Alphabet of Death (Published)

By risingservant

20.1M 451K 106K

AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iy... More

Alphabet of Death
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Elmo's Note
Teaser
Announcement
Elmo's Survey
This is It!
Epilogue
Announcement II
Announcement III
Open Letter
Announcement IV

Chapter 67

242K 4.5K 1.4K
By risingservant

Xiara's POV

Ako'y inangkin mo, paroon at parito. Ibinigay ko na ang lahat sayo, ngunit hindi ka pa rin nakuntento.

Hanggang kailan mo ako lolokohin? At tila ba paaasahin? Sinusunod ko naman lahat ng iyong sabihin. At mistulan pa, na ako'y iyong inalipin.

Ang hirap pala talaga magmahal, mawawala ang iyong pagkabanal. Halos isuko mo na rin ang iyong dangal, pero siya'y umaatungal.

Tinungo ko ang aking silid, gulo-gulo ang paligid. Ako'y biglang naumid, at tila ba gusto ko ng kumuha ng lubid.

Matagpuan mo ba naman ang boyfriend mo, sa iyong silid na may kalaguyong ibang tao. Tiyak na magkukuyom ang iyong kamao, na para bang gusto mo na siyang iuntog sa semento.

Kapighatian ang aking naramdaman, nang mapansin ko ito sa kanya'y nakaunan. Nanuyo bigla ang aking lalamunan, habang sa isip ko sila'y naglalampungan.

Nagmahal lang naman ako. Pero bakit puro sakit ang tinatamasa ko? Hindi na siya nakuntento, lagi na lang niya akong niloloko.

Ang sakit lang sa puso. Tila ito'y nagdurugo. Sila'y napakagaso, kaya nakaramdam na naman ako ng pagsusumamo.

Kinuha ko ang unan sa tabi, nilamukos ko't tinanggal sa pagkakasulsi. Nagsaya kayo kagabi? Pwes, tikman niyo ang aking paghihiganti.

Sa nobyo'y ipinukol ang unan. Ang babae ay aking sinabunutan. Galit ang isinisigaw ng aking isipan, lalo pa't sila'y nagkuwan.

"Tumigil ka na Xiara! Sayo ako'y naaalibadbaran na! Tila ako'y sawa pa, sa hinaharap mong hindi masagana." Pagpigil sa akin ni Kian sabay bato sa mukha ko ng isang lalagyan.

"Hindi ka kasi magaling. Pagdating sa kama, sa akin siya nahumaling! Magtigil ka't ika'y dumaing, hanggang sa marinig namin ang iyong halinghing." Sambit ni Hannah na kay sarap tusukin ang mata.

Pilit nila sa aking ipinagduduldulan, sa kama ako'y talunan. Hindi ba nila nararamdaman? Na ako'y higit na nasasaktan?

"Porke't ba hindi ko binigay ang nais mo, ibabasura mo na lang ako? Sex lang ba ang habol mo? Pwes, magpakasaya kayo!" Pag-aalumpihit ko. Ang sakit lang sa puso. Unti-unti na akong nadudurog dito sa kinatatayuan ko.

Ang saklap lang! Laman ko lang pala ang nais niya! Bakit ba sila ganyan? Mga lalaki talaga! Argh! Ako tuloy ngayo'y nagdurusa.

"Magsama kayo! Magpakaligaya hanggang sa impiyerno! Sulitin niyo ang nalalabing araw niyo, baka magulat kayo, sa pagganti ko sa inyo." Sigaw ko na may bahid ng panggagalaiti.

Tanging kumot lang ang nakatakip sa kanilang katawan. Talagang masisilayan mo ang kanilang laman. Kaya bugbog sarado sila sa aking isipan, lalo pa't ako'y kanilang pinaglaruan.

Dali-dali kong sinampal si Hannah. Bakas ang pagkairita sa kaniyang itsura, kaya naman hindi niya ako masupla. Lalo pa't nag-aalinlangan siya.

Lumabas ako sa aking kwarto. Tinungo ang kusina ko. Kumuha ako ng isang baso, at nilagyan ng malagkit na likido.

Akala ba nila'y susuko kaagad ako? Sa kanila ako'y magpapatalo? Hindi pa ako hilo! Kaya ipapatikim ko sa kanila ang aking paghuhurumintado.

Pagkabalik ko, hinihilot ni Hannah ang kaniyang sentido. Para bang naalog ang utak sa pagkakasampal ko, aba! Hindi ako magpapatinag noh!

Nang muli nila akong makita, napamulagat bigla ang kaniyang mga mata. Katawan ni Kian ay niyapos niya, na akala niya, ako'y mapapaalunsina.

"Oo nga't masakit! Halos ako'y magmurit. Mabuti na lang, pasensya sa aki'y nakasakbit, kaya may tyansa pa kayong mag-painit." Pahayag ko habang tangan-tangan ang isang baso. Puso ko'y nagsusumamo, kaya luha'y dumadaloy sa mukha ko.

"Hayaan mo na kami! Nararamdaman mo sa aki'y isantabi. Sapagkat sa paningin ko'y isa ka lamang tutubi, na sa pag-ibig namumulubi." Singhal ni Kian na tumagos sa kaibuturan ng aking puso.

Para akong sinaksak ng sampung patalim. Mundo ko'y biglang nagdilim. Sinabi mo ay aking kinimkim, na ngayo'y naging karima-rimarim.

Ibinuhos ko bigla kay Kian ang laman ng baso, dahil nakayapos sa kaniya si Hannah, pareho silang nag-inaso. Halos lamunin ako ng galit ko, kaya minabuti ko munang magpakalayo.

Sa damuhan ako dinala ng mga paa ko. Masamyong hangin ang nalalanghap ko. Panibugho'y ginigiba ko, hanggang sa ako'y maging kalmado.

Sa aking pagninilay-nilay, isang lalaki sa gilid ko'y humayahay. Panyo sa akin ay inalay, hanggang sa siya'y aking maging dantay.

"Ilabas mo lang ang sakit na dinadala mo, hindi naman masamang magsumamo. Nandito lang ako sa tabi mo, na lagi namang taga-sapo ng problema mo." Turan niya sabay kurap ng kaniyang mga mata.

"Maari mo ba akong bigyan kahit na kaunting pag-asa? Upang hilumin ang puso mong puro pasa na? Hindi naman ako kagaya ng iba na isang pa-asa. Sana naman, puso mo ay aking muling mapagana." Sambit ni Tantan na kababata ko.

Nagulat talaga ako sa kaniyang tinuran. Batid mong may pinanghuhugutan.

"Sa pagsulyap ko pa lamang sa iyong mga mata, puso ko'y binihag mo na. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan ka, lalo na't napansin kong mabigat ang iyong dinadala." Dagdag pa niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Halos ako'y matunaw, at tila ba biglang gininaw. Pahingi namang anahaw, pangtabing lang sa aking balikakaw.

"Inabot ko sayo ang paborito kong panyo, inaming nabihag mo agad ang aking puso. Pero ang pag-ibig ko sayo'y napako, matapos bitawan ang katagang lumaslas sa aking puso." Singhal niya sabay pakawala ng buntong-hininga.

Naalala ko tuloy noon, habang nasa bakasyon kami sa Bukidnon. Umamin siya ng pag-ibig sa akin, ngunit sakit ang dinulot ko sa kaniyang damdamin.

"Ang tainga ko'y nagpanting, para akong sinalakay ng isang libong pating. Iniisip kong sana'y isa na lamang akong daing, para hindi na ako makaramdam pa ng hinaing." Wika niya habang puso'y kunwaring nasa kapighatian at wari mong nasasaktan.

"Hindi ko naman paglalaruan ang iyong puso. Hindi ko rin ito sasaktan na parang isang tuso. Bagkus, ako ang magtuturo, at pipigil, upang ito'y hindi na dumugo." Pagtutuloy niya na umantig bigla sa aking puso.

Hindi ko alam kung ano ang nakain nito, pag-amin niya muli sa akin ay napakaseryoso. Dapat ba akong maniwala sa taong ito? Kahit na hindi siya ang mahal ko?

"Ang gusto ko lang naman ay mapasaya muli kita. Tulungang makalimutan ang mga nasawing ala-ala. Kaya sige, hahayaan ko muna ang puso mong magpahinga. Hanggang sa mapagtanto mo na ako'y mahal mo na." Pagtatapos niya habang siya'y wagas na nakangiti sa aking harapan.

Hindi ko alam kung ako'y kikiligin, o nagngingitngit lang talaga ang aking ngipin. Kung kayo ang papipiliin, puso ba o isip ang susundin?

Maraming beses na akong nasaktan. Pero mga ala-ala ay sadyang hindi ko makalimutan. Siya lang talaga ang namumutawi sa aking isipan, at isinisigaw ng aking kalooban.

Mahal ko o mahal ako? Katagang nagpapagulo sa isip ng tao. Puso ba'y dapat nang ikandado? O pagbuksan ang sinumang kumatok dito?

Ako'y naging sawi, pero hindi nagpatinag sa pagdadalamhati.

---

Naalala ko na naman ang kahayupang ginawa nila sa akin. May pasweet-sweet pa sa akin si Kian noon. Akala ko totoo ang lahat ng ipinakita niya. Kasinungalingan lang pala! Bwisit siya! Masunog nawa ang kanilang kaluluwa.

Pagkarating ko sa bodega, isa-isa ko silang binuhusan ng isang timbang tubig para sila'y magising.

"Xiara?" Hindi makapaniwalang sambit ni Agatha. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng ako'y makita niya.

Si Agatha ay nakatali ng kadena sa sahig. Sinugurado ko syempre na hindi siya makakawala. Sa bandang kanan niya, nandun si Ethan at nakagapos pahiga sa isang sementadong lamesa. May mga itak na nagbabadyang bumaksak sa kaniya. Sa kanan niya, si Kian na nakagapos sa dingding. Posas talaga ang ginamit ko sa kaniya dulot ng puot ko. Sa kanan niya, si Mark na nakaupo at nakagapos sa silya. Nakababad ang paa niya sa isang plangganang naglalaman ng tubig. At sa kaniyang harapan, matatagpuan si Roxette na hinang-hina na. Nilatigo ko kasi. Haha!

Ngayong gising na silang lahat, maaari ko na silang patayin isa-isa. Haha!

"Kahibangan Xiara! Maghunos-dili ka!" Bulyaw ni Kian. Minabuti kong huwag silang lagyan ng busal para makausap ko sila.

"Halang ang kaluluwa! Masunog ka sana sa kadagat-dagatang apoy!" Singhal sa akin ni Mark na akala mo naman ay magaling.

"Xiara please, paano mo naaatim ang kababuyang ito?" Mahinahong pahayag ni Ethan.

"Hahaha! Galit ako sa inyong lahat! Papatayin ko kayo! Haha!" Pagdidiin ko. Dahil sa ngitngit, hinila ko ang buhok ni Roxette para mapansin siya ng mga ito na buhay pa.

"Ahhh!" Pagpalahaw niya ng sigaw. Natutuwa ako dahil batid ko na ang magiging reaksyon nila.

"Roxette!" Pagsigaw nila ng sabay-sabay. Wari mo'y alalang-alala sila dahil ngayon lang muli nila nakita ang dalaga.

"I love you Roxette! Salamat sa Diyos at buhay ka pa!" Mainit na pahayag ni Ethan. Nag-iingat siya sa pagkislot. Dahil konting galaw lang, sa kabilang buhay ang kaniyang tuloy. Haha!

"Nasaan sina Ginny at Karlo? Anong ginawa mo sa kanila?" Singit ni Agatha na palinga-linga sa paligid.

Binitawan ko ang buhok ni Roxette at tinungo ang kinaroroonan ni Agatha at sinampal siya. Dahil doon, napasubsob siya sa sahig.

"Xiara tama na!" Pag-awat sa akin ni Roxette. Aba, sa dami ng galos niya sa katawan ay nakakaya pa niya gumalaw.

Tumayo ako at hinarap ko silang lima.

"Sad to say guys, pinatay ko na sila! Haha! Eto ang ebidensiya." Wika ko sabay labas ng phone ko at ipinakita ko sa kanila ang aking selfie with Karlo and Ginny.

"Anong ginawa mo kay Ginny? Bakit mo binaboy ang kaibigan ko?" Pagtaghoy ni Roxette. Napayuko na lamang ang iba sa takot at kaba. Batid kong naiiyak silang lahat. Mabuhay ka Xiara! Haha!

"Matalino ka Agatha hindi ba? Pwes, ipaalam mo sa kanila ang death word nung dalawa! Sagot!" Panglalamirot ko sa kaniyang pisngi. Hindi ko sukat akalain na titiklop din pala silang lahat sa aking mga kamay. Haha!

"Kidney ang death word ni Ginny. Tutal ay kidney ang nakamodel sa picture. Beheaded naman ang death word ni Karlo. English ng pinugutan." Umiiyak niyang sambit. Ngayon ko lang nakitaan si Agatha ng takot.

"Magaling.." Sambit ko habang ako'y pumapalakpak sa tuwa.

"Tama na Xiara, please.." Pagmamakaawa ni Roxette. Gustuhin ko mang kaawaan sila, kaso lang, wala na rin akong awa ngayon! Haha!

"Pakawalan mo na sila. Tutal ako naman ang puno't dulo ng lahat kaya ka nagkakaganiyan hindi ba?" Atungal ni Kian na higit na pumukaw sa aking atensiyon.

"Tama ka, sayo nga ako galit na galit eh! Pero hindi ko hahayaang may makaligtas! Mamamatay kayong lahat! Pero bago iyon, pahihirapan ko muna kayo bago ko kitilin ang inyong mga buhay." Sambit ko habang ako'y nakahalukipkip.

Tinungo ko ang lamesa at pinagmasdan ang mga gamit na maaaring kumitil sa kanilang buhay.

"Eenie meenie minimo.. sino kaya sa inyong lima ang uunahin ko? Haha!" Paglalaro ko sa kanila habang tinuturo sila isa-isa.

"You! Ikaw nga ex-boyfie! Haha! See you in hell! Haha!" Sambit ko habang humahagalpak ako sa katatawa. Dinampot ko ang chainsaw sa lamesa at pinaandar ang makina.

"Pahirapan o madalian? Haha! Lasapin mo ang bagsik ng aking paghihiganti!" Panggagalaiti ko at dahan-dahan akong lumapit kay Kian.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 391K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
8.2K 794 11
"If I could just steal all the happiness in the world, my life would be more interesting..."
25.3M 848K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)