To Live With You [COMPLETED]

By _kylux_

913 87 1

[WITH YOU SERIES # 1] Let's all meet Kayla Deene Swing, ang babaeng walang kasiguraduhan sa buhay. Ika nga ni... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Huling Paalam
Facts

Huling Kabanata

54 1 0
By _kylux_


"One two three, one two three, oh diba diyan kayo iikot? Jusko isang linggo na lang party niyo na pero hindi niyo pa rin napeperfect." sermon saamin ng choreographer. Tinapik ko naman sa braso si Dion dahil pati siya namamali saakin ng pagikot.

"Dedi! Ayusin mo na!" natatawa kong sambit. Tumawa naman si Dion tsaka ginulo ang buhok ko.

"Just wait dedi. I'm not used to this kind of set up. Naiilang din ako sa kagandahan mo."

"Ang harot mo talaga kahit kailan Dionysius Peter Potenciana." ngumisi naman si Dion sabay kindat. Inayos na namin ung pagsasayaw at sa huli nakuha na namin ang tamang timing ng pagikot ko at ang tamang way ng pagiikot saakin ni Dion.

Nagpabreak ang choreo namin kaya pinuntahan ko si Rosa.

"Musta?" tanong ko habang nakangiti.

"Ayos lang. Ang hirap kapartner ni Russel para akong matutunaw sa mga titig niya." nagtawanan naman kami ni Rosa at inaya ko siya pumunta ng canteen.

"Kayo? Ayos lang ba kayo ni Dion?"

"Oo naman. Parehas na ulit kami masaya at parang wala lang saamin ung nangyari. Salamat Rosa dahil binigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para maayos ang lahat."

Ngumiti siya, "What are friends for, right?"

"Hmm right." hindi na ulit nasundan ang usapan namin hanggang sa nakarating kami ng canteen.

"Dalawang kareys po, manang." saad ko.

"Nako iha alam ko naman na ito ang oorderin mo kaya nireserba ko na itong dalawang kareys para sayo." inabot saakin ni manang ang dalawang tray na nilalaman ng kareys. Ngumiti ako kay manang at nagbayad tsaka pumunta sa favorite spot namin ni Rosa.

"Parang dati lang kumakain tayo dito habang pinaguusapan si Dion na ang sama-sama ng ugali." sambit ko sabay tawa.

"Oo nga, tsaka naalala mo nung nilakad mo ko kay Dion? Mukha tayong tanga nun!" naalala ko ang eksena nun kaya humalaklak talaga ako ng tawa.

"Tapos inaasar pa kita sa kagrupo mo nun. Sa tingin ko may gusto sayo yon."

"Kahit naman magkagusto siya saakin hindi ko pa rin papatulan." biglang sumeryoso ang mukha ni Rosa kaya napaismid ako. "Ha! Kasi pangako ko sa akin sarili na gragraduate muna ako bago mag boyfriend."

Tumango-tango na lang ako habang pilit na ngumiti. Alam ko naman na may gusto siya na iba. At alam ko kung sino iyon.

Natapos kami kumain ni Rosa at bumalik na sa function hall para magpractice.

"Dedi, you done eating?"

"Hmm. Sinama ko si Rosa. Ikaw?" tumango naman siya. Nagsimula na ulit ang practice namin at onti na lang matatapos na ang sayaw.

Ganon lang ang nangyari sa sumunod na araw at ngayon gabi na ang pinakahihintay ng lahat.

Ang acquaintance party. Inaayusan na ako ng make up artist ko pati hairstylist. Ang susuotin kong gown is midnight blue na may slit. Ang buhok ko ay nakapusod at may dalawang nakalaglag na hilera ng buhok ko sa harapan.

Natapos akong make up-apan at iniharap ako sa vanity mirror. Napaawang ang bibig ko saglit dahil sa tanang ng buhay ko eto lang ung nagustuhan kong make up saakin.

"Ay nako mader sinasabi ko na sayo nagustuhan ni junakis mo ang aking make up." saad ng aking hmua.

"Opo naman po. Ang ganda, thank you!" maya-maya lang may kumatok sa pintuan namin kaya lumabas si mommy para tignan iyon.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa itsura ko ngayon, parang hindi ako.

Pumasok si Dion sa kwarto namin na may dalang bouquet. Malawak ang ngiti niyang nakatingin saakin at nagni-ningning ang kanyang mga mata.

"Deene, you look stunning." lumawak ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Dion. Ang kanyang gray suit at ang bagong tabas ng kanyang buhok ang lalong nagpagwapo sakanya.

Tumayo ako at bineso si Dion. Inabot saakin ni Dion ang bouquet at rinig k ang hagikgik nila mommy at ang dalawang bakla.

"Psst pogi! May kuya ka ba? Akin na lang!" anang ng bakla.

Tumawa lamang si Dion at pinagpaalam na ako kila mommy at daddy.

"Magiingat kayo ah! Dion, ingatan mo si Kayla." paalala ni mommy.

"Opo tita, ako na po bahala sa anak ninyo." ngiting sambit ni Dion.

"Oh siya bago kayo umalis picturan ko muna kayo." pumwesto kami sa gilid para picturan kami ni mommy.

Pinulupot ni Dion ang kanyang kamag sa beywang ko kaya magkalapit na talaga kami. Ako naman si papansin nilabas ko ang legs ko para mas umayos ang kalalabasan ng picture.

"Para kayong mga Don at Donya!" pinakita saamin ni mommy ung pictures namin ni Dion at ang ganda nga ng kinalabasan.

"Syempre tita, Kayla pa ba? Kahit anong ipasuot mo riyan babagay."

"Bolero!" nagtawanan kami saglit tsaka nagpasyahan na umalis na. Kahit naka heels na ako di ko pa rin magawang abutan ng height si Dion. Napakalaki.

"What's your plan, Deene?" tanong ni Dion habang nasa loob na kami ng sasakyan.

"Huh? Saan?"

"On your birthday. One month na lang diba?"

"Ohh right," napaisip ako, "Di ko pa rin alam sa totoo lang. Ikaw? Ano ba gusto mo gawin natin?"

"You decide dedi." he said that while smiling. Hindi ko na sinagot ang sinabi ni dedi at nanahimik na lamang hanggang sa makarating na kami sa event.

Pinagbuksan ako ni dedi ng pinto at inalalayan pababa. Sa Casa Milan ngayon ang event namin at ang ganda ng pagkakaset-up nila. Maraming tao nagpapa-photobooth sa labas ng function hall at dito rin tumatambay ang ibang estyudante.

Pagkapasok namin ng function hall sinalubong kami ni Rosa ng yakap at ngiti. Naka pusod ang kanyang buhok at suot niya ang kanyang white sexy backless.

"You look so good, Kayla!" bati ni Rosa.

"Salamat. Ikaw din." dinala na ako ni Dion sa certain table namin at maya maya na lamang ay magsisimula na ang program.

Same goes with the program na rarampa kami, may doxology, at iba pa.

Bago ang kainan may iprepresent kaming dance number na weeks namin prinepare kaya nung tinawag na ng emcee ang batch namin, nilahad ni Dion ang kanyang kamay para alalayan ako.

Pumunta kami sa gitna at nagsimula nang pumwesto para sa isasayaw namin. Naghihintay na lang kami ng cue na tumugtog ang kanta.

You know I can't smile without you
I can't smile without you
I can't laugh and I can't sing
I'm finding it hard to do anything

Nagsimula na akong isinayaw ni Dion at infairness hindi siya nagkakamali sa pagikot-ikot saakin! Nung practice kasi namin nakakailang bagsak siya saakin.

You see, I feel sad when you're sad
I feel glad when you're glad
If you only knew what I'm going through

"I just can't smile without you." Dion held my chin while he sang that last part of the line. Hindi ko naman mapigilan ang pagngiti ko at isipin na napakaswerte ko sa taong kaharap ko ngayon. He's been with me through my ups and downs. Hindi nawala sa tabi ko kahit kaiwan-iwan na ako. Hindi ako tinalikuran kahit ilang beses ko na siyang ipinagtabuyan. My Dion, my life saviour.

You came along just like a song
And brighten my day
Who would have believed that you where part of a dream
Now it all seems light years away

"Salamat Dion," humigpit ang pagkakahawak ko sakanyang biceps dahil sa biglaang paghilo ko.

Inalalayan naman agad ako ni Dion, "Deene, are you alright?"

Tumango ako, "Oo. Sumakit lang ulo ko pero ayos lang ako."

Hindi ko na lang idinaing ang sakit na nararamdaman ko at nag focus sa pagsasayaw.

Malapit na kami magpalit ng partners pag mag chorus na kaya isinaayos ko na ang tyempo ko at hinihintay na lang ang pagikot.

