Living With My Enemy (Part 1)

By Rajeanthetarget

142K 5.9K 621

Dahil sa daming ginawang kalokohan ni Zeira ay napilitang ilipat siya ng kanyang magulang sa ibang Paaralan... More

Chapter 1 Zeira The Maldita
Chapter 2 Blane The Beast
Chapter 3 Chance
Chapter 4 Slap
Chapter 5 New School
Chapter 6 Kiss
Chapter 7 New Home
Chapter 8 Pain
Chapter 9 Still Inlove
Chapter 10 First Love
Chapter 11 Bipolar
Chapter 12 Weird
Chapter 13 One Minute
Chapter 14 INTERHIGH
Chapter 15 Worried Beast
Chapter 16 Brat Sisters
Chapter 17 Pageant (interhigh day 2)
💕
Chapter 18 Queen Bee
Chapter 19 Mysterious Crime
Chapter 21 Guests ( interhigh day 3)
Chapter 20 Mysterious Love
Reminders
Chapter 22 Pakealamerang Maldita
Chapter 23 Jealous Beast
Chapter 24 Calm down
Chapter 25 Family Picture
Chapter 26 Party
Chapter 27 Possible
Chapter 28 Punch
Chapter 29 Tash
Chapter 30 War Freak
Chapter 31 Celebration
Chapter 32 Truth or Dare
Chapter 33 Naiinis
Chapter 34 Pasaway na Zeira
Chapter 35 Period Day
Chapter 36 Alagaan ka
Chapter 37 Issue?
Chapter 38 Crazy
Chapter 39 Magkasundo
Chapter 40 Third Kiss
Chapter 41 Magbago
Chapter 42 Toron Kiss
Chapter 43 Tita Mel
Chapter 44 Kiana The Bitch
Chapter 45 New Friend
Chapter 46 Nakikita
Chapter 47 Moon Necklace
Chapter 48 Fun with her
Chapter 49 Flat
Chapter 50 Peach Dress
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 Free
Chapter 62 Leave
Chapter 63 UNEXPECTED I
Chapter 64 UNEXPECTED II
Chapter 65 Case
Chapter 66 Doubt
Chapter 67 Gusto ko lang!
Chapter 68 Traitor
Chapter 69 Expected villain
Chapter 70 Sullin and Albert
Chapter 71 That's life
Chapter 72 War Bitches
Chapter 73 Toxic
Chapter 74 THE TRUTH I
Chapter 75 THE TRUTH II
Chapter 76 Enclasp
Chapter 77 Cagayan De Oro
Chapter 78 No to Reason
Chapter 80 REVELATION 2
Chapter 81 REVELATION 3
Chapter 82 REVELATION 4
Chapter 83 REVELATION 5
Chapter 84 REVELATION 6
Chapter 85 REVELATION 7
Chapter 86 REVELATION 8
Chapter 87 REVELATION 9
Chapter 88 Demented
Chapter 89 Her Less
Chapter 90 Della Sarta
Chapter 91 His Voice
Chapter 92 Comeback
Chapter 93 Stalker
Chapter 94 Millions of Hers
Chapter 95 Wade's Secret
Chapter 96 Problem
Chapter 97 Farewell
Chapter 98 Away
Chapter 99 Sacrifice
Chapter 100 Amore
DONE!

Chapter 79 REVELATION 1

797 37 8
By Rajeanthetarget

Luiie POV

Nanginginig ang mga kamay ni rache ng tingnan ko siya. nakataas ang mga kamay naming lahat at kita ko ang panginginig ng kamay niya.

"Hindi tayo pwedeng sumunod nalang sa utos nila, kailangan nating labanan ang mga yan" bulong ni blane na katabi ko

"Maraming mapapahamak"bulong ko din

"Just Trush me luiie, akong bahala"

Tumango na lamang ako at gustong gusto ko ng lapitan si rache para hawakan ang kamay niyang nanginginig sa takot.

"BILISAN NIYO ANG PAGKILOS!"sigaw nung nakaitim na lalaki

naghintay ako sa isesenyas ni blane, papasok na si alice sa itim na van, nagkatinginan kami ni blane at sa ibang mga lalaking kasama.

Pareho kaming tumango sa isa't isa syaka ako umikot para salubungin ng suntok ang lalaking nakaitim sa likod ko at inagaw ang baril.

"PUTA! huwag niyong hayaang makatakas ang iba!" sigaw ng lider nila

Ano kayang balak ng mga to samin? anong rason nila para gawin nila ang bagay nato?

Naghihiyawan na ang mga kababaihan at pilit tumatabi dahil sa mga nagsusuntukan.

Tinuhod ko ang lalaki at sinapak ito syaka siya napahiga. humanap muna ako ng pwedeng maipapalo sa kanila o panlaban.

Tanaw ko pa si zeira na pilit linalabanan ang suntok ng ibang lalaking naka itim.

Kailangan kong bantayan si rache at baka may makalapit sa kanya. subukan lang nilang lumapit at talagang pagsisisihan nila yun.

Ryan POV

Pinulot ko ang isang kahoy sa tabi tabi na sapat na para masaktang ang isang tao.

"Ryan sa likod mo!"sigaw ni angel

Kinindatan ko siya at binigyan ng flying kiss. ang kaninang nag aalala niyang mukha ay napalitan ng pandidiri.

"Ang landi mo! sabing sa likod mo!" sigaw niya

Tinignan ko ang itinuro niya at sumalubong sakin ang suntok sa panga ko. masakit yun at parang nayanig ang kagwapuhan ko.

"AHHHH!" sigaw ng mga babae

Binigyan ko din ng mas malakas pa na suntok ang gumawa sakin nun kanina. puta! agad naman siyang napahiga, bakla ata to. ang hina hina eh.

Inapakan ko muna siya sa tiyan niya at tumakbo ako para harangan ang papalapit sa banda ng mga kababaihan.

Sinapak ko siya gamit ang kahoy at umikot ako syaka siya siniko gamit padin ang kahoy.

Ang dami nila, limang Van sila at ng makita ko sila kanina na papababa ay mukhang lagpas bente ata ang mga to o lagpas trenta.

Tanaw ko si zeira na inaapakan sa mukha ang lalaki. parang nangigil siya at ayaw pa itong tigilan.

"Tama na yan zeira" nilapitan ko siya para ipatigil na

May alam din pala sa pakikipaglabanan ang babaeng to. sabagay siya nga naman ang naka pagpahospital dun sa Nico na taga Labina University.

Grey POV

Ganun nalang ang gulat ko ng matanaw ko ang kapatid ko na nakikipag agawan ng baril sa isa sa mga naka itim na lalaki.

"Shay!" sigaw ko at tinapos muna ang kaharap ko ngayon

Madaming lumalapit sakin para magsuntukan. hindi ko naman sila aatrasan, basta ay huwag lang masasaktan si Keziah at Shay dito. at iba pang mga kasama.

Hindi sila nauubos at hindi ko padin napupuntahan si shay na nakikipag agawan parin ng baril ngayon.

Ng mapatumba ko na ang lahat ng lumalapit sakin ay tumakbo ako para lapitan ang lalaking kaagawan niya ng baril.

"Huwag ang kapatid ko" galit kong sabi at sinuntok siya sa pisnge niya

"K-kuya, may baril siya" nanginginig ang boses ni shay na sabi sakin

"Alam ko, kaya nga nilapitan kita para pigilan kayo diba? hindi ka kase nag iisip, kung ikaw kaya ang nabaril? paano hah?"pagalit kong singhal sa kanya

Pinatabi ko siya pero ayun at tumakbo palayo para makipag suntukan sa iba pang lalaking naka itim.

Hindi naman siya marunong makipag away, kita ko sa mga kilos niya na nahihirapan siya at walang alam pero pilit siyang tumutulong.

Pag ito nalaman ni Mama talagang malalagot kaming dalawa. Hinding hindi niya to magugustuhan kahit kailan at ikakagalit pa niya tong ginawa namin.

Rache POV

nanginginig ang mga kamay kong pinagmamasdan ang ibang kasama na nakikipaglaban ngayon sa mga naka itim na lalaki.

Nanginginig ang kamay ko dahil sa takot. natatakot ako na lahat kami dito ay pwede nilang paputukan ng baril at sa isang iglap ay.... arrgh

"R-Rache?" tawag sakin ni jhoanie "Tumulong tayo" aniya

Muli kong tinignan ang mga nagkakagulo, tama siya kung tumulong kaya kami at baka mabawasan pa ang mga to.

Napapatumba naman sila nila blane pero may sobrang dami nila at hindi sila nauubusan. Saan ba galing ang mga to? sino sino ba sila? ano bang sadya nila samin?

Tanaw ko si zeira na binigyan ng suntok ang lalaking naka itim.

Walang pag alilangan akong humakbang at pumulot ng kahoy para ipamalo sa naka itim na lalaking nakatalikod.

Hindi man lang ito nasaktan at masama pa ang tingin na hinarap ako at hinawakan ang panga ko. napaigtad ako sa sakit ng pagkakahawak niya sakin.

Itinaas niya ang kanang braso niya at mukhang para sakin yun, napapikit ako at ganun nalang sakit ng masampal niya ako.

"Matapang kayo hah? sa tingin niyo kaya niyo kami?" ngisi nito

"Matapang din kayo diba? eh bakit may baril kayo at kami wala? dapat patas" sabi ko din

Ang pinagtataka ko lang may baril naman pala sila pero ni isa man lang sa kanila ay walang naka gawa na magpaputok ng baril.

