It Had to be You (Valdemar Se...

By leavluna

382K 11.3K 3.6K

VALDEMAR SERIES #2 Anastasia Elissa is a modern woman in every sense of the word. She enjoys shopping, going... More

NOTE
#
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Wakas
#
Special Chapter

Kabanata 33

5.4K 193 40
By leavluna

33 - Wife

I decided to go home after a day in that place. Matapos naman ang breakfast na nangyari ay umuwi na rin ang halos lahat. They're busy people. Hindi rin naman si pupwedeng magtagal.

I didn't see mommy that day. Ang sabi ni daddy ay umuwi rin siya nang gabi ng kasal. Ni hindi niya ako kinausap man lang dahil ang akala niya ay alam ko itong lahat. I never knew a single thing about this! Kung alam ko lang na si Ayden ang na sa altar ay talagang tatakbo na ako palayo at hinding-hindi na babalik!

I rolled my eyes and unbuckled my seatbelt. Nang makarating sa building ng condo ni Ayden ay agad na akong lumabas sa kotse. He immediately went to the trunk and carried my luggages.

Kahapon lang naman namin napagdesisyunan na rito muna manirahan pansamantala. Tita Alondra offered the mansion but I declined. I will always be bothered if we stay there before we get a house.

"Give me six months to give you your dream house, Anastasia." He cleared his throat. "Pansamantala lang ito."

He opened the door of his unit for me. Hindi ko naiwasang mapanganga sa ganda at laki no'n. Puro dark brown at black ang halos lahat ng gamit. Ayden passed by me, carrying my luggage. Kung tutuusin nga ay ayos na rito. Tutal hindi rin magtatagal at maghihiwalay kami.

"Just choose a decent house, Ayden. Ayoko nang maghintay para sa gusto mong ipagawa."

I sighed and sat down the couch. I feel tired and I don't want to fight. Mas mabuti nang maging kalmado para walang gulo.

"If that's what you want then."

Kinuha ko ang remote mula sa gilid ng sofa. He plugged the T.V and walked towards me. Inilapag niya ang isang pares ng indoor slippers doon.

"Malamig ang tile."

His voice sounded cold and serious. I nodded and wore it. Matapos iyon ay ibinalik ko na ang tingin ko sa T.V. at naghanap ng palabas. Nang talikuran niya ako ay hindi ko maiwasang mapansin ang likod niya. It looks broad. Kahit na dumiretso siya sa kusina ay kita ko pa rin siya mula rito.

"I want a huge walk in closet and a king size bed. Gusto ko ay malawak ang garden at mayroong pool. It should be a skypod. Ayoko ng ordinaryo."

I saw him secretly smile and shook his head. He opened the fridge and went straight to the sink, still smiling. Unti-unti ko na namang nararamdaman ang pagwawala ng puso ko.

"Akala ko ba ay basta disente? Why are you demanding so much now?" He chuckled.

I rolled my eyes. "E 'di bumili ka na lang ng kubo."

Tumawa siya saka binuksan ang microwave. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa T.V. With him being my husband, I don't really know what to do and how to start. Gaya lang ba ng iba ang magiging buhay namin bilang mag-asawa? Gaano kaya kami katagal na magsasama? A month or two? Half a year? Isa o dalawang taon?

"Kukuha ako ng katulong mula sa agency nina Rico. I'll make sure they'll do what you say–"

I cut him off. "Kukunin ko na lang si Joanna sa amin. Siya na lang."

Kumunot ang noo niya. Bumaling ako sa kaniya at pinag-angatan siya ng kilay.

"Joanna?"

I nodded. "Joanna is now working at our house."

Umawang ang labi niya at tumango na lang. I can see that he is curious but he stayed silent. I glanced at the T.V. again while he is preparing our lunch. Ang mga gamit ko ay nakalapag pa rin sa tabi. I didn't really brought much. Ang tatlong maleta ko puro simpleng damit lamang ang laman. My jewelries are still at our house.

"What will my work at your company be?"

Kumunot ang noo niya at hindi ako tinignan. "You don't have to work."

Natawa ako nang pagak. "What do you mean I don't have to work? Of course, I need to!"

He shook his head. "I will work hard for you. You don't have to worry."

Natahimik ako nang maramdaman ko na naman ang pagwawala ng dibdib ko. I bit my lower lip while staring at him cook. I know he's a bit tired. Sana ay nagpahinga na lang siya at um-order na lang sa isang fast food.

"W-well, I need to work to buy my whims!"

Ang totoo niyan ay hindi pa naman ako nagkaroon ng trabaho sa kompanya ni daddy. I am in training for a job. Lahat ay pinag-aaralan ko at itinuturo sa akin pero hindi ko pa naranasan ang mamalakad mag-isa. Mathias was always there.

"We have money." He shrugged.

I rolled my eyes. "Your money is yours."

Hindi siya sumagot dahil sa pag-aasikaso ng niluluto niya. Bumaling ako ulit sa pinapanood kong hindi ko na naiintindihan. Kahit na gaano ko kagustong manood ay bumabalik pa rin ang tingin ko sa kaniya. My heart is still beating widly.

"Pupunta ako sa bahay mamaya. I need to talk to mom."

He cleared his throat and looked at me. "Sasama ako."

"Hindi na. Ako ang kakausap sa kaniya."

He's at fault but I can't let him talk to mom. Masyadong galit ang ina ko. She might slap him. Kahit na galit ako sa kaniya ay ayoko namang mangyari iyon.

"Ihahatid kita."

"I'll drive myself there."

"You don't have your car here. Ihahatid na kita, Anastasia." Mariin niyang sabi.

"Ganito ka bang asawa? Mahigpit?" I chuckled. "Gagamitin ko ang kotse mo."

Wala rin naman siyang nagawa kung hindi sundin ang gusto ko. I don't want him there. Siguradong pagsasalitaan siya ni mommy kung makikita siya. Aarte lang iyong ayos lang sa kaniya ang nangyari kung naroon si Tita Alondra.

I immediately left after we eat. Mukhang napipilitan pang iniabot sa akin ni Ayden ang susi niya dahil gusto niya talagang sumama ngunit hindi ako pumayag. Mabuting makausap ko muna si mommy bago sila magharap.

I drove to our house. Hindi kilala ng guard ang kotseng gamit ko kaya naman kailangan ko pang tawagin siya. Nang makapasok sa bahay ay agad kong nakita si mommy na tahimik na nakaupo sa sofa.

I sighed and walked towards her. I kissed her cheek and sat in front. Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya saka huminga nang malalim. She's pissed.

"Why are you here? Hindi ba't naroon ka na sa asawa mo?"

I frowned. "Why do you sound so bitter? You wanted me to get married."

Nanlaki ang mga mata niya sa galit. "Not to him!"

"Well, if I saw Atlas at the altar on that day, I would've run away." I chuckled and laid my back to relax.

I was joking. Ni hindi ko nga alam kung kanino ako tatakbo. Will I run away if I saw Atlas that day? O hindi ako tumakbo dahil si Ayden naman ang nakita ko?

Nangngitngit ang panga niya. "So you knew?! Hindi ba't umarte kang hindi mo alam?"

Bumuntong-hininga ako. That's one thing that I haven't clarified with Ayden yet. Where did he get my signature? I can't remember signing any paper about the wedding. Was it forged?

"Mommy, kasal na kami. Wala na tayong magagawa."

I crossed my legs and looked intently to her. Kahit ano namang galit ang maramdaman niya ay wala nang magagawa dahil kasal na kami. Her anger won't change that.

"Ayan! Ayaw mong magreklamo dahil ginusto mo!" Gigil niyang sabi. "Oh my gosh. I want to slap you in the face right now."

Mahina akong natawa saka tumango. She can slap me whenever she wants. Siya lang ang papayagan ko.

Mabilis ang lakad ni Cressida nang lumapit sa amin habang mayroong tray. She brought me a juice. I smiled at her and sipped a little. Umangat ang tingin ko nang makita si Joanna na pababa sa hagdan.

"I'll bring Joanna to Ayden's condo." Agad kong sabi.

She immediately rolled her eyes. "What? Why her?"

"Why not?" I answered. "She's my childhood friend. We'll surely get together."

She hissed and sipped on the juice Cressida brought me. Kunot pa rin ang noo niya sa akin saka nilingon si Joanna na nagpupunas ng vase.

"You can't bring her, Anastasia. Dito lang si Joanna." Mariin niyang sabi.

I shook my head. "No, mom. I will bring her with me."

Nanlaki ang mga mata niya at muntik pang ihagis sa akin ang magazine sa tabi niya. I chuckled and looked at Joanna again. She's looking at me.

"Just hire someone! Huwag mong bawasan ang katulong ko rito!"

"Hahanap ako ng ipapalit ko sa pagkawala ni Joanna sa inyo. Basta't sa akin siya titira mula ngayon."

I know mommy's overworking her. Laging pagod kung tignan siya at laging matamlay. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo ni mommy sa kaniya ngunit ngayong kukunin ko siya ay ayaw niyang pumayag. She's being harsh on her.

Kahit na pilit tumutol ay wala na siyang nagawa nang sabihan ko si Joanna. I will fetch her the next day. Mommy is pissed again but I don't mind. Lagi naman iyang galit sa akin.

"Sasama ako sa honeymoon, Anastasia. Gusto kong bumalik sa Switzerland."

I sighed and looked at her. "Mom, it's a honeymoon. Para sa bagong kasal lang iyon. Parents are not allowed."

Bahagya akong natawa sa sinabi ko. Sa tono ng boses ko ay parang ayaw ko siyang isama dahil sasarilihin namin ang bakasyon. Malamang naman ay mag-aaway lang kami roon.

"I need to come, Asia!" Ulit niya. "I need to be there! Ako ang kasama mo sa kuwarto. That Ayden will stay on the other room!"

I laughed. "Hindi ka puwedeng sumama, mommy. Honeymoon is for newly weds."

"Sasama ako!" She persisted.

Kumunot ang noo ko sa pagpupumilit niya. She looked so stressed with our topic. If she misses Switzerland then she should ask dad and go. Bakit kailangang sabay pa sa amin?

Hindi naman sa ayaw ko siyang isama. Pero, parang ganoon na rin.

"Why do you want to join us?"

"Because I don't want you to get pregnant!"

My jaw dropped with what she's thinking. I almost choked on my orange juice.

"O-of course I won't get pregnant!" Depensa ko.

I won't have a child with Ayden! I won't even let him touch me! Hindi dahil mag-asawa na kami ay gagawin na namin ang bagay na iyon. That's for people who love each other, I believe. I wouldn't give myself to someone who is not sure about me. Also, I need to be sure about him.

"Yeah? I'll wait nine months until a child comes out of your vagi–"

"Mommy!" Saway ko.

Umirap siya sa akin. "Iyan din ang sinabi ko noon! Ngunit tignan mo ngayon, buhay ka na!"

I chuckled. "That's not my fault. Maybe you missed you birth control pills."

Naiirita niyang ibinato sa akin ang katabing magazine. I defended myself using my arms and laughed loud. Si mommy ay umiirap pa rin ngunit ngayon ay natatawa na rin. She may be bitchy sometimes but I love her. I can't go on with her being mad at me. Kailangan ko siyang kausapin kahit na pagagalitan niya lang ako.

I spent almost three hours there. Matapos iyon ay umalis na ako saka itinext si Amethyst. She will contact Faye for sure. Alam kong sasabihin niya rin iyon kay Daniel at sasabihin naman ng pinsan ko kay Joaquin. I know they're all going to be there.

Nang dumating sa unit ni Amethyst ay pinindot ko ang passcode. I walked towards her sala and saw everyone. Matalim ang tingin sa akin ni Daniel. Joaquin looked so serious and pissed. Si Faye naman ay kumakain lamang ng chips. Amethyst sighed and smiled at me.

I cleared my throat and sat down beside Amethyst. Ang tingin sa akin ni Daniel ay hindi pa rin napuputol. Ngumiwi ako sa kaniya, ganoon na rin kay Joaquin.

"You married Ayden?" Joaquin hissed.

Bakas ang inis sa boses niya. Marahan akong tumango at hinilot ang sentido ko. Joaquin rarely get mad. Pero ngayon, talagang galit siya.

"What the hell was that, Anastasia?"

"Joaquin." Awat ni Faye.

Kinamot ko ang batok ko saka nagsimulang magpaliwanag. I don't know if they'll believe me but it's true that I didn't know about that contract. Hindi ko alam na siya ang naroon.

"Hindi ko alam na siya ang pakakasalan ko! I thought it was Atlas. We all thought it was him!" I explained. "I didn't have any choice but to marry him. Siya ang na sa altar. All eyes were on us!"

"I told you to run away! Ang sabi ko ay tutulungan kita, pero ayaw mo. And now, you're married to your ex!" Galit na sabi ni Daniel.

Napapikit ako nang mariin. Hindi ko alam paano ipaliliwanag. Kahit ako naman ay naguluhan sa nangyari. The invitations were changes, the Valdemar's lawyer showed a marriage contract, the groom was changed. Anong nangyari roon? Paano?

"I am confused too–"

"Anastasia, you signed a marriage contract!"

"Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon!" I argued.

"It was your signature! It didn't look forged. Kung hindi mo alam na marriage contract iyon, sana ay binasa mo muna bago mo pinirmahan!"

Desperado niyang pinadulas ang mga daliri sa buhok niya. I understand his anger. Daniel is really protective.

"Daniel! I didn't know anything! Wala akong pinirmahang kahit na ano!"

"Kahit na mag-away pa kayo, kasal na sila. We cannot do anything about that." Faye shrugged.

Kumunot ang noo sa kaniya ni Joaquin. "Of course she can file an annulment."

Faye rolled her eyes and silently laughed out of irritation. Bumaling siya kay Joaquin saka sumagot.

"They can try their love again."

Pagak na natawa si Joaquin. "Shut it, Faye. Niloko na siya. Hindi na niya iyon babalikan."

"Kasal na sila, Joaquin." Mariing sagot ni Faye. "Huwag kayong makialam sa kanilang mag-asawa."

"She's our friend!" Joaquin roared.

"And she's a wife now! Respetuhin niyo iyon!"

I sighed and held Faye's arm. I know that she knew about this. Alam kong kaya niya ipinilit sa aking um-oo sa kasal noong araw na iyon ay dahil may alam siya. And now she's defending me.

Umiling na lamang si Joaquin saka umiwas ng tingin. Daniel didn't speak and Amethyst stayed silent. I won't say sorry to them. I won't apologize. I didn't know any of this.

Daniel still hugged me when we decided to go home. Si Joaquin ay dire-diretso lamang palabas. I hugged Faye tight. Tumawa siya at niyakap din ako. Amethyst was just watching.

I drove back to Ayden's place. Ang sabi ko ay dalawang oras lang akong mawawala pero inabot na ako ng tatlong oras sa bahay namin. This man would ask, for sure.

Nang makalabas sa lift ay taas noo akong naglakad sa hallway. I pressed the code and opened the door. Kumunot ang noo ko nang hindi makita si Ayden sa sala. Lumabas kaya iyon?

"Bakit ang tagal mo?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot siya mula sa kusina. He's now wearing a gray v-neck shirt. His face is serious and dark. Mukhang pinanghawakan ang sinabi kong dalawang oras lang akong mawawala.

"Natagalan ako kay mommy. Nakipagkita pa ako kina Faye."

I sat down the couch and closed my eyes. Joaquin is surely mad. Si Daniel ay galit din naman pero hindi sa akin. Amethyst is okay with me being married. Iyon ang sabi niya sa reception. Si Faye naman ay ipinagtatanggol ako.

"And?" Usisa niya at umupo na sa sofa.

Iminulat ko ang mga mata ko. "And what?"

"What did they say?"

Nakibit-balikat ako. "They're mad."

Tumango siya saka tumayo para kunin na naman ang slippers ko. Inilapag niya iyon sa tabi ng paa ko saka bumalik sa pagkakaupo.

"I will talk to them. Dapat ay pinasama mo na ako kanina." he seriously said.

"You'll get punched in the face if you do that."

He just shrugged like it was nothing. Alam kong talagang sasapakin siya ni Daniel at Joaquin kung makikita siya. It feels like he's a freaking wanted the way that I want to hide him.

That day ended calmly. Hindi kami nag-away o ano man. I didn't brought up his stupid idea about our wedding, o sa kung saan man niya nakuha ang pirma ko para sa kontrata na iyon. Puro away na ang ginawa namin sa reception kaya siguro ay dapat magpahinga naman kami ngayon.

I walked out the bathroom on a robe. Ayden was silently sitting on the edge of the bed looking through his phone. I sat down the car and stared at myself in the mirror. Tinanggal ko ang tuwalya sa aking buhok para patuyuin.

He stood up and opened the cabinet. Mula roon ay inilabas niya ang blower. Tumayo siya sa likod ko saka marahang hinawakan ang buhok ko.

Nagwala ang puso ko sa ginawa niya. I was looking at him through the mirror. Iniabot niya ang suklay sa drawer para suklayin din ang buhok ko.

"I can do that.." I said.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa pagpapatuyo ng buhok ko. I gulped hard and tried to stay calm. My damn heart continued it's wild beating. Nag-iinit na ang pisngi ko ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

"I need to go to work tomorrow. I'll finish things up before we leave."

Umawang ang labi ko saka tumango. Napako ang tingin ko sakaniya mula sa salamin. Marahan ang bawat haplos niya sa buhok ko. It makes me sleepy. Humikab ako at agad niya iyong napansin.

"Antok na?" He chuckled.

I rolled my eyes and shook my head. His touch is making me sleepy!

Nang matapos ay agad na akong tumayo. Ayden went straight to the bathroom. Ako naman ay nagbihis na. I laid down the bed after that.