And now you know I can't smile without you
I can't smile without you
I can't laugh and I can't sing-

Saktong pagkaikot ko may biglang bumuhos mula sa itaas ng isang red paint. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sapagkat di ko mawari ang nangyayari ngayon. Bakit ngayon pa nangyari ito? Bakit sa maraming tao pa nangyari ito?

Nakita ko ang gulat sa mga mukha nang kaklase ko at ung iba ay tumatawa pa. Ung iba di mapigilan at nilabas ang kanilang mga phone at pinicturan ako.

"Who the fuck did that?!" isang nakakatakot na boses ang umalingangaw sa function room. Ang mga advisers namin tumawag na ng security at tagapaglinis para sa kalat na nangyari. Nagiinit na ang pisngi ko at hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Who fucking did this to Deene?! Answer me!" halos lahat ng tao lumalayo na kay Dion dahil sa galit na expresyon nito. Pinuntahan ako ni Dion upang ipatong saakin ang kanyang coat at para punasan niya ang aking mukha.

"Ayos lang ako, Dion.." sinusubukan kong alisin ang kanyang kamay sa aking mukha para pigilan ito sa pagpunas ngunit tanging galit lang naipinta niya sa kaniyang mukha.

"You're not good, Deene. Stop making fucking excuses and let me do my job. I will make him kneel whoever did this."

"Omygosh Kayla, okay ka lang?" biglang sumulpot sa eksena si Rosa dala ang kanyang malungkot na expresyon. Pero bakit mukhang may hindi tama sa pagkurba ng kanyang mga labi?

"Ayos lang ak-"

"She's not fine, Rosa. Can't you see?" mukhang nainis sa inasal ni Dion si Rosa kaya napairap siya rito.

"Let me help-" di natapos ni Rosa ang kanyang sasabihin dahil may nagsalita sa isa naming kabatchmate.

"She di-did it." halos lahat napatingin sa kanyang gawi at hinihintay ang susunod niyang sasabihin, "Rosa did it. Siya ang may dahilan kaya ka natapunan ng paint, Kayla."

Napuno nanaman ng usapan ang paligid at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Naghahalo-halo na ang mga nararamdaman ko at para na lamang ako tutumba dahil di ko na mawari ang nangyayari.

"And what makes you think I did it, huh? Stop making false accusations!"

Humigpit na ang hawak saakin ni Dion dahilann na galit na ito. Nagtitimpi na lamang sa nangyayari si Dion at ayaw niyang ilabas ang galit niya rito dahil babae ito at walang sapat na ebidensya para pagbintangan ito.

Umiingay lamang lalo sa function hall pero nanatiling nakatingin lang ako kay Rosa para pag masdan ang mga kilos nito. Sakto naman na dumating ang mga faculties para ayusin ang gulo na dulot nito.

"Don't worry Miss Swing, we'll get the cctv footage para malaman natin kung sino ang may kagagawan nito."

"Ma'am si Rosa nga po ang may sala!" hindi ko alam bakit lahat sila pino-point out kay Rosa na may sala. Hindi ko na nakakayanan ang ingay at hindi pang-habambuhay na mananahimik ako.

"Rosa..." tumitig ako sa kanyang mga mata na masinsinan nagba-baka sakali na makakuha ng sagot, "Did you do it?"

"Miss Deene, huwag ka basta magbintan-"

Hindi ko na pinatapos magsalita ung principal at nagsalita ulit. This time, mas malakas ang boses ko, "Rosa! Did you or didn't you do it?!"

Nangangatog na ang kalamnan ko at natatakot sa maaring isagot ni Rosa. Isang ngisi lamang ang sinagot niya at unti-unting tumango.

Tumulo ang luha ko, "Bakit? Bakit mo ginawa iyon? Akala ko ba kinausap ka na ni Cris at maayos na tayo? Baki-"

"Did you really think na kakausapin ako ni Cris?! He doesn't even know that I exist! Pakulo ko lamang ang lahat Kayla at iniisip na kapag ginawa ko ito na mapahiya ka, maraming tao na tatawanan ka at baka sakaling... Iwan ka ni Dion."

"You've gone crazy." saad ni Dion.

Walang tigil ang pagtulo ng luha ko habang pailing-iling sa mga sinabi ni Rosa. Tama nga sila, mas doble ang sakit kapag nanggaling sa taong tinuring mo nang kapatid ang nag-taksil sayo. Saan ba ako nagkulang? Naging masama ba akong kaibigan kaya sa akin ginawa ito ni Rosa?

"Miss Rosa? Is that true?"

Hindi sumagot si Rosa at maya-maya lamang umalis na siya sa function hall at sinundan siya ng mga faculty members.

"We'll take care of this Miss Kayla." isang tango na lamang ang nasagot ko dahil wala na sa kondisyon ang utak ko para sumagot.

"Inggit." saad ni Dion, "Ang pangunahing dahilan kaya nasisira ang isang relasyon. Dahil iniisip nila nasa iisang kompetisyon sila na sa totoo lang dapat sila mismo ang nagtutulungan upang matungtong ang tagumpay." tumigil siya saglit bago magsalita ulit, "ng sabay."

That was the last memory I remember, it's March 13 today at ayaw kong simulan ang araw ko sa pag-alaala ng mga masamang pangyayari.

Rosa got expelled at pinadala sa isang psychiatrist. Mag iisang buwan pa lang nakaraan pero pinipilit kong kalimutan ang mga masasalimuot na pangyayari sa buhay ko. Iyon na rin ang huling balita ko kay Rosa.

"Happy birthday to you my little sunshine." bati saakin ni daddy, "Our not so baby anymore." saad ni mommy. Niyakap ko silang dalawa ng mahigpit at may kakaiba akong naramdaman. Pakiramdam na ayaw ko na kumawala sa kanila.

"Hoy bobo happy birthday," bati ni kuya, "kahit 19 ka na bawal pa rin boyfriend."

"Oo sige mag ma-madre na lang ako!" natawa sila sa sinabi ko pero hindi naman ako nag joke. Siraulo talaga pamilya ko.

"Tanda mo na Kayla, isip bata pa rin." saad sa akin ni ate. "Tsk. Mag-iingat kayo ni Dion ha! May napaginipan ako tungkol sa inyong dalawa eh kaso nakalimutan ko lang."

Ngumiti na lamang ako bilang sagot at hinalikan siya pati pamangkin ko. Pumunta ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Susunduin ako mamaya ni Dion dahil dadalhin daw niya ako sa isang lugar. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin dahil surpresa raw ito.

Naka suot ako ngayon ng isang white sleeveless fitted dress kaya kita ang kurba ng hips ko. Nag low ponytail ako para di sagabal ang buhok ko. Nagsuot din ako ng necklace na bigay ni kuya last year. Naglagay lang ako ng light make up para di naman ako mukhang alila sa tabi ni Dion. Putcha napaka pogi nung tao noh!

Natapos akong magayos sakto na narinig ko ang busina ni Dion. Lumbas ako ng bahay at nakita ko na kausap niya sila mommy at daddy. Napatigil ako saglit sa momentong iyo. Napaka perpekto ng pangyayari ngayon dahil tanggap nila daddy si Dion. Despite all the things happened, nandyan sila para saakin. Kahit na isa akong gaga noon na iwasan si Dion, hindi niya ako iniwan bagkus ay hinintay niya ang pagbabalik ko.

"Hi love," hinalikan ako ni Dion sa pisngi at napakabango ni Dion! Nakakaadik ang amoy ni Dion na hahanap-hanapin mo.

"Let's go?" tanong ni ko. Tumango naman siya at nagpaalam kila mommy. Ganun din ginawa ko.

"Saan mo ba ako dadalhin dedi?"

"Relax queen, pst." inirapan ko na lang si Dion dahil ayaw niyang sabihin sa akin kung saan kami pupunta.

Hindi nagtagal ang oras at nakarating kami sa Manila, Intramuros. Pumasok kami sa loob ng Intramuros at namangha ako kasi nakasuot sila na pang guardia sibil.

"Wow.." hindi ko ineexpect kay Dion na sa ditong lugar niya ako dadalhin. Sinabi ko kasi sa kanya dati na gusto ko pumupunta sa historical places at ngayon, he made it happen.

Nag park siya sa Banana Leaf at nagtungo ako sa tabing Mcdo non. Hinila naman ako pabalik ni Dion na may pagtatakang ekspresyon.

"Where are you going?"

"Sa Mcdo? Kakain?"

"What? I reserved us a table dito." turo niya sa hotel. Looking so lost.

"Luh! Wala akong pambayad dyan Dion! Jusko lord ito."

"Tanga ako magbabayad." wala na ako nagawa kundi magpa-hila kay Dion hanggang sa makapunta kami ng rooftop nitonf Banana Leaf.

"Nasaan ang tao?" I asked.

"Tayo ang nagmamay-ari nito ngayon, Kayla. Walang sagabal, tayo lang ang magsasayaw magdamag."

Hindi ko mapigilan mapangiti na tila wala nang bukas. Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang nagsikalat na rose petals. May bouquet pa na nasa table kasama ang candle lights.

Tanaw ang view mula sa baba ang kalawakan ng Intramuros. Kita mo ang mga tao na naglalakad na para bang mga langgam na sa liit.

Biglang tumugtog ang banda at inaya naman ako ni Dion na magsayaw. Syempre, tinaggap ko iyon.

"If only we can stay like this, forever." saad ni Dion, "I'll dance with you in the thousand stars and stare at the moon and love you."

Bahid sa mata ni Dion ang pagkaseryoso. Eyes don't lie. Hindi ako makapagsalita dahil nabibighani ako sa kanyang mata at mga salita.

Natapos kaming magsayaw at kumain. Kung ano-ano ang na pagusapan namin at puno ng katatawanan at kalokohan.

"Deene," biglang sumeryoso ang tono ni Dion nang hawakan niya ang kamay ko, "I'm not good at singing nor making songs but when it comes to you, I feel like I can do everything. I'm perfect, I can do it right..." tinanggal niya saglit ang pagkakahawak sa kamay ko at kinuha niya ang isang gitara sa likod.

"Sa kaarawan mo dedi, gusto ko maging perfect ang lahat. I want you to be happy always and forever at hinihiling ko na sana hindi ka na masaktan sa mga taong nasa paligid mo. And I made a song for you, hoping you'll seal it into your heart."

Hindi ako nagsalita at hinintay si Dion na marinig siyang tumugtog. This is the first time I will hear him sing and play kaya tutok na tutok ako sa kanya.

"This song is entitled, Para kay Deene. Hope you like it love."

"Sa bawat pagpatak ng ulan, ako'y napatitig sayo...
Nagsilbing, liwanag sa poot na daan
Ikaw ang nagsilbing aking payapa..
Ilang taon na akong, naghihintay sayo
Ilang himig pa ba bago maging tayo?

Nasa harap, mo na ang sagot, hindi pa ba iyon maliwag sa iyo?
Nasa harap, mo na ang sagot, maari na ba natin ipagpatuloy ito? Sagutin mo lang ako...

Bahala na, ang bathala, kung anuman ang parusa na tatahakin ko
Balewala na iyon sa akin, basta ba't ikaw ay akin wala nang mas hihigit

Nasa harap, mo na ang sagot, hindi pa ba iyon maliwag sa iyo?
Nasa harap, mo na ang sagot, maari na ba natin ipagpatuloy ito? Sagutin mo lang ako. Sagutin mo lang ako aking mahal ko, aking minamahal ko.."

Hindi ko alam nangyari sa mga paa ko dahil kusa na lamang ito tumayo at pumunta sa harapan ni dedi at inangkin ang kanyang mga labi. Ipinulupot ko ang mga braso sa kanyang leeg at ipinikit ang aking mga mata. Hindi agad nakapag-react si dedi sa ginawa ko pero unti-unti niyang inilapag ang gitara at niyakap ako.

Narinig ko ang mga hagikgik ng mga staff dito habang pinapanood ang maselang nangyayari sa amin ni dedi. Nailang na ako kaya tinanggal ko ang aking labi kay dedi. Kinagat ko ang aking labi at hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni dedi. Dahil sa hiya syempre! Taksil itong katawan ko dahil kung ano-ano ginagawa.

"Psh. Hey," hinawakan ni dedi ung baba ko at iniharap sa kanyang mga mata. All I can see is happiness. "Kung na nanaginip man ako sana huwag na matapos ito dahil wala nang mas sasaya pa na maramdaman na sa wakas mahal mo na rin ako."

Kahit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pilit pa rin akong ngumiti, "Mahal naman talaga kita dedi, ngayon ko lang napatunayan talaga iyon at tsaka hindi ito panaginip! Totoo ito noh! Kaharap mo ako.." napahawak ako sa dibdib ko dahil kumirot ito bigla pero pinagpaliban ko na iyon.

"I love you forever and ever as always, Deene." siniil ako ng yakap ni dedi kaya ginantihan ko rin iyon.

"I will, too." we stayed like this for a while nang napagdesisyunan namin na lumabas para makapaglibot sa kalawakan ng Manila.

