Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)

By elyjindria

15.3M 451K 289K

(COMPLETED) Arken Zaviere is the definition of a perfect mayor, he was the savior of Caloocan City. Aside fro... More

note
Call Me Mayor
DISCLAIMER
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
LAST CHAPTER
NEXT
published on PSICOM!

Chapter Nineteen

317K 11.2K 4.8K
By elyjindria

Hindi na yata normal ang tingin ko sa ilalim ng kama simula ngayon.

"Does your back hurt?"

Napatingin ako kay Mayor nang lagyan niya ng shampoo ang buhok ko saka marahang hinaplos 'yon. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at umiling.

Pulang-pula na yata ang mukha ko ngayon. Nagpumilit siya na magsabay kaming maligo dahil baka raw masakit ang likod ko kahit ilang ulit ko nang sinabi na ayos lang ako.

"Mayor, n-nahalata kaya tayo ni Vierra kanina?" nauutal na tanong ko.

Laking pasasalamat ko talaga nang umalis din kaagad si Vierra kanina nang hindi kami nakita ni Mayor.

Hindi sumagot si Mayor at marahang sinabon ang leeg ko pababa sa balikat ko. Panay naman ang iwas ko ng tingin sa kaniya. Sa mga hawak pa lang niya, nakakaramdam na kaagad ako ng kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.

"M-Mayor, kaya ko namang sabunin ang sarili ko," sabi ko na lang at hinawakan ang kamay niya upang pigilan siya sa pagsasabon sa 'kin.

Medyo naiilang talaga ako, bukod sa parehas kaming wala ni isang damit ngayon, sinasabon niya pa ang katawan ko. Baka kung saan pa mauwi ito.

"I know," tipid na sagot na lang ni Mayor.

Napasinghap ako nang bigla ako nitong pinatalikod, napapitlag ako nang yakapin niya ang baywang ko. Napalunok na lang ako nang maramdaman kong sinasabon na niya ngayon ang likod ko.

"Relax, we won't do it here. Well, not yet," sabi na lang niya saka muli akong pinaharap sa kaniya matapos niyang sabunin ang likod ko.

Panay lang ang kagat ko sa ibabang labi ko habang sinasabon niya ang katawan ko. Kung saan-saan na napunta ang kamay niya pero hinayaan ko na lang, wala na rin naman siguro akong dapat ikahiya.

"Mayor, puwedeng ako ang mag-shampoo saka magsabon sa 'yo?" excited na tanong ko saka ngumiti nang matamis sa kaniya.

Natigilan naman siya at saglit na napatitig sa 'kin. Lumabas na naman yata ang tapang kong 'to. Gusto ko rin kasing sabunin ang katawan ni Mayor, para naman ma-experience ko rin. Parang nakaka-excite din kasi.

Tumikhim si Mayor saka umiwas ng tingin sa 'kin. Lumaki ang ngiti ko nang iabot niya sa 'kin ang sabon. Inilapag ko muna iyon, kinuha ko ang shampoo saka naglagay nang kaunti sa kamay ko. Napatingala ako sa kaniya, ang tangkad niya masyado. Mahihirapan akong shampoo-han siya.

"Mayor, ano, puwedeng yumuko ka nang kaunti?" sabi ko na lang saka alanganing ngumiti sa kaniya.

Napabuntonghininga na lang siya pero sinunod din naman niya ako. Napangiti na lang ako at agad na nilagyan ng shampoo ang buhok niya, malamang mangangalay siya sa pwesto niya ngayon.

Napangiti ako habang tinitingnan ang buhok niya. Bumaba ang tingin ko sa mukha niya, natigilan ako nang mapansing titig na titig siya sa 'kin. Napalunok na lang ako at alanganing ngumiti sa kaniya.

Bakit ganyan siya makatitig sa 'kin? Para na namang tinutunaw ng tingin niya ang pagkatao ko, nakakapanlambot ng mga tuhod.

Natigilan ako nang siilin niya ng magaang halik ang labi ko, pero lumayo rin siya kaagad at umayos ng tayo. Napatulala ako at napasapo sa dibdib ko dahil pakiramdam ko ay may kung ano na namang nagwawala ro'n, malamang puso ko na naman 'yon. Hindi na talaga nagiging normal ang tibok ng puso ko kapag nasa paligid ko lang si Mayor, lalo pa kapag malapit kami sa isa't isa, naghahalikan. Hindi na normal ang puso ko dahil sa kaniya.

