Prequela

By fackenbtch

457 35 24

The Prequel Hangarin ni Kalesi Mambituin ang palayain ang nabihag na Inang Bayan. Ngunit upang maisagawa iyon... More

Paalala
Prologo
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
XI
XII
XIII
XIV
XV
XV (Ikalawang Parte)

X

15 1 2
By fackenbtch

"Sigurado ka bang ayos ka lamang na maiwan ngayon? Nais mo bang magpaiwan na lang din ako nang masamahan kita?" sehustiyon ni Marcelino kay Kalesi habang inaayos ni Esraela ang kaniyang buhok. Ngumiti lamang sa kaniya ang dalaga at liningon.

"Ayos lamang ako. Dumalo ka na sa mga Diaz, hindi ko na nais pang magkalat ng sakit doon. Saka sinat lamang ang mayroon ako, Marcelino. Hindi pa naman ako mamamatay." ngiti nitong ikinasinghap lamang ng binata.

"Kalesi, ang totoo. Ano bang tunay na nangyari sa inyo ni Binibining Catalina?" tanong nito na ikinasimangot lamang ni Kalesi. Umayos na lamang ito ng upo at humarap sa salaming kita ang repleksyon ng kaniyang sariling inaayusan ni Esraela sa likod at ang binatang suot ang isang puting barong tagalog. "Hindi ko naman sinasadya pero napuno na talaga ako sa kaplastikan ng babaeng iyon. Hindi ko naman pipiliing manatili dito sa tabi mo kung lalaitin niya lang ako dahil sa pinagmulan ko. Kung alam ko lang na mamaliitin din ako rito, sana'y mananatili na lang ako sa nayon namin." anito ng hindi tumitingin ng diretso sa binata. "Pero naiintindihan ko naman na mali ang ginawa ko kung kaya't hindi ko na muna nais na magpakita sa kanila." dugtong pa nito na ikinangiti na lang ni Marcelino.

"Kung iyan ang ikaliligaya at ikakakontento ng konsensiya mo, papayagan kitang maiwan rito gaya ng dati. Ngunit kailangan mong mangako," lumapit ito sa dalaga at dumekwatro. "Susunod ka sa mga tagapgsilbi. Hindi ka aalis sa sektang sakop ng haciendang ito, at kailangang nasa tabi mo palagi si Esraela." napataas ang dalawang kilay ng dalaga. "Palagi? Paano kung mayroon siyang ginagawa? Hindi ko naman nais na makagambala pa sa kaniya." pagdadahilan pa ni Kalesi dahil batid niyang kailangan na niyang bumisita sa kampo 'pagkat alam niya ang iniisip ni Ca Kirong sa mga panahong ito.

Kung hindi pa siya maghatid ng impormasyon, iisipin ni Ca Kirong na nahuli na siya at magsisiklab ng labanan at paglusob.

"Kinausap ko na si Manang Lilia na huwag munang utusan gaano si Esraela ngayong araw dahil magiging akompanya mo siya habang wala ako. Wala na akong tiwala sa mga bantay at lagi ka nilang nawawala, isang personal na tagabantay ay ayos nang pagkatiwalaan. Ano? Nangangako ka ba?" Sandali lamang ang naging titigan nilang dalawa bago napilitang tumango si Kalesi sa sinasaad na pangako. Dahil doo'y tumayo na sa pagkakadewkatro si Marcelino at binigyan ng halik sa noo si Kalesi bilang paggalang.

Hindi na iyon bago kay Kalesi dahil madalas iyong gawin sa kaniya ni Marcelino sa mga oras na aalis siya panandalian para sa mga layunin nito bilang heneral ngunit hindi niya ba alam kung bakit sa pagkakataong iyo'y napitlag ito sa ginawa ng binata.

"Babalik kami ngayong araw din mismo. Hintayin mo ang pagbalik ko?" tumango na lamang ng nakangiti si Kalesi habang pinagmamasdang maglakad palabas ng silid si Marcelino. Kahit na nakalabas na ito'y hindi pa rin maawat ang ngiti sa labi ng dalaga.

"May nararamdaman na ho ba kayo para sa señorito Marcelino, binibini?" isang malumanay na tinig ang narinig nito mula sa dalagita. Noong una'y ngiting-ngiti pa ito ngunit nang tumatak sa isipan nito ang ginamit na pandiwa ng dalagita ay napalingo ito. "May nararamdaman na ho ba kayo para sa señorito Marcelino, binibini?"

"Alam mo?" Ang salitang na ang nagpapahiwatig na batid niya ang totoong intensyon nilang dalawa, na pagpapanggap lang ang lahat. Ngunit sa halip na sumagot kaagad ay ngumiti ito sa binibini. "Ang alin ho? Ang pagpapanggap niyo o kayo ng señorito Milandrino?" mapanuksong anito na ikinabigat ng hininga ni Kalesi. 

Sa halos isang buwan niyang panahon dito sa loob, si Esraela ang naituturing niyang kasama at kasabwat. Hindi niya lubos na maiisip na kailangan niya itong patahimikin kung sakaling hindi ito sasapi.

"Ipagpaumanhin niyo ho ang kawalan ko ng galang sa pananalita. Batid kong lumalagpas ako sa linya ngunit hindi ko na po kayang kimkimin pa sa aking sarili ang mga iyon," patuloy pa rin ang pagngiti nito sa dalaga ngunit hindi pa rin nawawala ang duda ni Kalesi rito. "Huwag ho sanang magbago ang trato niyo sa akin 'pagkat para inyo po, binibini, wala akong kinalaman." Sandaling tumitig si Kalesi sa mukha ng dalagita bago unti-unti na ring nahawa sa matamis nitong ngiti. "Ginagawa ko po ito hindi dahil may hinanakit ako sa kung sinuman o dahil malaki ang atraso ng pamilya ko sa mga Anastasia at ako mismo ang kailangan magbayad no'n. Ginusto ko po kayong samahan dahil sa likod ng pagpapanggap na iyon, tinuring niyo 'kong pantay sa inyo kahit na kilala kayong kasintahan ng amo namin. Kung kaya't nawa'y pagkatiwalaan niyo ako." paninigurado nito sa binibini. 

Sa pagkakataong iyon, tumayo na si Kalesi sa ikinauupuan nito at lumapit sa dalagitang tagapagsilbi. Hinawakan niya ito sa magkabilang kamay saka tiningnan ng diretsahan sa mata. "Kung gayo'y tulungan mo ako,"

***

"Ca Kirong!" bungad ni Kalesi sa buong kampo suot ang isang asul na saya. Sinalubong siya ng lahat ng nasa kampo. Natanaw nito ang pinuno  sa likod ng nagkukumpulang madlang nakapaligid sa kaniya. Diretso ang tingin nito sa kaniya ngunit hindi iyon inalintana ni Kalesi dahil iyon naman ang karaniwang tingin na binibigay niya sa lahat. Maging noong lumapit ito sa kaniya'y hindi nagbago ang ekspresyon nito.

"Kamusta na sila Henrito? Ang bagong dayo?" pagtanong nitong diretsahan kay Kalesi. "Maaari po bang mamaya na tayo mag-usap? Nais ko ho munang makausap si ama." ngunit iisang hakbang pa lamang ang nagagawa nito'y higpit ng hawak ni Ca Kirong ang naramdaman nito sa kaniyang braso. "Mahina ang estado ng iyong ama ngayon. Kasalukuyan siyang nagpapahinga. Hindi mo na siya nais pang gambalahin muna. Ipaparating ko na lamang ang iyong mensahe't pangangamusta." matigas at walang ekspresyong saad nito sa dalaga.

Sandaling nanatili ang katahimikan sa kanilang dalawa bago piniling tanggalin ni Kalesi ang nakahawak na kamay ng Ca nito sa kaniyang braso, hindi pa rin pinuputol ang tingin. May kakaiba ngayon dito. Hindi na pareho ang pagtingin nito sa kaniya kumpara sa dating may bahid ng pagpapahalaga sa kaniya, napalitan ito ng pangamba. "Kung gayo'y simulan na natin ang pagpupulong, Ca." pagsang-ayon ni Kalesi na ikinangiti ni Ca Kirong.

"Walang pagpupulong na magaganap." 

***

Sa loob ng kubo ni Ca Kirong, isang tasa ng tsaa ang nakalahad sa harap ng dalaga. "Ipagpaumanhin mo ang asta ko kanina sa harap ng mga kasapi natin. May kailangan lamang akong malaman. Hindi natin alam kung sino ang traydor o hindi..." saglit tumigil sa pagsasalita si Ca Kirong habang isinasalin ang tsaa sa kaniyang tasang luwad. "... at ikaw na lamang ang aking pinagkakatiwalaan." Hindi ito tumingin sa dalaga ngunit ramdam nito ang tensyon na sinusubukang simulan nito. 

"Ngayon," inilapag nito ang tasang luwad sa mababang kayawang lamesa sa kaniyang kubo. "...ukol sa iyong pinunta. Hindi ka ba mahuhuli?" 

"Tungkol doon, Ca, mayroon tayong bagong kasapi." anitong kumuha ng buong atensyon ni Ca Kirong. "Bagong... kasapi?" takang tanong nito, bahagyang naalerto sa sinaad ng dalaga. "Ngunit kilala niyo ako, Ca, sigurado akong mapagkakatiwalaan sila. Sa totoo nga'y kasabwat ko si Esraela sa pagtakas sa hacienda habang wala ang mga Anastasia. Itinago din ni Mang Baldo ang narinig niyang pag-uusap namin ni—" pinutol siya sa pagsasalita ni Ca Kirong.

"Wala akong sinabing hindi ko sila o kita pinagkakatiwalaan. At batid kong hindi iyon ang dahilan ng pagbisita mo, hindi ba? Sina Henrito at ang bagong dayo." diretsang saad ni Ca Kirong sa dalaga. Suminghap ng malalim na hininga si Kalesi ngunit hindi ito pinahalata sa pinuno saka nito sinuklian ang diretsang tingin na binibigay sa kaniya, bumabalik ang tinuran sa kaniya ng señora Rogelia.

"Mapait ang kinahinatnan ng pag-iibigan naming hindi niya alam. Isang isang-sidad na pag-ibig ang nangyari alam mo ba kung bakit? Dahil hindi ko kaagad nahanap ang lakas ng loob na ipakita sa lahat na umibig ako sa alagad ng kaaway na tulad niya." ngumiti ang matandang ginang habang nakatingin sa dalagang taimtim lamang na nakikinig at napalunok na lamang sa sinubo nitong lugaw. 

"Mahal ko siya pero naging duwag ako. Tingnan mo ang kinahinatnan ko, masaya ako sa naging pamilya't naihatid sa aking karangyaan pero hindi no'n matutumbasan ang pagmintis kong makausap man lang ang lalaking minahal ko. Para akong buhay na nilalang na may patay na diwa, at kasalanan ko lahat 'yon."

Buo na ang kaniyang isipan.

"Sa ngayo'y hindi ko pa rin ho sila nakakausap o nalalapitan. Masyadong mahigpit ang hukbo ngayon dahil sa kumalat na paglusob sa hacieda Hidalgo. Sa tingin ko ri'y hindi pa ligtas na magpadala ng sinuman sa loob dahil maging mga binibini'y hinuhuli't sinisiyasat na rin dahil sa naiwang ebidensiyang mayroong binibining kasapi ng samahan." madiin at walang bahid ng pag-aalinlangan na saad nito na ikinaisip sandali ng pinuno. 

Isang pangkaraniwang pagpupulong sa pagitan ng dalawang tao ang nangyari ngunit sa ilalim ng mababang kayawang lamesa ay ang kuyom na kamao ni Kalesi. Hindi pa rin ito makapaniwala na nagsinungaling ito sa harap ng kaniyang pinuno't idolo magmula pa lamang nang sumapi sila ng kaniyang ama sa samahan.

Matapos ang pagpupulong na iyon sa pagitan ang dalawa, mula sa kubo ni Ca Delirio tinitigan lamang ni Ca Kirong ang dalagang magpaalam sa mga kasapi ng samahan bago ito tuluyang umalis. Binaba na nito ang maliit na telang nagsisilbing harang sa maliit na bintana ng kubo mula sa labas. Pansin ang pagtikom ng panga nito saka liningon ang nagpapahingang katawan ni Ca Delirio sa banig, tulad ng dati. 

Walang nagbago sa sitwasyon nito at lalong lumalala at nagiging madalas lamang ang mga sakit ng ulo't paghihimatay nito sa hindi malamang dahilan.

"Ipagpaumanhin mo ako at hindi ko muna pinalapit sa iyo si Kalesi 'pagkat batid kong papanig ka sa iyong anak." tumigil ito sa saglit at tumingin sa kaniyang kamao saka unti-unti itong binuksan. Bumungad sa kaniya ang isang gintong kuwintas na may palawit na walang hanggan. Tinitigan niya itong mariin dahilan ng unti-unting pagbabalik ng pag-uusap nila ni Nikong bago pa nakabisita si Kalesi sa kampo. 

"Ca! Ca Kirong!" sigaw ni Nikong habang hingal na tumatakbo papasok ng kampo. Nakuha niya ang atensyon ng lahat pati na ng kay Ca Kirong. "Nikong! Nagbalik ka! Manang Delilia, pakiabot ng isang basong tubig." tinanguan lamang siya ng matanda saka linapitan na ang hinihingal na si Nikong. 

"Anong balita?" tanong nito habang hinahagod ang likod ng binata. Pansin niya ang uniporme ng isang guardia civil na suot nito kung kaya't batid niyang naging matagumpay ang panghihimasok niya sa bilangguan. 

"S-Si Henrito... at ang bagong dayo," napahawak ito sa kaniyang tuhod dahil sa hingal. "Dahan-dahan lang. Tubig," inabot niya sa binatilyo ang baso ng tubig na inabot ni Manang Delilia. Tinanggap ito ni Nikong at ininom. Marahas nitong pinunasan ang mga labi saka nagpatuloy. "Si Henrito lamang ang nakakulong." pagbalita nitong ikinakunot ng noo ni Ca Kirong. 

"Anong ibig mong sabihin? Pinatay na nila ang bagong dayo? Ano? Nakausap mo ba si Henrito?"  sunod-sunod na tanong nitong ikinailing lamang ng mabilis ni Nikong. Naubusan na ng pasensiya si Ca Kirong kung kaya't hinawakan na niya ang binata sa magkabilang braso saka pinaharap sa kaniya. "Ano? Ano nang nalalaman mo?!"

"Ang bagong dayo ang bunsong Anastasia... at nagbalik na siya sa hacienda."

Nagsinungaling ang dalaga. Bagay na hindi niya inakalang magagawa nito.

"Hindi ko na alam kung siya pa ba ang babaeng mandirigma na nakilala't sinanay ko, Delirio. Dalaga na ang iyong anak, at hindi ko alam kung masama o mabuti ba iyon para sa samahan."

***

Samantalang sa pananaw ni Kiandro, pinipigilan nitong mahikab sa pamamagitan ng pagtapat ng kamao nito sa kaniyang bibig upang hindi masita sa napakabastos na pag-asta. Naramdaman niya ang pagsiko sa kaniya ng binibining Diaz na katabi niya lamang sa upuan sa hapag-kainan dito sa hacienda Diaz. Napangiti na lamang ito nang makita ang nanunuksong tingin ni Catalina at umayos ng upo. Itinuon na lamang nito ang atensyon sa dalawang Don na pinagkakaabalahan ang ukol sa kasal na magaganap.

Napapikit na lamang ng mariin ang binata dahil kanina pa nila paksa ang kasalang iyon na wala naman siyang interes. Kung may pagpipilian lamang ito, hindi na siya sumama sa kanila ngunit kailangan niyang gawin ito hindi para sa kapakanan ng nagpakilalang 'ama'.

"Ikaw, Kiandro? Anong sa tingin mo?" Nabaling ang tingin at atensyon ng binata sa Don Alvaro na tinawag ito. Nagtaas pa ito ng kilay nang mapunta ang atensyon ng lahat sa kaniya. Hindi niya alam ang tanong na binigay sa kaniya nito dahil una sa lahat, hindi ito nakikinig sa napakawalang kwentang bagay para sa kaniya. "Ang tungkol ho diyan, Don Alvaro, hindi ko po nais na—" ngunit hindi pa nito natatapos ang pangunugsap niya'y sumingit na si Marcelino. "Mawalang-galang lang ho, Don Alvaro, ngunit sigurado ho akong hindi niyo nanaising si Milandrino ang mamili ng tema ng kasalanan dahil paniguradong magiging kakaiba ang kasalanang magaganap." singit ng kuya nito na ikinatawa lamang ni Don Luis at Don Alvaro.

"Totoo nga. May pagkaiba ang panlasa ng bunso ko sa pagpili sa mga ganitong bagay. Mas mabuti pa kayang si Binibining Catalina ang pumili ng magiging tema ng kanilang kasal, hindi ba?" nagpatuloy ang kanilang pag-uusap ngunit nanatili ang tingin ni Kiandro kay Marcelino. 

Noong una'y hindi niya talaga alam ang rason ng pagkulo ng dugo nito sa binatang heneral ngunit malinaw na ngayon. Kahit hindi naman siguro intensyon ng binatilyong kalabanin siya dahil siguradong wala itong kaalam-alam sa ugnayan nilang dalawa ni Kalesi, para kay Kiandro'y naghahamon ito ng labanan. 

'Sinabi kong ikaw ang una kong magiging tudla sa oras na sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga samahan natin, at hindi ko iyon malilimutan kahit tunay ngang kapatid kita.'

***

"Binibini!" pabulong na sigaw ni Esraela, maingat na hindi maririnig ng ibang guardia civil na nakapaligid sa hacienda. Linapitan niya ang kaniyang binibining maingat ring bumababa sa pader sa likod ng hacienda kung saan minsan niya rin itong nakitang umakyat. "Naging maayos naman ho ba ang pagbisita niyo?" bulong na tanong nito sa dalaga na abala sa pagpagpag sa kaniyang sayang suot. "Ayos lang. Nandito na ba sila Don Luis?" nagmamadaling tanong nito at nanguna nang maglakad patungo sa mansyon. 

Napatigil ito sa kaniyang yapak nang marinig ang mga kalampag ng ilang kabayo na palakas ng palakas. Batid niya na paparating na ang mga Anastasia at nagkumpulan na rin ang ibang mga tauhan sa pintuan kung kaya't hindi na siya makakalusot kung doon o sa kusina siya papasok dahil makikita siya ng iba. "Binibini!" liningon nito ang boses ni Esraela na tila malayo na sa kaniya. Nakita niya ito ilang metro na ang layo sa kaniya at sinesenyasan siyang sundan siya. Wala na siyang pagpipilian kundi sundan ang dalagita at manalanging sana'y mayroon itong plano.

"Ang alam po nila'y natutulog ka lamang sa inyong silid at ako lamang ang makakapasok. Batid ko ring maaaring hindi kayo bumalik sa oras na bumalik na ang mga Anastasia kung kaya't..." pinakita ni Esraela ang kahoy na hagdan na nakasandal sa kahoy na pader ng mansyon. Napagtanto ni Kalesing ang bintanag pinatutunguhan ng hagdang iyon ay ang bintana ng kaniyang silid. Napangiti ito.

"Dali na ho, binibini! Baka mahuli tayo ni señorito Marcelino! Paniguradong kayo ang unang pupuntahan niya pagdating!" tarantang ayos ni Esraela sa hagdang apakan ni Kalesi. Nagsimulang umakyat ng mabilis ngunit dahan-dahan si Kalesi.

Nang makaakyat ay sumunod si Esraela na inaalayan ni Kalesi. Nanahimik ang dalawa saglit nang makarinig ng mabibigat na yapak sa pasilyo sa labas ng silid. "Binibini, bili, magkunwari kayong tulog!" bilin ni Esraela na agad namang ikinakayat ni Kalesi sa kama at nagtaklob ng kumot. Sa oras na pumikit ito ay nang marinig ang tatlong pagkatok sa pintuan.

"Kalesi?" bulong nito mula sa kabilang panig ng pintuan. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Esraela at binuksan ng bahagya ang pintuan. "Señorito, natutulog ho ang binibini ngayon." wika nito sa uwang ng pinto. "Ah, gayon ba? Kung gayo'y maaari ko bang makita na lamang siya? Ako na ang bahala rito, maaari ka nang bumalik sa iyong pwesto." ngiting tugon nito at hindi na binigyan pa ng tingin ang dalagitang tagapagsilbi at tuluyan nang dumiretso papasok ng silid kung kaya't wala na itong nagawa kundi lumabas ng silid at bumalik sa orihinal na pwesto nito sa kusina. 

