Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

By elyjindria

16.2M 462K 293K

(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside fro... More

note
Call Me Mayor
DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
LAST CHAPTER
NEXT
published on PSICOM!

Chapter Twenty-One

319K 11.2K 3.3K
By elyjindria

Pinilit ko na lang na hindi intindihin ang sinabi ni Vierra bago siya umalis, pero hindi 'yon maalis sa isip ko.

Alam ko namang iyon din naman ang kahahantungan ko sa buhay ni Mayor, alam kong ididispatsa niya rin ako kapag sawa na siya, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang tumakas. Gusto kong lubusin ang mga oras na nandito pa ako at kasama si Arkia—at si Mayor.

"Hindi ka ba nalulungkot? Umalis na naman ang mama mo," sabi ko kay Arkia habang sinusuklayan ang buhok niya.

"'Di ba sabi niya naman bibisita siya? Saka inaasahan ko na rin naman na hindi niya ako maaalagaan. Basta 'wag kang aalis, okay na ako," sabi niya saka itinuloy na ang paglalaro ng Barbie niya.

Natahimik ako at napatigil sa pagsusuklay sa kaniya. Ayaw niyang umalis ako, ayaw ni Arkia na iwan ko siya, pero ano'ng magagawa ko? Aalis at aalis din naman ako dahil magsasawa rin sa 'kin si Mayor at bawal ko siyang mahalin.

"Hindi ka dapat ma-fall nang sobra sa charms ko, beh, kasi hindi naman ako permanente rito," sabi ko na lang saka hinawakan ang balikat niya at iniharap siya sa 'kin. Napanguso naman siya.

"Na-fall naman si Papa sa charms mo, e. Kapag na-fall na siya nang tuluyan sa 'yo, hindi mo na kailangan umalis," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napangiti na lang ako at kinurot ang pisngi niya. Ang cute na talaga lalo ni Arkia sa paningin ko kahit bruhang bata siya noon.

"Kung ano-anong pinagsasasabi mo, matulog ka na nga o kaya naman magbasa ng Bible," sabi ko na lang at inayos siya ng upo sa kama.

"Mama."

"Hmm?" tanong ko habang hinahaplos ang mahabang buhok niya.

"Kapag po birthday ng anak mo, ano ang gagawin mo?" inosenteng tanong niya.

"Siyempre ipagluluto ko at reregaluhan," sabi ko naman. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa 'kin.

"Ano ang ireregalo mo sa kaniya?" tila nasasabik na tanong niya. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

"Bakit mo tinatanong 'yan? Birthday mo ba?" tanong ko pa.

Agad siyang umiling at napaiwas ng tingin sa 'kin. Naningkit naman ang mga mata ko nang mapansing bahagyang namula ang magkabilang pisngi niya. Bakit naman siya nagtanong ng gano'n kung hindi pala?

"Good night na, Mama, magbabasa na po ako ng Bible," sabi niya na lang saka kinuha ang Bible sa bedside table niya.

"Sige, good night." Dinampian ko muna ng halik ang noo niya bago ako lumabas ng silid niya.

Nagtungo na ako sa kuwarto namin ni Mayor at agad na nag-shower, nag-toothbrush, at nagpalit ng pantulog. Umupo na ako sa kama at sumandal sa headboard saka nag-Facebook, baka may update dito tungkol kina Aljen at Wrena.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ang post ni Wrena.

Wrenashi Bautista

32 minutes ago

Alam kong trip mo lang ako kasi binasted ka. 'Wag ako puwede? Hindi ka nakakatuwa.

Napabuntonghininga na lang ako at napailing sa post niya, mukhang nagkakalabuan pa sila ni Aljen ngayon, a. Natigilan naman ako nang makitang may post din si Aljen.

Aljen Mijares

18 minutes ago

Sinabi ko bang nakakatuwa ako?

Napailing na lang ako, paano ko ba mapagbabati ang dalawang 'to? Mukhang seryoso ang away nila ngayon.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Wrena sa caller ID.

"Ayen! Hindi ka maniniwala sa inamin sa 'kin ni Aljen," sabi niya na para bang naiinis siya. Napakamot na lang ako sa kilay ko.

"Alin? 'Yung may gusto siya sa 'yo?" tanong ko. Saglit siyang natahimik.

"Paano mo nalaman, 'te?" tila nagtatakang tanong niya.

"Wrenashi, obvious naman kasi na may gusto sa 'yo si Future Attorney. Kahit noon pa, napapansin ko na," may bahid ng sarkasmo na sabi ko.

"Baliw ka ba? Bakit magkakagusto sa 'kin 'yon e baliw na baliw 'yon sa 'yo?" naiiritang sabi niya. Napakamot na lang ako sa batok ko.

"Wrena, maniwala ka sa 'kin, totoo ang sinabi sa 'yo ni Aljen. Kung nakita mo lang kung gaano siya nagselos sa ka-date mo, kulang na lang ay sugurin niya at suntukin 'yung lalaki. Maniwala ka, Wrena, gusto ka talaga ni Aljen. Legit na gusto," sabi ko na lang.

Natahimik siya sa sinabi ko. Wala na lang siyang naging komento sa sinabi ko at agad na nagpaalam sa 'kin saka binaba ang tawag. Natatawang napailing na lang ako. Sana talaga magkaroon na ng improvement sa relasyon nilang dalawa.

Natigilan ako nang biglang pumasok si Mayor sa kuwarto. Napatingin ako sa wall clock, 7:30 p.m. pa lang, bakit kaya ang agang umuwi ni Mayor?

Tumingin sa 'kin si Mayor, nginitian ko na lang siya nang matamis kahit na tila may nagwawala na naman sa dibdib ko dahil lang sa tumingin siya sa 'kin.

Kumuha siya ng damit at agad na nagtungo sa banyo. Napakibit-balikat na lang ako at muling bumalik sa pagpe-Facebook. Nang magsawa ako, sa Instagram naman ako tumambay.

Napasinghap ako nang makitang nag-post si Aljen ng picture ng kamay nila ni Wrena na magkahawak. Ilang taon na kaming magkakaibigan, sigurado akong kamay ni Wrena ang hawak niya, dahil na rin sa pamilyar na bracelet, alam kong iyon ang bracelet na paborito ni Wrena.

aljenM: I'm the happiest. Holding your hand like this feels euphoric. WB ~

Agad naman akong nag-comment.

AyenMacarios: @aljenM, sabi ko naman sa 'yo, e, pasasalamatan mo ako balang araw dahil binasted kita. Hahahaha.

Nag-reply naman si Aljen.

aljenM: Thank you, Ayen, ninang ka sa kasal namin.

Napahagikhik ako at napapadyak. Kaibigan ko naman silang dalawa pero kilig na kilig ako. Hindi ko akalaing bibigay agad si Wrena.

Gusto ko tuloy silang puntahan para makita ang mga hitsura nilang dalawa. Paniguradong maglalandian na sila palagi sa harapan ko.

Natigilan ako sa paghagikhik na parang baliw nang lumabas na si Mayor ng banyo. Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatikhim saka pasimpleng tumingin sa kaniya.

Ang guwapo talaga palagi ni Mayor sa paningin ko, minsan ayoko na lang tumingin sa kaniya.

"Jonalyn."

Natigilan ako at napatingin kay Mayor. Siya lang yata ang kilala ko na tumatawag sa 'kin sa totoo kong pangalan. Sa totoo lang ayoko talaga sa pangalan ko dahil common, pero kapag binabanggit ni Mayor 'yon parang nagugustuhan ko na.

"Ahm, Mayor, puwedeng Ayen na lang ang itawag mo sa 'kin? Iyon kasi ang tawag sa 'kin ng lahat," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.

Hindi sumagot si Mayor at umupo na lang sa kama habang nakatingin sa 'kin. Napakurap naman ako at nagtatakang napatingin sa kaniya. Ano kaya ang problema ni Mayor at nakatitig siya sa 'kin nang ganito?

Naiinis pa naman ako kapag natitig siya nang ganyan, nakakapanlambot kasi ng mga tuhod. Parang may kakaiba sa mga tingin niya na hindi ko pa naramdaman sa kahit kanino.

"Jonalyn."

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at pinigilan na mapasapo sa noo ko dahil tinawag na naman niya ako sa totoong pangalan ko. Ang kulit din ng lahi nitong si Mayor.

"Mayor, 'di ba sabi ko naman sa 'yo, ang itawag mo—"

"It's Arkia's birthday tomorrow."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko at gulat na napatingin sa kaniya.

"Seryoso?" tanong ko. Tumango naman siya.

Kaya pala nagtanong sa 'kin si Arkia ng tungkol sa birthday kanina, bakit ang manhid ko? Hindi ko na-gets agad ang pinahihiwatig niya.

"I don't know what to do or what gift should I give her," sabi niya saka napaiwas ng tingin sa 'kin. Natatawang napailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Tiningnan naman niya ako nang masama. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko para itikom ang bibig ko.

"Tinanong mo na ba siya kung ano ang gusto niya?" tanong ko na lang.

"She says she's fine with anything. What the fuck is anything that she's talking about?" tila naiiritang tanong niya. Napakamot na lang ako sa batok ko at tinapik ang balikat niya para pakalmahin siya.

"Ito na lang, ano ba ang binibigay mo sa kaniya tuwing birthday niya?" tanong ko.

"Bunch of toys, books, chocolates," sagot niya. Napangiwi ako habang napapailing.

"Hindi naman kasi dapat gano'n ang regalo mo. Palagi mo na namang binibigay sa kaniya ang mga 'yon, e. Saka 'yung mga 'yon, binili mo lang, halatang hindi mo pinaglaanan ng effort," panenermon ko sa kaniya. Nanatili naman siyang nakatitig sa 'kin. Gusto kong matawa sa hitsura niya, mukha siyang estudyante na nakikinig nang maigi sa teacher niya.

"What should I do then?" tanong niya.

Napaisip naman ako. Ano nga kaya ang puwedeng iregalo kay Arkia na magugustuhan niya? Dapat regalo iyon na paglalaanan ng oras at ng effort.

"Alam ko na, magpa-party tayo, tapos 'yung mga pagkain, tayo ang gumawa o magluto. Tapos magtatahi naman tayo ng teddy bear para sa kaniya bukas habang nasa school siya. 'Wag ngayon kasi gabi na," sabi ko naman. Tumango na lang siya.

"What are we gonna cook?" tanong niya.

"Wait, maglilista ako ng ingredients. Ipabili mo na sa mga tauhan mo, gawin na natin ngayon ang mga puwede nating gawin para kaunti na lang bukas. Teka, 'di ba may trabaho ka bukas?" nakakunot-noong tanong ko.

"Don't mind that, let's just focus on Arkia for now," sabi na lang niya.

Pinabili ni Mayor ang mga ingredient na nilista ko. Gabi na ngayon pero iluluto na namin ang puwede naming iluto. Mas maganda kung kami talaga ni Mayor ang magluluto para naman maranasan niyang mag-effort para sa anak niya. Siyempre sinigurado rin naming tulog na tulog na si Arkia.

"Wait, aren't these a recipe for making binatog?" nakakunot-noong tanong ni Mayor saka inangat ang plastic. Agad ko iyong hinablot mula sa kaniya.

"Ano ka ba naman, Mayor? Paborito rin kaya ni Arkia 'yan, dapat merong binatog," sabi ko na lang saka muling ibinalik 'yon sa mesa.

"Fine, how should I cut this carrot?" tanong niya saka inangat ang carrot.

"Basta pa-box, maliliit lang, ha," sabi ko naman habang inaayos ang ingredients sa paggawa ng cupcake. Magbe-bake ako ng mga chocolate cupcake, isa 'to sa mga regalo ko kay Arkia bukod sa teddy bear.

"Ano pa ba ang gusto ni Arkia? Tell me more about my daughter," sabi niya habang naghihiwa ng carrots. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

"'Di ba dapat alam mo ang mga 'yon kasi anak mo siya?" sabi ko naman saka muling ibinalik ang atensiyon sa cupcakes na ginagawa ko.

"As you can see, I ain't a loving father so I know nothing about my own child, that's why I'm asking you."

Napatingin ako sa kaniya na halatang nag-fo-focus nang maigi sa hinihiwa niya. Napailing na lang ako.

"Para sa 'kin mapagmahal kang tatay kay Arkia, hindi ka naman mag-e-effort nang ganito kung hindi," sabi ko na lang saka tipid na ngumiti.

"Am I?" tanong niya saka tumingin nang deretso sa mga mata ko. Nanlambot ang mga tuhod ko sa tingin niyang 'yon pero nagawa ko pang ngumiti nang matamis sa kaniya saka tumango.

"Anyway, mahilig si Arkia na magbasa ng Bible, love na love niya ang Diyos. Alam mo naman na gusto niyang maging madre, 'di ba?" Tumango naman siya sa tanong ko.

Mukhang kahit papa'no naman ay nakakapagkuwentuhan sila ng anak niya.

"Matalino si Arkia, alam niya una pa lang na hindi ako ang totoong mama niya pero sumasakay na lang siya. Alam mo bang napakasuplada ng batang 'yon in real life? Pero okay lang naman, na-fall din naman siya sa charms ko, e," sabi ko na lang saka napahagikhik.

"That's so expected," bulong niya. Nagtatakang napatingin naman ako sa kaniya.

"Ha?" tanong ko. Hindi ko narinig ang ibinulong niya.

"Nothing, so what you were saying again?" tanong na lang niya. Napatikhim na lang ako at muling bumalik sa kinukuwento ko.

"Ayun nga, sweet naman talaga si Arkia saka mahal na mahal ka n'on. Siguradong magugustuhan niya talaga ang effort na ginagawa mo para sa kaniya ngayon."

Natahimik naman siya sa sinabi ko pero tinuloy niya pa rin ang ginagawa. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kaniya.

Kaunti lang ang serving ng niluluto namin, para sa 'ming tatlo lang kaya hindi kami masyadong nahirapan ni Mayor, kaso mahahalata talaga na hindi marunong magluto si Mayor dahil simpleng paghiwa lang ay hindi niya magawa nang ayos, pero nakaraos naman kami.

"Mayor, tikman mo 'tong cupcake," sabi ko saka inilapit ang cupcake sa bibig niya. Napakunot naman ang noo niya saka umiling.

"I don't like sweets," masungit na sabi niya. Napaismid naman ako.

"Tikman mo na kasi," pamimilit ko saka mas inilapit 'yon sa kaniya. Napabuntonghininga naman siya saka kumagat na lang.

Napangiti ako at kumagat din sa cupcake. Napangisi ako nang mapatingin sa chocolate icing na nasa ibabaw ng cupcake, agad kong dinutdot 'yon saka ipinahid sa pisngi ni Mayor. Napahagalpak na lang ako ng tawa nang tingnan niya ako nang masama.

Napasinghap ako nang agawin niya sa 'kin ang cupcake at ginaya ang ginawa ko. Akmang ipapahid niya rin 'yon sa 'kin pero agad akong nakatakbo.

"Come here," tila nananakot na sabi ni Mayor. Umiling naman ako. Ano ako? Engot?

Napatili ako nang agad na tumakbo si Mayor papalapit sa 'kin. Wala akong nagawa nang buhatin niya ako at pinaupo sa mesa saka ikinulong sa mga bisig niya. Napasimangot na lang ako nang pahiran niya ng icing ang pisngi ko. Napakagat siya sa ibabang labi niya habang nakatingin sa 'kin na tila ba pinipigil niya na matawa.

"Ang dungis ko na!" naiinis na sabi ko.

Napangisi naman siya habang nakatitig sa pisngi ko na may icing. "I'll lick it off," tila paos na sabi niya saka walang sabi-sabing dinilaan ang pisngi ko.

Pakiramdam ko ay nag-akyatan ang lahat ng dugo ko dahil sa ginawa niya, malamang pulang-pula na ang mukha ko ngayon. Pati ang mga paruparo sa tiyan ko ay nagpa-party din.

"B-bakit mo ginawa 'yon? Ang dugyot naman," nauutal na sabi ko.

"Then lick my face too," tila nang-aasar pa na sabi niya.

Inabot na tuloy kami nang madaling araw dahil sa landian namin.

***

"Mali naman, e, salit-salitan dapat," panenermon ko kay Mayor.

"Damn it! This is frustrating as fuck," naiiritang sabi niya.

Natawa ako sa hitsura niya ngayon. Pagkaalis na pagkaalis ni Arkia, nagtahi agad kami ng teddy bear para sa kaniya. Simpleng teddy bear lang naman ang gagawin namin at hindi mabigat, tig-isa kami ng tinatahi ngayon. Kulay pink ang sa 'kin, sa kaniya naman ay kulay white.

"Mayor, kaya mo 'yan. Para kay Arkia naman ang ginagawa mo, e. Saka kailangan mong bilisan dahil susunduin na ni Adham si Arkia maya-maya," sabi ko na lang saka tinapik ang balikat niya.

Napakamot na lang si Mayor sa batok niya saka nagpatuloy. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napapailing na tumingin sa kaniya. Sobrang cute talaga ni Mayor sa mga ganitong sitwasyon.

Natapos din kami makalipas ang ilang oras. Tuwang-tuwa ako sa kinalabasan ng gawa namin. Napangiti naman ako at napatingin kay Mayor.

"Wow, ang ganda ng iyo," sabi ko na lang saka kinurot ang braso ni Mayor. Ang tigas naman ng braso niya, nakakagigil.

Napatingin siya sa 'kin habang nakakunot ang noo saka tumingin sa teddy bear na tinatahi ko. "Are you kidding me?" iritadong tanong niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko habag nagpipigil ng tawa.

"'Wag ka namang mainis, Mayor. Pa-kiss na lang," tila nang-aasar na sabi ko saka ngumuso.

Natigilan ako nang seryoso siyang nakatitig sa 'kin.

Napasinghap ako nang basta na lang niya akong hinila paupo sa kandungan niya saka siniil ng halik ang labi ko. Niyakap niya ako sa baywang saka mas pinalalim ang paghalik sa 'kin. Yumakap na lang din ako sa batok niya at pumikit upang tugunin ang halik niya.

Impit na napadaing ako nang tila nanggigigil na kinagat niya ang ibabang labi ko saka sinipsip 'yon. Napasabunot naman ako sa buhok niya nang maglumikot na ang dila niya at tila inaangkin nito ang pagkatao ko.

"Let's go to our room," tila paos na bulong ni Mayor habang hinahalik-halikan ang labi ko pababa sa panga ko.

"P-pauwi na si Arkia," nasabi ko na lang kahit kaunti na lang ay bibigay na ako.

"We'll be quick. I really want you now," sabi pa niya.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko habang patuloy niya akong hinahalikan. Nanlalambot na talaga ako sa ginagawa niya.

"Mama! Papa!"

Agad akong lumayo kay Mayor nang marinig ang boses ni Arkia. Napatikhim naman si Mayor saka tumayo, inalalayan niya rin ako patayo.

"You won't get away with me tonight," bulong niya saka kinuha ang teddy bear na tinahi niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at kinuha rin ang teddy bear na tinahi ko.

Dali-dali kong hinila si Mayor papuntang dining room, itinago ko ang teddy bear na tinahi namin sa ilalim ng mesa.

"Sisigaw tayo ng happy birthday kapag dumating si—" Naputol ang sasabihin ko.

"Mama? Papa?"

Napakurap ako at napatingin kay Arkia na nakatitig sa 'ming dalawa ni Mayor. Pasimple ko namang siniko ang tiyan niya. Masyado yata siyang na-carried away sa halikan namin kaya lutang siya.

"Happy birthday, Arkia!" sabi ko na lang saka itinaas ang dalawang kamay ko.

"Happy birthday," sabi naman ni Mayor. Napaismid na lang ako. Wala na bang isisigla pa ang boses niya?

"Wow! Naghanda po kayo sa birthday ko?!" tuwang-tuwang tanong ni Arkia saka tumuntong sa upuan upang tingnan ang mga pagkain. Ang laki ng ngiti niya habang nakatitig sa mga 'yon. Napatingin din siya sa mga balloon at maliit na tarpaulin na pinagawa ni Mayor. Hindi maalis ang magandang ngiti sa labi niya.

"Oo, beh. Papa mo talaga ang nagluto ng mga 'yan. Ito pa." Kinuha ko ang dalawang teddy bear sa ilalim ng mesa at inabot sa kaniya. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na kinuha ang mga 'yon. Kitang-kita sa mga mata niya na talagang gustong-gusto niya ang mga 'yon.

"Kami ng papa mo ang nagtahi niyan. 'Yung white, Papa mo ang nagtahi. Tingnan mo ang kamay ng papa mo, puro sugat," sabi ko naman saka inangat ang kamay ni Mayor para ipakita sa kaniya.

Agad na umalis si Arkia sa upuan at sinugod kami ng yakap ni Mayor. Napangiti na lang ako at hinaplos ang buhok niya. Pakiramdam ko ay may kung anong kakaiba ang humahaplos sa puso ko ngayon. Sobrang saya ko na makitang masaya si Arkia.

"Kayo po ang best parents in the world!" sabi ni Arkia at ngumiti sa 'min saka mas hinigpitan ang pagyakap niya.

Kahit wala pa akong anak at kahit hindi ako ang tunay niyang ina, pakiramdam ko best parent talaga ako gaya ng sabi niya.

Natigilan ako at napatingin kay Mayor, napatingin din naman siya sa 'kin.

"Thank you," mahinang usal ni Mayor saka hinaplos ang pisngi ko. Natigilan naman ako sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay nagwala ang puso ko kasabay ng pagdaloy ng hindi maipaliwanag na kuryente sa buong katawan ko nang ngumiti siya sa 'kin. Hindi iyon ngisi o ano man.

Totoong ngiti iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

24.7K 105 11
Aaliyah Mae Almanzar thought of going on a vacation at Canada with her 1 year boyfriend Zavier Fuentes. She want to introduce it to her family. But...
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
12.2K 174 4
𝐎𝐍𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 (𝐏𝐀𝐈𝐍 𝐒𝐄𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄) "I said I was fine, but I never said it didn't hurt." -Honey Balong