhim na ako at umayos ng upo. Ikinabit ko ang seatbelts ko. Hindi ko kakayanin kung lalapit s'ya sa akin para tumulong sa pag-aayos nito. Baka himatayin ako!

Pasimpleng pinanood ko sa gilid ng aking mga mata ang bawat pagkilos ni Carrack. He doesn't have a muscular body but he looks firm and strong. Some of the veins on his arms and hands are bulging. 

"High blood ka ba?" hindi ko napigilang itanong. 

Carrack took a quick glance on me. "Figuratively, yes... kay Selene," he chuckled. "Pero hindi naman. Kaka-checkup lang sa akin last week. Normal naman ang lahat sa akin. Why?"

Medyo napanguso ako. "Your veins."

Napasulyap si Carrack sa mga kamay na nasa manibela. As usual, traffic sa EDSA kaya hindi masyadong kailangan ng konsentrasyon sa pagmamaneho at nakakasulyap-sulyap s'ya sa mga bagay-bagay. 

"Bulging veins can be sign of high blood pressure or other things..." I gently explained. "Good thing na may checkup ka." 

"Nasa lahi namin ang sakit sa puso, kaya nakasanayan na namin na palaging mag-pa-checkup para maagapan kung sakali. Paranoid si Mommy sa mga gan'ong bagay," he said. "Baka dahil galing kaming gym ni Gaius kanina. Medyo nabatak," humalakhak s'ya. 

Dang! Ang sarap pakinggan ng tawa n'ya. 

"I-I see..." Hindi ko alam kung narinig n'ya pa iyon dahil halos bulong na yata. Kinuha ko na lang ang cellphone ko para masabi kay Mommy na pauwi na ako. 

After I returned my phone on my bag, Carrack cleared his throat. "Are you interested on the formal dinner Selene mentioned earlier?"

I turned my head to him. He's watching me so I returned my gaze in front. 

I carefully shook my head. "Ayoko na mapilitan si Selene." 

Alam ko naman na hindi maganda ang relasyon ni Selene sa mga tao sa campus. And I also know that I am not a good companion. I'll just bore her there. 

"What about you? Without minding Selene, gusto mo ba?"

I bowed my head. If I'll be honest with myself, I want to attend the formal. I just want to experience it. Being with Selene, I realized how much I am missing in life. Gusto ko sana dagdagan ang mga experience ko. I want to have a story to tell my children someday. 

But... I don't want to force Selene to do something she clearly doesn't want to do. And I don't know if I can do that by myself. Baka mag-mukhang tanga langa ako doon. And worse, baka i-bully lang ako kung ako lang mag-isa. Worst, baka maipahamak ko na naman ang sarili ko. 

I forced myself to smile. "Hindi na," I gently said. I didn't dare to look at Carrack. Baka makita n'ya pa ang totoong nararamdaman ko sa ekpresyon ko. Baka mamaya ay pilitin n'ya pa si Selene para samahan ako. Sobrang nakakahiya na iyon. 

"Have you been to something like that before?" Carrack asked in a serious tone. 

Hindi ko na napigilan na sulyapan s'ya. Diretso sa harap ang tingin n'ya at bahagyang kunot ang noo n'ya. 

I took a deep breath. "Hindi pa," nahihiyang sagot ko. 

I was homeschooled my entire highs school. Ni hindi ko na-experience ang prom. Noong first year college ako, hindi ako nakakadalo sa mga event dahil natatakot pa ako. Naninibago kasi ako sa mga ganoon. On my second year, if I am not sick, natataon na may event sa hospital on the same day of the event of the campus. Stella won't let me ditch the family event so... 

"When will that be? Iyong sinasabi na formal ni Selene?" Carrack asked. His tone got a hint of playfulness. 

"Next Friday."

"Are you allowed to bring a plus one?" 

My heart skipped a beat. Is he...

"I-I don't k-know," mabagal na sagot ko. I can't help but stutter with the erratic beating of my heart. 

"I kind of miss events like that. Sa mga corporate events kasi panay connections and bullshits. I don't enjoy their kind of socializing," Carrack said. He chuckled. "I don't think Icen would mind if I join that party."

My lips parted. Oh... my... gosh...

"Samahan mo ako?" Carrack grinned at me. "It would be awkward as fuck if I'll go alone. I need a go-between to be an excuse to be there." 

Ilang beses na bumuka at sumara ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot! Parang gusto ko nang himatayin. Hindi ko alam kung masaya ba ako, o kinakabahan, o natutuliro, o lahat na!

Hanggang sa makarating na kami sa gate ng subdivision ay hindi na gumana nang maayos ang utak ko. Panay si Carrack ang nagsasalita at nagkuwento ng mga kaganapan sa kung saan s'ya nag-aral. 

"D-Dito na ang amin," sabi ko nang tumapat na kami sa black na gate ng bahay namin. 

Tinanaw ni Carrack ang labas ng bahay namin. "Hatid kita sa gate n'yo?" he asked. 

I know I am blushing. Buti na lang at madilim dito sa loob ng sasakyan n'ya. "H-Hindi na. Okay na dito." Nagmamadali na binaklas ko na ang seatbelt. "Maraming salamat, Carrack." 

"No worries," he smiled. 

Pakiramdam ko ay matutunaw ako. Titig na titig s'ya sa akin at sobrang lambot ng ngiti n'ya. Parang gusto ko nang masuka at magtatalon sa nararamdaman ko na kilig sa sistema ko. 

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. I know that I am crushing on him, pero hindi ko alam na ganito kalala ang paghanga ko sa kanya. 

"I-date mo ko next Friday, alright?" Carrack chuckled. 

Lost in his eyes, I found myself nodding at him. 

"Thanks. Good night, Hannah," he gently said. 

"G-Good night," I murmured. 

Binuksan ko na ang pinto sa gilid ko at bumaba na. Hindi ko na kaya! Parang mahihimatay na ako. Nanginginig pa ang kamay ko nang pindutin ang buzzer. 

Hindi umalis si Carrack hanggang sa bumukas ang gate namin. Nang humkbang na ako papasok ay bumusina pa s'ya bago tuluyang gumalaw ang sasakyan n'ya. 

Impit na napatili ako. Pakiramdam ko ay ito ang tinatawag na kilig. Kinikilig ako. 

Hindi mabura ang ngiti ko kahit pa bahagya akong napagalitan ni Mommy dahil ginabi ako ng uwi. Hinayaan n'ya lang ako na pumanhik na sa silid ko nang mabanggit ko ang tungkol sa formal event. 

My mother got excited and immediately plan for the gown I'll be wearing. I excused myself then left her on the living room. 

Nang matapos ako sa paliligo ay humiga na ako sa kama. Medyo natagalan ako sa paliligo dahil hindi ko mapigilan na alalahanin ang lahat ng nangyari sa naging byahe namin ni Carrack. 

I met him as an intense and serious man. Today, I saw his playful and carefree side. I heard his story when he was young and careless. And I got more interested and infatuated with him. 

And I can't help but think if this is alright. 

I want to move on from my past. I want to move forward. I want to forget my anxiety and fear. I am the one who decided to step out again. 

But I am starting to get terrified with this attraction I am having for Carrack. Natatakot ako na baka lumalim nang lumalim ito. Natatakot ako na baka naghuhukay na naman ako ng patibong na ikapapahamak at ikawawasak ko na naman. 

But my thoughts went out of the window with a single text message. It was from an unknown number. 

I'm home. Got your number from Selene. 

- C

I bit my bottom lip. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha ko. 

Natatakot ako. Gusto ko na protektahan ang sarili ko. Hindi ko na kaya na muling masaktan. 

Another text message came. And it made me cry. 

Don't forget our date next Friday, alright? 
Good night, Hannah. Sweet dreams. 

I took a deep breath. It would be rude if I won't reply to his messages. Ako pa naman ang ginawan n'ya ng pabor. 

After minutes of staring at his messages, I finally muttered enough courage to reply. 

Good night, Carrack. Thank you for driving me home.

And thanks for going along with me on the formal. 

Because I know that he's not interested with that. He's only doing this for me. Or am I assuming things?

It took him less than a minute to reply. 

No worries, Han. If anything, it's a pleasure to be of help. 

Hindi na ako nag-reply. 

Why do I feel like... I am being a charity to him? 

I feel sorry for myself. 

Ayokong umasa. Never again. 


____________

October 17, 2020


Hi! If it's not too much to ask, puwede ba na kung binabasa mo ito ay mag-vote ka? Kahit na dito lang sa chapter na ito. I just want to know kung ilan ang reader nitong Epiphany. Itutuloy ko din kasi ang Nostalgia. Gusto ko lang tantyahin kung ano ang mas dadalasan ko, hehe. Thanks. 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...