It All Started With The Royal...

By CloudMeadows

1.3M 60.3K 15.5K

Disclaimer: This is a Filipino story |COMPLETED| What will happen if the notorious troublemaker find herself... More

intro.
i.
ii.
iii.
iv.
v.
vi.
vii.
viii.
x.
xi.
xii.
xiii.
xiv.
xv.
xvi.
xvii.
xviii.
xix.
xx.
xxi.
xxii.
xxiii.
xxiv.
xxv.
xxvi.
xxvii.
xxviii.
xxix.
xxx.
xxxi.
xxxii.
xxxiii.
xxxiv.
xxxv.
xxxvi.
xxxvii.
xxxviii.
xxxix.
xl.
xli.
xlii.
xliii.
finale.

ix.

28.7K 1.1K 137
By CloudMeadows

Tumawa ako ng napakalakas at pumalakpak ng bongga. Talagang pinaglalaruan ako ng tadhana at mas binigyan pa ako ng sakit sa ulo. Akala ko ayos na kasi nahanap ko na yung ama pero may dumagdag pang apat sa listahan! Jusko apat! Tapos eto pa ha, ayaw pa nilang maniwala sa akin kahit na nakalapag na yung ebidensya sa harapan nila. Mga gago ba sila? 

In the first place bakit ko nga ba hinahanap yung ama ng batang 'to? Simple lang naman, ayoko ng anak. Hate me or what, I don't care. Ayoko lang sa bata. Kaya gusto ko lang malaman kung sinong ama neto para secured ako kung kanino ko siya iiwan. Kahit naman ayoko sa bata ayoko nalang siya ipaampon sa kung sino sino diyan sa tabi.

Pinunasan ko yung luha ko sa sobrang kakatawa at tumingin sa mga taong kanina pa nakatingin sa akin na parang nasisiraan ako ng utak. Tinaasan ko lang sila ng kilay, "What?" Mga echosera.

"Hindi ko po siya kilala-ah!" Sinipa ko si Azen sa paa. Dapat sana yung kambal niya sinama ko dito. 

"Bakit ka ba kasi tumatawa diyan ng mag-isa? Nagsabi ka ba ng joke ng di ako aware sizter?" 

"Bakit ba? Edi tumawa ka din. Mag mukha tayong tangang dalawa."

"Well anyhow," Iniharap niya sa akin yung laptop niya. I can already sense something. "look." 

"There's something off." Ni-play niya yung video at ganon pa rin naman yung laman. Paulit-ulit niya itong ni-play pero wala pa ring pagbabago. "May napansin ka bang kakaiba?" Inulit ulit niya ulit itong i-play hanggang sa may napansin nga ako. Tinignan ko ulit ng maigi.

"Oo."

"Ano?"

"Ang ganda ko pa rin pala kahit na lasing ako." Yung lipstick ko intact pa rin, mabuti nalang ginamit ko yung Maybelline Superstay matte in the shade of 250 Seeker. Tapos oh pak! Yung falsies ko bongga pa rin, thanks to Maybelline New York The Falsies Lash Lift Mascara. Ang bait naman ng baklang 'to, pinapa-realize niya sa akin kung gaano ako kaganda hanggang sa makaramdam ako ng sipa sa binti. Bitch.

"Boba! Look here!" He replayed the video one more time and then he paused. "Look the time stamp is not right. Nag skip siya ng isang oras bago sumunod itong eksena."

 "And?"

 "Bakla! Hindi natin alam kung anong posibleng nangyari sa isang oras na 'yon! Malay mo hindi yung lalaking nakahoodie na nag dala sa'yo sa loob ang naka boom boom pow sa'yo! What if lumabas siya then may pumasok na isa tapos 'yon pala yung kinama mo ha?! Tapos hindi 'yon nahagip ng security cam!" 

 Teka ang dami niyang sinabi pero...

 "Anong kinama? Ako? Ako talaga?"

 "Sis that's not the point!" 

 "Bakit ka ba sumisigaw?!" 

 "Bakit ka din sumisigaw?!" 

 Damn it.

 "Paano kung nagkamali pala ako at hindi tama yung information na nakuha ko? Edi pahiya tayo doon sa lalaki na kinompronta mo." Hmm, point taken. Pero bakit ako mahihiya? May nakakahiya ba sa ginawa ko?  

 "Itigil nalang kaya natin lahat 'to?" 

 "Paano yung ama?"

 "Hindi ba pwedeng ikaw nalang tumayong ama ng batang 'to?"

 "Bakla ka! No way! Tapos ikaw asawa ko? Jusko maghunos dili ka Callie nakakadiri ka bakla!"

