His Story To Tell (R-18)

By darlinreld

555K 19K 8.4K

How will you correct the mistake that you've done because of your past? More

Teaser
HSTT - 1
HSTT - 2
HSTT - 3
HSTT - 4
HSTT - 5
HSTT - 6
HSTT - 7
HSTT - 8
HSTT - 9
HSTT - 10
HSTT - 11
HSTT - 12
HSTT - 13
HSTT - 14
HSTT - 15
HSTT - 16
HSTT - 17
HSTT - 18
HSTT - 19
HSTT - 20
HSTT - 21
HSTT - 22
HSTT - 23
HSTT - 24
HSTT - 25
HSTT - 26
HSTT - 27
HSTT - 28
HSTT - 29
HSTT - 30
HSTT - 31
HSTT - 32
HSTT - 33
HSTT - 34
HSTT - 35
HSTT - 36
HSTT - 37
HSTT - 38
HSTT - 39
HSTT - 40
HSTT - 41
HSTT - 42
HSTT - 43
HSTT - 44
HSTT - 45
HSTT - 46
HSTT - 47
HSTT - 48
HSTT - 49
HSTT - 50
HSTT - 52
HSTT - 53
HSTT - 54
HSTT - 55
HSTT - 56
HSTT - 57
HSTT - 58
HSTT - 59
HSTT - 60
HSTT - 61
HSTT - 62
HSTT - 63
HSTT - 64
HSTT - 65
HSTT - 66
HSTT - 67
HSTT - 68
HSTT - 69
HSTT - 70
HSTT - 71
HSTT - 72
HSTT - 73
HSTT - 74
HSTT - 75
HSTT - 76
HSTT - 77
HSTT - 78
HSTT - 79
HSTT - 80
HSTT - 81
HSTT - 82
HSTT - 83
HSTT - 84
HSTT - 85
HSTT - 86
HSTT - 87
HSTT - 88
HSTT - 89
HSTT - 90
Epilogue
HSTT: Special Chapter 1

HSTT - 51

4.5K 199 85
By darlinreld

🖤🖤🖤

I slowly opened my eyes when I felt something painful in my head. Para bang nagigising ako dahil sa pagpitik ng mga ugat ko sa ulo ko.


"Rej, are you awake?"

"Kuya?"

Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. Pinahiga niya ulit ako sa kama and I closed my eyes again because my head is just so painful as fuck. What happened to me? Am I sick or what?

"Ang sakit ng ulo ko." Reklamo ko.

"Here."

Inabutan niya ako ng gamot at inalalayang uminom ng tubig.

"Anong nangyari?" I asked and I noticed Kuya Raine's face. Why does he look like he is nervous?

"Are you okay?" Tanong ko sakaniya at nagulat nalamang ako nang yakapin niya ako nang mahigpit.

"I'm so sorry. I'm sorry, Rej." He said while crying.

"Kuya? Anong problema?" Tanong ko sakaniya at humiwalay ako sa pagkakayakap niya. Why is he saying sorry to me and why is he crying?

"W-wala naman. Natulak kasi kita kanina tapos nauntog ka kaya masakit ang ulo mo. Natakot ako dahil nawalan ka ng malay." He nervously said.

"Grabe ka naman. Buhay pa naman ako though masakit talaga ang ulo ko. Anyway, where are we?"

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto kung nasaan kami. This is not my room. Wait, is this my room at Kuya Luke's house?

"Nandito tayo kina Luke."

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

Sinubukan kong umupo sa kama at inalalayan niya nanaman ako. Medyo nawawala na ang pag kirot ng ulo ko dahil siguro sa gamot na ininom ko. Ang bilis umepekto.

"Have you forgotten? They invited us for dinner. Actually nasa labas na silang lahat at ikaw nalang ang hinihintay magising para makakain."

"Really?! Nakakahiya naman! Tara na pala!"

"Wait, kaya mo na ba?"

"Your med is always helpful. I'm getting better. Bilis ng effect." Nakangiti na sabi ko sakaniya.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan ko ang pisngi niyang nabasa ng luha niya gamit ang isa kong kamay.

"Don't cry. I'm okay." I said.

"Let's go."

Hinila niya ako patayo at sabay kaming lumabas ng kwarto. Magkahawak kamay kaming nag lakad ng hagdan at nagpunta sa dining room.

When we got there, I was surprised to see them all sitting on their chairs habang may mga pagkain sa hapag.

"Kuya Red, Ritsumi? Nandito rin pala kayo?" Masayang tanong ko at umupo ako sa tabi ni Kuya Luke na titig na titig sa akin.

Crush niya ba ako? Bakit niya ako tinititigan nang ganyan?

"Yeah. Tito Ade and Tita Laura invited us too." He said and his face is so serious.

Nilibot ko ang paningin ko sakanila and they are all looking at me. Nakaramdam ako ng kaba dahil bakit ganyan sila makatingin sa akin? May ginawa ba ako? Galit ba sila dahil pinaghintay ko sila?

"B-bakit niyo ako tinitignan lahat?" I asked and that was the time na ibinaling nila ang tingin nila kung saan.

Okay, this is weird. What's up with them?

"Let's eat." Tita Laura said.

Mas lalo akong nagulat at napa atras nang sabay sabay nila akong inabutan ng pagkain. What the hell? Even Tito Ade and Kuya Red ay nagabot din ng pagkain sa akin. As in all of them!

"Ah?"

Kuya Luke coughed at siya na mismo ang nag lagay ng pagkain sa plato ko.

"Just eat. She can handle." Kuya Luke said to them at umubo ito ulit.

"Bakit ang weird niyo?"

"Nagalala lang kami sa'yo kanina. Nawalan ka kasi ng malay." Sagot ni Luther.

"Ah, 'yun ba? Okay na ako. Huwag niyo na po akong isipin. Kain na rin po kayo."

They started to eat at nabibingi ako sa katahimikan. Tumahimik nalang din ako at inubos ang mga pagkain na nilagay ni Kuya Luke sa plato ko.

"Is it delicious?" Biglang tanong niya sa akin.

"Yep. Did you cook all of these?"

I stared at the other foods at lahat sila ay mukhang masarap.

"Yes. It's good that you like it."

"I always love your food."

Sobrang sarap kasi talaga magluto ni Kuya Luke. He said that he wants to be a Chef someday pero hindi 'yun ang pinupursue niyang career. Pero kahit hindi naman siya magaral ng culinary ay sobrang sarap pa rin ng luto niya. He is like a real chef.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa living room. Luther turned on the television at nanood kami ng movie. I'm with Kuya Luke, Kuya Raine, Kuya Red, Ritsumi, Luther and me. They are all drinking beer in can habang ako naman ay root beer lang. I can't drink because Kuya Raine doesn't want to. KJ niya!




"This movie is funny." Tumatawa na sabi ni Ritsumi.

"Anong nakakatawa riyan? Wala naman." Masungit na sabi ni Luther sakaniya.

"Malalim lang ang kaligayahan mo, Ther." Kuya Red said.

"Does the movie funny, Rej?"

I looked at Kuya Raine when he asked me. Binalik ko ulit ang paningin ko sa malaking flat screen nila Kuya Luke atsaka ako ngumiti nang bahagya.

"It's funny." Pilit na sabi ko.

It's true that the movie is funny but I can't laugh. Kanina ko pa gustong tumawa pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang may kung ano kasing mabigat ang nakadagan sa dibdib ko. I feel sad and empty. But why would I feel that, right? I am fine. Everything is fine.

I focused myself watching and forced myself to laugh. Inabutan ako ng chips ni Kuya Luke at nanlaki ang mga mata ko nang isandal niya ang ulo niya sa balikat ko. I felt my body stiffened because of his action.

Okay, he is my crush so I am affected. I've been watching movies with him before but this is the first time he did this to me. Anong meron?

Pinabayaan ko na lamang siya at kumain ng chips na binigay niya. Dinig na dinig ko ang halakhakan nilang lahat at pati ako ay natatawa na rin talaga. Hindi dahil sa pinapanood ko kung 'di dahil nakakatawa ang tawa ni Ritsumi. Para siyang kambing na ewan.

Nang matapos ang movie ay nanood pa kami ng isa pa. Titanic ang pinanood namin and I cried so hard nang manatay si Jack. Inabutan ako ng tissue ni Kuya Luke at panay pa rin ang agos ng luha sa mga mata ko.

"Are you okay?" He whispered to my ears and I felt his hand on my hand. What the hell again?!

"I-I'm fine. Nakakaiyak lang." I answered.

Pasimple kong tinignan si Kuya Raine kung nakikita niya ba ang pwesto namin ni Kuya Luke ngayon. And gosh, he can clearly see us. Baka mamaya magalit siya sa akin dahil ayaw niyang magkagusto ako sa kaibigan niya. But, I like Kuya Luke talaga e. Bahala na nga!

Nang matapos na ang movie na Titanic ay tumayo si Luther at naginat. Humikab siya at muntik pa siyang matumba.

"Someone is drunk." Pang aasar ni Ritsumi sakaniya.

I know Luther for having a low alcohol tolerance. Malamang lasing na nga siya kahit beer lang ang iniinom nila.

"Hindi ako lasing. Gusto mo kiss kita?" Hamon niya kay Ritsumi.

"Sige nga!" Hamon pabalik ni Ritsumi sakaniya.

Lalapitan na sana siya ni Luther nang biglang pumagitna si Kuya Red sakanilang dalawa.

"Hey. I am here, Luther." He said. "Tara na, Ritsumi. Umuwi na tayo."

Umayos nang pagkaka upo si Kuya Luke at ganon din ako. I looked around and I notice something.

Why does everyone doesn't say anything about him? Kanina pa ako nagtataka kung bakit wala siya rito, kung bakit hindi namin siya kasama. I really wanted to ask this question kanina pa but something is stopping me from asking.

"Wait, Kuya Red." Pag pigil ko sakanila ni Ritsumi sa pag alis.

"Bakit?"

"Bakit kayong dalawa lang ni Ritsumi ang nandito?"

"Huh?" Naguguluhan na tanong sagot niya.

"Where is Kuya Ryoga? Nagaway nanaman ba kayo kaya wala siya?"

May bumagsak na lata sa sahig at napatingin ako roon. It's Kuya Raine's beer at umaagos na ang laman nito sa sahig. Mabilis ko itong pinulot at inilagay sa table dahil wala yata ni isa sakanila ang may balak na kuhanin ito.

"Natapon 'yung beer." I said at kumuha ako ng pamunas. Kinuskusan ko ang sahig at wala ni isa sakanila ang nagsasalita.

"Rej." Kuya Raine stopped me from cleaning the floor.

"Bakit po?" Tumayo ako at tinignan siya.

"What was your question again to Red? You were asking what?"

"Ah, sabi ko bakit wala rito si Kuya Ryoga? Kuya Red is here, Ritsumi is here. Everyone of us is here but Kuya Ryoga is not around." I looked at Kuya Red. "Nag away ba kayo, Kuya?

"Y-you remember Ryoga?" Hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ritsumi.

"Huh? Oo naman. Anong palagay mo sa'kin? Nauntog lang tas nagka amnesia?"

"Hehe. Lasing na yata ako. Kung anu ano pinagsasabi ko." She laughed.

"Hindi ba't parang ang pangit namang tignan kung siya lang ang wala rito? Baka mamaya i judge niya tayo." Natatawa na sabi ko.

Judger paman din 'yun minsan. Ang sama mag isip.

"Rej, sinong crush mo?" I looked at Kuya Luke when he asked me that question.

"Ako ba?" Dagdag pa nito at ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

Bakit niya ako tinatanong?! God!

"Ako ba o si Ryoga?" He asked again when I didn't answer.

Tumingin ako kay Kuya Raine at mukhang pati siya ay naghihintay nang isasagot ko. Bakit ang weird ng mga taong 'to?! Lasing na ba sila?!

"Sagutin mo, Rej." Kuya Raine said which made me surprise even more.

"I-Ikaw." Pag amin ko. "Bakit ko naman magiging crush si Kuya Ryoga e ang manyak manyak non?" Inis na tanong ko.

"Luh! E mahal m-" napatingin ako kay Luther nang magsalita ito pero nakatakip na sa bibig niya ang kamay ni Ritsumi. Ritsumi awkwardly smiled at me.

"Lasing na rin 'tong baby ko. Sumisingit sa usapan. Hindi naman kasali."

"Ryoga is in another country kaya wala siya rito." Sagot ni Kuya Red at nabaling sakaniya ang tingin ko.

"I see."

Kaya pala wala, nasa ibang bansa.

"Don't worry. He'll come home after two weeks maybe?"

Nginitian ko na lamang siya. Hindi ko alam kung anong eksaktong nararamdaman ko ngayon sa sinabi niya. Magkahalong galit, galak at sakit. Bakit ganito? E uuwi lang naman siya?

"Raine, Luke. Mauna na kami ng kapatid ko. Salamat sa pag imbita sa amin."

"No prob, bro. Salamat din." Sagot ni Kuya Raine. "Hatid ko na kayo sa labas."

"Rej, una na kami." Paalam sa akin ni Kuya Red at tumango ako sakaniya.

"Ingat po kayo."

Lumabas na sila at naiwan kami ni Kuya Luke at Luther dito. I looked at Luther and he is already sleeping on the couch.

"Weak naman nito." Pang aasar ko sakaniya at kinurot ko ang pisngi niya. He's cute!

"Weak ka rin naman." Kuya Luke said at nabaling ang tingin ko sakaniya.

"Hindi mo nga kinaya na iniwan ka niya." Bulong niya sa tabi pero hindi ko narinig.

"Ano?"

"Wala."

Umiinom pa rin siya habang naka upo sa sofa. Inabutan niya ako ng isang beer pero mabilis akong umiling para tanggihan siya. Baka makita at maamoy ako ni Kuya Raine, mapagalitan pa ako.

"Ayaw mo?"

"Baka magalit si Kuya."

"Isa lang."

Binaba niya ang beer na binibigay niya nang umiling ako at inabot niya sa akin ang beer niya mismo.

"One shot." Pangungulit niya.

Inabot ko na lamang ang beer na iniinuman niya at tumungga roon nang kaunti. Nakaka kilig naman! Direct kiss na ba 'to?! Apaka landi ko ha.

Napangiwi ako sa mapait na lasa nito at inabot ulit sakaniya ang beer.

"It doesn't taste good?"

"Mapait." I said atsaka siya ngumiti.

"I thought it would taste better dahil nang galing na sa bibig ko." Naka ngiti na sabi niya at halos mapanganga ako.

Is he flirting with me?!

"M-mauna na ako sa kwarto ko." I said at nilampasan siya.

Tumakbo ako papuntang taas and I can hear his laugh. Dumiretso ako sa kwarto ko na katabi ng kwarto niya. Pumasok ako at mabilis kong ni lock ang pinto. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Like seriously? What's wrong with Kuya Luke?"









Lumipas ang isang linggo nang hindi ako pumapasok sa school. Araw araw kasing sumasakit ang ulo ko kada gigising ako sa umaga, kaya minabuti nalang namin na huwag munang umattend sa school at magpahinga.

Kuya Raine took his off para bantayan ako. Dito pa rin kami nakatira kina Kuya Luke dahil ayaw niya munang umuwi sa amin. He said, he missed our parents kaya gusto niyang nandirito siya kasama sila Tito Ade at Tita Laura.

Sa loob din ng isang linggo ay halos mabaliw na ako sa pakikitungo ni Kuya Luke sa akin. He is so extra sweet towards me! Iniisip ko na tuloy ngayon na may gusto siya sa akin. Naninibago ako sakaniya at hindi ko alam kung bakit ba siya nagkakaganito.


"Kuya Raine." I called my brother na busy na nagtatype sa laptop niya.

"Hmm?" He answered without looking at me.

"I think Kuya Luke likes me."

"Pfft!" Nagpigil siya ng tawa. "Are you hallucinating or something?"

"I am serious! Hindi mo ba siya napapansin? During our meal times, lagi niya akong pinaglalagyan ng food sa plate. He is too sweet to me and caring. Mas ramdam ko pa nga ang pag aalaga niya kaysa sa'yo na kapatid ko."

"He is sweet because you're like a sister to him."

"No. Parang iba e. Malakas talaga ang kutob ko na may gusto siya sa akin."

"Kapal talaga ng mukha."

"Totoo nga. Sinasabi ko sa'yo 'to ngayon dahil kapatid kita at ayaw kong itago. Baka mamaya magulat ka nalang na may gusto na pala sa akin kaibigan mo tapos 'diko man lang sinasabi sa'yo tapos magalit ka sa akin."

"I will..." He paused for a while. "I will not get mad." He said.

Pansin ko ang pagkaka tulala niya sa laptop niya.

"Weh? Hindi ba ayaw mo 'yun? Ayaw mong magkagusto ako sa mga bestfriends mo?"

"Bakit ba natin pinag uusapan 'to? Walang gusto si Luke sa'yo. Period. Siopao ka masyado. Asadong asado."

"Hay nako. Basta ako ina update lang kita."

"Ayaw mo ba nun?"

"Ang ano?"

"Na magkagusto sa'yo si Luke? You have a crush on him, right? So it's actually better if he likes you."


Bigla akong napaisip. Tama si Kuya Raine, it would be better if he likes me because I like him. Dapat masaya ako kung magkakagusto nga siya sa akin, right? But I feel different. Parang wala lang sa akin.

"Yeah, it's better." I said and lay down on my bed.

"Anyway, kailan darating si Kuya Ryoga?" Tanong ko habang nakatitig sa kisame.

"Next week? I am not sure. We haven't talked yet."

"Bakit?"

"He's busy?"

"Okay."

I just closed my eyes and let myself fall asleep. Excited na akong pumasok bukas dahil after one week makikita ko na ulit si Leinah. I kinda miss that woman suddenly.

"Good night, Kuya."

"Good night, baby."









I am so excited to go to school. Kuya Raine drove me all the way. Hindi maalis sa mukha ko ang ngiti out of excitement.

"Luther, Rej, uwi agad ha? Huwag na kung saan pa pupunta." Habilin ni Kuya Raine nang ihinto niya ang sasakyan sa harap ng RU.

"Ther, narinig mo naman 'yun, 'di ba?" Pasa ko sakaniya.

"Oo. Hindi ako bingi."

"Luh? Bad mood?" I asked and laughed. Araw araw nalang siyang bad mood, pansin ko.

"Bye na, Kuya." I kissed Kuya Raine on his cheeks and he smiled at me.

"Bye, baby. See you later."

Bumaba kami ni Luther ng sasakyan at sabay na naglakad papasok ng RU. I immediately saw Axel walking towards us. Luh? Crush ko 'to ah.


"Miss ka na raw niya." Bulong sa akin ni Luther.

"Tigilan mo 'ko."

"Yiiee." Pang aasar niya. Ang bilis naman mag bago ng mood nito?

Huminto kami sa pag bubulungan nang makalapit si Axel sa amin. Nagulat ako nang yakapin niya ako at nanigas ang katawan ko dahil baka may makakita sa amin.

"A-Axel."

"Thanks God you're okay." He whispered at humiwalay din ito sa akin.

"Okay lang naman ako? Nauntog lang." Naka ngiti na sabi ko.

"Nauntog nga."

"Beeeeees!!!!"

Sabay sabay kaming napalingon nang marinig namin ang sigaw ni Leinah. Tumatakbo siya papalapit sa amin habang umiiyak ito. Seriously? Bakit siya umiiyak?

Yinakap niya ako at humagulgol siya. Pinag titinginan tuloy kami ng mga studyante dahil sa ngawa niya.

"Lei, nakakahiya ka. Anong problema mo?"

"Namiss kita! Bruha ka!" Sigaw niya at mahinang sinabunutan ang buhok ko.

"Aray ko!"

Tinulak ko siya at pulang pula ang mukha niya. Para siyang kamatis.

"Isang linggo lang akong nawala umiiyak ka na nang ganyan?"

Hindi ba masyadong oa 'yun?

"Anong isang linggo? Mag iisang buwa-"

"Isang linggo lang!" Sabay na sabi ni Luther at Axel at napatingin ako sakanila.

"Isang linggo nga lang pala. Hehe." Tumatawa na sabi ni Leinah.

Bakit ba ang weird ng mga tao ngayon sa paligid ko? Parang hindi sila normal? Sa bahay mga weird sila, pati ba naman si Leinah? Ang strange.

"Tara na sa room. Mali-late na tayo." Sabi ni Axel.

"Wait, kaklase ka ba namin?"

"Ah, oo. Nagpalipat ako dahil kay Luther."

"Ah." Tumatango na sabi ko. "Let's go then. Miss ko na magpabibo sa room."


We had our classes all day at sinigurado kong makakabawi ako sa isang linggo na pagkawala ko. I was listening all day sa lahat ng mga teachers ko, and I took down notes too para sa mga future reviewer kapag nagkaroon kami ng mga quizzes and exams.

Medyo nagtataka nga lang ako kung bakit hindi ako tinanong ng mga teachers ko about sa pag aabsent ko ng isang linggo. Siguro kinausap na sila ni Kuya kaya wala ng pang eechos pa ang naganap.

"Uwi na ba kayo?" Tanong ni Axel sa amin habang naglalakad kami palabas ng RU.

"Pinapauwi kami agad ni Kuya." Sagot ko sakaniya.

"Kj naman. Kakabalik mo palang ng school e. Libot muna tayo!" Leinah said. "Sakay na tayo ng jeep papuntang mall."

"Baka magalit si Kuya Raine." I said.

Ayaw kong magalit siya sa akin dahil sinusuway ko siya. I don't know why but I really feel scared now na magalit siya for not following his orders.

"Pagpaalam ka namin? Kasama mo naman kami."

"Call him then." Pagsuko ko.

Nilabas ni Leinah ang cellphone niya at tinawagan si Kuya Raine. Lumayo siya nang kaunti sa amin. Bakit kailangan niya pang lumayo? Akala mo naman may sikreto e.



"Okay na! Basta raw uwi kayo ng before 8 PM." Masaya na sabi niya.

"'Yun naman pala e. Tara na." Axel said at hinila niya ang kamay ko papuntang sakayan ng jeep.


Nang makarating kami sa mall ay dumiretso kaming apat sa isang Korean restaurant. Gusto raw nilang mag samgyupsal at ang mga walang hiya, ako ang pinapabayad!


"Sabi ko na nga ba scam 'tong pag aaya niyo sa akin e." I said while eating ramyun.

"Mayaman ka naman e."

"Mas mayaman si Luther!" Sigaw ko. "Dapat siya ang nag bayad e."

"Huwag na. May binubuhay na si Luther." Tumatawa na sabi ni Leinah.

"Binubuhay? Sino?"

"Pusa. Si Mingming."

"Huh?"

Wala naman akong nakikitang pusa sakanila ah?

"Hindi mo pa ba nakikita 'yung magandang pusa niya?" Tanong ni Axel. "Hindi ba doon kayo nakatira sakanila?"

"Nasa kwarto ko kasi pre kaya hindi niya makita. Nag e aircon siya ron atsaka tinatago ko dahil baka magalit si Mommy." Walang ganang sabi ni Luther at sinubo niya ang isang malaking lettuce na may meat.

"Ang sosyal naman pala ng pusa mo. Pakita mo naman sa akin. Doon din ba siya tumatae? Edi ang baho?"

"Hindi ah. Nilalabas ko siya tuwing gabi sa garden. Doon siya tumatae."

"Ah, kaya pala! Nag rereklamo si Tito Laura na ang baho na raw ng garden. Pusa mo pala may kasalanan. Doon pala tumatae."

"Nahahalata na pala ni Mommy? Dapat siguro sa park ko na siya pataehin ano?"

"Oo. Doon nga."

"Ang panget naman ng usapan niyo. Kumakain tayo." Leinah said and I laughed.

Ngayon ko lang narealize na hindi pala tugma ang usapan namin sa ginagawa namin.


Gaya nang bilin ni Kuya Raine ay umuwi kami ni Luther ng before 8. Hinatid kami ni Tito Ben dahil nagpasundo si Leinah sa mall. Mas nauna na kaming ihatid at sinunod si Axel.

