Kabanata 6

1.6M 39.7K 22.1K
                                    

Kabanata 6

I am Sorry

Hinaplos niya ang pisngi ko at agad akong umigtad sa kanyang ginawa. Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya. His smirk was leering.

"Yesterday, my brother and I talked..." Ani Rozen.

Ilang beses na kaming nag usap. We weren't formally introduced or what. Hindi ko alam kung anong nagdadala sa kanya at bakit pumupunta siya sa akin tuwing may sasabihin siya tungkol sa kanyang kapatid. Pero nakilala ko na rin siya dahil tulad ni Noah ay sikat din siya sa buong eskwelahan.

Nagawi lang naman ako sa mga Grade 11. Warshock ang aura sa kanilang mga corridors. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa mga gagong madalas ay nasa batch nila. At hindi ko maipagkakaila na isa sa mga gago na iyon ay ang kapatid ni Noah.

"And?" Nagtaas ako ng kilay.

Paikot ikot siya sa akin habang kinakausap ako. May mga kasama siyang mga barkadang babae at lalaki na nakatingin lang sa amin sa gilid at walang pakealam.

"At pinuri niya si Coreen." He told me.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Where is he going with this? I didn't know. Hinayaan ko siyang magpatuloy.

"Hindi niya iyon madalas ginagawa." Tinagilid niya ang kanyang ulo, ang diamond earring na tulad nong kay Noah ay kuminang.

Tumango ako. "Tapos?"

Ngumiti pa siya lalo. "I thought you're stealing his heart?"

"His heart is his, Rozen." Sabi ko.

Humalakhak na siya ngayon. Ang iilang buhok ko ay sinabit niya sa aking tainga at nakita kong ilang babae ang natigilan dahil sa ginawa niya.

"And besides? Puri pa lang naman. Are you so scared and insecure he'll get your girl?" Nagtaas ako ng kilay.

Napawi ang ngiting nanunuya sa labi ni Rozen. Tingin ko ay may naapakan ako. Bull's eye, Megan. I want to stop talking but I also want to see if I did hit the bull's eye.

"Oh wait. She isn't your girl yet. She's still Noah's girl."

"Shut up, Megan." Iritado niyang sinabi.

Nakakabingi na ang katahimikan sa paligid. Tingin ko ay naghihintay na lang ng signal ang mga kampon niya bago ako sugurin at patayin sa harapan ni Rozen Elizald. Humalukipkip ako. You won't hurt a girl, Elizalde. At least not physically.

"Bukod ba sa mga kabaliwang ginagawa mo sa banda nila, wala ka na bang ginagawang iba para mapansin niya?" Nagtaas ng kilay si Rozen at seryoso akong tinanong.

"Rozen, maraming crush si Noah. So what if pinuri niya si Coreen. Pinuri niya lang 'yon. Stop freaking out. You are such an obsessed freak."

"I don't know who's an obsessed freak between us, Megan." Ngumiti siya.

Ngumuso ako at tumango. "Okay. I told him to appreciate his fans. Hindi 'yong iniisnob. If I was obsessed, I'd tell him to stop looking at other girls-"

"Hindi mo siya masasabihan niyan dahil hindi kayo magkasundo. Kasi kung nagkakasundo kayo, paniguradong iyan ang hihilingin mong gawin niya. Admit it, Megan. Don't be too tight. Loosen up. You want my brother for yourself."

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon