MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)

By SweetKitkat

10.9M 202K 28.7K

FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the... More

MARRIED BY MISTAKE
WARNING:
PROLOGUE
CHAPTER 1: HIS BITCHES
CHAPTER 2: Fever
CHAPTER 3: Hindi Na Tulad Ng Dati
CHAPTER 4: Heartless
CHAPTER 5: Ruthless Monster
CHAPTER 6: Kahit Sandali Lang
CHAPTER 7: Trust Me
CHAPTER 8: Drown In Love
CHAPTER 9: Heart attack
CHAPTER 10: Liters Of Tears
CHAPTER 11: Isn't it Obvious?
CHAPTER 12: Painful Goodbye
CHAPTER 13: YOU ORDER, WE DELIVER
CHAPTER 14: FELT NOTHING
CHAPTER 15: ANG MANHID MO
CHAPTER 16: I KNOW IT ALL
CHAPTER 17: GUESS WHO?
CHAPTER 18: NOT A SAINT
CHAPTER 19: I MISS YOU
CHAPTER 20: MELT ON THE FLOOR
CHAPTER 21: A GOOD BYE
CHAPTER 22: NASAAN ANG HUSTISYA
CHAPTER 23: PAINFUL TO BE WITH ME
CHAPTER 24: CONSEQUENCES OF YOUR CHOICE
CHAPTER 26: STRAWBERRY ICE CREAM
CHAPTER 27: FEEL LIKE SCREAMING
CHAPTER 28: TIRED OF..
SK NOTE:
CHAPTER 29: GASGAS NA
CHAPTER 30: LET'S GO HUNTING
CHAPTER 31: TIME TO GO
CHAPTER 32: I LOVE YOU
CHAPTER 33: THE 'G' WORD
CHAPTER 34: UMIIYAK ANG PUSO KO
CHAPTER 35: GIVE YOUR PAIN TO ME
CHAPTER 36: CAN'T BE WITH YOU
NOTE LANG PO
CHAPTER 37: WHERE WILL I GO
CHAPTER 38: USAPANG..
CHAPTER 39: UNTITLED
CHAPTER 40: ALL I HAVE
EPILOGUE
SOON TO BE PUBLISHED
HELLO THERE!

CHAPTER 25: WATERWORKS

186K 3.7K 677
By SweetKitkat

CHAPTER 25: WATERWORKS

*******

LUNA

"Huh? Buntis ka na?! Omygosh! Tita na ako." Masayang sabi ni Camille.

Ngumiti ako ng mahigpit at hinigop ang kape na binili namin sa Starbucks. "Buti ka pa masaya na buntis na ako. Samantalang 'yung asawa ko.."

"Ano na namang katarantaduhan ang ginawa ni Dylan?"

"Ang akala kasi niya si Skyler ang ama ng anak ko." Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig para makulong ang hikbi. Binigyan niya ako ng tissue at ipinunas ko iyon sa aking pisngi at mata. "Hindi siya naniniwala na walang nangyari sa amin ni Skyler. Paano naisip ng asawa ko na pinagtaksilan ko siya?"

Hinawakan ni Camille ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Let him cool down. Matatauhan din iyon. Makitid na ang pag-iisip ni Dylan simula nung nasaktan ko siya. Ang gusto niya ay kontrolado na niya ang lahat."

"Natatakot lang kasi ako na baka bumalik na naman siya sa pananakit sa akin."

"If he does that, ipapatikim ko sa kanya ang lasa ng utot ni hudas."

Natawa ako sa sinabi ni Camille. "May lasa ba 'yun?"

"Makisakay ka nalang." Maarteng sabi nito.

Maghapon kaming magkasama ni Camille. Pinapagaan nito ang aking loob. Pinaliwanag ko rin sa kanya kung bakit ako nag pumunnta ng California para kay Skyler. Sana maintindihan ni Dylan na malaki ang ginampanang papel ni Sky sa buhay ko. Kung hindi ko siya nakilala, malamang ay nagpakamatay na ako sa sobrang lungkot.

"Everything's alright, hmm?" Napatingin ako kay Camille.

Nakahinto na ang kotse sa tapat ng gate namin. Tumango ako at dahan-dahang lumabas sa kotse.

"Tawagan mo ako kapag may nangyari, ha? Susunduin agad kita."

"Oo. Salamat, Camille."

Pinaharurot na nito ang sasakyan paalis. Binuksan ko ang gate at pumasok na. Isinuot ko ang susi sa doorknob at pinihit iyon. Dahan-dahan kong tinulak ang pinto at pumasok sa loob ng bahay.

Bukas ang lahat ng ilaw ngunit walang bakas ni Dylan sa paligid. Binaba ko ang aking bag sa upuan at pumunta sa kusina ngunit wala rin siya doon.

Huminga ako ng malalim at pumunta sa aming kwarto. Nakita ko ito na nakadapa sa kama at natutulog. Naamoy ko ang halimuyak ng alak sa buong kwarto. Umuwi na naman siyang lasing.

Lumapit ako sa kanya at isa-isang inalis ang kanyang sapatos. Kumuha rin ako ng damit na mas kumportable kaysa sa polo at jeans niya. Pagkatapos ko siyang bihisan ay bumaba na ako para magluto ng hapunan.

Nang matapos akong magluto ay umakyat ako sa kwarto para gisingin si Dylan. Hindi siya pwedeng matulog na puro alak ang laman ng kanyang tiyan.

"D, gising na." Sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya.

"Hmm.." Ungol nito ngunit hindi dinilat ang mata.

"Kumain ka muna."

"Get out. I want to sleep." Malamig na tugon nito.

Nagbuntong-hininga ako. "Dylan, come on. Kumain ka muna atsaka ka magpahinga. Masama kasi—"

Bumangon ito at matahas na hinawakan ang aking kamay. "Shut up! And get the fucking hell out of my eyes!"

Nag-init ang sulok ng aking mata. "Dylan, what did I do for you to hate me this much?"

"Don't start with the waterworks now! Fuck!" Pinasadahan nito ng kamay ang kanyang buhok. 

Huminga ako ng malalim at tinalikuran ito. Hindi dapat ako ma-stress para na rin sa kapakanan ng aking anak. Kinain ko ang aking niluto kahit ako lang mag-isa. Gusto ko na ring magpahinga pero ayokong matulog na walang laman ang aking tiyan. Baka makasama sa bata kung gugutumin ko ang aking sarili.

Nahiga ako sa tabi ni Dylan. Magkatalikuran kami. May kaunting kirot akong nararamdaman dahil kayang-kaya niya akong tiisin, samantalang ako, yakapin lang niya ako, mapapatawad ko na siya. Kasi ganoon ko siya kamahal.

Nagising ako na may yumuyugyog sa aking balikat. Pagdilat ko ay nakita ko kaagad ang mukha ng aking asawa. Sumalubong sa akin ang sinag ng araw mula sa bintana. Kinusot ko ang aking mata at pagkatapos ay nag-inat. Napansin kong bihis na bihis ito.

"Magbihis ka, pupunta tayo sa obygyne." Seryoso ang boses nito.

Lumiwanag ang aking mukha dahil sa sinabi niya. Tanggap na niya? Naniniwala na siya sa akin? "Talaga?"

"Oo. Kailangan kong malaman kung ilang araw na ang bata na iyan sa sinapupunan mo para masabi kong akin nga yan."

Natunaw ang ngiti sa aking labi. Napahigpit ang hawak ko sa kumot na nakabalot sa akin. Hindi niya talaga kayang paniwalaan ako.

"Ayoko." My voice is stern.

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Bakit? Inaamin mo na?"

Huminga ako ng malalim. Nasasaktan ako sa mga ginagawa niya. "Hindi mo na kailangan ng siyensya para masabi mong anak mo ang dinadala ko, Dylan. Ang baba nga talaga ng tingin mo sa akin."

"Kung ayaw mo, 'di huwag. Sino ba sa atin ang nawalan?" Nang-uuyam na sabi nito.

"Ikaw." Matapang kong sabi.

"Ako? Kung ikaw lang 'din ang mawawala sa akin, wala na akong pakielam. Marami akong pamalit sayo." Napasinghap ako sa kanyang sinabi.

Tumalikod na ito at lumabas ng kwarto. Parang dam na bumuhos ang aking luha. Ang sakit naman n'un. Shit! Marami palang pwedeng pumalit sa akin sa puso niya. Pero, hindi ako susuko. Hindi ako aalis. Kapag umalis ako, magkakaroon siya ng kalayaang gawin ang lahat ng gusto niya. Baka kung sino-sino pa ang dalin niya sa pamamahay namin. Hindi ko pinaalam sa kanya na magpupunta ako sa obygyne. Gusto ko lang malaman kung ilang linggo o buwan na ang anak ko.

"Okay, Misis Reyes. Please, relax for a bit." Magalang na sabi sa akin ng babaeng doktora.

Huminga ako ng malalim. Napakislot ako nang lagyan nito ng gel ang ibabaw ng aking tiyan.

"Okay. Your baby is good. It's healthy." In-adjust ng doktora ang kanyang salamin.

Bumangon ako ng kaunti para makita ang itsura ng aking anak. Halos maiyak ako ang itsura ng bata na nasa sinapupunan ko.

"You're one month pregnant, Misis Reyes."

Pinunasan ko ang aking pisngi dahil may nalaglag na luha roon. Ito siguro yung naramdaman ni Mama habang pinagmamasdan kami sa monitor.

"Ang maipapayo ko lang ay iwasan mong ma-stress, at kumain ng healthy foods. Bibigyan na rin kita ng mga vitamins, regular mo itong iinumin para sa'yo at sa baby, okay?"  Ibinigay sa akin ng doktora ang picture ng aking anak. Pati na rin ang nga vitamins at listahan na kung ano ang mga hindi dapat gawin ngayon buntis na ako.

Itinago ko ang papel sa aking bag at umuwi na ng bahay. Nanunuod ako ng telebisyon habang hinihintay si Dylan na umuwi. Hindi kasi nito sinasagot ang mga tawag ko. At nang tawagan ko naman ang kanyang sekretarya, sinabi niyang busy si Dylan at bawal istorbohin.

Napatayo ako at tumingin sa bintana nang marinig ko ang tunog ng kotse ni Dylan. Nagtaka ako nang ang lumabas sa driver seat ay isang babae. Umikot ito sa passenger seat at tinulungan lumabas si Dylan na halos hindi makatayo sa kalasingan.

Nakaakbay ang aking asawa sa kanya habang ang babae ay nakaalalay sa bewang ng asawa ko. May kutsilyong humihiwa sa aking puso habang pinagmamasdan silang palapit sa aming front door. Binuksan ko ang pinto at napatingin silang pareho sa akin.

"Oh. Shiena, I would like you to meet my wife. Say hello to her, darling." Halos magpalipit ang dila ni Dylan sa kalasingan.

"Hi." Kiming sagot ng babae. Iniwasan ng kanyang maganda mata ang mapatingin sa akin. Kinagat nito ang pulang labi na parang may ikinakahiya.

"Umalis siya para puntahan ang ex niya at iniwan ako. and the funny part is, nang umuwi siya she announced that she's pregnant. I'm gonna be a Daddy-- I think." Dagdag pa nito.

Napakislot ako sa sakit na aking nadama.

"Dylan, stop." Malamig na sabi ng babae.

Lumapit ako sa kanila at inilagay ko rin ang braso ni Dylan sa aking balikat. Pinagtulungan namin siyang ipasok sa bahay at ihiga sa sofa. Agad na ibinagsak ni Dylan ang sarili doon at itinakip ang braso sa kanyang mata.

Nagkatinginan kami ng babae. Tumikhim siya. "I just met him at the bar kanina. Pero 'wag mo sanang isipin na may nangyari sa amin or whatsoever. He's wearing a ring at mukhang sinasamantala ng ibang babae ang kalasingan niya. You know, basta gwapo ang lalaki, may asawa man o wala, ikakama nila. Ipinagtanong ko nalang sa club kung saan siya nakatira at ako na ang naghatid. So, huwag mo sanang masamain."

"I'm sorry for the inconvenience. Mayroon lang kaming kaunting problema at hindi pa naaayos." Tiningnan ko ng malungkot si Dylan sa ngayon ay tahimik pa ring nakahiga. Ngumiti ako ng tipid sa kanya.  "Salamat sa paghatid sa asawa ko."

"No problem. Sige, may naghihintay na sa akin na taxi, so better go." Nakangiti niyang sabi at tumalikod na.

Nagbuntong-hininga ako bago isara ang pinto. Narinig ko ang mahihinang hilik ni Dylan. Nilapitan ko ito at lumuhod sa tabi niya. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

Inayos ko ang buhok na nasa noo nito. "What am I going to do to you, Dylan?"

******


Hi, Shiena! Ayan na ang promise ko sa paggamit ng pangalan mo. Hahaha.

UPLOADED: JANUARY 16, 2014

SK<3

Continue Reading

You'll Also Like

642K 7.1K 47
Too dumb to trust the devil.
7.4K 140 31
[Completed] - Standalone (slowly editing...) Kate's daydream kind of life ended when everything got twisted by the choices she made. Years past, She...
360K 953 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.
HerShe By L

General Fiction

105K 2.5K 31
Is it just another chemical reaction? Or a true and unexplainable emotion? • The language of the story is taglish (mixture of tagalog and english) ...