14

14.4K 537 35
                                    


ITINUKOD ni Lora ang mga braso sa barandilya. Iyon ang ikalimang gabi nilang paglalayag. Sa nakalipas na dalawang araw ay tinuruan siya ni Karl kung paano mag-water ski. At sa dalawang beses niyang pagbagsak sa tubig ay naroon lagi si Karl at nakaalalay bagaman alam nitong mahusay siyang lumangoy. At tuwing nadidikit ang balat nito sa katawan niya'y tila laging may nagsisinding apoy sa katawan niya.

Bawat pagdantay ng kamay ni Karl sa kanya, iyon ma'y tila inosente at walang malisya, alam niya at nararamdaman na may inihahatid iyong mensahe sa kanya. Sa maraming pagkakataon, hindi ilang beses siyang hinagkan ni Karl na tila ba bahagi na iyon ng bawat sandaling magkasama sila. At ang mga ngiti nito, ang mga titig, lahat ay nagbabadya ng kakaibang mensahe. At hindi niya maiwasan ang masarap na kilabot na gumagapang sa kanyang katawan.

Kaninang umaga'y nasa Romblon sila, and Karl had suggested that they get to shore. Gamit ang speedboat ay natungo sila sa Romblon port. They wandered through the small town.

"What exactly are we looking for?" tanong niya nang patuloy na inuutusan ni Karl na sige lang sa pagtakbo ang tricycle dahil may hinahanap sila.

"Just wait and see," wika nito. Iyon ang unang pagkakataong nakasakay ito ng tricycle, and he was enjoying it.

At nang mapadaan sila sa isang bahay na ang harapang bakuran ay puno ng maraming halamang namumulaklak ay ipinahinto ni Karl ang tricycle. Kinausap nito sandali ang may-ari habang naghihintay siya sa tricycle at makalipas ang ilang sandali'y muli silang nagbalik sa pantalan at pabalik sa yate.

At kaninang hapunan ay ganoon na lamang ang pagkamangha niya nang sa paglabas nila ng Tiya Lagring niya sa dining room ay puno ng sariwang bulaklak ang mesa na inaayos ni George sa isang bowl. Roses, lily of the valley, carnations, at kung ano-ano pang hindi niya mabigyan ng pangalan.

"Saan galing ang mga iyan, George?" she asked excitedly.

"Pinakuha sa akin ni Karl kanina sa Romblon bago tayo naglayag uli." Makahulugang kumislap ang mga mata nito. "Para daw sa iyo, Lora..."

"Oh." Humakbang siya palapit and touched one petal delicately.

Umirap si Tiya Lagring. "Hmp... Nang dahil lang diyan sa mga bulaklak na iyan ay halos mapugto na ang hininga mo, Lorabelle! Kay rami niyan sa atin, ah! At hindi mo pa ako mapahinuhod sa sagot mo kung bakit natagalan kayo ni Karl sa paglalangoy noong isang araw!"

Hindi sumagot si Lora. Dreamily, she pulled one stem of rose and inhaled its sweetness. Si George ay mataktikang iniwan silang magtiya matapos salinan si Tiya Lagring ng kape.

Iyon ay kaninang umaga. At kung wala si Tiya Lagring ay hindi niya natitiyak kung ano sana ang gagawin niya bilang pasasalamat nang sumalo sa agahan si Karl.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya habang tinatanaw ang madilim na karagatan. Hindi siya makatulog kaya nasa deck siya kahit hatinggabi na. Nasa isip niya ang sinabi ng tiya Lagring niya kung ano ang mangyayari sa namumuo niyang atraksiyon kay Karl pagkatapos ng paglalayag.

Hindi rin niya alam ang sagot doon. At kung maaari lang na hilingin sa bituin na huminto sa pag-inog ang mundo at manatili siyang kasama ito ay gagawin niya.

"It's cold and dark here, Lorabelle..."

The baritone voice startled her. At kung hindi niya natutop ang bibig ay napasigaw siya sa gulat. Hindi niya inaasahang may gising pa sa yate maliban sa kapitan at isang crew sa oras na iyon.

"Hindi kita gustong gulatin," ani Karl, ibinalabal sa kanya ang jacket nito. "Bakit ka narito? You'll catch pneumonia, manipis lang ang suot mo..."

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now