Dahan-dahang lumapit si Marcelino sa kamang ikinahihigaan ni Kalesi at lumuhod doon. Kasalukuyang nakatalikod ito sa kaniya ngunit nakangiti pa rin itong tinititigan ang mahabang madulas na buhok nito. Marahan nitong ipinasada ang malaki nitong kamay sa buhok ng dalaga nang nakangiti. Napawi lamang ito nang bumalik sa kaniya ang nangyaring tagpo sa kanila ni Kiandro bago umuwi mula sa mga Diaz.

Nagpaalam panandalian upang pumunta ng palikuran, liningon ni Marcelino ang tinig na tumawag sa kaniyang pangalan. "Marcelino,"  nangunot ang noo nito nang makitang ang kinikilala nitong si Milandrino ang matalim na nakatingin sa kaniya habang humahakbang papalapit. Napailing na lamang ang ito nang lumihis panandalian sa kaniyang isipan na hindi pa rin ito naniniwalang isa siyang Anastasia at siya ang kuya nito. "Anong kailangan mo?"  pabalang na lamang nittong tugon kay Kaindro.

"Sinasadya mo ba ang sinabi mo kanina?" diretsong tanong nito na ito na ipinagtaka ni Marcelino. "Anong kanina?" ngunit sa halip na tumugon ay nginisian siya nito. "Huwag ka nang magkunwari. Batid kong nais mo ring maituloy ang kasalang iyon, hindi ba?" walang naging tulong ang palaisipang iyon dahil lalo lamang naguluhan si Marcelino. "Oo naman. Iyon naman talaga dapat ang nakatakdang mangyari. Ano bang sinusubukan mong ipalabas?" 

"Gusto ko lamang malaman mo na hindi ko kailanmang ginustong makasal sa binibining hindi ko kilala o maalala. Ipabatid mo na rin sa ama mo kung ninanais mo. At... baka gusto mong taasan ang bakod mo dahil gagawin ko lahat nang hindi matuloy ang kasalang iyon."

Hindi nito namalayan ang pag-igting ng panga sa mga katagang binitawan ng binata nitong kapatid. Hindi man niya naintindihan ng buo ang ibig na iparating ni Kiandro batid niyang tinuturing niya itong kaaway sa hindi niya batid na dahilan.

"Marcelino?" rinig nitong pag-ungol ng dalaga, animo'y bagong gising. Tumalikod ito upang harapin ang binatang batid niyang nasa tabi lamang ng kaniyang kamang hinihigaan ngunit napaatras na lamang ito nang hindi inaasahan ang bumungad sa kaniyang mukha ng binata. Ilang pulgada na lamang ang layo ng kanilang mga ilong na maging si Marcelino ay napaatras rin. Sinubukan pang takpan ni Kalesi ang kaniyang ilong matapos umatras sa isa't-isa, bagay na ikinatawa na lamang ni Marcelino.

"Nagising ba kita?" ngiti nitong lalo lamang ikinapula ni Kalesi. Umiling ito bilang tugon, nagbabakasakaling hindi mahahalata ang pagkapula ng kaniyang mukha. "Hindi, hindi, kanina pa ako gising. Hindi mo naman ako nagising." dugtong pa nitong nagpalabas ng pilyong ngiti ng binata. 

"Kanina pa? Ibig sabihi'y naramdaman mo ang paghagod ko sa iyong buhok ngunit hindi ka nagbigay ng reaksyon at nanatili lamang nakahiga? Nagustuhan mo ba ang paghagod ko sa iyong buhok, hmm?" pangungutya nito sa dalaga. Sa hiya'y bumangon na ito sa pagkakahiga sa kama saka umupo at iniwasan ang tingin ng binata. 

"H-Hindi. Ang ibig kong sabihin kasi ay— ahm..." mahabang katahimikan pa ang nailikha ni Kalesi sa pag-iisip ng palusot ngunit naputol iyon nang makarinig sila ng katok sa pinto. "Binibini? Gising ka ba?" ang malalim na boses ni Kiandro ang sumabay sa pagkatok. Tumayo na si Marcelino upang buksan ang pinto para sa binata. Pipigilan pa sana siya ni Kalesi dahil baka kung anong maisip ni Kiandro kapag nakita niyang mag-isa silang dalawa ni Marcelino sa iisang silid ngunit huli na nang makita niyang maglaho ang ngiting suot ni Kiandro nang makitang si Marcelino ang bumungad sa kaniya. 

"Marcelino? Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong nito sa kaharap na binata. Dumako ang tingin nito sa dalaga na nakaupo sa kama at lalo pang nangunot ang noo at kumislap ng galit sa mukha nito. "Anong ginagawa niyo rito... ng kayo lang dalawa?" bumaling muli ang tingin nito kay Marcelino ngunit hindi natanggal ang ngiti nito habang kaharap ni Kiandro. 

"Bakit? Anong masama roon? Hindi naman kami iba sa isa't-isa. Magkasintahan kami, hindi ba?" kasuwal na saad nito sa binata na may mapang-udyok na tono. Ramdam ni Kalesi ang nabubuong tensyon sa pagitan ng dalawang binata nang hindi na sumagot pa si Kiandro kung kaya't tumayo na ito sa pagkakaupo sa kama t pumagitan sa dalawa.

"Ha-ha. Mali ka ng inisip... ang ibig lang sabihin ni Marcelino ay... nakagawian niya na kasing bantayan ako sa pagtulog kaya siya nandito. Hindi na bago sa amin 'yon," utal pa nitong paliwanag. Hindi niya rin batid kung bakit siya nagpapaliwanag rito kung kaya't yumuko na lamang ito nang maiwasan na rin ang tingin na binibigay sa kaniya ng binata.

"Hindi mo naman kailangan magpaliwanag, Kalesi. Kasintahan kita, hindi mo na kailangan pang magpaliwanag kung makita man tayong magkasama. Mabuti pa'y bumaba na lamang tayo para saluhan si ama sa hapag-kainan. Iyon naman ang pinunta mo rito, hindi ba?" mata nito sa binata na hindi na nakatugon pa, taimtim na nakatitig kay Marcelino. Nagpalipat-lipat sa dalawa ang tingin ni Kalesi kung kaya't minabuti na lamang niya ulit na sumingit.

"Oo, oo nga! Baka naghihintay na si ama sa baba!" ngiti nito upang mawala ang bigat ng ng tinginan nila. Nawala nga ang bigat ng atmospera ngunit naalitan ito ng pagtataka at gulat. Unti-unti na ring nawala ang ngiting suot ni Kalesi nang mapagtantong napatingin sa kaniya ang dalawang magkapatid, si Marcelino na nakangiti at si Kiandro na hindi nawala ang kunot sa noo. "B-Bakit?" utal na tanong nito.

"Ama?" nakangiting saad ni Marcelino. "Ama ang tawag mo kay Don Luis?" dugtong pa ni Kiandro, parehas na nakatitig pa rin sa dalaga. Natigilan na lamang pansandalian ang dalaga bago mapagtanto ang kaniyang sinaad. Tumingin siya kay Kiandro at magsisimula na sanang magpaliwanang nang nakarinig sila ng tinig ng isang dalagita sa likod. 

"Binibini!" sigaw ni Esraela na nakakuha ng atensyon ng tatlo kaya napayuko na lamang ito. "H-Hinihintay na ho kayo ng Don Luis sa baba sa hapag kainan." nanatili itong nakayuko. Sa katunayan lamang ay kanina pa ito nagmamasid at pinakikinggan ang usapan ng tatlo mula sa pader patungo sa silid ng kinaroroonan nila at piniling sumingit nang maramdamang nasa mahigpit na posisyon na ang binibini. "Ah, oo! Sige, sige, sige! Narinig niyo 'yun? Tara na! Hinihintay na tayo ni Don Luis!" saka nanguna na palabas ng silid at hinila si Esraela pababa, iniiwan ang dalawa doon.

Narinig ni Marcelino ang hagikhik ni Kiandro kung kaya't nagtatakang lumingon ito dito. "Anong nakakatawa?" inis na tanong nito. "Tingin mo talaga'y totoo ang palabas niyo at nakangiti ka riyan? Bakit, nahuhulog ka na ba sa binibining napulot mo lang sa gitna ng gyera?" titig nitong mariin sa nakakatandang kapatid n ahindi kaagad nakapagsalita dahil sa tono at mensaheng pinalarating nito.

"Marcelino! Kiandro! Tara na! Hindj ba kayo sasabay na sa amin?" rinig pa nilang sigaw ni Kalesi mula sa kabilang dulo ng pasilyo. Binigyan na lamang ng huling tingin ni Kiandro si Marcelino bago sumunod sa binibini, iniiwang nakatulala ang binata doon.

Nag-iba na ang kalatid niya, halatang halata na. Noong una'y hinuha niya'y dahil lamang iyon sa pagkawala niya ng memorya ngunit batid na niya ngayong hindi lamang iyon dahil sa hindi niya sila maalala bilang pamilya niya. May nagpabago sa kaniya noong mga oras na wala siya sa piling ng mga Anastasia dahil salungat na salungat ang personalidad niya sa kaniyang ipinapakita ngayon, animo'y is alamang siyang kamukha ng binata.

'Sandali. 'Babaeng napulot sa gitna ng gyera'? Paano niya nalaman ang una naming tagpuan?'

***

Limitado ang kilos ni Kalesi habang nakaupo sa hapag-kainan, pinapanatili ang tingin sa pinggan lamang nito. Pansin iyon ng tatlong ginoo at batid na batid nila ang dahilan.

"Ama, huwag niyang mataan ang kasintahan ko." balewalang suway ni Marcelino kay Don Luis at patuloy lang sa pagsubo. Habang si Kiandro'y nanahimik na lamang habang pinagmamasdan ang kaharap niyang binata na sinasalinan pa ng kanin ang pinggan ng nag-iisang binibini sa hapag-kainan. "Ah, hindi, ayos lang. Ayos na 'ko. Don Luis, gusto ko rin sanang humingi ng tawad sa nagawa kong kabalastugaan sa Binibining Catalina, pati na rin sa iyo, Milandrino." harap nito sa Don at sa binata na minataan lang siya.

"Dapat lang! Batid mo bang nagkaroon pa ng alanganin si Alvaro na ipakasal si Catalina kay Milandrino dahil sa ginawa niyong gulo?" nagsimulang tumaas ang boses ni Don Luis kung kaya't sumingit na rin si Marcelino. "Ama! Hindi lamang siya ang nasangkot sa away! Saka maliit lamang na pag-alangan ang nangyari, hindi naman si Kalesi ang pakakasalan ni Catalina. Ang dapat niyong asikasuhin ngayon ay ang pagpapakilala ni Milandrino sa susunod na linggo!" nagkatitigan silang mag-ama ngunit si Kalesi'y napabaling ang tingin kay Kiandro na nanahimik sa kabilang panig ng hapag-kainan. 'Pagpapakilala? Ipapakilala na si Kiandro sa lahat sa susunod na linggo?'

"Ganiyan ka na ba sumagot sa iyong ama, ha, Marcelino?! Pagtataasan mo akong boses dahil lamang sa babaeng iyan?! Baka nakakalimutan mong utang mo sa akin ng buhay at posisyon mo—" pagtayo nitosa hapag-kainan ngunit hindi na natapos ng Don ang pangungusap niya'y nagsalita na si Marcelino. "Hindi ko kailangang pagtaasan kayo ng boses kung ang babaeng tinutukoy niyo'y hindi ang babaeng mahal ko!" sunod nito sa pagtayo saka kinuha ang kamay ng dalaga na ikinagulat nito. "Tara na, Kalesi." saka hila nito palabas ng silid-kainan patungo sa ikalawang palapag.

Nang makarating sa pasilyo ng ikalawang palapag, tumigil sa paglalakad si Marcelino dahil sa pagtatantong hindi niya maaaring dalhin sa kaniyang silid ang binibini nang sila lamang dalawa at gising silang pareho. Sa halip ay humarap na lamang ito sa dalaga na nakatulala pa rin ngayon, kita rin ang pag-ikot ng kanang paa nito bilang pagmasahe. Doon niya lamang naalalang nagtamo ng pilay ang binibini dahil sa nangtari sa kanila ni Catalina kagabi. Saglit niya itong pinagmasdan bago piniling hagkan na ikinagulat nito. Hindi na nito inalintanang mahirap ang kanilabg posisyon ngayon para sa kaniya dahil sa pagkakaiba nila sa tangkad.

"Ayos ka lang ba?" bulong nito habang nasa yakap. Bagamat naguguluhan ay tumango lamang ng mabilis si Kalesi. Humiwalay na ang binata sa yakap ngunit pinanatili ang hawak sa magkabilang balikat ng dalaga. "Pagpasensiyahan mo na ang ama. Pinalahalagahan niya lang talaga ng gano'n ang kasalang iyon. May dahilan siya kaya siya nagkakaganoon." pagtitig nito sa dalaga ng may malambot na ekspresyon. At bilang maintindihing binibining kilala nito'y tumango na lamang ng marahan si Kalesi.

"Ukol sa... sinabi mo kanina... ukol sa akin," lumunok ng sariling laway ang dalaga nang lalo pang tumuuon sa kaniya ang atensyon ni Marcelino. Bumakas ang isang maliit na ngiting iplit na tinatago ng binata ngunit nagtanong pa rin siya. "Anong mayroon sa sinabi ko?" painosenteng tanong nito na ikinailing na lamang ng dalaga. "Wala, wala. Baka hindi ko lang narinig ng maayos. Mauuna na ako sa silid," saka yumuko at nagsimulang humakbang ng mabilis upang lagpasan ang binata ngunit napatigil ito nang magsalita siya muli.

"Walang halong pagsisinungaling ang mga katagang sinaad ko kanina. Ramdam mo naman hindi ba?" naramdaman nito ang presensiya ng binata sa kaniyang likod mismo kaya napalunok ito sa lapit niya. "Ikaw ba?" pahabol pa nitong bulong na ikinataranta ni Kalesi. "Ahm, mauuna na ako sa silid." Hindi na nito hinintay pang magsalita si Marcelino at tinakbo na ang pasilyo at mabilisang sinarado ang pinto ng kaniyang silid nang makapasok.

Huminga ito ng malalim bago tuluyang pumasok sa kaniya lahat. 'Tagumpay ako sa misyon kong paibigin ang heneral ng Hukbong Sandatahan ngunit bakit ganito? Normal lang naman ito, hindi ba?'

Napahawak ito sa kaniyang dibdib na para bang may itatago bago naibaling ang atensyon sa bintana. 'Ipapakilala na si Kiandro sa lahat sa susunod na linggo at ang alam nina Ca Kirong ay hindi pa nakakabalik ang bunsong Anastasia. Maaaring idulot ito ng masamang pag-iisip sa akin ni pinuno.'

Unti-unting nagkasalubong ang dalawang kamay ni Kalesi saka nagsimulang maglaro, pahiwatig na siya'y kinakabahan. Naguguluhan na siya.

Batid niyang ipapapatay ni Ca Kirong si Kiandro sa oras na malaman niyang ito ang bunsong Anastasia, iyon ang ikinababahala niya. Ngunit batid niya ring maaaring mawala ang tiwala sa kaniya ni Ca Kirong sa oras na malaman niyang nagsinungaling ito o hindi siya nagpadala ng kahit anong balitang naririto na ang bunsong Anastasia, ay hindi ang isa sa pinakapinapahalagahan niya sa ngayon, ang kaniyang layunin bilang babaeng mandirigma.

Napasabunot na lamang ito sa sarili ata napaupo sa sahig, nakatakip ang bibig. Nagsisimula na itong maluha dahil sa mahigpit na pagdedesisyon kung ipapabatid niya sa buong hukbo ang presensya ng bunsong Anastasia at hayaan silang bumuo ng plano kung paano mawawala si Kiandro o panatiliin ang sikreto ito at mawala ang tiwala sa kaniya ni Ca Kirong.

Tumayo ito sa pagkakaupo at nagsimulang maghakot at maghanap ng pirasong papel at pluma. Nang makahanap ito sa isang maliit na eskritoryo sa tabi ng kaniyang kama, nagsimula itong magsulat ng baybayin. Mababa ang pangkat na kinabibilangan niya at ng kaniyang ama ngunit naituro pa sa kaniya ni Ca Delirio ang paraan ng pagsusulat ng baybayin.

Nang matapos sa kaniyang sinusulat at mabilisan niya itong tinupi at sumilip sa bintana. Pinalibot niya ang kaniyang tingin hangga't sa masiguradong walang tao. Huminga itong malalim bago simulang ilabas ang mga binti sa bintana at bumwelo saka ito tumalon, hindi inaalintana ang pilay na natamo sa alitan nila ni Catalina kagabi. 

Mataas ang mansyon lalo na't mula pa sa ikalawang palapag ngunit hindi iyon maikukumpara sa pagsasanay ng dalaga noon. Nakarating siya sa baba ng maayos pero kailangan niya pang habulin ang liham na dumulas sa kaniyang kamay. Nayakap naman niya ito sa tamang oras bago pa makarating sa basang parte ng lupa.

Maliwanag pa ngunit papalubog na rin ang araw, kailangan niyang maibigay ang liham na ito kay Ca Delirio bago pa magtaka ang mga Anastasia kung nasaan siya. 

"Binibini!" napitlag ito nang makarinig ng sigaw mula sa hindi kalayuan. Itinago pa nito ang hawak na papel sa kaniyang likuran ngunit na ginhawaan nang malamang si Mang Baldo lang naman ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Hawak nito sa tali ang isa sa mga kabayo ng hacienda habang papalapit sa binibini. "Nakita ko kayong tumalon," tumingala pa ito sa bintana ng dalaga saka ibinalik rito ang tingin na nakangiti. "Tunay ngang hindi kayo isang mahinhing binibini lamang." maaaring sa iba'y isa itong insulto ngunit sa pagitan nilang dalawa, batid nilang isa iyong papuri.

"Siya nga ho pala, para kanino ang liham na iyan?" turo pa nito sa likod ng dalaga. Wala nang nagawa pa si Kalesi kundi ilabas sa kaniyang likod ang liham na iyon. Siguro'y nakita ito ng matanda noong sinusubukan niya itong saluhin kanina. Nag-alinlangan pa ito noong una kung sasabihin nito ngunit nagliwanag ang mukha nang maalala ang isang bagay. 

"Mang Baldo, hindi ba't nais niyong makuha ang buong tiwala sa inyo ng samahan?" tanong nito sa matanda na nakakuha ng buong atensyon nito. Nangunot pa ang noo nito pero batid niyang may nais sa kaniya ipagawa ang dalaga. "Tulungan mo akong maiabot itong liham para sa isang espesyal na tao." 

***

Isang tahimik na araw sa kampo ang nabasag sa pagsigaw ng isang ginoo na kumuha ng atensyon ng lahat lalo na si Ca Kirong. "May paparating!" Agad itong pumosisyon na sinabayan at sinundan ng iba pang mga kalalakihan habang ang mga kababaihan naman ay pumasok na kani-kanilang kubo kasama ng mga supling at paslit. 

Nakatutok ang lahat sa paparating na ginoong nakasuot ng salakot. "Tigil! 'Wag ka nang hahakbang pa!" rinig nitong sigaw ni Ca Kirong na agad nitong sinunod at itinaas pa ang mga kamay. "Sandali! Pumunta ako ng payapa! Narito ako dahil ipinadala ako ni Lising!" sa narinig na palayaw ng kanilang babaeng kasamahan, tumayo mula sa pagkaposisyon sa trinsera si Ca Kirong at sinenyasan ang kaniyang mga kasamahan na ibaba ang kanilang mga baril at bolo.

Pinagmasdan niyang mabuti ang matandang ginoo. Payat ito at halatang hapo, batid niyang hindi siya pamilyar sa kampo ngunit batid niya ring may bagong pinagkakatiwalaan si Lising sa loob, marahil isa ito sa dalawang iyon. 

"Anong pinunta mo rito?" inilapag ni Ca Kirong ang isang tasang tsaa sa harapan ni Mang Baldo ngunit tiningnan lamang iyon ng matanda bago bumalik muli kay Ca Kirong na nakatitig lamang sa kaniya. Kaisa-isang bilin ng dalaga'y huwag tatanggap ng kahit ano mula sa kahit sino sa kampo dahil isa itong pagsusulit. Maaaring nilagyan nila ng lason o pampatulog ang anumang pagkain o inumin na kanilang ibibigay at ang hindi pagtanggap nito'y hindi kinokonsiderang bastos. 

Marahan na lamang na itinulak pabalik ni Mang Baldo ang tasa ng tsaa sabi ani, "Ayos lamang ako. Hindi ako nauuhaw." Kahit na hapong-hapo ito sa paglalakbay pataas ng bundok. Napangisi nito si Ca Kirong bago binawi ang tsaang iyon saka siya sinalinan ng bago. "Ipinadala ka nga ni Lising." paglapag nito ng bagong tasa ng tsaa sa harap ng matanda. "Ngayon, anong pakay ni Lising? May nais ba siyang iparating?" panimula ni Ca Kirong. 

Tinaggap na muna ni Mang Baldo ang bagong tasa ng tsaa at sumipsip bago dukutin ang pirasong papel sa kaniyang likuran. "Kailangan kong maibigay ito sa kaniyang ama," ipinakita nito ang liham na may marka ng dalaga na tibok ng puso sa likod, nagkukumpiramang galing nga ito sa dalaga. Pinagmasdan itong matagal ng pinuno bago napangisi.

'Lising... lalo mo lamang pinapatagal ang oras. At sa bawat segundong hindi ako nakakatanggap ng kahit anong balitang gusto kong marinig mula sa iyo mismo, nagsisimula nang maglaho ang tiwala kong ikaw ang alas na sinanay ko.'

Hinablot nito ang liham mula sa kamay ng matandang ginoo na siyang ikinapitlag nito. "Hoy!" subok nito sa pag-agaw muli sa liham ngunit huli na nang mabuksan ni Kirong ang liham. "Ako ang pinuno ng hukbo maging ni Kalesi. Dapat lamang na masuri ko ang mga papasok sa hukbong ito." katwiran nito saka nagpatuloy sa pagbabasa ng liham. 

Habang palalim ng palalim ang pagbabasa niya sa liham na iyon, lalo lamang nito nailulukot ang papel na pinagsusulatan niyon hanggang sa isarado niya iyon. "Maaari mo nang iwan rito ang liham na ito. Huwag kang mag-alala, siguradong makakarating ito kay Delirio." pagtayo ni Ca Kirong sa pagkakaupo sa sahig sa harap ng matandang ginoo ngunit tumigil ito at hinarap muli ang dayo. 

"Hindi, gawin mo na lamang kumportable ang iyong sarili. Hintayin mo ang magiging tugon ni Delirio nang hindi na maghintay pa si Kalesi sa sagot." pagbabago nito ng isip saka lumabas ng kubo at dumiretso sa kubo nina Ca Delirio. Maingat niyang sinarado ang kayawang pintuan na walang magawa kundi lumikha ng isang matinis na ingay ngunit hindi iyon naging sanhi ng pagkagising ni Ca Delirio na hanggang ngayo'y nanghihina't nakahiga pa rin sa parehong banig. 

Binigyan ito ng nakakaawang tingin ni Ca Kirong. May mga pagkakataong ayos naman ang pakiramdam ng kaibigan ngunit sa pagitan ng mga oras na iyon ay ang biglaan nitong pagkahilo at panghihina. Naaawa ito kay Lising na walang alam sa kalagayan nito ngunit hindi niya masisisi si Delirio dahil hindi niya nga rin nais na malaman pa ng dalaga ang kaniyang kalagayan.

Iniwaksi nito ang paksang iyon sa kaniyang isipan at inilibot ang tingin sa loob ng kubo. Matid niyang mayroon papel at pluma sa loob dahil nakapagdala ito kay Lising ng liham noong mga unang araw nito sa loob ng hacienda. 

Nang mahanap ay nag-alinlangan pa ito noong una at tumingin pa sa direksyon ng kaniyang matalik na kaibigan. 'Patawarin mo sana ako sa gagawin kong pag-agaw sa iyong katao ngunit kailangan kong gawin ito.'

***

Ika-4 ng Hunyo ng taong 1829, Araw ng Pagpapakilala

Lumipas ang ilang araw at dumating ang araw ng pagpapakilala ni Kiandro sa lahat. Nagtipon ang lahat sa tapat ng hacienda Anastasia, lahat ay imbitadong makita sa kauna-unahang pagkakataon ang pinakahinihintay nilang tagapagmana. 

Walang tao sa loob ng mansyon ang nagpapahinga. Ang mga kusinera'y abala sa pagluluto ng mga putaheng ihahanda sa lahat, mga tagapagsilbi't naatasang mag-ayos sa mga miyembro ng pamilya Diaz at Anastasia'y abala naman sa pagsasaayos ng kabuuan ng magaganap na pangyayari at maging sa kabuuan ng mga Don, ginoo, at mga binibini dahil ngayong araw na rin na ito gagawing publiko ang pagkakatali ng Diaz sa mga Anastasia. 

Bahagyang napangiwi si Kalesi sa higpit ng pagkakahila ng isa sa mga ginang sa parte ng sayang sakop ang kaniyang baywang. "Kailangan ho ba talagang ganiyan kahigpit? Hindi ho ba maaaring luwagan?" mahinhing tanong nito sa ginang na halata ang pagkamaldita na nag-aayos sa kaniya. "Kailangan dahil bilin sa akin ng Don ay gawin kang presentable, at hindi mukhang..." tumigil pa ito saglit sa pagsasalita at tiningnan mula ulo hanggang paa si Kalesi mula sa likod. Palibhasa'y batid niyang hindi siya nakikita ng dalaga kung kaya't malakas ang loob nitong tingnan ng ganoon ito. Ngunit bagamat nakatalikod ay batid niyang minamaliit din siya ng tingin ng isang iyon. 

"Idadagdag ko ito sa iyong buhok, huwag lang malikot." pag-iiba na lamang nito sa paksa at kinuha ang isang bulaklak na disenyo sa buhok. Magsisimula na sana ito mag-ayos sa buhok ng dalaga ngunit tatlong magkakasabay na katok ang pumigil sa kaniya. "Maaari ba akong pumasok?" Agad nakilala ni Kalesi ang boses na iyon kug kaya't mabilisan itong hinawi ang kamay ng tagapag-ayos nito na kanina niya pa gustong gawin at tinakbo ang distansiya sa pinto bago ito buksan. 

"Lola Helia!" yakap niya ang sumalubong sa kaniyang matandang ginang na tinanggap naman nito. Napakrus na lamang ang braso ng matandang ginang na inaayusan ang dalaga kanina at tumaas ang kilay habang nakatingin sa dalawang magkayakap.

"Ano hong pinunta niyo rito?" masiglang tanong ni Kalesi rito. "Pinadala ako ng señorito Marcelino upang ayusan ka. Hindi rin sana ako papayag ngunit sinabi niyang nais mo raw akong makasama. Paano ko naman hindi pagbibigyan ang apo-apohan ko? Maaari na rin nating ituloy ang naudlot nating pagkukwentuhan." lalo pang lumiwanag ang ekspresyon ng dalaga sa narinig." Buti na lang ho'y masisigurado kong maayos akong tignan kung kayo ang mag-aayos sa akin." pagpaparinig nito sa matandang ginang na nag-aayos sa kaniya kanina.

Humarap ang dalaga rito saka sinaad, "Manang, hindi na ho kayo kailangan. Narito na ho ang lola ko. Maari na kayong umalis." mapangasar na ngiti pa nito na ikinabuo ng bilog na mata't bibig ng gulat na ginang. Sandali pa itong nanatili sa gulat na ekspresyon bago nagsimulang mag-impake.

Nang matapos ay naglakad na itong taas-noo palabas ngunit natigilan nang tawagin siya ng binibini. "Kung ako ho sa inyo, ibahin niyo ho ang ugali niyo sa mga kliente niyo dahil hindi niyo batid kung may tagong pagkatao ang isa na kayang-kaya kang patumbahin kasama ng pamilya niyo." saad ni Kalesi ritong nakangiti saka sinaraduhan siya ng pinto. Humarap siya muli kay señora Rogelia na nag-aayos ng gamit.

"Ayan ho ba ang susuotin ko?" turo ng dalaga sa isang sayang tila kumikinang sa kaniyang dilaw na kulay. Tumango lamang ng marahan ang matanda saka hinarap ang binibini. Noong una'y akala lamang ni Kalesi'y sinusuri siya nito pero nagtaka ito nang unti-unting bumagsak ang nga ngiti sa labi nito. "B-Bakit ho?" utal na tanong nito.

Nagpakawala ng isang malalim na hininga ang matanda bago magsalita, "Hindi ko batid kung sino sa dalawang señorito ang tinutukoy mong gumugulo sa iyong isipan at damdamin ngunit... hindi mo naman kailangang pumili. Dahil sa oras na pumili ka sa kanila, batid kong mayroong masasaktan at lalo lamang iyon pasasakitin ng oras." malumanay at pilit na ngiti ang pinakita nito sa dalaga na labis nitong ikinablangko.

Matagal itong naging tahimik at isinasaisip ang palaisipang iyon. "Kayo ho? Ano ho sa tingin niyo ang tamang desisyon?" pag-aalinlangang tanong nito na saglit ring ikinatahimik ng matanda. Hindi nagtagal ay nagpakawala ito ng ekspresyong may halong lungkot at ngiting peke.

"Ako, pinili kong masaktan ang sarili ko dahil... hinayaan kong mawala ang isa kong pagpipilian nang hindi pinapaalam sa kaniyang isa siya sa mga desisyon ko. Ngunit ikaw," hinawakan nito ang magkabilang kamay ng dalaga. "Naririyan pa ang dalawa mong pagpipilian, hija. May oras ka pa bago magkandaguho ang lahat at matangay niyon ang lahat. Kailangan mo na lamang pumili, isa laban sa isa."

***

"Ang bunsong Anastasia, mga kababayan, ang aking bunso, Milandrino Anastasia!" pag-anunsyo ni Don Luis sa lahat kasabay ng pag-akyat ni Kiandro sa kahoy na entabladong ipinatayo mismo ni Don Luis para lamang sa pagpapakilala. Simu't-saring palakpakan at sigawan ang narinig at numalingawngaw sa buong paligid kasama na ang mga binibining edad ng señorito na nahuhumaling sa taglay nitong kagwapuhan lalo na kapag nakangiti.

"Hala! Tunay ngang may itsura ang mga Anastasia! Magiging dalawa na ang papá natin!"

"Pero dalawang may kasintahan na. Ayun oh!" duro pa ng kaibigan nito sa umajyat na binibining Diaz sa entablado.

Nanatiling nakangiti't nakatayo doon si Kalesi sa tabi ni Marcelino na kapwa nasa entablado rin. Pansin ni Marcelino ang bahagyang pagtatago ni Kalesi sa kaniyang likod. Naiintindihan naman niya iyon dahil tunay ngang hindi sanay ang dalagang humaharap sa maraming tao. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga saka ito hinalikan. Ikinagulat ito ng dalaga. Ngunit tila hindi nakakaramdam ang binata. at hinubad pa ang nakasabit na pamaypay sa kanang kamay ng dalaga na labis nitong ipinagtaka. 

"Magmula ngayon, susuotin at gagamitin mo na ang iyong pamaypay sa kaliwang kamay lamang. Kaliwete ka hindi ba?" bahagyang nanlaki ang mata nito sa sinaad kahit na nagtataka pa rin sa bilin nitong kaliwang kamay lamang ang gagamitin. Hindi niya inakalang mapapansin ng binatang kaliwete siya. "Ngunit bakit kaliwang kamay lamang ang maaari kong gamitin?" inosenteng tanong nito na ikinangisi lamang ng malawak ni Marcelino at nagpatuloy sa pagpalakpak habang hawak ang kamay ng dalaga.

At lahat ng iyo'y hindi nakatakas sa paningin ni Kiandro.

Matapos ang pagpapakilala'y nagsimula ang kainan. Sina Don Alvaro't Don Luis sa loob ng hacienda Anastasia upang salubungin ang mga bisita nitong mga tagamalalayong lugar, mga prinsipales, opisyales, kapwa gobernadorcillo, alkalde at mga negosyante mula pa sa mga bansa ng Europa.

"Heneral," lapit ng isa sa mga sundalong sakop at nakapalibot sa sekta kay Marcelino. "May dumating pong telegrama galing sa Maynila." maging si Kalesi'y napatingin kay Marcelino na napatayo. Humarap ito sa dalaga, "May kailangan muna akong asikasuhin. Pakisabi na lamang kay ama. Babalik rin ako mamaya, pangako." nakangiting paninigurado nito sa dalaga bago humarap kay Kiandro na nakaupo tin sa parehong lamesang mahaba sa entablado. "Milandrino, pakisabi na lang kay ama na may aasikasuhin lang ako pero babalik ako mamaya." bilin nito.

"Oo. Ako na ang bahala sa iyong kasintahan." saad nitong ikinabahala ni Marcelino. Muling bumaling kay Kiandro ang tingin nito maging si Catalina'y pumitik ang tingin sa kasintahan. "Hindi mo na kailangan pang bantayan si Kalesi. May mga sundalo akong binilinan na kayang bantayan ang kasintahan ko." pagdidiin nito sa salitang 'ko' na ikinakibit - balikat na lamang ni Kiandro. "Kung iyon ang iyong nais. Humayo ka na." tila magpangutya pa nitong tugon sa kaniyang kuya na ikinaupo na lamang muli nito sa tabi ng dalaga.

"Parang ayoko nang umalis dito. Dito na lang ako sa iyong tabi." pag-upo nito sa tabi ni Kalesi na ikinatawa nito. "Kailangan ka doon, hindi ba? Sige na, humayo ka na. Kung gusto mo naman, didistansya na lamang ako kay Kia— Milandrino." pilit na ngiti nito, inaashaang hindi nahalata ng binata ang pagkautal nito sa pagbigkas ng pangalan ng binata.

Tumingin lamang sa kaniya saglit si Marcelino saka nagpakawala ng buntong-hininga. Batid niyang hindi niya maaaring balewalain ang telgramang galing pa mismo sa gobernador-heneral. "Bueno. May aatasan akong mga guardia civil na umaligid at magbantay sa iyo habang lumalayo ka kay Milandrino. Wala akong tiwala sa kapatid kong 'yon. At nakikiusap ako, Kalesi, huwag ka nang lumayo sa mga guardiang aatasan ko. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala noong nalaman kong nawawala ka na naman?" tila pagmamakaawa nito sa dalaga na ikinangiti lang nito. Hindi man niya aminin ay natutuwa ito sa kaisipang ito ang panig ng binatang heneral na kaniyang nakikita. Malambot at ilalim.

"Oo na, oo na. Alam ko, alam ko. Sige na, baka mahuli ka pa." pagpapaalam nito sa binatang heneral. Hinintay niya itong sumakay ng kabayo at lumayo bago piniling tumayo na at iwanan roon ang dalawang magkasintahan na si Catalina at Kiandro.

Nakihalo ito sa madla, sa mga bata kung tutuusin, at nakasayaw. Nakisali naman sa kaniya ang mga bata dahil natatandaan pa rin ng ilan ang mukha ng dalaga noong bata pagtitipon dito rin sa tapat ng hacienda.

Napawi lamang ang ngiti ni Kalesi noong makarinig ito ng isang malalim na tinig sa kaniyang likod. "Kasama ang mga dayo?" Si Don Alvaro. Yunuko ito bilang paggalang sa nakakatanda at nakakataas. "Ah, opo." 'Halata naman hindi ba?' Gustong-gusto nitong idugtong ngunit nanahimik na lamang alang-alang sa katauhang pinapalabas nito.

"Tama nga ang mga kasabihang kahit gaano ka na kataas ay babalik at babalik..." lumapit ito sa dalaga ng paisa-sang hakbang habang napaatras lang si Kalesi dahil sa nakakaintimidang awra ng Don. Batid niya ring may hinanakit ito sa kaniya dahil nagkaalitan sila ng anak nito. "... babagsak at babagsak ka pa rin sa pinanggalingan mong lupa." hindi nakatugon si Kalesi. Kahit gaano niya ginustong patulan ang matanda, hindi na maaaring gawin dahil maraming nanonood.

"Hindi ko labis na maisip na isnag gaya mo ang bumihag sa puso ng isang señoritong gaya ni Marcelino. Nakakaawa." komento pa nito habang binibigyan ng isang nandidiring tingin ang dalaga mula ulo haggang paa. Ramdam ni Kalesi ang hiya't inis sa tinatagong ugali ng mga Diaz na ngayon niya lamang naipapakita dahil wala ng makakakita kundi mga batang walang kamuwang-muwang. Pumasok sa kaniyag isip ang palaisipang wala ngang makakakita sa kanilang dala o sa kung anumang maging asta nito sa harap ng Don dahil abala ang lahat sa pagdiriwang. 

Tumitig ito sa Don na kaharap na siyang ikinagulat nito pero ngumiti lang si Kalesi. "Hindi ko ho batid kung natural kayong ganiyan na nagpapakitang tao lamang sa harap ng nakararami o ayaw niyo lamang sa akin dahil sa pinaggalingan ko ngunit matanong lang ho kayo kung inyong mamarapatin. Batid niyo ba ang buo kong pangalan? Ang dati kong tinitirhan? Ang pinanggalingan kong nayon? Nagkaroon na ba kayo ng pananaliksik ukol sa buhay ko? Dahil kung hindi, iyon ang sehustiyon ko, baka sakaling magdalawang-isip kayong maliitin ako dahil ang intensyon ko'y puro at walang halong biro... o maaari ring kabaliktaran. Saka ko lamang tatanggapin ang iyong panglalait," titig nitong na nagpanatili pa rin ng gulat na ekspresyon ng Don. Linagpasan niya ito ngunit hindi pa rin talaga tumitigil ang pagsasalita nito.

"Tama nga si Catalina." tumigil sa kaniyang yapak si Kalesi habang ang Don nama'y liningon siya. "Parehas lang tayo ng aking pamilya at ikaw, hija. May tinatago kong ugali't pagkatao, gaya ng bawat miyembro ng pamilyang kilala at nakakasama mo ngayon, maging ang mga Anastasia. Ang pinagkaiba lamang natin ay nakaangat kami sa buhay dahil sa pagpapakitang-tao. Ikaw? Anong naabot at maabot mo? Ang pagkapit na parang tuko sa isang mataas na pader?" Hindi na nakatugon pa si Kalesi na tila naubusan na siya ng sasabihing pampatol sa Don.

Nagsimulang kumuyom ang mga kamay nito saka humarap sa matanda. Matagal ang naging titigan nila. Sa pakiramdam nito'y kaunti na lamang ay hindi na nito mapipigilan ang inis. Natigilan ito nang maramdaman nito ang pagsakop ng isang malaking palad sa kamao nito. Sinundan niya ng tingin ang braso ng may-ari ng kamay na sumakop sa kaniyang kuyom na kamao at nagulat nang makita ang pamilyar na mukha. 

"Kiandro," banggit ni Don Alvaro sa kaniyang pangalan ngunit binigyan niya lamang ito ng isang mabilis na tingin bago bumalik muli sa binibini ang atensyon- bagay na ikinakunot ng noo ng Don. "Kailangan mo talagang kontrolin ang pagiging marahas mo. Baka mabuking ang palabas mo. Pakawalan mo na ang kamao mo." brusko't nakakapangilabot na bulong ang bumungad sa dalaga pero sumunod ito sa sinaad ng binata at pinakawalan ang kamaong namuo dahil sa inis nito. Ikinangiti ito ni Kiandro bago mabilis na napalitan ng isang diretsong mukha sa pagharap sa Don. 

"Mawalang-galang lang ho, Don Alavaro ngunit sana maintindihan niyong ginagawa ko ito bilang kapatid ng kasintahan ng binibining minamaliit niyo. Walang po akong pinapanigan. Napatunayan na hong puro ang intensyon ng binibining ito, at ang alitan nung gabing iyon? Maaari na ho bang kalimutan na natin iyon? Hindi naman ho nagtamo ng malaking pinsala si Catalina sa panig niyo. Kung tutuusin nga ho'y si Kalesi ang napilayan sa alitang nabuo, kung kaya't pagpatawari na lamag ho natin ang isa't-isa, tama ho ba?" tila ba'y may nakitang kakaiba, nagpalipat-lipat sa dalaga at sa binata ang tingin ng Don ngunit hindi nabanggit ng isa pang salita.

"Kaya kung inyong mamarapatin, mauuna na ho kami." Hawak sa pulsuhan, hinatak na niya ang dalaga palayo doon habang sinusundan lamang sila ng tingin ng Don Alvaro. Kita pa nito ang subok na pagpupumiglas ng dalaga sa hawak ng binata ngunit tumigil ito nang bigyan siya ng tingin ni Kiandro kaya wala na itong nagawa kundi magpahatak. Gulat, naguguluhan, nagtataka, inis- halo-halo, hindi na maintindihan ang dapat nitong maramdaman sa kaniyang nasaksihang tila panloloko sa kasintahan ng isa't-isa sa harap pa mismo niya.

Napangisi na lamang ang Ginoong Diaz. 'Tila isang napakainteresanteng tagpo ang magaganap sa hindi kalayuan.'

***

Matapos ang pagdiriwang, wala pa rin ang presensiya ni Marcelino. Nagliligpit na ang lahat sa naging pagdiriwang at makikita sa labas ng tarangkahan ang dalaga, hindi para tumulong o hintayin ang pagbabalik ni Marcelino. "Mang Baldo!" pagkuha nito sa atensyon ng matandang ginoo. Agad namang tinakbo nito ang distansiya sa kanila ng binibini na nag-iingat na hindi makakuha ng atensyon dahil sa pagsimpleng lapit  lamang nito sa dalaga'y maaaring magkaroon ng tsismis na tila isang pandemyang mabilis kumalat. "Mayroon na ho bang sulat si ama pabalik?" pangungulit nito. Ilang araw na rin noong huling nagkausap ng matino ang dalawa dahil naging abala ito sa mga pagtatakbo at pag-aasikaso sa mga utos at bilin sa kaniya ng mga amo nitong mga Anastasia.

"Ah, binibini, ukol sa kampo ninyo. Sa inyong pinuno—" ngunit hindi na nito naituloy pa ang kaniyang balita nang marinig nito ang isang pamilyar na boses ng bunsong señorito. "Nakilala mo na pala si Ca Kirong?" nanlaki ang mata ng dalawa. Biglaang napayuko si Mang Baldo sa unti-unting paghahakbang nito papalapit sa kanilang dalawa na mayroong isang pilyong ngiti. Tumingin ito sa dalaga kung kaya't sumunod ito sa pagyuko ni Mang Baldo. 

"Tatanungin kita, Mang Baldo. Kamusta ang pagbisita mo sa kampo? Hindi ko batid na nakapasok ka na rin doon." ngiting pilyo nitong ikinapikit na lamang ng mariin ng matandang ginoo dahil sa kaba't pagtataka na ginamit nito ang pang-akop na 'rin'. 'Ibig sabihin ba niyo'y kapwa nakapasok na rin ang señorito sa kampo?' "Naging malupit ba sa iyo si Ca Kirong tulad ng kaniyang pakikitungo sa akin noong unang araw ko doon?" dugtong pa nitong ikinatiyak ni ng matanda na tama ang hinala nito.

Samantalang si Kalesi'y napapaikit na lang rin ng mariin dahil sa kanilang tagpo ngayon. Kapwa hindi pa rin natayo sa pagkakayuko ang dalawa sa harap ng binatilyo nang maiwasan ang mga mata nito. Dumako ang tingin ni Kiandro sa pamaypay na suot ng dalaga sa kaliwang kamay nito. Hindi man aminin ay sumiklab ang galit at selos sa mata nito. "Nag-alok na sa iyo si kuya ng kasal, binibining Kalesi?" tanong nitong ikinaharap ng dalaga na may kunot sa noo, nagtataka. Nginuso niya ang pamaypay na nasa kaliwang kamay nito kaya napatingin ito roon. 

"Nasa kaliwa ang iyong pamaypay, tulad ng kay Binibining Catalina. Ayon sa kaniya'y senyales iyon na may nobyo na ang binibini o nalalapit na itong ikasal kaya ko napansin." ngiti nitong nagtatago ng tunay nitong emosyon. Kumunot lamang ang noo ng dalaga 'pagkat nasa kaliwa lamang ito dahil bilin iyon ni Marcelino, hindi niya aakalaing mayroon itong ibig sabihin.

Dahan-dahang pagtango na lamang ni Kiandro. "Bueno, kung hindi niyo naman ako nais na kausapin. Naiintindihan ko naman. Maiwan ko na muli kayo." saka nilagpasan ang dalawa nang may pilyong ngiti na agad ding ibinagsak nito nang makalagpas sa dalawa. Nang makalagpas ay binigyan ng gulat na tingin ni Mang Baldo si Kalesi ngunit napaiwas lang ito ng tingin at hinabol ang binatilyo. 

"Kia— señorito!" habol na tawag nitong ikinakuha ng atensyon ng binata. Liningon nito ang dalagang hirap habulin ang kaniyang malalaking yapak. Napangiti na lamang ito habang pinagmamasdan ang dalaga suot ang mala-gintong sayang batid niyang hindi niya nakasanayan. Lumapit ito ng ilang hakbang habang hindi nakatingin ang dalaga at ipinatili ang malawak na ngiting  agad na tumatak sa mga puso ng mga binibini sa nayon. "Anong maipaglilingkod ko sa iyo, binibini? Akala ko ba'y hindi niyo ako nais na makausap?" painosente pa nitong tanong. 

"Ukol..." halata ang pagdadalawang-isip nito sa paksang kaniyang babanggitin. Inilibot pa nito ang tingin sa paligid at nang masiguradong abla ang lahat sa kani-kanilang gawain ay hinawakan nito ang laylayan ng barong tagalog ni Kiandro saka ito hinila patungo sa parte ng haciendang walang tao. 

Malugod namang sumunod at nagpahila ang binatilyo sa kaniya ngunit nang makarating sa  malalim na parte'y hinila na nitong pabiro pabalik ang laylayan ng kaniyang barong tagalog mula sa dalaga. "Sandali lang, binibini. Hindi ba't may kasintahan ka na? Hindi tayo pwedeng makita ng magkasama at mag-isa sa isang liblib na parte ng hacienda. Kataksilan ang ginagawa mo. At batid mo ba ang ibig sabihin ng punong ito sa isang binibining may kasamang lalaki?" tingin ni Kiandro sa malaking puno sa ibabaw nila. Kabado itong tiningnan ni Kalesi, inaalala ang ilang punong mangga na pinaglilihian ng mga buntis na binibini. "Ano?" kunwari pa nitong pagmamatapang kahit na batid niyang maaari siyang pagkamalang buntis o nagtataksil kung sakaling may makakita sa kanilang mag-isa.

Napaatras ito nang gumawa ng hakbang papalapit ni Kiandro at bahagya pa itong yumuko upang kahit papaano'y mapantayan ang tangkad ng dalaga. Ngumiti itong napakalapad nang masilayan ang nanlalaking mata ng binibini dahil sa lapit ng mga mukha nito sa isa't isa. Bumulong ito, "Hindi ko rin alam." saka tumawa ng mahina na ikinakunot noo ng dalaga. Hindi nagtagal ay tumatak ang sinabi ng binata sa kaniya at sinimulan niya itong paghahampasin sa braso. 

"Tanga ka ba?! Ha?!" bulyaw nito na agad naman sinenyasan ni Kiandro na tumahimik dahil baka mayroong makarinig. Napatakip na lang ng bibig si Kalesi at luminga sa paligid. "Ayan, ayan. Tingnan mo, ang hinhin mo sa harap ng asungot na iyon ngunit pagdating sa akin minumura mo pa ako. Dapat ba akong masaktan?" paghawak at pag-inarte pa nitong parang napana siya sa dibdib na ikinangiti ni Kalesi. "Ah, sandali, sandali. Ano itong nakikita ko? Napangiti pa kita, hmm?" panunukso nito sa dalaga na tinakpan ang bibig nito at binigyan ng matalim na tingin ang binatilyo, nagbabakasaling hindi mahalata nito ang kaniyang pamumula.

Bumalik na lang si Kiandro sa dati nilang distansiya at muling nagsalita na ikinagulat ni Kalesi. "Huwag kang mag-alala. Hindi ko ibubuking ang kampo o ang samahan, maasahan mo ako na parang hindi mo ako kaalyado. Dahil tulad mo, may kailangan rin akong protektahan."

***

Ilang yapak ng mabibigat na paa ang umalingawngaw sa buong pasilyo ng seldang kinaroroonan ni Henritong kasalukuyang nanghihina at nakahandusay sa sarili nitong dugo. Napalingon ito sa metal na rehas nang marinig ang pagbukas noon. Kahit na hirap makakita dahil sa napakalaking pasa nito sa mata'y naaninag niya ang pigura ng mga guardia civil na pumasok sa selda nito. "Tayo na riyan." sipa pa sa kaniya ng mistulang pinuno ng tatlong guardia civil, ito rin ang parehong guardiang nangunguna sa pagpaparusa sa kaniya. Pero nagmatigas ito at hindi kumibo sa pagkakahandusay sa sahig.

Dahil na rin sa maikling pasensiyang taglay ng guardiang kinakausap siya'y sinipa niya ng pagkalakas-lakas ang tiyanan ng binatang preso. Ilang araw na rin itong nandirito at walang inimik sa kahit isa. Ang tanging dahilan lamang ng pananatili nitong buhay ay ang nauudlot na utos ng kanilang heneral na sa tingin nila'y naimpluwensyahan rin ng bunsong Anastasia 'pagkat magkasama sila noong nahuli.

Hindi man halata'y maingat ang nagiging pananaliksik at pag-iimbetsiga sa mga Anastasiyang iyon ang ginagawa ng ilang mga pinuno ng hukbo, kahit na walang pahintulot ng binatang heneral. Duda sila sa binatilyo.

"Alam mo, magiging madali ang buhay nating dalawa kung susunod ka na lang sa utos ko." paglambot ng tono nito sa harap ng binatilyo. Ngunit ngiinisian lang siya nito na ikinahilamos ng mukha ng guardiang iyon. "Nating dalawa? Ikaw lang. Naghihirap na ako, hindi naman ako papayag na magiging madali lang sa iyo ang trabaho mo. Sabay-sabay tayong mapaparusahan at mahihirapan." ngising tugon nito na ibinalik ng guardiang kausap. 

"Mapaparusahan? At bakit ako mapaparusahan? Bakit? Umaasa ka pa rin bang darating ang mga kasapi mo sa rebelyon? Hindi mo ba alam kung anong araw na? Higit dalawang linggo ka nang nandirito pero ano?! Tingnan mo nga ang paligid mo," hinawakan niya itong marahas sa baba at sapilitang ipinalibot sa kaniyang selda ang paningin. "... nanlalansa na sa sarili mong dugo." hinarap niya muli sa kaniya ang mukha at tingin ng binatliyo. "Hindi na sila darating. Mabubulok ka rito kasama 'yang dignidad mo." pagtapon nito sa baba ng binatilyo na walang imik habang tumatatak sa isip nito ang sinabi ng guardia. Kahit gaano pa man nito nais na patulan ang lalaking iyon ay wala siyang maggawa dahil sa mga lubid at metal na kadena sa kaniyang pulsuhan at paa.

Tumayo na ang guardiang iyon at humarap sa dalawa pa nitong kasama. "Ilipat niyo na iyan, nakulo ang dugo ko riyan, baka mapatay ko pa. Siguraduhin niyong mahigpit ang pagkakatali niyan sa isa sa mga kabayong kasama sa paglalakbay, at palakarin niyo hanggang pier. Siguraduhin niyong hindi makakatakas hanggang sa makarating tayo ng Maynila. Kailangan siyang buhay ng heneral."

***

Hinipan ni Kalesi ang kaniyang mga palad nang kahit papaano'y mainitan dahil sa lamig ng simoy ng hangin ngayong palalim na ng palalim ng gabi. Tapos na ang pagsasalo nila sa hapag-kainan kasama ang mga Anastasia at Diaz ngunit wala pa rin si Marcelino dahil sa naglakbay raw ito patungong Maynila at maaaring ilang araw ito mawala sa hindi sinabing dahilan. Tapos na ring magligpit at magsiayos ang mga tauhan ng hacienda sa mga gawain nito at nakauwi na rin ng payapa ang mga Diaz ngunit ito ang dalaga, tinitiis ang lamig sa likod ng mansyon dahil hindi ito mapakali. 

Hanggang ngayon ay wala pa rin ang hinihintay nitong liham pabalik mula sa kaniyang ama, tapos na ang pagpapakilala at wala itong nagawang desisyon dahil hinihintay pa rin nito ang liham ng ama. Ngunit batid niyang maaaring sa mga oras na ito'y lumalaki na ang pagdududang mayroon si Ca Kirong sa kaniya dahil sa hindi nito paglathala ng balita ukol sa pagpapakilala. Batid niyang walang kaalam-alam ang kampo dahil walang nangyaring gyera, patayan, o simpleng hudyat ng paglulusob. At ang isa pang bumabagabag sa isip nito ay ang pakana ni Henrito sa kamay ng mga guardia civil.

Kanina pa ito kinokonsiderang tumakas muli ngunit palaging sumisingit ang palaisipang maaaring hindi ito tanggapin ni Ca Kirong sa kampo dahil sa pag-akalang pagtataksil. Napaupo na lamang ito sa sariling hita at ipinagdikit ang mga kamay sa mga labi nito. 'Kailangan kong malaman ang kalagayan ni ama sa kampo dahil siguradong kung ako ang pinag-iisipan ni Ca Kirong na taksil, kasabwat ko si ama.'

Tumayo ulit ito at humingang malalim bago nagsimulang humakbang paikot ng artipisyal na lawa, patungo sa magubat na parte ng hacienda na sa likod ay ang mataas na pader na ginagawa nitong lagusan palabas.

"Binibining Kalesi?" napitlag ito sa punton g muntik na itong madulas sa putik sa paligid ng lawa. Ginamit nito ang kamay upang maging tungkod sa kaniyang likod ngunit hindi na niya ito kinailangan nang maramdaman nito ang isang bruskong braso na sumuporta sa likod nito. Saglit itong napatitig sa mata ng ginoong may-ari ng brusong brasong iyon bago napagtanto ang katauhan niya. 

"Ki— Milandrino... señorito Milandrino," bahagya nitong pagyuko bilang paggalang na ikinatawa lang ng binata. "Wala akong kilalang Milandrino, binibini. Kiandro ang pangalan ko, ayon sa iyo." ipinasilay nito ang ngiting nakakatunaw. Nagpapasalamat na lamang si Kalesi na madilim na ngayon dahil sa pag-iinit at siguradong pamumula rin ng kaniyang mukha. "Anong ginagawa mo rito sa parte ng haciendang ito?" inosenteng tanong nito na animo'y hindi batid ang pakay ni Kalesi. 

Saglit pa itong tinitigan ng dalaga pero umiling lang din at sinaad, "Wala. Nagpapalamig." pinutol ito ng binata. "Nagpapalamig?" panunukso nito na ikinatahimik ng dalaga. "Oo na. Nagbabakasakali akong babalik si Marcelino, masaya ka na? Mauuna na ako sa loob." inis na panunukso nito sa binata sak aito nilagpasan. Ayon ang ikinawala ng ngiting-asong nakapaskil sa labi ng binata. 

"Marcelino pa rin? Ayung asungot pa rin na 'yon?" malumanay na saad ng binata na ikinatigil sa yapak ni Kalesi. Ramdam niyang nakatingin na sa kaniya ang binata mula sa likod kung kaya't pinili niyang huwag na lang tumalikod nang maiwasan ang tingin nito. "Alam mo bang hindi ka lang lumalabag sa batas ng Diyos at katauhan na huwag magtaksil?" walang anumang bakas ng panghihina o utal ang nagpaalarma sa dalaga at dahilan nito upang tuluyang harapin ang binata. 

"Una sa lahat, hindi kita kayang pagtaksilan dahil una pa lang hindi naman tayo—" napatigil ito sa pagsasalita nang makasalubong ang paningin nilang dalawa. Hindi man halata sa boses at ekspresyon ng mukha ng binata, kita ng dalaga ang matubig-tubig nitong mga mata. Bukod sa kaniyang ama noong nawala ang kaniyang ina, wala pa itong nakikitang ibang lalaking nagpapakawala ng luha, at hindi niya batid ang pamumuo nito ngayon. 

"Umiiyak ka ba?" tanong nito kahit na halata naman. Hindi tumugon si Kiandro at walang pasabing naglakad papalapit. Sinubukan pang lumayo at umatras ng dalaga ngunit masyado nang malapit ang binata sa kaniya. "Anong— ano bang ginagawa mo? Lumayo ka nga!" subok pa nitong paglayo sa binata pero hindi nag-iba ang paraan ng pagtingin nito sa kaniya. Nagulat na lamang ito nang ilabas ng binata ang isang pamilyar na pulang telang may burdang bulaklak ng rosas.

"Sa pagtanda, kapag may nakita akong binibining may suot pulang telang ito, kahit ano pa man ang maging katayuan natin sa panahon na iyon, papasok muli ako sa iyong buhay... Lising."  pagbanggit nito sa mga katagang binitawan ng kababata nitong akala niya'y hindi na niya kailan pa man makikita pa. Habang sinusuri ng tingin ang kabuuan ng ekspresyon at presensiyang ibinibigay ng binata, hindi ito kahit isang beses, umalis sa tingin ng dalaga. 

"Landong?" halos bulong na lang iyon ngunit iyon ang dahilan ng pagbalik ng isang maliit na ngiti sa labi ng binata. "Pagpaumanhin mo na kung natagalan pero naalala kita noong unang beses na nakita ko ang telang ito, gusto ko lang humanap ng palusot at tamang panahon para sabihin sa 'yo." patuloy nito sa pagsasalita habang inaangat ang buhok ng dalaga sa likod upang taliin ito gamit ang pulang tela. Pansin nitong hindi na suot ng dalaga ang gintong kuwintas na ibinigay nito sa kaniya ngunit hindi na nito pinansin iyon dahil baka naniniguardo lamang ang dalaga na hindi mahuli.

"Sa tingin ko'y ito na ang tamang oras," ngiti nito at hinagod ang buhok ng dalaga na nakatitig at hindi pa rin makapaniwala hanggang ngayon. "Hindi ako sumuko o susuko lalo na't ibinigay sa akin ng ama natin mismo ang karapatan ko. Naiintindihan ko ang iyong layunin pero nawa'y hayaan mo akong gawin ang akin sa iyo kahit hindi madalas, kahit patago." ngising-asong saad nitong walang ipinagkaiba sa ekspresyong nakapaskil sa mukha ng dalaga. 

Sumenyas ito ng ngumiti sa dalaga gamit ang sarili nitong mga daliri na gumihit ng pigura ng nakangiting labi sa sarili nitong mga labi. Ilang sandali pa itong tinitigan ni Kalesi ngunit kalauna'y nagpahawa sa mga ngiting ipinapasilay sa kaniya ng binata. 

"Pangako, hindi kita pakakawalan. Hindi na ako papayag na mawalay ka muli sa akin, sisisguraduhin kong gagawin ko lahat." ngiti nitong tila pilit na hindi mapawi ang mga kurbang iyon sa harap ng dalaga. Mas ipinalawak pa nito ang kaniyang labi nang makita rin ang paglawak ng kay Kalesi. Napakuyom ang kamao nitong nasa likuran niya—linulukot ang papel na may kalat na tinta't pirma ni Ca Delirio sa kamay ng binata. Ito ang resulta ng pagiging pagpapanggap ni Ca Kirong bilang ama ng dalaga. Ipinadala niya ito kay Mang Baldo, bilang tugon sa liham ni Kalesi.

'Kahit ano pa mang kailangan kong gawin. Kung kinakailangan kong sirain ang tiwala mo, gagawin ko.'

***

P.S. Ang pagpapakilalang naganap sa nakasaad na araw ay hindi po totoo at kathang-isip lang para sumuot sa tema ng kabanata o istorya.  

Thank you po ulittttt~

Continue Reading

You'll Also Like

He's my Fairytale By N.A.M.F.

Historical Fiction

214K 10.9K 80
Do you believe in fairytale?Do you also want to have a happy ending with the one you love? Every fairytale story consist a main character, male lead...
12.8M 518K 57
"Have you tried turning it off and back on again?" •• Christian Ivonov, CEO of Ivonov enterprises, had always been the best at fucking things up. Whe...
11.5K 409 8
Welcome to the Mystery profile! Discover our fellow ambassador-run profiles, how to submit your story to us and what our reading lists mean. Your jo...
Luna By anya jayvyn

Teen Fiction

7.4M 326K 47
A bullied girl meets the popular new student. ***** "Still saying that you're perfectly okay?" Max whispers. I'm surprised to hear that his voice is...