Chapter Thirty

187K 4.7K 488
                                    

CHAPTER THIRTY

"MATULOG ka diyan sa sofa mo!"

Napangiwi si Johann nang marinig niya ang malakas na pagsara ng pinto ni Sapphire. Tsk tsk. Madaling masisira ang pinto! Ano bang akala ni Sapphire? Gawa sa mahogany ang pinto ng kuwarto niya?

Palikod na hinahod niya ang buhok at saka napabuga ng hangin. Heto na naman. Aamuhin na naman ang tigre. Roar!

"Misis!" pagkatok niya sa pintuan. Kinandado nito ang pinto. "Misis, mag-usap tayo. Alam mo namang hindi ako makakatulog. Hindi ako natatahimik kapag galit ka sa'kin." Kumatok pa ulit siya sa pinto.

Hindi ito sumagot pero alam niyang gising pa ito. "Misis..." Tawag niya sa mas malambing na boses. Wala pa ring sagot mula rito.

Napabuntong hininga si Johann. He closed her eyes and leaned his forehead on the door. "Sorry, Sapphire. Sorry talaga..."

Narinig niya ang pag-ingit ng kama.

Hindi naman niya intensyong magalit sa kanya ang asawa. Pero kasi, para sa kanya at sa mga pinagdaanan niya sa buhay, natutunan niyang hindi maganda para sa kanya na makihalubilo sa mga mayayaman.

Well, excemption ang mga kapamilya niya.

"It's just for a night, Johann!" mariing sabi nito mula sa loob ng kuwarto. "I want you to be by my side on that night... Gusto kitang ipagmalaki! While they have their money, I'll show off that I'm the luckiest girl to marry a one in a million guy like you. Ikaw ang ipagmamayabang ko sa kanila! Dahil kahit pangkaraniwang tao ka lang, you can stand out from all the rest! And you love me more that I love you."

Napalunok siya. Medyo napangiti. Aba't bumabanat na rin ang misis niya! Natututo!

"Ano ba naman iyan? Nag-aaway na nga tayo, lalo pang nalalaglag ang puso ko sa'yo. Huwag kang magbibitiw ng mga ganyang linya, nababaliw ako." Nakagat niya ang labi sa pagpigil ng mga ngiti. Pucha na iyan. Kinikilig na naman yata siya. Kabadingan na naman niya, putek!

"You know, Johann, if you're afraid that someone might belittle you, then I won't let that happen! Hindi ko hahayaan na hamakin ka nila. I can buy their soul for crying out loud!

Napakalawak na ng ngiti ni Johann. Nakakabaliw. Nakakabaliw ang misis niyang marunong nang makisabay sa mga linyahan niya. "Ikaw lang ang inaalala ko, Sapphire. Ayokong mapahiya ka dahil...ganito lang ako."

"Anong ganyan ka lang?"

"Puwede ba mag-usap tayo nang walang pinto sa pagitan natin?"

"No! If you want to talk then talk! I won't open the fucking door!"

"Hindi tayo makakapag-usap nang matino, Sapphire," seryosong wika niya at saka kumatok ulit. "Halika na. Pag-usapan na natin ng maayos. Lumabas ka na diyan o papasukin mo 'ko."

May mga oras na alam naman ni Johann kung kailan magseseryoso. May oras na alam niya kung kailan pagbibigyan niya ang mga kapritso ng misis o kung kailan dapat siya ang maging upperhand.

"Di'ba, sabi natin walang matutulog nang hindi naaayos ang gulo? Sige na, buksan mo na 'tong pinto," he said with a slight pinch of authority in his voice.

Narinig niya ang mga yabag ni Sapphire sa loob. Maya-maya bumukas ang pintuan. His wife's cute forehead creasing, her lips pouting.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang tumutol sa pagsama sa'kin?" She was close to shedding a tear.

Bumuntong-hininga si Johann at inabot niya ang malambot nitong kamay. "Sige na. Sasama na 'ko," sumusukong sabi niya. Taena. Alam na alam ni Sapphire kung paano siya mapapasuko.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now