Chapter Forty-Four

169K 4.6K 366
                                    

CHAPTER FORTY-FOUR

PINIPIGILAN nina Johann at Sapphire na matawa habang nasa hapagkainan sila kasama si Lola Vani, Sylvia, at ang kararating lang na si Rafael.

Ang pagsuntok ni Sapphire kay Rafael sa mukha ay nakatamo ng pasa. Akalain mo iyon! Her punched served him well. Kung pupuwede lang ay dadagdagan niya pa iyon, kung hindi lang siya pinagbawalan na ni Johann.

Kahit daw ubod ng kasamaan si Rafael at humanga ang mister niya sa katapangan niya, masama pa rin daw ang manakit ng kapwa.

Okay, fine. Eh di, hindi na siya manununtok. Huwag lang talaga subukan ni Rafael na kantiin siya o kahit si Sylvia pa. Sapphire felt sympathy towards her old classmate. Kahit hindi naman sila malapit, naawa pa rin siya rito nang makita kung paano ito pagbuhatan ng kamay ng asawa.

Natapos ang hapunan na ang nag-uusap lang ay si Lola Vani at Johann. Minsan ay nakikisali sila ni Sylvia, habang si Rafael ay buong oras tahimik.

Habang kumakain na sila ng dessert ay may tinanong si Lola Vani sa kanila.

"Paano mo nga pala nakilala ang asawa mo, Sapphire?" tanong nito sa kanya.

"Kapatid po ni Johann ang asawa ng pinsan ko. Kaya po kapag may mga family events, nagkikita po kami ni Johann."

"At paano naman kayo nauwi sa kasalan?"

"Gusto niya po kasing magtayo ng bookstore, Lola," sagot ni Johann habang nagbabalat ng rambutan nito.

"Anong kinalaman niyon? Gusto ng katuwang ni Sapphire sa pagtatayo ng negosyo, ganoon ba?"

"Opo. Ganoon na lang po," ngingiti-ngiting sagot ni Johann. Pinagtakpan na lang nito ang totoong rason kung bakit sila nauwi sa kasalan. "Wala po talagang love noong una. Kaso po hindi na napigilan ni Sapphire ang damdamin niya. Nang umamin po siya, pinagbigyan ko na po. Kawawa, eh-aray!"

Malakas na siniko niya ito. "Excuse me. You're the one who first confessed your true feelings for me." Bumaling siya kay Lola Vani. "The truth is Lola, we were on Tagaytay to help his friend. After that, he started telling me, 'puwede bang saluhin mo 'ko? Kasi nahuhulog na 'ko' and many more gayshits like that."

Sabay na natawa sina Lola Vani at Johann.

"Ito talagang misis ko, hindi papatalo," anito at saka kinurot siya sa magkabilang pisngi. "Kumain ka pa ng tupig, o." Sinubo nito sa kanya ang binalatan rin nitong tupig. Mukhang sinadya nito na isubo sa kanya iyon ng buung-buo kaya malakas na hinampas niya ito sa balikat nang mapuno ang bibig niya.

Tinawanan lang siya ng loko-loko.

"Kayo naman, Sylvia, paano kayo nagkakilala ng asawa mo?" baling ni Lola Vani sa mga ito na nasa kabilang bahagi ng lamesa.

Sylvia smiled. "We have common friends, Lola. One time, our friend threw a party and that's when Rafael and I met. Pinakilala po kami sa isa't isa. Then, we started dating two years ago. Right, babe?" baling pa nito kay Rafael na ang atensyon ay nasa pagkain lang nito na hindi pa ubos. "Babe?"

Tumango lang si Rafael.

Narinig niyang bumulong si Johann sa kanya. "Mukhang problemado siya. Tinuhod mo kasi ang kaligayahan niya kaninang umaga. Ayan, no more happiness na yata."

Sapphire contained her laugh. She felt so evil laughing at Rafael because she kicked his balls. Wala na siyang pakialam kung problemado nga ito. Mas masaya ngang tadtadin na lang ito ng napakaraming problema!

"Paano naman kayo nauwi sa pagpapakasal?"

"We loved each other so much, Lola. We've been together for three months then he proposed to me," parang kinikilig pang pagkukuwento ni Sylvia.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now