It All Started With The Royal...

Od CloudMeadows

1.3M 60.2K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... Více

intro.
i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
ix.
x.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xviii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxviii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxii.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxviii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

xi.

27.8K 1.1K 274
Od CloudMeadows

Hindi pa rin ako maka get over sa nangyari kahapon. Ang dami ngang tanong nila mama tungkol sa sugat ko at dahil napakagaling kong sinungaling, nakaiwas ako sa imbestigasyon nila.

 Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari. Pagkatapos ng eksena sa banyo, dinala ako ni Damian pabalik sa hospital room at napaka awkward dahil hindi siya nagsasalita kaya napatahimik din ako. Pagkatapos ng sinabi niya roon sa bruha sa C.R. akala ko papansin na niya ako pero snob pa rin, nak ng.

Naninibago pa rin ako dahil nung pagkapasok namin sa hospital room, lahat sila naka antabay at dali dali nila akong nilapitan, well except for sungit. Bakit ba ako mag e-expect sa mokong na 'yon? Anyhow, lahat sila O.A. maka-react pagkatapos ikwento ni Damian yung nangyari sa C.R. 

Pinipilit nila akong magpatingin ulit sa Doctor at yung Smurf na 'yon bigla bigla nalang niya ako minamasahe at tinatanong kung may masakit ba akong nararamdaman. 

Si Derick naman nag order ng napakaraming pagkain at tinatanong kung gutom daw ba ako. Si Devyn, well anong i-eexpect ko sa masungit na 'yon na mukhang dinaig ang nag me-menopause? 

Si Drake (Pepper spray) naman bumili ng napakaraming vitamin supplies, daig pa gamot ng may sakit. 

At si Damian yung napag-utusang hanapin ako, that explains kung paano siya napadpad sa C.R.

Hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila nung araw na 'yon pero ang we-weird nila ngayon. Naninibago pa rin ako, nakakakilabot. Halos itaboy nila ako noon tapos ngayon akala mo mga nanay sa sobrang aruga nila. 

"Ate! Mag dala ka ng madaming damit!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Halos wala ka ng suot, daig mo pa bold star."

"Anong masama sa pagsu-suot ng t-shirt at panty lang sa bahay ha? O.A. mo!"

"Duh pati nga sa labas kulang nalang hindi ka rin mag damit."

"Maganda katawan ko, bakit ko tatakpan? Alis ka nga diyan sa maleta ko, bakit ka ba kasi nangengealam ha? Tabi!"

"Malaki ba talaga sahod mo diyan Ate at kailangan mo  hindi umuwi ng dalawang buwan? Big time siguro yang kliyente mo o di kaya gwapo kaya gumagawa ka na naman ng rason-aray! Ate naman eh!"

"Hoy! Professional ako wag ka nga. Di kita padalhan ng baon mo diyan eh." 

Magsasalita pa sana siya kaso biglang pumasok si Mama sa kwarto ko. Nakangiti siyang lumapit sa aming dalawa pero napasimangot nung nakita niya kaming nagbabangayan ulit. Ano pa bang bago?

"Anak? Ayos na ba lahat ng gamit mo?"

"Maaayos na sana Ma kung wala lang damulag na nag atribida."

"Nye nye nye. Bahala ka na nga diyan!" 

Nagdabog siya saka umalis sa kwarto. Napaka damulag talaga. As if I know mami-miss lang ako ng mokong na 'yon.

"Magiging ayos ka lang ba anak? Lalo na ngayong buntis ka baka mas lalo kang ma-stress sa trabaho, masama yan sa anak mo." Inayos niya yung buhok na nakaharang sa mukha ko at hinawakan niya yung kamay ko. 

"Ayos lang ako Ma, ano ka ba." 

"Pasensya na ha? Kailangan mong mag doble kayod para sa amin ng kapatid mo. Hindi mo naman kailangan eh, pwede pa akong maghanap ng sideline kung nahihirapan ka ngayon lalo na't iba na ang sitwasyon mo." 

"Ma? Ano ba diba sabi ko sa'yo kaya ko 'to? Marami pa naman akong ipon kaya hindi mo na kailangan mag-alala at hindi mo rin kailangan maghanap ng sideline." Nagi-guilty tuloy ako.

Ang totoo kasi niyan, hindi talaga totoo na may kliyente ako kung saan kailangan kong mag out of town for one month. Ang totoo niyan . . .

"Let's have deal."

"What deal?"

"Makikitira ako sa inyo ng isang buwan."

"How is that a deal? See guys? She's one of those obsessed girls."

"Hoy di pa ako tapos pwede ba?" Inirapan ko siya pero inirapan niya rin ako. Puny*ta ayaw talaga mag patalo ng sungit na 'to.

"Shut up Devyn. Go on, dollface."

"Oo nga, ingay ingay mo. Continue babe."

"F*ckers."

"As I was saying, makikitira ako sa inyo ng buwan at uunahan ko na kayo, wala akong balak na masama sa inyo." Well, maybe just a little, a few pranks here and there. "Since wala talaga sa inyo ang umaamin kung sino ang ama . . . unless may gustong umamin?"

Walang nagsalita. Just as I expected. Hindi ko alam kung pinagtatakpan lang nila ang isa't isa o kung ano mang rason yan pero sigurado ako na isa talaga sa kanila. Base sa narinig ko sa kanila alam kong may koneksyon sila sa batang nasa sinapupunan ko at base rin sa aksyon nila ngayon. Malamang meron nga. Tang*nang amang yan malaman laman ko lang kung sino ka masasakal talaga kita. Pinapahirapan mo akong hay*p ka.

"Okay, as I expected. Let me stay with you for a month. Let me assess you kung karapat dapat ko bang iwan sa inyo ang bata."

"Wait."

"What?"

"What do you mean babe?"

"Iiwan mo yung bata?

"Are you crazy?" -Sungit. Sino pa ba?

"Diba ayaw niyo rin sa akin? I say that's a win-win BUT only if I can trust you with this child. Let's get to know each other for one month. I think that's enough."

"What happens if you don't trust us by then?"

"I'll keep the child."

"This woman is f*cking crazy."

"Bakit mo iiwan kung kukunin mo rin pala?"

"Kukunin ko nga," Di pa kasi ako tapos eh. "tapos ipapa ampon ko."

"Anong klase kang ina?"

There's the judgmental voice I hear. 

"Hate me, don't care." Ano bang alam nila? "Now what? Do you agree?"

Nagkatanginan silang lahat. 

"Ma! Andito na yung sundo raw ni Ate!" Sundo? Anong sundo? 

"May susundo pala sa'yo anak? Aynako buti naman at hindi mo na kailangan mag maneho ng napakalayo!" 

"Ha? Oo." Kailan pa ako nagkaroon ng sundo?

"Mag-iingat ka anak ha? Intayin ka namin sa baba." Umalis na si mama sa kwarto ko. Baka si Azen yan. Inayos ko na lahat ng damit ko. Sinuot ko yung six-inch high heels ko at saka lumabas. Hindi ko alam na may pagka-sweet pala yung Baklang 'yon.

May naririnig akong ingay sa mula sa baba at hindi ko alam kung bakit parang humahagikgik si Mama at yung kapatid ko parang imbestigador. Ang dami niya kasing tinatanong kay Azen. Eh si Azen lang naman yan, abnoy talaga.

"Jowa mo ba ate ko?"

"May plano kayong magtanan kaya siya may dalang  maleta?"

"Magpapakasal na kayo?"

"Alam mo ba na buntis na siya? Oh baka ikaw ang ama?"

"Saan ka nakatira? Para alam ko kung saan kita hahanapin kapag sinaktan mo yung ate, kahit demonyo yan, ate ko pa rin yan."

Bakit naman ganyan yung mga tanungan ng kapatid ko kay Azen? Siraulo talaga. Isa pa 'tong si mama, alam ko naman na nagwa-gwapuhan siya kay Azen pero bakit lumevel up yung pagkatinis ng boses niya ngayon? Ganyan talaga yan pag may gwapo siyang nakikita eh.

"Ha? Nagdala ka pa ng kasama mo? Ano kayo? Bodyguards? Bakit ang dami niyo?"

"Ang gu-guwapo ninyo! Manliligaw ba kayo ng anak ko? Jusko you have my blessings agad! I won't reject kaya go lang!"

Si Azen dumami? Teka anong nangyayari? Kasama ba niya yung kambal niya? Kaloka naguguluhan ako. Bumaba na ako at nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan may mabilis na humablot ng maleta na hawak ko. 

"Babe bakit naman nagbubuhat ka ng ganito? Bawal ang mabigat sa buntis."

Smurf? 

Nagtaka ako. Bakit siya andito sa bahay? Napatingin ako kay Mama at sa kapatid ko at nagulat ako dahil pati yung dalawa- Si Drake at Derick- andito rin. Tatlo silang andito sa bahay. 

"Anong ginagawa niyo dito?"

"Babe, ano pa ba? Sinusundo ka namin. Kiligin ka naman~" Kumindat pa siya at hinawakan yung kamay ko pababa ng hagdan.

"Hoy bakit mo hinahawakan kamay ng ate ko?!"

"Tumigil ka nga diyan." Pananaway ni mama. 

I'm not sure about what's happening here. Naguguluhan pa rin akong nakatingin sa tatlo. Sinong may sabi na pwede silang pumunta rito sa bahay?

"Punta na po kami Ma."

"Mga iho baka gusto niyo muna magkape? juice? ako?"

"Ma!"

Tang*na. Nanay ko nga, pareho kaming marupok.

"We'll get going Mrs. Monteiro." Si Derick yung nagsalita saka hinila si Dallas kasama ng maleta ko sa labas. Si Pepper spray nalang natitira.

"Please paki ingatan ang anak ko ha? Kung hindi niyo kasi alam buntis-"

"Ma!"

Tumingin sa akin si Drake at pabalik kay mama. "Will do. We'll take care of her."

"Oh siya alis na kayo at magparami! Este at magtrabaho! Hoy bunso, hatid mo sila sa gate!"

"Ish."

Tinulak tulak na ako ni mama palabas at may kasama pang pakindat. Minsan talaga di ko gets trip ni mama. Inihatid na nga kami ng kapatid ko sa gate at ang hayop hindi man lang nag paalam basta basta nalang tumalikod. As if I know, maiiyak na 'yon.

"Let's go?"

"Teka nga bakit kayo nanundo?" Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nakakapagtaka lang. Napakamot siya sa batok niya at napakibit balikat. "Ask Dallas, siya man pakana neto."

Pumasok na siya sa van at kahit gusto kong masanay, hindi ko pa rin maiwasang mapamangha. Alam niyo yung hitsura ng Van na pang-artista? Parang ganon yung hitsura ng van na nasa harapan ko. 

"Babe~ Let's go!"

Lumabas si Dallas at nilapitan ako. I can't help myself, bakit sa kabila ng pang-bata niyang ugali, ang hot pa rin niya tignan? He extended his tattooed arms and offered me his hands. "Let's go?" Hindi pa ako nakakasagot kinuha na agad niya yung kamay ko at hinila papasok sa van.

***

Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa van, hanggang ngayon ang bilis ko pa rin mapagod eh wala naman ako masyadong ginawa. Ngayon ko lang napansin na nakahinto na yung van at ako nalang yung natira sa loob. Pun*ta hindi talaga ako ginising?!

"We're here dollface."

"Oh sh*t!"

Nagulat ako. Hindi ko alam na nandito pala si Derick, kinukuha niya yung maleta ko sa likod ng van. 

"Babe! You wakey wakey?"

"Gising ka na pala."

Kasama pala niya yung dalawa, yung isa hawak niya yung handbag ko at yung isa hawak naman niya yung make up bag ko. Bakit ba? Essential yan ng mga kababaihan.

"Isang buwan ka lang naman makikitira, mukha ka ng nag layas sa dami ng dinala mo." Nakangising sabi ni Drake at nauna ng umalis. Inirapan ko nalang siya. 

Lumabas na rin ako at muntikan na naman ako atakihin sa gulat. 

"Welcome back, su Alteza." 

May nakahilerang butlers pagkalabas ko at sabay sabay silang nagsalita at yumuko. 

Su . . . ano? Napatingin ako sa paligid ko, nandito ulit kami sa bahay na nagmumukhang palasyo na 'bahay'. Ano 'to? May nabubuong kulto ba rito? Puny*ta mukhang mali ata ako ng desisyon. 

Kinuha nila yung nasa kamay nung tatlo, to be precise, yung mga gamit ko.

"Asaan nila ipupunta yung mga gamit ko?"

"Sa kwarto mo. Saan pa ba? Sa kanal? Pwede naman." 

May narinig akong boses na napaka pamilyar at hindi ko na kailangan pang lumingon para tignan kung sino.

Sino pa ba? 

"What the hell are you even wearing? High heels? Buntis ka ba talaga?"

"Hey! Hey! Hey! Let's go inside first." Inakbayan ako ni Dallas at Derick at dinala sa loob bago ko pa mapatulan yung hayop na ipinaglihi sa sama ng loob. May araw din sa akin yan akala niya.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng palasyo nila, para akong ibinalik sa sinaunang panahon na naman. Yung interior design ng bahay nila parang hawig sa hitsura ng bahay noon ng renaissance era at kahit na maliwanag pa sa labas, lahat ng ilaw dito nakabukas at agaw pansin yung napakalaking chandelier. Ngayon ko lang din napansin na karamihan sa gamit nila may sinusunod na kulay, red and gold. Yung carpet, cushion, curtain . . . wow, ano sila? Allergic sa ibang kulay? 

This is so weird, are they some sort of royal or something?

Naglakad na naman kami sa mahabang hall papunta sa hindi ko alam kung saan at may lumampas sa aming butler, grabe ang dami nila, pero bago siya tuluyang makaalis huminto muna siya sa tapat namin saka yumuko. 

Napatingin ako sa kasama ko at tinanggal yung braso nilang naka akbay sa akin.

This is really weird, bakit ang taas ng respeto ng mga tao rito sa kanila? Nakatingin lang ako sa kanila at hindi nagsalita. Tama ba ginawa ko na kilalanin 'tong mga taong 'to? Bakit um-iba yung pakiramdam ko bigla? Na mukhang sila yung tao na mahirap kilalanin o baka ako lang?

"May dumi ba sa mukha ko?"

"Babe naman masyado kang nagwagwapuhan sa akin. Okay lang, titigan mo ako hanggang sa magsawa k-- hey! Saan ka pupunta?"

Naglakad lang ako at hindi ko sila pinakinggan. Humabol naman sila at naramdaman ko sila na nakasunod sa likod ko. 

"Huy may problema ka ba?"

"Naiinis ka ba babe? Hindi naman namin sinasadya na iwan ka sa van kanina eh, uy babe notice me. Babe?  Baby? Huwag ka na mag tampo bebe."

"Babe babe ka diyan pang ilang babe mo na siya?"

"Eh ikaw? Dollface ka nang dollface, pang ilang dollface mo na siya?"

"Shut up f*ckers."

Sumama pa yung ipinaglihi sa kasungitan. Hindi ako aware na kasabay na pala namin siya. Whatever. Sumasakit lang ulo ko sa tatlong 'to. 

"Chill brothers." 

And Pepper spray. Bale lima na kaming naglalakad at naalala ko na. Ito yung dinaanan ko dati papuntang living room at nakakapagtaka lang dahil nawala yung mga paintings na nakasabit sa pader. Napakunot noo ako pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa living room nila.

Holy sh*t. Hindi pa rin ako sanay sa bahay nila. Katumbas na ata ito ng isang bahay sa sobrang lawak.

Nakita ko si Damian na nakatayo malapit sa mini bookshelves at may kausap sa phone. Ibinaba naman niya ito nang makita niya kami at lumapit sa direksyon namin. 

"We agree in one condition." Nagsalita si Derick kaya napatingin sa kanya si Devyn.

"F*ck? Are you serious? Sinong may sabi na pumayag ako?"

"I agree! Makakasama ko sa iisang bahay ang babe ko!" 

"Meh, whatever's your decision, it's fine for me."

Nagkibit balikat lang si Damian. 

"Four versus one? Majority wins brother." 

"Oh for f*ck's sake!" 

"Let's hear it." Sumandal ako sa pader. Ang sama ng tingin sa akin ni Devyn pero pake ko? Daig pa niya ako pag may menstruation. 

"Anything that you will find out must be kept and remain as a secret."

"Sure, hindi naman ako chismosa."

"Anything." He emphasized. Jeez fine bakit ang seryoso nila? Ano sila? Drug dealers? Gangster? Mafia? Whatever. I have my issues too.

"This doesn't end here too." Saad ni Drake. Tumayo siya at lumapit sa akin at seryosong tinignan sa mata. Oh tinatakot ba niya ako? Nasaan na nga ba ulit yung pepper spray ko?

"We'll talk about it tomorrow, take a rest for now." Tinignan niya yung tiyan ko at pabalik sa mata ko. "It's for the child.  Just rest."

Nakatingin lang sa akin si Damian and out of nowhere, itinaas niya yung kamay niya at lahat ng maid nagsi pasukan. Ngayon ko lang sila nakita pero t*ngina! Ang dami nila at pare-parehas pa sila ng uniporme! What the f*ck? 

Pero . . .

May isang bagay na mas lalo nagpakaba sa akin. Nung itinaas ni Damian yung kamay niya, nakita ko yung singsing na katulad nung singsing na nahagilap sa CCTV.  I'm f*cking confused.

Napalingon ako doon sa apat at hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang napansin 'to pero lahat sila may suot suot na singsing na katulad ng suot ni Damian. What the heck? F*ck pinaglalaruan ba nila ako? Hindi ko na alam kung anong nangyayari rito pero tang*na hindi na makapag isip ng maayos.

Anong ibig sabihin neto?

"Last chance, do you really meant what you said? Living here with us is not something you could handle."

I looked into his eyes, it's mesmerizing but there are so full of mysteries. Lumipat yung apat sa tabi ni Damian at lahat sila nakatingin sa akin ng seryoso. Nag iba bigla yung timpla ng hitsura nila at nawala yung palabirong nangungulit sa akin kanina. In just a snap, parang umiba yung mga taong nasa harapan ko.

But I am not the type to back down. 

"Once you agree, your life might not be the same as before." 

"Why is that?"

"Look carefully."

Umupo ako sa may sofa dahil nangangawit na yung paa ko. Ano pa bang hindi ko napapansin? 

Lahat ng gamit dito may maliliit na crest. Pati yung gate papunta dito, may malaking crest na naka display sa harap. Actually, I can see it everywhere. They are small but very noticeable.

Why am I all noticing this now? 

Then there's the painting . . . a painting of a royal family

Bigla akong napatayo at napatingin sa kanilang lahat. This realization hit me all at once. Now it make sense! Yung madaming security, butlers and maids, the authority kapag tinataas nila yung kamay nila, kung bakit laging yumuyuko yung mga nakakasalubong namin, the crest everywhere, the resemblance of them and the man on the painting wearing a crown and a crest! To top it all of, lahat pala sila nakasuot ng singsing! Overall, does that mean that . . . 

I . . . F*cked . . . A . . .Royal?!

***





Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

57.3K 2.9K 65
Hindi man alam ng dalagang si Jennica Mae Perez kung bakit siya pinalipat ng mga magulang sa Woodsen Academy, sumunod siya ng walang pag-aalinlangan...
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
15.5M 320K 43
The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daugh...