 "Swerte ka nga makakapangasawa ka ng dyosa, arte mo." 

Napahawak ako sa leeg ko at kinapa yung necklace na bigay sa akin ni lola. Hobby ko kasi paglaruan yung pendant neto minsan kapag nag-iisip ako o di kaya kung malalim yung iniisip ko. Pero teka lang. Bakit wala akong makapa? Napahawak ako sa buong leeg ko, pati na rin sa dibdib ko pero wala talaga akong makapang kwintas. Teka bakit ngayon ko lang napansin?!

 "Huy, nangangati ka ba sizter?" 

 "Yung kwintas ko . . ."

 "Yung kwintas na bigay ni lola dear? Diba never mo 'yon hinubad?" 

"That's the point!"Saang lupalop ba 'yon nagpunta? I can't lose that necklace. I can't, I just can't. Kinalkal ko 'to sa bag ko pero wala. Punyeta saan ko 'yon nilagay?!  F*ck! Asan na 'yon? Naiwan ko ba sa banyo? Nahulog sa bahay? Nasa bed side table? Asaan? Wala akong maalala na hinubad ko 'yon!

"Ah! What if . . ." Inilapit niya yung mukha niya sa akin. "Nahulog mo the night na nakipag jugjugan ka? You know? Sa sobrang wild ninyo baka natanggal or what? Galing ko talaga!" Pumalakpak pa ang gago. 

"Then let's go there-"

"Sis sa tingin mo meron pa 'yon doon? Ilang linggo na rin at madaming nag accomodate sa room na 'yon at ilang beses na rin nalinisan. Imposibleng nandoon pa rin 'yon." 

Sa dami ng pwedeng mawala, bakit kailangan pa yung kwintas na 'yon? How stupid of me. Sa sobrang badtrip ko inagaw ko kay Azen yung laptop niya at inulit ulit yung video. If what he said is true then I must find that guy. I need to get that necklace back.

Paulit ulit kong pinindot yung replay button at ni-zoom ko pa para lang makahanap ako ng clue. 

"They're still looking for the cut footage, either technical error lang 'yon o baka may sumadya talagang gawin 'yon?"

"For what f*cking reason? Mga abno."

Halos dumikit yung mukha ko sa screen. Napakunot noo ako at mas lalong ni-zoom yung part sa kamay ng lalaki. Ngayon ko lang napansin 'to. Nakasuot siya ng singsing at tila may nakaukit dito na symbol? I zoomed in more. Now it looks more like a crest or something? Hindi siya gaanong malinaw pero mukhang nakita ko na ito. Napaka pamilyar niya pero hindi ko lang matandaan kung saan ko ito nakita. 

Tinignan ko yung isang clip, ito yung scene kung saan lumabas yung lalaki. Umaga na this time at napa-pause ako bigla. Tinignan ko yung kamay niya at andoon ulit yung singsing pero nakakapag taka dahil nakasuot ito sa kaliwa niyang daliri kesa yung nakita ko kanina na nakasuot sa kanan. Hindi lang 'yon dahil may isa pa akong napansin. May kumikinang sa leeg niya. Ni-zoom ko iyon ng maigi. 

You've got to be f*ckin' kidding me. 

"What? Why?" Inagaw niya sa akin yung laptop. Idinikit niya yung mukha niya sa screen at napanganga siya. "OH MY GOD! THIS IS YOUR NECKLACE!"

"Obviously."

"I MEAN HOW? BAKIT NIYA SUOT?"

"I don't know?" As if na maalala ko pa yung katangahan ko nung gabing 'yon. Paano napunta sa kanya yung kwintas ko? Ano 'to? Bagong modus? Bubuntisin pagkatapos nanakawan? Aba iba din 'to.

"HE'S OUR GUY THEN! WE HAVE A LEAD!"

 "Hmm--"

May naaninag akong asul na buhok na pumasok sa cafe. Ano ba yan litaw na litaw nakaka agaw pansin dito sa loob ng cafe. Lahat ata kami nakatingin sa kanya except kay bakla na naka talikod mula sa view ng entrance. Blue hair? That reminds me of someone. 

"Ano na nga pala yung ikukwento mo sa akin? Yung limang chenes na natuklasan mo?"

He's wearing glasses and a black turtle neck. Sinundan ko siya ng tingin at pumila ito sa may counter. He really looks familiar. Kitang kita siya mula dito sa kinauupuan ko kasi first of all, yung buhok niya asul at pangalawa ang tangkad niya at pangatlo, mukha siyang modelo. Not really my type though. I can already get that vibe.

"Ikaw talaga imbes na hanapin mo yung ama ng junakis mo pero heto naghahanap ka ng sugar daddies. Lima talaga sisteret ha?"

"Hmm?"

He looks like a tall smurf. 

"Anong hmm? Saan ka ba nakatingin?"

Wait, smurf? That smurf?! Bakit siya napadpad dito? Hindi ko pa nai-kukwento kay bakla yung nangyari sa bahay na 'yon tapos bigla nalang siya lilitaw dito na parang kabute. 

Tumunog ulit yung bell ng entrance at nanlaki yung mata ko dahil sunod na pumasok yung apat. Tumahimik bigla dito sa loob ng cafe at nakatingin lang sila sa mga bagong pasok. Para silang mga modelong takas sa runway at parang dedma lang sa mga titig na natatanggap nila sa paligid nila. Sinamahan nila yung smurf sa pila at yung babae sa counter halos naka nga nga lang. 

Hindi ko na napigilan si Azen lumingon at halos mabali yung paa ko sa lakas ng sipa niya. Paulit-ulit niyang sinipa yung paa ko. Punyet*. "Huy bhie yung matres ko malalaglag na ata! Pota whoo ang gwapo shet yung ovaries ko sasabog na rin!"

Tanga ba 'to? Anong matres at ovaries na pinagsasabi niya. 

Hindi ko nalang siya pinansin at uminom ng tubig pero hindi pa man ako nakakalunok, "Ready na ako magpa-buntis basta isa sa kanila ang ama! Amp yes!" nasamid ako. Wow. Mag a-agree sana ako kung hindi lang ako nabuntisan talaga.

"Kalahi mo sila bakla."

"Wag ka panira ng pantasya! Bruha ka!"

Tinignan ko silang lima na seryoso na nakatingin sa menu. So 'ganon nalang 'yon? Pagkatapos nila akong sabihan na sinungaling at nagpapanggap lang na buntis makita kita ko nalang sila dito sa isang cafe na parang walang nangyari? Mga hayop. Tinawagan ko pa si tanda para ibalik ako sa bahay nila pagkatapos kong magpagamot sa hospital pero ang sabi niya lang huwag daw muna. Kaya eto tatlong araw bago ko ulit sila nakita ngayon.

Pero ang weird lang lahat sila naka glasses kala mo naman may araw dito sa loob ng cafe, ang aarte. 

"Uy! Betsung ko yung guy na 'yon bhie~" 

"Pake ko?"

"Hoy tignan mo nga kasi!" 

Tinignan ko yung tinuturo niya. Napadako yung tingin ko doon sa nakasuot ng simpleng black cotton shirt at ripped jeans. Ayoko sanang aminin dahil naiinis pa rin ako sa kanila pero kahit na saang anggulo hindi mo maitatangging gwapo talaga sila.   

"That's pepper spray."

"Ha? Kilala mo?"

"Unfortunately."

The next thing I know nasa magkabilaang balikat na yung kamay niya at mabilis akong inalog. "Bakit ngayon mo lang sinabiiiiiii? Ang damot mong bakla ka! Akala ko ba hating kapatid tayo?!" Anak ng! Itinulak ko siya palayo sa akin. Hayop din 'tong baklang 'to eh. Napahawak ako sa leeg ko dahil tangina neto pati yung ulo ko naalog sa sobrang lakas.

"Kailan?! Saan?! Paano?!" Pasunod pa niyang tanong. 

Wala na akong choice kundi i-kwento sa kanya yung mga nangyari. Lahat nd detalye kinuwento ko na para hindi siya paulit ulit pang magtanong. Pagkatapos kong i-kwento lahat para siyang bulate na nabudburan ng asin at kanina pa siya tahimik na tumitili pero out of nowhere bigla niya akong sinapak sa braso. Pigilan niyo ako tang*na!

"Ang sabi mo noon pangit yung nakabuntis sa'yo! Sinungaling ka!" 

"Well..." Pero hindi 'yon yung point. "It turns out na lima pala sila kaya hindi ko kilala kung sino sa kanila ang ama."

"Bwisit kang nilalang ka! Lahat nalang ata ng bet ko kinukuha mo eh!" Napa-irap ako.  "Sana all! Pahingi ng isa bhie~ pero kung trip mong maging mabait ngayon, dalawahin mo na!"

Humawak siya sa kamay ko at parang tuta na nagmamakaawa. Sa sobrang ingay niya at sa sobrang tahimik ng cafe napapatingin na din sila sa direksyon namin. At hindi nakaligtas yung higanteng smurf at napatingin din dito kaya mabilis kong itinulak yung kamay ni Azen. Baka sabihin nila jowa ko 'tong baklang 'to. Ew.

"Baby!" Bigla siyang kumaway sa direksyon ko. Sumunod namang lumingon yung apat kaya napamura nalang ako. 

"Oh my g! Hi baby!" Kumaway pabalik si Azen. Teka, bakit na naman sumali sa eksena 'tong baklang 'to? 

Magsasalita na sana ako kaso may biglaang umalingawngaw na public service announcement dito sa buong mall. Napatigil kaming lahat sa ginagawa namin at nakinig ng mabuti doon sa nagsasalita. "Good morning and thank you for coming to *** Mall today! This is an urgent announcement for all shoppers that the mall will be closing in 10 minutes. We know that this is very sudden but we assure you that there are no serious reason behind this. We humbly ask for your cooperation and make sure not to leave any of your personal belongings behind. Thank you and God bless!"

What the heck? All of a sudden?

Nagsi-tayuan lahat ng customers kahit na nalilito sila. May mga guards na rin na nag-u-usher sa mga tao papalabas at lahat kami nagsisitinginan lang dahil lahat kami naguguluhan. Pero eto ha, pansin ko lang yung lima doon sa counter hindi man lang gumagalaw sa kinatatayuan nila at parang walang mga pake.

"Baby! Long time no see!" Tumayo si Azen at lumapit doon sa blue head na weirdo pero hindi niya pinansin si Azen at nakatingin lang siya sa akin habang kumakaway-kaway pa. 

"Hey dollface!"

"Pepper spray girl."

"Stalker." Guess who said that? Malamang yung masungit. Tinaasan ko lang siya ng kilay. 

Napatingin ako doon sa isa. Yung strawberry guy pero nakatingin lang siya sa phone niya at nakakunot noo pa tapos biglang tumalikod. Eto talaga hindi ko masyadong napapansin bukod nung gabing 'yon basta ang naalala ko lang mas malamig at mas malalim yung boses niya kesa kay Pepper spray. Ang tahimik niya kasi palagi tapos parang walang pake sa mundo.

Hinayaan ko nalang siya at tumayo na. Kami nalang siguro yung natitira dito sa cafe at lahat sila nagsilabasan na. 

Lumapit ako sa kinaroroonan nila at nakita ko  kung paano sila napatitig sa dibdib ko. Boys. Why does my boobies get their attention and not my pregnancy announcement? Napagpasyahan ko na magsuot ng low v-neck bodysuit with jeans para sana maghanap ng fling kasama si Azen but look where I ended up. I'm back to these five jerks and four of them are staring at my two melon.

"*Whistle* Hot damn."  

"Heard that." He smiled cheekily. Hinawakan ko si Azen sa braso na kanina pa palipat lipat ng tingin sa akin at dito sa lima. 

"Let's go."

"Huh? Huy bakla bakit?"

"Anong bakit?" 

Hinila niya ako pabalik at syempre dahil sa mas malakas siya napatigil ako. Naiirita akong tumingin sa kanya at pinanlakihan niya lang ako ng mata.

"Jubu muy plunu tuyu nukulumutun mu nu bu huh?" Pasimple niyang tanong habang nakadikit yung ngipin niya at yung labi niya lang yung gumagalaw. Hinigpitan niya yung hawak niya sa akin at mas lalo niyang pinalaki yung mata niya. "Jubu?"

 Napahinga ako ng malalim. Punyet*ng plano yan. Binitawan ko yung braso niya at tumalikod. Tang*na wala ako ngayon sa mood para sa plano na yan. 

Wait.

On the second thought.

Humarap ulit ako at tinignan silang lahat, partikular na sa leeg nila kung may nakasabit ba doon na kwintas  ko pero lintek nga naman wala oh. Sunod kong tinignan yung mga daliri nila pero wala din silang suot na singsing katulad nung lalaki sa video. Napatingin ako kay Azen at umiling. Mukhang walang pag-asa. 

"First, you stalked us and now you're being a creep." Biglang nagsalita si sungit. 

"Wow nagsalita yung nakatingin sa suso ko kanina. Sinong creep ngayon?" Inirapan ko siya pero may nahagilap ako na nagpatigil sa akin.

"Wait."

Lumapit ako kay sungit at hinablot yung kamay niya. "Don't touch me." 

"I will and I can."

Hindi siya nakapalag nung hinablot ko ito ng mas malakas at tumambad sa akin yung bracelet niya na umagaw ng pansin ko kanina. Tinignan ko yung slide pendant ng bracelet niya at may nakaukit dito na kamukha nung symbol na nakaukit sa singsing ng lalaki na nakunan sa cctv. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako pero alam kong ito 'yon! Ito yung nakita ko! 

"Hey!"

"Saan mo yan nakuha?!"

"That's none of your business."

"This is my business! Just tell me you assh*le!"

"F*ck off."

"Hey Devyn. . . dollface, please stop."

"Bakla anong problema?"

I can't believe this! Don't tell me . . . he's the father? Him? For real? Then why is he being a f*cking assh*le?! 

Hinablot niya yung kamay niya at mabilis niyang tinakpan yung suot niyang bracelet gamit yung sweatshirt niya. Ang dami pa ring tao sa labas na nagmamadaling magsi-alisan, plano ko sanang mag walk out pero ayoko namang makipag siksikan sa labas.

Wait no.

Bakit ako mag wa-walk out? I can face this. Kahit na tar*ntado 'tong ama ng anak ko. This is it. I can finally get out of this 'who's-the'father' puzzle. 

"I knew it, pera lang habol ng babaeng 'to." Pahabol pa niya. Ano bang meron sa utak ng mga 'to at pinag di-diinan nila na pera lang habol ko? 

I can buy whatever I want with my own f*cking money for f*ck's sake! 

"You knew who we are right? Kaya dikit ka nang dikit sa amin."

"Stop it Devy-" 

Hindi ko alam kung bakit siya napatigil at lahat sila nakatingin sa akin habang nanlalaki ang mata. Magsasalita na sana ako pero bigla akong napatigil. Nakaramdam ako ng sobrang kirot at hapdi sa braso ko kasunod 'non ang tuloy tuloy na pagkabasag ng salamin at sigawan sa labas. Nanlaki yung mata ko at hindi ako makapagsalita. Lahat sila sa labas bigla nalang nagsigawan at halos magtulakan sila sa kakatakbo. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero masyadong itong mabilis at hindi ko rin alam kung bakit may nararamdaman akong tumutulo sa braso ko. 

Bigla nalang nanginig yung kaliwa kong braso at unti unti kong nararamdaman yung sakit. 

The next thing I know, nakaharang sila sa paligid ko to the point na nakapalibot sila sa akin at pumasok yung mga naka men in black at pinaligiran din nila yung limang nakapalibot sa akin. Medyo nanlalabo yung mata ko pero hindi ako nagkakamali, lahat sila may hawak na baril. Teka anong nangyayari?

At bakit nila ako pinapalibutan?

Naramdaman ko si Azen sa tabi ko at nakahawak siya sa braso ko na kanina pa dumudugo. Kinuha niya yung panyo niya at itinali niya ito sa braso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon o kung anong kaguluhan yung nangyayari sa labas pero sa lahat ng tao na pwedeng mabaril, bakit ako? P*nyeta hindi naman ako nang ga-gago lately pero bakit love na love ako ng karma? 

"Bhie alam mo naman na mahirap mamatay ang masamang damo diba? Kaya huwag kang mag-alala. Mabubuhay ka pa basta kapit ka lang diyan."

"Paksh*t ka."

"See? Hindi ka talaga mamamatay!"

"Bring her to the hospital! We'll take care of this!"

Medyo papikit na rin ako at hindi ko na alam kung anong nagyayari sa paligid. Napahawak ako sa tiyan ko at kahit na gaano pa ako kasama, sana ayos lang yung bata sa sinapupunan ko. Sana walang mangyari sa kanyang masama. Hindi ko inalis yung hawak ko sa tiyan ko hanggang sa naramdaman ko nalang na nakalutang ako. Alam kong hindi si Azen yung bumuhat sa akin dahil iba yung pabangong naamoy ko pero hindi ko alam kung bakit naalala ko ulit yung nangyari nung gabing 'yon. Hindi ko na nagawang buksan pa yung mata ko dahil pabigat na nang pabigat yung pakiramdam ko.

But this man, whoever is carrying me, feels familiar.

▪️▪️▪️


Callie's outfit + more boobies 😂

Long chapter for you guys because I'm afraid I cannot give an update tomorrow.

Here's my update schedule:

Every Saturday or Sunday
Pero kung madami akong time then both Saturday and Sunday.







Continue Reading

You'll Also Like

92.9K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
17.2K 1.2K 48
Vlogger Series #2 : The Sculpritz organization aims to help the youth, individuals from the town of Quaranton. They once helped in solving the issue...
68.8K 2.5K 42
We all have our own heroes in our lives. Ito 'yung mga taong mga taong nakakapagpapabago ng pananaw natin sa mundo. Our world becomes colorful if we...
1M 28.9K 51
Ang love story na pagkain lang ang third party.