Meet Me In Clark High (Reistr...

Galing kay peachyangelus

109K 4.1K 661

After transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life... Higit pa

Reistre Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Author's Note

Chapter 31

1.2K 54 0
Galing kay peachyangelus

Chapter 31: Jealous

“Shit, that was... I don’t know, hindi ko maipaliwanag. Sorry, sorry.”

He hugged me tight and gently kissed my forehead. Umiyak ako habang nagkukuwento kaya naman panay ang alo niya sa akin at punas ng luha.

“I’m sorry for letting you go alone that night,” bulong niya.

Mataman ko siyang tiningnan. “Fine lang, hindi naman natin alam na mangyayari iyon, e, but I’m still mad at you, Jace,” sabi ko.

Naestatwa siya, ngunit kalaunan ay tumingin sa akin. “Babe...” Sabay hawak sa dalawang kamay ko at pisil. “About what happened back in the mall...”

Tumango ako. “I haven’t heard your side yet, and you owe me explanation.”

Tumango siya at hinila ako para yakapin sa baywang. Nakaupo kasi siya habang ako ay nakatayo sa harapan nito.

“Chesca asked me for a favor in exchange she won’t bother us anymore.” Sinabi niya iyon sa boses na guilty.

Tumango ako. “Uto-uto ka naman,” responde ko na nagpaangat sa kaniya ng tingin.

“Sorry na, and still sorry for not telling you earlier, I was about to, but I decided na sa personal na lang.”

“Okay, we’re fine na.”

Lalong humigpit ang yakap niya at isinubsob ang mukha sa tiyan ko. “Let’s go?” he mumbled.

“Saan?”

“Mall.” Humiwalay siya at ngumiti. “Let’s unwind. I know it’s been stressful for you these past few days and until now, hindi pa ayos ngayon, but I assure you it’ll be soon.”

I let out a small smile. “Thank you. Magbihis ka na, aalis tayo, ’di ba?” Hinila ko siya para tumayo na at nang nakatayo na siya ngumuso siya nang bahagya.

“Samahan mo ’ko.”

Nangunot ang aking noo at padabog na umupo sa sofa. “You have a feet, kaya mo na ’yan! Dali na!”

He sighed. “Okay, fine. Wait for me, ha?”

Habang naghihintay ako sa kaniya ay binuksan ko muna saglit ang TV para manood saglit.

Nakatutok lang ako sa palabas nang maya-maya ay lumabas na si Jace at may hinagis sa akin. “Babe!” 

Buti na lang at nasalo ko kaagad kaya tiningnan ko ang hoodie. “Para saan naman ’to?”

“Put that on,” aniya at lumapit muna sa akin para hilahin pababa ang crop top ko.

“Jace?” sambit ko, nagtataka.

“I’m too possessive to show your skin off, tinatakpan ko lang kasi mas magandang ako lang iyong makakita ng tummy mo.”

I shrugged, hindi na ako nakipagtalo at isinuot na lang iyon. “Is this okay? Ang luwag!” reklamo ko dahil hindi kasi ako nagsusuot ng mga over sized clothes.

“Masyado kang maganda, babe.”

Inirapan ko siya nang maramdaman ko ang pag-init ng pisngi bago kinuha ang remote at pinatay ang TV. “Shut up nga.”

“Did you just roll your eyes, huh?”

Ngumuso ako na ikinangisi niya bago ipulupot ang braso sa aking baywang.

Nasa mall na kami, nag-iikot. Naiinis ako kay Jace dahil kanina pa ngiti nang ngiti sa ’kin, nang-aasar. Kanina pa sa sasakyan niya habang papunta kami sa mall. I don’t know, okay pa namin kami kanina, pero no’ng sinabihan niya ako na maganda nag-init ulo ko.

Nakakita ako ng milktea house, parang nagki-crave ako. “Babe.” Hinawakan ko ang kaniyang baba para lumingon siya sa akin.

“Yes, baby?”

Tinuro ko ang milktea house. “Bili tayo!”

His smile grew wider that made my brows meet in confusion.

Inakbayan niya ako bago halikan sa pisngi. “Here we go, baby.”

Pagkarating namin ay pinaupo niya ako sa two-seat table, at siya na raw ang mag-oorder. Pinagmamasdan ko siya sa counter nang mapansin kong wagas kong makangiti ang cashier na ikinatiim-bagang ko.

Inilibot ko pa ang tingin sa loob at napansin ang nagbubulong-bulungan malapit sa ’kin.

“Ang gwapo niya, ’no?”

“Shh, girlfriend niya ata ’yang naka-hoodie.”

Hindi ko iyon pinansin dahil naiinis ako sa cashier na mukhang pagong sa kabagalan.

Tumayo ako at lumapit sa counter, sa tabi ni Jace. Kaagad kong inangkla ang aking braso sa kaniya at tinaasan ng kilay ang cashier.

Namula siya at nataranta. “Y-Yes po?”

“Okinawa and chocolate, Miss,” sagot ko, nakataas pa rin ang kilay.

Kaagad namang umalis ang babae para kunin na ang orde.

Napairap ako at napalingon kay Jace. “Nagpapalandi ka ba?”

He chuckled. Hinaklit niya ako at ipinulupot ang braso sa aking baywang. “Of course not, sa ’yo lang,” pabulong na sagot naman nito.

Uminit ang aking pisngi at humalukipkip.

Nasa labas na kami ng milktea house, hindi na kami nag-stay doon dahil naiinis ako.

“How’d you know that I want the chocolate flavor, babe?” he asked out of the blue.

“Napapansin ko lang, you like chocolate drinks.”

“You were paying attention on me, huh?” aniya sa boses na nang-aasar.

“Napansin ko lang!”

“Nalaman mo siguro kasi sinabi ko sa cashier, hmm?”

Huminto ako at hinarap siya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya since mas matangkad siya sa ’kin. “Hindi mo talaga makalimutan ang cashier na ’yon, ano? E, ’di magsama kayo, mga pangit!” Inirapan ko siya bago nagpatiuna ng lakad.

Bwisit! Sumimsim na lang ako sa milktea, nag-iinit talaga ang ulo ko. Kung ayaw niya sa ’kin, hindi ko naman siya pinipigilan.

“You okay, babe?”

Bumaling ako sa kabila at nakita si Jace roon. “Shut up!” I hissed, tinapon ko na ang lalagyan ng milktea na ginaya niya rin.

“Victoriane, selos ba iyan?”

“What, jealous?! Ha! You wish!”

He pursed his lips. “Okay, you’re not, then.”

“Why are you like that?” tanong ko.

“What did I do?” pasuyo nitong tanong.

“You said I’m not jealous, but I really am! Can’t you see that? Manhid ka talaga, pangit!”

“Sorry, baby. Okay, you’re jealous, huwag mo na ako tawaging pangit, ang guwapo ng boyfriend mo, e. Come here,” pag-aalo niya at iniabot ang kamay.

I bit the inside of my cheeks and threw my arms on his neck. “Ikaw kasi, e! You’re pissing me off!” bulong-bulong ko at suminghot sa leeg niya.

“Sorry, can you look at me now?”

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya nang ikulong niya ang mukha ko sa dalawang palad. “Confused ako dahil sa period mo, babe, pero mahal kita.”

Inirapan ko siya, pero ngumisi lang ang pangit at pinatakan ako ng mababaw na halik sa labi.

-Zian’s POV-

“Hala! Legit ba ’yan, ’tol?” paninigurado ni Archie.

Nasa sala kami ng bahay nila, at pinaulanan nila ako ng tanong kaya ikinuwento ko sa kanila kung ano ang nangyari kanina sa conference hall, pati ang sinabing kapatid daw namin si Chesca.

Actually, I don’t wanna spread it yet. We’re not yet sure if it’s true or not.

I wonder how’s Ari right now? She has no phone because of what happened.

Napatingin ako sa date sa aking cell phone, at na-realize na malapit na pala ang birthday ni Ari. Sa susunod na dalawang linggo, at debut pa.

“By the way, sa susunod na linggo pa...” panimula ko. Napalingon silang lahat sa ’kin at napahinto sa pag-uusap tungkol kay Chesca.

“Sem-break na!” si Archie.

“Ari’s 18th birthday, tama ako, ’tol?” si Kent.

My face lit up. “Tama, pinsan nga talaga kita!”

“Totoo?” tanong ni Sam.

“Yes, it’s her birthday after ng isang linggong klase natin, so it means sem-break. So, why don’t we plan for a vacation?” suhestiyon ko.

Gusto ko munang makahinga nang maluwag at makapag-enjoy si Ari, because this week has been a hell for her, so I want to plan for a vacation, after all it’s her debut.

“Nice iyan, ’tol! Gusto ko mag-beach!”

“Hindi ikaw ang magdedesisyon, Archie! Mapapel ka!” usal ni Sam na pinandilatan lang ng mga mata ni Archie.

“Saan si Jace? Nakauwi na ba galing sa klase niya? Sasama kaya iyon?” tanong ko.

Alam kong may pasok si Jace ngayon, pero hindi ko alam kung anong oras umuuwi.

“I don’t know, pero ’yon pa ba? As if magiging absent iyon sa birthday ni Ella, baka nasa condo niya siya.” Napailing na lang si Sam, at ngumiti na halatang peke.

Naningkit ang mata ko, pero kalaunan ay tumango na rin. “May condo siya?” tanong ko.

“Oo, nagpakuha siya. Maraming arte iyon.”

Napailing na lang ako. “Hayaan mo na, tanda na rin naman iyon.”

Hinanap ko sa contacts ang number ni Jace at ni-dial.

“Hello, what’s up?” bungad nito.

“Where are you? Come over at Kent’s house. We have something to talk,” sagot ko.

“What matter?”

“Basta! May kasama ka ba? Kapag nalaman kong babae na naman iyan, ’wag ka na talagang didikit sa kapatid ko, Jace.”

What happened back in the mall was now good. Napag-usapan namin iyon noong nakaraang araw, medyo naging sarado pa ang utak ko noon kaya hindi agad naayos. But we’re now good.

“Si Jace ba ’yan?” usisa ni Kent na tinanguan ko.

“Chill, I’m with Victoriane right now, and you just ruined our moment.”

Nakahinga ako nang maluwag. Una, dahil wala siyang ibang kasam. Pangalawa, she’s with my sister. I know that Ari needs someone right now.

Nalaman ko na sila na nang nag-usap kami ni Jace noong nakaraan sa cell phone. Okay lang naman na may boyfriend siya, it’s not a problem for me, even for my parents. As long as she can take care of her studies, na alam ko namang hindi ko na kailangang ipaalala sa kaniya dahil mahalaga sa kaniya ang pag-aatal. Also Jace is no harm for her, he’s a good guy.

Ayaw kong maging mahigpit kay Ari dahil talagang naisip ko at madalas kong napapansin na kapag hinihigpitan ay lalong umiiral, tumitigas ang ulo kaya naman susuportahan ko na lang siya basta tama at alam niya ang mga desisyon.

“Okay, pumunta ka na at ihatid mo siya sa rito. Si Mama kasi narito sa bahay namin. ’Wag mo siya isama dito kanila Kent, may pag-uusapan tayo.”

“Ge.” Then ended the call.

-Ariane’s POV-

Nasa phone store ako sa mall habang si Jace naman ay nasa gilid at kausap si Kuya sa phone. 

I chose the same brand of my phone kaya mabilis rin akong nakabili. Jace was about to pay for it, pero tinanggihan ko! Like, hello? Hindi ko siya sugar daddy, at saka nakakahiya! My gosh! He shouldn’t be like that kahit mayaman pa man siya, still nanggaling pa rin sa parents niya ’yon. Nagdadahilan pa siya na nagtatrabaho raw siya sa Papa niya, e, kahit na ba!

“Thank you, ma’am and sir,” ngiti ng babae pero kay Jace nakatingin.

Sinamaan ko ito ng tingin na agad niya namang iniwasan ng tingin.

“Sa susunod, ’wag mo na lang akong samahan ’pag mag-mo-mall ako, at kung sasama ka takpan mo mukha mo!” sabi ko nang nasa labas na kami.

“Why?”

“Basta!” asik ko.

Ni-check ko ang bagong cell phone nang hinablot niya ito. “Jace!”

May pinipindot siya sa cell phone ko at inilabas niya rin ang kaniya. At nang sumilip ako sa ginagawa niya ay napanguso ako.

He typed his number on my phone, naming it ‘Babe’ at ganoon din ang nilagay niya sa bagong phone ko bago isauli iyon sa akin. “Are you hungry?”

“Hindi naman, are you?”

He wiggled his eyebrows. “Hungry sa iyo,” he mouthed.

I glared at him. “Tumigil ka nga! Nasa mall tayo, oh! Umuwi na nga tayo. Masakit ang puson ko.” Iniangkla ko ang aking braso sa kaniya at hinila na siya papalabas.

Nasa sasakyan niya na kami at pauwi na. Ngumunguya ako ng donut na binili namin kanina, papalabas na sana kami nang nakakita ako ng stand ng donut sa gilid kaya bumili kami.

“You want?” tanong ko, ipinakita ko ang donut na bagong kuha ko sa box sa kaniya na nagda-drive.

He smiled. "Nope, ubusin mo na ’yan. I know you want it, I’m all good, babe.” Sinabi niya iyon na nasa daan ang tingin kaya napasimangot ako.

Hindi naman ako matakaw, at saka kaya ko nga siya binibigyan kasi baka gutom na siya tapos ako kain lang nang kain dito habang nagmamaneho siya? “Mauubos ko ba ’to?! Kaya ko nga binili kasi tayong dalawa ang kakain hindi lang ako!” iritado kong sagot.

Buti na lang at naka-stop light na ngayon kaya makakausap niya na ako nang mabuti. Inilapit niya sa akin ang kamay, nagtaka ako.

Pinunasan niya ang gilid ng aking labi. “Cute naman ng babe na iyan lalo na kapag galit.”

“So, gusto mong lagi akong galit?!”

His eyes widened. “No, no! It’s not what I mean —”

“Oh, e, ‘di sige! Eat this, then!” Isinubo ko sa kaniya ang donut na hawak ko na kaagad niyang nginuya-nguya.

“Ano, masarap o hindi?” tanong ko pagtapos niyang ngumuya.

Tumango siya nang marahan. “It tastes good, but it’s not what I craved for. Alam mo kung sa ano?” Inilapit niya sa ’kin ang mukha na ikanakunot ng aking noo.

“Sa ano?” halos pabulong kong sagot.

“Ito, oh.” Nagbaba siya ng tingin sa aking labi at inginuso iyon nang nangingiti. When he was about to kiss me bigla namang may bumisina sa likod.

“Fuck!” pabulong niyang asik.

It’s already seven in the evening nang nakarating kami sa bahay sa Egaro. I didn’t know na alam niya na may bahay kami rito kung hindi ko lang nalaman sa kaniya kanina na nakapunta na siya dito noong si Kuya pa ang nakatira.

Nang nasa labas na ako ng sasakyan ay napansin ko si Mama na kakalabas lang din ng gate. Nang nakita niya ako ay ngumiti siya bago dumapo ang tingin kay Jace.

I kissed her cheek. “Sorry, Ma. Nagabihan,” bulong ko nang niyakap niya ako.

She chuckled. “It’s okay, at least I know you’re safe."

“Good evening, Tita. I’m sorry —”

"No, it’s okay, Jace. Thank you for taking care of Ariane. How are you, hijo?”

“All good, Tita. I’ve just started my college course."

“That’s great! Wanna come inside, let’s go?”

“Sorry, Tita, I want to, but Zian called me to come over at Kent’s.” Itinuro niya ang bahay nina Kent sa kabila na katabi lang ng amin. He told me earlier na pinatawag nga siya ni Kuya to talk about something, so I guess it’s boys’ talk.

“Ma, hayaan mo na. Baka importante —” Hindi pa ako natatapos nang tumunog ang cell phone ni Mama.

“Your Kuya’s calling — anyway, go, Jace, thank you.” Niyakap niya si Jace bago siya lumayo sa ’min para makausap si Kuya sa cell phone.

“You can go na,” sambit ko.

“Yeah. I’ll call you later.” Lumapit siya sa akin at pinatakan ng halik ang aking noo.

I hugged him. “Thank you for today.”

“I love you...” he whispered.

“Love you,” I replied.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

102K 7.7K 49
After the sudden attack of Special Forces to their base camp, Sayyana was separated from her family when a soldier caught her before she could even p...
117K 3.4K 19
A group comes to Beacon Hills, but not a werewolf pack and they are definitely not hunters. They don't like either of them in fact. Thus, what will h...
7.9K 203 9
A not to slow slow burn between you and Alastor. Are you innocent or just as guilty as your lover? In all seriousness I'm horrible at summaries so pl...
16.9M 650K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...