PORTAL

By WackyMervin

10.9K 787 66

PORTAL ang daan patungo sa hinahanap ninyong tunay na pag-ibig. Alrights Reserved 2015 Written By: Wacky... More

PROLOGUE
PORTAL 1
PORTAL 2
PORTAL 4
PORTAL 5
PORTAL 6
PORTAL 7
PORTAL 8
PORTAL 9
PORTAL 10
PORTAL 11
PORTAL 12
PORTAL 13
PORTAL 14
PORTAL 15
PORTAL 16
PORTAL 17
PORTAL 18
PORTAL 19
PORTAL 20
PORTAL 21
PORTAL 22
PORTAL 23
PORTAL 24
PORTAL 25
PORTAL 26
PORTAL 27
PORTAL 28
PORTAL 29
EPILOGUE

PORTAL 3

382 28 2
By WackyMervin

********

PORTAL 3

********

                GINISING ako. Di nang sinag nang araw kundi ng sipa ng isang tao. Napabangon ako ng minutong iyon nang Makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Isang babae ang nasa aking harapan. Nasa likuran nito si Ivory. Mukhang sinumbong na ata ako ng batang iyon sa kanyang ina.

                “Sorry po,” kaagad kong sabi.

                “Sino ka ba ah?”

                “Si…” sabay napatingin ako kay Ivory.

                “Ano?” singhal pa nito sa akin.

                “Si Ebony po,” nakayukong sagot ko.

                “Anong ginagawa mo sa bahay namin?” tanong nito sa akin.

                “Patawarin niyo po ako, di ko po sinasadyang pumasok sa bahay niyo. May nangyari lang po kasi…”

                “Ma. Nakita yung patayang naganap sa bahay ng mga Monteverde.” Doon na ako namangha sa kakaibang kakayahan nitong si Ivory. Kung totoo ngang nababasa niya ang iniisip ko, di ko naman sinabe na naroon ako sa mga monteverde at mga monteverde pala ang nakatira sa bahay na iyon. Sobrang karumaldumal ang pagkamatay nila.

                “Itigil mo yan, Ivory.” Galit pang sabi ng ina nito sa kanya.

                “Ikaw? Taga saan ka ba? Sa tindig at pananamit mo mukhang di ka galing sa panahon namin.”

                “Anong taon na ho ba?”

                “Feb 1, 1985.”

                “Tang-ina! 1985?” bulalas ko sa kanilang harapan. Lumapit yung ina ni Ivory sa akin at hinampas ako nito.

                “Hoy binata. Yung bibig mo. May batang nakakarinig sa iyo,” pagpapaalala pa nito sa akin. Sa nakikita ko sa kanila, mukhang konserbatibo ang pamilya nila.

                “Elsa… ano na? di pa ba gising si Ivy?” rinig kong tinig ng isang lalake.

                “Wag kang lumabas ng kwartong ito. At wag na wag mong susubukang saktan ang pamilya ko.” Babala pa nito sa akin.

                “Mam, hindi ko po kayo sasaktan. Hindi po ako masamang tao,”

                “Ivy, tara na!” sabay hila pa nito sa kanyang anak palabas ng kwarto. Sa pagsarado ng pintuan ni Ivy ng minutong iyon. Di ko na alam kung anong gagawin ko. Paano ba ako napasok sa problemang ito? Ang gusto ko lang naman ay matapos kong basahin yung kwento, tapos ito ang nangyari. Bakit ako na sa panahon nang 1985?

                Sumilip ako sa bintana ng attic. Doon ko nakita si Ivy na sumakay sa volkwagen na kotse nila. Nakasuot ito ng uniporme nitong pampasok. Sumilip pa ito sa akin sa itaas, doon na siya hinila ng kanyang mahal na ina, nakita ko ang isang lalake na pumasok sa loob ng kotse. Maya-maya pinaandar na nila ang kotse at tuluyan na silang lumisan.

                Biglang tumunog ang tiyan ko. Nakaramdam na naman ako ng gutom. Kumakalam na naman ang tiyan ko. Inamoy ko pa ang sarili ko, ang baho ko na. kailangan ko nang maligo, pero papaano? S-sarado… hindi sarado ang pintuan. Noong inikot ako ang doorknob di ito nakasara. Siguro sinadya ni Ivy na di ito isara.

                Lumabas ako ng attic ng minutong iyon at bumaba. Kaagad kong hinanap? Ang kusina. Sa laki ng bahay nila Ivy na sa panahon nila ay mukhang may kaya sila. Nahanap ko ang kusina sa may gilid malapit lang din ito sa sa palikuran. Yari lahat sa kahoy ang makikita mo sa bahay. Mukhang mamahalin ang mga kahoy na siyang ginamit na pang pundasyon sa bahay na ito. Matibay, mukha narin matanda itong bahay. Binuksan ko ang refregirator at marami ng mga rekados at prutas na siyang nakalagay sa loob nito. Natakam kaagad ako kaya kumuha ako ng isang mansanas. Hinugasan ko ito at saka ko kinagat. Pumunta naman ako sa may sala upang buksan yung tv. Hinanap ko yung remote sa gilid ng tv, sa taas, sa lamesa pero wala akong makitang remote. Kundi yung pinipihit sa gilid ng tv. Yung hugis bilog. Siguro ito yung pampihit para buksan yung tv. Inikot ko pero di naman bumukas. Saka ako napatingin sa likuran nito. Di pa pala siya nakabukas. Ang tanga mo Ebong. Sabi ko sa sarili ko. Sa pagsaksak ko ng kable sa saksakan doon na siya bumukas. Unang tumambad sa akin ay yung black and white na cartoon na paborito kamo ni Ivy, si Mickey Mouse. Ipinihiti ko ito pakaliwa, hinahanap ko ang current event o kahit man lang news. Napunta ako sa isang pamilyar na channel ang abs-cbn. Si noli de castro pa ang nagrereport ng araw na iyon. At hindi pa siya ganoon katanda di gaya ngayon. Ayos pala ang pormahan nila dati, sobrang pormal. Pormal pa rin naman ngayon, pero iba talaga yung fashion noon. Nakinig ako sa binalita niya.

                “Isang karumaldumal na patayan ang naganap sa may Manggahan village sa Quezon metro manila. Pinaslang di lang ang isa, kundi ang apat sa pamilya kasama na ang mayor ng Quezon na si Mayor Khalil Monteverde. At ang tatlo nitong anak…”

                Tama nga ang narinig ko kanina kay Ivory. Papaano niya kaya nagagawa yung bagay na iyon? Patuloy ako sa pakikinig sa report na iyon ni ka-noli. Nang napaatras ako noong Makita ko ang mukha ko. Sa telebisyon. Hindi man kuha na ako talaga iyon, pero base sa sketch kahawig ko.

                “Nakita ko po siyang lumabas sa kwarto ni Sir Khalil po, doon ko na po nakita na patay na po silang lahat… ang sama po niya napakabait ni ser, bakit niya piñata sila? Di na siya naawa pati pa yung mga anak nito idinamay pa niya.” Sabi noong kasambahay sa reporter na nagtanong sa kanya. Di maaari. Anong pinatay? Wala akong pinatay. Nakita ko lang silang patay na noong nakarating na ako sa lugar na iyon. Pinatotohanan pa ng isa pang witness yung guard na nakasalubong ko. Sinabe nito na takot na takot raw ako noong lumabas, ang di lang niya maintindihan bakit raw ako nakaboxer na may di pamilyar na cartoon character na print sa suot kong boxer. Siguro di pa nila kilala si Spongebob ng panahon na iyon. Pinatay ko na yung tv dahil sa kumakabog na yung dibdib ko. Ewan ko pero natatakot ako sa mga mangyayari.

                Pagkatapos kong kumain, naisipan ko nang umakyat muli sa taas sa attic. Di ako maaaring tumakas dahil sa wala akong kasiguraduhan na mabubuhay ako kapag lumabas ako ng bahay. Alam ko kasi na sa panahon ni Marcos, ang pagpatay ay may katumbas na silya elektrika. Death penalty ang maaari kong hantungan rito. Bigla akong nakaramdam ng pag-iihi. Kaya pumunta ako sa banyo, may mga damit na nakalasabit doon, at may mga damit din na nakatupi na. pagkatapos kong umihi ay naisipan kong maligo. Kung mamamatay man ako ngayon, mas gugustuhin kong mamatay na mabango. Naligo ako sa loob ng banyo, kinuskus ko ang bawat sulok ng aking katawan. Habang iniisip ko ang aking pamilya. Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Sa mga barkada ko? Si Shane? Sa bawat pagdaloy ng tubig na ibinubuhos ko sa katawan ko, ay kasabay nito ang pag-aalala ko sa kanila. Mas inaalala ko pa sila? Kesa sa sarili ko? Maharil di naman ako ganun kaimportante para sa kanila. Na kapag nawala ako, e okay lang. baka nga di nila ako hinahanap, iniisip nila siguro gumala lang ako. Lalong lalo na si Mommy.

                Nasasakal na ako sa pagiging mahigpit niya. Pagkatapos kong maligo, kumuha ako sa damit ng tatay ni Ivy. At nagbihis, at muli akong umakyat sa attic at sinarado ang pintuan. Humiga akong nakatanday ang dalawa kong kamay sa aking ulo at muling nag-isip. Ano nga bang dahilan at bakit ako naririto?

                Napatingala ako sa itaas noong makakita ako ng isang libro. Tumayo ako at kinuha ito. Tinanggal ko yung alikabok na nakakalat sa harapan ng librong ito at hinipan. Pinunasan ko rin ito, sumandal ako sa wall ng kwartong iyon at umupo saka ko binasa ang kwentong iyon. Sa pagbabasa ko di ko namalayan na nakatulog na pala ako, sa pag-mulat uli ng mga mata ko si Ivy ulit ang nakita ko.

                “Nakarating na pala kayo,” sabay tayo ko at ayos sa sarili ko.

                “Ito ang pagkain mo,” sabay bigay sa akin ng pagkain na nakalagay ulit sa tray.

                “Salamat,” sabi ko saka ko kinuha yung tray. Gaya kagabi, nakatingin lang siya sa akin habang kumakain ako.

                “Bakit ka ba nakatingin sa akin? Nahihiya tuloy ako.”

                “Nakita ko na kasi na mamamatay si Mr. Khalil,” biglang sinabe nito.

                “Ano?” nabilaukan ako sa sinabe niya. Uminom muna ako ng tubig saka ko ulit siya tinignan, inaantay na magsasalita tungkol sa sinabe nito kanina.

                “Anong sinabe mo?”

                “Kakaiba ako Ebony,”

                “Ebong nalang,” sabi ko sa kanya.

                “Paano ka naging kakaiba?” tanong ko sa kanya.

                “I read others mind. I see the future. I can manipulate things,” napanganga ako sa mga sinabe niya.

                “For real?” tumango siya.

                “Alam kong di ka maniniwala,”

                “Yan talaga ang nagagawa ng panonood mo ng cartoons no?” sabi ko sabay tawa. Nagulat nalang ako noong Makita ko yung librong binabasa ko na nakalutang na. imbes na takot ang maramdaman ko, ay namangha ako sa kakayahan ng batang ito.

                “Don’t get me wrong ah?”

                “tatanungin mo ako kung ilang taon na ako? 10 years old palang ho ako,”

                “Wag mo na akong i-ho nagmumukha na akong matanda niyang sa ‘yo e,” sabi ko sa kanya.

                “Diba matanda ka rin naman? 18years old?”

                “Pwede bang wag mo nang basahin ang nasa utak ko?”

                “I can also hear your heartbeat, sa oras na ito alam kong naguguluhan ka. Through your heatbeat I can cleary hear and know yung dinadaan mo.” Sabi pa niya sa akin. Sobra na akong naaamaze sa mga pinagsasabi niya. Weird na kung weird, pero natutuwa ako sa kanya kesa sa natatakot.

                “Di ka ba natatakot sa akin?”

                “Kailangan ko bang sagutin yan? O babasahin mo nalang ang tibok ng puso ko?” tanong ko sa kanya.

                “No. Minsan di ko siya ginagamit, kasi minsan may mga bagay akong ayaw kong marinig. Katulad nalang ng salitang goodbye.”

                “Why you hate goodbyes?” tanong ko sa kanya.

                “Bakit ba ang dami mong tanong?” inis niyang sagot sa akin.

                “Wala lang, curious lang ako. Napakabata mo palang, imbis na paglalaro ang iniisip mo ganito ang mga ginagawa mo. Ang dapat sai yo naglalaro sa labas, wala ka bang…”

                “Wala. Wala akong kaibigan. Walang ni isa sa kanila ang nagbabalak na kaibiganin ako. Weirdo raw ako, at di ko naman kinakaila yun. Sa nakikita mo, ano nga ba ang nakikita mo? Yung totoo ah? Wag kang magsisinungaling dahil mababasa ko rin yan.”

                “Isang magandang bata ang nakikita ko. Na sa paglaki mo, di lang isang lalake ang magkakandarapa sa iyo, kundi libo. Mabait ka, masunurin sa mga magulang mo, at higit sa lahat maganda ka. Maging proud ka roon,” nagulat ako noong bigla siyang tumayo.

                “Aalis na ako, baka hinahanap na ako ni Mama.” Tinawag ko ang pangalan niya.

                “Ivy…” lumingon siya sa akin.

                “Salamat,” nakangiting sagot ko. Wala siyang reaksyon sa sinabe ko. Doon na siya tuluyang lumabas ng attic. 

Continue Reading

You'll Also Like

83.3K 1.6K 27
Five Individuals and One Island, isang storya na pumapatungkol sa limang tao na may iba'-ibang katangian. Iba't-ibang katangian na siyang susubok kun...
2M 72.1K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
513K 12.8K 22
I don't know how and I don't know if it's magic or miracle, but suddenly, I escaped time. The only explanation I can think of is that maybe... everyt...