Chapter Thirty-Seven

188K 5.2K 1.1K
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

TAHIMIK na nagmamasid si Johann sa buong klase niya na kumukuha ng final exams. Last day na rin ng semester kaya siguradong pagkatapos niyon ay magsasaya na ang mga estudyante niya.

Nagpalakad-lakad siya sa loob ng kuwarto. Nakikita niya ang pagkunot-noo ng ilang estudyante niya habang nagsasagot. May iba naman na sobrang bilis pumindot sa calculator at mag-compute sa scratch. So far, wala naman siyang nakikitang nagko-kopyahan kaya bumalik na siya sa desk niya.

Tumingin siya sa phone niya at may kalahating oras pa bago matapos ang exam. He swiped the screen of his phone, bumungad naman agad ang home screen niya. Awtomatiko siyang napangiti. Si Sapphire kasi ang wallpaper niya.

Kinuhanan niya ito nang picture na natutulog habang gulu-gulo ang buhok at medyo nakanganga pa. Madami siyang picture ng misis niya sa kanyang cellphone. Actually, lahat ng album niya puro si Sapphire ang laman. Maraming mas magaganda na i-display sa wallpaper pero pinaka-gusto niya ang nakakanganga itong natutulog.

Napapatunayan niya kasi lalo na mahal niya talaga ito kahit nakanganga natutulog. Speaking of his wife, na-miss niya ito kaya naisipan niyang padalhan ito ng text message.

To: Misis ko

Misis?:)


From: Misis ko

What?

Napailing-iling siya sa reply nito. Hindi marunong gumamit ng emoticon ito kaya kahit sa text, ang taray ng dating nito.

To: Misis ko

I miss you. <3


From: Misis ko

What's <3?

To: Misis ko

Less than three. Equation iyan. Solve mo, ah?;)


From: Misis ko

I googled it. It's a heart! You're so cringy!

What are you doing? Why are you texting me? Aren't you supposed to be teaching?


To: Misis ko

Final exam ngayon, di'ba? Nagbabantay lang ako ng klase. Pero patapos na 'ko. Tapos diretso uwi na 'ko. Miss na kita, eh. :">


From: Misis ko

Okay.

Napa-facepalm na lang si Johann sa reply ni Sapphire. Wala talagang kalambing-lambing! Pero kapag sa kama naman, kung maka---oops. Censored.

To: Misis ko

Hindi mo ba ko nami-miss? :(


From: Misis ko

We saw each other this morning. And we'll see each other after an hour from now. Why should I miss you?

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon