Chapter Twenty

311K 10.1K 7.6K
                                    

"Okay lang ako, Mayor, hindi naman masakit."

Hindi nagpatinag si Mayor at tinuloy lang ang paggamot sa kalmot sa mukha ko at sugat sa gilid ng labi ko. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan na lang siya.

Hindi na kasi maganda ang kutob ko sa mga ganitong paggamot niya ng sugat ko. Kapag ginagamot niya ang sugat ko, may nangyayari palaging kakaiba; kung hindi halikan, ano naman . . . basta, iyon.

"Mayor, ano . . . balak mo ba talagang barilin si Vierra kanina? O baka joke time mo lang 'yon?" tanong ko saka tumingin sa kaniya.

"I can kill whoever I want. I don't care if she's Arkia's mother," malamig na sabi niya saka muling nag-focus sa paggamot sa sugat ko.

Napalunok na lang ako sa sinabi niya at alanganing ngumiti sa kaniya. Kung gano'n pala, gano'n niya lang din kadaling patayin ako. Sa nanay nga ni Arkia wala siyang pakialam, e, paano pa sa 'kin?

"'D-di ba nanay siya ni Arkia? Bakit wala kang pakialam sa kaniya? Imposible namang hindi kayo nagkaroon ng relasyon noon. Wala lang ba siya sa 'yo?" pasimpleng tanong ko.

Sana hindi niya mahalata ang tunay na agenda ko sa pagtatanong tungkol do'n. Gusto ko lang malaman kung may gusto pa ba siya kay Vierra o mahalaga ba si Vierra sa kaniya.

"We were just fuck buddies back then, nothing more, nothing less, but I got her pregnant and she couldn't take responsibility for it. And now she's being a bitch for some reason," sabi naman niya saka marahang hinaplos ang pisngi kong may kalmot, napapitlag naman ako sa ginawa niya.

"Mayor, hindi mo dapat siya patayin. Kahit wala ka nang pakialam sa kaniya ngayon, isipin mo pa rin na siya ang nanay ni Arkia. Galit ako sa kaniya dahil bruha siya, pero ayoko namang mamatay siya," tila nakikiusap na sabi ko sa kaniya.

Natahimik siya at inayos na lang ang first aid kit saka isinara 'yon. Natigilan ako nang may maalala ako. Napangisi ako at tila nanunuksong kinalabit ang braso ni Mayor, napakunot naman ang noo niya saka nagtatakang tumingin sa 'kin.

"Naalala ko 'yung sinabi mo kanina, Mayor. Sabi mo ganito . . ." Tumikhim muna ako bago muling nagsalita. "Who gave you the right to hurt my woman in my own house?" sabi ko saka pinilit na ginaya ang tono ng boses niya.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko upang magpigil ng tawa nang makita kong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko.

"I didn't say that," pagtanggi niya. Naningkit naman ang mga mata ko.

"Sinabi mo kaya, rinig na rinig ko nga, e. Hindi ko na lang pinansin dahil may hawak kang baril, natakot ako. Pero dinig na dinig ko 'yon. Ikaw, Mayor, ha. Woman ako pero hindi ako sa 'yo," sabi ko na lang saka napailing.

"You're mine," sabi naman niya saka tumayo at kinuha ang first aid kita at muling ibinalik iyon sa drawer.

Natigilan ako at natulala sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nagwawala na naman ang mga paruparo sa tiyan ko, dalawang salita lang ang sinabi niya pero kung anong kakaiba na agad ang nagwala sa sistema ko.

Napatikhim na lang ako at pilit na pinakalma ang sarili ko saka napakagat sa ibabang labi ko na pinagsisihan ko rin agad.

"Aray," napadaing ako nang maalala kong may sugat nga pala ako sa labi.

Agad na napatingin sa 'kin si Mayor. Lumapit siya sa 'kin at umupo sa kama, katabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko habang nakatitig sa 'kin.

"Saan masakit?" tanong niya. Napakurap na lang ako at itinuro ang sugat ko sa labi.

"Okay lang ako, Mayor. 'Wag kang OA, masyadong obvious na nag-aalala ka sa 'kin, e," panunukso ko na lang sa kaniya saka sinundot-sundot ang tagiliran niya. Napasimangot na lang ako nang hindi siya nag-react.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon