Worthless (Published Under MP...

Door jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... Meer

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 59

1.6M 40.2K 25.2K
Door jonaxx

Kabanata 59

You're Mine

Tahimik akong pinapanood ang dagat habang pabalik kami sa isla. Nasa harap ako ng speedboat ngayon at ayaw kong lumingon para makita siya sa loob ng cabin.

Papalapit na sa tabing dagat ay humawak na ako sa railing para dumiretso sa hagdanan nito kung sakaling tumigil ito sa pagtakbo. Nang nakalapit na ay itinigil na ni Noah ang makina. Ramdam ko ang bawat hampas ng alon sa speedboat. Nakita kong sinalubong ng dalawang taga roon ang lubid ng angkla ng speedboat.

Bumaba ako nang nakitang hanggang tuhod na lang ang tubig. Napamura pa ako nang muntik nang natalisod sa dulas ng hagdanan.

Naramdaman ko ang paglabas ni Noah sa cabin. Imbes na lingunin siya ay dumiretso ako sa paglalakad. Hindi pa nakakalayo ay isang bagsak lang ang narinig ko sa tubig at alam kong nakababa na siya.

Tutok ang araw sa tanghaling langit at dire diretso lang ako patungo sa aking casita. Iniisip kong tanghali na ngunit hindi ako dinalaw ng gutom. Siguro ay dahil iyon sa nangyari sa amin ni Noah.

Pagkabukas ko ng pintuan sa aking casita ay mabilis na hinawakan ni Noah ang braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Let's talk." Malamig niyang sinabi samantalang sinasarado ang pintuan ng casita ko sa likod niya.

Nagtama ang paningin namin. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan sa mga tanong sa utak ko. Binitiwan niya ang braso ko. Tumikhim ako at humakbang patungo sa sofang malapit sa malaking bintana na tanaw ang dagat.

Nanatili siyang nakatayo malapit sa pintuan. Naka tshirt at black board shorts. Basa pa ang bikini ko sa ilalim ng aking puting dress ngunit hindi ko magawang tumayo para magbihis muna.

Nag angat ako ng tingin nang humakbang siya palapit sa akin. Tatabi siya sa akin? Abot-abot ang lakas at bilis ng pintig ng puso ko. God, his effect on me. Bahagya akong umatras para mabigyan siya ng espasyo.

"Do you want to ask or do you want me to say something?" Mahinahon niyang sinabi nang bumagsak ang tingin ko sa aking mga paang inakyat ko sa sofa.

I can't believe he asked me that question. Nagkibit balikat ako. "I want you to talk." Sumilip ako sa kanya habang niyayakap ang aking tuhod.

"Okay, miss." Huminga siya ng malalim. "I'm sorry about that picture. Alam kong hindi mo inasahan iyon. Matagal na iyon. College pa lang ako."

Kumunot ang noo ko. "College ka? Hindi ba ay si Coreen ang mahal mo non?" Hindi ko maiwasan ang tabang sa aking tono.

Tumitig siya sa akin. "It's not hard to like Coreen, Meg. At ganon rin si Divine nong mga panahong iyon."

Inangat ko ang ulo ko. "You liked them both?"

Umangat ang labi niya. "I find Divine interesting. She's a good singer. I must admit, sa panahong iyon ay mas sikat ang kanyang banda kesa sa amin nong naroon pa si Wade. Kahit na umalis na si Wade at nag disband kami pansamantala ay hindi siya tumigil sa pagsuporta sa amin. She became our vocals... sa ilang fun gig namin."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na naging bokalista ng Zeus si Diva.

"Ang sabi niya ay kahit noong highschool pa siya at si Stan pa ang vocalist namin ay sinusubaybayan niya na kami. May mga stickers siya namin. 'Yong mga ginawa niyo noon ni Wella nong high school pa tayo. She even made a scrapbook for Zeus."

Nanliit ang mata ko. "Madali kang mahumaling sa mga fan girls mo, Noah."

Tumitig siya sa akin. Sa sobrang bigat ng titig niya ay natahimik ako at nag iwas ng tingin. "Ano pa ang gusto mong malaman?" Mahinahon niyang sinabi.

Ngumuso ako at tumitig sa maputla kong kuko sa paa. Marami pa, Noah. Hindi ko siya tiningnan nang tinanong ko sa kanya ang bagay na matagal nang nagpapagulo sa akin.

"Bakit... tsaka mo lang ako niligawan nong magpapakasal na si Coreen at Rozen?" Tanong ko.

Ang kanyang kamay ay inilapit niya sa aking baba at marahan niyang inangat ang ulo ko para magtama ang aming paningin. Umilag ako sa ginawa niya at bahagyang pinangunutan ng noo. Isang beses pa niyang ginawa iyon at nang nasulyapan ko nga siya at pumikit ako ng mariin.

"You're right. I have a strange preference towards girls who dedicate their time for the band. Maybe it reminds me of someone."

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa.

"The 'fan girls' you are talking about, Meg. I like them because it reminds me of someone who left. Ayaw ko mang aminin noon at gusto ko mang iwasan ang mga babaeng ganon dahil nadala na ako sayo ay palagi nilang nakukuha ang atensyon ko."

Ngumuso ako at tulala parin sa kawalan.

"Nong umalis ka at sinabi mo saking si Coreen ay magugustuhan ko, inisip kong umiwas kay Coreen. Nagtataka ako noon kung bakit gustong gusto ni Rozen si Coreen, I got so curious kaya binanggit ko iyon kay Stan. Inisip kong baka..." Tumigil siya. "Baka nalaman mo na nagtatanong ako tungkol kay Coreen. Baka inisip mo na hindi naman talaga ako seryoso sayo kasi naghahanap pa ako ng ibang babae. Kaya mo rin siguro ako pinagtulakan sa kanya kasi inisip mo na espesyal siya sa akin when in fact I was just real curious. I like older girls, bakit si Rozen ay mas nagugustuhan ang mga mas bata? Isn't it weird? Nong nalaman ko na gusto ako ni Coreen ay umiwas ako. And you know why, Meg. I'm sure you know why."

"I don't know." Sabi ko at hinalikan ang tuhod ko.

"God!" He sighed. "Kasi tayong dalawa hindi ba, noong high school? Tss..."

Huminga ako ng malalim. "But then... you did not answer my question, Noah. Bakit tsaka mo lang ako niligawan nong nalaman mong magpapakasal na si Rozen at Coreen?"

Bahagya siyang natawa sa frustration. "Matagal ko nang alam na si Rozen na at Coreen. Matagal na rin kaming nagkasundo ng kapatid ko. He's just a real jealous boy. Magkaibigan kami ni Coreen and I loathe you to the depths. You left me, pagkatapos ay babalik ka ditong mahal mo pa ako pagkatapos kong malaman na may iba kang kahalikan sa States? Are you fucking kidding me? Noong una ay gusto kong kalimutan na lang ang lahat, makipag kaibigan na lang sayo and that's that. But who am I kidding? Hindi ko kaya iyon sayo. Having you near me and not marking you an Elizalde will send me straight to hell, Miss."

Hindi ako makapagsalita. Inangat niya ulit ang baba kong nakapatong sa aking tuhod. Nang nagtama ang aming paningin ay kitang kita ko ang pamumula ng kanyang mga mata. Para bang may luhang nagbabadya ngunit hindi makalabas. Right! Noah never cries. It is not in his nature to cry. Kahit anong mangyari.

"Matagal ko nang alam ang tungkol sa kanilang dalawa, Meg. Kung bigo ako kay Coreen kaya kita liligawan ay dapat noon pang nalaman kong sila na ay niligawan na agad kita. No... There are reasons I couldn't say... One things for sure, pinangunahan ako ng galit ko sayo. I love you and I'm mad at you at the same time." Iling niya.

Ang isang kamay niya ay hinawakan ang buol ng aking paa. Bahagya akong nakiliti. Binaba ko ang mata ko sa kanyang kamay ngunit agad niyang inangat ang baba ko para magkatitigan ulit kami.

"Kaya pinilit ko si Coreen na magpanggap. Coz I want you to see that you're not the only one for me. God knows how much I despised business. Your dad wants me to be in the business world, Meg. He told me I'm not good enough for you. Na kahit gaano mo ako ka gusto ay hindi niya papahintulutan na maging tayo. That you are only playing. He told me to remember that you will always choose to answer what they want. Kahit na maging tayo ngayon ay pag sasabihin nilang lumabas ka ng bansa ay lalabas ka ng walang pagdadalawang isip. Damn, you didn't know what I've gone through nong nawala ka kaya halos manginig ako nong sinabi niya iyon sa akin."

Umiling ako. I would never do that to him again. Iba iyong noon sa ngayon. I was a kid. I was helpless! Nangilid ang luha ko habang naaalala iyon.

"Kahit na iniwasan kita, sinubukan ko parin ang gusto ng daddy mo."

"My dad... is a big time jerk." Bumuhos ang luha ko at pinunasan ko ito gamit ang aking daliri.

Pinunasan niya rin ang gilid ng mga mata ko. "Don't blame him."

"Ano pa ba ang mga sinabi niya sayo? Are those the reasons you are talking about? The reasons you could not say?"

"Somehow, challenge iyon para sa akin. Nong nasa New York ka pa lang ay nag iinvest na ako sa ilang kompanya, hindi ko nga lang sineryoso. I'm content of what I have. Nong bumalik ka ay tsaka ko pa lang sineryoso. The last time your father and I talked bago naging tayo ay noong umalis si Liam sa banda. Yes we were devastated but I am not really shaken at all. Your father told me to see him. At sinabi niyang narinig niyang marami na akong nainvest sa ibang kompanya. He told me that I should build my own investing company."

Nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwalang nakipagkita si daddy sa kanya.

"That was my cue, I knew he was giving me a chance. Sinabi ko sa kanya na wala akong planong gumawa ng kompanya. He got disappointed again."

"Sana ay hinayaan mo na lang si daddy..." nanginig ang boses ko. "Why is it such a big deal for you, Noah?"

"Because, miss, I am traditional." Aniya at nilagay sa tainga ko ang takas na buhok. Hanaplos niya ang pisngi ko. "He got disappointed but when I told him I'm gonna invest on Moon Records, hindi siya nakaimik."

Nanlaki ang mata ko.

"Naghintay ako, Meg. Naghintay ako bago kita pinormahan ulit. I tried to push you away because I was damn scared. Yes, I got really scared. Scared that it's easy for you to walk away from me."

Umiling ako. "Sa tingin mo ba ay madali iyong ginawa ko nong umalis ako noon? Hindi iyon madali, Noah. I was helpless that time. I'm only a kid."

Umiling rin siya. "Yes, it's not easy. But hell it's more difficult to leave. Kung ako ang nasa sitwasyon mo noon ay hindi ako aalis. Pero tapos na iyon. I don't wanna look back." Bulong niya at lumapit siya sa akin.

Ang aking paa ay inangat niya at nilagay sa kanyang gilid. Ang mga hita niya ay dumikit na sa aking palda. Ang katawan niya ay lumapit sa katawan ko. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa tuhod ko.

"Nong umalis ka at nalaman ko ang lahat ng nangyari sa States, gusto ko na lang kalimutan ka. Kuya Dashiel told me to try other girls." Ngumisi siya.

Kumunot ang noo ko.

"So I dated Coreen. She's like you. She likes the band. She's a fan girl, miss, just like you." Bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko.

"It's like Megan all over again. But this time, she won't leave. Kaya madali ko siyang nagustuhan. She'd pursue me kahit malupit ako. She's like my Megan." Pabulong niyang sinabi.

Huminga ako ng malalim at pinaglaruan ang tupi ng t shirt niya sa braso. "Masasaktan mo lang siya, kung ganon."

"But then she told me that she's falling for my brother." Aniya. "Of course I got hurt, miss. It's like Megan's falling for someone else. Pero inisip kong oo nga pala, si Coreen ito. Si Megan ay nasa States, nakikipag halikan sa ibang lalaki. Kaya nanatili akong kaibigan ni Coreen. She's my best friend. Nong wala si Rozen ay kami ang magkalapit. And when Rozen came back at iritado siya sa akin dahil sa pagiging malapit namin ay gusto niya agad agawin si Coreen." Tumawa siya.

Nagkatitigan kaming dalawa.

"Yes, I liked Coreen, I liked Diva, because both of them remind me of that certain fan girl years ago..."

"Kung may ibang mag fan girl sayo, baka sila naman ang gusto mo." Sabi ko ng wala sa sarili.

Kumunot ang noo niya. "Why are you suddenly so insecure?" Ngumuso siya para magpigil ng ngisi.

"I'm not, Noah. I'm just saying... na parang... ganon." Nag iwas ulit ako ng tingin.

"Oh come on..." Humalakhak siya at inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. "Isang fan girl ko lang, sapat na sakin."

Mabilis ang pintig ng puso ko habang ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. God, Noah. Parang nabunutan ako ng tinik sa lahat ng sinabi niya.

"You cried for Coreen..." Sabi ko kahit alam kong sinabi ni Coreen ay hindi naman niya ito nakitang umiyak.

"What?" Natatawa niyang sinabi. "Hindi umiiyak ang mga lalaki, Meg."

Napatingin ako sa kanya. Matalim ang mga mata ko at halos sapakin ko na. "Tao ang mga lalaki. Ang mga tao ay umiiyak pag nasasaktan, masaya, o ano pa mang dahilan. You can't say that. Marami na akong nakitang umiyak na lalaki, Stan, Rozen... name it."

"Well, I don't cry." Ngisi niya. "Hmm. Pagnasasaktan ako, masakit sa puso. Nong nakita kong umiyak si Divine kasi namatay 'yong papa niya, nasaktan ako. Nong sinabi ni Coreen sa akin na lumayo na muna dahil baka mag selos si Rozen ay nasaktan din ako." Aniya habang nag iisip.

Tumango ako. Siguro ay ganon talaga siya.

"Nong iniwan mo ako sa ere habang nag po-propose ako, nasaktan ako. Sobra sobra." Mahinahon niyang sinabi. "Alam kong bad timing iyon dahil sa picture namin ni Divine. But then hindi ko naisip na tatalikuran mo ako para sa maliit na bagay na iyon-"

"I got worried, Noah. I'm sorry." Pumikit ako at naalala ang party ko. "I'm sorry. inisip kong mawawasak ang banda pag nawala ka, may mga bagay na hindi ko alam sa inyo ni Diva, at isa pa... Diva told me that I'm just a rebound. Kasi niligawan mo ako pagkatapos mong malaman na ikakasal na si Coreen at Rozen."

Umigting ang panga ni Noah habang tinititigan niya ako. "And you believed her?"

"Noah..." Naghanap ako ng salita. "Wala akong alam. Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Somehow, natakot ako. Na baka totoo."

Umiling siya. "Meg, I am not shallow. I will never ever settle for anyone just because my love is taken. If you were taken, hindi mo ako makikitang magpo-propose kay Divine the next day. That doesn't work for me. I might have a new girlfriend pero hindi ko siya maihaharap sa altar. I told you, I am traditional. Ang ihaharap ko sa altar at papangalanan kong Elizalde ay ang babaeng mahal ko." Aniya.

"Would you give your name to Coreen, Noah? To Diva?"

He sighed. "What am I gonna do with you, Maria Georgianne? I won't do that. Hindi ko makakayang pakasalan ang isang tao dahil lang nakikita kita sa kanya."

Natahimik ako at nilagay ang kamay sa aking tuhod. Kinuha niya iyon at hinalikan.

"What am I going to do with all your insecurities? I'm sorry, Meg. Alam kong ako rin ang dahilan ng mga iyan." He kissed my fingers again.

Tiningnan ko ang mga daliri ko.

Ngumisi siya. "You're damn jealous and insecure. Tingin mo ay may mang aagaw sa akin."

Sinapak ko ang braso niya nang narinig ko ang kanyang halakhak. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Tapos? Anong gagawin mo pag may mang aagaw sakin? Come on, Marfori. Anong gagawin mo?"

"Tumigil ka, Noah." Sabi ko at sinapak siyang muli.

"Are you going to bitch about it? You're gonna put up some damn high walls around me?" Halakhak niya.

"Noah..." Kumunot ang noo ko.

"Come on..." Nagtaas siya ng kilay. "Are you gonna own me, finally?" Bulong niya.

Hindi ako nagsalita. Hinalikan niya ang aking pisngi. Hindi ako makapiglas dahil ang dalawa kong kamay ay hawak hawak niya ng mahigpit. Umilag ako sa nakakakiliting halik niya sa aking leeg.

"'You're mine', say it, Meg. Say it." Aniya habang hinahalikan ako sa leeg pababa.

Ginalaw ko ang binti ko ngunit pati iyon ay pinirmi niya. Tinutulak niya na ako dahil sa mga halik niya.

"Noah..."

"Say it, Meg. That you own me," bulong niya.

Kinagat ko ang labi ko nang tumigil siya. Hinahabol niya ang kanyang hininga at pulang pula ang kanyang labi dahil sa pag halik sa akin kung saan saan.

"You're mine, Noah." Ngisi ko at agad uminit ang pisngi ko.

Ngumiti din siya. "Now... are you finally willing to be my wife?"

Tumango ako at napamura siya.

Hinalikan niya ang aking labi ng malalalim at mapupusok na halik. Pumikit ako at sinabayan siya.

"Everytime you enter my mouth, I get turned on big time." Bulong niya. "We'll stay here for a couple of days. Papatayin rin naman ako ng daddy mo, lulubus lubusin ko na."

Ngumiti ako sa sinabi niya.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

99.7K 1K 27
Mackenzie G. Lopez fall in love to mr.Genius Nicolo Irie F. Xiang the number one student in Conan High University Paano kapag may ginawa si Mackenzie...
605K 21.8K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
205K 3.8K 21
Dice and Madisson