PORTAL

By WackyMervin

10.9K 787 66

PORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: Wacky... More

PROLOGUE
PORTAL 1
PORTAL 2
PORTAL 3
PORTAL 4
PORTAL 5
PORTAL 6
PORTAL 7
PORTAL 9
PORTAL 10
PORTAL 11
PORTAL 12
PORTAL 13
PORTAL 14
PORTAL 15
PORTAL 16
PORTAL 17
PORTAL 18
PORTAL 19
PORTAL 20
PORTAL 21
PORTAL 22
PORTAL 23
PORTAL 24
PORTAL 25
PORTAL 26
PORTAL 27
PORTAL 28
PORTAL 29
EPILOGUE

PORTAL 8

246 28 0
By WackyMervin

********

PORTAL 8

********

                “Anong nangyayari?” tanong ko kay Ivy, pero nakatingin lang ito sa akin. Parang tanga! Ngayon pa niya nakuhang pagtripan ang mukha ko at tignan lang. kailangan ko ngayon ng ekplinasyon niya, pero mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin kung anong nangyayari.

                Ganun na nga. Nakikita namin sila, pero sila di nila kami nakikita. Hanggang sa lumabas na sila sa kwartong iyon ni Ivy.

                “Nasaan nga pala ang anak mo?” doon na tinanong ni Julio sina Tito at Tita. Napatingin sila sa kwarto ni Ivy.

                “Ah? Lumabas may binili lang,” sagot pa ni Tita Esme.

                “Sir, negative. Wala po ang hinahanap natin dito.” Sabi pa ng isang pulis kay Julio. Sa dinainaasahan, nasagi ko yung vase sa may side table ng kwarto ni Ivy. Napalingon silang lahat sa kwarto ni Ivy. Bigla nalang huminto ang lahat. Tapos mabilis na lumapit si Tita Esme sa akin at hinila ako at sa pagmulat ng mga mata ko nasa attic na ulit ako.

                “Ano yun?” rinig kong tanong ni Julio. Siguro hinalungkat nila ang kwarto ni Ivy, pero nasaan nga ba si Ivy?

                “Narito,” isang tinig ang narinig ko sa likuran ko. Tae!

                “Tae ka naman e,papatayin mo ba ako sa takot?”

                “Tumahimik ka. Nandiyan pa sila,” sabi nito sa akin. Maya-maya wala na kaming naringi, isang malakas na harurot nalang ng kotse ang siyang narinig namin at nakita ko na tuluyan nang umalis yung mga taong iyon sa bahay ng mga marasigan. Doon na ako nakahinga ng maayos.

                “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Ivy.

                “Wow ah? Salamat sa pag-aalala, mukha ba akong ayos? E halos sasabog na yung dibdib ko kanina. Nga pala, papano mo nagawa yung bagay na yun?”

                “Di mo rin naman maiintindihan,”

                “Siguro…”

                “Wag mo nang ituloy,” sabi niya sa akin. Thankful ako na kahit na sinusungitan ako nitong si Ivy, alam ko na gusto parin niya akong tulungan. Na concern siya sa akin, di naman niya gagawin yun kung di siya concern sa akin. Maaari naman niya akong pabayaan, ganun din ang mga magulang niya pero mas pinili nila ang itago ako kesa sa isuplong.

                “Okay,” napasinghap nalang ako, saka biglang pumasok sila Tito at Tita Esme.

                “Kumusta na kayo?” lumapit si Tita Esme kay Ivy at niyakap ito.

                “Salamat po at iniligtas niyo ako.” Tinapik ni Tito Samuel ang balikat ko habang nakangiti ito.

                “Siyempre di ako papayag na gaganunin lang ako nang Julio na iyon.”inis na tono ng boses niya. Sa pakiwari ko, may di sila pinag-kakaunawaan.

                “Si Julio kasi ang dahilan kung bakit natanggal ang Tito Samuel mo sa trabaho niya bilang isang pulis.” Kaya pala, ganun nalang ang inis nitong si Tito Samuel.

*****

                Kinabukasan.

                Same routine parin. Ako na itong naghahanda ng pagkain nila sa umaga, naglilinis ng bahay, at ginagawa ko na rin yung paglalaba kahit na sinabe na ni Tita Esme na siya nalang raw ang gagawa pagkatapos niyang ihatid si Ivy sa paaralan nito.

                Pero noong may kumatok sa bahay nila ng tanghaling iyon. At si Tita Esme ay lumabas di ko alam ang gagawin ko.

                “May tao ba riyan?” tapos naisod ko yung upuan at nag-gawa ito ng kaunting ingay.

                “May tao nga. Hoy Esme, Samuel, Ivy… buksan niyo ito.” Sigaw pa ng isang boses babae, sa pakiwari ko matanda na itong babaeng nasa labas. Dahan-dahan akong naglakad at kailangan wala akong magawang ingay sa pag-lalakad na gagawin ko.

                “Hoy ikaw… nakikita kita.” Napahinto ako sa paglalakad ko.

                “Hoy… bingi ka ba? Nakikita nga sabi kita. Nakasilip na ako ngayon sa bintana. Buksan mo itong pintuan,” di parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

                “Anak ng… bubuksan mo to o tatawag ako ng pulis?” kaagad na akong humarap at lumapit sa pintuan upang buksan ito. Tama nga ang hinala ko, isang matandang babae nga ang nasa aking harapan ngayon. Nakatitig lang siya sa akin ng minutong iyon.

                “Sino…” napahinto siya sa pagsasalita noong bigla nalang sumulpot ang mga pulis sa likuran niya at pumasok sa loob ng bahay. Hinawakan nila ang dalawa kong mga kamay at saka naman pumasok si Chief officer Julio.

                “Anong ginagawa niyo sa apo ko?” biglang sabi ng matanda kay Chief.

                “Apo niyo?” pagtatakang tanong ni Julio kay Lola.

                “Hindi ka pa naman matanda hijo hindi ba?”

                “Kriminal siya…” pagbibintang pa sa akin nito, tumingin ako sa matanda at iniling ko ang ulo ko.

                “Bibitawan niyo ba siya o tatawag ako ng pulis?” doon na tumawa ng malakas si Julio at kasama nitong tumawa ang mga alagad niyang pulis.

                “Lola. Bulag ho ba kayo? Mga pulis ho kami. At ang ginagawa ng mga pulis, hinuhuli ang mga masasamang tao. Katulad niya,”

                “Di nga kasi ako masamang tao,” giit ko pa sa kanila. Hinarap ako ni Julio at sinikmurahan ako nito. Hinampas naman siya ni Lola dahil sa ginawa niya sa akin.

                “Wag mong sasaktan ang apo ko.” Sabi pa niya kay Julio.

                “Apo? Kanino ba siyang anak? Kay Esme? E diba si…” doon na biglang sumulpot si Tita Esme.

                “Anak ko siya Julio. Anak ko si Ebong,” lumapit ito sa akin at inagaw ako doon sa mga pulis na humila sa akin kanina.

                “Gawin mo kung anong gusto mo, magkita nalang tayo sa husgado.” Ngumisi lang si Julio kay Tita Esme.

                “Pwedeng magtanong?” hinarap ni Tita Esme si Julio.

                “Kanino mo siyang anak? Kay Samuel…”

                “Hindi.” Giit pa ni Tita Esme.

                “Anak ko siya sa dati kong kasintahan na iniwan ako. Okay na ba?”

                “Okay. pero maaari ba namin kayong maimbitahan sa pulis station?”

                “Pupunta kami, wag kayong mag-alala.” Doon na sumibat ang mga alipores ni Julio sa loob ng bahay.

******

                “Ano ba kasi ang nangyari?” inis na tanong ni Lola Perseveranda. O mas kilala na ina ni Tita Esme na si Lola Percing. Ang sama parin ng titig sa akin ni Lola Percing ng minutong iyon.

               

                “Ang hirap kasing ipaliwanag Nay,” si Tita Esme na parang nananakit ang litid nito ng minutong iyon.

               

                “Alam rin ba ito ni Samuel?” tumango lang si Tita Esme.

                “Jusmiyo. Anong gagawin niyo sa binatang iyan?”

                “Wala pa kaming magawa. Di pa namin siya maibalik-balik sa panahon niya kasi…” biglang lumapit si Lola Percing sa akin at hinawakan ang mukha ko, pakiramdam ko lumutang ang katawan ko sa ginawang iyon ni Lola Percing at nanghina ang buo kong katawan, unti-unting nandilim ang paningin ko hanggang sa wala na akong makitang liwanag.

Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 694 14
✓ | In a world full of living, Aidee Montes can only see death.
513K 12.8K 22
I don't know how and I don't know if it's magic or miracle, but suddenly, I escaped time. The only explanation I can think of is that maybe... everyt...
360K 8.9K 35
[COMPLETED] Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingd...
10.2K 133 41
Kinakailangan pabang maging Bestfriend turn into stranger para lang malaman ang kanilang totoong feelings? Or mas kinakailangan nilang maging mag bes...