Napatikhim na lang ako at napailing saka kinuha ang sabon. Napalunok ako at napatingin sa matipunong dibdib niya pababa sa abs niya. Magagawa ko bang sabunin ang mga 'yon nang hindi nanginginig?

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko at pinilit na alisin ang kung ano man itong nasa isip ko ngayon. Naliligo lang kami, naliligo lang.

Sinimulan kong sabunin ang matipunong dibdib niya. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil nararamdaman ko ang tila nakapapaso niyang titig sa bawat galaw ko.

Bumaba ang kamay ko sa tiyan niya, napalunok na lang ako nang maramdaman ko ang abs niya. Pasimple ko pang binilang ang mga 'yon.

Lumapit ako nang kaunti sa kaniya at sinabon ang likod niya habang nakayakap sa kaniya. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang pagkalalaki niya sa bandang puson ko. Lumayo ako nang kaunti sa kaniya pero hinila niya lang uli ako papalapit.

"Don't mind my little friend down there, he's always horny for you," tila paos na sabi nito at muling iniyakap ang mga braso ko sa kaniya.

Bakit little friend ang tawag niya ro'n? Sa palagay ko dapat huge friend.

Napalunok na lang ako at muling sinabon ang likod niya. Hindi na lang uli kumibo si Mayor at idinikit ang pisngi niya sa ulo ko. Lihim akong napangiti nang ma-imagine ko ang hitsura niya nang gawin niya 'yon, ang cute siguro n'on.

Napangisi na lang ako nang bumaba ang kamay ko sa pang-upo ni Mayor para sabunin 'yon. Halatang natigilan siya nang hawakan ko iyon pero hindi naman siya nagsalita o kumontra.

"M-Mayor, sasabunin ko rin ba 'yung a-ano?" tanong ko. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya saka tumingin nang deretso sa mga mata niya.

"What?" tanong niya. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko saka itinuro ang little friend kuno niya sa ibaba.

Nag-init yata ang magkabilang pisngi ko kasabay ng panlalambot ng mga tuhod ko nang ngumisi siya sa 'kin saka tumango. Minsan lang ngumisi nang ganyan si Mayor dahil madalas wala siyang emosyon kaya nakakapanibago.

Ang guwapo niya kapag nangisi nang gano'n, nagmumukha siyang pilyo at pakiramdam ko nagiging tao siya kapag nangisi.

Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti nang totoo?

Napailing na lang ako sa pumasok sa isip ko, hindi na dapat ako maghangad ng gano'n.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko rin ang little friend niya na nasa pagitan ng mga hita niya at sinabon iyon. Nanatili akong nakatingin sa mukha niya, hindi ko kayang tingnan 'yon. Nahihiya ako, lalo pa't ang tigas nito ngayon.

"It seems like you're giving me a handjob," tila paos na usal ni Mayor saka napakapit sa balikat ko.

Napalunok ako at napatingin sa mukha niya, kitang-kita ang pagnanasa sa itim na mga mata niya. Huminga ako nang malalim saka marahang itinaas-baba ang kamay ko ro'n. Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa balikat ko.

"I'm taking it back."

Napatigil ako sa sinabi niya at nagtatakang napatingin sa kaniya. "A-ang alin?"

"I'm taking back what I said earlier that we won't do it here," sabi niya saka walang sabi-sabing binuhat ako at isinandal sa pader.

Napayakap na lang ako sa batok niya at nagpatianod sa gusto niyang mangyari. "S-sige, go lang, Mayor."

Mahigit isang oras din yata bago kami tuluyang nakalabas ng banyo ni Mayor. Sumakit na nga ang balakang at likod ko dahil literal yata siyang nanggigil sa 'kin sa banyo kanina.

Napangiwi ako at napahawak sa balikat ko at hinilot 'yon. Napatingin ako kay Mayor na katabi ko lang at abala sa pagpupunas ng buhok niya. Lumapit ako sa kaniya at inagaw ang towel na hawak niya at ako na ang nagpunas ng buhok niya. Hindi naman siya pumalag at hinayaan na lang ako.

"Mayor, bakit hindi ka bumili ng blower para mas mabilis matuyo ang buhok mo? Para din makagamit ako," sabi ko saka pinunasan pati ang magkabilang tainga niya.

"What the hell is that?" tanong naman ni Mayor habang nakakunot ang noo. Natawa na lang ako sa tanong niya.

"Hindi mo ba alam ang blower, Mayor?" natatawang tanong ko.

"Itatanong ko ba kung alam ko?" masungit na tanong niya. Lalo akong natawa. Ang cute mainis ni Mayor dahil sa maliit na bagay. Ang cute niya rin kapag nagta-Tagalog siya.

"Basta ano siya, para siyang baril pero hangin ang nilalabas niya, tapos mas mabilis matutuyo ang buhok mo ro'n," paliwanag ko naman.

"I'll give you money, go buy it tomorrow," sabi naman niya.

Napasinghap ako at napatigil sa pagpupunas ng buhok niya saka tumingin sa kaniya. "Ibig sabihin pinapayagan mo na akong lumabas?" nakangiting tanong ko. Hindi siya sumagot at tumango lang sa 'kin.

Lumapit siya sa bedside table niya at binuksan ang drawer do'n saka kinuha ang cellphone ko mula ro'n at inabot 'yon sa 'kin. Agad akong napangiti at excited na kinuha 'yon.

Doon lang pala nakalagay ang cellphone ko? Sana pala matagal ko nang tiningnan 'yon.

"Magpa-Pasko na ba? Bakit ang bait mo yata, Mayor?" nakangiting tanong ko.

"Whatever, come here," utos niya saka tinapik ang pwesto sa harapan niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at lumapit sa kaniya. Natigilan ako nang hawakan niya ang balikat ko at pinatalikod ako sa pwesto niya. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinayaan siya.

"Saan masakit?" tanong niya.

Natigilan ako, pakiramdam ko may mga anghel na nagkantahan sa paligid dahil lang sa dalawang salita na sinabi niya.

"'Yung ano, 'yung likod ko, pati balikat saka balakang," sagot ko naman.

Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilan na mapangiti nang hilutin niya ang balikat ko. Napapikit na lang ako at hinayaan siya. Halatang hindi sanay manghilot si Mayor pero ang sarap naman sa pakiramdam ng ginagawa niya.

Matapos niya akong hilutin, pinahiga niya agad ako sa tabi niya at niyakap ako. Hindi na lang ako pumalag at hinayaan siya, gusto ko rin namang yakapin siya, e.

"Mayor, mukhang hindi na ako kailangan ni Arkia, kailan ako puwedeng umalis?" tanong ko saka tumingala at tiningnan siya.

Hindi siya sumagot at mas hinigpitan lang ang pagyakap sa 'kin. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at gumanti ng yakap sa kaniya. Ayoko rin namang marinig ang sagot sa tanong na 'yon. Hindi pa ako handang marinig.

"Good night, Mayor," mahinang sambit ko na lang saka pumikit at sinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

"Good night."

***

"Sino po ang maghahatid sa 'kin sa school?" tanong ni Arkia.

"Pinayagan na ako ng magaling mong tatay na lumabas kaya ako na lang," sabi ko saka pinunasan ang gatas sa paligid ng labi niya.

Napatingin ako kay Vierra na nakakunot ang noo habang panay ang dutdot sa cellphone niya. Napakibit-balikat na lang ako at muling ibinaling kay Arkia ang tingin ko.

"Mukhang hindi maganda ang mood ng totoong mama mo ngayon kaya sa fake mama mo muna ikaw umasa," sabi ko na lang saka basta siya sinubuan ng tinapay. Napanguso na lang siya at tumango.

Maagang umalis si Mayor dahil marami raw siyang naiwang trabaho dahil maaga siyang umuwi galing sa trabaho ng dalawang araw. Kailangan niya raw bumawi. Natawa nga ako kanina dahil binigyan niya ako ng ten thousand bago siya umalis, pambili raw ng blower. Grabe naman, hindi naman ako bibili ng blower na sampung libo ang halaga, 'no.

"Dapat hindi na kita ihahatid dahil nagtatampo ako sa 'yo. Napakasama ng ugali mong bata ka, porke nandiyan na ang totoong mama mo, hindi mo na ako pinapansin," pagrereklamo ko kay Arkia habang nasa kotse na kami.

"Need ko pong mag-spend ng time with her para makita kung deserving siya na maging mama ko," katwiran naman niya.

Napataas ang isang kilay ko. "Deserving ba siya?"

"Hindi. Hindi kasi siya mukhang sincere sa pag-aalaga sa 'kin," agad na sabi naman niya. Ni hindi niya pinag-isipan ng ilang segundo bago sumagot.

"Ano ka ba? Paano mo naman nasabi 'yon?" nagtatakang tanong ko.

"Basta alam ko lang, sumasabay na lang ako sa mga gusto niya. Pero ikaw ang mas gusto kong mama," sabi naman niya saka tumingin sa bintana.

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko para pigilan na mapangiti dahil sa sinabi niya.

"Talaga? Bakit naman gano'n ang iniisip mo tungkol sa mama mo?"

"I want you to be my mother instead of her. I kinda hate you, but you're always sincere. I can feel it," sabi naman niya habang hindi makatingin sa 'kin.

Natutuwa ako dahil nararamdaman ni Arkia ang sinseridad ko sa pag-aalaga sa kaniya. Noong una, hindi ko talaga gusto na alagaan siya o maging anak siya. Kaso nakakaramdam ako ng awa sa kaniya sa tuwing napapatingin ako sa malungkot na mga mata niya. Hanggang sa gumaan na nang tuluyan ang loob ko sa kaniya at napamahal na siya sa 'kin.

Pagkatapos kong ihatid si Arkia sa school, nagtungo agad ako kina Aljen para kumustahin siya.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko habang hindi maalis ang tingin ko sa braso niya.

"Okay lang talaga ako, sa 'yo ako mas nag-aalala," seryosong sabi niya habang nakatitig sa 'kin. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya.

"Wala ka namang dapat ipag-alala, ayos lang ako sa poder ni Mayor," katwiran ko naman.

"Hindi 'yon ayos, Ayen. Pumapatay ng tao ang lalaking 'yon. Kitang-kita ko sa mga mata niya na balak niya talaga akong patayin. Nag-aalala ako para sa 'yo," sabi naman niya.

"H-hindi ako papatayin ni Mayor." Hindi pa siguro.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ha? Ano pala?"

Napabuntonghininga muna siya bago nagsalita. "Ang kinatatakot ko ay 'yung paraan ng pagtingin niya sa 'yo. Parang gusto ka niyang ikulong sa kaniya, parang gusto ka niyang angkinin at ipagdamot. Lalaki rin ako, alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin niya sa 'yo," sabi niya habang nakahawak sa baba niya. Natatawang napailing na lang ako.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lang at hinampas siya.

"Seryoso ako, Ayen. Mag-ingat ka kay Mayor."

Hindi ko na lang sineryoso ang mga sinabi sa 'kin ni Aljen. Mas maniniwala pa ako kung sasabihin niyang laruan lang ang tingin sa 'kin ni Mayor kaysa ro'n.

Nagtungo muna ako sa mall para bumili ng blower at ng kung ano-ano bago tuluyang umuwi. Naabutan ko naman si Vierra na nasa dining room at nainom ng wine. Hindi ko na lang siya pinansin at binuksan ang ref para uminom ng tubig.

"Arken is the best in the art of fucking, isn't he?"

Natigilan ako sa pag-inom ng tubig dahil sa sinabi niya. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at inilagay ang baso sa sink saka tumingin sa kaniya.

"I'm not stupid, I saw your bra on the bed last night. Hindi ko nga lang alam kung nasaan kayo," nakangising sabi niya.

Pakiramdam ko ay nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Ang engot naman ni Mayor, bakit nalimutan niyang kuhanin ang bra ko sa kama?

"You're just his temporary toy. He'll treat you like a trash later on," sabi niya saka inubos ang wine sa baso.

Hindi ako nagsalita at tumahimik na lang. Ayoko ng gulo, ayokong makipag-away sa kaniya, ina pa rin siya ni Arkia.

"Puwede bang deretsahin mo na lang ako?" tanong ko habang nakikipaglabanan ng titig sa kaniya.

"Get the fuck out, leave us alone. Kompleto na kaming pamilya, ikaw lang ang nakikisingit. Saka 'di hamak naman na ako ang mas dapat para kay Arken, ako ang nanay ng anak niya," nakataas-kilay niyang sabi. Napabuntonghininga na lang ako at seryosong tumingin sa kaniya.

Dadaanin ko na lang ito sa usapan, ayokong manakit. Baka ma-turn off pa sa 'kin si Mayor kagaya no'ng nakaraan na may sinugod akong nanay sa school ni Arkia.

"Sinabi ba ni Mayor na gusto ka niya rito? Sinabi ba niya na makikipagbalikan siya sa 'yo? Binalingan ka ba niya ng tingin sa tuwing nagpapapansin ka? Ikaw ba ang gusto niyang halikan? Ikaw ba ang gusto niyang hawakan? Ikaw ba ang gusto niyang katabi sa kama? Ikaw ba ang gusto niyang maka-sex? Ni hindi nga yata siya naaakit sa 'yo kahit ilantad mo pa ang katawan mo sa harapan niya, e. Bakit kaya gano'n? 'Di hamak naman na mas maganda at mas sexy ka sa 'kin. Simple lang naman akong babae, pero bakit ako ang hinahanap-hanap ni Mayor?"

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang para sabihin ang mga 'yon, pero sobra akong nasiyahan nang makita ko kung paano namula ang mukha niya at napataas ang kilay niya sa inis.

"You fucking bitch!"

Napasinghap ako nang makatikim ako ng malakas na sampal mula sa kaniya. Napaupo ako sa sahig dahil do'n, akala ko tumabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng sampal niya.

Hindi ako nakapalag nang pumaibabaw siya sa 'kin at hinila ang buhok ko habang paulit-ulit akong sinasampal. Pilit akong umiilag pero wala akong laban dahil nakadagan siya sa 'kin, 'di hamak naman na mas maliit ako kaysa sa kaniya na talagang matangkad na babae.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin ang mga 'yon! Laruan ka lang ni Arken, sa 'kin pa rin siya babalik!"

Napadaing ako nang muli niya akong sampalin. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang may malasahan akong dugo sa gilid ng labi ko. Masyado siyang malakas, baka mabugbog na talaga niya ako nang tuluyan.

"Bitiwan mo 'ko!" Sinubukan kong lumaban at itulak siya pero walang kwenta 'yon, luging-lugi talaga ako. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na lumaban sa kaniya.

"What the fuck are you doing?!"

Napatigil siya nang marinig ang boses ni Mayor. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Agad na lumapit sa 'min si Mayor. Napasinghap ako nang walang kahirap-hirap niyang iniangat si Vierra at malakas na itinulak. Napadaing ito nang mapasubsob ito sa sahig dahil sa ginawa ni Mayor.

Napalunok na lang ako nang buhatin ako ni Mayor at dahan-dahang inupo sa mesa. Tinitigan niya ang mukha ko at marahang hinawakan ang pisngi ko. Kitang-kita ko kung paano dumilim ang mga mata niya nang makita ang ilang sugat sa mukha ko.

"Fuck," mariing mura niya.

Tumayo si Vierra at akmang susugurin uli ako nang may kinuha si Mayor mula sa loob ng coat niya. Napasinghap ako nang tutukan niya ng baril si Vierra, maski si Vierra ay halatang nagulat din sa ginawa niya.

"M-Mayor," nauutal na sambit ko.

"Are you fucking serious, Arken?! You'll choose that boring bitch over me?!" naiinis na tanong ni Vierra habang hindi maalis ang tingin niya sa baril ni Mayor na nakatutok sa kaniya.

"Who gave you the fucking right to hurt my woman in my own house?" malamig na tanong ni Mayor habang nakatingin nang masama kay Vierra.

Agad akong napahawak sa braso ni Mayor nang ikasa niya ang baril niya at muling itinutok 'yon kay Vierra.

"P-please, 'wag, Mayor," pagpigil ko sa kaniya. Hindi naman siya nagpatinag at nanatiling nakatutok ang baril kay Vierra.

"Hurt her again and you'll see how evil I can be. Fucking try me, Vierra."

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
7.3M 197K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
521K 19.2K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...