Kristine Series 18, One Wish...

By MarthaCecilia_PHR

573K 19.6K 1.8K

"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinukso... More

Prologue
1
2
3
4
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue

5

16K 537 39
By MarthaCecilia_PHR


HUMINTO at nagpalutang-lutang sa gitna ng laot ang nakataob na speedboat ilang metro mula sa basnig. Hintakot na nilingon ni Lora ang lalaking tumalon sa tubig. He was treading on water habang pinagmamasdan ang speedboat na sandaling umikot bago tuluyang huminto.

"Oh, god, Rufus! Nakaaksidente tayo! Nabangga natin ang speedboat!" she screamed though she very much doubted it. Sila ang tinumbok ng speedboat.

Kumahol ang aso at tulad niya'y nakapatong ang dalawang unahang paa sa gilid ng basnig upang tingnan ang lalaki. At dahil nasira na ang dulong katig, nabawasan ang balanse at bahagyang tumagilid ang katig. Napatili si Lora at mabilis na dinakma sa collar nito si Rufus at umatras sa gitna upang bumalanse sila.

Nakita ni Lora na lumalangoy ang lalaki patungo sa basnig niya. Sumenyas siyang sa kabilang bahagi umahon ang lalaki na sumunod naman at lumangoy sa bahaging itinuro niya. Kumakapit ito sa mga katig palapit sa malaking bangka at nang nasa tapat na ni Lora ito'y inabot niya ang kamay rito upang tulungan itong makasampa.

May pakiramdam siyang gustong mapatid ang mga ugat niya sa leeg sa paghila rito. Hindi biro ang bigat ng malaking lalaki.

"H-hindi ka ba nasaktan?" ang unang namutawi sa bibig niya nang makasampa sa basnig ang lalaki na humihingal na naupo sa sahig.

"I'm... okay," sagot nito na tumaas-baba ang matipunong dibdib. Isinuklay ang mga daliri sa basang buhok upang humawi mula mukha. Pagkatapos ay tumingala sa kanya. "Ikaw, hindi ka ba nasaktan?"

"Hindi naman—" Lora stopped in midsentence. Nawalang bigla sa isip ang sasabihin. And she literally stopped breathing nang matitigan nang husto ang lalaki.

Binangga silang talaga ng speedboat at namatay na siya at ang nakikita niya'y anghel! Oh yes, in the bible she knew that angels were men, not women contrary to what everyone was made to believe. Handsome and perfect men. He must be one of them!

But how could she have died gayong higit pa sa pinagsama-samang tatlong speed boat nito ang kalakihan ng basnig niya. In fact, humigit-kumulang sa sampung tao ang maisasakay sa basnig.

Oh, well, she was alive at hindi anghel ang nakikita niya. Baka naman kaya anak ni Neptuno at basta na lang lumitaw sa tubig?

"Hey, are you all right? May nasaktan ba sa iyo?" muling tanong ni Karl sa kanya, nagsasalubong na mga kilay sa pagkakatanga ng dalaga rito.

"Hmp..." She cleared her throat, smiled a little at mabilis na sumagot. "Of course, we are all right... kami ng aso ko!"

Hindi pa yata Pilipino ang naaksidente ng basnig niya. Turista marahil. Pero marunong namang mag-Tagalog. Muli niyang ibinaba ang mga mata sa kabuuan nito. He was wearing a printed shirt na nakabukas hanggang sa kahuli-hulihang butones at naka-plaster ang kasuotan nito sa matipunong katawan nito dahil basa, and a white shorts, exposing muscled thighs and legs. Ang mga balahibo'y nakahapay lahat sa balat nito.

At kung saan man nanggaling ang kaisipang gusto niyang malaman kung ano ang hitsura ng lalaki kung naka-bikini swimming trunks ito'y hindi niya alam. And the thought made her blush. Naiiritang umiling si Karl. More or less ay nahuhulaan nito ang daloy ng isipan niya. "Stop looking at me as though you have never seen a man before!"

"You don't have to be rude," she reprimanded gently, kasabay ng pag-irap. "Natitiyak kong ikaw ang tumumbok sa basnig..."

Hindi kumibo si Karl pero nanatiling magkadikit ang mga kilay. At tama ang babae. Somewhere in the middle of the ocean ay nagloko ang speedboat. It went out of control. Preno o transmission? Hindi nito alam. Iisa ang tiyak nito, sesesantehin nito ang nagmimintina ng speedboat. Kung hindi naiiwas ng babaeng ito ang bangka, the accident could have been fatal. Ibinaling nito ang pansin sa aso na tulad ng amo'y nakatitig din dito. "Sa iyo ang asong ito?"

"A pure breed German Shepherd. He's Rufus."

Napailing si Karl, sa paraan ng pagpapakilala ng babae sa aso'y hindi ito magtataka kung tataas ang isang paa ng aso at kakamayan ito.

"I guess you're right," he said at last, sighing. "Ako ang nawalan ng kontrol sa speedboat. Muntik ko nang madisgrasya ang sarili ko... at kayo rin. Nasira ko pa ang katig ng bangkang ito. Mabuti na lang at nagawa mong iiwas kahit paano, kung hindi'y ang gitnang katig ang nasira ko at kung nagkataon ay masisira ang balanse ng bangka mo at maaaring tumaob."

"May kasalanan din ako, binitiwan ko ang manibela at humina ang takbo. Rufus tried to—" Ang calling card! Pasimple niyang iniikot ang mga mata sa basnig. She groaned silently. Naiwala niya ang calling card. Nahulog marahil sa dagat. She glared at her dog mutinously. Si Rufus naman ay umungot at lumapit kay Karl at sumiksik sa binti nito. Bagaman hindi maintindihan ni Karl ang biglang pananalim ng mga mata ng kaharap sa aso ay niyuko nito si Rufus at hinaplos ang ulo. Si Rufus naman ay dinilaan ang binti ng binata. Traidor! gustong isigaw ni Lora sa aso. Kahit ang aso niya ay marunong kumilala ng magandang lalaki.

"He likes me," komento ni Karl.

"Of course. Rufus is a she," aniya. And she could have kicked herself pero nasabi na niya at hindi na mababawi.

"Oh." Umangat ang mga kilay ni Karl sa "of course" na sinabi niya and read her meaning between the lines. Somehow, he was amused.

Sinuyod ng tingin ni Karl ang malaking bangka. With a deep frown on his forehead, ibinalik nito ang tingin kay Lora. Bumaba-taas ang mga mata nito sa kanya. Hindi makapaniwalang si Lora lamang ang nagpapatakbo ng malaking bangkang pangisda.

"Are you sure na wala kang kasamang humagis sa tubig nang tumama ang speedboat ko sa bangka mo? Why, you're too slim para mag-drive ng ganito kalaking bangka..."

She smiled cheekily. "No sweat. Maliit pa akong bata'y tinuruan na ako ng lolo kong gamitin ito. And I've been using this fishing boat since high school."

Dudang tumango-tango si Karl. Muli siyang dinaanan ng tingin bago humakbang patungo sa dulo ng basnig at tinanaw ang nakataob na speedboat.

He shook his head and tisked. Damn. Natitiyak nitong hindi nito mapapatakbo nang maayos ang speedboat sa sandaling iyon.

Napalunok si Lora habang sinusundan ng tingin ang lalaki. Ang shirt nito'y unti-unti nang natutuyo sa haplos ng malakas na hangin. The man was tall and dark and rugged. Ang buhok nitong natutuyo na rin sa lakas ng hangin ay hindi lang basta itim, it was jet black, thick, and luxurious, long past his collar. At kumikislap iyon sa sinag ng panghapong araw. Parang sa uwak. At kaninang nakatingin ito sa kanya'y napuna niya ang mga mata nito. They were very dark, darker than sin.

His features were strong... arresting. He had firm and almost square chin; broad cheekbones; sensual mouth; and high and defined brow. And though attractive, his face was hard, too individual for easy labels.

Puno ng iritasyon sa sariling nilingon ni Karl si Lora na bahagya pang nagulat dahil iilang dangkal ang layo niya mula sa lalaki. Si Karl man ay hindi napunang nasa likuran na nito halos ang dalaga. Umiwas ito at nilampasan siya at lumakad pabalik sa kabilang dulo.

"Hindi naman malaking bagay ang pagkasira ng katig mo sa bahaging ito, so let's get started. Babayaran ko ang danyos pagdating ko sa—"

"Walang anuman," mabilis na agap ni Lora habang nakasunod. Hindi pa rin naka-recover nang husto sa paghanga sa lalaki, which she made foolishly obvious. "Maraming kawayan sa amin. Idadaan kita kung saan mo gustong magpahatid."

Nagkibit ng mga balikat si Karl. "Oh, well... thank you. I'll drive this... this boat."

"You don't drive a boat, you sail..." she said softly, with a tentative grin on her lips.

Sandaling nahinto sa paghakbang si Karl at muli siyang tinitigan. She was very young... And noticed for the first time that she was pretty! A honeyed skin. Exotically so that for a while, her coloring reminded him of his cousin Jessica. Naka-French braid ang buhok. At may mga hiblang kumawala mula sa pagkakatirintas sa likod at inililipad ng hangin sa mukha niya.

At sa suot niyang pedal pusher, Karl noticed her great legs. And she must be in her late teens.

At hindi mapigil ni Karl ang ma-amuse, both the way she looked at him with starlight in her eyes at sa isinagot niya. In a way, she was correct. You don't drive a boat.

"Let's set sail then..." Humakbang ito patungo sa manibela at kahit walang pahintulot ni Lora'y sinimulang paandarin ang makina. Subalit nanatiling pupugak-pugak iyon.

"B-bakit ayaw umandar?" si Lora na lumapit.

"Damn if I know!" inis na sagot ni Karl.

Muli nitong pinaandar ang makina, at muli rin ay pumugak-pugak ito na tila matandang may tuberculosis. At the same time he was still wondering kung paanong napatatakbo ng babaeng ito ang malaking bangka na ang motor, bukod sa surplus ay sinauna pa. At ang manibela'y tiyak na napakabigat pihitin.

Niyuko nito ang tangke ng gasolina at binuksan iyon. Pagkatapos ay nagpalinga-linga. Sa sulok ay natanaw ang mahabang patpat na marahil ay ang nasa isip nito ang talagang gamit kung bakit naroroon iyon. Kinuha nito ang patpat na kawayan at ipinasok sa tangke at muli ring hinugot.

"Aw, shit!"

Napangiwi si Lora sa pagmumura nito.

Itinaas ni Karl sa harap niya ang patpat. Isang dangkal mula sa dulo ang nabasa ng gasolina. "You're out of gas!"

Lora groaned in frustration. Kaya pala kusang humina ang takbo ng basnig kanina ay nauubos na ang gasolina niya. Ang gasolinang pinabili ng Tiya Lagring niya sa bayan ay nasa bodega pa at nalimutan niyang isalin. Sa pagnanais niyang iwasan muli si Nelson ay nagmadali siyang nagtungo sa pantalan.

"A-ano ang gagawin natin ngayon?" Nilinga niya ang paligid. May mga bangka siyang natatanaw pero natitiyak niyang kahit gumamit siya ng megaphone—iyon ay kung mayroon man siya—ay milagrong marinig sila sa layo ng mga iyon. Malibang may magdaan sa bahaging iyon ng laot.

"Hindi natin kayang languyin ang Batangas pier," dugtong niya.

"Wala akong intensiyong languyin iyon kahit kaya ko!" he snapped at her. "Paano mo nagawang maglayag nang walang laman ang tangke mo?"

"N–nakalimutan ko."

"Nakalimutan mo!" singhal nito na tila siya musmos na walang isip. "Lady, you don't forget things like that. If you are driving on land, I could forgive you, dahil madaling gawan ng paraan kung mawalan man ng gasolina ang sasakyan mo. But for Pete's sake, we are—" pinakariin-riin nito ang salita "—in the middle of the ocean!"

Lora hated the thought na nasesermunan siya ng Poncio Pilatong ito, kahit na nga ba guwapo. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nasermunan ng tatay niya. Siguro'y noong maliit siyang bata.

But this stranger was right. Hindi niya dapat kinalimutang lagyan ng gasolina ang tangke ng bangka. At gusto man niyang mainis ay nagpigil siya.

"Hindi kailangang ubusin mo ang tinig mo sa kakasinghal sa akin..." mahinahon niyang sabi.

"At ano ang inaasahan mong gawin ko sa pangyayaring ito? You didn't even have the sense of a cockroach na lagyan ng gasolina ang tangke mo! At heto, na-stranded na tayo rito sa laot!"

"Okay, mister, so I forgot my gas. Pero sira ang speedboat mo. Sa anumang paraan, nakatakda tayong ma-stranded dito sa laot. At least, sa kaso mo, narito ka sa basnig ko. Ang konsolasyon ko lang..." She cocked her head and smiled sweetly. Too sweet na may palagay si Karl na gustong mangilo at masira ang mga ngipin nito. "I have you as a company..." Sinulyapan ni Lora si Rufus na ang mga mata'y palipat-lipat sa kanila at nakikinig sa palitan nila ng salita, "though I don't need one..."

"Really?" His voice filled with sarcasm. "And how do you think you can get to land? Swim?" Nagkibit siya ng mga balikat at tinanaw ang pier. It was far... too far but not impossible. "There's an idea. I'm a good swimmer anyway..." she declared proudly.

Karl shook his head in disgust. Nagpupuyos ang dibdib sa inis. Kung kanino'y hindi nito matiyak. Kung sa sarili dahil nasira ang speedboat nito at muntik na itong madisgrasya at makadisgrasya, o sa lokang babaeng ito na naglalayag nang walang lamang gasolina ang tangke at nag-iisa maliban sa walang silbing aso.

But then she was correct again. At least, magkasama sila. He needed her boat and she needed him as company. And he admitted to himself that his company wasn't necessary... but she needed him nevertheless.

"So what shall we do now?" she asked gaily, na tila ba tinatanong lang nito ang lalaki kung anong gustong inumin.

"They'll send a search party," sagot nito na sinabayan ng buntong-hininga. Sinikap alisin ang inis at tinanaw ang bahagi ng dagat kung saan naroon ang yate nito. Natitiyak nitong magpapadala ng search party ang man Friday nitong si George kapag gumabi na at hindi pa ito bumabalik sa yate.

Si Lora'y tahimik na naupo sa sahig ng bangka. Niyakap ang mga binti at itinukod ang baba sa dalawang tuhod. Hindi siya ipahahanap ni Tiya Lagring dahil alam nito kung saan siya nagpunta. Ang tatay niya'y maghihintay marahil nang isa hanggang dalawang oras at kapag nainip at maisip na baka nakalimot siyang sumundo ay uuwi ito sa Calapan sakay ng ferry boat.

Sana nga'y ipahanap na ang lalaking ito ng mga kasamahan at nang magpapahatid na rin siya sa pier. Bagaman hindi siya nag-aalalang na-stranded siya sa laot kasama ng estrangherong ni hindi man lang nag-alok na ipakilala ang sarili, ay hindi niya kayang isipin ang pag-aalalang mangyayari sa tiyahin at ama sa sandaling hindi sila makaalis sa laot sa lalong madaling panahon.

She turned to look at him. Nakatalikod si Karl at nakatanaw sa karagatan. She sighed with admiration. Even his back was a marvel to look at. How unfair that some men could be this attractive... and unreachable. Natitiyak niyang hindi iilang babae ang nag-aagawan sa pansin nito.

She turned to gaze at the sky. If she would only be given a wish... just one wish. Then... she sighed again.




***************************Just one wish char hahahaha . Ano kayang iwi-wish ko hahahaha kayo ba ano'ng wish n'yo? - Admin A ***************************

Continue Reading

You'll Also Like

285K 7.2K 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay...
783K 18.3K 25
Si Brandon Brazil - ang Midnight Phantom. Isang guwapong DJ. Magnificently male. With a voice that would make a nice girl go bad. Subalit patuloy na...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...