STATUS: Waiting, Hoping and P...

By crostichan

69K 899 165

life is short. love is fragile. How much hurt are you willing to take just to follow your heart? Will you sta... More

FOREWORD
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31.1
Chapter 31.2
Chapter 31.3
Chapter 31.4
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35.1
Chapter 35.2
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38.1
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 41.5
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 43.5
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Last Chapter
Last Chapter + Epilogue

Chapter 44

841 12 6
By crostichan

Panuorin niyo yung Stolen. Si Nicholas Cage yung bida. hangganda!!. =)) Sulit ang libre ng SM. XD 

===

"ayoko. Kala ko ba lalaban tayong dalawa? Eh bakit nakikipaghiwalay sakin ngayon? Napapagod ka na ba?" pinahid ko lahat ng luha na tumulo sa pisngi ko. di ko inaasahan na ito pala yung sasabihin niya. Makikipaghiwalay siya? Tokwa!! Sa anniversary pa namin? 

"hindi naman sa ganon" lumapit sya sakin at hinawakan ako sa dalawang balikat.

"pero sundin muna natin yung Papa mo. Ayaw niya sakin para sayo kasi tingin niya di ako yung dapat." pinahid niya yung mga luha ko. "give me time. Papatunayan ko sa Papa mo na kaya kitang panindigan"

"we can prove it together."

"no. Mahal ka ng Papa mo Yannie. Alam ko nasasaktan siya pag sinusuway mo siya dahil sakin. Ayokong magkasira kayong dalawa dahil sakin.  sundin muna natin siya ngayon. Ok?"

tinignan niya ko sa mata. Ayoko. Ayokong maghiwalay kami.

"I love you Alyana. And I promise, I will do everything to be the man you deserve. Just please don't give up on me. Trust me."

he gave me a quick kiss on the lips bago siya umalis.

Don't leave me Mark. Don't leave me please.

Napaupo ako sa kama. I'm running out of air. After he died, ngayon ko lang siya napaniginipan. Sa dami ng pwede kong mapaniginipan sa kanya bakit yung araw pa na naghiwalay kami? Kung alam ko lang na kukunin sya sakin agad, di na dapat ako pumayag.

Humiga ako at pinilit matulog ulit pero tuwing pumipikit ako, yung mga mata nya yung nakikita ko. Yung sincerity sa mga mata niya habang sinasabi yung just don't give up on me. I badly miss you so much Mark.

*tok.tok.

"pasok"

"sorry sa abala Miss Yannie. Gising na po kasi si Sir Lucio at hinahanap po niya kayo."

para akong nabunutan ng tinik nung narinig kong gising na si Daddy. Ayoko lang ipahalata pero kinakabahan ako na baka mawala siya dahil sakin.

"sige susunod na ko"

paglabas niya ng kwarto ko, inayos ko agad yung sarili ko. 

**

"Yannie" lumapit siya sa higaan ng  Daddy niya.

"kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Yannie ngunit walang bahid ng pag-aalala ang tono niya.

"much better now that I know you're still alive. Why did you do that?"

"kung di ko ginawa yun, malamang, alam na ni Zeke ngayon na siya si Lance."

"sorry. Kung hindi ko sana kinuha sayo si Mark, di ka sana nakikipag-agawan ngayon. Pero---" 

"past is past. Kahit maka isang milyong sorry ka, hindi na mabubuhay si Mark. Ang mahalaga sakin ngayon, si Zeke" putol niya sa ama.

"pero dadating yung panahon na babalik lahat ng memorya ni Zeke"

"then I can do this again. Knowing Zeke, malakas ang konsensya nun"

"Yannie, please don't attempt to kill yourself again please. Sigurado ka bang si Zeke na ang gusto mong makuha ngayon at hindi na si Mark? I will do everything wag mo na uulitin yan."

Yannie flashed an evil smile upon hearing the word everything. Hindi siya tanga para piliin si Mark. Pakiramdam niya inatake lang yung tatay niya eh nawala na ito sa katinuan.

"force Zeke to marry me next month" 

"next month?"

"yes. You hear it right Dad. Next month. Di natin alam kung kaylan babalik yung memory ni Zeke. So the earlier the better"

"baka di pumayag si zeke?" 

"trabaho mo na yan Dad. kung di mo kaya next month, next week will do" pakasabi nito ay agad siyang lumabas ng kwarto.

[Zeke's POV]

*ring. Ring..

Tinignan ko yung orasan ko 3:47am. Tinignan ko din sa tabi ko si Trixie pero wala na siya. Saan kaya yun nagpunta? Siguro gusto niya kong surpresahin. Nangako siya na ngayon niya ibibigay yung sagot niya eh. I'm very excited to hear a yes from her.

Kinuha ko yung cellphone ko sa table saka ito sinagot.

"hello?"

 [zeke, hijo. Buti naman sinagot mo na yung cellphone mo. Kanina pa kita tinatawagan.]

"sorry Manang. Napasarap lang po yung tulog ko. May nangyari po ba?"

[wala naman. Ibabalita ko lang sana sayo na nagkamalay na si Lucio.]

"wow. Magandang balita po yan. Pupunta na lang po ako dyan pag-uwi ko. Naistranded po kasi dito sa Laguna eh"

[sige hijo. Umuwi ka agad ha]

pagkababa ko ng phone, tumayo na ko ng kama at tinupi yung kumot. Pero nung pinagpag ko yung kumot, biglang may nahulog sa sahig. Isang kwintas. Tinignan kong maigi yung pendat at sigurado akong kay Trixie to. Ilang beses ko na din tong nakitang suot ni Trixie. Tinitigan ko yung mabuti. It really looks familiar. Parang nakita ko na siya. Pero siguro nakita ko na talaga to. Malamang may iba pa namang kamukha to.

Nilagay ko yun sa bulsa ko at inayos yung sarili ko. Nasan kaya yun si Trixie.

Si Trixie na mamaya lang eh girlfriend ko na.

Tinawagan ko siya pero unattended na yung cellphone niya. 

After three hours na paghihintay, lumabas na ko ng kwarto para hanapin siya.

"miss, napansin nyo po ba yung babaeng kasama ko kahapon? Yung naka violet?" tanong ko sa receptionist dun.

"ay Sir, baka siya yung nag-out kaninang 12:10am."

"what? 12:10? Sure ba kayo dyan?"

"opo. Nagulat nga din po kami bakit sya nagcheck-out ng ganung oras eh hindi pa naman tumitila yung ulan" paliwanag niya. "ay, eto na po yung nakatoka dito kanina. Liz!lika nga muna dito"

lumapit samin yung Liz na tinutukoy nila.

"bakit?"

"eto kasing si Sir, hinahanap yung kasama niya. Eh diba may babae na lumabas ng hatinggabi na?"

"ah opo. Si Ms. Salcedo. Kayo po ba si Zeke?"

tumango ako.

"pinapasabi niya kasi na umuwi na daw po kayo wag niyo na syang asahan na kasabay."

"ah ganun ba? Sige salamat"

umalis ako ng Laguna na walang kasama. Di ko alam kung nasan si Trixie. Baka nagkaemergency siguro. Pinilit ko pa rin tawagan sya pero unattended talaga. Hindi kaya.. Napangiti ako sa naisip ko. Maybe she wants to surprise me. Baka gusto niyang maging special yung pagsagot niya sakin. haaay! Girls and their romantic ideas.

Tanghaling tapat na rin ng makarating ako sa bahay. 

"Sir Zeke" paglingon ko, nakita ko yung secretary ko. Bakit nandito to sa bahay? 

"bakit napasadya ka dito?"

"ah sir, kaylangan niyo na po kasing pumasok ngayon. May scheduled meeting po kayo mamayang 2:00pm. Eh baka po kasi di kayo sumipot kaya po ako na yung pumunta dito"

"ah sige. Ako ng bahala. Bumalik ka na sa opisina. Susunod na lang ako."

pag alis niya sinalubong naman ako ni Manang.

"Zeke!"

"Manang!" niyakap niya ko kaya niyakap ko din siya. Parang nanay na din ang turing ko sa kanya eh.

"kaylan pa po kayo pumunta dito sa Manila?"

"kani kanina lang. Baka daw kasi kaylangan nanaman ni Yannie ng baby sitter. Nabalitaan ko yung ginawa niya. Naku yung batang yun talaga."

"akala ko nga rin po okay na siya eh. Yun pala may sapi pa din"

"nga pala, nagkamalay na daw si Lucio. Puntahan mo siya pagkatapos ng trabaho mo."

"sige po"

[Monica's POV]

buong buhay ko, nasanay akong Magising sa tunog ng alarm clock o kaya sa panggigising ni Mommy. Pero ngayon, ugh! For Pete's sake. 4:30am pa lang. Sino ba tong walang magawa sa buhay na nangangalampag ng pinto?

"sandali lang!" pasigaw kong sabi para malaman niya, kung sino man siya na naistorbo niya yung beauty rest ko.

Pagbukas ko ng pinto.

O_O

"pasok ka" malambot kong sabi. Nawala yung antok at inis ko nung nakita ko siya.

Pumasok siya sa loob "Monica, pwedeng umupo?" tanong niya. Basang basa kasi siya ng ulan kaya siguro nagdalawang isip siya na umupo sa sofa.

"magpalit ka na muna kaya ng damit. Magkakasakit ka niyan eh. Saglit kukuha ako" pumunta ako sa kwarto para kuhanan siya ng damit pati na rin panloob. Magkasize lang naman ata kami.

"magpalit ka muna." inabot ko sa kanya yung mga damit na dala ko. "Anong gusto mo, kape? Gatas? O noodles na lang?"

umiling lang siya at nagpunta sa cr. Kahit ayaw niya nilutuan ko siya ng noodles. Mukhang matagal siyang nababad. Naku! Kung alam ko lang sana na siya pala yung kumakatok, edi sana binilisan ko yung pagbukas.

Hinain ko yung pagkain sa mesa na sakto sa paglabas niya sa cr.

"kain ka muna Trix para mainitan yung sikmura mo" tahimik siyang umupo sa tabi ko kaya naramdaman ko yung init niya. Anak ng baklang baka, ang taas ng lagnat niya.

"wait lang ha" kinuha ko yung kumot at binalabal sa kanya. Kumakain kasi siya.

Natatakot tuloy akong magtanong. Kita kasi sa mga mata niya na magdamag siya umiyak. Maliban pa dun, nababasa ko yung lungkot sa mga mata niya.

"pagkatapos niyan inumin mo to oh" inabot ko yung biogesic sa kanya "sorry, yan lang kasi gamot ko dito."

"ok lang Nics. Salamat ha. At sorry naistorbo pa kita. Wala na kasi akong maisip na takbuhan"

tumulo yung luha sa mga mata niya. Kaya niyakap ko siya.

"ok lang yun Trix. Kulang pa tong pambawi sa mga nagawa ko sayo."

she continued crying pero di ko alam yung gagawin ko. Tawagan ko kaya si Seth? Kaso baka tulog pa yun.

"Trixie, gusto mo humiga muna? Ang taas ng lagnat mo eh" tinulungan ko siyang pumunta sa kwarto ko at hiniga siya sa kama.

"bakit ba kasi nagliwaliw ka sa gitna ng ulan? At madaling araw pa ha?" tanong ko sa kanya.

"galing akong Laguna. Iniwan ko siya dun. Iniwan ko na siya" automatic na tumulo ulit yung mga luha niya. Pwede kayang si Zeke yung 'siya' na tinutukoy niya?

"sinong siya?"

"si Lance"

"bakit mo ginawa yun? Kala ko ba mahal mo si Lance? Ano yun dahil lang sa attempted suicide ni Yannie, suko ka na agad?" 

humiga ako sa tabi niya.

"yun na lang kasi yung pwede kong gawin eh" niyakap ko si Trixie knowing na kaibigan ang kaylangan niya ngayon. Nanahimik na lang ako alam ko kasing wala ako sa lugar para magsalita pa at husgahan siya kung bakit niya ginawa yun. Wala naman kasi akong alam sa nangyari eh. Audience lang ako na di nakasubaybay ng matagal na panahon kaya di ko na alam kung anong nangyayari sa mga bida.

"sssh. Tahan na Trix. Nakakasakit lalo ng ulo yung pag-iyak. Take a rest. Kailangan mo ng lakas"

"nic can I ask you a  Favor?"

"sige lang"

"don't tell Zeke anything about me. Kahit magtanong siya. Kahit anong pilit niya wag na wag kang magbigay ng clue sa kanya kahit anong tungkol sakin."

"iniwan mo siya ng walang pasabi?" di ko na naiwasang magtaas ng boses

tumungo naman siya na parang bata.

"wala ka na bang balak magpakita ulit sa kanya? Hindi ba ang unfair nun sa kanya?"

"unfair din naman to sakin eh. Ni hindi ko nga alam bakit ako pa yung nasa sitwasyon na to. Bilyon bilyon ang populasyon ng buong mundo, pero bakit ako pa? Pero kilala ko si Lance, Someday, maiintindihan niya din ako"

"maiintindihan nga niya pero kailan? Pag durog na durog na siya? aware ka ba na masasaktan siya dito? Kasi kung ako yung nasa lagay ni Zeke.. Trixie, isipin ko pa lang masakit na eh what more kung ako na yung nasa sitwasyon? ."

"ang sama ko ba?"

YES! A BIG YES!! Kasi kung alam lang ni Zeke kung sino talaga siya, I'm sure ilalaban ka niya. yan yung gusto kong isagot sa kanya pero wag na lang. 

"No. Pareho lang kayong biktima ng pagkakataon. Pero sana handa ka sa magiging epekto ng desisyon mo."

"kahit naman hindi ako prepared, may choice pa ba ko? Kasi kung meron man, di to yung pipiliin ko. Sa ngayon, mas ok na ko na masaktan sya kaysa di ko na sya makita habang buhay"

my heart pounded upon hearing her statement. Anakngkapitbahay!! I'm missing something.

"Trixie may di ka ba sinasabi sakin?"

umiling lang sya. Pero alam kong mayroon.

ang pinaka sinungaling na tao sa mundo ay yung mga taong nasasaktan emotionally.

Nagring yung alarm clock ko ng eksaktong seven ng umaga. Tinignan ko yung katabi ko na tulog na tulog pa. Hinapo ko yung noo niya para tignan kung mainit pa siya. Kumpara kanina, medyo lumamig na siya. 

Tinanggal ko saglit yung bimpo na nasa noo niya at binasa tapos binalik ulit.

Maingat akong tumayo ng kama para di sya magising at inayos yung kumot sa kanya. 

*ring. ring. ring

tch! Nag-iingat nga akong wag gumawa ng ingay eh.

"hello?"

[wala kang planong pumasok?]

"baka mag half day na lang ako. May pasyente ako dito eh"

[ha? Pasyente? Nakadisgrasya ka? ]

"baliw. Abnormal ka talaga. Nandito si Trixie"

[dyan sa loob? Labas ka nga. Dito tayo sa labas mag-usap]

tae! Nasa labas lang pala ang loko. 

Paglabas ko, nakita ko si Seth na nakasandal sa kotse niya. Hindi siya ngumiti nung nakita ako. Buti naman! Dahil wala din akong planong ngumiti sa kanya.

"bakit ka nandito?" tanong ko paglapit sa kanya.

"ihahatid sana kita kaso sabi mo di ka pa papasok"

"kasalanan mo kung bakit di ako papasok"

"sorry. Bakit siya nandito? Ang aga pa ah"

"bigla na lang siyang sumulpot sa pintuan ko kaninang madaling araw. MADALING ARAW SETH!!" binigyan ko ng emphasis yung madaling araw. I can't help it. I blame him for all of this. Kung ginawa lang niya yung tama. Edi sana walang nasasaktan ngayon. Or should I say, nasasaktan ang dapat masaktan ngayon at di yung walang kasalanan. 

"madaling araw? Saan daw siya galing?" mahinahon niyang tanong. Tch! Nagagawa niya pang maging mahinahon sa mga ganitong pagkakataon.

"galing daw siyang Laguna. Sinuong niya yung ulan para lang iwanan si Zeke"

tinignan ko yung mukha niya. Parang di man lang siya nagulat sa sinabi ko. Parang sinasabi niya na "I KNEW IT". Expected na niya to.

"di ka makakibo? Seth. Ayokong magalit sayo. Una kasi di naman ako yung biktima dito. Pero Seth, kung sinabi mo lang sana ng mas maaga, edi sana di na aabot sa ganito"

"sa tingin mo ba may pagbabago kung nalaman ni Trixie ng mas maaga? Monica, kahit sinabi ko, walang magagawa yun sa pagiging  Spoiled ni Yannie. She can sacrifice even her life para lang makuha yung gusto niya. Kahit sinabi ko yung totoo, ang tanging bagay lang na magbabago eh yung oras. Mapapaaga lang lahat ng to pero di nun mababago na may masasaktan sa kanila."

tama si Seth. Tama siya. Pero kasi ..

"Seth. Parehong mahalaga si Trixie at Zeke sakin. Lalo na si Zeke. He was the only one I have nung mga panahong there's nothing left. I saw how Trixie cried this morning. She looked miserable. Pano pa si Zeke? Siya yung iniwan dito. 

Sa paghihiwalay ng dalawang tao, mas nasasaktan yung naiiwan. Kasi yung nang-iwan, alam niya kung bakit siya aalis .. Bakit ayaw na niya. pero ang iniwan, mukha siyang tanga kakaisip kung bakit. Bigyan man siya ng libo libong sagot sa bakit na yun, di niya alam kung ano dun ang totoo. It sucks!"

"Monica.. akala ko naiintindihan mo ko"

"akala ko din eh. Pero hindi eh. Hindi talaga Seth. Ang kilala kong Seth gagawin yung tama kahit may masasaktan."

"di mo kasi ako naiintindihan. Di mo alam yung sitwasyon ko. Maliban sa mga nakikita mo, may mga bagay na di ka pa alam. It's not wise to judge with your eyes alone"

"and hurting an innocent lady will not make you wiser. You should go now. Alam kong madami ka pang gagawin. Ako na bahala sa biktima ng kaduwagan mo at teka.. Don't tell Zeke any details about Trixie. Siguradong di titigil si Zeke hangga't di sya nakakakuha ng closure..

Pumasok na ko sa loob ng bahay and shut the door with a bang but his last line still hangs in the air.

"yung tamang iniisip mo at hindi yung tamang iniisip ng iba"

xx CTCHAN

December 08, 2012 8:47pm

 IF EVER ba na gagawan ko to ng softcopy, may mag aavail? :) 

Continue Reading

You'll Also Like

16.7K 926 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...