I can't help but to wonder about us. Paano kaya kung hindi ko siya nagustuhan noon at nanatili kami sa pagiging magkaibigan lang? Paano kung hindi ako na-engaged sa kapatid niya? Paano kung hindi nangyari ang lahat ng nangyari, magkaibigan pa rin kaya kami gaya ng noon?

I woke up the next morning without Ayden by my side. Nang buksan ko ang pinto ay nakarinig ako ng ingay mula sa kusina. It's seven thirty in the morning and he's still here, cooking breakfast.

I frowned. Ang sabi niya ay alas otso ang pasok niya. Why is he still here?

"Good morning, Anastasia.."

Lumakas ang hampas ng dibdib ko sa bati niya. My lips parted and tried to compose myself. His hair is messy while cooking. Mapungay ang mga mata niya at mayroong kaonting crack ang labi. He's still wearing a v-neck shirt in black.

He likes v-neck shirts?

"Good morning." I cleared my throat. "Hindi ba't may pasok ka pa? Kagigising mo lang?"

A small smile appeared on his lips and glanced at me. "Gusto mo na akong paalisin agad?"

Kumunot ang noo ko. I didn't mean it like that. I was just asking. Inaasahan ko kasing wala na siya kapag gumising ako.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." I rolled my eyes and sat on the stool.

Pumangalumbaba ako saka pinagmasdan ang bawat galaw niya. I didn't know that he can cook. Mabuti na lamang at marunong siya dahil ako ay hindi. Maybe I should take lessons from him.

"I thought wives are clingy?"

Pagak akong natawa saka umiling. "Not all of them. I am not clingy."

Tumango-tango siya habang may maliit na ngiti pa rin sa labi. Nararamdaman ko na naman ang malakas na tibok ng puso ko tuwing tinitignan ko siya. It's still here.

"I am surely a clingy husband."

Napalunok ako at umiwas ng tingin. He chuckled and went to the sink. Umirap ako nang maramdaman nagwala na naman ang puso ko. Damn it! Why am I like this?!

Ayden left after we both eat. Ang sabi niya ay hindi siya magtatagal dahil kaonti lang naman ang aasikasuhin niya. I wanted to go out and call Amethyst pero naisip kong baka busy siya. I think I should just stay here.

Ang ginawa ko lamang sa buong oras na wala siya ay ang ayusin ang mga gamit ko sa walk in closet niya. Itinabi ko ang lahat ng gamit at damit niya roon para ilagay ang akin. I left some of my clothes inside my luggage. Iyon na lang siguro ang dadalhin ko sa Switzerland. Of course, I need to shop for more. Ang mga naiwan sa bahay ay kukunin ko pa.

I was watching T.V. when I heard someone entering the passcode. The door opened and I saw Ayden coming in with a paper bag. Mukhang pagkain iyon.

"I'm home.." he huskily said before smiling.

I felt like my heart stopped beating for a moment. Parang gusto kong ipaulit sa kaniya ang sinabi niya. Him saying he's home to me gave me chills. My lips parted while staring at him.

He is wearing a white button down shirt and his muscles in that cloth looked defined. Nakatupi iyon hanggang sa siko niya nang ilapag niya sa counter ang pagkain. Kumunot ang noo niya sa akin nang makita ang pagtitig ko saka dumiretso sa kuwarto habang binubuksan nang isa-isa ang butones.

"Inilagay ko na ang mga damit ko r'yan!" Pahabol ko.

Ilang sandali lang ay sumilip siya mula sa pinto. He's now top less. Nagwala ang dibdib ko ngunit pinilit kong huwag ipakita iyon. I cleared my throat and raised my brows at him.

"Pinagkasya mo ang mga damit ko sa iisang cabinet lang?"

I shurgged. "Hindi kasya ang akin, e."

He silently laughed and shook his head. Bumuntong-hininga siya habang nakatingin pa rin sa akin. A small smile was still on his lips.

"My wife surely needs a huge walk in closet." He murmured. "Don't worry. I'll give you that."

Matapos iyon ay naglakad na ulit siya papasok ng kuwarto. My heart didn't stop hammering with what he said.

He called me wife. He just called me his wife! Damn it!

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
2.1M 54.2K 57
To transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the m...
31.7K 173 2
You can't stop the waves, they don't stay in the same place either.
635K 12K 53
Para kay Mary Lorraine Samonte, sapat na sa kanya ang makita at masilayan ang ngiti ng kanyang crush na si Lawrence Fontanilla. Maliban sa wala naman...