"Gusto mo iputok ko sa bungo mo?" panghahamon niya at tinutok sakin ang baril pero

Sinipa ko ang pagkalalaki niya, nabitawan niya ang baril at sinipa ko ang baril para mapalayo ito at hindi na niya makukuha.

namimilipit siya sa sakit kaya naman pinulot ko ulit ang kahoy syaka pinalo sa ulo niya.

"Aray!" daing ko ng may humigit sa braso ko

Galit ang mukha ni Luiie na tinignan ako at hinihingal pa siya. "What do you think you're doing?"

"Nakikipag laban-

"Tumabi ka!"

Hinigit ko ang braso ko at iniwan siya dun syaka ko naman pinalo ang mga naka halumpasay na sa lupa na aakmang babangon.

yun nalang talaga ang magagawa ko.

Albert POV

Isang malakas na sipa ang binigay ko sa kalaban ko at agad naman itong napahiga. pero tangina, tumayo pa siya at umarteng handa ng pakipag away pero kita naman ang takot sa mata niya.

Hindi namin nakikita ang mukha nila dahil sa tabing nito pero kita ko ang mata nitong kalaban ko na natatakot na.

"Ano? kaya pa?" nakangisi kong tanong dito

"O-oo k-kayang kaya" nauutal nitong sagot

Ngumisi ako at" Ikaw nagsabi niyan hah" syaka ko siya sinuntok ng napakalakas lakas

Sino ba ang mga to at bakit nila ginagawa samin to? sa pagkakaalam ko wala kaming nagawang mali o nakalaban na tao para mangyari to.

hinanap ng mata ko ang kapatid ko at kita sa mukha nito ang pag aalala saming lahat, katabi naman niya si elle na nakakapit sa braso niya.

Nagtama ang paningin namin ni elle, akmang sisigaw siya pero kumilos na ako at bumaling sa ibang kalaban.

Si zeira naman ay sinusuntok ang isang lalaki, napahiga ito agad, pero may dalawang lalaki ang humawak sa braso niya at lumapit naman yung isang lalaki syaka siya akmang sasapakin ng....

Lumapit na si blane at sinuntok ang sasapak na sana kay zeira. binitawan si zeira ng dalawang nakahawak sa kanya at kinalaban si blane.

"Albert!" sigaw yun ni elle

Lilingon na sana ako pero napahiga ako ng dahil sa isang napakalakas na sapak, hindi yun kamao at ng mag angat ako ng tingin ay naaninag ko ang nakatutok sakin na baril.

Nalasahan ko ang isang malansang bagay at hindi na ako pwedeng manghula pa dahil alam kong dugo ito.

"Subukan mong kumilos at ipuputok ko talaga to sayo" banta ng lalaking naka itim na nasa harapan ko ngayon at may hawak na baril na nakatutok sakin.

Tinignan ko siya ng masama, naka upo ako at nilalasahan ang dugo sa bibig ko.

Hindi na ako kumilos at naghintay sa pwedeng mangyari na pwede kong masipa ang lalaking to ng hindi niya napapansin ang kilos ko.

Yung iba ding naming kasamang mga babae ay tumulong narin sa pakikipaglaban, it's rache,jhoanie and shay.

tsk hindi ako pwedeng magpatalo dahil may mga kasama kami.




Someone's POV

"Madame?" tawag sakin ng apprentice ko

Binitawan ko ang hawak na baril syaka ko naman siya binalingan ng tingin.

"Handa na ang lahat? nagawa ba nila ang utos ko?"tanong ko

Tumango ito sakin "Kasalukuyan silang hinahabol ngayon" aniya

Ngumiti ako, sana naman sa oras nato ay maisasagawa ko na ang isa ko pang plano. ang mas lalong takutin ang Pamilyang Alvera at kasama dun ang pagdamay sa ibang kaibigan ng anak nilang si zeira. at doon magagalit ang mga magulang ng mga bata at pwede silang sisihin.

"Hayst! HAHHAA sigurado talaga akong babagsak yang kompanya nila" ngisi ko at pinulot ulit ang baril syaka ito pinasadahan ng daliri ko

"Posible po talaga na mangyare ang planong yan madame, takutin lang sila at saktan konti" ani naman ng apprentice ko

Maliit na bagay lamang itong pinapagawa ko sa mga tauhan ko, takutin ang mga bata at makakarating yun sa mga mgulang nila.

tapos sisihin nila ang Pamilyang Alvera, hindi pwedeng matakot lang ang mga Alvera sa ginagawa ko, dapat mag dusa din sila at maranasan ang pakiramdam ng husgahan ng mga tao.



Tash POV

Busy ako ngayon sa pagtitingin sa mga gawain ko sa pag aaral. Kailangan kong mag tyaga para makakuha ng Latin Honor sa graduation ngayong marso.

Si lash naman alam kong hindi na kailangan nun mag tyaga, matalino na yun una palang. Isang tingin lang diyan sa papel at sasagutin niya lang yan ng limang segundo. Ganyan siya katalino.

Ngayon darating si Blane galing Cagayan De Oro. ewan ko din sa lalaking yun at pati yun hindi na din kailangang mag study dahil pati yun matalino din,matalino pa sa sinasabi ko.

May kumatok sa pinto ko kaya naman lumakad ako para buksan ito. It was mom "Good Morning Tashana" bati niya at pumasok sa kwarto ko

Gawain yan minsan ni mom, every morning she will knock on the door and ask if we are fine or something.

"You're studying? Bakasyon pa ah"

"Ah yeah, Madami kase yan mom at kailangan kong pag igihan, parang negosyo lang din" ngiti ko

Paskong pasko at eto ako busying busy diyan, pero kailangan eh. atleast nakakapag celebrate parin ako kasama ang pamilya ko.

"Nakatulog ka ba ng maayos tashana?" tanong niya at sinuri ang mga papel ko sa study table ko

"Of course mom, hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko"

"That's good, ganyan dapat, kahit pa marami kang ginagawa huwag mo paring kinakalimutan ang sarili mo"

Yan palagi ang advice niya saming tatlo, kaya mahal na mahal namin sila ni daddy eh.

"Just like business" sabay naming sabi

memorize ko na yang linya niya kaya natawa nalang kami pareho. she just hug me and kiss me.

"Oh sige na pupuntahin ko na yung kabilang kwarto" syaka siya umalis

Kay Lash naman siya ngayon pupunta para kumustahin din. Mommy is a good mother to us. hindi siya nagkulang kahit kailan samin. napaka buti niya sa ibang tao pero minsan umaandar parin ang pagiging sarcastic niya.

But, trust me she's very kind,lovable,humble,sweet and beautiful. she's Devine Dereal my mother.

Nag ring ang phone ko kaya naman nang tingnan ko ay si blane pala. tumatawag pero ng sasagutin ko na sana agad naman itong nawala kaya umiling nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Ilang minuto ang nakalipas ay napag isipan kong lumabas na muna ng bahay, bibili lang ako ng paborito kong inumin.

Nag drive ako kahit hindi pa ako naliligo, traffic na kaya naisipan kong dumaan nalang sa High Street maganda ang daan nayun dahil walang traffic at makakarating agad ako sa pupuntahan kong caffee kaso delikado nga lang ang daan dahil isa itong bangin.

Kumakanta kanta ako habang nagmamaneho, nasa kalagitnaan palang ako ng daan ay kumunot ang noo ko ng maaninag ang mga nagkaharang harang na daan at sobrang dami pa.

Kadalasan sa kanila ay mga Van na itim at may dalawang puti naman na Van.

"Akala ko ba walang traffic?" tanong ko sa sarili ko

pero, nakakapagtaka lang dahil mukhang hindi ito naisaayos sa pag park, o paghinto hindi siya karaniwang na traffic na hihinto lang sa daan.

malayo layo pa ako at ng maaninag ko na talaga ng husto ay ganun nalang ang panglalaki ng mata ko dahil nagkakagulo na pala sila.

Bumaba ako at mga kabataan ang una kong nakita at ang nga nakamaskara na itim at balot na balot ang katawan.

may baril, at mga ano pang pwedeng panglaban.

Namukhaan ko agad silang lahat kaya naman napahawak ako sa bibig ko sa takot at pagkagulat, hindi ko inaasahan na sila ang madadatnan ko dito.

"BLANE!" sigaw ko sa kapatid ko na nakikipag away na

Tumakbo ako para pigilan sila pero sa isang iglap ay kusa akong napahinto, putok yun ng baril at....

Ramdam ko ang pagkamanhid ng katawan ko, napahawak nalang ako sa tagiliran ko at kusang dumikit sa palad ko ang d-dugo.

And everything went black.

A/N: miss na kita blane, usap tayo please. bakit wala ka ng POV? baby let's talk:)

Landi ni author

Read again my previous chapter at may in-edit po ako dun read it again para makaintindi kayo sa susunod na chapters na coming.

ChariTwentyOne rose_novie Shayanzii PrincessSaluta

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 479 54
What happens if a girl like me, a "promdi girl," meets a guy like him who despises my kind? I am just a normal girl living a normal life, and I will...
54.5K 2.5K 30
Caught In The Temptation : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidde...
127K 3.4K 38
I'm just a nobody... But then, I met people that changes my life. I'm just an ugly nerd... But they say, people change, and so do I. Started: August...
460K 2.2K 7
A Mafia Reaper was sent to Mayhem High to protect the cold, and emotionless Mafia boss. Will she be able to complete her mission?