My Gangster Girlfriend | Comp...

By lyberlara

7.2K 217 21

Cloey Hernandez, Siya ang gangster ng nila. Sobrang sungit at Maldita. Syempre dala niya ang apelyido ng mga... More

My Gangster Girlfriend
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Author's Note
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
AUTHOR'S NOTE AGAIN
Part 2: Trailer
Part 2: Special Chapter
Part 2: Story Cover
MGG [Part 2] Story Cover Announcement
Special Chapter

Chapter 7

152 3 0
By lyberlara

Ito kami ngayon namamasyal sa palawan. Naisipan ko ngang mag babad sa tubig pero ang sabi nila sakin mamaya na daw gusto daw nila muna puntahan ang underground river.

Hiwalay ang boat ng babae sa lalaki ako ang nag desisyon kaya wala silang nagawa. Nauna ng nakapasok ang boat namin at nasa likod naman ang kila kid.

Binuksan ni Nica at Jaime ang mga flash light ng cellphone nila. Ganon din naman ang ginawa ng mga boys.

"Ang ganda talaga dito no!" Liza said. Nasa tabi ko siya nasa unahan naman namin ang si Nica at jaime. Sa likod namin ay si ate Camille at Stacy. "Hindi nakakasawang puntahan."

Napangiti naman ako sa sinabi niya "Yeah! Hindi talaga nakakasawa!"

Tumitingin lang kami sa loob ng underground river. Nang makalabas na kami at makabalik sa dalampasigan bigla namang nag salita si kuya drix. "Let's try diving."

Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Nagpalit kami ng pang diving at nag pahatid na sa may part na pwedeng pag-diving-an.

Marami kaming nakita na mga coral reefs malalaki at magaganda. Meron ding mga iba't-ibang mga isda na lumalangoy.

Napakaganda talaga dito sa Palawan. Hindi nakakasawang puntahan. Lumalangoy-langoy lang kami habang tinitignan ang mga isda.

Nakakabighani ang mga ito. Parang gusto ko tuloy silang kunin at iuwe. Ang cute kasi ni nemo eh.

Nang matapos na kaming mamasyal bumalik na muna kami sa rest house para kumain tanghali na din kasi eh at nakakaramdam na kami ng gutom.

Marami akong pinahanda sa mga maid dito puro masasarap na pagkain tahimik lang kami habang kumakain hang gang sa matapos na kami. Bumalik kami sa kanya-kanya naming kwarto para maligo at magpahinga saglit humiga ako sa kama at tumingin sa kisameng puti.

Kapag andito talaga ako nawawala ang mga problemang iniisip ko. Dahil nakakapag enjoy at nalilibang ako. Ang sarap sa pakiramdam na nakikitang lahat kami ay masaya at kinakalimutan panandalian ang mga problema.

I'm tired...

Pinikit ko ang mata ko at natulog sandali. Masyado akong napagod kakapasyal eh.

*****
Nagising ako dahil sa yumuyugyug sa akin. Peste natutulog ako eh. Ang lakas many gulo netong babae na to.

"Cloey! Gising na gabi na. Kakain na tayo!" She said. Dinilat ko ang mata ko at tinignan ang mukha ni nica. Nakakainis naman oh.

Tumayo na ako at kinusot-kusot ang mata ko. Tinignan ko ang orasan na suot ko. Ala-syete na pala ng gabi masyadong napatagal ang tulog ko.

"Sobrang pagod natin nakatulog na tayo!" Nica said. Habang nakahiga sa kama ko at nakatingin sa kisame.

"Oo nga eh.. Ang sarap nga ng higa mo sa kama ko eh. Kala ko ba kakain na tayo bakit ka humiga?!"

"Hehe!! Ito na nga eh babangon na!" She said. Tumayo ako at nagtungo sa c.r para maghilamos ng mukha.

Nang natapos akong mag hilamos ay bumaba na kami at narinig ko silang nagtatawanan sa sala.

Kaya dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Nakitang nagluluto na sila ng spaghetti. Nirequest ko kasi kanina na spaghetti ang kakainin namin ngayong gabi.

Nang makakuha ako ng tubig pumunta ako sa living room para maupo habang hawak ang isang basong naglalaman ng malamig na tubig.

"Guys!! Late tayo!"parang batang saad ni Sam.

"Ano naman ang lalaruin natin?" Jaime said.

"Uhmm.. Truth or dare but wait" tumayo si Sam at naghanap ng paper,ballpen at garapon. "Bibigyan ko kayo ng mga papel tsaka ballpen at kayo mismo ang gagawa ng dare at ng truth. Dalawang dare,dalawang truth tsaka niyo ilalagay ang mga paper dito sa garapon. Okay ba?"

Tumango naman kami at nagsimula ng mag sulat. Ano kaya ang ilalagay ko wala akong maisip eh.

Nang matapos naming magsulat inilagay na namin iyon garapon at sinimulan ng paikutin ang bote.

Lahat kami ay nakatuon lang ang pansin sa umiikot na bote na biglang tumapat kay Sam.

"Ang aga ko naman mapili ng bote! Hindi porket ako ang nag-aya" Naiinis na banggit niya Kaya natawa kami sa reaction niya.

Bumunot na siya ng isang papel sa loob ng garapon. Kinuha sa kanya iyon ni Jaime at binuklat. "Dare! Batukan ng malakas ang nasa kanan mo" bahagya niya pang pinakita samin yun para Hindi siya mukhang nagsisinungaling.

Nag dadalawang isip pa siya na batukan ang nasa kanan niya dahil si Liza ang andun. Binatukan niya rin naman si liza pero mahina lang.

"Hoy! Wag kang maduga sam ang sabi sa dare malakas daw!"pagtutol ni Jaime.

"Eh! Okay na yun" he said. Napapakamot pa sa ulo si Sam.

"Bawal!" Pag tutol naman ni nica. "Kung ayaw mong gawin may ipapagawa nalang kami sayo!"

"Tss.. Ano naman?" Naiinis na sabi ni sam.

"Ikaw magluto samin ng tatlong araw!" Mabilis na sabi ni nica.

"Huh?! Pe---"

"Hep! Bawal umangal parusa mo yan dahil Hindi mo naman ginawa ang dare!" Liza said. "Huh? Ginawa ko ah!" Pag-aangal ni Sam.

"Ginawa mo nga mahina naman!" Liza said. Kumindat pa talaga siya sakin. Tss.. Kahit kailan talaga napaka mautak ng babae na  to. "Oo na,Oo na, Kapag panget ang luto ko wag kayong magrereklamo ah" sam said. Natawa naman kami kasi nabadtrip si Sam.

Pinaikot na ulit ni sam ang bote at tumapat naman iyon kay nica. Bumunot siya sa garapon at binigay niya iyon kay Sam.

"Ang daya naman! Bakit truth sayo! Hays.. Kapag di mo sinagot anong parusa?!" Sam said.

"Edi may ipapagawa din sa kanya ganon lang yun at ako ang maguutos sa kanya!" Kuya drix said. Napakunot naman ang noo ni nica. "Huy kuya! Ang duga mo! Ate Camille oh!" Parang batang pagsusumbong ni nica. Natawa lang sa kanila si ate Camille.

"Okay! Deal yun ah! Ito na yung tanong. May nagugustuhan ka ba sa mga andito?" Sam said. "N-nagugustuhan?! W-wala" nica said. Wala nga ba talaga nica.

"Sus! Eh bakit nauutal ka?" tanong ni kuya drix. "Hoy kuya drix! Isang tanong lang. Bawal ng mag tanong!" Nica said. Napairap nalang si kuya drix Kay nica. Hindi ko alam kung lalaki ba to si kuya drix o babae.

Pinaikot na ni nica ang bote at tumapat naman iyon kay jeric. Nakita Kong napalunok si Jeric bago bumunot sa garapon.

"Dare! Kumanta habang nag-gigitara" Jeric said. "Seryoso ba to?!" Dagdag niya pa.

"Ang dali naman ng sayo jeric!" Atungal ni Sam habang nakanguso. Kaya binatukan siya ni Jeric kaya napahawak siya sa ulo niya.

"Wag ka nga Sam! Mas gusto ko pa nga yung iyo kesa sa nabunot ko Tss.." He said. "Cloey, May gitara ka ba?!"

"Yap. Nasa music room! Saglit lang" tatayo na sana ako pero naunahan na ako ni kid. "Stay here! Ako na ang kukuha ate!" He said. Tumango nalang ako tsaka siya umalis.

"Huy jeric! Anong kakantahin mo?" Tanong ni nica sa kanya. Kaya tumingin siya Kay nica.

"Dipende kung ano ang maisip ko!" He said. Nag-kibit balikat nalang si nica tsaka dumating na si kid. Inabot ni kid ang gitara. Nag pasalamat naman si jeric at sinimulang ipadaan ang mga daliri sa string ng gitara.

Inumpisahan na niyang magpatugtug umpisa palang alam ko na ang kanta.

It took one look
And forever lay out in front of me
One smile, then I died
Only to be revived by you

Habang kinakanta niya iyon nakatingin siya sakin. Ang ganda pala ng Boses niya. Perfect na talaga siya.

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out

Nakakabighani ang kanta niya. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Feeling ko kasi may gusto siyang sabihin eh.

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you
Ooh

Nakinig lang kami sa kanta niya. Ang lamig ng boses niya.

Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine

Oh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only

I take one step away
Then I find myself coming back to you
My one and only
One and only you

"Ang ganda pala ng Boses mo jeric!" Pambobola ni jaime. Kaya napangiti naman si jeric.

Inilapag ni jeric yung gitara sa may sofa at nag Simula na ulit kaming maglaro. Hanggang magutom na talaga kami kasi naman ang sarap ng niluluto eh.

Nag punta na kami sa Dining Area nagutom ako bigla ng makita ang mga pagkain dun. Naupo na kami at nagsimula ng kumain. Nag kwentuhan lang kami habang nakain tapos napag desisyunan naming manood ng movie mamaya sa sala pagtapos naming kumain.

"Guyss! Let's go na. Gusto ko ng manood eh!" Naunang naglakad si Liza pag tapos niyang sabihin iyon.

Naupo kami sa cough at nakinig lang kami ni jeric sa pagtatalo nila. Paano ba naman kasi nagtatalo sila kung ano ang panonoorin namin. Boys laban sa girls. Ang gusto ng girls ay romance tapos ang boys naman gusto nila ng labanan kaya natatawa nalang kami para silang mga bata eh.

"Romance nalang kasi"

"Ayaw namin gusto namin yung may Labanan. Dali na yun nalang!"

"Ayaw namin. Gusto namin yung kikiligin kami."

"Wag na kasing romance eh."

"Ayaw----"

"Horror nalang!!" Sigaw ko sa kanila kaya napataas sila ng kilay "That is an order for the young lady na may ari ng bahay na to" napanguso sila ang iba naman napakamot ng ulo pero biglang nagbago ang mood ng boys

"Baka nakakalimutan mo ate na anak din ako ng may-ari ng bahay na to. Kaya may karapatan din akong magdesisyon!" Sabat naman ni kid habang nakangisi. Tinaasan ko naman siya ng kilay "Eh, sinong panganay? At sino ang magmamana neto?" Tanong ko sa kanya. Napakunot naman and noo niya at napanguso.

"Sabi ko nga ikaw na ang masusunod. Hays!" Pagsuko ni kid. Kaya sinalang nila ang horror ayaw pa nga nilang umalis sa akin nung nagtakbuhan sila eh. Hay nako.

May takot pala sila. Ang akala ko ay wala Basta bahala na.

*****

Continue Reading

You'll Also Like

3.6M 90K 46
[COMPLETED] Alam niyang bawal, pero hindi pa rin napigilan ni Isabela Santiaguel na magkagusto sa Club DJ at certified playboy na si Arkhe Alvarez. S...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
562 132 18
hindi ikaw ang magiging paksa kung wala kang ginawa, hindi ikaw ang magiging paksa kung walang nakikita't nadarama iyan, ikaw, siya, at sila ay maari...
53.2K 852 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: