The Friendly Wedding (Season...

Von FGirlWriter

11.9M 283K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... Mehr

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Twenty-Nine

213K 4.7K 626
Von FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-NINE

"OKAY. I will attend the reunion party. Can I bring my husband with me?" tanong ni Sapphire sa kabilang linya.

Kausap niya ngayon ang dati niyang classmate noong highschool na si Sylvia. Hindi niya ito close friend pero ang babae na ang pinaka-nakaka-interact niya noon.

"Oh! Nag-asawa ka pala? We thought you're a man hater?" maarteng tanong nito.

Nagtaas siya ng kilay. "People change. I fell in love," simpleng saad niya.

Sylvia chuckled. "Alright. So, magpapa-reserve na ko for two para sa inyo ng asawa mo. Next week na ang reunion party. Formal wear, okay? Be there at 7 PM. Resorts World Manila."

"Okay. Thank you, Sylvia. See you."

"See you, Saphi! Bye!"

Pagbaba ng cellphone ay agad na in-encode ni Sapphire ang mga sinabi ng dati niyang classmate sa "Reminders" niya. Ayaw niyang pumupunta sa mga party pero parang gusto niyang makipagso-syalan kaya um-oo na lang siya nang tawagan siya nito kanina. Isasama niya ang asawa para hindi siya ma-bored.

Tumayo si Sapphire mula sa sofa at tinignan ang niluluto niya sa kusina. She tried to cook Tinolang Manok using the recipe she got from the internet. Nasusunod naman niya lahat ng steps hanggang sa maluto na iyon.

Tinikman niya ang niluto. Not bad. Tumangu-tango pa siya habang hinihigop ang sabaw. Pinatay niya na ang kalan at saka tinakpan ang kaserola.

She set-up the table for five minutes and she waited for Johann, after.

Habang naghihintay sa asawa ay napangalumbaba siya habang nakatingin sa kawalan.

These past few months, kung hindi niya kasama si Johann sa trabaho nito, nasa bahay lang siya lagi at naghihintay sa pag-uwi nito. It's a wifely duty that she can perfectly understand but still, nami-miss niyang magtravel sa kung saan para may mailagay sa blog niya.

Oo. May mga bagay talagang kailangang isuko kapag nag-asawa na. Pero hindi naman siguro masama na pangarapin niya pa ring makapaglibot-libot sa mga magagandang lugar? Lalo na ngayong mas marami siyang pera kahit pa hindi sagutin ng mga sponsors ng blog niya ang kanyang adventure trips.

Gusto niyang maglibot at kasama si Johann. Siyempre! Mukha namang hindi magpapaiwan ang asawa niya. But, being a professor and at the same time, being a highschool teacher, walang bakanteng oras si Johann maliban na lang kung holidays. Tuwing summer naman ay kumukuha daw ito ng tutorial or private lessons sa mga gustong magpa-tutor.

Malapit niya nang bigyan ito ng award para sa pagiging ulirang guro.

Sa kakaisip ni Sapphire nang mga gusto niyang puntahan na lugar ay hindi niya na napansin ang pagdating ni Johann. Nagulat na lang siya nang makitang binubuksan na nito ang screen door nila.

"I'm home!" Napakalaki ng ngiting bungad nito. Napatingin ito sa dining table at nakita niya ang pagningning ng mga mata nito nang makita ang niluto niya. "Wow! Tinolang manok! Ikaw nagluto?"

"Hindi. Iyong manok," sarkastikong sagot niya.

He chuckled. "Uy! Marunong siya mag-joke. Last mo na iyan, ah?" Binaba nito ang mga dala na folder at saka ito lumapit sa kanya. Yumuko ito, hinalikan siya sa pisngi at sa leeg. "Ang bango mo naman, Misis. Amoy-tinola. Mmm."

"Take a seat and let's eat dinner. I know you're tired from work." Tinapik-tapik niya pa ito sa balikat dahil mukhang ayaw nitong lubayan ang leeg niya.

"Mukhang masarap 'to, ah!" anito habang hinihila ang upuan sa tabi niya at saka umupo. "Marunong ka pa lang magluto ng Tinola?"

Umiling siya. "Actually, no. Tumingin lang ako sa internet kanina ng recipe. And we have the complete ingredients. So, I gave it a shot. Sana magustuhan mo."

"Hindi ko pa natitikman, gusto ko na," nakangiting sabi nito at saka ito sumandok ng kanin at nilagay sa plato niya.  "Siyempre, misis ko gumawa." Nilapag nito ang kanin at saka naman kinuha ang serving spoon ng Tinola. "Anong gusto mo? Yung leg o yung thigh part?"

Tinignan niya ito. "I should be the one serving you. Ikaw ang galing sa work, eh." Inagaw niya rito ang serving spoon.

Pasimpleng inagaw naman nito pabalik ang serving spoon. "Hindi. Ikaw ang napagod magluto kaya pagsisilbihan kita. At saka, hindi naman ako masyadong pagod galing sa trabaho. Ang dami ko pa ngang energy para sa ilalim ng kumot!"

She rolled her eyes. "And what made you think that I'll have sex with you this night?"

Nilalagyan na nito ng sabaw ang mangkok niya. "Grabe ka talaga. Anong sex? 'Make love' nga kasi iyon. Medyo hindi ka sweet, ano po?"

Nagkibit-balikat lang siya. "Ah, basta. Wala ako sa mood ngayong makipag-se—make love. Nakakatamad."

"Eh di, ako lang ang kikilos," pilyong wika nito.

Natawa siya sabay hampas sa braso nito. "After three months, may mga 'galawang-Johann' ka pa ba na hindi ko na-e-experience?"

Ito naman ang natawa at saka nilapag ang mangkok sa tabi ng plato niya. "Maraming-marami pa! Bwa-ha-ha-ha! One-fourth pa lang ang nararanasan mo."

Nanlaki ang mga mata niya. "What?!" gulat na wika niya at saka inisip ang mga ginawa nila. Grabe na ang naramdaman niya sa mga nakalipas na lovemakings nila tapos may iba pa itong alam?

"Ha! Huwag mong ini-small si Johann Lawrence Anderson! The best is yet to come!"

Napailing-iling na lang siya habang nagingiti. "Let's pray."

Hinawakan ni Johann ang kamay niya at saka ito pumikit. "Lord, marami pong salamat sa masarap na pagkain sa gabing ito. Salamat po sa maganda, mabait, at mabangong misis. Salamat po sa lahat ng good vibes sa buong araw na 'to. Amen." Magkasabay pa silang dumilat nito. "Kainan na! Attack!"

"Ang saya-saya mo ngayong araw. Unlike the other day," pansin niya sa pagka-hyper nito. "Something great happened in work earlier?"

Ang laki ng ngiti nito. "Okay na kami ni Prof. Santiago. Alam mo pa'no kami nagkabati?"

"Tell me," aniya habang sinisimulang kumain.

"May kapatid pala siya. Si Professor Augustine Santiago. Parang mas bata lang sa kanya ng tatlong taon. Magkasabay pala silang na-hire ulit pabalik doon sa campus. Nauna lang pumasok si Sir Darwin. Hayun, kung anong ikinasungit ni Sir Darwin, sobrang bait naman ni Sir August." Aliw na pagkukuwento nito bago humigop ng sabaw. "Kaninang umaga, si Sir August pa talaga lumapit sa'kin para mag-sorry. Nabalitaan niya daw kasi iyong ginawa ng kuya niya. Hayun. Siyempre, okay naman na sa'kin. Nag-usap pa kami. At alam mo ba, ang dami naming pinagkakasunduan. Math professor din kasi siya. Grabe. Ang astig lang!"

"Did he exlain why his brother was like a grumpy troll?"

Hinalo ni Johann ang sabaw sa kanin nito. "Oo. Aburido lang daw talaga si Sir Darwin kapag may nakikita siyang mga college girls na masyadong madikit sa mga lalaking professors." Humarap ito sa kanya. "At may nasagap akong chika."

Natawa siya sa term na ginamit nito. Gay. "Ano naman iyon?"

"Si Sir Darwin, nakabuntis daw kasi ng estudyante niya dati na kolehiyala. Parang ganoon."

"Oh," she amusingly said. Chika nga. "Kanino mo nalaman iyan?"

"Sa mga tao sa faculty. Pero sabi nila, hindi daw si Sir Darwin. Si Sir August daw talaga ang nakabuntis doon sa kolehiyala. Tapos, parang pinoprotektahan lang ni Sir Darwin si Sir August kasi kapapasa lang daw ni Sir August ng board exam after five takes, pagkatapos biglang mawawalan ito ng lisensya sa isang iglap lang?"

Ginaya niya si Johann. Nilagay rin ni Sapphire ang sabaw sa kanin niya. Hindi siya aware na puwede pala iyon. Kapag kumakain kasi sa mansyon nila ng mga masabaw na pagkain, talagang nakahiwalay ang sabaw sa kanin. "Oh. So, si Sir Darwin ang nawalan ng lisensya?"

"Ewan ko lang. Nakakapagturo pa sila pareho, eh."

"Nasaan na iyong nabuntis na college student?"

"That's the mystery!" Hinimay nito ang ulam na manok gamot ang kutsara at tinidor. "Mayroon pa pala."

"What?"

"Pinanagutan daw iyong babae. Pero tumakas iyong babae. Tinakas kasama iyong baby, eh."

"Bakit tumakas?"

Johann shrugged. "Hanggang doon lang nasagap ko. Ako naman, ayoko masyadong maniwala at maki-tsismis pa."

She laughed. "Ayaw mo pang maniwala at maki-tsismis sa lagay na iyan, huh? Pero kung makakuwento ka sa'kin!"

Natawa rin ito.  "Basta. Pero baka nga totoo kasi ang sungit talaga ni Sir Darwin. Hindi naman siya magiging ganoon kung walang pinaghuhugutan, di'ba? Baka natatakot siyang maulit iyong ganoon sa iba. But, he apologized before I went home. Ah! English!"

"Really?"

            Tumango ito. "Nagulat nga ako, eh. Akala ko, pagagalitan na naman ako dahil kanina, may mangilang-ngilang estudyante pa rin ang pumunta sa faculty para magpa-consult sa'kin. Pero, nag-sorry siya. Tinanggap ko, siyempre. Ayun, friends na kami."

            "Wow. You both befriended the two Santiagos."

            Ngumisi ito pagkatapos nguyain ang pagkain. "Astig ko ba?"

            She rolled her eyes. "Whatever."

            "So, sa tingin mo? Sino talaga ang nakabuntis? Si Sir Darwin o si Sir August?"

            "I don't care who. Problema na nila iyan. I don't really meddle with other people's lives. Lalo na at hindi ko kaano-ano. Not my thing." Sumubo siya ng kanin at ulam. She delicately chewed her food then swallowed it. "Kaya ikaw, don't waste your time kaka-tsismis. You're a guy. Dapat hindi ka tsismoso."

            Natawa ito. "Babae lang may karapatan maging tsismosa, ganoon?"

            "Yeah."

            "Eh di, parang sinabi mo na rin na babae lang ang puwedeng maghugas ng plato, maglinis ng bahay, maglampaso ng sahig, at magluto," he logically said.

            Tinaasan niya ito ng kilay. May point na naman ito! Argh. "Whatever."

            Natawa ito. Alam nitong talo siya sa argument. Kaya naman nag-change topic na sila. Nag-uusap lang sila nang nag-uusap hanggang sa matapos na sila ng pagkain.

            Niligpit ni Johann ang mga pinagkainan. Nagpalit muna ito ng pambahay bago hinugasan ang mga pinggan.

            Minutes later, everything was settled. Nakaupo na lang silang dalawa sa sofa. Magkatabi at magkahawak kamay habang nanonood ng TV.

            "Alam mo, Misis, ang sarap nitong tinola mo. Pero..."

            Napatingin siya rito. Kinabahan siya bigla. Baka may hindi ito nagustuhan sa pagluluto niya... "P-Pero?" Worry is written all over her face. May mali ba siyang nasunod sa recipe?

            Sinalubong nito ang tingin niya. He sheepishly smiled. "Pero mas masarap ka pa rin." Sabay kindat nito sa kanya.

            Napakurap si Sapphire. Maya-maya ay nag-init ang magkabilang pisngi niya. Tinulak niya ang mukha nito. "Kung anu-ano pinagsasabi mo! Ugh!" naiinis na sabi niya. Akala naman niya kung ano ng problema sa luto niya.

            Tawa ito ng tawa. "Totoo naman! Masarap ka din pakinggan." Tumingala ito at pumikit. Pagkatapos ay pinatinis nito ang boses. "Oh! Oh! Johann! Faster! Faster! Ugh!"

            Nanlaki ang mga mata niya at napatayo. "Hey! I don't scream like that, you bastard!"

            Tatawa-tawa ito pero tinuloy ang panggagaya sa kanya. "Ugh! Ugh! Mister, ooohhh! I'm coming, baby! I'm coming!"

            Hinampas niya ito ng throw pillow. "Argh!" naiinis na ungol niya. "Ganyan ba 'ko?"

            Hinila ni Johann ang braso niya at sumubsob siya rito. "Ikaw naman. Di ka mabiro," malambing na sabi nito at saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. "Pero ganoon ka talaga mag-ingay."

            Napalabi na lang siya. "Nakakainis ka."

            Hinalikan siya nito sa gilid ng leeg at saka sa magkabilang pisngi. "Sorry na. Gusto ko lang ng light atmosphere. Habang nanunuod kasi tayo, masyado kang seryoso. May iniisip ka ba?" nag-aalalang tanong nito.

            Umayos siya ng pagkakaupo sa kandungan nito. "Wala naman. I'm just reminiscing the times when I got to go to any places. Iyong fun adventures ko kasama iyong mga co-bloggers ko. I just miss that."

            Mula sa likod ay niyakap nito ang baywang niya at ipinatong nito ang baba sa balikat niya. "Eh di, mag-travel ka kung gusto mo."

            "Sabi mo noon, pupunta lang ako sa mga lugar na puwede ang uwian."

            "Oo nga."

            "Of course when I travel and set an adventure, hindi kasya ang isang araw lang." Sumandal siya sa dibdib nito. "Gusto naman kitang kasama. Kaso parang ang labo kasi busy ka masyado."

            Sandali itong natahimik. Parang nag-iisip.

            "Gusto mo ba talaga?" tanong nito maya-maya.

            "Yeah... naiinip na rin kasi ako dito sa bahay. Wala pa naman tayong baby kaya wala akong pinagkakaabalahan."

            "Sige."

            Natuwid niya ang likod at napalingon rito. "What do you mean?"

            "Sige. Papayagan kita. Kung gusto mo 'ko isama, magli-leave ako sa trabaho. Kaya kong sandaling iwan ang pagiging teacher para maging asawa mo. Kung gusto mo rin mag-isa..." Nagkibit-balikat ito. "Okay lang rin. Mami-miss lang kita kapag nawala ka overnight. Kapag two days, super miss na. Kapag three days, super duper miss na. Kapag four days, super duper ultra—mmm!"

            Siniil niya na ng halik ito sa mga labi. Paharap na siyang kumandong rito at yumakap sa leeg nito. After the kiss, she smiled at him. "Mister, I want to always travel with you. Share every experience with you. So, when I travel, you will come with me. Para hindi boring."

            Kumunot ang noo nito. "Iyong totoo, Misis? Asawa mo ba 'ko o clown mo?"

            "Both."

            "Ay, grabe—mmm! Mmm... Bigla bigla ka na namang nanghahalik. Saan mo natutunan iyan?" nakangising sabi nito.

            "Kanino pa ba?" she sarcastically said before cupping his face. "Sabi mo na iyan, ah. I'll set our travel adventure together na."

            Tumango ito. "Just tell me ahead of time. Huwag biglaan."

            "Promise, sasama ka sa'kin?"

            "Kahit saang lupalop pa ng mundo, Misis. Kahit sa Bermuda Triangle pa iyan, sasamahan kita. Promise. Mamatay man ang—"

            "Walang goldfish ang kapitbahay," pangunguna niya rito.

            "Meron na! Binili ko sila kanina. Para maka-sumpa ako sa'yo."

            She amusingly laughed. "Oh, Johann..."

            "Tsk. In love ka na naman sa kabaklaan ko."

            She settled her face on his neck. "I just... I just cannot predict you. Minsan nagsasalita ka ng kalokohan, minsan laging may point...gosh. Who made you?"

            "Si Lord. Bait Niya 'no? Ginawa akong pogi."

            She grinned. "Wala lang abs," she teased.

            "Kasi kung may abs ako, eh di nabaliw ka na sa'kin?" Inangat nito ang mukha niya at sinalubong ang mga mata niya. "Tama na iyong... ako lang ang nababaliw sa'yo."

            Nanggigigil na kinurot niya ang magkabilang pisngi nito.

            "Dapat isa sa'tin matino para bebenta 'tong love story natin kapag kinuwento sa apo ng apo ng apo ng apo natin sa talampakan," sabi pa nito.

            "Yeah right." Binaba niya na ang mga kamay. "Nga pala, may isa pa'kong sasabihin."

            "Ano iyon?"

            "Magkakaroon kami ng highschool reunion. Binalita sa'kin ng classmate ko dati. I want to come. And, dapat kasama kita."

            "Akala ko ba hindi ka friendly noon? So, bakit ka pupunta sa highschool reunion niyo ngayon?"

            "Ano ka ba? Puno ng mayayaman doon. Makakatulong ang network nila para sa bookstore ko. Duh?"

            "Ah..." tumatangu-tangong sabi nito. "Eh di, sosyalan iyon?"

            "Yup! More on maraming socialites doon." Sapphire was also considered a socialite since she's a Monteverde. At kahit mag-asawa pa siya, she'll always be a Monteverde for the classy world of the rich and famous. "I'm going to buy you a coat and tie. Oh, wait. Magpagawa na lang tayo kay Paul Cabral."

            "Paul Cabral? Iyong stylist ni PNoy?"

            "Exactly! Maganda siya gumawa ng damit. Tama! Sa kanya tayo magpagawa para complementing ang isusuot natin sa reunion party."

            "May reunion party bang ganyan ka-sosyal na kailangan kay Paul Cabral pa magpagawa ng damit?"

            Napakunot-noo siya. "What do you expect? Punung-puno ng mga rich people sa reunion party, Mister. It's a socialite's formal party. So we have to dress up on our signature clothes. Kung ayaw mo magpagawa kay Paul Cabral, then, kay Manny Herrera na lang or kay—"

            "Nakakalula naman iyan, Misis. Ayoko ng ganyan," angal nito at saka umiling. "Ayokong pumunta sa mga ganyan."

            "Bakit hindi? You're an Anderson! Mayaman ka."

            "Sila Daddy ang mayaman."

            "Pero anak ka ni Daddy Philip. Kapatid ka ni Agatha kahit half pa. You're an Anderson and somehow, you belong to the world of the rich."

            Umiling ito. "Alam mo, Misis, kung gusto mong pumunta, ikaw na lang," seryosong sabi nito.

            "Bakit?"

            "Hindi nga kasi ako sanay sa mga ganyan. Hindi ako pa-sosyal o ano. Hindi ko kayang mag-adjust sa mundo mo. Ayoko sa ganyan na puro pasikatan. Ayokong makipag-usap sa mga tao na ipapamukha lang sa'yo kung gaano siya kayaman."

            Hindi naman lahat ng mayayaman ay ganoon! Mali ito ng impresyon.

            Napataas siya ng kilay. Umalis siya sa pagkakandong rito at saka siya humalukipkip. "How come you can't adjust to the world where I grew up? Bakit ako nagawa kong mag-adjust sa mundo mo? I lived on a small house, washed the dishes, and god! I even learned to clean the toilet! The toilet bowl, for crying out loud! Nag-adjust ako sa mundo mo kasi sabi mo, this is what we call, 'pakikisama'?"

            Napabiga ito ng hangin at napakamot sa noo. "Sapphire—"

            "Wait. So, ako lang pala ang mag-a-adjust, Johann? Ako lang puwede mag-adjust?" Napailing-iling siya. "Sasama ka lang sa'kin sa party, Johann. Just for a night! Just for a night we'll go to my world. Then after, balik na tayo rito sa mundo mo. Is it too much?"

            "Madaling bumaba. Mahirap umakyat."

            "What the hell?" she furiously asked.

            "Mapapahiya lang ako doon. Hindi ako bagay sa ganoon." Napayuko ito. "Ang mayaman, kapag tumapak sa lupa, okay lang. Maganda pa rin tingin sa inyo. Pero ang mahirap, kahit magbihis pa ng pang mayaman at umakyat sa mundo niyo, sasabihan ka pang trying hard. Nasaan ang hustisya di'ba?"

            "I don't see you that way, Johann."

            "Basta. Hindi ako sasama. Ayoko sa mundo niyo."

            Napakagat ng ibabang labi si Sapphire. Nakuyom niya ang mga kamay. "But I grew up there..."

            Tumayo ito at hinawakan siya sa kamay. "Halika na, matulog na tayo."

            Marahas na binawi niya rito ang kamay. "Just step into my world once, Johann."

            "Hindi nga sabi. Misis—"

            "Kung makasabi ka sa'kin noon na mataas ang pride ko, akala mo naman kung gaano kababa iyang sa'yo," galit na sabi niya at saka tumalikod. Naglakad na siya papunta ng kuwarto.

            "Misis, nag-aaway ba tayo?"

            Huminto siya sa paglalakad at nilingon ito. "Bawal ka sa ilalim ng kumot! Matulog ka diyan sa sofa mo!"


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

3.2M 88.2K 21
Ang fangirl na si Pamela, paanong makikipag-agawan ng lupa sa car racer idol niyang si River Avilla? Ipaglalaban niya ba ang karapatan ng pamilya nil...
112K 9.4K 45
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
12.2K 916 17
Calm, proper, and respected. Mahirap pintasan si Eugene Scott bilang taong nabubuhay sa daigdig. Pero isang dark romance novel lang ang katapat ng pe...
10.5M 188K 36
Nalasing si Lana isang gabi at pagkagising niya ay nasa tabi na siya ng isang lalaki! She slept with a stranger named Dylan Guevarra! What's worst? L...