"Luther, asan 'yung pusa mo? Patingin nga." I said habang paakyat kami sa taas. Sa mga kwarto namin.

"Huwag ka ngang maingay. Marinig ka riyan e."

"E bakit ba kasi tinatago mo? Sabihin mo nalang kaya?"

Huminto kaming dalawa sa tapat ng kwarto niya and he opened it using his key. Nanginig ako sa lamig nang salubungin kami ng hangin ng aircon.

"Ang lamig naman."

"Pumasok ka na. Bilisan mo."

Binuksan niya ang ilaw at sobrang lamig ng kwarto niya. Hindi na niya siguro pinapatay 'to? I sat on his bed while looking for his cat. Nasaan na 'yon?


"Mingming!" Malambing na sabi ni Luther at gusto kong matawa dahil ngayon ko lang siya narinig na magsaalita nang ganito.

"Ay kabayo ka!" Sigaw ko nang biglang may lumabas na kung ano sa ilalim ng kama.

"Meow meow."

"Wow! Ang cute!" I said at tinignan ako ng pusa.

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil bakit ang sama naman 'yata tumingin ng pusang 'to Mabalahibo siya at kulay blue ang mga mata niya. Its fur is so white na para bang snow sa puti. Lumapit ito kay Luther at mabilis siya nitong kinuha at pinag hahalikan.

"Ang sungit naman ng pusa mo. Ang sama tumingin." I said.

"Mabait 'to. Sa una lang 'yan masungit."

"Parang hindi naman? Saan mo ba galing 'yan?"

"May nag bigay sa akin." He said at tumabi siya sa akin. "Hawakan mo oh. Ang lambot ng balahibo niya. Sunsilk shampoo niyan."

"Bwisit ka."

Nag dadalawang isip ako kung hahawakan ko ba o hindi. Baka kalmutin ako e.

"Meow meow." The cat said at siya na mismo ang lumapit sa akin. Umupo siya sa mga hita ko at kinaskas niya ang katawan niya sa akin.

"Mabait naman pala." I said.

"Yeah. Huwag kang maingay kay Mommy, ha? Papakalmot kita kapag nalaman niyang may pusa ako."

"Ang sama ng ugali mo."

"Sige na. Lumabas ka na ng kwarto ko."

Tumayo ako at lumabas gaya ng sabi niya. I went inside my room at nilapag ko ang bag ko sa bed.

"I need to take a shower."

Kumuha ako ng damit sa closet at saktong nag ring ang phone ko. Lumapit ako sa kama at hinalungkat ang cellphone sa bag. An unregistered number is on my screen. Sino kaya 'to?

"Hello?" I answered pero walang sumasagot. Hininga lamang ang naririnig ko.

"Hello?" I said again.

"Hi." His voice is so husky parang bagong gising. Siguro gwapo 'to? Ang gwapo ng boses e.

"Sino 'to?"

"Hindi mo na ako kilala?" Tumatawa na tanong niya.

"Itatanong ko ba kung sino ka, kung kilala kita?" Masungit na sabi ko at napairap na lamang ako.

"Wow. You really forgot me. Amazing!"

Pinagloloko ba ako nito?! Nakakapikon infairness.

"Kung wala ka namang sasabihin na matino, salamat nalang sa pag taw-"

"I'm coming home, baby. Just so you know. I'll see you again."

My heart started to beat so fast when I finally recognized his voice. Biglang namuo ang mga luha sa mata ko sa hindi ko malaman na dahilan.

"K-Kuya Ryoga?"

"Ahuh..."

Shocks! Siya nga! So, uuwi na siya?! For real?!

Why do I feel excited....


and sad at the same time.



"The one and only."

Continue Reading

You'll Also Like

9.5K 1.3K 47
One of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone els...
1.4K 468 35
SCHOOL SERIES #1 | 18+ Ending your high school days journey is almost like ending your teenage life and to open again a new book to embrace the adult...
2.8M 175K 58
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
815K 8.2K 11
Zayne is the man that every girl sees in their dreams. He is popular for being the nice and smart guy with fine, definite features. Above all else...