His Story To Tell (R-18)

By darlinreld

555K 19K 8.4K

How will you correct the mistake that you've done because of your past? More

Teaser
HSTT - 1
HSTT - 2
HSTT - 3
HSTT - 4
HSTT - 5
HSTT - 6
HSTT - 7
HSTT - 8
HSTT - 9
HSTT - 10
HSTT - 11
HSTT - 12
HSTT - 13
HSTT - 14
HSTT - 15
HSTT - 16
HSTT - 17
HSTT - 18
HSTT - 19
HSTT - 20
HSTT - 21
HSTT - 22
HSTT - 23
HSTT - 24
HSTT - 25
HSTT - 26
HSTT - 27
HSTT - 28
HSTT - 29
HSTT - 30
HSTT - 31
HSTT - 32
HSTT - 33
HSTT - 34
HSTT - 35
HSTT - 36
HSTT - 37
HSTT - 38
HSTT - 39
HSTT - 40
HSTT - 41
HSTT - 42
HSTT - 43
HSTT - 44
HSTT - 46
HSTT - 47
HSTT - 48
HSTT - 49
HSTT - 50
HSTT - 51
HSTT - 52
HSTT - 53
HSTT - 54
HSTT - 55
HSTT - 56
HSTT - 57
HSTT - 58
HSTT - 59
HSTT - 60
HSTT - 61
HSTT - 62
HSTT - 63
HSTT - 64
HSTT - 65
HSTT - 66
HSTT - 67
HSTT - 68
HSTT - 69
HSTT - 70
HSTT - 71
HSTT - 72
HSTT - 73
HSTT - 74
HSTT - 75
HSTT - 76
HSTT - 77
HSTT - 78
HSTT - 79
HSTT - 80
HSTT - 81
HSTT - 82
HSTT - 83
HSTT - 84
HSTT - 85
HSTT - 86
HSTT - 87
HSTT - 88
HSTT - 89
HSTT - 90
Epilogue
HSTT: Special Chapter 1

HSTT - 45

5K 170 63
By darlinreld

🖤🖤🖤

Papunta ako ngayon sa sakahan na sinasabi ni Kuya Ryoga. Tinotoo niya talaga ang sinabi niya. Talagang magiging magsasaka nga siya. Hindi ko maiwasang matawa habang naglalakad ako papunta sa kung saan sila naroroon ni Lolo Carding. Si Lolo Carding kasi ang makakasama nito sa bukid.


"Nako, Coleen. Tiyak na matutuwa ang Lolo Carding mo nito pati ang Kuya Ivan mo." Masayang sabi ni Lola Esther na siyang kasama ko naman sa pag lalakad.

May dala dala siyang bilao na may kalamay at ako naman ay bitbit ko ang isang basket na may sandwich, juice, tubig at pancit. Nagpa turo kasi ako magluto ng pansit kasi gustong gusto ni Kuya Ryoga 'yung niluto ni Lola e.

"Tiyak nga po 'yun, Lola." I answered back.

Huminto kaming dalawa sa isang malaking puno at may papag sa may silong nito. Inilapag ko roon ang basket at gayon din ang bilao na hawak ni Lola Esther.

"Buti nalang hindi mainit ngayon. Ayun si Ivan, oh. Aba't napaka gwapong bata."

Tinuro niya sa akin si Kuya Ryoga na nag aararo habang wala itong damit na pang itaas. Naka sumbrero siya at napaka liksi niya sa pag kilos. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinapanood siya sa ginagawa niya.

"Gwapo po talaga 'yang si Kuya, Lola." I said at umupo ako sa may papag.

Pinaypayan ko ang sarili ko dahil parang nag iinit ang katawan ko habang pinapanood siya. Potaenang 'yan! Ang aga aga pa para sa pakiramdam na ito.

"Siguro maraming babae ang nagkakagusto sakaniya ano? Pero mukha naman siyang matino at desenteng lalaki."

Pinigilan kong matawa sa sinabi ni Lola. Desenteng lalaki? Jusko! E daig pa pokpok niyan.

"Babaero po 'yan, La. Huwag po kayo papalinlang sa itsura niya."

"Ay, ganoon ba? Ilabas mo na 'yang mga pagkain sa basket at tatawagin ko muna sila."

"Ay ako na ho!" Mabilis akong tumayo para pigilan siya.

"Ako na iha. Maputik doon at baka madulas ka pa."

Nag simula na siyang maglakad at naiwan akong mag isa rito. Inayos ko na lamang ang mga pagkain sa mahabang papag para pag dating nila ay kakain na lamang.

"Baby!" I looked back when I heard Kuya Ryoga's voice.

May soot soot na siyang damit ngayon. 'Yung damit na pang magsasaka. Kulay itim ito at sobrang gwapo niya pa talaga.

Sinalubong niya ako ng yakap at sininghot ko agad siya kung amoy pawis ba or araw pero mabango pa rin. Ang unfair naman! Ba't walang amoy maasim?


"Ba't hindi ka maasim o 'di kaya'y amoy araw?" Tanong ko nang humiwalay siya ng yakap sa akin. Inamoy niya ang sarili niya atsaka niya ako tinignan.

"Feeling ko nga mabaho na ako e."

"Hindi. Mabango ka pa rin."

"Ang sweet niyo namang mag kapatid." Komento ni Lola Esther at nandirito na rin pala sila.

"Mahal na mahal ko po kasi 'tong kapatid ko, Lola." Sagot ni Kuya Ryoga atsaka niya ako inakbayan.

"Naku. Mabuti 'yan. Huwag kayong gagaya sa ibang mag kapatid na nag aaway away. Hindi maganda 'yung ganon."

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Lola. Bigla kong na alala si Kuya. Magka away kami ngayon at hindi ko alam kung kailan ba kami magkakabati.

"Natural lang naman po sa magkakapatid ang mag away pa minsan, La." Sagot ni Kuya Ryoga.

Hinigpitan niya ang pagkaka akbay niya sa akin atsaka ngumitiz Mukhang napansin niya ang pag tahimik ko.

"Oo pero mas mabuti pa rin kung walang away."

"Ano pong dala niyong pagkain?" He asked to change topic.

Hinila niya ako paupo sa papag atsaka siya kumuha ng plato.

"Ay nag luto ng pansit si Coleen. Tinuruan ko siya dahil ang sabi niya gustong gusto mo raw 'yung pansit na dala ko kahapon."

"Ah opo. Masarap po lalo na kapag kinakamay."

Kuya Ryoga looked at me at sinamaan ko siya ng tingin dahil iba ang sinasabi ng mga mata niya. I know what it is! Gosh.

"Ivan, gumamit ka dapat ng tinidor. Huwag mong kamayin." Lolo Carding said.

"Hala heto. Tikman niyo 'tong kalamay na ginawa ko."

Inabutan kami ni Lola Esther ng kalamay. We started to eat and Kuya Ryoga is still sweating. Kinuha ko ang bimbo na dala ko atsaka ko pinunasan ang mukha niya.

"Grabe naman 'yang pawis mo, Kuya."

"Hot ako e."

"Nga pala, Ivan. Nasaan ang mga magulang niyo at kayong dalawa lang ng kapatid mo rito?" Tanong ni Lola Esther.

Pasimple kong siniko si Kuya Ryoga para sumagot.

"Ah wala na po. Dalawa nalang po kami." He answered.

"E si Coleen ba hindi mag aaral? Tapos ka na ba ng highschool iha?"

"Ah ano po, opo. Tapos na po." I answered.

"Mabuti kung ganon. Gusto mo bang mamasukan ng trabaho sa bayan? Baka naiinip ka rito."

"Ah hindi po siya pwede mag trabaho, Lola. Madali po siyang mapagod e."

"Ay ganoon ba? O siya sige. Kumain na kayo."

We continued eating habang nagki kwentuhan pa rin kami. Nagbibigay ng information si Lola Esther tungkol sa mga magagandang lugar dito. Marami raw palang pasyalan dito. Mga tourist spots ganon. Kung sabagay more on environment talaga rito e.


"Sa darating na Sabado mag punta kayo sa amin."

"Ano pong meron, Lo?" I asked.

"Birthday ko."

"Wow! Sana marami pa pong dumating na birthdays sa inyo." Kuya Ryoga said.

Buti pa kay Lolo Carding e maganda ang sinabi niya samantalang sa tatay niya hindi ganyan.

"Sana nga iho."

"Huwag po kayo mag alala, pupunta po kami."


Matapos naming mag meryenda ay nag pahinga lamang sila nang sandali at bumalik sa pagtatrabaho. Nauna nang umalis si Lola Esther dahil magluluto pa ito nang hapunan daw nila mamaya. Nagpaiwan ako rito dahil gusto kong makasabay si Kuya Ryoga na umuwi. Gusto ko rin siyang panoorin sa ginagawa niya.

I can clearly see a happy Ryoga on his face. Parang enjoy na enjoy siya sa kung anong ginagawa niya. Actually, this is the first time I saw him genuinely happy.

Nakatitig lamang ako sakaniya at pati ako ay napapangiti. Mas lalo akong naiinlove kainis! He stopped from what he is doing atsaka siya tumayo nang matuwid. He showed a finger heart to me and I did the same too.

"Aylabyu!" He shouted at pinanlakihan ko siya ng mata dahil baka mag isip nang kung ano si Lolo Carding sakaniya.

I think this new life with him will be good for us.


-



"Rej, okay na ba 'tong regalo na 'to para kay Lolo?" Tanong niya sa akin habang nag aayos ako sa harapan ng salamin.

Sabado ngayon at ngayon ang birthday ni Lolo. Hindi na kami bumili ng regalo sa mall dito dahil nakabili na si Kuya Ryoga ng gift online. Pinadeliver niya mismo dito at hindi ko alam kung magkano ang binayad niya.

"Ano ba 'yan?"

"Relo. Gusto ko siyang bilhan ng bahay kaso baka mag trending tayo. Lowkey lang tayo."

"Okay naman ang watch. Magkano bili mo?" I asked at nag lagay ako ng lipstick.

"1.5 M."

Lumampas ang lipstick sa labi ko atsaka ko siya hinarap. 1.5 million?! Ampota talaga!

"Akala ko ba lowkey lang?"

"Ano ba 'yang lipstick mo nag kalat."

Lumapit siya sa akin atsaka niya pinunasan ang labi ko.

"Masyado mong ginagandahan. Baka mamaya may magkagusto sa'yo ron."

"Wow ha. Ikaw nga pormang porma ka e. Hindi ka mukhang farmer." Pang aasar ko sakaniya.

"Syempre para makarami akong chix don. Ayos ba? Gwapo ko ba?"

"Bwisit ka!"

Tinalikuran ko siya atsaka ako ulit umupo. Inayos ko ang lipstick ko at inis na hinarap ang salamin. Mas lalo akong nainis dahil pa tawa tawa pa siya.

"Selosa naman this ghorl."

"Huwag mo akong kausapin."

"Joke lang e. Ikaw lang ang nag iisang chix sa buhay ko. Ayiiiee! Gusto mo 'yon?"

Lumapit siya sa akin atsaka niya ako hinila patayo. Siya ang umupo sa upuan ko at kinandong niya ako sa mga hita niya habang nakayakap siya sa akin mula sa likuran ko.

"Ikaw lang ang baby girl ko. Okay?"

He kissed my shoulders dahil naka exposed ang mga ito. Naka off shoulder dress ako samantalang siya ay naka polo at ripped jeans.

"Nako siguraduhin mo lang talaga. Kung hindi konyat ka sa'kin."

"Retired babaero na 'ko, baby."

"So aminado ka talagang babaero ka ha?"

"Noon lang iba na ngayon. Kasi tayo na."

"Landi mo naman."

He started to touch my chest while he's kissing my shoulders. Napapikit ako nang i massage niya ang dibdib ko. I can feel his hands even though I still have my clothes. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakatitig siya sa salamin at pinapanood ang reaksyon ko.

"Oh, tama na. Masyado ka nang nasasarapan. Makikipag birthday pa tayo." He said at tinulak niya ako patayo.

"Bwisit." And he just laughed.



Ginamit namin ang kotseng dala dala namin papunta kina Lolo Carding. Buti nalang 'yung kotse na dala niya ay hindi sports car, kung hindi baka mag agaw eksena pa kami ron.


"Baka maligaw tayo ha?" Paalala ko sakaniya.

"Kabado ka naman masyado. Kabahan ka kapag hindi ka niregla."

"Ikaw ang bastos mo talaga."

Kahit kailan 'yung bibig niya e walang preno. Sasabihin niya talaga ang mga bagay na gusto niyang sabihin.

"Gustong gusto mo naman." Nakangiti na sagot niya.

"Edi wow."




Huminto ang kotse na sinasakyan namin sa isang bahay kubo na may malaking bakanteng lote. Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng gate na gawa sa kahoy atsaka kami bumaba ng kotse.

"Ang dami yatang tao." I said habang hinihintay ko siyang i check ang mga lock ng pinto ng kotse.

May mga tricycle kasi na nakaparada at mga bisikleta. May isang kotse rin ang nandirito at naka park. Kanino kaya 'to? Mamahalin e.


"Nahihiya ka ba? Uutusan pa man din sana kitang mang hingi ng pabalot mamaya para hindi na tayo mag luto ng hapunan." Sabi niya.

"Kumain nalang tayo ng marami para 'di na tayo kakain mamaya."

"Talino mo naman baby. Wais ka."

Inakbayan niya ako atsaka kami pumasok sa loob ng gate. Pagkapasok namin ay tama nga ang hinala ko. Marami ngang tao. May mga kumakain, may mga nag iinuman at may mga nag vivideoke at sumasayaw pa. Ganito pala ang mga party sa probinsya? First time ko 'to. Mukhang masaya.

"Ivan! Coleen! Naku! Kanina ko pa kayo hinihintay." Salubong ni Lola Esther sa amin na may party hat pa sa ulo.

"Nasaan po si Lolo Carding, La?" Tanong ko.

"Andoon sa loob at kausap ang dati naming amo na si Mikmik."

"Mikmik? Sino po 'yun?"

"Si Mikael. Anak siya ng may ari ng hacienda rito. Halikayo at pumasok para mabati niyo ang lolo niyo at makilala niyo si Mikmik."

Sumunod kami kay Lola Esther at ramdam ko ang mga tinginan ng mga tao sa amin. Inilibot ko ang paningin ko at maraming kababaehan ang nandirito ang nakatitig kay Kuya Ryoga. Isa isa ko silang tinignan ng masama at nag iwas tingin naman agad sila.


"Baby, don't kill them by your looks. Dayo lang tayo rito. Baka mamaya abangan tayo sa kanto ng mga 'yan." Kuya Ryoga whispered to my ears.

"Manahimik ka."


Pumasok kami sa bahay kubo nila Lolo at Lola. Nang makapasok kami sa maliit na sala nila ay naroroon si Lolo Carding kausap ang isang binata. Malamang ito 'yung Mikmik. Parang ka edad ko lamang siya o matanda sa akin ng isa hanggang dalawang taon? Ewan!

"Carding, nandito na ang magkapatid."

Nilingon kami ni Lolo Carding at agad itong tumayo para salubungin kami. Yumakap ako atsaka siya binati.

"Happy birthday po, Lo." Masayang sabi ko.

"Happy birthday, Lo." Bati rin ni Kuya Ryoga at yinakap niya rin ito. Inabot niya ang regalo namin sakaniya.

"Heto po ang regalo namin ng kapatid ko. Sorry at 'yan lang po ang nakayanan nang isang katulad ko."

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Napaka yabang!

"Naku iho! Nag abala ka pa. Pero maraming salamat sa inyong dalawa lalo na't naka dalo kayo. Esther, e bigyan mo na sila ng pagkain! Maupo kayo rito."

Umupo kami nang magkatabi ni Kuya at kaharapan namin si Mikmik. Nakatitig siya sa akin at medyo naasiwa ako sa way nang pag tingin niya. Crush niya yata ako?

"Mikmik, sila nga pala 'yung kinikwento ko sa'yo na magkapatid na bagong salta rito sa atin. Si Ivan at Coleen."

"Hi, nice to meet you." He said at sa'kin lamang siya nakatingin.

Inabot niya ang kamay niya at hindi pa man ako nakakapag desisyon kung tatanggapin ko ba o hindi, ay agad nang nakipag kamay si Kuya Ryoga sakaniya at siya ang tumanggap nito.

"Sana nice rin na mameet mo 'ko." He said while smiling.

"Ofcourse."

Bumitaw si Mikmik sa pakikipag kamayan at pansin ko ang pamumula ng kamay niya. Tinignan ko si Kuya Ryoga at nakataas lamang ang kilay nito kay Mikmik habang naka ngisi. Gosh! Mukhang sinaktan niya e!

"Ah-eh, okay lang ba kayo?" Tanong ni Lolo Carding marahil ay pansin nito ang tension sakanila. Kadarating lang namin tapos ganito na agad?

"Okay lang po, Lo." Sagot ni Kuya Ryoga atsaka siya umusog sa akin.

Pinulupot niya ang isang kamay niya sa bewang ko at napako roon ang tingin nitong si Mikmik.

"Oh, Ivan at Coleen! Heto na ang pagkain. Kumain na kayo."

Nilapag ni Lola Esther ang mga pagkain sa lamesa at inabutan ko ng plato si Kuya Ryoga. Tahimik kaming kumain na dalawa habang nag uusap pa rin si Lolo Carding at si Mikmik. Hindi ko na pinag tuunan ng pansin ang pinag uusapan nila dahil busy ako sa mga pagkain. Ang sarap! Ano kayang tawag sa mga 'to? Ngayon lang ako nakakin ng ganito e.


"Ivan, apo? Umiinom ka ba?"

"Opo kaso mahina lang po akong uminom e." Sagot ni Kuya Ryoga. Sinungaling ampota.

"Ganon ba? Kaya mo kayang inumin 'tong lambanog?"

"Wala po bang lason 'yan?" I asked.

"Lason?" Tanong ni Mikmik.

"Oo. Kase sa mga balita ngayon maraming namamatay dahil sa pag inom ng lambanog."

"Si Lolo Carding mismo ang gumawa niyan. So it's safe." He answered.

"Sige po, Lo. Shot tayo. Seseminar ko kayo kung paano maging strong."

"Thought you were weak?" Mikmik asked Kuya.

"Lowkey." Mayabang na sagot nito.



Nang matapos kaming kumain ay inaya na kami sa labas para roon magsaya. Hindi inaalis ni Kuya Ryoga ang kamay niya sa bewang ko kahit pa ngayon na naka upo na kami rito at nakikipag inuman siya sa mga ibang bisita.

Dikit na dikit siya sa akin at itinaas niya na rin ang off shoulder na dress ko para hindi raw makita ang mga balikat ko. Pansin ko kasing kanina pa ako pinag titinginan ng ibang mga lalaki.


Napag alaman din namin na dati palang barangay captain si Lolo Carding kaya ganito karami ang visitors niya. So in short, famous siya rito sa lugar nila.


"Coleen, do you drink?" Mikmik asked habang pinapakita niya sa akin ang isang baso.

"Ah, no. Siya lang." I said.

Ayaw ko namang ipakita ang weak side ko rito at baka mamaya malasing ako, malandi ko nang wala sa oras ang kunwaring kapatid ko.

"Okay."


Sa mga naunang mga tagay ay ako lamang ang kinakausap ni Kuya Ryoga pero 'di kalaunan ay nakuha niya na ring makipag halubilo sa mga kasama namin dito. Nakikipag tawanan na rin siya even with Mikmik. Habang ako naman ay nag lalaro gamit ang cellphone niya. Wala akong kausap e. Loner ako.


"Kung gusto niyong mag libot dito sa lugar natin, marami kayong mapupuntahan. Pero mag ingat nga lang kayo sa gabi sa daan at maraming loko loko riyan." Dinig kong sabi ng isang bisita. They are talking about tourist spots dahil nag tanong si Kuya.

"May beach ba rito? Mahilig kasi sa beach ang kapatid ko."

"Oo, meron. Actually malapit lang siya sa hacienda namin. I can tour you around if you want." Mikmik said.

"Sure."


"Kuya pogi."

Automatic na tumaas ang paningin ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Hindi nga ako nagkamali. Si Kuya Ryoga ang tinatawag niyang pogi.

"Ano 'yun?" Mabait na tanong niya. Plastic pala 'to sa mga strangers?

"Ahm, pwede raw po bang malaman ang pangalan niyo?"

"Oo naman." Mabilis na sagot niya. The hell?

"Ivan ang pangalan ko."

"Sige po." Nakangiti na sabi ng babae atsaka ito umalis.

"Wow ha." Inis na bulong ko at binalik ko ang sarili ko sa paglalaro.

I felt his hand on my lap and he gently squeezed it. Hindi niya na inalis ang kamay niya sa hita ko at pumirmi ito roon.

"E ikaw ba Ivan, wala ka bang nobya na naiwan sa lugar niyo bago kayo nag punta rito?" Dinig kong tanong nanaman ng isa.

"Wala po. Sinama ko po siya."

"Ha? E nasaan? Ba't hindi niyo kasama ni Coleen?"

"Nasa puso ko po e." Corny na sagot niya at nagsipag tawanan ang mga kasama niyang umiinom. Grabe! Iba!


"Hi!"

Automatic nanamang akong napatingin nang makarinig nanaman ako ng boses ng isang babae. May umupo sa tabi ni Kuya Ryoga at napaurong siya sa akin. Who the hell is this?


"Margo, you aren't even invited for you to come here." Komento ni Mikmik habang masama ang tingin sa babaeng pangalan ay Margo.

"Pinapunta ako rito ni Patricio. Bakit ba? Lola Esther, invited naman po ako 'di ba?"

"Oo naman."

Lumingon siya sa banda namin at mukhang nagulat pa siya nang makita niyang si Kuya Ryoga ang katabi niya.


"Hi, handsome. I bet you are Ivan?"

"How did you know?"

"Pinag uusapan ka ng mga babae. Narinig ko lang. Gwapo ka nga."

"Thanks. Hindi naman sila nagkamali."

"I'm Margo."

Inabot niya ang kamay niya kay Kuya Ryoga at agad naman niya itong tinanggap. She even bit her lower lip! What the fudge? Is she flirting with him?


"Ivan."

"And you are?" Tanong niya sa akin.

"Coleen."

"Girlfriend mo, Ivan?" She asked at hindi pa rin siya bumibitaw.

"Kapatid ko."

"Wow. So you're single, huh?"

"I am not. Sorry."

Inagaw niya ang kamay niya sakaniya at umusog pa lalo sa akin si Kuya Ryoga. Ayan, ganiyan nga. Dahil kung hindi makakatikim siya sa akin mamaya pagka uwi!

Pinatong niya ulit ang kamay niya sa hita ko at napako roon ang tingin ni Margo.

"Sayang naman."

"Harot mo talaga no?" Komento ni Mikmik at nalipat ang tingin namin sakaniya.

Is it just me or he really looks jealous.

"Whatever."


Matapos ang ilang oras na pag iinom nila ay nagsipag uwian na ang mga bisita ni Lolo Carding. Napahikab ako habang naglalaro pa rin sa cellphone. Madilim na. Hindi pa kaya kami uuwi?


"Antok ka na?" Tanong ni Kuya sa akin.

"Gusto ko nang umuwi." Sagot ko sakaniya and I saw his eyes saddened.

"Kay Raine?" Bulong niya at nagulat ako sa tanong niyang 'yon.

Gosh! Mukhang mali yata ang pagkaka intindi niya.

"Gaga hindi. Sa bahay natin." Mabilis na sagot ko at nagbago na ang emosyon ng mga mata nito.

"Ah, akala ko e."

"Tara na kaya? Magdadrive ka pa."

"Kahit nakainom ako, nakakapag drive ako."

"Sa bahay ka nalang uminom ulit."

"Okay. Uwi na tayo misis ko." Bulong niya sa tenga ko na nagpangiti sa akin.


Nagpaalam na kami kina Lolo at Lola na uuwi at mauuna na kami. Nag bigay sila sa amin ng pabalot at hindi ko na tinanggihan pa 'yon dahil sayang.



"Ang sarap nung kulay green na kanin ano? Ano bang tawag don?" I asked while he is driving.

"Green rice? Ewan. Hindi ko alam." Tumatawa na sabi niya.

"Lasing ka yata e?"

"Duh? Asa ka. Bigyan mo 'ko drugs, malalasing ako."

"Oh, shut up."

"Joke lang. Kiss kita diyan."


Nang makarating kami sa bahay namin ay agad akong nagpalit ng damit samantalang siya'y nag aayos ng mga pagkain sa kusina. Pinuntahan ko siya roon and he is drinking while eating.

"Sarap buhay ah!"

"Mas masarap ka pa rin. Dito ka nga."

Inabot niya ang kamay niya sa akin at kinandong niya ako paharap sakaniya. I placed my hands around his nape and his hands are on my waist.

"Baby, hindi ka ba naiinip dito? Okay ka lang ba rito?"

"Oo naman. Okay na okay naman ako basta okay tayo."

"That's good."

Hinawakan niya ang kabilang pisngi at kinawit niya sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok ko.

"Ikaw? Okay ka lang ba rito?" I asked back.

"Oo naman. Basta ikaw ang kasama ko kahit sa impyerno pa tayo, okay na okay ako."

"Gaga."

"Basta kapag gusto mo ng umuwi o bumalik sa kuya mo, sabihan mo lang ako ha?"

"Hindi ko alam kung gusto ko pa bang bumalik." I honestly said.

"Huh? Bakit naman?"

"Hindi ko alam. Para bang gusto ko na dito nalang tayo. Kasi doon sa atin, lahat sila gusto na mag hiwalay tayo."

"Silly. Your brother will die kapag hindi ka umuwi sakaniya."

"He hates me so I think he's fine."

"Don't speak like that, baby. Panigurado sa mga oras na 'to, unti unti na siyang namamatay sa nerbyos."

"He wants me to go so feeling ko okay lang siya. Nga pala, speaking of Kuya Raine. May girlfriend daw siya?"

"Paano mo nalaman 'yan?"

"Kay Leinah."

Ngayon ko lang siya natanong tungkol sa bagay na 'to. Sa dami ba naman ng nangyari ay nawala na sa isip ko ang tungkol don.


"Oo, meron. Tagal na kaya nila."

"Ba't hindi ko alam?"

"Secret relationship e. Girlfriend niya 'yung pinsan ni Luke. 'Yung maganda na matangkad na nag aaral sa SWU."

"Si Ate Jenny?!"

"Oo."

"Hindi nga?! Grabe! E ang ganda ganda non! Pinatulan niya si Kuya?!"

Ate Jenny is Kuya Luke's first cousin. She's actually gorgeous as in super ganda niya! She looks like a model. Ang pagkaka alam ko graduating na 'yun this year e.

"Bakit? Gwapo naman si Raine ah? Ang daming patay na patay sa kuya mo hindi lang halata pero syempre mas marami 'yung sa'kin at isa ka na ron."

"Wow. Lakas!"

"Hindi mo ba namimiss ang kuya mo?" He asked again.

"Hindi pa naman? Ikaw? Miss mo na pamilya mo?"

"Yuck." He said with full of disgust.

"Yuck ka diyan!"

"Hindi ko sila miss at never ko silang mamimiss."

"Sus. Nasasabi mo lang 'yan dahil hindi kayo okay."

"Ikaw din naman ah. Hays!" Yumakap siya sa akin at sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.

"Sana dumating 'yung araw na maging okay na tayo sa lahat no?"

"In time? Ikaw ba? Hindi mo ba namimiss sila Kuya?"

Madalas siya sa amin at madalas silang magkakasama na tatlo. Kaya feeling ko ay namimiss niya sila.

"Namimiss ko syempre. Kahit gago ang mga 'yun, mahal ko sila."

"Uwi ka na. Miss mo na pala e."

"Nah. I'd rather stay with you, Reginy. Because you are my home, home, home, home."

"Kanta ng Seventeen ko 'yan ah."

"Carat na rin ako."

Yinakap ko nalamang din siya at napasigaw ako nang bigla siyang tumayo.

"Tulog na tayo." Aya niya sa akin habang nakangit ng nakakaloko.

"Tulog lang ha?"

"Asa ka."

We went to our room and I know what would happen next. I wish we're always like this. 'Yung happy lang. At sana if ever man na makauwi na kami sa amin, ay malaya na kaming gawin 'to sa isa't isa nang wala ng humahadlang pa.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
109K 516 3
Deimos Carnelianne is an education student. She's an open minded, aspiring writer. She loves to explore every genre to challenge herself. Writing is...
9.5K 1.3K 47
One of the hardest things in life is watching the person you love, love someone else. So what will you do if the one you loves belongs to someone els...
262K 14.4K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.