Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 🔸️April 7, 2019 🔹️August 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vi
xl.vii
xl.viii
L
el fin

xl.ix

1.2K 41 12
By aryzxxi


Mabuti na lang at hindi gaanong mainit dito sa Santa Ana kumpara sa Manila tuwing tanghali. She looks breathtakingly beautiful under the blue Skies while being surroundings by flowers and the fountain behind her.

“Fire di pa ako ready!” sabi niya at tinakpan niya ang kanyang mukha.

Natawa ako. Why would she be embarrassed? Maganda naman ang kuha at itsura niya. Kahit kailan ay hindi naging panget ang itsura niya.

“You ready?” tanong ko bago magbilang. Hindi maganda ang kuha sa kanya ng trabahante dito kanina. If she's going to post these photos dapat ay yung maayos.

“Fire stop!” then her enchanting laugh echoes at may napatingin sa kanyang isang grupo ng mga lalake.

No wonder boys like making conversations with her. She’s got a fruity voice that allures you even when she’s just plainly talking.

Lumapit ako ng konti habang pinagpapatuloy ang pagkuha ng letrato sa kanya. Tumayo siya at sinubukang agawin ang phone niya pero iniwas ko agad iyon. I couldn't help but smile again. She looks like a little rabbit jumping as she tries to reach my hand.

When she almost loses her balance, I immediately held her, afraid she might fall into the fountain. Her soft skin grazed with mine when we both stumble a little. My heart thumped loudly in my chest. Sana hindi niya naririnig.

I never really wish for us to have an intimate contact. Ayos na ako na makasama siya but during moments like this, when we're so close, I wish I could like her freely.

Gusto ko sana siyang yayain papunta sa maze. It's popular for its myth that once you get out of there, you can wish for something and it will come true. Gusto ko lang subukan na humiling. But we only have limited time, maybe next time.

She's humming to a song while looking outside, obviously pleased about this day. Hininaan ko ng kaunti ang volume ng pinapatugtog namin, a thing that I do whenever she hums, so I can hear her voice more. Mas magandang marinig ang boses niya sa personal kaysa roon sa mga video niya na pinapanood ko tuwing mag-isa.

Gusto ko siya katulad ng pagkakagusto niya sa akin. Pinigilan ko pero wala.. nahulog pa rin. Who wouldn't? She's a passionate person and hardworking. Alam niya kung ano ang gusto niya at pinagsisikapan niya. She has dreams for herself and she's driven to achieve it.

Bilib ako sa pagpupursigi niya. It shows in different forms mula sa pag-aaral, pagpeperform pati na rin sa pagsubok niyang kunin ang atensyon ko.

“Talaga?” my sister raised a brow. “What changed your mind Arthur? Akala ko ba pagbabasketball ang gusto mo?”

"Who" made me change my mind dapat ang tanong pero wala naman akong balak sagutin ang tanong niya.

I shrugged. “Hindi naman masama ang suggestion ni Papa. I want to know more about handling the ranch.”

“Okay.. talk to him then.”

“That's what I intend to do,” sagot ko bago kumatok sa opisina ni Papa dito sa rancho namin.

My circle of friends at school kind of helped me with matters in terms of business. Sakto kasi na ang mga magulang nila ay nasa larangan din ng agrikultura.

“I'll ask him. Actually.. pwede kayong magkausap personally kung pupunta ka sa birthday party ko at home,” ngiti ni Caitlyn.

“Kailan yon?”

Her smile faltered. “Next week, sa eighteen.”

Gusto kong mapakamot sa ulo. I am supposed to meet Ziana after her workshop that day. She wants to try the new milkshake Mikoy is going to make, libre niya raw iyon sa kanya. Pwede namang lumiban muna ng isang araw. We can go there next week.

“Ah. Sige.” sagot ko. Pumalakpak siya at ngumiti.

“See you there!”

Naging maayos naman ang pag-uusap namin ng tatay ni Caitlyn. There are also people who knows my father as well kaya naparami ang usapan mula sa diskarte nila sa pangangalaga ng mga hayop hanggang sa mga deals. Mas lalo tuloy akong naenganyo sa pamamahala.

“Fire,” one of my classmates waved at me from their table.

Nagpaalam ako sa mga kausap ko bago lumapit. Lance is frowning at nang makita niya ako ay may kakaiba siyang sinenyas gamit ang mga mata niya. I glanced at the smug look the other men are giving me.

Nakapamulsa ako at tinaggihan ang inalok nilang alak. Pabiro akong siniko ng tumawag sa akin, a guy from the men’s swimming team of our university.

“Is it true? May pinopormahan ka raw na bata?” his tone is full of malice.

“Kanino mo naman narinig yan?” I almost sneered at him but I controlled myself.

“Kay Andrea. She's in the same workshop with that girl you're fetching. Nakikita ka nila.”

Ang daldal talaga ng babaeng yon. Umiling ako.

“Her parents ask me sometimes since our mothers are best friends.”

Totoo naman. Tita Charlotte once asked me to fetch Ziana at si Mama naman ay pinilit ako kaya ginawa ko na lang. Their family can hire another driver but for some reasons, walang tiwala si Tito Christopher sa ibang tao. Tama naman siya lalo na't parang madaling magtiwala itong si Ziana, minsan ay nakakatulog pa sa biyahe dahil sa pagod. Delikado na.

They all look amused except for Lance.

“Say. How old is she?”

Siniko ng isang nasa gilid ang katabi niya. “Hey, how young was the last girl you banged?” bulong nito.

Are they implying that I'm hitting on her so I could bed her? Someone that young? Gago ba tong mga to?! Doon na sumama ang timpla ko.

Hahablutin ko na sana ang kwelyo niya nang pinigilan ako ni Lance. Nabigla ang gago pero nagawa pa ring ngumisi.

“Bata na pala ngayon ang gusto mo? Bro, don't worry di lang ikaw ang ganyan.”

“We actually know a place if you want someone that young. Ayos lang yan Fire,” dagdag pa ng isa pang siraulo na parang hindi naman malaking bagay iyon.

“Ano?” I sneered at him. Isang hakbang lang at masasapak ko na rin ito.

“Fire,” pigil sa akin ni Lance. Humigpit lalo ang hawak niya sa braso ko.

I wanted to punch the hell out of these men. Do they look at Ziana and have those kinds of thoughts in mind? Tangina niyo ba!

Galit akong umalis doon. Hindi ko na pinansin ang pag tawag sa akin ni Caitlyn o ang pagsalubong sa akin ni Lovely na papasok pa lang sa loob. I also didn’t mind the stares they’re giving me. I am pissed!

“Ah.” Tyler mused while he's busy fixing a black car. “Gusto mo pero di pwede kasi bata pa. Tama lang naman. Huwag muna. Maghintay ka.”

“Oo nga po, Sir. Pagka matanda na, saka mo na ligawan,” Boni, one of the attendants in Tyler's shop, said. Inabot niya ang langis na hinihingi kanina ni Tyler.

Iyon naman talaga ang balak ko. Hanggang sa maabot niya ang pangarap niya at kapag matagumpay na ako sa pamamahala sa rancho, saka ko pa lang susubukang manligaw.

“If she still likes you then,” Tyler added, nilingon niya ako at ngumisi.

“Delikado sinasabi ko sayo. Yang ganyang bata madaling mapikot.” sabi naman ng mekaniko sa tabi nila.

“Ha? Paano mo nasabi Emil?” tumawa ng konti si Tyler, his eyes are now focused on the machine in front of him.

Dito ako dumiretso sa shop niya pagkaalis ko sa party ni Caitlyn. Hindi ko kayang umuwi sa bahay namin dahil baka gambalain ako ni Fiona. I know she also hears things about me and Ziana hanging out but she doesn't dare to ask questions. She just keep things to herself at kapag napuno na ay saka lang magsasalita.

When Tyler is done, may tinawag siyang isa pang trabahante. He's busy wiping his hands covered with grease then tossed a can of beer to me.

“Kasi boss, yung bata gustong-gusto itong si Fire..” tinuro ako ni Emil gamit ang hawak niyang wrench. “... yung mga ganyan, bumibigay agad. Oh! Oh, wag mo akong titigan ng ganyan!” bahagya siyang umatras at nagtago sa likod ng sasakyan.

Nagtaas ako ng kilay. “Ano?”

Tyler chuckled. “You look like you're going to break his neck. Easy ka lang,” he said, tapping my right shoulder. I sighed then drink the beer. Dapat yata umuwi na lang ako.

“Nakakatakot ka namang tumingin..” hawak ni Emil sa dibdib niya. “Parang yung pinsan mo lang.”

“Sino? Yung mukhang anghel na parang guardian angel ni--?” nagtatakang tanong ni Toni na naliligpit ang mga ginamit ni Tyler kanina.

“Hindi. Yung magpupulis,” putol ni Boni sa sinasabi niya.

“Calm down,” nagawa pang tumawa ni Tyler na parang walang pinoproblema sa mundo. “Where’s the carefree guy I know? Masyado kang seryoso.”


Sumandal ako sa upuan at ipinatong ang braso. Dapat naman talagang seryosohin ang bagay na iyon. What if I might affect her future?

“Her grades are flopping. Hindi siya nagparticipate sa isang event ngayon dahil pinagfo-focus siya ni Zian sa pag-aaral,” narinig kong kinuwento ni Conrad sa kanyang pinsan, isang araw nang bumisita ako sa shop ni Tyler para bumili ng isang piyesa para sa sasakyan ko.

I hid behind the shelf. May kinuha ako at nagkunwaring interesado doon. Tyler’s staff didn’t mind me.

“Oh?” tanging sagot ni Tyler na tila ba walang pakialam.

“Paki sabi na lang kay Fire niyan. Baka naiimpluwensyahan niya si Ziana that's why..”

I watch Conrad left the shop. Binati siya nina Toni at Emil, he smiled at them. Hindi ko na napansin ang paglakad ni Tyler palapit sa akin habang tinatali ang mahaba niyang buhok.

“You heard that?”

“She told me that her grades are fine,” sabi ko habang inaalala ang usapan naming dalawa kagabi. She sounded tired but kept on talking to me. Hindi ako gaanong nakakasagot dahil pakiramdam ko pagod nga siya at dapat nang magpahinga.

Nabanggit noon ni Zian that his twin should maintain a particular grade so their father will allow her participate in the upcoming audition when she turns eighteen. Malapit na iyon and she should not mess up. She’s been practicing really hard! It would be a waste kung hindi man lang siya makakapag-audition!

“Ghost her! Yan na lang talaga ang naiisip ko,” iritadong sinabi ni Paolo.
I looked at him in disbelief then shook my head.

“You don’t want to reject her directly, you don’t want to just text her to leave you alone, you don’t want to say anything..” Lance enumerated. He looks more frustrated than me. “Anong gusto mong gawin?”

“Sige nga. Paano ka lalayo sa kanya ng payapa? May ganon ba? May nagbi-break ba ng ganon?”

“Bro they’re not even in a relationship,” singit ni Tyler na natatawa pa. Gago ka talaga.

“Buti pa yung pinsan mo no? He’s got side chicks.”

Leo clapped like he suddenly got a bright idea. “Yun na lang kaya idahilan mo! You’ve got a girl! Lalayuan ka niyan talaga.”

I deadpan looked at him. “Then she will reject me the moment I court her.”

“Ay, manliligaw ka? Marunong ka?” hawak ni Tyler sa balikat ko. I pushed his hand away.

“Lakas mangasar dati nito ni Fire sa ganyan.”

“Got a taste of your own medicine, huh.”

I didn’t know asking for an advice can be this painful. Gusto kong batukan bawat isa sa kanila pero sila lang ang mapagkakatiwalaan ko. Alfred and Hughes are busy with their own lives.

“Why not ghost her? Then kapag nagtanong na kung bakit magdahilan ka like everything is just a bet,” Tyler suggested.

“You’re really good in breaking hearts,” kumento ko.

“That’s what a playboy does.”

“Iyon na lang ang gawin mo bro. I doubt she will ask you why personally. Madalas ang ganyan sa mga chat lang or tawag.”

“Pinagpustahan natin yung isa sa mga kotse mo pang karera.” Dagdag ni Paolo.

I thought it’s going to be easy. I made myself content with just watching and listening to her cover songs again. Bumalik ako sa pakikisalamuha sa mga kaibigan ko. I started learning how to manage the ranch on weekends.

She still sends me messages at para akong tanga na agad kinukuha ang phone ko para tignan iyon imbis na huwag nang pansin. Hindi ko naman kayang i-block ang numero niya. Her simple “Hi” or “How are you?” gets me. It shakes the things I promised myself. Pinigilan ko ang sarili ko. I am not a good influence. Simula nang pumasok ako ng tuluyan sa buhay niya unti-unti siyang nahihila pababa.

If she forgets about me, I can always try again. Sana lang ay gusto niya pa rin ako non. How selfish can you be Fire?

“Akala ko true na lumalabas kayo nung girl na sinasabi ni Andrea,” Lovely said.

Napataas ng kilay doon si Caitlyn habang si Lance ay nag-iwas ng tingin.

“Who?” tanong ni Caitlyn.

“Hmm. I forgot her name basta she’s training to get into Aspire. Mataas ang standards nila ngayon. I don’t think papasa siya.”

I gripped my drink, trying not to react with what she just said. I know Ziana can get in. Magaling siya at makikita nila iyon but then to hear something like that from a person who went through the same parang nabahala ako.

Her porcelain skin flushes a pink color and her eyes sparkle with tears. Gusto kong punasan ang mga luha niya. Looking at her like this feels like a torture.

A slap brought me back to my senses. I breathe deep and push my feelings back down.

“I hate you, Fire Arthur Salvador.” she said clearly with so much hate on her face.

I watch her leave. Kinabahan ako dahil sumakay siya jeep! Hindi yata niya kabisado ang mga lugar dito. She rarely commutes!

“Wag,” pigil ni Paolo sa akin. “Hayaan mo na ang mga kaibigan niya.”

He gestured to Ziana’s friends who are panicking and texting someone. Ang isa ay nilingon kami at tinignan ng masama.

“Pagkatapos mong gaguhin, susundan mo ngayon na parang aso.” sabi ni Mikoy na halos idabog ang inorder kong inumin sa harap ko.

“Pupunta lang ako doon kasi may reunion kami,” depensa ko.

“Sus!! Sa Aria talaga? Hindi ba pwedeng sa ibang lugar magkita-kita. Ikaw nagsuggest na doon meet up niyo no!” mapang-akusa niya akong tinuro mula sa counter.

Hindi ko na lang pinansin ang sermon niya at iba pa. He’s fond of Ziana and when he learned what I did to her, he banned me from his shop. Tawang-tawa sina Lance don.

“Ma, wag na!”

“Why?” nanlaki ang mga mata niya sa lakas ng boses ko. “Did something happened?”

“Wala!”

“Then why the violent reaction?”

When no reason escaped my lips, napakamot na lang ako sa batok. She’s trying to ask Ziana and Zian to sing for our graduation. Bakit sila pa? Pwede namang wala nang ganon. Mabuti na lang at abala ang kambal. Sabi ni Tita Charlotte ay busy raw sila sa pag-aaral. Nakahinga ako ng maluwag. Good. She’s focusing on her studies.

“Ganito po yan Sir Fire,” turo ng isang trabahante namin sa rancho. “Tuwing Biyernes naman po pumupunta ang truck dito para kunin ang mga kargamentong iyon. Bilin po ni Sir Nicholas na ikaw na raw po ang mamahala. Si Ma’am Fiona po sa opisina. Hindi gaanong nalalagi dito sa labas.”

Months after graduating, I focused on our ranch in Santa Ana. Some of my teammates and even my coach got disappointed that I won’t pursue professional basketball lalo na’t may mga team na gustong kumuha sa akin.

Someone made me realize that this is the life I want for myself. Gusto kong matuto pa at lumawak pa ang alam ko. I thought that handling the ranch can give me that.

My grandparents are delighted to see me working especially that Lolo is quite old now. Hindi na niya kaya ang physical na trabaho but I think he can still lead. Ginagabayan pa rin niya ako sa tuwing wala si Papa.

“Sinamahan na naman si Jaine?”

“Opo, Lo.” sagot ni Fiona.

“If Fire will have an actress girlfriend, baka maging katulad din yan ni Nicholas..” asar naman ni Lola.

Napatingin silang lahat sa akin at naghihintay na may sabihin ako but I kept my mouth shut.

Akala ko ay walang ibang nakakaalam sa ginawa ko noon kay Ziana except for my friends that’s why I am surprised to hear Harley’s subtle comments while we’re watching Aspire's survival show for their new girl group.

“Ano ba yan! Si Ziana na lang sana ang ginawa nilang center! Her voice is the most stable di ba Fire?” tanong niya at hinarap pa ako. Tumango lang ako, my eyes are focused on the television.

“Oh my gosh! Magbobotohan na! Thelma may load ka ba? Vote tayo! Ikaw din Fire! Let’s vote… Karrene!”

Nabitin sa ere ang pagkuha ko sa phone ko. Hindi si Ziana ang iboboto niya?
I slumped back on the couch and dialed Ziana’s voting number.

“Bakit siya? Akala ko ba panget performance niya?” tanong ko, making it sound like I don't really care.

Harley raised her brow and pursed her lips. “I just want to. Tsaka marami namang boboto kay Ziana.”

“Ate, mas maganda if we keep on voting Ziana,” apila ni Thelma.

Tama siya. I sent Mikoy and Lance a message to vote for Ziana.

“Fire will vote for her. Sapat na yon.” makahulugan niyang sinabi.

Mikoy:
Siya naman talaga iboboto ko. May promo na nga ako dito sa shop kapag binoto nila si Ziana!

Lance:
Oo na. Dalawang number na nga gamit ko.

Dalawa lang? Sa akin apat! Paano kung dito siya malaglag sa round na to? Umakyat ako sa taas para kunin ang spare kong mga phone and dialed her number.


“Arthur bakit sa MOA pa? You can just meet Mr. Macaraeg sa restaurant nina Tito Thomas.”

“Mas malapit kasi siya sa MOA and it will be hassle for him to travel further. Tayo ang may kailangan sa kanya,” I countered my sister’s argument.

“Enough,” saway ni Papa sa amin. Hinilot niya ang kanyang sentido. “Fiona hayaan mo na si Fire na dumiskarte. It’s a deal between him and Mr. Macaraeg.”

“Papa, I’m just giving him a better option. Tsaka why MOA? I bet maraming tao doon ngayon.”

I stiffened. Both my father and sister looked at each other like they realized something. Umawang ang labi ng kapatid ko at unti-unti akong tinuro. Before she can say something, I stormed out of my father’s office.

“Arthur! You!!”

I set the meeting in a restaurant at MOA instead of going to my uncle’s restaurant. Totoo namang mas malapit ang MOA sa location ng kliyente kumpara sa restaurant ni Tito but I have other reason.

“It’s a pleasure doing business with you Mr. Salvador,” tumayo si Mr. Macaraeg at nakipagkamayan sa akin pagkatapos ng dalawang oras naming pag-uusap. “Manang-mana ka kay Nicholas. You’re good!”

“Thank you, Mr. Macaraeg.”

After that, I immediately went to the nearest restroom to change into more comfortable clothing. Sinalubong ako ni Mikoy sa labas ng arena. Muntik ko na siyang hindi makilala sa suot niya.

“What the hell are you wearing?”

“Headband. Glow in the dark to,” turo niya sa ulo niya. “May lighstick din ako. Dala mo ba yung iyo? Limited edition yung inorder mo di ba? Patingin nga.”
I fixed the black cap I am wearing at nagsimulang pumila. “Hindi ko dinala.”

“Ha?! Bakit?! Tignan mo halos lahat sila mayroon! Ano ka ba naman Fire! First concert nila to kaya dapat full support tayo!” halos umiyak siya.

Sa lakas ng boses niya ay may mga babaeng napatingin sa amin.
Napailing na lang ako sa pagda-drama niya. What a die hard fan.

Sa pila pa lang ay maingay na ang mga tao. There’s a screen which plays Diamond’s music videos and a montage of their achievements. Tutok na tutok ang mga mata ko roon lalo na sa tuwing pinapakita si Ziana.

“Oh, laway mo baka tumulo.” asar ni Mikoy sa akin. I frowned at him and focused on the line ahead of me instead.

Now, I’m having second thoughts of tagging along him at the concert.
Nang makapasok kami sa loob ay may musika nang pinapatugtog. Almost everyone are singing along pati si Mikoy.

I also know the song. I know every song they have. Tahimik lang ako habang pinapanood ang concert kahit ang iingay ng nakapaligid sa akin.

My eyes are just focused on Ziana. Ngiting-ngiti siya habang sinusuyod ng mga mata niya ang buong paligid. My heart stepped up a few beats. Hindi ko alam kung gusto ko bang makita niya ako o hindi. In the end, I crouched a little.

She gave the crowd a big smile after hitting a high note. Napaka dali lang para sa kanya na gawin iyon. She’s improved over the years. Naging matunog ang pangalan niya sa industriya at maraming produkto ang gusto siyang kunin bilang modelo. Parang ang layo-layo na niya ngayon.

I feel a stab of regret but seeing her happy and successful made that feeling vanish in an instant.

But during those nights when I miss her and helplessly look at her photos, I selfishly wish for us to meet again.



Continue Reading

You'll Also Like

328K 11.8K 56
"I guess so" "But dogs are nice. Dogs are loyal. As a dog you have no free-will. You obey your master blindly." ____________________________________...
8.4K 1.7K 56
(But not everyone recognizes love when it hits them...And then it happens) He hovered above me, his kisses melting my insides. I shivered with antici...
33K 1.1K 34
After losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden...
55.8K 2.9K 19
He was in hurry. She was in a hurry too. He only saw her back. She didn't saw him at all. But he pick up something from her. He thought it was a book...