Chapter Thirty-Six

280K 8K 6.9K
                                    

"Buti naman at napagdesisyunan mo ng magpakasal kay Vaughn, tama ang desisyon mong 'yan."

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Nanay saka napatango kahit hindi niya naman ako nakikita.

"Hindi pa naman po siguradong ikakasal kami."

Napahiga na lang ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko habang nagpapaliwanag kay Nanay. Gustong gusto niya talaga na mapangasawa ko si Vaughn.

Grabe ang pagod ko ngayong gabi kahit wala naman akong masyadong ginawa. Hindi ko alam kung bakit, pakiramdam ko noong oras na pumayag akong magpakasal kay Vaughn, naubos ang lahat ng lakas ko.

"Bakit ganiyan ang sinasabi mo? H'wag kang mag-isip ng ganyan! Ipapaalam ko na ito sa tatay mo ha. Sige, mag-ingat kayo riyan ni Vander. Alagaan mong maigi ang apo ko."

Napapikit na lang ako nang ibaba na ni Nanay ang tawag.

Naiinis na kinuha ko ang unan at niyakap 'yon. Gusto ko munang lumayo sa lahat at mag-isip isip. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa mga nangyari.

Ngayon ko lang napagtanto na masyado akong nagpadalos-dalos. Bakit ako pumayag na magpakasal kay Vaughn? Ni hindi na nga ako sigurado kung may nararamdaman pa ako sa kanya e.

Kung pwede lang na basta ko na lang bawiin ang pag-oo ko sa proposal niya kanina.

Kasalanan ni Arken 'to e, bakit naman kasi nandoon pa siya at kasama niya ang Vierra na 'yon? Kung hindi ko sana sila nakita edi sana hindi ako basta pumayag sa alok na kasal ni Vaughn.

"Mama."

Napabangon ako dahil sa gulat nang bigla na lang may magsalita sa gilid ko. Gulat na napatingin ako kay Vander na nakatayo sa gilid habang nakatingin sa 'kin.

"Anak, bakit? May kailangan ka ba kay Mama?"

Hinawakan ko ang kamay ni Vander at hinila siya papalapit sa 'kin. Nanatili naman siyang walang reaksyon, pero halata sa mga mata niya na may gusto siyang itanong.

"Magpapakasal na po kayo ni Vaughn?" tanong niya.

Mukhang narinig niya ang pag-uusap namin ni Nanay.

Napabuntong hininga ako saka tipid na ngumiti sa kanya. Ang gwapo talaga ng anak ko, kamukhang kamukha niya si Arken.

"Oo, ayaw mo ba? Diba sabi mo sa 'kin noon basta kung saan ako masaya, papayag ka," sabi ko na lang saka hinaplos ang malambot niyang pisngi.

"But you don't look happy, you look happier when you're with my father. You're not happy with Vaughn."

Natahimik ako sa sinabi niya, ayaw ko mang aminin pero natamaan ako sa sinabi niya. Ayaw ko mang aminin, pero totoo ang sinabi niya.

Bakit hindi ako masaya? Bakit hindi ko maramdaman ngayon ang pakiramdam noong kasama ko si Arken? Bakit parang walang buhay ang puso ko? Hindi ko na talaga naiintindihan ang sarili ko.

"Masaya ako, anak. H'wag mo ng isipin si Mama. Magpahinga ka na at matulog, gaya ng itinuro sa 'yo ng Ate Arkia mo, magdasal ka muna ha," nakangiting sabi ko saka dinampian ng halik ang noo niya.

Napatango na lang siya at humalik sa pisngi ko bago lumabas ng kwarto ko. Muli akong napabuntong hininga at humiga sa kama.

Paano ko ba mapapasaya ang sarili ko ngayon? Paano ko ba maaalis sa isip ko si Arken kahit saglit lang?

"Ayen."

Napatingin ako sa may pinto. Agad akong bumangon nang lumapit si Vaugh sa 'kin saka umupo sa tabi ko.

"Bakit, Vaughn? May sasabihin ka ba?" tanong ko na lang saka ngumiti sa kanya.

Hindi naman siya nagsalita at inipit na lang ang ilang hibla ng buhok ko sa ilalim ng tainga ko.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Where stories live. Discover now