PORTAL

By WackyMervin

10.8K 787 65

PORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: Wacky... More

PROLOGUE
PORTAL 1
PORTAL 2
PORTAL 3
PORTAL 4
PORTAL 6
PORTAL 7
PORTAL 8
PORTAL 9
PORTAL 10
PORTAL 11
PORTAL 12
PORTAL 13
PORTAL 14
PORTAL 15
PORTAL 16
PORTAL 17
PORTAL 18
PORTAL 19
PORTAL 20
PORTAL 21
PORTAL 22
PORTAL 23
PORTAL 24
PORTAL 25
PORTAL 26
PORTAL 27
PORTAL 28
PORTAL 29
EPILOGUE

PORTAL 5

337 28 0
By WackyMervin

********

PORTAL 5

********

Kinaumagahan. Isang katok ang siyang gumising sa akin. Tumayo ako at binuksan ang pintuang, si Ivy ang bumungad sa akin. Di parin siya nakangiti pero alam kong okay na siya ngayon di gaya kagabi. Ewan ko, pero otomatikong gumalaw ang katawan ko at niyakap ko siya. Bigla niya akong tinulak at binigyan ng masamang tingin.

“Hahaha ang cute mo,” sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako.

“Kakain na raw sabi ni Mama,” saka ito tumalikod at naglakad pababa. Kinuha ko ang damit ako at sinuot ito saka na ako bumaba para kumain ng umagahan. Pagbaba ko sa sala, naroon na ang pamilya ni Ivy. Ang pamilya Juanico. Nakangiting tumayo si Mrs. Juanico at sinalubong ako nito, niyaya niya akong umupo at sabayan na sila sa pagkain. Pero bago ako umupo, hinampas ni Ivy ang kamay ko. Ang binigyan ako nito ng masamang tingin sa pangalawang pagkakataon ng umagang iyon. Ano bang problema ng batang ito?

Binigyan ko rin siya ng titig na Ano-bang-problema-mo titig.

“Maghugas ka muna ng kamay mo,” utos niya sa akin. Nagtawanan sila, at sinabe ni Mr. Juanico o si Tito Samuel na maghugas nga muna ako ng kamay. Napakamot nalang ako sa ulo ko sa hiya ko sa kanila. Habang si Ivy parang wala lang sa kanya yung ginaw niya sa akin. Tama nga naman siya, dapat maghugas muna ng kamay bago kumain. Pumunta ako sa kusina at naghugas na nga ako ng kamay ko doon at muli akong bumalik sa upuan. Binigyan ko siya ng titig na okay-na-baka-may-reklamo-pa titig. Ngunit inirapan lang ako nito. Sisimulan ko na sanang dumakot pero nawirduhan naman ako sa kanila dahil sa nakatingin sila sa akin.

“Gutom ka na ba talaga Ebong?” tanong ni Tita Esme sa akin. Nabalik ako sa hawak kong kutsara at tinidor sa plato kong wala pang laman.

“Akala ko po, sugod na.” sabi ko na nahihiya. Tae! Strike two!

“Ivy, lead the prayer.” Wika pa ni Tita Esme sa kanyang anak. Yumuko silang lahat at mataimtim na nagdasal, samantala yung tiyan ko nag-wawala na. gutom na raw sila. Pagkatapos nilang magdasal, hinintay ko muna ang signal nila kung pwede na ako dumakot ng pagkain sa harapan nila. Nakangiti si Tito Samuel sa akin, at sinabe nito na pwede na raw akong kumain. Nagtawanan silang mag-asawa habang si Ivy tahimik parin. Ganito ba talaga itong batang ito?

Pagkatapos naming kumain, ay tumulong ako sa pagligpit ng mga kinainan. Sinabe ni Tita Esme na wag na raw kasi bisita ako. Nagpumilit ako, kaya ibinigay na niya sa akin yung mga niligpit niyang huhugasan naming dalawa ni Ivy. Kinuha ni Ivy yung mga baso samantala ako yung mga plato. Pagkatapos niyang ilagay sa hugasa, kumuha naman siya ng pamunasa at tahimik parin itong pinunasan yung lamesang ginamit namin kanina.

“Bakit ang tahimik mo?” tanong ko sa kanya. Di siya sumagot.  Tae ka, baka kapag nainis yan gamitan ka niyang ng powers niya. Sabi ko sa isip ko.

“Di ko ginagamit ang kakayahan ko sa mga walang kwentang bagay,” sabi niya sa akin. Nakalimutan kong nababasa pala niya ang isipan ko. Tae ka talaga Ebong.

“Sorry,” sabi ko sa kanya sinundan ko siya sa kusina at nagsimula na siyang maghugas ng mga pinagkainan namin kanina.

“Uy, sorry na.” tusok ko pa sa tagiliran niya.

“Anong ginagawa mo?” mataray pa niyang tanong sa akin. Tae! Sampung taon gulang palang siya pero daig pa niya ang may regla sa araw-araw.

“A-ah… E-ehh.. kinikiliti ka?” patanong kong sagot sa kanya.

“Itigil mo yan, di ako natutuwa.” Sabi niya saka siya umalis sa harapan ko.

“Uy, saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Hugasan mo yan mag-isa.” Aba? Napatingin ako sa dami ng huhugasan ko. Tae naman oh!  Ang dami.

Pagkalipas ng halos isang oras. Oo halos isang oras ko siyang hinugasan, tapos pinunasan ko pa. nakakahiya kasi kung di maayos yung gagawin kong paghugas, yun na nga lang ang magagawa ko sa tahanan nila di ko pa aayusin. Pagkatapos kong maghugas ay kaagad kong hinanap si Ivy, ngunit di ko siya makita. Naisipan kong puntahan siya sa kwarto niya, noong nasa harapan na ako ng kwarto niya.

“Anong ginagawa mo riyan?” halos tumalon ang puso ko sa sobrang gulat noong bigla kong marinig ang tinig niya sa aking likuran.

“Saan ka galing?” kabog parin ang dibdib ko ng minutong iyon.

                “Anong paki mo?” sagot niya sa akin saka siya pumasok sa loob ng kwarto niya. At sinarado ito. Bastos!

                “Di ako bastos!” sagot niya sa akin.

                “Pwede ba, kahit isang beses lang. Wag mong gamitin yang kakayahan mo na basahin ang iniisip ko, nakakaano na kasi e…”

                “Wala ka nang pakielam doon,” sagot niya sa akin.

                “Ano bang problema mo ah?”

                “Ikaw.” Sagot niya sa akin doon ko na binuksan yung pintuan ng kwarto niya. Nakaupo lang siya sa kama nito at muli na naman niya akong pinagmasdan ng maigi.

                “Anong ako?” balik kong tanong sa kanya.

                “Ewan,” saka siya tumalikod. Lumapit ko sa kanya, at hinawakan ko siya sa balikat at tumingin ako sa mga mata niya. Nag-iba ang kulay ng mga mata niya ng minutong iyon at nagkulay asul yung mga mata niya at nag-init naman yung katawan ko, para akong napapaso sa tingin niya sa akin. Saka niya ako tinulak ng malakas. Dumausdos ang katawan ko palabas ng pintuan at bigla nalang nagsarado ang pintuan niya. Napakamot nalang ako ng ulo ko sa inis ko sa kanya. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at kumuha ng damit ko para maligo.

                Pagkababa ko, napatingin ako sa kwarto ni Ivy. Weird na nga siya mataray pa. napailing nalang ako noong pumasok ako sa banyo upang maligo, pagkatapos kong maligo napaatras ako noong makita ko siyang nasa labas ng pintuan ng banyo.

                “Anong ginagawa mo riyan?” gulat kong tanong sa kanya. Inirapan niya lang ako. Saka inantay niya akong tuluyang lumabas ng banyo. Pero may naisip akong gawin para makabawi sa kanya. Lumapit ako sa kanya at muli ko na namang tinitigan ang mga mata niya.

                “Gusto mo ba talagang mamatay?” tanong niya sa akin. Doon ako napaatras. Wrong move ka na naman Ebong.

                “Tsk.” Sabi ko sa kanya. Saka ko na siya tuluyang iniwasan at muling umakyat sa kwarto. Wala akong magawa sa loob ng kwarto. Kanina pa ako paikot-ikot. Mas mabuti pa doon sa attic may nagagawa ako, may naiisip ako pero sa kwartong ito wala. Nakakainis. Naisipan kong lumabas ng kwarto, pero paglabas ko nakabantay si Ivy. Napabalik nalang ako sa loob ng kwarto ko at doon ay pumasok sya sa kwarto ko.

                “Oh? Pumasok ka? May permiso ko ba?”

                “Papaalala ko lang sa ‘yo bahay namin ito.” Mataray niyang sagot sa akin.

                “Oh ngayon?” sagot ko naman sa kanya.

                “Wala,” umupo siya sa kama ko. Tumabi ako sa kanya at saka ko siya ningitian.

                “Alam mo, mas gaganda ka kung ngingiti ka.”

                “Di naman ako maganda kaya okay lang,” sagot niya sa akin saka tumitig siya sa ibang direksyon para lang iwasan ang mga mata ko.

                “Maganda ka kaya,” paninigurado ko pa sa kanya.

                “Yung huling nagsabi na maganda ako nasa langit na,” pananakot pa nito.

                “Well, kung mamamatay man ako ngayon. Okay lang atleast naiparating ko sa iyo na maganda ka ngang talaga.”

                “Wala ka bang balak bumalik sa panahon mo?” seryosong tanong niya sa akin. Napangisi nalang ako ng minutong iyon at humiga sa kama, tanday ang dalawa kong kamay sa aking ulo.

                “Mukhang alam mo naman ang sagot ko riyan, bakit kailangan ko pang sagutin.”

                “Di ko na binabasa ang isip mo, kaya okay lang na sabihin mo.” Doon ako napatayo sa sinabe niya.

                “Totoo?” gulat na tanong ko. Plain parin yung facial expression niya, di nga matatawag na expression yun e. mas mabuti pang tawagin yung poker face.

                “Okay lang kahit di ka na sumagot, yung totoo namimiss ko na ang pamilya ko. Ang Mama ko kahit na sobrang kulit nun at masyadong oa protective. Alam mo bang sa edad kong ito wala pa akong nagiging girlfriend o di ko man lang magawang manligaw dahil, para sa kanya ang may tamang oras para sa pag-ibig. At sa edad ko raw na ito, dapat raw pag-aaral muna ang unahin ko di yung pag-ibig kasi darating at darating raw yang pag-ibig na yan. Marami raw pag-ibig sa paligid. Di araw ako mauubusan.”

                Nakatitig lang siya habang nagsasalita ako, sa pakiwari ko alam kong interesado siya sa mga sinasabe ko.

                “Gusto mo ba akong magkwento sa mga mangyayari sa hinaharap?” sabi ko sa kanya.

                “Alam mo ba ang magiging kalalabasan kapag sinabe mo sa akin yan?” seryosong sabi niya sa akin. Napatahimik ako nang minutong iyon.

                “Kapag sinabe mo sa akin ang mga bagay na nangyari sa present time. Maaaring mabago ito kapag nakabalik ka na doon sa panahon mo. Ebong, habang tumatagal ka sa panahong ito. Mas marami pang bagay o pangyayari ang mababago  na siyang maaaring makaapekto sa panahon niyo o sa hinaharap.”

                “Naiintindihan naman kita, kaso di ko nga alam kung paano ako makakabalik.”

                “Alam ko,” giit niya. Napatingin ako sa kanya na may pagkagulat at galak sa aking puso.

                “Talaga?”

Continue Reading

You'll Also Like

39.8K 1.6K 65
Dear Migs . . . If you happen to read this now, it simply means that I already pulled the trigger. You know that I'm always tempted to do it. The tem...
12K 808 37
When Paris thought his life wouldn't be more complicated, a sudden decision made his life change upside down. He was clueless that the life he used t...
185K 7.5K 19
May nagbalik mula sa kamatayan. May bumangon mula sa kailaliman. At isang batang Clairvoyant ang nanganganib. Sinu-sino ang mga muling nabuhay? At an...