Damn Good Friends (Hide Serie...

By aseener

5K 564 11

HIDE SERIES ONE [COMPLETE] When Aubrielle met Luhence, ang tahimik niyang mundo ay gumulo. Ang akala niyang m... More

Damn Good Friends
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 19

78 11 0
By aseener

Kabanata 19

Wala ng mas sasakit kapag nakita mong umiiyak at nasasaktan ang magulang mo. Mas masakit 'yon kaysa sa ginawang pag tanggi ni Vio. Suminghap ako at tumingala upang buuin ang sarili. Walang magagawa ang pag tayo at iyak ko dito. Naglakad ako papalapit sa kanila.

"Mom..."

Sabay silang natigilan ng marinig ang boses ko pasimpleng nag punas ng luha si Mommy gayundin si Dad na natiling nakatalikod sa akin. Nang lingunin ko si Mommy ay nakatingin na ito sa'kin na may pilit na ngiti.

"Aubry anak," sambit nito at minuwestra ang tabi.

Lumapit ako at agad siyang niyakap, na ginantihan rin niya, hinaplos-haplos niya ang likod ko.

"Kailan ka pa nakauwi? Bakit hindi ka nag sabi para nasundo ka namin."

"Gusto ko po sana kayong surpresahin," bumuntong hininga ako at pekeng tumawa.

"Kaso mukang ako ang nasurpresa, ganito ang nadatnan ko."

Humigpit ang yakap niya at naramdaman ko na lang ang pag-alog ng mga balikat niya.

"Sorry anak... sorry. Pagpasensiyahan mo si Mommy."

Gaano ba kasakit na marinig ang magulang mo na nag kakaganito? Masakit, walang katumbas ang sakit.
Pinunasan ko ang luha ko at maingat na umalis sa yakap niya.

"Mom? Hindi niyo kailangan mag sorry naiintindihan ko po, kung 'yon lang ang paraan, para sayo, kay daddy, Audrey," peke akong ngumiti at pinunasan ang luha niya.

"Gagawin ko, Mommy," sambit ko na lalong kinaiyak niya at muli akong niyakap. Si daddy na kanina ay nakatayo lang at nanunuod ay tumabi sa amin at nakiyakap.

Gagawin ko, magpapakasal ako. Kahit hindi na kay Vio basta para sa inyo.

"I'm sorry Aubry anak," usal ni daddy habang nakayakap.

Natawa ako, humiwalay at pekeng tumawa at tinignan sila.

"Ano ba? Mom, Dad ako lang 'to," pagpapagaan ko. Kahit sila man lang umayos ang pakiramdam, kahit hindi na ako. Okay na ako doon.

"Salamat Kuya Arthur 'wag niyo na po akong hintayin."

Bumaba ako sa sasakyan at tiningala ang university na kinalakihan ko. Halos isang taon na rin ng makapasok ako dito. Inayos ko ang shades na suot na nagtatakip sa mata kong namamaga mula sa pag-iyak kagabi. Hindi naman ako parang tanga sa suot ko dahil maaraw naman. Pinapasok ako ng guard ng makilala ako. May klase pa sila sa oras na 'to ayon na din kay Asenna na kausap ko kanina.

Nagtungo ako sa cafeteria at namili ng maiinom habang nag hihintay. Napag pasiyahan ko na maghintay na lang sa may bench sa may field. Habang nag hihintay ay hindi nakaligtas sa akin ang tingin ng ibang mga students dahil siguro hindi ako naka uniform na katulad nila.

Inubos ko ang oras sa pag tunganga at panunuod sa mga nag lalaro sa may field. Umayos ako ng upo at tinapon ang inumin na wala ng laman sa malapit na basurahan. Pinagmasdan ko ang mga students na nagsisimula ng maglabasan. Nag sabi ako kay Asenna na dito na lang ako maghihintay sa kanila. May isang linggo pa silang pasok. Hindi katulad sa university sa ibang bansa na naunang matapos.

"Aubrielle! Best!"

Tumayo ako at kumaway sa dalawa na agad akong dinamba ng yakap.

"Grabe namiss kita!"

"Girl! Grabe ang ganda ng kutis! Hiyang sa ibang bansa ah?"

Salubong nila sa akin na tinawanan ko na lang at saka sila inayang maupo.

"Kamusta? Kamusta kayo?" pag sisimula ko ng usap.

"Grabe kung makatanong parang hindi tayo araw-araw na mga nag uusap ka loka!" singhal ni Charls na ikinatawa namin.

"Uhh si Vio? Nakita niyo ba?" tanong ko na ikinatigil nila at nagkatingin pa sila bago may alangan na tingin na bumaling sa'kin.

"Oo, kanina sa room, kaso best nag mamadaling umalis," sagot ni Asenna na ikinabuntong hininga ko na lang.

Saglit kaming natahimik sa usapang 'yon. Inalis ko ang suot na shades,lumunok ako at saka tinignan silang dalawa.

"Bago ako umalis, inexpect ko na 'to.... na may magbabago, Pero ano ba ang karapatan ko na tumanggi? desisyon 'yon ng mga magulang ko, ni lola." tumingala ako para pigilan ang mga luha.

"Best."

"Aubry."

"Habang nandoon ako, Oo lagi kaming magkausap pero hindi nag tagal bigla na lang siyang nanlamig. Hindi ko alam kung bakit, may nagawa ba ako? Hindi ko alam basta pakiramdam ko ayaw niya na sa'kin. Simula pagkabata ngayon lang kami nagkahiwalay ng ganito katagal, kaya minsan iniisip ko na may tampo siya sa'kin. Pero usapan namin doon kami kaya nagtataka ako bakit hindi siya sumunod? Sabi niya may emergency tinanggap ko yung dahilan niya pero bakit hindi matanggap ng dito," turo ko sa dibdib, at pumikit na sinabayan ng pag-agos ng mga luha ko.

"Best naman e," angil ni Asenna at hinila ako payakap sa kaniya. Lumipat si Charls sa kabilang gilid ko at niyakap ako mula sa likod. Kung may makakakita siguro sa amin, iisipin na mga baliw kami dahil dito pa kami nag dadramahan.

"Girl kilala mo si Luhence, baka busy lang talaga siya. Intindihin mo na lang," sambit ni Charls mula sa likod ko na patuloy sa paghaplos sa likod ko.

"Kilala ko nga ba siya? Siguro noon, ngayon? hindi ko na alam," sambit ko na nakapag pahigpit sa yakap sa'kin ni Asenna.

Natahimik sila doon gayundin ako na nakakabawi na sa pag iyak. Kagabi pa ako panay iyak kailan ba ko mapapagod? Humiwalay sa akin si Asenna at hinawakan ang mga kamay ko.

"Aubry, kaibigan kita. Matagal ko ng pinag-isipan 'to—"

"Asenna!" pigil ni Charls

"Charlie naman! Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang makitang nagkakaganito si Aubry! Siguro noong nasa malayo siya nakaya ko pa. Pero ngayon? Hindi mo ba nakikita? Titigan mo muna siya bago mo ako pigilan. Kung kaya mo sige magpapapigil ako!" inis na sabi ni Asenna saka marahas na nagpunas ng mga luha.

"Letse naman kasi! Sige go!" sambit ni Charls

Naguguluhan ako sa inaasal nilang dalawa. Ano ba ang pinagtatalunan nila na ayaw nilang sabihin sa akin?

"A-ano.. ano ba 'yon?"

"Kasi best si Luhence, simula noong umalis ka nag bago na siya. Hindi na siya sumasama sa amin inisip na lang namin dahil nahihiya siya dahil wala ka pero si Luhence 'yon e makapal muka non. One day nag simula na siyang magloko palagi siyang late tapos tuwing uwian nagmamadali naman siya kaya nagtaka kami kung bakit naging ganoon siya. Tapos nalaman namin na..." pambibitin niya

Gulat man sa nalaman ay kusa na lang bumukas ang bibig ko upang magtanong.

"A-ano?"

Huminga siya ng malalim at seryoso akong tinignan, naramdaman ko din ang pag ayos ng upo ni Chars mula sa likod ko.

"N-nalaman namin na, may kinikita siyang ibang babae," sambit niya at yumuko.

Muli akong natigilan at parang namanhid sa nalaman. Babae? Sinong babae? Kaya ba nanlamig siya? Pero Vio akala ko nagkakaintindihan na tayo? Hindi ko man masabi alam kong alam mo dahil pinaparamdam ko naman. O baka naman balewala lang sayo dahil iniisip mo na mag kaibigan tayo? Mga tanong na namuo sa isip ko.

Peke akong tumawa at nginitian sila.

"Ganoon? Edi mabuti, buti naman nakahanap na siya ng babaeng mamahalin," sambit ko at iniwas ang tingin. "Kailan pa?" tanong ko.

"Uhh simula ng umalis ka."

Malungkot akong tumingala at nanatiling ganoon. Ngayon ko lang na appreciate ang langit, ang payapa niyang pagmasdan na nakakapag pakalma sa dibdib ko kahit saglit.

"Girl, gusto naman naming sabihin sayo dati pa, pero nag-aalala kami sa mararamdaman mo at saka baka nagkakamali lang kami noon tungkol kay paps at doon sa babae," usal ni Charls na ikinatingin ko sa kaniya.

"Nagkamali nga ba?" tanong ko na inilingan niya.

Muli silang natahimik na ikinatawa ko. Umayos ako ng upo at sinipa ang bato na nasa harapan ko.

"Okay lang 'yon ano ba kayo? Magkaibigan lang kami ni Vio parang di niyo alam, kaya malaya siyang gawin ang naisin niya," sambit ko

"Pero gusto mo siya, mahal mo siya. Alam namin 'yon kahit hindi mo sabihin dahil nararamdaman namin," sabi ni Asenna

"Girl ba't hindi mo kausapin si paps? Sabihin mo 'yong nararamdaman mo. Matagal na kayong magkakilala kaya malay mo kapag sinabi mo piliin ka niya?" sabi ni Charls na ikinatawa ko.

"Piliin ako? Charls akala ko ba ayaw mo sa mga taong martir?"

"Pero kasi girl malay mo lang naman."

"Charls, madaming nagmamahal sa akin. Nandiyan ang pamilya ko, kayo. Kuntento na ako sa pag mamahal niyo," bumuntong hininga ako.

"Oo gusto ko na mahalin niya ako, pero ayokong mahalin niya ako dahil pinilit ko, ang pagmamahal nagkukusa hindi pinipilit," ngumiti ako ng isang totoong ngiti. Inilabas ko ang phone at nag type doon at pinakita sa kanila.

"Kakausapin ko siya para tanungin kung bakit pinapabayaan niya ang pag-aaral niya, hindi porket gusto ko siya—" nahinto ako ng sabay silang naubo at natawa.

"Oo na sige, hindi porket mahal ko siya, hahayaan ko na lang sirain niya ang kinabukasan niya. Hindi magiging okay sa'kin yon," diretso kong sabi na mahina naming ikinatawa.

Siguro nga mga baliw kami dahil kanina halos mag iyakan na kami tapos ngayon nagtatawanan na, pero ganiyan talaga kami. Ganiyan ang trip. Nahinto kami ng tumunog ang cellphone ko at makitang ang text ni Vio.

"Oh paano ba 'yan aalis na ako at may date pa ako?" sarcastic na sabi ko na ikinatawa naming tatlo.

"Kaya mo 'yan! Fighting!"

"Go best!"

Natawa na lang ako ng marinig ang sigaw nila, hindi ko na sila nilingon at dumiretso sa paglabas. Nang makahanap ng taxi ay agad akong nagpahatid sa condo ni Vio.

Nakatayo lang ako sa may labas ng condo niya at nagdadalawang isip kung mag dodoorbell ba o kusa na lang papasok dahil alam ko naman ang pass niya? Bumuntong hininga ako at dahan-dahang inangat ang kamay para maglagay ng pass code. Napailing na lang ako ng hindi 'yon gumana. Kailan pa siya nag palit?

Mabigat ang loob na nag doorbell ako at saglit lang ay bumukas 'yon at tumambad sa akin ang lalaking iniyakan ko ng ilang araw. Ngumit ako sa kaniya.

"Hi?" alanganing sambit ko.

Gumanti siya ng ngiti at minuwestra ang loob. "Pasok ka," sambit niya at gumilid.

Nasaan na 'yong Vio na sa tuwing pupunta ako sa condo niya ay sisigaw ng 'Marga babe!' at sasalubungin ako ng yakap?

Dissapointed man ay hindi ko ipinahalata at naunang pumasok, umupo ako sa sofa at nagtaka sa bulaklak na naroon. Lumapit siya sa akin, tumabi at inalis 'yon.

"Kamusta kana?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"Okay lang, namiss kita," sabi niya na nakangiti hindi na katulad kanina na parang hindi pa siya sigurado.

Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila ako payakap sa kaniya na ikinatigil ko. Hindi ko maiangat ang kamay para yakapin din siya, gusto ko pero ayaw gumalaw ng kamay ko at nanatili lang 'yon na nakalapag sa may sofa. Sinubukan kong itaas yon at natuwa ng gumalaw ang mga kamay ko payakap sa kaniya

"Namiss talaga kita, namiss ko ang kaibigan ko..." usal niya sa leeg ko na mabilis na ikinahinto at ikinabagsak ng mga kamay ko.

Kaibigan? Oo magkaibigan nga kami ba't ba ako nagugulat ng ganito.

"Namiss din kita," usal ko at pekeng tumawa ng mahina.

Humiwalay siya sa akin at umusog papalayo na hindi niya ginagawa noon dahil dati ay kulang na lang ay ikandong niya ako sa kaniya.

"Kumain ka na ba? Teka ikukuha kita ng pagkain," usal niya at tumayo. Inangat ko ang kamay ko upang hawakan ang kaniya at pigilan siya.

"Huwag na, busog pa ako," pagdadahilan ko.

"Basta ikukuha kita alam mong ayokong nagugutom ka, alam ko naman na matakaw ka," tatawa-tawa niyang sabi, inalis ang hawak ko sa kaniya at saka naglakad papalayo.

Tumawa na lang ako at saka siya sinigawan. "Baliw! Siraulo ka talaga ikaw ang matakaw sa'ting dalawa no!"

"Oo na lang! Wala na akong sinabi!" sigaw niya mula sa kusina.

Umayos ako ng upo at kinuha ang remote ng tv sa tabi at binuksan 'yon. Sumandal ako sa sofa at nanuod na lang natigilan ako ng madako ang tingin ko sa bulaklak na nasa tabi noon.

Nilingon ko ang kusina at nakitang nag aayos pa si Vio doon kaya tumayo ako upang tignan 'yon. Kinuha ko 'yon at inamoy, mukang bago pa lang ito at malakas pa ang amoy. Nagdadalawang isip pa ako ng kinuha ko ang card na nasa loob noon at binuklat.

Have a nice day babe!
From : Lulu

Iyon lang ang nakalagay sa card, ibig sabihin kay Vio 'to kanino naman niya ibibigay? Babe? Hindi kay sa'kin? Pinilig ko na lang ang ulo sa naisip. Huwag mag assume kaya ka nasasaktan e.

Ibabalik ko na sana 'yon sa dati ng matigilan ako ng biglang tumunog ang doorbell at nakita ko na lang ang pagmamadali ni Vio palabas ng kusina at pinuntahan 'yon. May bisita ba siya?

Inilapag ko ang bulaklak at sinundan siya sa may pinto, kasabay ng pagpunta ko doon ang pagbukas niya ng pinto at ang pagsalubong ng magandang babae na may magandang ngiti.

Naistatwa na lang ako ng salubungin siya nito ng yakap at napaiwas ako ng maghalikan sila sa harapan ko. Hindi ko makita ang muka ng babae dahil natatakpan siya ni Vio pero kahit hindi ko man siya makita ay nakatatak na yata sa utak ko ang ginawa nila.

"Surprise babe! Hindi ko sinabing pupunta ako nagulat ka ba?" sambit ng babae at halos mabato ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses na 'yon.

"U-uh babe, hindi ka nag sabi..." mahinang sabi ni Vio

Babe? So para din sa kaniya ang bulaklak na 'yon.

"Surprise nga e!" sambit ng babae at humagikgik.

Diretso lang akong nakatingin sa kaniya at hindi inaasahang magtatama ang paningin naming dalawa. Gusto ko na lang maiyak at murahin ang sarili ko ngayon mismo.

"Sachie...." mahinang usal ko na ikinangiti ng babae.

Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

132K 9.3K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
885K 40.1K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...