Kung saan-saan kami napadpad ni Dion at pumunta pa kami ng Museo at walang sawa siyang kinukuhanan aki ng litrato. Kapag may napapadaan na nagbebenta ng dirty ice cream binilihan niya ako hanggang sa makaabot ng 19 ice cream. Iyon daw ang magiging birthday cake ko.

"Magkakasakit ako sa ginagawa natin dedi eh!" saad ko habang pinipilit na ubusin itong ice cream.

"Edi sasamahan kitang magkasakit." sambit ni dedi na walang bahid na biro.

Hindi na ako nakaangal at inubos na lang ang ice cream. Pagdadasal ko na lang na sana wala na kaming madaanan na nagbebenta nito.

Natapos ang araw na puno ng kasiyahan at kalokohan namin ni dedi. Aaminin ko na nagiging buo ang araw ko kapag kasama si dedi ngunit may parang kulang sa loob ng puso ko. At sumasakit lamang ang ulo ko kapag pilit na inaalam iyon.

Nandito kami ngayon sa bar at nagiinom. Ito ang tambayan namin ni dedi kapag wala na kami mapuntahan at mag a-alas-otso na ng gabi at nakakarami na rin kami ng iniinom kaya inaya ko na si dedi na umuwi na.

"Hoy Dion!" saad ko habang gumegewang papuntang sasakyan, "Kaya mo pa ba magdrive?"

"Of course! Do you think I'm weak?" inalalayan ko si Dion dahil bumagsak na siya lapag, "Fuck! Ang dami kong nainom."

"I can drive pa naman dedi, di pa naman ako ganon kalasing."

"No! You won't." nakarating na kami sa sasakyan at inupo ko siya sa passenger's seat.

"Give me the keys Dion, I can drive. Tsaka baka maaksidente pa tayo kapag pinilit mo magdrive."

Walang malay na binigay saakin ni Dion ang susi ng kotse kaya pumunta na ako sa kabilang side. Buti na lang tinuruan ako ni daddy magdrive kundi tutunganga kami ngayon dito.

Buti wala masyadong sasakyan at hindi pa traffic kaya di ako nahirapan. Tinitignan ko si dedi at natutulog siya ngayon. Hindi ko maiwsan na mapangiti dahil kasama ko ang mahal ko sa araw ng kaarawan ko.

"Pangako Dion, sasamahan kita hanggang sa dulo ng hininga ko."

Tinutok ko na ang aking atensyon sa pagmamaneho nang sumakit nanaman ang ulo ko. Hindi ko mapigilan na mapahawak dito kaya nawalan ako ng kontrol sa manibela at kahit anong pilit kong ibalik ang mata sa daan, ang nakikita ko lamang ay liwanag.

Hinawakan ko pa rin ang manibela at sinusubukan na igilid ang sasakyan. Naramdaman kong nagising si Dion at nagaalala ang itsura kaya dali-dali niyang tinaggal ang seatbelt ngunit huli na ang lahat dahil bumangga kami sa poste.

Nawawalan na ako ng malay at nanghihina nang makita ko ang duguan at nakalabas na katawan ni Dion sa windshield. Pilit kong abutin ang kamay ni Dion habang walang tigil ang pag-buhos ng aking mga luha.

"D-dion... Gising.. Dion.." nangangatog na ang katawan ko at nanginginig. Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, gusto kong kumalas ngunit wala na akong lakas dahil malaki na rin ang pinsala ko. "Dedi.. Huwag mo ko iiwan.. Parang awa mo na.."

Pilit kong iginagalaw ang kamay ko para abutin si Dion, nakita ko ang maliit na pinky promise tattoo namin ni dedi. Mas lalo lang ako nanghina nang makita ko ang mga tao na kukumpulan sa labas. Bago ko pa maabot ang kamay ni dedi nawalan na ako ng malay.

Gagawin ko ang lahat Dion mabuhay ka lang... Kahit buhay ko pa ang kapalit noon.

---
Edi wow.

Epilogue na next! :)))

Ps. Ako ung gumawa ng song ni Dion anddddd I'll make a video of it hehe magsawa kayo sa boses ko.

Pps. Walang kuhanan ng kanta ha! Chosssssss assumera lang HAHAHAHAHAHA GBYE.

Continue Reading

You'll Also Like

156K 11.8K 35
Hindi naniniwala si Joella sa true love. Para sa kanya hindi nag e-exist sa mundo ang true love. Dahil kung totoo ang true love bakit iniwan nang tat...
27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...