HATE ME NOT (BOLS #1)

By GemaInanna

42K 5.1K 733

Book of Love series #1 Prince, an arrogant heir, seemingly has it all - wealth, power, and charisma. But behi... More

Hate Me Not (Overview)
01: Harvend University
03: Broken Phone
04: Stupid Nerd
05: Paint
06: Vacation
07: Changes
08: Can't Believe
09: New Look
10: Trouble
11: Leads to a Fight
12: Bathroom Encounter
13: Invited to Come Along
14: Story Telling with Jenny
15: Home
16: It's Changing Now
17: Script
18: Partner
19: Ms. Ivy Moore
20: Avoiding SVT
AUTHOR'S NOTE
21: Volunteer
22: Lisa's Friend
23: Helping Jenny
24: Arguing
25: First Time
26: House of Cortes
27: Overthink
28: SVT Performance
29: Parent President
30: Stella Imperial
31: Asthma
32: Pain
33: Plan
34: Sarah
35: Thank You Prince
36: Unknown Feeling
37: Marky's Birthday
38: The Party
39: Conscience
40: Confused
41: Childhood Friend
42: Jenny's Boyfriend?
43: HeartRate Monitor Watch
44: What's wrong With You
45: Exam
46: Jenny's Thoughts
47: Saving Jenny
48: Dance Partner
49: Whole day with Her
50: Will do Everything for a Friend
51: Already Prepared
52: Party Accident
53: Tyler's Back
54: Family Dinner (Date)
55: Province of Tabor
56: I don't let Myself Fall for this Guy
57: Underwater Kiss
58: Fortune Teller
59: Strange Feeling
60: Getting Better
61: Something between Them
62: Get Lost
63: Missing Him
64: In Danger
65: Protector
66: Trust
67: The Truth
68: The Reunion
69: Everything is New
70: Scarlet Imperial
END OF SEASON ONE

02: First Encounter

1.3K 111 12
By GemaInanna

CHAPTER 2

FIRST ENCOUNTER.

_____



HABANG naglalakad si Jenny papunta sa kabilang building, naisipan niya munang magbasa. Binasa niya ang magazine na binigay sa kanya ng guwardya kanina tungkol sa Harvend. And yes, this school is really popular at ang ibang mga estudyante dito ay sikat at endorser ng mga produkto. Sa sobrang mahal ng tuition, hindi lahat kayang maka afford na makapag-aral dito.

"WE LOVE YOU SVT! LALO KA NA PRINCE ACKKK!"

Rinig niyang sigaw ng mga babae na halos ikamatay kung hindi nila mabanggit ang salitang iyon. Napatingin si Jenny sa direksiyon kong daan maraming babae sa gilid ng daan. Umiiling na lang siya at nagbasa ulit.

Wala nang ibang daanan papunta sa klaseng pupuntahan niya kaya nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Tila nasa isip na niya na malate sa unang subject.

Hindi rin mawala sa isip niya ang pangalan na SVT.

Sino ba sila? Bakit umalingaw-ngaw sa buong Harvend ang pangalan nila? Mga artista ba sila?

Tanong niya sa sarili. Hindi siya curious, sadyang masakit na ang kanyang tenga sa mga sigaw at hiyawan ng mga estudyante.

Sa kanyang paglalakad, bigla siyang may nabangga. Natumba siya at napaupo. Nahulog ang binabasa niya at ang mga gamit niya sa bag ay nagsilabasan na. Nakalimutan niyang isara ang bag kanina noong may kinuha siya sa loob.

She sighed irritatedly. Tanging sapatos lang ng taong bumangga sa kanya ang kanyang nakita. Kaya sinubukan niyang tumingala. Nakita niya ang hitsura ng isang binata na para sa kanya, isang demonyo ang hitsura. Ang mga mata nito ay umaapoy sa galit.

Siya pa talaga ang galit? Wow naman.

Nanliliit ang kaniyang mga matang nakatingin kay Prince at ganoon din ito sa kanya.

Nakakatakot tingnan pero, hindi dapat ako matakot sa kanya. He is just a student here. Parehas lang kami.

Biglang yumuko si Prince at kinuha ang bag ni Jenny. "Is this yours?" walang emosyong giit nito bago sila nagkatinginan sa mata. Nagtama ang kanilang tingin at wala ni isa ang kayang umalis.

Lahat natahimik at naghintay sa gagawin ng Prinsipe ng Harvend. Pati mga kaibigan niya, walang nagawa kundi ang hayaan ang kanilang leader.

Napakadilim ng mga mata nito. Para siyang umaapoy sa galit. His presence is bad. Ngayon lang ulit siya nagalit ng ganito sa isang hamak na babae. Na para sa kanya, isa lang hampaslupa.

Di kalaunan, umiwas si Jenny sa titig nila at nagsalita.

"Yes. It's obvious. Nakita mo namang dala ko 'yan diba?" walang pag-alinlangan niyang tanong kay Prince at halatang nainsulto naman ang binata.

"HA HA HA HA." walang gana at nakakatakot na pagtawa ni Prince.

Napatingin naman sa paligid si Jenny. Nagtataka siya kung bakit ang mga estudyante ay walang ginawa. Pinabayaan lang ang ganitong pangyayari.

It's obvious na binu-bully ako, bakit di nila pinigilan ang lalaking ito? Tanong niya sa kaniyang isipan.

Ang isip naman ni Prince ay puno ng galit. Ang balak niya ay pahiyain ang nakakatawang babae na may ganang banggain siya. At halata sa hitsura ng babae na bagong estudyante pa siya ng Harvend.

"So, you're new here?" naiinis niyang tanong kay Jenny.

Nabigla ng konti si Prince dahil sa pagngisi ni Jenny. "Why? Did you see me before?" tanong niya pabalik.

Then, he smiled evily. Ito ang kauna-unahang ngiti na nakita ni Jenny sa totoong buhay. Nakikita niya lang ito sa mga drama na napanood niya.

Ano namang ikinangiti niya? Tanong niya ulit sa kaniyang isipan.

"This is it...." narinig ni Jenny ang bulong ng mga estudyante.

Huminga ng malalim si Prince. "You know, you ruined my day. Matapang ka, nerd..." dahan-dahan niyang nilapitan si Jenny na nakaupo. Tumawa siya nang makita ang buong hitsura ni Jenny. "Bwahaha! Napakapangit mong tao. Ikaw na siguro ang pinaka pangit na nakita ko sa paaralang 'to. Pano ka na nakapasok dito?" natatawa niyang tanong.

Tumawa na rin ang mga estudyante.

"BWHAHAHAHA!"

Para kay Prince, satisfying ang sinabi niya. Kay Jenny naman, parang nasasanay na rin siya.

"Itong sa'yo!" agad na binuhos ni Prince ang mga gamit sa bag ni Jenny.

"BWHAHAHAHA!" nagsimula na namang magtawanan ang mga estudyante.

Hindi makatayo si Jenny ang tanging nagawa niya lang ay sumigaw at magmakaawa. "Hey! Please, stop it! Don't do that!" hinawakan niya ang kamay ni Prince para tumigil.

Tinulak siya ni Prince at nagpatuloy parin sa pagbuhos ng kaniyang gamit.

Dahan-dahang tumulo ang luha niya. Lahat ng expectations niya sa Harvend ay nawala. Agad niyang pinahiran ang luha niya.

Napaka iyakin kong tao. Pinipigilan niya ang sariling umiyak lalo.

Habang si Prince naman ay sobrang nasiyahan sa ginagawa. Nawala ang galit niya kanina. Napalitan iyon ng kasiyahan.

Napuno ng tawanan ang buong hallway. Naghintay si Jenny nang pipigil sa lalaking nasa harapan niya, ngunit wala.

Galit niyang tinuro si Prince. "You're evil! Wala kang karapatan na gawin 'yan!" galit niyang sigaw rito.

Ngumiti si Prince bago tinapon ang bag na parang basura kay Jenny. "Ngayon alam mo na. Wag mo akong kalabanin. Dahil hindi mo pa ako kilala." mariin at seryoso niyang wika kay Jenny.

"HAHAHHA!" pagtawa ng mga kaibigan niya maliban sa isa.

Pinagmamasdan lang ni Marky ang sitwasyon. Hindi siya tumawa o, hindi siya nagkaroon ng awa sa babae. Nakatayo lang siya at naghintay ng hudyat para gawin ang tama.

Isang malaking pagkakamali ang pagdaan ni Jenny sa direksiyon niya ngayon. She hates being in the center and she hates herself for being so dumb.

Bulongan, tawanan, at tarayan ang pinapakita ng mga Fans ni Prince sa kanya. At ni isa, wala man lang naawa sa kanya. Akala niya, wala nang bully. Lalo na't sa prestihiyosong unibersidad na pinapasukan niya. Pero nagkakamali siya. Simula pa pala ito ng imperyong buhay niya.

Hindi pa kuntento si Prince. Sinipa niya sa malayo ang libro na binabasa ni Jenny kagabi.

"Owwww! HAHAHA!" tawanan na naman ng mga estudyante.

Natahimik sila sa biglang pagpulot ni Marky sa libro. "Prince, enough. She's new." ibinigay niya kay Jenny ang libro.

Hindi siya ngumiti, pero naramdaman ni Jenny na mabait siya.

He's an angel. He's not just handsome, he's gentleman.

Parang napako ang isip ni Jenny sa lalaking tumulong sa kanya. She encountered a lot of kind people but this man, he's different.

Agad siyang napayuko nang uminit ang pisngi niya. She felt something different.

Pero ang pangalan ng lalaking nabangga niya ang sumagi sa utak niya.

Prince pala ang pangalan ng demonyong 'yon. Prinsipe ng kadiliman.

Nanggigigil siyang tumingin kay Prince.

Hindi naman maiwasan ni Prince ang mainis sa ginawa ni Marky.

"Marky, don't help her. Let's go!" hinila niya si Marky.

"Oo nga naman pre" sabi ni Jhon sa kaniya.

Mariin silang tiningnan ni Jenny. Imbes na maawa ay nakaramdam sila ng takot sa titig.

"She's weird." bulong na wika ni Liam kay Prince.

"She's just ugly. Bagay lang sa kanya ang ginawa ko." Prince said confidently.

Huminga ng malalim si Jenny habang naririnig niya ang bulongan ng mga lalaki at ng demonyo.

Hindi nakinig si Marky. "Miss, pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko. Enjoy your first day." nakangiting wika niya kay Jenny bago naunang umalis.

Nakatulala lang si Jenny at hindi alam ang gagawin.

"The heck, Marky!" galit na sumunod si Prince sa kaibigan at ganoon din ang ibang SVT.

Binangga pa si Jenny ng mga fans nila bago sumunod sa SVT.

Tila isang manhid na katawan mayroon si Jenny dahil imbes na masaktan ay iniisip niya ang hitsura ni Marky.

"Bago nga lang siya. Look, she's crazy!" bigla siyang natauhan nang biglang may tumulak sa kanya.

Napatingin siya rito. "Sino ba kayooo!" pagsigaw niya.

Biglang napatawa ang tatlo. "Dapat huwag kang umasta na para bang matagal ka nang nag-aral dito."  wika ng isang kasama ng babae.

Mapupula ang kanilang mga labi at halatang mga mayayaman. Para din silang mga modelo.

"Yes. Nagawa mo pa talagang makipag usap kay Prince? Siya ang prinsipe ng Harvend at ikaw, mukha kang katulong kaya wala kang karapatan na banggain siya!" they pushed Jenny.

"Aray!" nasasaktan niyang sigaw. "Argh!" ginugulo niya ang buhok niya dahilan nang pag atras ng tatlo.

Akala nila, baliw ito.

Galit na tumayo si Jenny. Tinitiis niya ang sakit at galit na pinulot ang mga nahulog na gamit at inilagay sa bag.

"See, she's crazy! Acting lang 'yung pag-iyak niya kanina para makausap niya si Prince!"

"True.  And now, she's mad. Ang sama niya! At ang pangit pangit pa!"

"HAHAHAHAH!"

Sabay-sabay na sabi ng tatlo.

Ningitian sila ni Jenny. "Yes. I'm ugly. So? Hindi naman ako katulad niyo na mukhang plastic ang hitsura." napaatras sila sa paglapit ni Jenny. "Kahit kailan, hindi ko ginusto na makausap yang Prinsipe niyo! Sa inyo na 'yan! Lubayan niyo ako ha!" tinuro niya ang tatlo. "Kung pangit ako, huwag niyo akong kausapin kung ayaw niyong sunugin ko mga buhok niyo!" sigaw niya bago umalis.

Biglang nailabas ni Jenny ang galit niya sa tatlong babae.  Hindi ako pwedeng magpatalo sa kanila. Ang mga estudyante dito sa Harvend ay walang moralidad!

Ito ang araw na hindi niya makakalimutan. Ang araw kung saan, una siyang pinahiya ng maraming tao. Gusto niyang umiyak pero hindi niya kaya. At natatakot siya.

Hindi na niya naisipang pumasok sa unang subject niya. At sa paglalakad niya, biglang may kumausap sa kanya.

"Ayos ka lang?" dalawang babae ang lumapit sa kaniya.

Mga simpleng babae.

"Yes." simpleng sabi niya bago ulit naglakad. Mas gusto niyang mapag-isa kaysa mangyari ang nangyari kanina.

Sumunod parin sa kanya ang dalawa. "Ah, huwag kang matakot sa amin. Hindi kami katulad nila. We've also experienced the same thing. Tinigilan nila kami noong nalaman nila na, kasali ang family namin sa nag invest ng money dito sa Harvend." paliwanag ng isa na blonde ang buhok.

"Ah, okay." tanging sabi ni Jenny.

Wala siyang masabi dahil hindi niya naman kakilala ang dalawa.

"You looked like a foreign student." ngiting sabi ng babaeng may puting ribbon.

Tumango si Jenny. "Sa ibang bansa ako nag-aral noon but, I'm not a foreigner" she said awkwardly.

"You're pretty by the way. Huwag mong isipin yung sinabi ni Prince."

Tila nawala ang paniniwala ni Jenny na masama ang mga estudyante sa Harvend dahil may dalawang mababait na kumausap sa kanya at pati ang tumulong sa kaniya kanina na nakalimutan niya ang pangalan.

"Ayos lang na sabihan niya akong pangit, sanay na ako doon. Naiinis lang ako dahil pinahiya niya ako sa maraming tao" mahinahong sabi ni Jenny sa kanila.

"Don't mind them. Kahit naka eyeglasses ka, maganda ka parin. By the way, I'm Missy" pakilala ng babaeng may ribbon.

"And I'm Pauline. We can be your friend. Don't worry, we're not weirdos."

Natahimik si Jenny at nagdadalawang isip na tumango. Naisip niya parin na baka i-bully siya.

Missy tapped her shoulder. "Don't be afraid. Alam mo ba, ayaw din namin sa SVT. Kaya nga kami naging magkaibigan. And also, sa'yo lang namin sasabihin, ang sekreto namin ha...." bulong niya. "Magkaibigan ang mga family namin at ang family ng SVT." pagpatuloy ni Missy.

Biglang nagulat si Jenny. At nalilito rin siya.

"What---"

"Kilala kami ng SVT. At sila lang ang nakakaalam no'n. Kaya yung mga estudyante, binu-bully kami kasi para sa kanila, simpleng tao lang kami katulad mo." paliwanag naman ni Pauline sa kanya.

Dahan-dahang tumango si Jenny. "I'm Jenny." pakilala niya sa kanila.

Hindi niya maiwasang hindi mapangiti. Sa kabila nang nangyari sa kaniya, may natagpuan siyang mga kaibigan. Sila ang una niyang naging kaibigan.

Parehong strand ang kinuha nilang tatlo. Halos parehas rin sila ng nakuhang schedule sa pag-aaral. Magaan ang loob ni Jenny sa dalawa kaya wala siyang pangamba.

Jenny wants to be a businesswoman. Bata palang iyon na ang pangarap niya. Maging sikat na businesswoman. Gusto niyang maging katulad ng ama.

Umabsent sila sa unang subject nila. Nagkwentuhan silang tatlo at doon din nalaman ni Jenny na sobrang yaman pala ng mga bago niyang kaibigan. Nalaman niya rin na Valedictorian si Missy noong nakaraang pasukan at natalo niya si Jack Miller, ang isang miyembro ng SVT.

Pumasok naman sila sa pangalawang subject nila. Pagdating nila sa loob ng classroom, agad na nagbulong-bulungan ang mga estudyante.

They remembered me, of course. Yumuko na lang si Jenny papunta sa vacant seat na nasa likod. Tatlo iyon, nasa unahan niya si Missy at Pauline.

"Gusto mo, change tayo? Ako na diyan..." umiling si Jenny sa sinabi ni Pauline.

"Thanks, I'm fine here."

Napatingin si Jenny sa mga nagbulong-bulungan.

"She's pathetic and ugly."

"I don't like her style!"

"Paano kaya siya nakapasok sa school? Eh wala namang weird students dito"

"Yuck"

"Diko siya type pre"

"Papansin kasi siya kaya nakausap ni Prince"

Yumuko lang si Jenny at hinayaan sila.

They can't ruined me. I'm here to study.

At sinong tanga ang may gustong kumausap sa Prince na 'yon? That demon?!

Naiyukom niya ang kanyang mga kamay sa naisip.

Biglang may bumato sa kanya ng papel. Napatingin siya doon dahilan ng kanilang pagtawa.

"The nerdy girl! Saan niya nakuha yung lakas niya na kausapin ang Prinsipe natin?"

"Cause' she's stupid! HAHAHAHAH!"

Pagtawa ng magkapatid na Khan. Kambal sila, si Annie at Anna.

Padabog na tumayo si Pauline. "Hoy! Wag kayong ganyan! Sumosobra na kayo!" pasigaw niyang wika.

"Ang babaeng multo, pinagtanggol ang nerd HAHAHA!" tawang sabi ni Kira Santiago, number one fan ng SVT.

"Ah talaga? Ikaw naman, parang uling!" tumawa naman si Pauline pabalik sa kanya.

"Magsama kayong tatlo, mga losers!" natatawang sabi ng mga kaklase nila.

Yumuko lang si Jenny at hindi nagsalita.

Kasalanan ng lalaking iyon, ang lahat! Nang dahil sa kanya kaya mangyayari sa akin ito. That man should be punished!

Galit niyang sigaw sa isip niya. Hindi niya magawang sumigaw sa harap ng mga kaklase niya.

Sinira ni Prince Cortes ang pagkamangha ni Jenny sa Harvend. Nawala na ang mga expectations niya. Gusto niyang makilala kung ano nga ba talaga ang meron sa SVT. She want a revenge, but how?

Dumating si Ms. Jena Ocampo ang teacher nila. At nagsimula na nga ang tunay na pinunta niya, ang pag-aaral. Una, nagpakilala siya sa lahat. Napagalitan siya ng kanilang guro dahil nauutal ito.

Habang nasa gitna ng diskasyon, biglang may pumasok na estudyante na ikina-ingay ng lahat.

"Ayan na silaaa!"

"Sorry Ms. Ocampo, we're late." paumanhin ni Jhon Smith sa kanila.

Dalawang tao lang ang nakilala ni Jenny sa SVT. Si Marky at ang demonyong si Prince. Kaya hindi siya pamilyar sa nagsalita.

Ang tingin niya ay napabaling kay Marky. Tinawag ang kanilang mga apelyido kaya, nalaman niyang Imperial ang apelyido ni Marky. May nabasa siya sa magazine kanina tungkol sa Imperial. Sobrang yaman lang ang naaalala niya.

"Where is Mr. Cortes?" tanong ng guro nila.

Biglang sumagi sa isip ni Jenny ang apelyido na iyon. Nabasa niya rin kasi sa magazine kanina.

Mahinahong pinaliwanag ni Liam ang dahilan kung bakit wala pa si Prince.

Hindi na iyon pinagtuunan ng pansin ni Jenny. Wala siyang pakialam. Tanging nasa atensyon niya lang ay si Marky na hindi mawala ang pangalan sa isipan niya.

She haven't felt like this before. Is this infatuation? Or admiration?

Mabait na nagpakilala isa-isa ang miyembro ng SVT. Naiinis si Jenny sa kanila dahil nakita niya ang pagtawa nila sa ginawang pang-bully sa kanya.

"Boys, humanap na kayo ng vacant seat."

Naghanap na sila ng maupuan. Agad na tumayo ang ibang babae para ilahad sa SVT ang kanilang inupuan.

"Marky, dito ka..." binalewala iyon ni Marky at naghanap ng maupuan.

Nakangiti siya nang makita ang pamilyar na mukha ng babaeng inaway ni Prince kanina. Ayaw niyang maawa sa babae kanina, ginawa niya lang ang tama.

Lumapit siya sa kinauupuan nito. "Can I seat here?"

Agad na nataranta si Jenny sa tanong na 'yon. Tumawid siya sa pagkaupo at dahan-dahang lumingon kay Marky.

Ningitian naman siya ni Marky dahilan kung bakit namumula ang mukha niya. "Ah oo!" agad siyang umiwas ng tingin sa binata.

"Hi, nice to see you again." mahinahong sabi ni Marky sa kanya.

Hindi siya nakatingin. "Hello" tanging nasabi niya.

Marky chuckles softly. Nagtaka ang mga kaklase niya kung bakit siya nagawang pangitiin ng nakaaway ni Prince.

Naisip naman ni Jenny na pangit siya kaya narinig niyang tumawa si Marky. Bigla na namang nawala ang kumpyansa niya sa kanyang sarili.

Natapos na ang klase at wala paring Mr. Cortes na dumating. Dumeretso agad si Jenny sa ikatlo niyang subject. Hindi na niya kasama ang mga kaibigan, dahil iba ang teacher nila.

Sa gitna ng klase, biglang nagtanong ang isang estudyante. "Ms. Gonzalo, si Mr..Cortes po ba..."

Biglang na curios si Jenny sa apelyidong iyon.

"May pinakuha ako sa kanya. Papunta na iyon dito" tugon nito sa kanila.

Napalingon lang si Jenny sa mga kaklase niya na nag-aayos ng sarili.

"Makikita ko na ulit ang prince charming ko!" tiling sabi ni Joven Tan dahilan nang pagtili ng iba.

Napailing na lang si Jenny.

"Huwag kayong ganyan sa isang lalaki. Hindi porke't gwapong binata si Mr. Cortes ay, ganyan na kayo ka desperada" mahinahong saad ni Ms. Gonzalo sa kanila.

"Ma'am, hindi lang naman sila isa eh. They are 7! Mwheheh!" pagtugon ng iba nilang kaklase.

Si Jenny lang ang walang interes na marinig ang tungkol doon. Nasa may gitna siya pero walang tumabi sa kanya. Pinagtatawanan pa siya ng dalawang lalaki sa likuran.

"Oh, he's here!"

Walang ganang nag-angat ng tingin si Jenny sa dumating. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita at natabunan na rin ng inis.

Ang lalaking iyan, si Mr. Cortes?! Napaka...

Gusto niyang hampasin ang mesa sa galit.

"Prince, baka naabala pa kita" nakangiting sabi ni Ms. Gonzalo sa kaniya.

Napakamot ng buhok ang binata na ikinatuwa ng mga babae. "No worries po" mahinahong sabi niya.

Hindi makapaniwala si Jenny sa inasta ng lalaking ito ngayon. Iniisip niyang nagkukunwaring mabait lang ang binata.

Naghanap na ng mauupuan si Prince. Halos lahat ng estudyante ay tumayo para maglahad ng upuan sa kaniya. Pero binalewala niya lang iyon nang nakita niya ang babaeng nakabangga niya kanina.

He's smirking while walking towards the prey.

"Fa, dito ka sa tabi ko..." inilahad na ni Joven Tan ang upuan na nasa tabi niya pero binalewala lang iyon ni Prince.

Now, he's stranding in front of his target. Magsasalita na sana siya nang biglang may nagsalita.

"Excuse me ma'am, sensya nahuli po ako!" natuwa na naman ang mga estudyante.

Napabuntong hininga na lang si Jenny at nagdasal na sana hindi uupo ang isa sa kanila sa tabi niya.

"Uy Prince!" agad na tinawag niya si Prince. Natahimik siya at napatingin kay Jenny. "Uy, ikaw si Jenny Kim diba? Magkaklase tayo kanina. Naks naman. Dito ako tatabi ha? Ayos lang?"

Tumango-tango lang si Jenny at hindi nagsalita.

Biglang umigting ang panga ni Prince dahil nawala na naman ang balak niya. Galit siyang naglakad patungo kay Joven na nasa likuran ni Jenny.

"Joven, pwede huwag kang umupo diyan? Ayaw ko kasing may tatabi sa akin." malamig na bulong niyang sabi kay Joven.

Imbes na matakot ay nakaramdam ng kilig si Joven. "Okay.." nakangiti siyang umalis at umupo sa kabilang upuan.

Napatingin si Jenny sa likuran niya para tingnan kung tama ba ang hinala niya. Hindi niya alam na nakatingin na pala sa kanya si Prince. Nagtama ang mga tingin nila at gaya kanina, puno ito ng galit sa isa't-isa.

Hindi ko makalimutan ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin. I'll make him pay. Isusumbong ko siya sa dean ng school.

Hindi mapakali si Jenny habang nasa likuran niya si Prince.

Nagsimula na ang kanilang activity. Namili ng limang leader si Ms. Gonzalo. Hindi inasahang nasali si Jenny sa pagpili. Gusto niyang mag back out pero nakasalalay ang kanyang grado.

Isa sa naging leader ay si Prince na nakataas noo pang nakatayo sa harap ng mga kaklase. Sanay na siya sa ganitong pangyayari. Tinawag ni Ms. Gonzalo si Jenny na pumunta sa harapan.

Sa kanyang paglalakad, bigla siyang pinatid ng kaklase dahilan nang kanyang pagkadapa.

"Ay sorry po" mataray na wika ni Kira.

"Hoy chaka! Huwag mong dalhin dene pagkamaldita mo!" inalalayan siya ni Joven na tumayo at sabay silang naglakad papunta sa harapan.

Nagsalita naman si Ms. Gonzalo. "Bullying is not allowed in our school, right?! Kira, what you did is a sign of bullying. So, last warning. Huwag mong hintayin na tawagin ko ang parents mo." natahimik ang mga estudyante sa sinabi ni Ms. Gonzalo.

Biglang nagkaroon ng pag-asa si Jenny. Huminga siya ng malalim at nagsalita. "Ma'am, ano po yung penalty sa mga bullies?" ngiting tanong niya habang nakatingin kay Prince.

Ngumiti lang si Prince sa kanya at tila nag-aaway sila gamit ang mga titigan nila. Umiwas si Prince sa titig ni Jenny dahil para sa kanya, nakakadiring tumingin sa isang nerd.

"Penalties? There's a lot of penalties. Nakasaad iyon sa school guidebook. The one thing I'm sure of is, masuspende ang estudyante ng isang Linggo"

Tumango-tango si Jenny. Ngumiti siya. Nabuhay ulit ang pag-asa niya na malayo sa mga bully. Ngunit wala siyang kaalam-alam, na hindi lang basta bully si Prince.

Si Ms. Gonzalo na rin ang pumili ng mga miyembro sa bawat grupo. Isa sa naging miyembro ni Jenny ay si Liam. Wala siyang magawa kundi ang tanggapin na lang ang pangyayari.

Nagplano na ang grupo ni Jenny sa mga gagawin. Matalino si Jenny at magaling din siyang mag handle ng members niya. Ang kailangan lang talaga ay, may taong maniniwala sa kanya para lumakas ang kumpyansa niya sa sarili.

Pagkatapos ng klase nila, naisipan ni Jenny na pumunta ng library upang maghanap ng libro tungkol sa pinag-aralan nila kanina.

Habang nasa hallway, hinarangan siya ni Prince. "Hey"

"What?" walang ganang tugon niya.

"Isusumbong mo ba talaga ako?" tanong ni Prince sa kanya.

"Then, what?"

Biglang nagalit si Prince sa inasta nito. "Babaeng pangit, wag kang magsalita ng ganyan sa'kin. Alam mo ba ang number one rule ng paaralang ito?"

Umiling lang si Jenny. "Ayaw kong alamin." parang nanunuya nitong wika. Na ikinainis lalo ni Prince.

Aalis na sana si Jenny nang biglang hinila ni Prince ang buhok niya. "First rule, lahat ng gusto ko iyon ang masusunod!"

"Aray, ang buhok ko!" biglang nabitawan ni Prince ang buhok niya dahil sa pagsipa nito.

"That is physical abuse! You moron! Do porke't ikaw ang PRINSIPE nila dito, may gana ka nang gumawa ng pangit mong rules? Excuse me, di ikaw ang may-ari ng school!" galit na sigaw ni Jenny sa kaniya bago siya iniwan.

Mas lalong uminit ang dugo ni Prince kay Jenny dahil sa sinabi nito. "Nakatulala ka diyan. Himala, hindi mo hinabol HAHAHA!" pagtawa ni Liam na kanina pa nasa gilid niya.

"Naka off ba ang cctv dito?" he asked his bestfriend. Liam nodded. "Good. Iba ang nerd na iyon sa mga babae dito. I want to play with her. I will make her life miserable in Harvend." seryosong sabi niya sa kanyang sarili.

"Bro, that's too much. She's kind and innocent, naawa na nga ako, shit. Leader pa namin siya kanina."

Tumawa lang si Prince. "I don't care. Gagawin ko kung anong gusto ko. She's ugly, I'll gonna make her the ugliest." nakangiting sabi niya sa kaibigan.

Biglang nagkaroon ng challenge ang buhay ni Prince dahil sa pagdating ni Jenny. At gagawin niya ang lahat para araw-araw mapahiya ang dalaga. Siya lang ang taong kayang bumangga kay Prince at magsalita ng ganoon sa kanya.

PAGDATING ni Jenny sa canteen, nakita niya ang mga kaibigan niya. Namangha siya sa laki ng lugar at sa dami ng mga tao. Habang nakaupo sila sa mesa, sabay-sabay silang nag kwentuhan at tumawa.  Natahimik sila sa pagdating ng dalawang babae.

"Excuse me, this is our place." nakataas noong wika ni Anna sa kanila.

"Kayong mga pangit kayo, umalis kayo sa mesang iyan!" padabog na wika naman ni Annie.

Biglang tumayo si Pauline at nagsalita. "Hoy, kambal tuko! Pag aaral ang pinunta ninyo dito hindi ang lamesang ito. Umalis kayo kung ayaw niyo ng eskandalo"

They shrugged. "This is our favorite spot. Kayo ang umalis!"

Hindi napigilan ni Jenny na magsalita. "Bakit? Pangalan niyo ba ang nandito sa mesa? It says here that this table belongs to the Harvend, sa school hindi sa inyo."

Biglang nainsulto ang magkapatid. "You'll gonna pay for this!" galit silang umalis.

Napabuntong hininga na lang si Jenny.

"Walang pinagbago ang magkapatid na iyon. Spoiled brat" mahinahong sabi ni Missy.

Tumawa si Pauline. "I like you, Jenny. Palaban ka pala"

Umiling ito. "Totoo lang yung sinabi ko" ngiting sabi niya.

Nagpaalam siya na bumili ng maiinom nila. Agad siyang pumunta ng counter at naghintay ng in-order na inumin. Napalingon siya sa buong paligid. Sa sobrang lawak, pwede nang maging basketball court.

"Heto na yung juice..." kinuha niya ang tray na inilahad sa kanya.

Tatlong baso ng juice ang nasa ibabaw nito kaya maingat niya itong dinala.

Biglang dumami ang mga estudyante na papuntang counter. Nalilito si Jenny kung saan siya dadaan.

Sa oras na iyon, nasa loob na rin ng canteen ang SVT papunta sila ng counter para bumili ng pagkain.

Parang nahihilo si Jenny sa dami ng taong nadadaanan niya. Hindi siya sanay sa maraming tao. Biglang aatake ang social anxiety niya.

Biglang may tumulak sa kanya mula sa likuran. "Oops!" pamilyar ang boses ng babae. Nilingon niya ito at nakita niya si Annie. Kahit magkahawig sila ng kambal, may pagkakaiba parin ang dalawa. Naka blonde si Annie at si Anna naman ay natural lang ang buhok.

Lilingon na sana siya paharap nang biglang may bumangga sa kanya dahilan kung bakit natapon ang dala niyang juice at napunta iyon sa damit ng taong bumangga sa kanya.

Biglang huminto ang ibang tao.

Heto na naman tayo. Pinagtitinginan na naman ako. Napapikit si Jenny at agad na humingi ng tawad sa taong natapunan.

"Sorry, sorry, sorry ----" nang naisipan niyang tumingala, natahimik siya.

Napakagat siya ng labi at biglang nanginig. Bakit siya pa? Ang malas malas ko ngayon. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gawin.

Ramdam ni Jenny ang galit na nararamdaman ng binata sa kanya. Dali-dali siyang lumapit at kumuha ng panyo.

"Sorry---"

"Sa tingin mo ba, magagawa ng lintik na panyo mong linisin ang damit kong minantsahan mo?!" galit nitong sigaw sa kanya.

Pinagtitinginan na naman sila ng mga estudyante. Kasama ni Prince ang buong SVT. Si Marky naman, ay nakatayo habang nagmamasid.

"I said, I'm sorry. I didn't mean to---"

"Sorry?! Sa tingin mo ba, magagawang tanggalin ng sorry mo ang mantsang nasa damit ko, ha?! Bwisit kang nerd ka! Kanina pa ako nagtitimpi ng galit ko sayo!" pagpatuloy ni Prince.

Mga estudyante lahat ang nasa canteen kaya walang may ganang pumigil sa kanya.

Paano ko ba sasabihin na, wala akong kasalanan sa taong ito? Nataranta na ang isip ni Jenny.

Aksidente ang nangyari at wala siyang kasalanan. Kahit alam iyon ni Prince, pinipilit niya paring idiin si Jenny.

Jenny cleared her throat and stand straight. "Again, I'm sorry." biglang nag-iba ang ekspresyon niya. "Tapos alam mo, para kang tanga. Ikaw yung bumangga sa akin diba? Tapos natapon pa yung juice, diba dapat ako ang magalit? Hindi ikaw?" tanong niya kay Prince.

Napatingin si Prince sa mga estudyante. Alam niyang tama si Jenny at ayaw niyang mapahiya.

Mas lalong naging malalim ng tingin niya kay Jenny. Galit at inis. "Kasalanan ko pa ngayon!?" pagalit nitong tanong habang humahakbang papalapit kay Jenny.

Jenny walked backwards.

Bigla na lang may sumigaw. "Omygoshhh! ang swerte naman ng nerd na yan nilalapitan siya ng Prinsipe natin!"

Hindi iyon pinansin ng dalawa. Biglang lumabo ang paningin ni Jenny kaya sa paglapit ni Prince, agad niya itong tinulak at sa pagtulak niya, hindi niya namalayang wala pala roon ang binata.

Bigla siyang nadapa dahilan ng pagtawa nila. Tiniis niya ang sakit at dahan-dahang tumayo. Biglang may tumulong sa kaniya.

"Prince, graduating student ka. Leader ka ng SVT you supposed to be a good model." taas noong wika ni Joven Tan.

Bukod sa fan siya ng SVT, president din siya ng Student Council sa Harvend. Kaya responsibilidad niya ang pangyayari.

"Joven, gusto mo bang magaya sa nerd na 'yan? Pwede ba, pabayaan mo na lang ako. I can handle this shit. Umalis ka na lang kung ayaw mong madamay." pagbabanta ni Prince sa kanya.

Nakaramdam ng takot si Joven. "Stop threatening me. Yes, I'm a fan but remember, I am the President of the student council."

Walang magawa si Prince. Alam niyang magsusumbong ito sa pamilya niya. "Alright. Just go." utos niya rito.

"Everyone, bumalik na kayo sa ginagawa ninyo! Kapag nakita ko sa cctv kung sino ang sumali o, nam-bully, humanda na kayo." agad na bumalik sa ginagawa nila ang mga estudyante na parang walang nangyare.

Nang umalis si Joven, inayos na ni Jenny ang kaniyang sarili at pupulutin niya sana ang nahulog na baso.

"Jenny, omg! Don't. May janitor naman" dumating ang mga kaibigan niya.

"Hindi, okay lang..."

"Jenny, stop." sabi naman ni Missy.

Hindi napigilan ni Prince ang sarili niya. Tinulak niya si Jenny at mabuti nalang nahawakan siya ng mga kaibigan niya.

"Ang sama mo talaga! sana karmahin kang demonyo ka!" galit na sigaw ni Jenny sa kaniya.

"Demonyo pala ah..." akma niya sanang lapitan ulit nang pinigilan na siya ng mga kaibigan.

"Prince, easy ka lang. Dimo ba narinig sinabi ni Joven? Baka magsumbong ulit 'yon.." wika ni Lance.

"Sumusobra na kasi ang pangit na to e!" galit niyang hinila ang braso ni Jenny. "Akala mo nagugustuhan ko yang pagsasalita mo sakin ha? Hindi mo pa ako kilala nerd!" mahigpit niyang hinila ang braso ni Jenny.

"Hey! Bitawan mo ang kaibigan namin!" pagsuway sa kaniya ni Pauline.

"Prince, tama na yan. Nakikita tayo sa cctv" awat sa kanya ng kanyang ka-grupo.

Tinitiis ni Jenny ang sakit. "Sikat lang naman kayo dito kasi, mayaman kayo! Wala kang puso!" mas lalong idiniin ni Prince ang paghawak niya sa kanya.  "This is physical abuse! Isusumbong kita!"

"Yes, wala talaga akong puso" tanging tugon lang ni Prince habang nagpapatuloy sa paghila.

Biglang may kamay na humila rin sa kabila niyang braso. "Let her go, Prince. Stop this nonsense. You have reputation to protect." napatingin si Jenny sa kanya.

Sana, katulad niya ang mga lalaki sa mundo.

Biglang nanghina ang bawat galaw ni Jenny.

"Sinisira ng babaeng ito ang reputasyon ko. Kaya humanda siya." galit niyang hinila si Jenny.

"No, she's innocent. Let her go." pagtatanggol ulit ni Marky kay Jenny.

Iniisip ni Marky ang kaibigan. Dahil ayaw niyang pagbuntunan na naman ng galit si Prince ng mga tao.

"Bitiwan niyo na ako" pag ma-makaawang sabi ni Jenny na tila binabalewala lang ng dalawang binata.

"Bitawan niyo na kaibigan namin!" tila walang narinig ang dalawa.

"Hindi ka naman ganito dati Marky! Hinahayaan mo naman ako!" sigaw ni Prince sa kanya.

"Alam mo ang rason, Prince kung bakit..." biglang nagulat si Prince at nanghina siya sa paghawak.

Tuluyang nakuha ni Marky si Jenny at dali-daling umalis ng canteen.

Sa hindi inaasahang pangyayari, napahawak ako si Jenny sa kanyang dibdib. Inalis niya agad ang kamay niya roon. Hindi siya makahinga ng maayos.

Biglang may tumulong luha sa pisngi niya. Hindi niya napigilan. Nakayuko lang siya para hindi mapansin ni Marky.

Huminto sila sa tabi ng malaking puno.

A moment of silence. 

Humarap si Marky sa kanya kaya nataranta siya at dali-daling nagpunas ng luha gamit ang mga kamay.

Inilahad ni Marky ang panyo niya. "Use my handkerchief" umiling si Jenny bilang tugon.

"Salamat na lang. Ayaw ko na pati yang panyo mo madumihan dahil sakin---"

Inilagay ni Marky sa kamay niya ang panyo. "Sayo na yan. Pag-pasensyahan mo na ang kaibigan ko, Ms. Kim" he said calmly.

Pero ang kaibigan mo, walang puso.

"Pasensya na ha? Ganoon lang talaga siya" mahinahong pagpatuloy pa ni Marky.

Palihim namang napangiti ang dalaga habang nagpupunas ng luha gamit ang panyo ni Marky.

"Siya dapat ang humingi ng tawad, hindi ikaw" mahinahong sabi niya rito.

"Ayos lang. Gusto ko naman na ako ang humihingi ng tawad. Siya nga pala, hindi lahat ng SVT, masama. Actually, we're not bad. Lalo na si Prince. Kung kilala mo siya, masasabi mong iba siya" mahinahong sabi ulit nito.

Napasinghap si Jenny. "Don't worry, wala akong galit sa buong SVT."

"Thanks. If may masakit sa'yo, tell me lang. Dadalhin kita sa clinic" nakangiting wika niya sa dalaga.

Ngumiti si Jenny at nag-angat ng tingin. She cleared her throat. "Salamat pala kanina ha. Kung wala ka baka---"

"Walang anuman" hindi na niya pinatapos ang sasabihin. "Sige aalis na ako ha..babalik na ako doon mag so-sorry na lang din ako sa kanila" ngiting paalam nito bago umalis.

Napawi ang ngiti ni Jenny sa pag alis niya. Marami pa siyang gustong sabihin at ipagpasalamat sana sa binata.

Continue Reading

You'll Also Like

45.7K 837 13
A SHORT STORY ALL RIGHTS RESERVED 2020
1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
83.2K 2K 45
I noticed that some of you don't read the description. So I just wanted to clear up that this story was inspired by He's Into Her Now that it's clear...
526K 15.1K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?