Before You Go (boyxboy)

By SelenoGomez

18.6K 981 10

I hate you..... but I was just kidding myself More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER TWENTY TWO
CHAPTER TWENTY THREE
CHAPTER TWENTY FOUR
CHAPTER TWENTY FIVE
CHAPTER TWENTY SIX
CHAPTER TWENTY SEVEN
CHAPTER TWENTY EIGHT
CHAPTER TWENTY NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY ONE
CHAPTER THIRTY TWO
CHAPTER THIRTY THREE
CHAPTER THIRTY FOUR
CHAPTER THIRTY FIVE
CHAPTER THIRTY SIX
CHAPTER THIRTY SEVEN
CHAPTER THIRTY EIGHT
CHAPTER THIRTY NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY ONE
CHAPTER FORTY TWO
CHAPTER FORTY THREE
CHAPTER FORTY FOUR
CHAPTER FORTY FIVE
CHAPTER FORTY SIX
CHAPTER FORTY SEVEN
CHAPTER FORTY EIGHT
CHAPTER FORTY NINE
CHAPTER FIFTY
CHAPTER FIFTY ONE
CHAPTER FIFTY TWO
CHAPTER FIFTY THREE
CHAPTER FIFTY FOUR
CHAPTER FIFTY FIVE
CHAPTER FIFTY SIX
CHAPTER FIFTY SEVEN
CHAPTER FIFTY EIGHT
CHAPTER FIFTY NINE
CHAPTER SIXTY
CHAPTER SIXTY ONE
CHAPTER SIXTY TWO
CHAPTER SIXTY THREE
CHAPTER SIXTY FOUR
CHAPTER SIXTY FIVE
CHAPTER SIXTY SIX
CHAPTER SIXTY SEVEN
CHAPTER SIXTY EIGHT
CHAPTER SIXTY NINE
EPILOGUE

CHAPTER SEVEN

382 16 0
By SelenoGomez

Nagising ako nang sobrang masakit ang ulo dahil sa kalasingan kagabi. Ni hindi ko na nga maalala kung paano ako nakauwi sa dorm.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay doon ko lang napagtantong nasa ibang lugar pala ako nakatulog kaya't agad akong napabangon ngunit nakalimutan kong may injury pa pala ako dahil sa pagkakatapilok kahapon kaya't biglang kumirot ang paa ko.

"Ugh!" Hindi ko napigilang isigaw dahil sa sobrang sakit. Sakto namang may nagbukas ng pinto kaya't paniguradong siya na ang may-ari ng lugar na tinulugan ko.

"Uy! Gising ka na pala. Bumili ako ng breakfast sa labas para pagkagising mo, may makain ka na. Meron din diyang Biogesic kasi paniguradong masakit din ang ulo mo dahil sobrang lasing ka na kagabi." Sunod-sunod na sabi ni Justin kaya't mas lalo akong nagtaka kung paano ako napunta dito.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko na hindi pinansin ang iba pa niyang sinabi. Sa ngayon, mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kakaisip kung anong kagagahan ba ang ginawa ko kagabi kung bakit humantong ako sa ganitong sitwasyon.

And of all people, bakit kay Justin pa?

"Sobrang lasing ka na kagabi. Naabutan kita sa labas ng building na nadapa kaya inalalayan kita papasok. Tinanong kita ng room number mo pero hindi mo naman masabi sa akin kaya dinala na lang kita dito sa room ko." Paliwanag nito kaya't mas lalo akong nahiya. Nadapa pa pala ako kagabi. Hindi ko na alam kung ano pang nangyari pero ayaw ko na lang malaman dahil sobrang nakakahiya talaga.

"Salamat, Justin. Hindi ka na sana nag-abala." Nahihiya kong sabi dito.

"Ayos lang, sira! Kain ka na muna bago ka bumalik sa room mo." Sagot nito at inihain na sa lamesa ang pagkaing binili niya. "Kumusta pala paa mo? Anong nangyari diyan?" Pag-iiba nito ng usapan.

"Natapilok kasi ako sa laro. Buti sprain lang. Mga isang linggo lang ayos na rin 'to." Paliwanag ko rito.

"Speaking of, congrats pala! Ang galing niyo." Bati nito sa akin kaya't nginitian ko ito.

"Salamat." Muling pasasalamat ko rito.

"Tara. Kain na." Yaya nito sa akin upang kumain na. Nahihiya naman akong tumanggi dahil bumili talaga siya ng pagkain para sa aming dalawa kaya't tumayo na ako.

Nang mapansing nahihirapan ako sa pagtayo ay lumapit ito upang alalayan ako. Hanggang sa lamesa at makaupo na'y inalalayan pa rin ako nito kaya't sobrang na-touch ako sa ginawa niya.

He doesn't deserve my hate - if there is any.

"Uuwi ka ba sa inyo ngayon?" Tanong nito upang may mapag-usapan kami.

"Hindi na. Masyadong malayo kasi 'yung probinsya namin. Sasakay pa ng barko kaya hassle talaga." Paliwanag ko rito.

"Same! Sa Marinduque kasi kami kaya hindi rin talaga okay na umuwi every week. Mapapagod ka lang sa biyahe." Sabi nito kaya't hindi ko napigilang mamangha.

"Hala? Same! Sa Sta. Cruz kami. Kayo ba?" Hindi ko inasahang pareho pala kaming dalawa ng probinsya.

"Sa Boac kami. Ang amazing naman na may kababayan pala ako tapos pareho pang mahilig sa music." Masaya nitong sabi sabay subo ng pagkaing binili niya.

"So doon ka rin naghigh school?" Tanong ko rito.

"Hindi na. Sa Saudi ako nag-aral for high school tapos bumalik na lang dito for college." Sagot nito kaya't mas lalo akong naging interesado sa mga sinasabi niya.

"Iba language doon, 'di ba? Buti naintindihan mo?" Curious kong tanong dahil ibig sabihin, inaral niya rin pala ang lenggwahe doon.

"I usually get that question a lot. May Filipino school doon kaya hindi na ako nahirapan pang mag-adjust." Napatango-tango na lang ako sa sinagot niya. Sa sobrang daming Pinoy na palang nandoon, nagtayo na pala ng sariling eskwelahan para sa kanila.

Habang kumakain ay bigla kong naalalang hindi pa nga pala ako nagtoothbrush tapos ang daldal ko na sa kanya. Naamoy kaya niya ang morning breath ko? Isa na namang nakakahiyang pangyayari kung sakali.

Continue Reading

You'll Also Like

12.1K 1K 32
Ang kwento ito ay tungkol sa isang simple, and problematic person na laging naka ngiti kahit anong problema ay hinaharap nya at di nya namalayan na m...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
288K 9.9K 77
Hindi akalain ni Dex na mahuhulog sya sa kanyang BESTFRIEND dahil pinaramdam nito sa kanya kung paano maging importante. Sa bawat araw na lumipas ay...