Before You Go (boyxboy)

By SelenoGomez

18.6K 981 10

I hate you..... but I was just kidding myself More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY ONE
CHAPTER FIFTY TWO
CHAPTER FIFTY THREE
CHAPTER FIFTY FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY SIX
CHAPTER FIFTY SEVEN
CHAPTER FIFTY EIGHT
CHAPTER FIFTY NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY ONE
CHAPTER SIXTY TWO
CHAPTER SIXTY THREE
CHAPTER SIXTY FOUR
CHAPTER SIXTY FIVE
CHAPTER SIXTY SIX
CHAPTER SIXTY SEVEN
CHAPTER SIXTY EIGHT
CHAPTER SIXTY NINE
EPILOGUE

CHAPTER SEVENTEEN

258 18 0
By SelenoGomez

"Ikaw pala 'yan, 'Tin!" Pansin nito kay Justin.

Tinuro ni Justin ang upuan sa tabi niya at pinaupo doon si Tristan.

"Wala kayong practice ngayon?" Tanong nito.

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa dahil parang bula akong nawala sa paningin nila nang mapansin nila ang isa't-isa.

"Mamaya pang gabi." Sagot ni Tristan dito. Noon ay tinignan ako nitong muli sabay balik kay Justin. "Magkakilala pala kayong dalawa?"

"Siya 'yung tinutukoy ko sa 'yong magaling kumanta sa Spotlight." Sagot ni Justin dito na parang pinag-usapan na nila ako noon.

"What a coincidence? Siya rin 'yung tinutukoy ko sa 'yong player noong Goodwill Games na magaling sa floor defense." Hindi makapaniwalang sambit nito. "Nice meeting you, Sam. Kung alam ko lang na kilala ka na pala ng kapatid ko, sana noon pa kita nakausap."

"Napaka-in demand mo naman." Biro ni Justin sa akin.

Hindi ko alam kung paano magrereact sa mga sinasabi nila kaya't nakitawa na lang ako.

"Sira!"

"Pero seryoso ako, ah. We need you in our team. Sa end ng sem na 'to, kailangan nang magpasa ng mga universities ng listahan ng players. You'll be a great addition to our team." Muling pangungumbinsi ni Tristan sa akin.

"I really appreciate this, Tristan. Kausapin ko muna siguro 'yung parents ko and evaluate ko muna kung kakayanin kong pagsabayin sa acads." Pag-amin ko rito.

"Oooh. Accountancy." Pansin nito sa uniporme ko.

"And member na rin ako ng Media so mahihirapan yata akong pagsabay-sabayin lahat." Dagdag ko pa rito.

"Napapayag ka nitong mokong na 'to?" Gulat na tanong niya habang inaakbayan si Justin. "Member din ako, by the way. Does it mean na lagi na tayong magkikita?"

"Busy 'yang mag-aral. Focused student hindi gaya mo." Si Justin na ang sumagot para sa akin.

"Well, see you at least sa general assembly." Sambit ni Tristan.

"Wow! Aattend ka na?" Gulat na tanong ni Justin dito.

"I have my reason now." Simpleng sagot nito ngunit nakaramdam ako nang pagkaawkward dahil sa sinabi niyang iyon.

"Malapit na volleyball season. Magiging busy ka na. Mamaya baka tokis na naman 'yang pagpunta mo." Ika ni Justin na may halong pagtatampo sa boses.

"Pupunta nga ako." May halong diin na sabi ni Tristan dito. "Sam, 'yon pala mga teammates ko na baka maging future teammates mo na rin kung papayag ka." Turo nito sa isang table na maraming nakaupong mga lalaki.

Kumaway ang mga ito sa akin kaya't nginitian ko sila kahit hindi ko naman kilala. Tinawag na rin nila si Tristan pabalik sa table nila dahil mukhang may pinagkukwentuhan pa sila.

"Bumalik ka na kasi doon!" Taboy ni Justin dito.

"Oo na. Basta Sam, kausapin mo lang ako kapag nakapagdesisyon ka na, ha?" Bilin nito sa akin. "Tristan Guevarra. Madali mo lang akong mahahanap sa Facebook." Tinanguan ko na lang siya bilang sagot.

Nang makaalis na ito'y muli kong tinuon ang atensiyon ko kay Justin.

"Pareho kayong Guevarra, 'no?" Pansin ko rito.

Bahagya naman siyang natawa dahil sa sinabi kong iyon.

"Kapatid ko. Hindi ko nga lang kamukha kasi mas cute ako." Hindi ko maiwasang mabigla dahil sa sinabi niyang iyon.

"Hala bakit hindi mo naman sinabing kapatid mo pala?"

"Bakit? Would your answer change kung alam mong kapatid ko pala?" Tanong niya.

"Hindi." Nahihiyang sagot ko rito dahil tama nga naman siya. Wala namang magbabago whether I knew it or not.

"Anyway, sa GA pala, sabay na tayong pumunta. Sunduin kita sa dorm mo, ha?" Pagbabago nito ng usapan.

"Kaya ko namang pumunta mag-isa. Baka ma-issue pa kung bakit tayo nagsabay." Pagtanggi ko rito.

"Alam mo ikaw? Napakaoverthinker mo. I insist. Sabay na tayo para sure akong pupunta ka talaga." Pagpupumilit nito.

"Ikaw 'tong overthinker diyan, eh!" Natatawa kong balik sa kanya. "Pupunta kasi ako! Sabi ko naman sa 'yong may isang salita ako."

"Maganda nang nandoon ka. Gusto kong makasigurong pupunta ka so I won't take no for an answer."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1M 35.2K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.