Scarlet Princess

By btgkoorin

189K 10.2K 1.7K

Upang magpatuloy ang kaayusan at kaligtasan ng bayan ng Fiore, kailangan nilang sundin ang isang napakahalaga... More

Simula🔥
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Thank You!

Kabanata 17

4.2K 264 5
By btgkoorin

[ FLAIRE ]


Matapos umalis ni Haring Draven ay nagpatuloy ang pagdiriwang. Bumalik rin kami ni Prinsipe Alixid sa pwesto namin at magsimulang kumain.

Kahit na balik ang lahat sa kasiyahan ay nanatiling tahimik ako. Napansin 'yon nina Zack at Nathe pero tumahimik lang sila. Nagtataka naman akong napatingin sa upuan ni Vesiana.

"Saan si Vesiana?," tanong ko.

"May pupuntahan daw pero babalik din sabi niya."

Tumango ako at tinapos ang pagkain. Wala ako sa kondisyon para kumain ng marami tulad ng nakasanayan ko. Nababahala pa rin ako sa tingin sa akin ng mabigat na panauhin na tinutukoy kagabi ni Prinsipe Alixid.

Atsaka di ko kayang magsaya kung ganito yung nararamdaman ng puso ko. Pero, kaya kong ngumiti ng peke na hindi mahahalata ng kahit sino.

Oras na para sa sayawan sa gitna ng bulwagan at marami na ang nagsasayaw. Tumayo sina Zack at Nathe at nagpaalam na may pupuntahan. Di pa rin bumabalik si Vesiana kaya kaming dalawa na lang ng Prinsipe ang natira.

Habang nakaupo ay patuloy ako sa panonood ng mga magsasayaw sa gitna at nakuha ng atensyon ko ang nagsasayaw na magkasintahan. Napangiti ako ng mapait. Pangarap ko dati pa ang maisayaw ni Prinsipe Acnus. Parangap na hindi na matutupad. Pangarap na biglang naglaho sa isang saglit. Napangiti ako ng mapait.

Inilihis ko ang tingin at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita si Fheira na nakatingin din sa akin. Malungkot ang mga tingin niya sa akin habang inilipat ang tingin sa tinitingnan ko kanina. Umiwas ako ng tingin at napahinga ng malalim.

Isang kamay ang nakalahad sa akin at agad akong magtaas ng tingin sa may-ari nito. Seryosong mukha ni Prinsipe Alixid ang naghihintay na tanggapin ko ang mga kamay niya. Ngumiti ako at tinanggap ito.

Inalalayan niya akong tumayo at pumunta kami sa gitna. Ipinatong ko ang kanang kamay sa balikat niya at ang kanyang kaliwang kamay ay nasa bewang ko na. Ang aming natitirang kamay ay magkawak habang sumasabay sa himig ng malumanay na kantang itinutugtog.

Sinalubong ko ang tingin niya at ganun na lamang ang pnaghihina ko. Di ko kayang sabayan ang uri ng pagtitig niya. Naninibago ako sa mga pinapakita at sinasabi niya kanina pa. Para mawala ang awkward na nararamdaman ay nakuha kong ngumiti at kinausap siya.

"Akala ko wala nang magsasayaw sa akin. Sayang ang ganda ko sa gabing ito pero buti na lang niyaya mo ako." Tumawa pa ako. Pero natigil din nang hindi nagbago ang emosyon niya. Seryoso pa ring nakatitig sa akin.

"Prinsipe Alixid?"

"Hmm?" Nagtataka ko siyang tiningnan. Madalas ay binabara niya ako pero bakit ngayon ay hindi.

Bumitaw ako at hinawakan ang noo niya. Ang init. Nanlalaki ang mga matang hinila ko siya sa gilid at kinapa ulit ang noo niya at leeg. Ang init talaga.

"Paano ka nagkaroon ng lagnat? Wala naman akong natandaan na nagpaulan ka Prinsipe Alixid."

Maayos pa siya kanina pero ngayon kitang kita sa mata niya na namumula at parang nanghihina. Hinawakan ko siya sa kamay at umalis kami.

Tumungo kami sa kwarto niya at inilalayan ko siyang humiga sa kanyang kama. Bigla akong nakaramdam ng inis at sinermonan siya.

"May sakit ka na pala bakit di ka nagsasabi!"

Tinulungan ko siyang hubadin ang suot at kumuha din ako ng pamalit niyang damit at short. Tumalikod ako nang magpalit siya.

"Tapos na."

Hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bakit di ka nagsasabi na masama ang pakiramdam mo? Paano kung hindi ko kinapa noo mo at bigla ka na lang dun nawalan ng malay! Naku Prinsipe Alixid!"

Hindi siya sumasagot kaya mas lalo akong nainis. Panay lang ang titig niya sa aking nag-aayos ng kumot niya.

"Kukuha lang ako ng mainit na tubig. Dito ka lang. Maliwanag?"

Tumango siya at agad nan akong lumabas ng kwarto niya at kahit naka gown ay pumunta ako sa kusina. May nakasalubong akong tagapagsilbi na agad kong inutusan na magpakulo ng mainit na tubig para sa ikalawang prinsipe. Habang naghihintay ay lumabas muna ako.

Nakatayo lang ako sa harapan ng pinto habang tinatanaw ang maliwanag na buwan. Nayakap ko ang sarili sa lamig ng hanging dumdampi sa balat ko. Para maibsan ang lamig ay nagpalabas ako sa kamay ng maliit na apoy. Pinaglalaruan ko ito hanggang sa makarinig ako ng tikhim.

Napaatras ako nang makita ang isang anino mula sa madilim na ilalim ng punong nasa gilid ko. Lumabas iti at ganun na lamang ang kabang nararamdamn ko nang makilala ito.

Kanina pa siya umalis pero bakit nandito siya sa harap ko.

"Napakaganda ng iyong apoy. Nais ko sanang makita ito muli at sana'y mapagbigyan mo ako."

Akmang tatalikod na ako pero natigilan ako sa sinabi niya.

"Kilala ka sa bayan ng Fiore pero mas gusto kong mula sa bibig mo mismo manggaling ang pangalan mo."

Sa halip na sagutin siya ay iba ang lumabas sa bibig ko.

"Umalis ka na Mahal na Haring Draven bago pa ako tumawag ng mga kawal." Sa halip na masindak sa sinabi ko ay tumawa lamang siya na akala mo ay biro lamang ang sinabi ko.

Bigla siyang naglaho pero narinig ko pa ang mga katagang iniwan niya.

"Mag-iingat ka."

Nangunot ang aking mga noo. Mag-iingat ako? Tinutukoy ba niyang sa kanya? Malamang, kilala ang angkan ng itim na apoy sa malulupit na angkan lalo na ang hari nila. Dapat nga akong mag-ingat sa kanya.

"Miss Flaire?"

Nanlalaki ang mga matang bumalik ako sa loob at nakita yung tagapagsilbi na may dalang mainit na tubig na nakalagay sa isang maliit na planggana. Kinuha ko ito at nagpasalamat.

Nakalimutan ko yung gagawin ko dahil sa hari na yun. Bakit kaya siya naroon? Para kausapin ako? O kaya may iba siyang hinihintay pero ako ang naabutan niya. Baka nga.

Pagkabalik ko sa kwarto ni Prinsipe Alixid ay naabutan ko siyang nakatingin sa labas ng bintana. Agad kong ibinaba ang dala at lumapit sa kanya. Isinara ko rin ang bintana.

"Lalamigin ka!"

Hinila ko siya pabalik sa kama at pinahiga. Wala naman siyang imik kaya napatingin ako sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa pagiging seryoso ng mukha niya. Parang galit siya.

Umiwas ako ng tingin at kinuha yung dala ko. Naghanap naman ako ng tela para ipunas sa kanya.

Naisip ko din kanina na ipaalam sa Mahal na hari at reyna ang kalagayan niya pero ayaw ko lang na mag-alala pa sila. Ako ang binilinan nila kaya dapat lang na alagaan ko ang prinsipeng ito.

Sinimulan ko siyang punasan sa mga braso, sa leeg, sa mukha at pupunasan ko rin sana ang dibdib niya pero nahihiya ako.

"Pwedi bang ikaw na lang ang magpunas sa...sa..." Tinuro ko na lang at mukhang naintindihan niya rin kaya kinuha niya sa akin ang pamunas at siya na ang gumawa. Nakatingin lang ako sa paligid at iniiwasang makita ang ginagawa niyang pagpunas.

Inilahad niya sa akin ang pamunas at kinuha ko ito para ibabad sa maligamgam nang tubig at inilagay sa noo niya para sipsipin nito ang init.

Tatayo na sana ako nang bumalik ako sa pagkakaupo sa tabi niya dahil sa paghila niya sa akin.

"Anong ginawa niya sayo?"

Nagulat ako at hindi agad nakapagreak.  Nakita niya kaya ang nangyari sa labas.  Malamang kaya tinanong niya ako. Kaya siguro naabutan ko siya sa bintana.

"Wala naman."

"Paano kung saktan ka niya anong magagawa ng tapang mo? Paano kung mapahamak ka sa kamay niya? Di ka ba nag-iisip, Flaire?"

"Wala naman siyang ginawa sa akin may sinabi lang."

"Anong sinabi niya?"

"Mag-iingat daw ako."

Napansin ko ang pagbago ng ekspresyon niya at napalitan yun ng pagkabahala na nagpataka sa akin. Bakit siya nababahala? Iniwas niya ang tingin sa akin at pumikit. Binitawan na niya na rin ang kamay ko. Nanatili ang tingin ko sa kanya nang may mapagtanto ako. Napangiti ako ng nakakaloko.

"Nag-aalala ka ba sa akin, Prinsipe Alixid?" Napamulat siya at nang makita ako ay sinimangutan niya lang ako at pumikit ulit.

Napatawa naman ako at sinundot siya sa tagiliran pero wala man lang siya reaksyon. Natigil lang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napatingin kaming pareho sa nagbujas niyon.

"Kaya pala nawala kayo bigla kasi mas gusto niyong magsolo. Sige, aalis na kami. Kinompirma lang namin yung hinala naming may ginagawa kayong kababalaghan at di nga kami nagkakamali."

"Dapat lalaki yung unang bunga ha!"

Agad kong kinuha ang sandalyas ko at ibinato sa pintuan pero agad itong nagsara kaya yung pinto ang tinamaan.

"Gago talaga silang dalawa!" Kainis! Bwesit! Lintik na mga utak na 'yan! Sarap sunugin nilang dalawa!

Napatingin naman ako kay Prinsipe Alixid nang marining ang tawa niya.

"Isa ka pa! Sabihin mo nga sa akin bakit ka nagkasakit? Bilisan mo!"

"Inuutusan mo ba ako? Ako ang Prinsipe---"

"Pakialam ko. Bakit ka nga nagkasakit?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Nagbabad ako sa ilog kagabi."

Napahawak ako sa noo ko at hinilot-hilot ito. Ano bang nangyayayti sa utak ng magkakaibigan na ito? Parehong may mga tama.

Sumasakit yung ulo ko. Parang gusto ko na lang matulog. Nakaramdam na ako ng pagod sa buong araw na ito. Tahimik akong tumayo at inayos ang gown na suot.

"Magpahinga ka na." Sabi ko at iniwan siya. Di ko na siya nilingon pagkalabas ko.

Balak kong bumalik sa pagdiriwang para kumuha ng alak at saka dalhin sa kwarto para doon uminom. Pero biro lang ayaw ko ngang malasing at magising na masakit ang ulo.

Tumuloy ako sa kwarto ko at nahiga.

"Ngayong gabi ay nais ko rin ipakilala sa inyong lahat ang babaeng iniibig ko, ang kasintahan ko, si Yumina."

"Simula ngayon hindi kita hahayaang mawala sa tabi ko."

"Mag-iingat ka."

Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon sa mga salitang yan. Pakiramdam ko simula nang pumasok ako sa Palasyo nagulo yung buhay ko, yung isip ko, yung puso ko.

*****

Note: Kapit lang kahit medyo di ko nasusunod yung nasa story outline ko haha. Kahit naka-fixed na yung plot kapag umiral talaga pagiging malawak ng imahinasyon ko nagbabago.

-btgkoorin♡

Continue Reading

You'll Also Like

172K 22.9K 97
(TO BE PUBLISH UNDER IMMAC PPH) SANTUARIAN DOULOGY #1 Katana already has the material things all her life but she's not happy all along because she f...
167K 5.7K 55
She lived a normal life for 18 years. Until one day, she discovered that she's different from everyone around her. That she's a Mermaid and she has...
ZOMBREAK By Angge

Science Fiction

251K 12.7K 62
Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Self-reliant? If you have or can do this t...
138K 6.7K 32
Vampire × Fantasy × Mystery/Thriller Highest Rank Achieved: #6 in Mystery #7 in Vampire #81 in Action