Chapter Ten

209K 5.4K 822
                                    

CHAPTER TEN

HINDI pinansin ni Sapphire si Johann nang inabutan siya nito ng isang baso ng fresh milk.

"Hindi mo pa rin ako kakausapin?" tanong nito.

Pagkatapos ng ginawa nitong paghalik sa kanya kagabi ng walang abiso, sa tingin ba nito ay may gana siyang pansinin ito?

Kagabi pagkatapos siya nitong patahimikin ng halik ay sandali lang siyang nagulantang. Mabilis siyang nakabawi at lumayo rito. Sinampal niya ito at saka siya nagmartsa papasok ng kuwarto nila. She locked the door kaya naman hindi ito nakatulog sa higaan nila kagabi.

"Misis, hindi ako aalis hanggang sa hindi mo 'ko kinakausap."

Tumayo siya at nilagpasan ito.

"Sapphire, it's just a kiss. Why are you making a big fuss about it? Kita mo, nag-i-english na 'ko. Naiinis na 'ko sa'yo."

Nilingon niya ito. "At ikaw pa ang may ganang mainis! And what are you saying that it's just a kiss? Hell! You know I hate being kissed! Pinalagpas ko iyong una pero hindi iyong kagabi! You purposely did it!"

"Ang dami-dami mo kasing sinasabi kagabi. Sasabihin mo lang naman sa'kin na 'Oo, Mister. Hindi ako makakatulog na hindi ka katabi.'," he said, mimicking her voice.

"Hanggang ngayon, iyan pa rin ang iniisip mo kaya gusto kitang hintayin sa pagtulog?"

"Oo! Ipu-push ko 'to! Gusto ko, Misis, umaamin ka. Hindi mo kailangang magtago ng mga bagay sa loob mo. Hindi mo kailangang magsinungaling sa sarili mo. At ano namang masama na sabihin mo sa'kin na hindi ka nga makatulog na hindi ako katabi? Asawa mo naman ako."

"I don't know what you're talking about."

Hinagip siya nito sa braso. "Misis, malapit na kitang painumin ng Sprite. Magpakatotoo ka naman!"

Binawi niya ang braso rito. "Anong magpakatotoo? Kung anong sinasabi ko, kung anong nakikita mo, iyon ang totoong ako!"

"Weh?"

Nakuyom niya ang mga kamay at nagsalubong ang mga kilay. "Bakit ba kasi ayaw mong maniwala? Umalis ka na nga! Magturo ka na! I'm not your student so don't you lecture me about myself!"

"Bakit galit ka?"

"Hinalikan mo 'ko kagabi!"

"Ano bang gusto mong gawin ko? Mag-sorry? Dahil hinalikan kita? Ikaw nga ang nanampal kagabi."

"I'm not sorry that I slapped you! Wala pa tayong two weeks na kasal, lahat na ng rules ko, na-violate mo na!"

Nangunot ang noo nito. "Misis, saan banda ko na-violate ang 'no sex' at 'be faithful' na kasunduan natin, aber?"

Napapadyak siya. Nakakainis talaga! Ano ba kasing pumasok sa isip niya at ang dalawang patakaran lang iyon ang pinairal nila? Dapat dinagdagan niya ng "no hugs, no kisses, no akbays, no flirtings"! Nakalimutan niya na ang lalaking pinakasalan niya ay laging may "way" sa lahat ng bagay.

"Alam mo, para hindi ka naiinis, aminin mo lang sa sarili mo ang mga bagay-bagay na hindi dapat tinatakpan ng pride. Masyado kang faithful sa image mo na man-hater kaya hindi mo maamin na-number one!" Itinaas pa nito ang hintuturo. "Nagseselos ka talaga kahapon. Pinagseselosan mo ang sarili mong hot Mommy."

"No-"

"Number two!" He raised his middle finger together with the forefinger. "Okay lang naman talaga sa'yo ang mga paakbay-akbay ko. Okay lang sa'yo na niyayakap kita. Dahil kung ayaw mo talaga, hindi ka magpapa-akbay at magpapayakap."

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora